Share

3

Author: dixie_alexa
last update Last Updated: 2024-11-22 13:17:24

Walang pag-aalinlangan na tinanggap ko na ang offer na maging roommate ng kakilala ni Kendra. Napakamura na ng renta at hati pa kami sa renta. Saktong-sakto sa aking iniingatang budget. Heto nga at kumakatok na ako sa pinto ng kuwarto na rerentahan ko bitbit ang mga bag ko.

May maleta akong dala, dalawa at knapsack sa likod. Okay na siguro 'to. Isang linggo na mula nang nakipaghiwalay sa akin si Ryal at unti-unti namang bumubuti ang lagay ko. Magpapakasaya ako. Promise ko sa sarili.

Nakaka-excite. Oo nga pala, lalaki raw ang magiging roommate ko. Ano kaya hitsura niya sa personal? Sabi ni Kendra pogi raw at malaki katawan.

Walang sumasagot sa mga katok ko. Ang sabi ng landlady, mauna na raw ako sa room kahit kumatok muna ako at pagbubuksan naman ako ng aking bagong roommate kasi wala raw pasok sa work yong roommate ko. Saka dalawa naman ang higaan, double deck na higaan saka may upuan mahaba na puwedeng tulugan. May dala na rin ako pepper spray sakaling bad guy ang roommate ko. Kaibigan naman siya ni Kendra. Sabi ni Kendra, mabait naman daw siya.

Nag-ring bigla ang phone ko. Tumatawag si Kendra kaya sinagot ko ito.

"Oh?" sabi ko.

"Nakapasok ka na sa loob?"

"Hindi pa. Parang wala namang tao. Kanina pa ako katok nang katok e."

"Wait mo lang. Kagigising lang ni Brayden. Tinawagan ko na nga para sabihing papunta ka tapos susunod yong landlady ninyo," mahaba niyang kuwento.

"Okay, sige. Wait lang ako dito. Thank you, bakla." Bakla kasi ang tawagan naming dalawa. Wala, ang cute lang.

Huminga ako nang malalim. Feeling ko ay magiging masaya ang new life ko kasama ang isang.. bagong roommate?

"Bakla, may sasabihin ako," dugtong ni Kendra.

"Ano yon?"

"Wag ka maingay, ah. Magpanggap ka raw na girlfriend ni Brayden."

"Huh?" Nanlaki ang mga mata ko. Ano namang klaseng pamba-blackmail ito. Hindi ito kasama sa usapan. Kaka-break ko lang, may magiging boyfriend pretending emerut pa ako? No, wag na.

"Bakla ka, wala sa usapan yan ah," sabi ko sa kanya.

"Uuwi na lang ako kung gano'n. Wala naman pagpapanggap na ganyan saka bakit may ganyan?"

"Eh kasi itong si Brayden sabi niya gano'n daw kasi bawal magsama ang girl saka boylet sa room kung hindi couple. Sorry na, bakla. Pagpapanggap lang naman, e. Di mo naman totohanin."

Napatampal ako sa noo ko. Juskolord! Bakit ngayon lang sinabi ng baklang ito kung kailang nasa labas na ako ng pintuan ni Brayden daw.

"Sige, sige. Nandito na ako. Ano'ng sasabihin ko sa landlady?"

Nandito na ako e. Ang bigat ng mga dala ko kung babiyahe na naman ako. Saka nagpaalam na ako kina mama na magre-rent. Nabigyan na nga nila ako ng allowance daw para sakali kung kapusin ako, may extra pa. Gano'n nila ako kamahal. Ayoko namang bumalik sa bahay dahil marami memories doon na ayaw kong maalala. Wala rin si Kendra sa bahay niya kaya wala akong ibang pupuntahan.

"Sabihin mo, bago pa lang kayo ni Brayden. Bagong gf ka pa lang at diyan work mo malapit sa uupahan mo."

