Semua Bab Reclaiming the Billionaire's Love: Bab 41 - Bab 50

245 Bab

Chapter 41

Luna's POV "They found the culprit, Luna," bulong ni Alexus kasabay nang pagbagsak ng kaniyang mga luha. "Sa wakas, makukuha na namin ang hustiyang nararapat para kay Daddy," matigas niyang sabi kaya mas lalo lang akong nakaramdam ng pangangamba. Bigla kong naisip si Papa. Limang taon na ang nakalipas at hanggang ngayon wala pa rin akong balita sa kaniya. "They found your father, Luna," saad ni Alexus. Nanuyo ang lalamunan ko. "Alexus..." Namilog ang aking mga mata nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit. "Your father found the culprit," bulong niya. Mas lalo lang akong nagulat. Nakita ni Papa ang totoong pumatay kay Tito? "Hawak na rin ng mga pulis ang Papa mo. Don't worry, tutulongan kita para mabilis siyang makalabas sa kulungan," dagdag ni Alexus. Para akong nakalutang sa ulap - hindi ko lubos makuha at ma-process sa utak ko ang mga sinabi ni Alexus. Ano ang ibig niyang sabihin? Nakita ni Papa ang culprit? Pero siya mismo ang pumatay kay Tito Raheel. Umamin si
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-02
Baca selengkapnya

Chapter 42

Luna’s POVNanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko inakala na iyon ang magiging kondisyon ni Alexus. Ang puso ko’y tila binilog at piniga, sabay binagsak sa sahig. Pakasalan siya? Ibig sabihin, buong buhay kong magiging konektado ulit sa kanya? Isang bagay na matagal ko nang sinubukang iwasan.Napalunok ako, pilit na nilulunok ang kabang bumabara sa lalamunan ko. “Alexus... ano ‘tong pinagsasabi mo?” tanong ko, kahit na malinaw naman ang sagot. Hindi ito biro. Hindi siya nakangiti, hindi niya ako inaasar tulad ng dati. Ang lalim ng tingin niya sa akin, puno ng determinasyon at isang bagay na hindi ko matukoy—galit ba iyon? O pagmamahal na pilit niyang itinatanggi?Hindi siya sumagot kaagad. Sa halip, tumalikod siya saglit at tumingin sa labas ng bintana ng ospital, parang may pinipigilan sa loob niya. Nang humarap siya muli, nanlilisik pa rin ang tingin niya. “You heard me right. Pakasalan mo ako, Luna. That’s the only way I’ll help you.”Nanlambot ang tuhod ko. Napaupo ako sa gilid
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-03
Baca selengkapnya

Chapter 43

Luna’s POVNagising ako sa mahina ngunit tuloy-tuloy na pag-vibrate ng cellphone ko. Nasa ospital pa rin ako, nakaupo sa gilid ng kama ni Bella, pinagmamasdan ang payapang mukha niya habang natutulog. Kahit bahagya nang bumubuti ang lagay niya, hindi pa rin nawawala ang takot sa puso ko.Napatingin ako sa screen ng cellphone. Si Cara.Napalunok ako. Alam kong wala siyang ibang dahilan para tumawag kundi ang ipaalala sa akin ang isang bagay—ang perang kailangan kong ibigay sa kanya sa loob ng dalawang linggo.Mabigat ang kamay kong pinindot ang “answer” button. “Ano na naman, Cara?”“Napakabastos mo pa rin, pinsan,” tugon niya sa kabilang linya, ang boses niya ay punong-puno ng pang-uuyam. “Wala ka bang magandang pambungad sa akin?”Humigpit ang hawak ko sa cellphone. “Wala akong panahon para sa laro mo. Sabihin mo na kung anong kailangan mo.”Natawa siya nang bahagya. “Napaka-straightforward mo talaga, Luna. Pero sige, heto na. Gusto lang kitang paalalahanan na may sampung araw ka na
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-03
Baca selengkapnya

