Share

2

Author: dixie_alexa
last update Last Updated: 2024-11-22 13:17:24

"Sumagot ka," pag-ulit ko sa sinabi ko kasi bigla na lang siyang nanahimik.

4 years, 4 years ko siyang minahal. Hindi naman siguro kami magtatagal nang gano'n kung ako lang ang nagmahal sa aming dalawa. 4 years siya ng buhay ko kaya nasasaktan ako sa isiping magkakahiwalay kami.

"Val, kasi—"

"Kasi ano?"

"Aaminin ko na. May nagugustuhan na akong iba."

Parang nabingi ako sa huling limang salitang sinabi niya. May nagugustuhan na siyang iba. Nagsawa siya sa'kin dahil may iba na pala. Hindi pala siya mag-iiba kung walang iba kaya kumpirmado nga. Yon naman talaga ang kutob ko. Hinintay ko lang na umamin siya. Masakit pero kailangan kong magpakalakas.

"Ano'ng nagustuhan mo sa kanya na wala sa'kin?" tanong ko pa kahit masakit na. Kahit gusto ko nang umiyak nang malakas at ibuhos lahat ng luha na nagbabadyang tumulo galing sa mga mata ko.

"Madalas kami magkita."

Tumulo na naman ang makukulit na mga luha ko. Kahit ano'ng pigil ko ay wala na akong nagawa. Dalawang mata ko na ang lumuluha habang nakatingin sa kanya at pinakikinggan ang mga pag-amin niya. Baka nga may kulang sa mga ginawa ko. Lagi ako busy. Busy ako sa work at studies ko. Pinagsabay-sabay ko lahat. Schoolworks, work at ang boyfriend kong si Ryal. Pero gumagawa naman ako ng paraan e. Pag off ko, after work, dinadaanan ko siya sa kanila. Dinadalhan ng pagkain, etc.

"I'm sorry." Yan na naman siya sa puro sorry niya.

Ang dami niya pang sinabi kanina, lumabas din ang totoong rason— may iba na siya.

Hindi siya makakapagsinungaling sa'kin ngayon. Tama na ang sakit. Baka kailangan ko na ring bumitaw sa taong sinusukuan na ako. Di nakuntento. Naghanap pa ng iba.

"Gaano katagal?" usisa ko.

"Val, wag na nating—"

"Ang sabi ko, gaano katagal?"

Pag-amin niya, "Mga 3 times a week."

Napamulagat ako ng mga mata. "3 times a week?" pag-ulit ko.

Kami nga mga 3-4 times a month lang magkita, sila 3x a week pa talaga. Kaya pala pag nasa loob ako ng kuwarto niya, may mga napapansin akong mahabang buhok pero ipinagkibit-balikat ko na lang yon dahil baka sa mama o kapatid niya yon.

Pero ngayon, iba na. May amoy-vanilla pa nga at ibig sabihin, magkasama sila kanina kaya siya na-late ng punta. Baka may ginawa pa silang milagro na inabot nang 30 minutes habang ako, naghihintay ng pagdating niya. Hindi ko siya masikmura. Paano niya ito nagawa sa'kin? Binigay ko naman lahat.

"Okay," isang salita na lang ang nasabi ko. Hindi ko masabi lahat ng sakit na naiipon sa dibdib ko. Kikimkimin ko muna ito sa ngayon at sa bahay na lang ako iiyak nang malala.

Tumayo na ako nang padabog. Hinablot ko ang cake at gift box na pinaghirapan kong pagtrabahuhan habang nag-aaral. Kulang na lang ay patusin ko lahat ng uri ng sideline, kumita lang ng pera, makabili lang ng regalo para sa kanya tapos ganito ang igaganti niya. Napaka-ungrateful. Nakuha pa akong ipagpalit nang gano'n kabilis.

"Val, sandali," pigil niya at hinawakan ang kamay ko pero inalis ko yon. Tumayo siya at pipigilan pa sana niya ang pag-alis ko pero mabilis ko siyang sinampal. Malakas at malutong na sampal. Halos tumabingi ang kaliwang pisngi niya sa lakas ng sampal na nagawa ko.

"Para yan sa late na pagdating mo. Pinaghintay mo ako nang matagal para lang sabihing may iba ka na," nanggagalaiting sabi ko.

Sinampal ko ulit siya sa pangalawang beses. Namula nang husto ang pisngi niya kaya napahawak siya sa pisngi niya pero di siya gumaganti. Alam naman niya sa sarili kung gaano kasakit ang ginawa niya sa'kin. Matapos niyang buoin at paligayahin ang puso ko, dudurugin niya rin pala nang ganito kalala.

