Share

6

Author: dixie_alexa
last update Huling Na-update: 2024-11-23 02:17:57

Brayden

"Sige na, Brayden. Sunduin mo na yong kaibigan ko," pagsusumamamo ni Kendra sa'kin para sunduin sa work ang kaibigan niyang si Valerie.

3PM to 12AM ang pasok ni Valerie sabi niya at nagtatrabaho siya sa fastfood chain bilang crew. 11:30 na nang gabi at wala naman talaga akong balak sunduin ang babaing yon. Ang lapit-lapit lang ng work niya dito sa amin saka inaantok na nga ako.

"Malaki na siya," tipid kong sagot. "Kaya na ni Valerie sarili niya."

"Ngayon lang naman e," pagpipilit pa ni Kendra. "Alam mo namang brokenhearted yon. Baka kung ano gawin nun sa sarili niya pagka-out sa work. Overthinker pa naman yon."

Napapakamot sa batok na napilitan akong umoo.

"Oo, sige na nga. Ngayon lang 'to ah. Sisingilin ko siya ng pang-gas ng motor ko," biro ko pa. "Bahala ka."

"Yon, ang bait mo talaga. Dabest Brayden. Kahit ako na magbayad ng gas mo buong month. Bantayan mo lang ang friend ko diyan nang maayos ah."

Natawa ako sa sinabi niya. Talagang ginawa pa akong taga-bantay ng baklang ito. At ang babantayan ko ay isang mataray na si Valerie? E hindi nga kami magkasundo ng babaing yon sa katarayan niya.

"Ang sabi ko bantayan, Brayden ah," pag-ulit niya pa.

"Ang kulit. Oo na. Susunduin ko na ang kaibigan mo."

"Yes, yes!" tuwang-tuwa niyang sabi sa kabilang linya.

"Ang kulit mo kasi. Unang beses ko lang 'to gagawin ah," sagot ko naman.

"O sige. Mauna na ako. Kailangan ko pa mag-beauty rest," maarteng sabi niya sa kabilang linya at nagpaalam na. "Bye, ingat!"

"Ge. Ingat," sobrang iikli kong mga sagot sa kanya. Pagkababa ng tawag, isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko.

Ang sabi ko ay gusto ko ng roommate para makatipid sa gastos. Hindi ko alam na magiging tagasundo na pala ako ng brokenhearted kong roommate na walang ginawa kundi magsungit sa'kin. Pero para sa kaibigan ko ring si Kendra, susundin ko siya. Ngayon ko lang ito gagawin.

Nag-ayos na ako ng sarili saka hinablot ang nakasabit kong susi. Nagpabango ako saglit at lumabas na. Sa totoo lang ay naaawa rin ako kay Valerie. Sa mga kuwento niya kasi ay nagbago raw ang lalaki sa kanya hanggang sa malaman niyang may bago na pala at ilang gabi ko na siya naririnig na humihikbi sa higaan niya sa baba. Hinahayaan ko na lang kahit mapuyat ako sa iyak niya kasi alam kong masakit sa kanya ang nangyari.

SAKTONG 12:10 na ako nakarating sa labas ng fastfood na pinagtatrabahuhan ni Val. Wala siyang kaalam-alam na may sundo siya ngayong madaling araw. Pasalamat siya sa kaibigan niya dahil ayoko talaga itong gawin. Baka isipin pa ng iba mag-jowa kami.

Nakasandal lang ako sa motor ko habang hinihintay ang paglabas niya. Sa bawat taong lumalabas ng fastfood chain, tinitingnan ko kung si Valerie yon. Mayamaya pa, lumabas siya, nagsusuklay ng buhok, nakasuot ng yellow t-shirt at pantalon saka white rubber shoes.

Hindi ko alam kung bakit na-excite ako sa paglabas niya at nang makita ko ang mukha niya. Namamaalam pa siya sa mga kasama niya. Nakita ko siyang dumaan sa labas sa take-out area, may kinausap na kasama at nagngitian silang dalawa. Magaling ang babaing ito. Hindi halata sa kanyang broken siya dahil ang saya-saya niya pa rin tingnan.