Chapter 44

Luna’s POV Nakahinga ako nang maluwag nang hindi na nagtanong pa si Alexus tungkol sa tawag ni Cara. Ngunit kahit pa nga sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko, hindi ko maiwasang mag-alala. Sampung araw na lang ang palugit sa akin, at wala pa akong ideya kung saan ako kukuha ng isang milyon. “Luna.” Napabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ang boses ni Alexus. Nakaupo na siya sa tabi ng maliit na mesa, nakasandal sa upuan habang nakatitig sa akin. “Kakain ka ba o kailangan pa kitang subuan?” Napasinghap ako, bahagyang nairita sa paraan ng pagsasalita niya. “Hindi na ako bata, Alexus. Kaya kong kumain mag-isa.” Natawa siya nang bahagya, pero hindi umalis ang matalim na tingin niya sa akin. “Hindi nga. Pero mukhang hindi mo rin kayang alagaan ang sarili mo. Ilang beses na kitang nahuling hindi kumakain nang maayos.” Itinapon ko sa kanya ang isang masamang tingin bago ako lumapit at umupo sa tapat niya. Kinuha ko ang kutsara at sinimulan nang kumain, kahit na wala akong ganang is
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-03
Baca selengkapnya

Chapter 45

Luna’s POV Tahimik akong nakaupo sa tabi ng kama ni Bella habang marahang hinihimas ang buhok niya. Mahimbing siyang natutulog ngayon, matapos ang isang mahabang araw ng pagod at pagsusuri ng doktor. Ang tunog ng orasan sa dingding ang tanging naririnig ko sa loob ng kwarto, bukod sa mahihinang tunog ng makina na nakakabit kay Bella. Pilit kong pinapalakas ang loob ko, pero hindi ko maiwasang mag-alala—hindi lang para sa kanya kundi para na rin sa kinabukasan namin. Napatingin ako sa orasan. Alas singko na ng hapon. Parang nagtagpo ang tibok ng puso ko sa pagbukas ng pinto. Pumasok si Alexus. Matikas pa rin ang tindig niya sa ilalim ng kaniyang puting long-sleeved polo na may bahagyang nakatuping manggas. Malamig ang ekspresyon niya, pero hindi ko pinalampas ang pag-aalalang sumilay sa mata niya nang mapadako ang tingin niya kay Bella. Hindi siya agad nagsalita. Marahan siyang lumapit, dahan-dahang inilapag ang dala niyang paper bag sa gilid ng kama bago tumingin sa akin. “Kumu
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-03
Baca selengkapnya

Chapter 46

Luna’s POV Hindi ko alam kung bakit parang mabigat ang pakiramdam ko habang nakatingin kina Bella at Alexus. Napaka-natural nilang tignan—parang wala ni isang bakas ng tensyon sa pagitan nila. Bella was so at ease with him, at si Alexus naman, kahit pa minsan ay halatang clueless sa pagiging malambing ng anak ko, hindi niya ito tinatanggihan. Nagpanggap akong busy sa pag-aayos ng mga gamit sa bedside table ni Bella, kahit na ang totoo, pinakikiramdaman ko lang ang dalawa. "Tito Alexus, sasamahan mo po ba ako rito ulit bukas?" tanong ni Bella habang nakahawak sa kamay niya. Saglit akong natigilan at lihim na sinulyapan si Alexus. Nagtagal ng ilang segundo bago siya sumagot. “Siyempre naman, Bella.” "Yehey!" Masiglang niyakap ni Bella ang braso niya, sabay tingin sa akin. "Mommy, dito muna si Tito Alexus, please?" Napanganga ako. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang anak ko. Hindi ko rin alam kung paano magre-react dahil, to be honest, hindi ko na maintindihan ang nararamdaman
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-03
Baca selengkapnya

Chapter 47

Luna’s POV Matapos kong kainin ang huling subo ng adobo, agad kong kinuha ang tissue para punasan ang labi ko. Ramdam ko ang tingin ni Alexus mula sa kinaroroonan niya, kaya pilit kong iniiwas ang mata ko sa kaniya. "Tapos ka na?" tanong niya, mababa ang boses at may bahagyang diin sa tono. Tumango ako. "Salamat sa pagkain." Umangat ang isang sulok ng labi niya, pero hindi niya naalis ang titig niya sa akin. "Good. Dahil hindi kita tatantanan kung hindi ka pa kakain." Napairap ako. "Ang OA mo." "Hindi OA, Luna. Concerned lang." Napalunok ako sa paraan ng pagkakabigkas niya ng pangalan ko—may diin, may lalim. Parang hindi lang simpleng pangalan ang binanggit niya, kundi isang bahagi ng buhay niya na matagal niyang sinubukang iwasan pero hindi niya magawang talikuran. Mabilis akong nag-ayos ng pinagkainan at tumayo para itapon ang pinagbalutan sa basurahan. Nang mapalingon ako, naabutan kong nakatitig si Alexus sa akin—hindi na malamig, pero may kung anong intensity sa tingin niy
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-03
Baca selengkapnya

