Pasado alas dos na nang madaling araw pero hindi ako makatulog sa bago kong narentahan. Maya't maya akong paikut-ikot sa higaan, uupo, hihiga, haharap sa kaliwa at sa kanan. Nahihilo na ako sa ginagawa ko. Tinakpan ko na rin ng unan ang mukha ko, sinubukan ko na ring magpatugtog pero walang epekto.Kahit ano'ng gawin ko, si Brayden ang nakikita ko. Boses niya ang naririnig ko, nami-miss ko ang mga yakap at halik niya. Lahat sa kanya. Lahat ng masasayang alaala naming dalawa ay parang multong hindi ako pinatatahimik.Bumangon na lang ako at naupo habang nakakumot. Niyakap ko ang sarili ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klase ng lungkot. Yong tipong alam kong dapat mag-move forward pero yong sakit hindi agad-agad nawawala. Durog na durog ang puso ko dahil sa ginawa niya sa'kin.Kinuha ko na lang ang cellphone ko at wala sa sariling pinanood ang mga luma naming videos at pictures. Nandito pa lahat. Yong pagpunta namin sa Tagaytay, sa Baguio, mga staycation namin sa iba't ibang l
Magbasa pa