Kung kailan namang anniversary, saka pa nakipaghiwalay ang long-term-boyfriend ni Valerie. Ang ending, super brokenhearted ang bida natin. Para mabawasan ang lungkot, napagpasyahan na lang niyang umalis sa bahay nila at magrenta sa malapit sa trabaho niya. Kaya lang, ang mamahal na ng renta ng mga paupahan sa ngayon. Kulang na kulang ang budget niya dahil isa rin siyang working student. Saan siya hahanap ng mura e halos lahat ang mamahal na. Saan puwede tumira nang wala gaanong gastos? Sa ilalim ng kanal? Sa labas ng mga convenience store? Buti na lang, to the rescue ang friend niyang beki - si Kendra. May kakilala pala itong nagrerenta sa murang halaga na willing magkaroon ng kahati sa kuwarto at sabi ay mabait naman daw. Yon ang sabi. Hindi diyan natatapos ang kanyang problema dahil ang magiging roommate daw niya ay isa palang lalaki. Para rin daw pumayag ang landlady na magsama silang dalawa, magpanggap silang mag-jowa. OMG! Paano na? Hindi pa ba niya itutuloy ang pagrerenta kung isang hot roommate pala ang kanyang makakasama?
View More"Nandiyan na siya," sabi ni Brayden nang marinig namin ang mga katok sa pintuan. Tumayo siya at akmang lalapit sa pinto para pagbuksan yon pero nagsalita ako."Yong landlady? Si ate Rona?""Yup," mabilis niyang sagot saka tuluyang pumunta sa pinto.My God! Bumibilis ang pagtibok ng puso ko sa isiping kailangan kong magpanggap na girlfriend ng bagong rommmate ko. May choice ba ako ngayon? Wala. Kailangan kong sakyan ang sitwasyon ngayon or else, saan pa ako mapunta. Baka maging homeless na lang ako.Natanaw ko ang medyo matabang babae sa harap ng pinto, nakapusod ang kanyang kulot na buhok. Palinga-linga siyang pumasok sa loob. Dumagundong sa bilis ng pagtibok ang puso. Di ko alam bakit ako kinakabahan."Hi, ikaw si Valerie?" bati ng babae sa'kin.Nakipagkamay ako at nginitian siya. "Opo, ako po. Nice to meet you po."Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Napalunok ako sa paraan ng pagkilatis niya. Ano kaya ang sasabihin ko? Ako ang girlfriend ni Brayden. Saan kami nagk
Walang pag-aalinlangan na tinanggap ko na ang offer na maging roommate ng kakilala ni Kendra. Napakamura na ng renta at hati pa kami sa renta. Saktong-sakto sa aking iniingatang budget. Heto nga at kumakatok na ako sa pinto ng kuwarto na rerentahan ko bitbit ang mga bag ko. May maleta akong dala, dalawa at knapsack sa likod. Okay na siguro 'to. Isang linggo na mula nang nakipaghiwalay sa akin si Ryal at unti-unti namang bumubuti ang lagay ko. Magpapakasaya ako. Promise ko sa sarili. Nakaka-excite. Oo nga pala, lalaki raw ang magiging roommate ko. Ano kaya hitsura niya sa personal? Sabi ni Kendra pogi raw at malaki katawan. Walang sumasagot sa mga katok ko. Ang sabi ng landlady, mauna na raw ako sa room kahit kumatok muna ako at pagbubuksan naman ako ng aking bagong roommate kasi wala raw pasok sa work yong roommate ko. Saka dalawa naman ang higaan, double deck na higaan saka may upuan mahaba na puwedeng tulugan. May dala na rin ako pepper spray sakaling bad guy ang roommate ko. Ka
"Sumagot ka," pag-ulit ko sa sinabi ko kasi bigla na lang siyang nanahimik.4 years, 4 years ko siyang minahal. Hindi naman siguro kami magtatagal nang gano'n kung ako lang ang nagmahal sa aming dalawa. 4 years siya ng buhay ko kaya nasasaktan ako sa isiping magkakahiwalay kami."Val, kasi—""Kasi ano?""Aaminin ko na. May nagugustuhan na akong iba."Parang nabingi ako sa huling limang salitang sinabi niya. May nagugustuhan na siyang iba. Nagsawa siya sa'kin dahil may iba na pala. Hindi pala siya mag-iiba kung walang iba kaya kumpirmado nga. Yon naman talaga ang kutob ko. Hinintay ko lang na umamin siya. Masakit pero kailangan kong magpakalakas."Ano'ng nagustuhan mo sa kanya na wala sa'kin?" tanong ko pa kahit masakit na. Kahit gusto ko nang umiyak nang malakas at ibuhos lahat ng luha na nagbabadyang tumulo galing sa mga mata ko."Madalas kami magkita."Tumulo na naman ang makukulit na mga luha ko. Kahit ano'ng pigil ko ay wala na akong nagawa. Dalawang mata ko na ang lumuluha habang
Valerie Maya't maya kong tinitingnan ang gift box na nasa harap ko na may kasamang chocolates at isang cake. It's our 4th anniversary ni Ryal at nakapagsunduan naming magkikita rito sa favorite restaurant namin kaso mga 30 minutes na akong naghihintay, wala pa rin siya. Sinipat ko ang oras sa phone ko. 5:35 PM na pero wala pa rin siya. Saan naman kaya nagpunta ang mokong na yon? Nakakainis na! Malapit na ako lamukin dito, sige. Kasalanan niya pag nagka-dengue ako o namuti ang buhok kakahintay. Aawayin ko siya pag lumampas pa nang isang oras ay wala pa rin siya. Napatayo ako sa pagkakaupo nang matanaw kong papasok na siya, si Ryal. Wala akong nakikitang kahit na anong hawak niya as a gift pero okay lang naman. Yong presence niya na lang sa'kin at pagsipot, okay na. Nasanay na rin naman akong madalas siyang walang regalo sa'kin at assurance na lang na mahal niya ako ang nagpatagal ng relasyon natin. Iniwan ko ang mga gamit ko at sinalubong siya ng mahigpit na yakap at halik sa pis
Valerie Maya't maya kong tinitingnan ang gift box na nasa harap ko na may kasamang chocolates at isang cake. It's our 4th anniversary ni Ryal at nakapagsunduan naming magkikita rito sa favorite restaurant namin kaso mga 30 minutes na akong naghihintay, wala pa rin siya. Sinipat ko ang oras sa phone ko. 5:35 PM na pero wala pa rin siya. Saan naman kaya nagpunta ang mokong na yon? Nakakainis na! Malapit na ako lamukin dito, sige. Kasalanan niya pag nagka-dengue ako o namuti ang buhok kakahintay. Aawayin ko siya pag lumampas pa nang isang oras ay wala pa rin siya. Napatayo ako sa pagkakaupo nang matanaw kong papasok na siya, si Ryal. Wala akong nakikitang kahit na anong hawak niya as a gift pero okay lang naman. Yong presence niya na lang sa'kin at pagsipot, okay na. Nasanay na rin naman akong madalas siyang walang regalo sa'kin at assurance na lang na mahal niya ako ang nagpatagal ng relasyon natin. Iniwan ko ang mga gamit ko at sinalubong siya ng mahigpit na yakap at halik sa pis
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments