Share

4

Author: dixie_alexa
last update Last Updated: 2024-11-22 13:17:24

"Nandiyan na siya," sabi ni Brayden nang marinig namin ang mga katok sa pintuan. Tumayo siya at akmang lalapit sa pinto para pagbuksan yon pero nagsalita ako.

"Yong landlady? Si ate Rona?"

"Yup," mabilis niyang sagot saka tuluyang pumunta sa pinto.

My God! Bumibilis ang pagtibok ng puso ko sa isiping kailangan kong magpanggap na girlfriend ng bagong rommmate ko. May choice ba ako ngayon? Wala. Kailangan kong sakyan ang sitwasyon ngayon or else, saan pa ako mapunta. Baka maging homeless na lang ako.

Natanaw ko ang medyo matabang babae sa harap ng pinto, nakapusod ang kanyang kulot na buhok. Palinga-linga siyang pumasok sa loob. Dumagundong sa bilis ng pagtibok ang puso. Di ko alam bakit ako kinakabahan.

"Hi, ikaw si Valerie?" bati ng babae sa'kin.

Nakipagkamay ako at nginitian siya. "Opo, ako po. Nice to meet you po."

Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Napalunok ako sa paraan ng pagkilatis niya. Ano kaya ang sasabihin ko? Ako ang girlfriend ni Brayden. Saan kami nagkakilala? Sa Litmatch? Sa F******k?

"Ang sexy mo, hija," puri ni ate Rona sa akin.

"Ang sabi ni Brayden, girlfriend ka raw niya. Tama ba?"

Nagkatinginan kami ni Brayden at naningkit ang mga mata niya sa'kin.

"Ah, opo. Girlfriend niya po ako," pagpapanggap ko.

Tiningnan niya si Brayden na para bang hangang-hanga siya sa taste ng Brayden nito.

"Magaling ka talaga pumili, Brayden. Ang ganda rin ng girlfriend mo."

Napakamot siya sa batok at lumapit sa'kin.

"Syempre, ate Rona. Mataas ang standard ko sa mga babae at mas gusto ko pang makasama ang girlfriend ko kaya inaya ko na lang siya mag-rent dito."

Inakbayan niya ako kaya halos manigas ako sa kinatatayuan. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Ayokong ma-inlove o ma-attract ulit sa isang lalaki dahil feeling ko, masasaktan ako sa huli.

"Di ba, Val?" tanong pa ni Brayden.

Kinikilig ang mga titig ni ate Rona sa aming dalawa. Naaasiwa ako pero temporary lang naman siguro ito. Pag nalampasan ko ito, okay na.

"Oo naman. Saka malapit po kasi yong place na ito sa work ko," sagot ko.

"Ako nagsasabi sa'yo, mabait na bata ito si Brayden. Sigurado akong mas magkakaroon pa kayo ng maraming moments sa pagre-rent ninyo dito."

Yuck! Si Brayden makakasama ko magkaroon ng maraming moments? E kita ko pa lang sa kanya hindi ko siya bet.

Ngumiti na lang ako bilang tugon sa ginang at iginiya na ako sa mga parte ng kuwarto mula higaan, CR, kusina at sala hanggang sa maliit na veranda sa labas.

"Malambot ang higaan na yan. Tag-isa na lang kayo. Isa sa taas, isa sa baba."

Nagkatinginan kami ni Brayden at ngumingisi siya kaya naaasar ako. Mukhang tuwang-tuwa pa siya sa nangyayari.

"Kung gusto ninyo mag-loving-loving, magtabi na lang kayo."

Napaubo ako sa sinabi niya. Kahit kailan di ko ma-imagine na makatabi sa pagtulog si Brayden. Hate at first sight, ayan ang nararamdaman ko sa kanya kasi mukha siyang badboy.

Kita kong tinawanan lang ako ng Brayden na ito. Lilintikan siya sa'kin pag-alis ng landlady na 'to.

"Gaano na kayo katagal ni Brayden?" usisa pa ni ate Rona.

Napatingin ako sa binata. Di ko kasi alam ang isasagot.

"Mga 2 months pa lang po, ate Rona. Ldr kasi kami," paliwanag niya.

Nakahinga ako nang maluwag. Buti di ako umimik kasi sasabihin ko sana 3 months.

"Bagay kayo," hirit niya pa. Pati sa landlady naiinis na ako. Kung alam niya lang na isang peke ang lahat ng ito. Jowa-jowa ka dyan. Never kong jojowain ang kasama ko.

"Ito naman ang veranda," turo ni ate Rona sa labas. "Maliit lang siya pero maganda ang view diyan. Kung gusto ninyo mag night dates, okay na okay ang veranda ko."

Nasamid na naman ako. Ano bang pinagsasabi ng ate Rona na ito. Night dates pa raw. Day dates nga ayoko. Nights pa kaya.

"Binigyan mo pa ako ng idea, ate Rona," natatawang sagot ni Brayden sa kanya.

Argh! Nakakairita.

May binulong sa kanya si Brayden at sabay silang nagtawanan. Gusto ko sila tanungin kung ano pinag-uusapan nila pero nakakahiya naman yon. Masyado na akong tsismosa at bastos kung gano'n.

Inikot pa namin lahat ng dapat kong makita at malaman sa buong room ni Brayden. Hindi rin gaano nagtagal si ate Rona at umalis din agad pero bago pa siya umalis, binilinan niya ako.

"Suwerte ka rin sa boyfriend mo. Napakabait niyan. Malinis pa sa kuwarto."

Maganda kung gano'n. Hindi siya magiging sakit ko sa ulo sa paglilinis ng bahay.

"Saka maraming alam sa gawaing bahay yan," untag niya pa.

Napatingin ako sa lalaking topic namin na ngayon ay nakatingin lang din sa amin at natatawa pa nga.

"Thank you po, ate Rona. Yon naman po kasi talaga gusto ko sa lalaki, yong maraming alam sa gawing-bahay at masipag."

Ngumiti sa'kin si ate Rona at huling sulyap naman ang binigay niya kay Brayden bago siya lumabas. Pinanood ko pa si Brayden na ihatid siya sa labas at pagsarhan siya  ng pinto.

Sinimulan ko na ang pagsasalansan ng mga gamit ko sa drawer. Matapos ay naupo ako sa ilalim na kama ng double deck.

"Diyan ka na sa baba?" tanong ng kasama ko.

"Oo," maikling sagot ko habang tinitingnan ang cellphone ko.

"Hmm.. okay," walang gana niyang sagot tapos ay may binulong siya pero narinig ko yon.

"So bottom ka pala," aniya.

Napaangat ako ng mukha sa kanya. "Ano'ng sabi mo?"

"Sabi ko, bottom ka pala," pag-ulit niya pa.

Sinakyan ko ang tanong niya. "Oo, bakit? May problema ka?"

Napahawak siya sa kanyang labi at umiwas ng tingin pero ramdam ko pa rin ang tensiyon sa aming dalawa.

"Gusto ko yan," natatawa niyang sabi.

Ang lakas ng tama ng isang 'to ah. Buti na lang mahaba ang pasensya ko sa ngayon dahil kung hindi, makakatikim talaga siya. Mayamaya pa, may kinuha siya sa gilid na hugis-gitara. Di nga ako nagkakamali. Gitara yon. Nasa uluhan ako ng kama nakaupo habang siya ay nasa paanan ko.

"Mahilig ako maggitara. Gusto mo ba makita?" bigla niyang sabi.

"Sige," sagot ko naman.

Nag-umpisa siyang tumugtog ng gitara. Akala ko ay tutugtog lang siya pero nagulat ako sa ganda ng boses niya nang kumanta siya.

"Ikaw lang, mahal; laman ng tula"

Alam ko ang kantang 'yon. Musika ang pamagat ng kanta ng isa sa paborito kong banda, ang Dionela.

"Tunog ng gitara't himig ng kanta"

Tumingin siya sa akin nang seryoso habang kumakanta. Parang saglit na nawala lahat ng inis ko sa kanya. Alam kong hindi dapat ako maging assuming pero pakiramdam ko ay hinaharana niya ako.  Bagay na hindi ko naranasan kay Ryal.

Huminto siya sa pagtugtog saka ako tinanong.

"Alam mo ba 'tong kanta?"

"Oo, Musika," sagot ko.

"Sabayan mo ako," ang kanyang sambit.

Bigla kong nakalimutan ang lyrics ng kanta pagkasabi niya niyon. Bakit.. bakit gumaan bigla ang pakiramdam ko lalo na at mahilig din pala siya sa musika. Parehas kami.

Related chapters

  • My Hot Roommate    5

    Pasado alas dos na nang madaling araw pero hindi ako makatulog sa bago kong narentahan. Maya't maya akong paikut-ikot sa higaan, uupo, hihiga, haharap sa kaliwa at sa kanan. Nahihilo na ako sa ginagawa ko. Tinakpan ko na rin ng unan ang mukha ko, sinubukan ko na ring magpatugtog pero walang epekto.Kahit ano'ng gawin ko, si Brayden ang nakikita ko. Boses niya ang naririnig ko, nami-miss ko ang mga yakap at halik niya. Lahat sa kanya. Lahat ng masasayang alaala naming dalawa ay parang multong hindi ako pinatatahimik.Bumangon na lang ako at naupo habang nakakumot. Niyakap ko ang sarili ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klase ng lungkot. Yong tipong alam kong dapat mag-move forward pero yong sakit hindi agad-agad nawawala. Durog na durog ang puso ko dahil sa ginawa niya sa'kin.Kinuha ko na lang ang cellphone ko at wala sa sariling pinanood ang mga luma naming videos at pictures. Nandito pa lahat. Yong pagpunta namin sa Tagaytay, sa Baguio, mga staycation namin sa iba't ibang l

