Share

My Hot Roommate
My Hot Roommate
Author: dixie_alexa

1

Author: dixie_alexa
last update Huling Na-update: 2024-07-29 20:17:54

Valerie

Maya't maya kong tinitingnan ang gift box na nasa harap ko na may kasamang chocolates at isang cake. It's our 4th anniversary ni Ryal at nakapagsunduan naming magkikita rito sa favorite restaurant namin kaso mga 30 minutes na akong naghihintay, wala pa rin siya.

Sinipat ko ang oras sa phone ko. 5:35 PM na pero wala pa rin siya. Saan naman kaya nagpunta ang mokong na yon? Nakakainis na! Malapit na ako lamukin dito, sige. Kasalanan niya pag nagka-dengue ako o namuti ang buhok kakahintay. Aawayin ko siya pag lumampas pa nang isang oras ay wala pa rin siya.

Napatayo ako sa pagkakaupo nang matanaw kong papasok na siya, si Ryal. Wala akong nakikitang kahit na anong hawak niya as a gift pero okay lang naman. Yong presence niya na lang sa'kin at pagsipot, okay na. Nasanay na rin naman akong madalas siyang walang regalo sa'kin at assurance na lang na mahal niya ako ang nagpatagal ng relasyon natin.

Iniwan ko ang mga gamit ko at sinalubong siya ng mahigpit na yakap at halik sa pisngi.

"Hi, baby," masaya kong bati sa kanya. Hinalikan niya ako sa noo at bumati rin siya.

"Hello, baby ko."

Cringe man ang tawagang 'baby' para sa iba pero para naman sa iba yon. Sa amin, sobrang saya pag tinatawag na baby at tinuturing pang baby ng mahal mo.

Nanuot sa ilong ko ang amoy ng pabango ng suot niyang polo shirt. Amoy pabango ng isang babae, amoy-vanilla. Wala akong ganoong pabango at alam kong hindi siya nagpapabango nang gano'n. Nangunot ang noo ko pero hindi ko yon pinahalata sa kanya.

Inakay na niya ako sa upuan pero nauna pa siyang makaupo sa'kin. Hindi man lang niya ako pinaunang makaupo o inalalayan makaupo. Okay lang naman, hindi naman ako lumpo para alalayan niya.

"Wow, gift mo para sa'kin, to, by?" agad niyang tanong pagkaupo.

Tumango ako. "Oo, para sa'yo yan. Happy anniversary, baby."

"Maya mo na buksan para surprise."

Tinabi niya na muna ang mga gift ko. Kahit sinasabi niyang natutuwa siya sa regalo ko, hindi ko maramdamang totoong natutuwa siya. Para bang may mali. Paano siya nagkaroon ng pabango ng babae at amoy-vanilla pa?

Paano? Baka naman pabango ng ate niya o regalo dapat niya sa'kin yong pabango at tinest niya lang sa damit niya?

Ayoko mag-overthink. Masasaktan lang ako.

"Pasensya ka na, baby. Wala akong regalo sa ngayon. May binayaran pa kasi ako. Baka next week pa ako makabili ng gift," sabi niya agad.

Alam ko naman yon ang sasabihin niya. Hindi ko nga alam paano ko nakakaya ang gano'n. Tipong ako todo effort para sa aming dalawa pero siya ni isang piraso lang ng bulaklak, walang maibigay sa'kin. Nakakatampo lalo na ang love language ko ay gifts tapos ako mismo walang matanggap na kahit ano sa special occasion namin.

Ngumiti na lang ako. "Okay lang. Ano ka ba. Bayaran mo na lahat ng babayaran mo. Makakapaghintay naman ang regalo na yan."

As if hindi masakit. Gusto kong sabihin na sana bigyan niya rin ako ng kahit ano. Kahit mamitas na lang siya ng bulaklak sa kapitbahay basta may gift man lang pero wala.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Salamat, baby. Happy anniversary," bati niya.

Hindi muna ako kumibo. Nakakatampo kahit strong woman ako. Ako na nag-effort na mag-celebrate ng anniversary. Ako na may regalo. Ako na naunang dumating. Ako na pinaghintay niya nang 30 minutes tapos wala siyang dala maliban sa sarili niya.

Napayuko ako saglit saka tumingin sa kanya.

"Mag-order na tayo?" sabi ko pa.

"Ay sorry, baby wala akong dalang cash ngayon," pagdadahilan niya.

Nangunot na naman ang noo ko. Lahat na lang wala siya. Ano lang meron siya? Yong t niya?

"Sige, okay lang. Ako muna magbayad," suggest ko na lang para lang makakain na kami. Gutom na rin naman kasi ako. Nagutom kakahintay sa kanya.

"Wag na, Val."