Kumaway na ako para mapansin niya. Nangunot ang noo niyang lumapit sa'kin. Gaya ng inaasahan ko, nagsungit na naman siya.

"Ano'ng ginagawa mo rito? Stalker ka 'no?" ambisyosa niyang tanong sa'kin.

"Nag-effort na nga akong pumunta rito. Sasabihan mo lang akong stalker?"

Tiningnan niya ang motor ko at isang helmet na nakasabit sa harap ng motor niya.

"Susunduin mo ako?" maang niyang tanong.

"Hindi ba obvious?" pabalang ko ring sagot.

"Bakit? Ano'ng meron?" tanong na naman niya.

Umiwas ako ng tingin saka sumagot sa kanya.

"Basta, wag na ngang maraming tanong. Sumakay ka na," utos ko na lang at inabot sa kanya ang helmet. Hindi niya yon kinukuha at ako na ang nag-adjust. Lumapit ako sa kanya at mabilis na sinuot sa kanya ang helmet.

Bumalik na agad ako sa motor at pinaandar ang makina.

"Tara na," sabi ko pa kasi nakatayo lang siya doon. Hindi natitinag.

"Ano? Tatayo ka lang?"

Kahit bakas sa mukha niya ang inis ay napilitan siyang lumapit sa'kin at sumakay na rin sa likod ko. Hindi siya humahawak sa balikat o beywang ko. Talagang pinanindigan niyang humawak sa gilid ng motor. Hindi ko yon pinansin. Hindi rin siya nagsasalita sa buong biyahe.

Tahimik lang talaga kami sa buong biyahe. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Ayoko rin muna siyang isturbohin. Susundin ko nga lang kasi ang utos ni Kendra sa'kin.

Bigla ay tinapik niya ako sa balikat noong malapit na kami sa bahay. May sinasabi siya. Hindi ko yon naintindihan kaya nilapit ko ang tenga ko sa kanya.

"Baba tayo sa may 7-11 malapit sa bahay mo. Yong sa baba," ang kanyang sabi.

Meron kasing 7-11 sa baba ng nirerentahan namin. Maraming convenience store doon. Pag di ako nakakapagluto ay bababa lang ako at marami nang choices doon.

"Ano'ng gagawin mo do'n?" tanong ko sa kanya.

"Kakain. Nagugutom ako e."

Gutom naman pala. Favorite ko rin naman ang 7-11. Walang problema do'n.

"Sige."

Pagkatapos niyon ay wala na naman kaming imikan. Pinakikiramdaman ko siya kung umiiyak na naman siya. Tinitingnan ko rin siya sa salamin pero hindi naman siya lumuluha o ano. Mukha pa nga siyang masayang patingin-tingin sa mga dinadaanan.

Nakarating kami sa 7-11 at nauna siyang bumaba ng motor. Inabot niya sa'kin ang helmet at nagpasalamat. Sobrang bilis ng mga hakbang niyang naglakad palapit sa loob pero nakita kong hindi muna siya pumasok sa loob.

Meron siyang pusang nilapitan sa labas. Binuhat niya ang pusa at hinawak-hawakan ang balahibo. Matagal ko na nakikita ang pusang yon na kulay-orange at mataba. Balita ko ay marami nagpapakain sa pusang yon.

Siguro sa ilang beses na pagpasok ni Valerie, nakikita at nadadaanan niya ang pusang nakatambay sa labas ng 7-11. Wala sa sariling napangiti ako habang hinuhubad ang helmet ko. Pakiramdam ko ay nakikita ko ang good side niya.

Tumayo na si Valerie. Tumingin siya sa'kin at sumenyas na sumunod na ako sa loob. Nag-thumbs na lang ako kaya tuluy-tuloy na siyang pumasok sa loob ng 7-11.

P-in-ark ko muna ang motor ko saka sinundan siya. Nadatnan ko siyang namimili ng mga pagkain. Tumabi ako sa kanya at pinanood ang gagawin niya. Kumuha siya ng dalawang giniling at tumingin sa'kin.

"Ikaw? Di ka kakain?"

"Ah, kakain. Sabayan na lang kita," sagot ko kahit ang totoo ay busog pa ako.

"Sige, magbabayad na ako do'n ah," pagpapaalam niya pa.

Bakit parang di ako sanay na di siya nagmamaldita sa'kin. Ganito pala siya pag mabait siya. Sana lagi siya ganyan.

"Teka, bakit dalawa yan?" tanong ko sa kanya na hawak ang dalawang giniling. "Gano'n ka ba ka-patay-gutom?" biro ko pa sa kanya. Ang sarap niya rin kasi inisin. Umuusok ang ilong.

"Talaga ba? Mas mukha ka pa ngang patay-gutom sa'kin e," pagtataray niya kaya natawa ako. Mas maganda siya pag nagtataray siya. Yong tipong nakataas kilay tapos umiirap.

"Ipapakain ko doon sa pusa sa labas yong isa. Palibhasa, di ka animal lover. You don't understand me," hirit pa niya.

Napangisi ako saka kumuha ng isang giniling. Bigla na lang siyang nag-walk out. Nagtungo agad siya sa counter para magbayad. Kasunod niya lang ako tapos tumahimik na naman siya. Ang moody niya talaga. Baka gano'n talaga ang mga babae. Parang araw-araw may regla.

Matapos namin magbayad ay mabibilis ang mga hakbang na lumabas siya. May mga upuan din kasi sa labas. Sumunod naman ako at naghanap ng mauupuan samantalang si Val, inuna niyang buksan yong isang giniling at pinakain doon sa pusang kulay-orange.

Parang. . . gusto ko na rin maging pusa para maging mabait siya sa'kin at mahihimas niya pa ako. Napapangiti na pala ako habang nakatingin sa ginagawa niya. Pagbalik niya ay naabutan niya akong nakangiti.

"Nginingiti-ngiti mo diyan?" tanong ni Val. Binawi ko na ang ngiti at napatingin sa babaing kaharap ko. Maganda pala siya sa malapitan. Hindi rin naman pala puro katarayan ang nasa dugo niya kasi nakikita kong mabait siya.

Ayoko man sabihin pero bakit parang nagugustuhan ko siya.

Kaugnay na kabanata

  • My Hot Roommate    1

    Valerie Maya't maya kong tinitingnan ang gift box na nasa harap ko na may kasamang chocolates at isang cake. It's our 4th anniversary ni Ryal at nakapagsunduan naming magkikita rito sa favorite restaurant namin kaso mga 30 minutes na akong naghihintay, wala pa rin siya. Sinipat ko ang oras sa phone ko. 5:35 PM na pero wala pa rin siya. Saan naman kaya nagpunta ang mokong na yon? Nakakainis na! Malapit na ako lamukin dito, sige. Kasalanan niya pag nagka-dengue ako o namuti ang buhok kakahintay. Aawayin ko siya pag lumampas pa nang isang oras ay wala pa rin siya. Napatayo ako sa pagkakaupo nang matanaw kong papasok na siya, si Ryal. Wala akong nakikitang kahit na anong hawak niya as a gift pero okay lang naman. Yong presence niya na lang sa'kin at pagsipot, okay na. Nasanay na rin naman akong madalas siyang walang regalo sa'kin at assurance na lang na mahal niya ako ang nagpatagal ng relasyon natin. Iniwan ko ang mga gamit ko at sinalubong siya ng mahigpit na yakap at halik sa pis

  • My Hot Roommate    2

    "Sumagot ka," pag-ulit ko sa sinabi ko kasi bigla na lang siyang nanahimik.4 years, 4 years ko siyang minahal. Hindi naman siguro kami magtatagal nang gano'n kung ako lang ang nagmahal sa aming dalawa. 4 years siya ng buhay ko kaya nasasaktan ako sa isiping magkakahiwalay kami."Val, kasi—""Kasi ano?""Aaminin ko na. May nagugustuhan na akong iba."Parang nabingi ako sa huling limang salitang sinabi niya. May nagugustuhan na siyang iba. Nagsawa siya sa'kin dahil may iba na pala. Hindi pala siya mag-iiba kung walang iba kaya kumpirmado nga. Yon naman talaga ang kutob ko. Hinintay ko lang na umamin siya. Masakit pero kailangan kong magpakalakas."Ano'ng nagustuhan mo sa kanya na wala sa'kin?" tanong ko pa kahit masakit na. Kahit gusto ko nang umiyak nang malakas at ibuhos lahat ng luha na nagbabadyang tumulo galing sa mga mata ko."Madalas kami magkita."Tumulo na naman ang makukulit na mga luha ko. Kahit ano'ng pigil ko ay wala na akong nagawa. Dalawang mata ko na ang lumuluha habang

  • My Hot Roommate    3

    Walang pag-aalinlangan na tinanggap ko na ang offer na maging roommate ng kakilala ni Kendra. Napakamura na ng renta at hati pa kami sa renta. Saktong-sakto sa aking iniingatang budget. Heto nga at kumakatok na ako sa pinto ng kuwarto na rerentahan ko bitbit ang mga bag ko. May maleta akong dala, dalawa at knapsack sa likod. Okay na siguro 'to. Isang linggo na mula nang nakipaghiwalay sa akin si Ryal at unti-unti namang bumubuti ang lagay ko. Magpapakasaya ako. Promise ko sa sarili. Nakaka-excite. Oo nga pala, lalaki raw ang magiging roommate ko. Ano kaya hitsura niya sa personal? Sabi ni Kendra pogi raw at malaki katawan. Walang sumasagot sa mga katok ko. Ang sabi ng landlady, mauna na raw ako sa room kahit kumatok muna ako at pagbubuksan naman ako ng aking bagong roommate kasi wala raw pasok sa work yong roommate ko. Saka dalawa naman ang higaan, double deck na higaan saka may upuan mahaba na puwedeng tulugan. May dala na rin ako pepper spray sakaling bad guy ang roommate ko. Ka

  • My Hot Roommate    4

    "Nandiyan na siya," sabi ni Brayden nang marinig namin ang mga katok sa pintuan. Tumayo siya at akmang lalapit sa pinto para pagbuksan yon pero nagsalita ako."Yong landlady? Si ate Rona?""Yup," mabilis niyang sagot saka tuluyang pumunta sa pinto.My God! Bumibilis ang pagtibok ng puso ko sa isiping kailangan kong magpanggap na girlfriend ng bagong rommmate ko. May choice ba ako ngayon? Wala. Kailangan kong sakyan ang sitwasyon ngayon or else, saan pa ako mapunta. Baka maging homeless na lang ako.Natanaw ko ang medyo matabang babae sa harap ng pinto, nakapusod ang kanyang kulot na buhok. Palinga-linga siyang pumasok sa loob. Dumagundong sa bilis ng pagtibok ang puso. Di ko alam bakit ako kinakabahan."Hi, ikaw si Valerie?" bati ng babae sa'kin.Nakipagkamay ako at nginitian siya. "Opo, ako po. Nice to meet you po."Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Napalunok ako sa paraan ng pagkilatis niya. Ano kaya ang sasabihin ko? Ako ang girlfriend ni Brayden. Saan kami nagk

  • My Hot Roommate    5

    Pasado alas dos na nang madaling araw pero hindi ako makatulog sa bago kong narentahan. Maya't maya akong paikut-ikot sa higaan, uupo, hihiga, haharap sa kaliwa at sa kanan. Nahihilo na ako sa ginagawa ko. Tinakpan ko na rin ng unan ang mukha ko, sinubukan ko na ring magpatugtog pero walang epekto.Kahit ano'ng gawin ko, si Brayden ang nakikita ko. Boses niya ang naririnig ko, nami-miss ko ang mga yakap at halik niya. Lahat sa kanya. Lahat ng masasayang alaala naming dalawa ay parang multong hindi ako pinatatahimik.Bumangon na lang ako at naupo habang nakakumot. Niyakap ko ang sarili ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klase ng lungkot. Yong tipong alam kong dapat mag-move forward pero yong sakit hindi agad-agad nawawala. Durog na durog ang puso ko dahil sa ginawa niya sa'kin.Kinuha ko na lang ang cellphone ko at wala sa sariling pinanood ang mga luma naming videos at pictures. Nandito pa lahat. Yong pagpunta namin sa Tagaytay, sa Baguio, mga staycation namin sa iba't ibang l