  • My Hot Roommate    1

    Valerie Maya't maya kong tinitingnan ang gift box na nasa harap ko na may kasamang chocolates at isang cake. It's our 4th anniversary ni Ryal at nakapagsunduan naming magkikita rito sa favorite restaurant namin kaso mga 30 minutes na akong naghihintay, wala pa rin siya. Sinipat ko ang oras sa phone ko. 5:35 PM na pero wala pa rin siya. Saan naman kaya nagpunta ang mokong na yon? Nakakainis na! Malapit na ako lamukin dito, sige. Kasalanan niya pag nagka-dengue ako o namuti ang buhok kakahintay. Aawayin ko siya pag lumampas pa nang isang oras ay wala pa rin siya. Napatayo ako sa pagkakaupo nang matanaw kong papasok na siya, si Ryal. Wala akong nakikitang kahit na anong hawak niya as a gift pero okay lang naman. Yong presence niya na lang sa'kin at pagsipot, okay na. Nasanay na rin naman akong madalas siyang walang regalo sa'kin at assurance na lang na mahal niya ako ang nagpatagal ng relasyon natin. Iniwan ko ang mga gamit ko at sinalubong siya ng mahigpit na yakap at halik sa pis

  • My Hot Roommate    2

    "Sumagot ka," pag-ulit ko sa sinabi ko kasi bigla na lang siyang nanahimik.4 years, 4 years ko siyang minahal. Hindi naman siguro kami magtatagal nang gano'n kung ako lang ang nagmahal sa aming dalawa. 4 years siya ng buhay ko kaya nasasaktan ako sa isiping magkakahiwalay kami."Val, kasi—""Kasi ano?""Aaminin ko na. May nagugustuhan na akong iba."Parang nabingi ako sa huling limang salitang sinabi niya. May nagugustuhan na siyang iba. Nagsawa siya sa'kin dahil may iba na pala. Hindi pala siya mag-iiba kung walang iba kaya kumpirmado nga. Yon naman talaga ang kutob ko. Hinintay ko lang na umamin siya. Masakit pero kailangan kong magpakalakas."Ano'ng nagustuhan mo sa kanya na wala sa'kin?" tanong ko pa kahit masakit na. Kahit gusto ko nang umiyak nang malakas at ibuhos lahat ng luha na nagbabadyang tumulo galing sa mga mata ko."Madalas kami magkita."Tumulo na naman ang makukulit na mga luha ko. Kahit ano'ng pigil ko ay wala na akong nagawa. Dalawang mata ko na ang lumuluha habang

  • My Hot Roommate    3

    Walang pag-aalinlangan na tinanggap ko na ang offer na maging roommate ng kakilala ni Kendra. Napakamura na ng renta at hati pa kami sa renta. Saktong-sakto sa aking iniingatang budget. Heto nga at kumakatok na ako sa pinto ng kuwarto na rerentahan ko bitbit ang mga bag ko. May maleta akong dala, dalawa at knapsack sa likod. Okay na siguro 'to. Isang linggo na mula nang nakipaghiwalay sa akin si Ryal at unti-unti namang bumubuti ang lagay ko. Magpapakasaya ako. Promise ko sa sarili. Nakaka-excite. Oo nga pala, lalaki raw ang magiging roommate ko. Ano kaya hitsura niya sa personal? Sabi ni Kendra pogi raw at malaki katawan. Walang sumasagot sa mga katok ko. Ang sabi ng landlady, mauna na raw ako sa room kahit kumatok muna ako at pagbubuksan naman ako ng aking bagong roommate kasi wala raw pasok sa work yong roommate ko. Saka dalawa naman ang higaan, double deck na higaan saka may upuan mahaba na puwedeng tulugan. May dala na rin ako pepper spray sakaling bad guy ang roommate ko. Ka

