Good morning! Stay tuned for more updates. ♥️
Luna’s POV Matapos naming kumain ng breakfast, agad kong inayos ang pinagkainan habang si Bella ay nanonood ng cartoons sa sala. Si Alexus naman, nagkukumpuni ng kung anong gamit sa kusina. Para bang gusto niyang ipakita na marunong siya sa bahay, na hindi lang siya isang billionaire pilot na sanay sa luho. “Huwag mo nang asikasuhin ‘yan,” sabi ko habang nililigpit ang pinagkainan. “May maid naman dito, ‘di ba?” “Gusto ko ‘to, Luna,” sagot niya nang hindi man lang lumingon. “Bakit ba parang hindi ka sanay na may ginagawa akong mabuti?” Napabuntong-hininga ako. “Kasi hindi naman talaga normal ‘yan.” Sa wakas, lumingon siya sa akin, ang mga mata niya ay may halong amusement. “Bakit, ano bang normal para sa ‘yo?” Nagkibit-balikat ako. “Ikaw na laging bossy. Ikaw na gusto lahat ng bagay kontrolado. Ikaw na gusto lahat ng desisyon ay ikaw ang may hawak.” Lumapit siya sa akin, at kahit hindi ko gustong umatras, parang kusa akong umatras hanggang sa maramdaman ko ang lamig ng counterto
Luna’s POV Napatingin ako sa labas ng malaking bintana ng hotel room ko, pinagmamasdan ang Eiffel Tower na kumikinang sa ilaw ng gabi. Paris—ang city of love. Pero wala namang love na nangyayari sa buhay ko ngayon. Napabuntong-hininga ako. Kahit ilang beses na akong nakarating sa lugar na ‘to dahil sa trabaho ko bilang flight attendant, iba pa rin ang pakiramdam ngayon. Siguro dahil kasama ko si Alexus. "Are you just going to stare at the view all night?" Halos mapatalon ako nang marinig ko ang boses niya mula sa likuran ko. Napalingon ako at nakita siyang nakasandal sa doorframe, nakasuot lang ng white dress shirt na nakabukas ang unang dalawang botones. Kitang-kita ang ganda ng porma ng katawan niya, na para bang gusto niyang ipaalala sa akin kung ano ang tinanggihan ko noon. Napairap ako. "Bakit ka nandito sa kwarto ko?" Pumasok siya nang walang paalam at dumiretso sa mini bar. Kumuha siya ng isang bote ng champagne at dalawang baso. "Because I can," sagot niya, saka b
Luna’s POV "Luna, sino ang totoong ama ni Bella?" Halos maputol ang hininga ko sa tanong ni Alexus. Parang nanigas ang buong katawan ko, at bigla akong nakaramdam ng matinding panlalamig. "Tell me, sino ang ama ng anak mo?" Nagbukas-sara ang bibig ko. Gusto kong sumagot. Gusto kong sabihin sa kanya ang totoo. Pero paano? Paano ko ipagtatapat ang isang bagay na itinago ko sa loob ng maraming taon? Napalunok ako. I can feel my heartbeat pounding loudly against my chest. Para bang sa isang iglap, mabubunyag ang matagal kong lihim. Pero bago ko pa mabigkas ang anumang salita, biglang nag-vibrate ang phone ko sa bulsa. Napatingin ako sa screen—Cara. Perfect timing. O baka hindi. Napakapit ako sa cellphone at agad na lumayo ng ilang hakbang kay Alexus. "I need to take this," paalam ko sa kanya bago mabilis na lumakad papunta sa isang sulok ng kwarto. "Cara, bakit?" tanong ko, ramdam ang kaba sa dibdib ko. "Binigyan na kita ng isang milyon. Ano pa ba ang kailangan mo?" Sa kabilang l