Napalunok ako. Ano ba naman itong katangahan na ito. Sasabunutan ko talaga ang baklang yon. Alam naman niyang kakagaling ko lang sa hiwalayan. Sariwa pa ang sugat ng puso ko tapos magpapanggap akong girlfriend ng isang di ko pa nga kilalang roommate?

Napakagat-labi na lang ako habang nag-iisip ng sasabihin.

"Sige na, bakla. Naka-break lang ako. Balik na me. Enjoy diyan ah. Mabait si Brayden, promise saka parehas kayong single. Baka magkatuluyan pa kayo ah?"

Natawa pa siya sa kabilang linya. Sa inis ko ay in-end ko na ang call. Hayst. Napabuntong-hininga ako nang malalim saka tiningnan ang pinto na wala pa rin nagbubukas. Kanina pa ako kumakatok. Iniinis ako ng tao sa loob ah.

Kumatok ako nang sunud-sunod at malalakas na halos gibain ko na ang pinto.

"Piste!" Napamura pa ako sa sobrang inis.

Ganito yata talaga pag brokenhearted, mainitin ang ulo. Nainis na nga ako sa isang lalaki, may makakasama pa akong isang lalaki na naman?

Tumalikod na ako at humalukipkip tutal wala naman nagbubukas sa'kin ng pinto.

"Pag kasing-ugali talaga ni Ryal ang Brayden na yon, lalayasan ko agad siya," kausap ko sa sarili.

"Ano'ng sabi mo?" Boses iyon ng isang lalaki. Parang boses na naka-auto-tune yon dahil ang ganda ng boses. Panlalaking-panlalaki ang dating.

Lumingon agad ako at di ko namalayang nakabukas na pala ang pinto. Tumambad sa'kin ang walang t-shirt na binata. Ang macho ng dating niya. Para siyang action star. Sa tantiya ko ay nasa 5'11 ang height niya. Nakakahiya sa 4'11 kong taas ah. Naka-short siya ng maong at tsinelas, medyo magulo ang kanyang buhok at pupungas-pungas pa. Mukhang bagong gising nga pero di halatang bagong gising siya.

Ang bastos! Di man lang nag-t-shirt bago ako pagbuksan.

"Hi," bati ko na lang at awkward na kumaway.

Nakita niya ang mga dala-dala kong bagahe kaya nilahad niya ang kamay niya para siya na ang magbuhat.

"Akin na yan," parang boss niyang utos.

Inabot ko na lang sa kanya para walang away na maganap at pumasok siya sa loob nang walang sabi-sabi. Wala man lang good morning o pakilala. Basta na lang kinuha ang bag ko at pumasok siya sa loob. Sumunod na ako sa kanya at sinara niya ang pinto.

Nilagay niya sa tapat ng upuan ang mga bag ko saka siya nagbihis ng damit. Nagsuklay-suklay siya ng buhok at humarap sa'kin.

"Ikaw si Valerie?" tanong niya kaya tumango ako.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na para bang sinisiyasat kung pasado sa taste niya. Medyo nahiya ako sa suot kong lettuce cut na top at high waist na denim shorts na pinaresan ng white high-heeled chunky sandals. Nag-aayos naman ako para mukhang babae. Not sure at wala naman akong paki kung di ako maganda sa paningin ng roommate ko o kahit sino pa man.

"Nice to meet you, Valerie. Ako naman si Brayden."

"Nice to meet you din, Brayden."

"Nasabi na ba sa'yo ni Kendra ang tungkol sa—"

"Oo, alam ko na."

"Sigurado naman akong pabor din sa'yo yon kasi kailangan mo ng murang marerentahan, di ba?"

"Oo pero bakit naman kailangan ng gano'n?" usisa ko. "Kagagaling ko lang kasi sa.."

"Sa break-up," dugtong niya.

Bakit niya alam yon? Naku, yari talaga si Kendra sa'kin pag nagkita kami. Binigay niya yata ang biography ko sa Brayden na 'to.

"Wag kang mag-alala. Wala naman akong balak na totohanin yong pagpapanggap," mayabang niyang sabi saka ngumisi.