Nanlaki ang mga mata ko. Tinawag niya ako sa palayaw ko at hindi sa tawagan namin. Napaangat ako ng mukha at tumingin kay Ryal.

"Sorry pero may sasabihin kasi ako."

Sumeryoso ang mukha ko na hinihintay ang sasabihin niya. Sana ipaliwanag niya kung bakit amoy-vanilla siya. Kahit yon na lang bigyan niya ng linaw dahil gusto kong sa kanya mismo manggaling ang kutob ko. Like, girls' instincts are real.

"I'm so sorry, my baby Val," simula niya na naman.

Naiinis na ako sa pagso-sorry niya. Ano ba namang kasalanan ang ginawa niya?

"Sige, sabihin mo," sagot ko na lang. "Makikinig ako kahit ano pa yan."

Kahit ang totoo ay ayoko sanang marinig sa kanya yon kasi alam kong masakit. Truth hurts nga di ba.

"Val, kaya ako na-late ay dahil pinag-isipan ko pa kung pupuntahan kita o hindi."

Sh*t! Unang linya pa lang masakit na. Bakit naman kailangan niyang pag-isipan kung sisiputin ako o hindi e ako ang girlfriend niya. Yon ay kung ako pa nga ba.

"Tuloy mo." Di ko pinahalatang masakit sa'kin yon. Kailangan kong tatagan.

"Alam ko marami ka nang na-invest sa relationship natin, Val. Napaka-effort mo sa relasyon natin samantalang ako, walang-wala."

"Wait," pinatigil ko muna siya. Umiwas ako ng tingin at tumingin sa taas. Di ko iiyak. Di ako iiyak. Hindi.

"Wala man lang disclaimer?" Nagawa ko pang magbiro. "Dapat may warning muna na masakit pala sasabihin mo pero sige, tuloy mo lang."

"I'm sorry, Val, my baby. Nakokonsensya na ako tuwing nakikita kong hindi ko mapantayan yong level ng pagmamahal mo para sa'kin. Feeling ko, hindi ko dapat na tine-take advantage yong pagmamahal mo kasi wala naman akong maibigay sa'yo."

Ang kulit ng luha ko. Tumulo na lang basta pero act cool dapat. Mahinhin kong pinunasan ang luha ko na kunwari ay napuwing lang. Napalunok ako habang hinahayaan siyang magpaliwanag.

"Ayoko sana gawin 'to sa mismong anniversary natin pero di ko na kayang magsinungaling, Val. You don't deserve me."

Matapos niya akong ligawan nang 3 months dati, matapos ko siyang ipakilala sa mga magulang at kapatid ko, ganito lang ang sasabihin niya. Sobrang sakit. Tumulo ang makukulit kong luha sa pisngi kong pinaghirapan kong lagyan ng make-up.

Yong taong inaasahan kong magbibigay ng lakas sa'kin ay sumusuko na ngayon. Sana noon pa. Sana noon niya pa sinasabi 'to. Bakit naman pinaabot pa ng anniversary. Ngayon kung kailang ang dami ko nang nagawa para sa kanya, sa aming dalawa.

"Nakita ko kasing lumabalan ka, Val. Sobra mo akong mahal pero di ko na maibabalik sa'yo yong pagmamahal na yon."

Lakas-loob ko siyang tinanong, "Yong totoo, nagsasawa ka na sa'kin di ba? Bakit, Ryal? Kasi masyado akong sweet? Kasi sobra ang pagmamahal ko?"

Hind siya makasagot kaya alam kong tama ako. Nagsasawa na yong taong akala ko ay sasamahan ako hanggang dulo. Totoo nga yata, walang forever pero bakit naman ngayon pa. Ang sakit-sakit na ngayon niya pa talaga sinabi kung kailang four years na kami.

"Kahit di mo na sagutin yong tanong ko. Itong tanong ko na lang sagutin mo."

Huminga ako nang malalim saka dinugtong, "Kaninong pabango yang nasa damit mo? Bakit amoy-babae yong pabango mo?"

Sinusubukan niyang abutin ang kamay ko para hawakan pero nilayo ko ang kamay ko sa kanya at mataray siyang tiningnan. Hindi ko magawang saktan siya. Lahat ng paraan ng pagmamahal binigay ko sa kanya kaya di ko ito matatanggap. Saan ako nagkulang? Pakiramdam ko ay sumobra na nga ako pero kulang pa rin para mag-stay siya sa'kin.

"Ryal, sumagot ka!" Napasigaw na ako at napatingin sa akin ang ibang mga tao sa restaurant pero wala akong pakialam sa kanila. Gusto ko ng paliwanag kung bakit siya amoy-vanilla.

"Ryal, kahit ngayong araw na lang, magsabi ka nang totoo. Sagutin mo ang tanong ko."