Luna’s POV Hindi ko alam kung paano ako nakatayo pa ngayon. Pakiramdam ko, bigla akong naging estatwa nang makita ko ang mensaheng natanggap ko mula kay Cara. Cara: "Just in case you're still in denial, sweetheart. Here's the proof. Oh, and some memories too. Enjoy. ;)" Kasunod ng mensahe ay isang attachment ng mga larawan. Nanginig ang mga kamay ko habang dahan-dahang binubuksan ang mga ito. DNA Test Result: 99.9% Probability—Father: Alexus Laurent Del Fuego Sunod kong nakita ang ilang litrato nina Cara at Alexus. May mga stolen shots ng isang gabi kung saan tila nasa isang hotel room sila. May larawan ding natutulog si Alexus—topless, may kumot na nakatakip sa katawan, pero sapat na upang magmukhang may nangyari sa kanila. Kasabay ng pagtingin ko sa mga larawan ay ang mabilis na pagbagsak ng luha ko. Impossible. Naninigas akong nakatayo sa tabi ng kama. Ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko habang pilit na iniintindi ang nakikita ko sa harapan ko. Hindi. Hindi pwede. Bakit
Luna’s POV Nakayakap pa rin sa akin ang init ng palad ni Alexus sa pisngi ko. Pakiramdam ko, saglit na tumigil ang oras—parang sa isang kisapmata, bumalik ang lahat ng alaala namin noon. Ang mga gabing nakahiga kami sa ilalim ng mga bituin, ang mga bulong niyang puno ng pangako, at ang mga yakap niyang kailanman ay hindi ko gustong pakawalan… pero ako ang umalis. Napapikit ako, pilit na iniipit sa kailaliman ng isip ko ang mga damdaming pilit na bumabalik. Hindi ko maaaring hayaan ang sarili kong mahulog ulit. Lalo na ngayon. "Alexus," bulong ko, pilit na inaalis ang kamay niya sa pisngi ko. "Stop this." Pero hindi siya natinag. Sa halip, lalo pa niyang hinigpitan ang hawak niya sa akin. "Bakit, Luna?" may pait sa boses niya. "Dahil ba sa lalaking tumawag sa 'yo kanina? May iba ka bang mahal?" Nanlaki ang mga mata ko. "What? No! Huwag mong gawing komplikado ang lahat, Alexus. Kaibigan ko lang ang tumawag sa akin kagabi," I lied. Nag-iba ang ekspresyon niya. Hindi ko alam kung g
Luna’s POVMuli akong nagising sa loob ng malawak at marangyang silid ni Alexus. Malambot ang kama, presko ang hangin mula sa bukas na bintana, at tahimik ang buong paligid—pero sa loob ko, gulo-gulo ang lahat.Napatingin ako sa tabi ko.Wala na si Alexus.Napakunot ang noo ko at agad akong bumangon. Ramdam ko ang init ng katawan ko mula sa mga nangyari kagabi. Mabilis kong kinuha ang kumot at binalot ito sa katawan ko.God, Luna. What did you do again?Huminga ako nang malalim at pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Pero bago pa ako makatayo, may napansin akong isang papel na nakapatong sa ibabaw ng study table ni Alexus.Agad akong tumayo at lumapit doon. Kinuha ko ang papel at bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kong isa itong cheque.Amount: 1,000,000 pesos.Payee: Luisa Natasha ReidNapasinghap ako.Hindi ko na kailangang tingnan kung sino ang nag-issue nito. Malinaw na si Alexus ang nagbigay.Kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko ay ang pagbaha ng iba't ibang emosyon sa
Luna’s POV Gusto kong itigil ang oras. Kahit saglit lang. Kahit isang gabi lang. Alam kong pagkatapos nito, babalik na naman ako sa reyalidad—sa katotohanang hindi akin si Alexus, at kailanman ay hindi na magiging akin. Pero ngayong gabi, gusto kong ipikit ang mga mata ko sa katotohanang iyon. Ngayon lang. Napatingin ako sa kanya. Naka-relax siyang nakasandal sa upuan, habang iniikot ang baso ng alak sa kanyang mga daliri. He looks effortlessly breathtaking. Yung tipong kahit hindi siya magsalita, kaya niyang punuin ng presensya niya ang buong kwarto. Mahal ko pa rin siya. Nakakainis. “Luna,” tawag niya, bago niya hinigpitan ang hawak sa wine glass niya. “You’re spacing out again.” Napilitan akong ngumiti. “Sorry. Naisip ko lang kung paano mo nagawang ibalik ako sa buhay mo.” Nagtaas siya ng kilay. “Nagagawa ko naman ang lahat ng gusto ko, Luna. Alam mo ‘yan.” “Hindi lahat.” Mabilis kong sagot. “Hindi mo ako napilit noon na manatili.” Napansin ko ang bahagyang pagbabago sa e