Aba, ano sa tingin niya, ako may balak na totohanin yon?

"Mas lalo naman ako 'no. Mas wala akong balak na totohanin yon," protesta ko sa mahanging Brayden.

Bumulong-bulong ako, "Akala mo naman papatulan kita."

"Anyway, bago ko sabihin sa'yo ang mga dapat mong malaman, gusto ko muna ipakilala ang sarili ko."

Para namang gugustuhin kong makinig sa kuwento niya. Mukha pa lang, mayabang na. Lalo pa siguro pag nakilala ko na ang lalaking ito.

"Brayden Roxas name ko, 27, college graduate ng Entrepreneurship, isang waiter."

"Add ko lang, single ako," at mahangin nga talaga siya. Di ko siya bet.

Ano naman sa tingin niya ang pakialam ko kung single o taken siya. Nandito lang naman ako para makamura ng renta at malapit sa work. Wala nang iba. Wala akong balak na mag-boyfriend ulit. Kung magkaka-boyfriend man, ayoko sa mayabang.

"E ikaw?" Nabaling pa nga sa'kin ang usapan.

"Hmm. Valerie, Valerie Tamayo, 25, working student, college student taking Social Science course."

Napatango-tango siya saka sumagot ulit.

"Nice, social science. So open-minded ka?"

Parang iniinis ako ng isang 'to.

"Depende sa mood."

Natawa naman siya sa sagot ko. Tinuro niya ang double deck na higaan. Gawa sa bakal ang double-deck. Infernes, maayos ang pagkakatiklop ng kumot at mga unan. Flower pa ang design ng bed sheet. Di rin ako mahihirapan matulog kasi mukhang malambot ang foam. May mga foam kasing matigas na di ko gusto.

"Yan ang tulugan dito," saad niya pa. "Saan mo gusto mahiga? Top or bottom ka ba?"

Kanina ko pa napapansing iniinis niya ako ah. May laman yong tanong niya e.

"Nang-iinis ka ba?" lakas-loob kong tanong.

Tumawa pa siya pero agad niya ring binawi ang tawa niya dahil sinamaan ko siya ng tingin.

"Binibiro lang kita. Ang seryoso naman kasi ng mukha mo saka magiging mag-roommate na tayo. Ayaw mo ba maging ka-close ako?"

Inirapan ko siya at humalukipkip sa kanyang harap.

"Saka pag dumating si ate Rona, yong landlady, dapat umaktong sweet tayo, ah," pahabol niya pa.

"Paanong sweetness ba?"

"Mga akbay things, basta magmukhang close tayo sa isa't isa. Di niya dapat mahalatang hindi pa tayo magkakilala."

Nanahimik ako. Ngayon ako nagdadalawang-isip. Nagtatatlong-isip pa nga.

"Ano, g?" sabi pa ng makulit na Brayden.

"Sige, g.""

Challenge ko ito sa sarili ko. Nandito lang ako para magrenta, malapit sa work, wala nang iba at ang kailangan ko lang ay pakisamahan ang isang Brayden Roxas, ang aking roommate.

Related chapters

  • My Hot Roommate    4

    "Nandiyan na siya," sabi ni Brayden nang marinig namin ang mga katok sa pintuan. Tumayo siya at akmang lalapit sa pinto para pagbuksan yon pero nagsalita ako."Yong landlady? Si ate Rona?""Yup," mabilis niyang sagot saka tuluyang pumunta sa pinto.My God! Bumibilis ang pagtibok ng puso ko sa isiping kailangan kong magpanggap na girlfriend ng bagong rommmate ko. May choice ba ako ngayon? Wala. Kailangan kong sakyan ang sitwasyon ngayon or else, saan pa ako mapunta. Baka maging homeless na lang ako.Natanaw ko ang medyo matabang babae sa harap ng pinto, nakapusod ang kanyang kulot na buhok. Palinga-linga siyang pumasok sa loob. Dumagundong sa bilis ng pagtibok ang puso. Di ko alam bakit ako kinakabahan."Hi, ikaw si Valerie?" bati ng babae sa'kin.Nakipagkamay ako at nginitian siya. "Opo, ako po. Nice to meet you po."Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Napalunok ako sa paraan ng pagkilatis niya. Ano kaya ang sasabihin ko? Ako ang girlfriend ni Brayden. Saan kami nagk