Latest chapter

  • My Hot Roommate    4

    "Nandiyan na siya," sabi ni Brayden nang marinig namin ang mga katok sa pintuan. Tumayo siya at akmang lalapit sa pinto para pagbuksan yon pero nagsalita ako."Yong landlady? Si ate Rona?""Yup," mabilis niyang sagot saka tuluyang pumunta sa pinto.My God! Bumibilis ang pagtibok ng puso ko sa isiping kailangan kong magpanggap na girlfriend ng bagong rommmate ko. May choice ba ako ngayon? Wala. Kailangan kong sakyan ang sitwasyon ngayon or else, saan pa ako mapunta. Baka maging homeless na lang ako.Natanaw ko ang medyo matabang babae sa harap ng pinto, nakapusod ang kanyang kulot na buhok. Palinga-linga siyang pumasok sa loob. Dumagundong sa bilis ng pagtibok ang puso. Di ko alam bakit ako kinakabahan."Hi, ikaw si Valerie?" bati ng babae sa'kin.Nakipagkamay ako at nginitian siya. "Opo, ako po. Nice to meet you po."Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Napalunok ako sa paraan ng pagkilatis niya. Ano kaya ang sasabihin ko? Ako ang girlfriend ni Brayden. Saan kami nagk

  • My Hot Roommate    3

    Walang pag-aalinlangan na tinanggap ko na ang offer na maging roommate ng kakilala ni Kendra. Napakamura na ng renta at hati pa kami sa renta. Saktong-sakto sa aking iniingatang budget. Heto nga at kumakatok na ako sa pinto ng kuwarto na rerentahan ko bitbit ang mga bag ko. May maleta akong dala, dalawa at knapsack sa likod. Okay na siguro 'to. Isang linggo na mula nang nakipaghiwalay sa akin si Ryal at unti-unti namang bumubuti ang lagay ko. Magpapakasaya ako. Promise ko sa sarili. Nakaka-excite. Oo nga pala, lalaki raw ang magiging roommate ko. Ano kaya hitsura niya sa personal? Sabi ni Kendra pogi raw at malaki katawan. Walang sumasagot sa mga katok ko. Ang sabi ng landlady, mauna na raw ako sa room kahit kumatok muna ako at pagbubuksan naman ako ng aking bagong roommate kasi wala raw pasok sa work yong roommate ko. Saka dalawa naman ang higaan, double deck na higaan saka may upuan mahaba na puwedeng tulugan. May dala na rin ako pepper spray sakaling bad guy ang roommate ko. Ka

  • My Hot Roommate    2

    "Sumagot ka," pag-ulit ko sa sinabi ko kasi bigla na lang siyang nanahimik.4 years, 4 years ko siyang minahal. Hindi naman siguro kami magtatagal nang gano'n kung ako lang ang nagmahal sa aming dalawa. 4 years siya ng buhay ko kaya nasasaktan ako sa isiping magkakahiwalay kami."Val, kasi—""Kasi ano?""Aaminin ko na. May nagugustuhan na akong iba."Parang nabingi ako sa huling limang salitang sinabi niya. May nagugustuhan na siyang iba. Nagsawa siya sa'kin dahil may iba na pala. Hindi pala siya mag-iiba kung walang iba kaya kumpirmado nga. Yon naman talaga ang kutob ko. Hinintay ko lang na umamin siya. Masakit pero kailangan kong magpakalakas."Ano'ng nagustuhan mo sa kanya na wala sa'kin?" tanong ko pa kahit masakit na. Kahit gusto ko nang umiyak nang malakas at ibuhos lahat ng luha na nagbabadyang tumulo galing sa mga mata ko."Madalas kami magkita."Tumulo na naman ang makukulit na mga luha ko. Kahit ano'ng pigil ko ay wala na akong nagawa. Dalawang mata ko na ang lumuluha habang

  • My Hot Roommate    1

    Valerie Maya't maya kong tinitingnan ang gift box na nasa harap ko na may kasamang chocolates at isang cake. It's our 4th anniversary ni Ryal at nakapagsunduan naming magkikita rito sa favorite restaurant namin kaso mga 30 minutes na akong naghihintay, wala pa rin siya. Sinipat ko ang oras sa phone ko. 5:35 PM na pero wala pa rin siya. Saan naman kaya nagpunta ang mokong na yon? Nakakainis na! Malapit na ako lamukin dito, sige. Kasalanan niya pag nagka-dengue ako o namuti ang buhok kakahintay. Aawayin ko siya pag lumampas pa nang isang oras ay wala pa rin siya. Napatayo ako sa pagkakaupo nang matanaw kong papasok na siya, si Ryal. Wala akong nakikitang kahit na anong hawak niya as a gift pero okay lang naman. Yong presence niya na lang sa'kin at pagsipot, okay na. Nasanay na rin naman akong madalas siyang walang regalo sa'kin at assurance na lang na mahal niya ako ang nagpatagal ng relasyon natin. Iniwan ko ang mga gamit ko at sinalubong siya ng mahigpit na yakap at halik sa pis

DMCA.com Protection Status