Alexus’ POV Mabilis na isinara ni Luna ang pinto ng kwarto niya. Ilang segundo lang akong nakatayo roon, nag-aalangan kung susundan ko ba siya o hahayaan ko na lang siyang umiwas na naman sa akin. Pero hindi na ako ang dating Alexus na hahayaang lumayo siya. Hindi na ako ang lalaking tahimik na lang na maghihintay. Dahil sa gabing ‘to, sigurado na ako. I want her back. Kahit pa anong mangyari. Mabilis kong tinungo ang pinto ng kwarto niya at kumatok. “Luna, open the door.” Tahimik. “Luna.” Muli akong kumatok, mas malakas ngayon. Pero wala pa rin. Napaawang ang labi ko sa frustration. Ayaw ko nang hintayin na mawala na naman siya. Dahil hindi ko na kayang mawala ulit siya. Wala nang babala, binuksan ko ang pinto gamit ang spare key card na nakuha ko kanina. Kung aayawan niya ako, kailangan niya akong harapin ng harapan. Pagpasok ko, nakita ko siyang nakatalikod sa akin, nakatayo sa tabi ng bintana at nakatingin sa city lights ng Paris. Pero kita ko ang bahagyang paggalaw ng
Brent’s POV Napamura ako habang pilit kong inaayos ang pagmamaneho. Mahigpit ang hawak ko sa manibela, pero ang atensyon ko ay nasa babaeng lasing na lasing na nasa tabi ko. She was completely out of it. Hindi ko alam kung gaano karaming alak ang nainom niya o kung may halong kung ano ang ininom niya, pero hindi ito normal. Her body was heating up—ramdam ko iyon dahil panay ang dikit niya sa akin, at kahit malamig ang aircon ng sasakyan, nag-iinit ang katawan niya. Damn it. "Brent..." Mahina niyang tawag, parang may kung anong lambing sa boses niya. "You’re so handsome... Why are you so handsome?" Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. “Just stay still, Bella,” malamig kong sagot, hindi ko siya tinapunan ng tingin dahil alam kong kung makikita ko siya ngayon—mukhang lasing, mapungay ang mata, at may bahagyang namumulang labi—baka lalo akong mahirapan. Nang makarating kami sa villa, mabilis akong bumaba ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto. Pero bago pa ako makagalaw, bigla ni
Brent’s POVNapamura ako sa loob-loob ko habang mabilis kong nilalabas si Bella mula sa bar. Hindi na niya maitutuwid ang sariling mga paa, kaya wala akong choice kundi buhatin siya. Ang kanyang katawan ay bahagyang nakasandal sa akin, at kahit sa ganitong estado, ramdam ko pa rin ang init ng balat niya sa ilalim ng maninipis niyang kasuotan.Alam kong malakas uminom si Bella, pero hindi siya ganito. Hindi siya basta-basta natutumba sa alak. Kung ano man ang nasa baso niya kanina, sigurado akong hindi lang basta alak ‘yon.Lumabas kami sa bar, at sa bawat hakbang ko, mas lalo kong nararamdaman ang bigat ng sitwasyon. Gusto ko siyang pagalitan, sigawan, at ipamukha sa kanya kung gaano siya ka-reckless. Pero hindi ko magawa. Hindi ngayon. Hindi sa ganitong estado niya.“Ang init,” bulong niya, kasabay ng pag-ungol at pag-galaw ng katawan niya sa braso ko.Bago pa ako makapag-react, naramdaman kong lumapat ang malalambot niyang labi sa leeg ko.I froze.“Damn it, Bella.” Mariin akong nap