  • My Hot Roommate    5

    Pasado alas dos na nang madaling araw pero hindi ako makatulog sa bago kong narentahan. Maya't maya akong paikut-ikot sa higaan, uupo, hihiga, haharap sa kaliwa at sa kanan. Nahihilo na ako sa ginagawa ko. Tinakpan ko na rin ng unan ang mukha ko, sinubukan ko na ring magpatugtog pero walang epekto.Kahit ano'ng gawin ko, si Brayden ang nakikita ko. Boses niya ang naririnig ko, nami-miss ko ang mga yakap at halik niya. Lahat sa kanya. Lahat ng masasayang alaala naming dalawa ay parang multong hindi ako pinatatahimik.Bumangon na lang ako at naupo habang nakakumot. Niyakap ko ang sarili ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klase ng lungkot. Yong tipong alam kong dapat mag-move forward pero yong sakit hindi agad-agad nawawala. Durog na durog ang puso ko dahil sa ginawa niya sa'kin.Kinuha ko na lang ang cellphone ko at wala sa sariling pinanood ang mga luma naming videos at pictures. Nandito pa lahat. Yong pagpunta namin sa Tagaytay, sa Baguio, mga staycation namin sa iba't ibang l

  • My Hot Roommate    1

    Valerie Maya't maya kong tinitingnan ang gift box na nasa harap ko na may kasamang chocolates at isang cake. It's our 4th anniversary ni Ryal at nakapagsunduan naming magkikita rito sa favorite restaurant namin kaso mga 30 minutes na akong naghihintay, wala pa rin siya. Sinipat ko ang oras sa phone ko. 5:35 PM na pero wala pa rin siya. Saan naman kaya nagpunta ang mokong na yon? Nakakainis na! Malapit na ako lamukin dito, sige. Kasalanan niya pag nagka-dengue ako o namuti ang buhok kakahintay. Aawayin ko siya pag lumampas pa nang isang oras ay wala pa rin siya. Napatayo ako sa pagkakaupo nang matanaw kong papasok na siya, si Ryal. Wala akong nakikitang kahit na anong hawak niya as a gift pero okay lang naman. Yong presence niya na lang sa'kin at pagsipot, okay na. Nasanay na rin naman akong madalas siyang walang regalo sa'kin at assurance na lang na mahal niya ako ang nagpatagal ng relasyon natin. Iniwan ko ang mga gamit ko at sinalubong siya ng mahigpit na yakap at halik sa pis

  • My Hot Roommate    2

    "Sumagot ka," pag-ulit ko sa sinabi ko kasi bigla na lang siyang nanahimik.4 years, 4 years ko siyang minahal. Hindi naman siguro kami magtatagal nang gano'n kung ako lang ang nagmahal sa aming dalawa. 4 years siya ng buhay ko kaya nasasaktan ako sa isiping magkakahiwalay kami."Val, kasi—""Kasi ano?""Aaminin ko na. May nagugustuhan na akong iba."Parang nabingi ako sa huling limang salitang sinabi niya. May nagugustuhan na siyang iba. Nagsawa siya sa'kin dahil may iba na pala. Hindi pala siya mag-iiba kung walang iba kaya kumpirmado nga. Yon naman talaga ang kutob ko. Hinintay ko lang na umamin siya. Masakit pero kailangan kong magpakalakas."Ano'ng nagustuhan mo sa kanya na wala sa'kin?" tanong ko pa kahit masakit na. Kahit gusto ko nang umiyak nang malakas at ibuhos lahat ng luha na nagbabadyang tumulo galing sa mga mata ko."Madalas kami magkita."Tumulo na naman ang makukulit na mga luha ko. Kahit ano'ng pigil ko ay wala na akong nagawa. Dalawang mata ko na ang lumuluha habang