Pinakabagong kabanata

  • My Hot Roommate    6

    Brayden "Sige na, Brayden. Sunduin mo na yong kaibigan ko," pagsusumamamo ni Kendra sa'kin para sunduin sa work ang kaibigan niyang si Valerie. 3PM to 12AM ang pasok ni Valerie sabi niya at nagtatrabaho siya sa fastfood chain bilang crew. 11:30 na nang gabi at wala naman talaga akong balak sunduin ang babaing yon. Ang lapit-lapit lang ng work niya dito sa amin saka inaantok na nga ako. "Malaki na siya," tipid kong sagot. "Kaya na ni Valerie sarili niya." "Ngayon lang naman e," pagpipilit pa ni Kendra. "Alam mo namang brokenhearted yon. Baka kung ano gawin nun sa sarili niya pagka-out sa work. Overthinker pa naman yon." Napapakamot sa batok na napilitan akong umoo. "Oo, sige na nga. Ngayon lang 'to ah. Sisingilin ko siya ng pang-gas ng motor ko," biro ko pa. "Bahala ka." "Yon, ang bait mo talaga. Dabest Brayden. Kahit ako na magbayad ng gas mo buong month. Bantayan mo lang ang friend ko diyan nang maayos ah." Natawa ako sa sinabi niya. Talagang ginawa pa akong taga-bantay ng b

  • My Hot Roommate    5

    Pasado alas dos na nang madaling araw pero hindi ako makatulog sa bago kong narentahan. Maya't maya akong paikut-ikot sa higaan, uupo, hihiga, haharap sa kaliwa at sa kanan. Nahihilo na ako sa ginagawa ko. Tinakpan ko na rin ng unan ang mukha ko, sinubukan ko na ring magpatugtog pero walang epekto.Kahit ano'ng gawin ko, si Brayden ang nakikita ko. Boses niya ang naririnig ko, nami-miss ko ang mga yakap at halik niya. Lahat sa kanya. Lahat ng masasayang alaala naming dalawa ay parang multong hindi ako pinatatahimik.Bumangon na lang ako at naupo habang nakakumot. Niyakap ko ang sarili ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klase ng lungkot. Yong tipong alam kong dapat mag-move forward pero yong sakit hindi agad-agad nawawala. Durog na durog ang puso ko dahil sa ginawa niya sa'kin.Kinuha ko na lang ang cellphone ko at wala sa sariling pinanood ang mga luma naming videos at pictures. Nandito pa lahat. Yong pagpunta namin sa Tagaytay, sa Baguio, mga staycation namin sa iba't ibang l

  • My Hot Roommate    4

    "Nandiyan na siya," sabi ni Brayden nang marinig namin ang mga katok sa pintuan. Tumayo siya at akmang lalapit sa pinto para pagbuksan yon pero nagsalita ako."Yong landlady? Si ate Rona?""Yup," mabilis niyang sagot saka tuluyang pumunta sa pinto.My God! Bumibilis ang pagtibok ng puso ko sa isiping kailangan kong magpanggap na girlfriend ng bagong rommmate ko. May choice ba ako ngayon? Wala. Kailangan kong sakyan ang sitwasyon ngayon or else, saan pa ako mapunta. Baka maging homeless na lang ako.Natanaw ko ang medyo matabang babae sa harap ng pinto, nakapusod ang kanyang kulot na buhok. Palinga-linga siyang pumasok sa loob. Dumagundong sa bilis ng pagtibok ang puso. Di ko alam bakit ako kinakabahan."Hi, ikaw si Valerie?" bati ng babae sa'kin.Nakipagkamay ako at nginitian siya. "Opo, ako po. Nice to meet you po."Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Napalunok ako sa paraan ng pagkilatis niya. Ano kaya ang sasabihin ko? Ako ang girlfriend ni Brayden. Saan kami nagk