Bella's POV Buong maghapon kaming nagpakasaya ni Brent sa pagligo, ngunit habang papalapit ang gabi, hindi ko maiwasang maramdaman ang lungkot sa nalalapit naming pagbalik sa Manila. Bukas na ang flight namin, at sa susunod na araw, birthday na ni Daddy.Pero bago matapos ang trip na ito, may isang bagay akong gustong gawin—uminom.“Brent, gusto kong tikman ‘yong local drinks nila rito,” sabi ko habang naglalakad kami pabalik ng villa.Agad siyang napatingin sa akin na para bang may sinabi akong hindi katanggap-tanggap. “At bakit naman?”“Because I want to experience Coron the right way. Hindi puwedeng uuwi akong hindi natitikman ang specialty drinks nila.”Nagtaas siya ng kilay. “Hindi ka puwedeng malasing.”“Hindi naman ako malalasing, no.”Napabuntong-hininga na lang siya, pero halatang ayaw niya sa idea ko.Pagkalipas ng isang oras, nakabihis na ako—isang itim na tube top at denim shorts ang napili kong isuot. Medyo daring, pero hello? Nasa isla kami, at gabi na. Sino ang mag-aal
Bella's POV Ang tubig sa Twin Lagoon ay kasing linaw ng kristal, at ang sikat ng araw na dumadampi sa ibabaw nito ay nagpapakintab sa tila salamin na dagat. Hindi ako mapakali sa excitement habang hinahaplos ng hangin ang balat ko.Nasa loob na ako ng bangka, handang-handa nang lumusong, nang mapansin kong nakapamulsa si Brent sa gilid, malalim ang titig sa akin na para bang may hindi siya gustong mangyari. At nang magtama ang mga mata namin—ayun na, alam ko na.Napailing ako nang bahagya. “Brent, what’s your problem now?”Hindi siya sumagot. Bagkus, marahang lumapit siya sa akin at may iniaabot—isang tuwalya.Tinaasan ko siya ng kilay. “Seriously?”Nakatikom lang ang panga niya. “Takpan mo ‘yan.”“Excuse me?”Tinapunan niya ng tingin ang suot kong navy blue two-piece swimwear. Hindi ito sobrang revealing, pero halata sa mukha niya na hindi siya komportable."Maliligo ako," madiin kong sabi, habang hinahatak ang tuwalya palayo sa kamay niya.“Sa villa ka na lang maligo.”Halos matawa
Bella's POVNagising ako nang maaga dahil sa sunod-sunod na pag-ring ng cellphone ko. Pagkaabot ko rito, hindi ko na kinailangang tingnan ang caller ID—alam kong si Brent iyon. Wala nang ibang manggigising sa akin nang ganito kaaga maliban sa kanya."Hello?" Ang garalgal na boses ko ang bumungad sa kanya habang pinipilit kong idilat ang mga mata."Good. Gising ka na," tugon niya, malamig pero may bahid ng pangungutya. "May pupuntahan tayo. Gumayak ka na."Kahit inaantok pa, napilitan akong bumangon. Naging mabilis ang kilos ko matapos marinig ang excitement sa boses ni Brent. Iilan lang ang pagkakataong ganito siya kasabik sa isang bagay, kaya hindi ko iyon palalampasin."At saan naman tayo pupunta, boss?" tanong ko habang tumatayo mula sa kama at nag-unat ng katawan."Sa Twin Lagoon," sagot niya. "Sikat 'yon rito sa Coron. Sayang naman ang bakasyon mo kung hindi mo makikita."Napangiti ako. Matagal ko nang gustong makita ang Twin Lagoon. Isa ito sa mga pinaka-magandang destinasyon di
Bella’s POVTumingin ako sa orasan at napansing may dalawang oras pa bago matapos ang araw na ito. Today is March 30—ika-32 na kaarawan ni Brent. Kahit alam kong hindi niya ipinagdiriwang ang birthday niya dahil sa 5th death anniversary ng kapatid niya, gusto ko pa rin kahit paano iparamdam sa kaniya na may dahilan pa rin para maging masaya sa araw na ito.Naglakad ako papunta sa kusina at naghanap ng kahit anong matamis. Napangiti ako nang makita ang isang chocolate cupcake na natira mula sa hapunan namin kanina. Mabilis kong kinuha iyon at naghanap ng kandila. Maswerte akong may nakita akong maliit na birthday candle sa isang drawer.Sinindihan ko ang kandila at agad na bumalik sa veranda ng kwarto ni Brent. Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko, pero gusto kong bigyan siya ng kahit kaunting kasiyahan ngayong araw.Pagpasok ko sa kwarto, nakita kong nakatayo pa rin siya sa veranda, nakatingin sa malayo, hawak ang bote ng alak. Kita sa mukha niya ang lungkot at tila malalim na inii