Latest chapter

  • My Hot Roommate    3

    Walang pag-aalinlangan na tinanggap ko na ang offer na maging roommate ng kakilala ni Kendra. Napakamura na ng renta at hati pa kami sa renta. Saktong-sakto sa aking iniingatang budget. Heto nga at kumakatok na ako sa pinto ng kuwarto na rerentahan ko bitbit ang mga bag ko. May maleta akong dala, dalawa at knapsack sa likod. Okay na siguro 'to. Isang linggo na mula nang nakipaghiwalay sa akin si Ryal at unti-unti namang bumubuti ang lagay ko. Magpapakasaya ako. Promise ko sa sarili. Nakaka-excite. Oo nga pala, lalaki raw ang magiging roommate ko. Ano kaya hitsura niya sa personal? Sabi ni Kendra pogi raw at malaki katawan. Walang sumasagot sa mga katok ko. Ang sabi ng landlady, mauna na raw ako sa room kahit kumatok muna ako at pagbubuksan naman ako ng aking bagong roommate kasi wala raw pasok sa work yong roommate ko. Saka dalawa naman ang higaan, double deck na higaan saka may upuan mahaba na puwedeng tulugan. May dala na rin ako pepper spray sakaling bad guy ang roommate ko. Ka

  • My Hot Roommate    2

    "Sumagot ka," pag-ulit ko sa sinabi ko kasi bigla na lang siyang nanahimik.4 years, 4 years ko siyang minahal. Hindi naman siguro kami magtatagal nang gano'n kung ako lang ang nagmahal sa aming dalawa. 4 years siya ng buhay ko kaya nasasaktan ako sa isiping magkakahiwalay kami."Val, kasi—""Kasi ano?""Aaminin ko na. May nagugustuhan na akong iba."Parang nabingi ako sa huling limang salitang sinabi niya. May nagugustuhan na siyang iba. Nagsawa siya sa'kin dahil may iba na pala. Hindi pala siya mag-iiba kung walang iba kaya kumpirmado nga. Yon naman talaga ang kutob ko. Hinintay ko lang na umamin siya. Masakit pero kailangan kong magpakalakas."Ano'ng nagustuhan mo sa kanya na wala sa'kin?" tanong ko pa kahit masakit na. Kahit gusto ko nang umiyak nang malakas at ibuhos lahat ng luha na nagbabadyang tumulo galing sa mga mata ko."Madalas kami magkita."Tumulo na naman ang makukulit na mga luha ko. Kahit ano'ng pigil ko ay wala na akong nagawa. Dalawang mata ko na ang lumuluha habang

  • My Hot Roommate    1

    Valerie Maya't maya kong tinitingnan ang gift box na nasa harap ko na may kasamang chocolates at isang cake. It's our 4th anniversary ni Ryal at nakapagsunduan naming magkikita rito sa favorite restaurant namin kaso mga 30 minutes na akong naghihintay, wala pa rin siya. Sinipat ko ang oras sa phone ko. 5:35 PM na pero wala pa rin siya. Saan naman kaya nagpunta ang mokong na yon? Nakakainis na! Malapit na ako lamukin dito, sige. Kasalanan niya pag nagka-dengue ako o namuti ang buhok kakahintay. Aawayin ko siya pag lumampas pa nang isang oras ay wala pa rin siya. Napatayo ako sa pagkakaupo nang matanaw kong papasok na siya, si Ryal. Wala akong nakikitang kahit na anong hawak niya as a gift pero okay lang naman. Yong presence niya na lang sa'kin at pagsipot, okay na. Nasanay na rin naman akong madalas siyang walang regalo sa'kin at assurance na lang na mahal niya ako ang nagpatagal ng relasyon natin. Iniwan ko ang mga gamit ko at sinalubong siya ng mahigpit na yakap at halik sa pis

DMCA.com Protection Status