  • My Hot Roommate    3

    Walang pag-aalinlangan na tinanggap ko na ang offer na maging roommate ng kakilala ni Kendra. Napakamura na ng renta at hati pa kami sa renta. Saktong-sakto sa aking iniingatang budget. Heto nga at kumakatok na ako sa pinto ng kuwarto na rerentahan ko bitbit ang mga bag ko. May maleta akong dala, dalawa at knapsack sa likod. Okay na siguro 'to. Isang linggo na mula nang nakipaghiwalay sa akin si Ryal at unti-unti namang bumubuti ang lagay ko. Magpapakasaya ako. Promise ko sa sarili. Nakaka-excite. Oo nga pala, lalaki raw ang magiging roommate ko. Ano kaya hitsura niya sa personal? Sabi ni Kendra pogi raw at malaki katawan. Walang sumasagot sa mga katok ko. Ang sabi ng landlady, mauna na raw ako sa room kahit kumatok muna ako at pagbubuksan naman ako ng aking bagong roommate kasi wala raw pasok sa work yong roommate ko. Saka dalawa naman ang higaan, double deck na higaan saka may upuan mahaba na puwedeng tulugan. May dala na rin ako pepper spray sakaling bad guy ang roommate ko. Ka

  • My Hot Roommate    2

    "Sumagot ka," pag-ulit ko sa sinabi ko kasi bigla na lang siyang nanahimik.4 years, 4 years ko siyang minahal. Hindi naman siguro kami magtatagal nang gano'n kung ako lang ang nagmahal sa aming dalawa. 4 years siya ng buhay ko kaya nasasaktan ako sa isiping magkakahiwalay kami."Val, kasi—""Kasi ano?""Aaminin ko na. May nagugustuhan na akong iba."Parang nabingi ako sa huling limang salitang sinabi niya. May nagugustuhan na siyang iba. Nagsawa siya sa'kin dahil may iba na pala. Hindi pala siya mag-iiba kung walang iba kaya kumpirmado nga. Yon naman talaga ang kutob ko. Hinintay ko lang na umamin siya. Masakit pero kailangan kong magpakalakas."Ano'ng nagustuhan mo sa kanya na wala sa'kin?" tanong ko pa kahit masakit na. Kahit gusto ko nang umiyak nang malakas at ibuhos lahat ng luha na nagbabadyang tumulo galing sa mga mata ko."Madalas kami magkita."Tumulo na naman ang makukulit na mga luha ko. Kahit ano'ng pigil ko ay wala na akong nagawa. Dalawang mata ko na ang lumuluha habang

  • My Hot Roommate    1

    Valerie Maya't maya kong tinitingnan ang gift box na nasa harap ko na may kasamang chocolates at isang cake. It's our 4th anniversary ni Ryal at nakapagsunduan naming magkikita rito sa favorite restaurant namin kaso mga 30 minutes na akong naghihintay, wala pa rin siya. Sinipat ko ang oras sa phone ko. 5:35 PM na pero wala pa rin siya. Saan naman kaya nagpunta ang mokong na yon? Nakakainis na! Malapit na ako lamukin dito, sige. Kasalanan niya pag nagka-dengue ako o namuti ang buhok kakahintay. Aawayin ko siya pag lumampas pa nang isang oras ay wala pa rin siya. Napatayo ako sa pagkakaupo nang matanaw kong papasok na siya, si Ryal. Wala akong nakikitang kahit na anong hawak niya as a gift pero okay lang naman. Yong presence niya na lang sa'kin at pagsipot, okay na. Nasanay na rin naman akong madalas siyang walang regalo sa'kin at assurance na lang na mahal niya ako ang nagpatagal ng relasyon natin. Iniwan ko ang mga gamit ko at sinalubong siya ng mahigpit na yakap at halik sa pis

DMCA.com Protection Status