"Para yan sa pambababae mo habang ako, di magkandaugaga sa pagtatrabaho habang nag-aaral. Sinusumpa ko, hinding-hindi kayo magiging masaya ng babae mo."

Nag-iwan ako ng huling mga salita bago tuluyang umalis. "Ito na ang huling beses na matatawag mo akong girlfriend. Paglabas ko ng restaurant na 'to, tawagin mo na lang akong greatest ex."

Pinagpipiyestahan pa kami ng mga tao pero wala akong pakialam kahit kuhanan pa nila kami ng video. Ang sasama ng mga tingin nila sa'kin. Ang iba ay nakatingin nang nakakaawa pero di ko kailangan ng awa sa ngayon. Kailangan kong matanggap ang nangyaring ito. Hindi ko alam kung paano ko ito makakaya.

Ginawa kong mundo ang dapat ay tao lang. Siya ang una ko sa lahat ng bagay. First kiss, first hug, first person na nakasama ko sa mga lugar na pangarap kong puntahan dati, first boyfriend na pinakilala sa buong pamilya at higit sa lahat, first... sex. Kaya sobrang sakit dahil nabuo ang apat na taon ng buhay ko kasama si Ryal, si Ryal na first boyfriend at first heartbreak din.

Kung magmamahal ulit ako sa sunod na pagkakataon, sisiguruhin kong sa isang lalaking makikita na ang halaga ko. Yong hindi sa una lang magaling.

•••••••

ALAS nuwebe na ako nakauwi nang gabi at hindi nga ako umuwi sa amin. Tumuloy ako kina Kendra, ang transgender kong bestfriend. Dating lalaki na ngayon ay isa nang girlalu.

Siya lang naman ang nakatira sa bahay niya dahil nagrerenta siya, malayo sa pamilya niya. Gusto ko nga sa kanya na lang ako tumira lalo na brokenhearted ako ngayon. Tinawagan ko na rin si mama kanina na hindi muna ako uuwi sa bahay.

"Saan ako nagkulang?" tanong ko sa kaibigan ko habang umiinom ng Ginebra San Mig. Napilit ko si Kendra na uminom kaming dalawa para maibsan ang sakit na nararamdaman ko.

"Magre-rent na nga lang ako sa Pasig."

Sa Pasig kasi ako nagwo-work. Ang layo ng bahay ko, Valenzuela kaya patayan ang biyahe. Online class naman ang school ko kaya di problema yon. Yong work lang talaga. Gusto ko magpokus sa trabaho at pag-aaral. Ayoko sa bahay dahil ang dami naming memories doon. Mula sa pagpapakilala ko kay Ryal kina mama at papa, mga ginawa namin sa kuwarto, basta madami!

"Tama yan, bakla. Magpaka-busy ka na lang sa work at school mo para makalimutan siya."

Kinuha ko na ang bote. Hindi na ako nagsalin sa baso at parang tubig na nilagok ko ang Gin. Ang pait! Simpait ng love story ko.

"Nasasaktan ako," simula ng kadramahan ko. Tumulo na naman ang mga luha ko. Buti na lang, to the rescue si Kendra. Naghanda na siya ng isang balot ng tissue sa harap ko. Kumuha ako ng isang pilas at suminga roon. Pinunasan ko na rin ang luha kong walang patawad sa pagbuhos.

Napahagulhol na lang ako kaya niyakap ako ni Kendra para pagaanin ang loob ko. Matagal na kaming magkaibigan, mula hayskul hanggang ngayong college na ako, super duper close pa rin kami. Sa bahay nila ako pumupunta kapag di ako okay.

"Tahan na," sabi niya pa. "Pag nakita ko talaga yang Ryal na yan, puputulin ko yong sandata niya. Tingnan niya na lang kung lumigaya pa siya sa pambabae."

Mas lumakas ang pag-iyak ko kasi naaalala ko na naman siya. Speaking of sandata, mas napaiyak ako kasi na-mi-miss ko naman yon kahit papano.  :((

"Shh. Tahan na. Di mo siya deserve. Mag-rent ka na lang malapit sa work mo para makapag-isip-isip ka, ah."

Napahagulhol na naman ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano ba mag-uumpisa nang wala si Ryal. Nasanay akong nandiyan siya palagi kaya paano ako magbabagong-buhay nang wala siya. Hindi ko alam.