Bella’s POV Pagkababa ko mula sa kwarto, agad akong natigilan sa nakita ko—isang eleganteng hapag-kainan na may nakahandang masasarap na pagkain. Ang buong dining area ay may romantikong ambiance, may kandilang nakasindi sa gitna ng mesa, at may maliliit na petals ng rosas na kumakalat sa paligid. Napakunot ang noo ko. Ano na namang drama ito ni Brent? Lalo pa akong nagtaka nang makita siyang nakatayo sa tabi ng mesa, hawak ang isang bouquet ng pulang rosas. Mukha siyang seryoso, pero may bahagyang pilyong ngiti sa labi niya. Lumapit ako nang dahan-dahan, pilit inaalam kung may mali ba akong nagawa para bigyan ako ng bulaklak ng lalaking ito. "For you," aniya, iniaabot sa akin ang bouquet. Tiningnan ko lang iyon saglit bago muling ibinaling sa kanya ang tingin. "Anong okasyon?" nagtatakang tanong ko habang iniirapan siya. "Hindi naman tayo mag-jowa, bakit mo ako binigyan ng bulaklak?" Nakita kong bahagyang napangisi si Brent bago umiling. "Pwede bang huwag mo akong susungitan ng
Bella's POV Maingat akong binaba ni Brent sa upuan, pero hindi ko maiwasang mapangiwi nang maramdaman ko ang hapdi ng mga kalmot ni Claudia. "Huwag kang gagalaw," seryoso niyang sabi habang kinukuha ang first aid kit. Agad siyang lumuhod sa harapan ko at sinimulang gamutin ang mga sugat ko. "Tsk. Kalmot lang ‘yan," sabi ko habang sinusubukang alisin ang braso ko mula sa hawak niya. Pero agad kong pinagsisihan ang ginawa ko nang maramdaman ang matinding hapdi. Napairap ako at napangiwi sa sakit. "Huwag na kasing magmaldita," aniya, sabay higpit ng hawak sa braso ko para hindi ko na ito maigalaw pa. "Ano pala ang ginawa mo kay Claudia? Bakit kayo nag-away?" Napataas ang kilay ko. "Bakit hindi si Claudia ang tanungin mo?" pamimilosopo ko. Umiling siya at tiningnan ako nang masama. "Bella—" "Baliw ang ex-fiancée mo, Brent," mataray kong putol sa kanya. "Nakakaloka. Feeling niya, pag-aari ka pa rin niya! Akala mo kung sino siya kung makapanghila ng buhok." "At ikaw? Ano'ng ginawa mo
Bella’s POV Hapon na nang bumalik kami sa villa. Pagod man, masaya akong kahit papaano ay hindi kami nag-away ni Brent ngayong araw. Hindi man kami nag-uusap nang madalas, sapat na sa akin ang tahimik at maaliwalas na atmosphere sa pagitan namin. Pagkapasok ko sa villa, naramdaman ko ang kumakalam kong sikmura. Agad akong lumabas para maghanap ng makakain. Napangiti ako nang makita ang isang matandang lalaki na nagtitinda ng chicharon sa may kalsada. Isa iyon sa paborito kong pagkain! “Manong, pahabol po!” halos pasigaw kong sabi habang patakbong lumapit sa kanya. Muntik na akong madapa sa pagmamadali, pero hindi ko na iyon ininda. Pagkatapos kong bumili, nagpasya akong bumalik na sa villa. Ngunit bago pa ako makalayo, bigla na lang may humila sa braso ko. “Ano ba?!” galit kong sigaw habang pilit na binabawi ang braso ko. Nang makita ko kung sino ang humawak sa akin, agad akong napakunot-noo. Si Claudia. Ang ex-fiancée ni Brent. Napapikit ako ng mariin. Great. Just great. "So