Isa-isang tumulo ang mga butil ng luha ko habang binibigkas ang mga salitang yon. Gusto ko nang iwan siya at humagulhol na lang sa loob ng kuwarto ko sa bahay. Gusto kong ilabas ang lahat ng sakit dahil habang kaharap ko ang lalaking naging una ko sa lahat, mas lalo lang akong nasasaktan.

Kaugnay na kabanata

  • My Hot Roommate    2

    "Sumagot ka," pag-ulit ko sa sinabi ko kasi bigla na lang siyang nanahimik.4 years, 4 years ko siyang minahal. Hindi naman siguro kami magtatagal nang gano'n kung ako lang ang nagmahal sa aming dalawa. 4 years siya ng buhay ko kaya nasasaktan ako sa isiping magkakahiwalay kami."Val, kasi—""Kasi ano?""Aaminin ko na. May nagugustuhan na akong iba."Parang nabingi ako sa huling limang salitang sinabi niya. May nagugustuhan na siyang iba. Nagsawa siya sa'kin dahil may iba na pala. Hindi pala siya mag-iiba kung walang iba kaya kumpirmado nga. Yon naman talaga ang kutob ko. Hinintay ko lang na umamin siya. Masakit pero kailangan kong magpakalakas."Ano'ng nagustuhan mo sa kanya na wala sa'kin?" tanong ko pa kahit masakit na. Kahit gusto ko nang umiyak nang malakas at ibuhos lahat ng luha na nagbabadyang tumulo galing sa mga mata ko."Madalas kami magkita."Tumulo na naman ang makukulit na mga luha ko. Kahit ano'ng pigil ko ay wala na akong nagawa. Dalawang mata ko na ang lumuluha habang

    Huling Na-update : 2024-07-29
  • My Hot Roommate    3

    Walang pag-aalinlangan na tinanggap ko na ang offer na maging roommate ng kakilala ni Kendra. Napakamura na ng renta at hati pa kami sa renta. Saktong-sakto sa aking iniingatang budget. Heto nga at kumakatok na ako sa pinto ng kuwarto na rerentahan ko bitbit ang mga bag ko. May maleta akong dala, dalawa at knapsack sa likod. Okay na siguro 'to. Isang linggo na mula nang nakipaghiwalay sa akin si Ryal at unti-unti namang bumubuti ang lagay ko. Magpapakasaya ako. Promise ko sa sarili. Nakaka-excite. Oo nga pala, lalaki raw ang magiging roommate ko. Ano kaya hitsura niya sa personal? Sabi ni Kendra pogi raw at malaki katawan. Walang sumasagot sa mga katok ko. Ang sabi ng landlady, mauna na raw ako sa room kahit kumatok muna ako at pagbubuksan naman ako ng aking bagong roommate kasi wala raw pasok sa work yong roommate ko. Saka dalawa naman ang higaan, double deck na higaan saka may upuan mahaba na puwedeng tulugan. May dala na rin ako pepper spray sakaling bad guy ang roommate ko. Ka

    Huling Na-update : 2024-07-29
  • My Hot Roommate    4

    "Nandiyan na siya," sabi ni Brayden nang marinig namin ang mga katok sa pintuan. Tumayo siya at akmang lalapit sa pinto para pagbuksan yon pero nagsalita ako."Yong landlady? Si ate Rona?""Yup," mabilis niyang sagot saka tuluyang pumunta sa pinto.My God! Bumibilis ang pagtibok ng puso ko sa isiping kailangan kong magpanggap na girlfriend ng bagong rommmate ko. May choice ba ako ngayon? Wala. Kailangan kong sakyan ang sitwasyon ngayon or else, saan pa ako mapunta. Baka maging homeless na lang ako.Natanaw ko ang medyo matabang babae sa harap ng pinto, nakapusod ang kanyang kulot na buhok. Palinga-linga siyang pumasok sa loob. Dumagundong sa bilis ng pagtibok ang puso. Di ko alam bakit ako kinakabahan."Hi, ikaw si Valerie?" bati ng babae sa'kin.Nakipagkamay ako at nginitian siya. "Opo, ako po. Nice to meet you po."Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Napalunok ako sa paraan ng pagkilatis niya. Ano kaya ang sasabihin ko? Ako ang girlfriend ni Brayden. Saan kami nagk