Saka ang mamahal ng renta sa Pasig banda kasi matagal na ako naghahanap doon. Yong mga nahanap ko ay hindi pa gano'n kalapit sa work ko, hindi pa own CR at sink. Suminghot-singhot ako sa sobrang lungkot.

"Naiiyak ako," sabi ko sa kanya.

"Alam ko. Nakikita ko kaya."

"Hindi, naiiyak ako kasi wala ako mahanap na murang renta doon e. 2-4k lang budget ko. Sana may mas mura pa nga, kung meron, go na ako."

"Tanga, ang dami kaya roon. Maarte ka lang."

Medyo kumalma na ang pag-iyak ko. Parang may naisip na kung ano si Kendra. Bigla siyang ngumiti at nagsalita.

"Alam mo, may kilala ako, malapit na malapit lang sa work mo. Room for rent, P5k rent niya doon pero naghahanap siya ng roommate kasi naka-budget na rin daw siya at gusto raw niya ng kasama kasi solo siya doon."

Sumeryoso ang tingin ko sa kanya.

"Talaga? Sige, go ako. Kung hati kami, edi P2,500 lang babayaran ko. Di ba?"

"Korek!" Pumalakpak siya. "Ang galing mo talaga!"

Eksayted na ako mag-rent. 25 years old na ako at kung matuloy ako sa pagrenta, ito ang unang beses sa buhay ko na gagawin ko yon. Eksayted na ako sa magiging roommate ko.

Related chapters

  • My Hot Roommate    3

    Walang pag-aalinlangan na tinanggap ko na ang offer na maging roommate ng kakilala ni Kendra. Napakamura na ng renta at hati pa kami sa renta. Saktong-sakto sa aking iniingatang budget. Heto nga at kumakatok na ako sa pinto ng kuwarto na rerentahan ko bitbit ang mga bag ko. May maleta akong dala, dalawa at knapsack sa likod. Okay na siguro 'to. Isang linggo na mula nang nakipaghiwalay sa akin si Ryal at unti-unti namang bumubuti ang lagay ko. Magpapakasaya ako. Promise ko sa sarili. Nakaka-excite. Oo nga pala, lalaki raw ang magiging roommate ko. Ano kaya hitsura niya sa personal? Sabi ni Kendra pogi raw at malaki katawan. Walang sumasagot sa mga katok ko. Ang sabi ng landlady, mauna na raw ako sa room kahit kumatok muna ako at pagbubuksan naman ako ng aking bagong roommate kasi wala raw pasok sa work yong roommate ko. Saka dalawa naman ang higaan, double deck na higaan saka may upuan mahaba na puwedeng tulugan. May dala na rin ako pepper spray sakaling bad guy ang roommate ko. Ka

  • My Hot Roommate    4

    "Nandiyan na siya," sabi ni Brayden nang marinig namin ang mga katok sa pintuan. Tumayo siya at akmang lalapit sa pinto para pagbuksan yon pero nagsalita ako."Yong landlady? Si ate Rona?""Yup," mabilis niyang sagot saka tuluyang pumunta sa pinto.My God! Bumibilis ang pagtibok ng puso ko sa isiping kailangan kong magpanggap na girlfriend ng bagong rommmate ko. May choice ba ako ngayon? Wala. Kailangan kong sakyan ang sitwasyon ngayon or else, saan pa ako mapunta. Baka maging homeless na lang ako.Natanaw ko ang medyo matabang babae sa harap ng pinto, nakapusod ang kanyang kulot na buhok. Palinga-linga siyang pumasok sa loob. Dumagundong sa bilis ng pagtibok ang puso. Di ko alam bakit ako kinakabahan."Hi, ikaw si Valerie?" bati ng babae sa'kin.Nakipagkamay ako at nginitian siya. "Opo, ako po. Nice to meet you po."Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Napalunok ako sa paraan ng pagkilatis niya. Ano kaya ang sasabihin ko? Ako ang girlfriend ni Brayden. Saan kami nagk