Chapter 48

Luna's POV Ang malamlam na ilaw sa kwarto ay nagpapalambot sa bawat sulok ng paligid, ngunit parang nararamdaman ko ang bigat ng presensya ni Alexus. Tahimik kami at ang tanging tunog ay ang malalim na paghinga ni Bella habang natutulog sa gitna namin. Ang mga kamay ko ay nakapatong sa kanyang ulo, at ramdam ko ang init ng katawan ni Alexus na medyo malapit sa akin. Ang kanyang mga mata, na kanina ay punong-puno ng galit, ngayon ay may halo ng pagsisisi, pagka-miss, at siguro, isang konting pangarap na wala na akong lakas para tanggapin. Bakit nga ba ako tinatamaan ng ganitong pakiramdam? Ang tagal na ng lahat ng nangyari at hindi ko pa rin kayang itago ang mga nararamdaman ko. May mga tanong akong hindi ko kayang sagutin. Pero kahit na ganoon, hindi ko rin maiwasang makaramdam ng isang pagkahulog na parang hindi ko na kayang pigilan pa. Naramdaman ko siya. Ang tingin niya sa akin. Hindi ko kayang magpanggap na hindi ko nararamdaman iyon. “Alexus, bakit mo ako tinitignan ng ganyan?
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-04
Baca selengkapnya

Chapter 49

Luna’s POV Nag-freeze ako. Ilang segundo rin akong nanatiling nakatayo, hindi makagalaw, hindi makapagsalita. Ang init ng labi ni Alexus ay dumampi sa akin sa paraang hindi ko inaasahan. Hindi ito isang halik na puno ng panggigigil o galit—hindi. Ito ay isang halik na puno ng pagpigil, ng pagsamo. Para bang hindi niya alam kung dapat ba niyang ituloy o kung dapat ba siyang umatras. Ang puso ko naman ay parang tambol sa sobrang lakas ng pagtibok nito. Hindi ko alam kung dahil ba sa gulat o dahil sa nararamdaman kong matagal ko nang pilit itinatanggi. Bago pa ako makapagdesisyon kung anong gagawin, bumitaw si Alexus. Dahan-dahan niyang inilayo ang sarili at tinitigan ako ng mariin. Hindi ko alam kung anong iniisip niya, pero kita ko ang bahagyang pagkagulo sa kanyang ekspresyon. "Shit," bulong niya. Marahan niyang hinaplos ang kanyang batok, parang nafrustrate sa sarili. "I—" Hindi ko siya hinayaang matapos. "Bakit mo 'yon ginawa?" tanong ko, mahina lang ang boses ko, pero alam kong
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-04
Baca selengkapnya

Chapter 50

Luna’s POV Pagkatapos ng nangyari kanina sa kusina, hindi ko alam kung paano ko magagawang kumilos nang normal. Pagbalik ko sa kwarto, mahimbing nang natutulog si Bella. Dahan-dahan akong nahiga sa tabi niya, pero kahit anong pilit kong ipikit ang mga mata ko, hindi ako dalawin ng antok. Ang linaw-linaw pa rin sa isip ko ng mga titig ni Alexus, ng mainit niyang boses na bumubulong sa tainga ko, at ng paraan niyang sabihin— I won’t stop. Napailing ako at mariing pumikit. No, Luna. Huwag kang magpabuyo sa kanya. May rason kung bakit hindi na kayo dapat magkabalikan. Pero kahit anong pilit kong ipaliwanag ‘yon sa sarili ko, hindi ko maitatanggi ang isang bagay—hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa kayang paglabanan si Alexus. *** Maaga akong nagising. Nasanay na akong gumising nang maaga dahil sa trabaho ko bilang flight attendant, pero ngayong wala akong flight, naisip kong maghanda na lang ng almusal. Tahimik akong bumaba at dumiretso sa kusina. Kumuha ako ng mga itlog, ham,
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-04
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
34567
...
25
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status