    Huling Na-update : 2024-07-31
  • My Hot Roommate    5

    Pasado alas dos na nang madaling araw pero hindi ako makatulog sa bago kong narentahan. Maya't maya akong paikut-ikot sa higaan, uupo, hihiga, haharap sa kaliwa at sa kanan. Nahihilo na ako sa ginagawa ko. Tinakpan ko na rin ng unan ang mukha ko, sinubukan ko na ring magpatugtog pero walang epekto.Kahit ano'ng gawin ko, si Brayden ang nakikita ko. Boses niya ang naririnig ko, nami-miss ko ang mga yakap at halik niya. Lahat sa kanya. Lahat ng masasayang alaala naming dalawa ay parang multong hindi ako pinatatahimik.Bumangon na lang ako at naupo habang nakakumot. Niyakap ko ang sarili ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klase ng lungkot. Yong tipong alam kong dapat mag-move forward pero yong sakit hindi agad-agad nawawala. Durog na durog ang puso ko dahil sa ginawa niya sa'kin.Kinuha ko na lang ang cellphone ko at wala sa sariling pinanood ang mga luma naming videos at pictures. Nandito pa lahat. Yong pagpunta namin sa Tagaytay, sa Baguio, mga staycation namin sa iba't ibang l

    Huling Na-update : 2024-11-22
  • My Hot Roommate    6

    Brayden "Sige na, Brayden. Sunduin mo na yong kaibigan ko," pagsusumamamo ni Kendra sa'kin para sunduin sa work ang kaibigan niyang si Valerie. 3PM to 12AM ang pasok ni Valerie sabi niya at nagtatrabaho siya sa fastfood chain bilang crew. 11:30 na nang gabi at wala naman talaga akong balak sunduin ang babaing yon. Ang lapit-lapit lang ng work niya dito sa amin saka inaantok na nga ako. "Malaki na siya," tipid kong sagot. "Kaya na ni Valerie sarili niya." "Ngayon lang naman e," pagpipilit pa ni Kendra. "Alam mo namang brokenhearted yon. Baka kung ano gawin nun sa sarili niya pagka-out sa work. Overthinker pa naman yon." Napapakamot sa batok na napilitan akong umoo. "Oo, sige na nga. Ngayon lang 'to ah. Sisingilin ko siya ng pang-gas ng motor ko," biro ko pa. "Bahala ka." "Yon, ang bait mo talaga. Dabest Brayden. Kahit ako na magbayad ng gas mo buong month. Bantayan mo lang ang friend ko diyan nang maayos ah." Natawa ako sa sinabi niya. Talagang ginawa pa akong taga-bantay ng b

    Huling Na-update : 2024-11-23
  • My Hot Roommate    7

    "So ano'ng trip mo?" Napahinto muna sya sa pagsubo saka tinanong ako nang gano'n. "Bakit mo ako sinundo? Bored ka sa bahay 'no?"Patapos na ako kumain. Sumubo ako nang dalawa saka sinagot ang tanong niya."Gano'n na nga. Bored sa bahay e. Natugtog ko na yata lahat ng kanta, ang bagal pa rin ng oras," pagsisinungaling ko pa. Ayokong sabihing si Kendra ang nagpumilit sa'kin na sunduin ang kaibigan niya. Baka mag-away pa sila, kasalanan ko pa."Saka wag kang mag-alala. Ngayon lang 'to," dugtong ko pa.Tumikhim siya. "Edi salamat," pabalang niyang sagot. Natawa ako. "Ganyan ba dapat magpasalamat? Parang galit pa ah.""Hindi ah. Genuine yong thank you ko sa'yo. Matagal na rin akong hindi nasusundo."Magkukuwento na kaya siya tungkol sa ex niyang niloko siya? Handa naman akong makinig sa mga sasabihin niya. "Salamat sa pagsundo, totoo yan. Baka iniisip mo tinatarayan pa rin kita ah?"Umiling ako. "Hindi. Alam kong nagpapasalamat ka talaga saka gusto kong nagtataray ka. Parang mas maganda

    Huling Na-update : 2024-11-24

Pinakabagong kabanata

  • My Hot Roommate    1

    Valerie Maya't maya kong tinitingnan ang gift box na nasa harap ko na may kasamang chocolates at isang cake. It's our 4th anniversary ni Ryal at nakapagsunduan naming magkikita rito sa favorite restaurant namin kaso mga 30 minutes na akong naghihintay, wala pa rin siya. Sinipat ko ang oras sa phone ko. 5:35 PM na pero wala pa rin siya. Saan naman kaya nagpunta ang mokong na yon? Nakakainis na! Malapit na ako lamukin dito, sige. Kasalanan niya pag nagka-dengue ako o namuti ang buhok kakahintay. Aawayin ko siya pag lumampas pa nang isang oras ay wala pa rin siya. Napatayo ako sa pagkakaupo nang matanaw kong papasok na siya, si Ryal. Wala akong nakikitang kahit na anong hawak niya as a gift pero okay lang naman. Yong presence niya na lang sa'kin at pagsipot, okay na. Nasanay na rin naman akong madalas siyang walang regalo sa'kin at assurance na lang na mahal niya ako ang nagpatagal ng relasyon natin. Iniwan ko ang mga gamit ko at sinalubong siya ng mahigpit na yakap at halik sa p

DMCA.com Protection Status