  • My Hot Roommate    5

    Pasado alas dos na nang madaling araw pero hindi ako makatulog sa bago kong narentahan. Maya't maya akong paikut-ikot sa higaan, uupo, hihiga, haharap sa kaliwa at sa kanan. Nahihilo na ako sa ginagawa ko. Tinakpan ko na rin ng unan ang mukha ko, sinubukan ko na ring magpatugtog pero walang epekto.Kahit ano'ng gawin ko, si Brayden ang nakikita ko. Boses niya ang naririnig ko, nami-miss ko ang mga yakap at halik niya. Lahat sa kanya. Lahat ng masasayang alaala naming dalawa ay parang multong hindi ako pinatatahimik.Bumangon na lang ako at naupo habang nakakumot. Niyakap ko ang sarili ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klase ng lungkot. Yong tipong alam kong dapat mag-move forward pero yong sakit hindi agad-agad nawawala. Durog na durog ang puso ko dahil sa ginawa niya sa'kin.Kinuha ko na lang ang cellphone ko at wala sa sariling pinanood ang mga luma naming videos at pictures. Nandito pa lahat. Yong pagpunta namin sa Tagaytay, sa Baguio, mga staycation namin sa iba't ibang l

  • My Hot Roommate    1

    Valerie Maya't maya kong tinitingnan ang gift box na nasa harap ko na may kasamang chocolates at isang cake. It's our 4th anniversary ni Ryal at nakapagsunduan naming magkikita rito sa favorite restaurant namin kaso mga 30 minutes na akong naghihintay, wala pa rin siya. Sinipat ko ang oras sa phone ko. 5:35 PM na pero wala pa rin siya. Saan naman kaya nagpunta ang mokong na yon? Nakakainis na! Malapit na ako lamukin dito, sige. Kasalanan niya pag nagka-dengue ako o namuti ang buhok kakahintay. Aawayin ko siya pag lumampas pa nang isang oras ay wala pa rin siya. Napatayo ako sa pagkakaupo nang matanaw kong papasok na siya, si Ryal. Wala akong nakikitang kahit na anong hawak niya as a gift pero okay lang naman. Yong presence niya na lang sa'kin at pagsipot, okay na. Nasanay na rin naman akong madalas siyang walang regalo sa'kin at assurance na lang na mahal niya ako ang nagpatagal ng relasyon natin. Iniwan ko ang mga gamit ko at sinalubong siya ng mahigpit na yakap at halik sa pis

Latest chapter

  • My Hot Roommate    2

    "Sumagot ka," pag-ulit ko sa sinabi ko kasi bigla na lang siyang nanahimik.4 years, 4 years ko siyang minahal. Hindi naman siguro kami magtatagal nang gano'n kung ako lang ang nagmahal sa aming dalawa. 4 years siya ng buhay ko kaya nasasaktan ako sa isiping magkakahiwalay kami."Val, kasi—""Kasi ano?""Aaminin ko na. May nagugustuhan na akong iba."Parang nabingi ako sa huling limang salitang sinabi niya. May nagugustuhan na siyang iba. Nagsawa siya sa'kin dahil may iba na pala. Hindi pala siya mag-iiba kung walang iba kaya kumpirmado nga. Yon naman talaga ang kutob ko. Hinintay ko lang na umamin siya. Masakit pero kailangan kong magpakalakas."Ano'ng nagustuhan mo sa kanya na wala sa'kin?" tanong ko pa kahit masakit na. Kahit gusto ko nang umiyak nang malakas at ibuhos lahat ng luha na nagbabadyang tumulo galing sa mga mata ko."Madalas kami magkita."Tumulo na naman ang makukulit na mga luha ko. Kahit ano'ng pigil ko ay wala na akong nagawa. Dalawang mata ko na ang lumuluha habang

  • My Hot Roommate    1

    Valerie Maya't maya kong tinitingnan ang gift box na nasa harap ko na may kasamang chocolates at isang cake. It's our 4th anniversary ni Ryal at nakapagsunduan naming magkikita rito sa favorite restaurant namin kaso mga 30 minutes na akong naghihintay, wala pa rin siya. Sinipat ko ang oras sa phone ko. 5:35 PM na pero wala pa rin siya. Saan naman kaya nagpunta ang mokong na yon? Nakakainis na! Malapit na ako lamukin dito, sige. Kasalanan niya pag nagka-dengue ako o namuti ang buhok kakahintay. Aawayin ko siya pag lumampas pa nang isang oras ay wala pa rin siya. Napatayo ako sa pagkakaupo nang matanaw kong papasok na siya, si Ryal. Wala akong nakikitang kahit na anong hawak niya as a gift pero okay lang naman. Yong presence niya na lang sa'kin at pagsipot, okay na. Nasanay na rin naman akong madalas siyang walang regalo sa'kin at assurance na lang na mahal niya ako ang nagpatagal ng relasyon natin. Iniwan ko ang mga gamit ko at sinalubong siya ng mahigpit na yakap at halik sa pis

DMCA.com Protection Status