Luna’s POV Nakahinga ako nang maluwag nang hindi na nagtanong pa si Alexus tungkol sa tawag ni Cara. Ngunit kahit pa nga sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko, hindi ko maiwasang mag-alala. Sampung araw na lang ang palugit sa akin, at wala pa akong ideya kung saan ako kukuha ng isang milyon. “Luna.” Napabalik ako sa kasalukuyan nang marinig ang boses ni Alexus. Nakaupo na siya sa tabi ng maliit na mesa, nakasandal sa upuan habang nakatitig sa akin. “Kakain ka ba o kailangan pa kitang subuan?” Napasinghap ako, bahagyang nairita sa paraan ng pagsasalita niya. “Hindi na ako bata, Alexus. Kaya kong kumain mag-isa.” Natawa siya nang bahagya, pero hindi umalis ang matalim na tingin niya sa akin. “Hindi nga. Pero mukhang hindi mo rin kayang alagaan ang sarili mo. Ilang beses na kitang nahuling hindi kumakain nang maayos.” Itinapon ko sa kanya ang isang masamang tingin bago ako lumapit at umupo sa tapat niya. Kinuha ko ang kutsara at sinimulan nang kumain, kahit na wala akong ganang is
Luna’s POV Tahimik akong nakaupo sa tabi ng kama ni Bella habang marahang hinihimas ang buhok niya. Mahimbing siyang natutulog ngayon, matapos ang isang mahabang araw ng pagod at pagsusuri ng doktor. Ang tunog ng orasan sa dingding ang tanging naririnig ko sa loob ng kwarto, bukod sa mahihinang tunog ng makina na nakakabit kay Bella. Pilit kong pinapalakas ang loob ko, pero hindi ko maiwasang mag-alala—hindi lang para sa kanya kundi para na rin sa kinabukasan namin. Napatingin ako sa orasan. Alas singko na ng hapon. Parang nagtagpo ang tibok ng puso ko sa pagbukas ng pinto. Pumasok si Alexus. Matikas pa rin ang tindig niya sa ilalim ng kaniyang puting long-sleeved polo na may bahagyang nakatuping manggas. Malamig ang ekspresyon niya, pero hindi ko pinalampas ang pag-aalalang sumilay sa mata niya nang mapadako ang tingin niya kay Bella. Hindi siya agad nagsalita. Marahan siyang lumapit, dahan-dahang inilapag ang dala niyang paper bag sa gilid ng kama bago tumingin sa akin. “Kumu
Luna’s POV Hindi ko alam kung bakit parang mabigat ang pakiramdam ko habang nakatingin kina Bella at Alexus. Napaka-natural nilang tignan—parang wala ni isang bakas ng tensyon sa pagitan nila. Bella was so at ease with him, at si Alexus naman, kahit pa minsan ay halatang clueless sa pagiging malambing ng anak ko, hindi niya ito tinatanggihan. Nagpanggap akong busy sa pag-aayos ng mga gamit sa bedside table ni Bella, kahit na ang totoo, pinakikiramdaman ko lang ang dalawa. "Tito Alexus, sasamahan mo po ba ako rito ulit bukas?" tanong ni Bella habang nakahawak sa kamay niya. Saglit akong natigilan at lihim na sinulyapan si Alexus. Nagtagal ng ilang segundo bago siya sumagot. “Siyempre naman, Bella.” "Yehey!" Masiglang niyakap ni Bella ang braso niya, sabay tingin sa akin. "Mommy, dito muna si Tito Alexus, please?" Napanganga ako. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang anak ko. Hindi ko rin alam kung paano magre-react dahil, to be honest, hindi ko na maintindihan ang nararamdaman
Luna’s POV Matapos kong kainin ang huling subo ng adobo, agad kong kinuha ang tissue para punasan ang labi ko. Ramdam ko ang tingin ni Alexus mula sa kinaroroonan niya, kaya pilit kong iniiwas ang mata ko sa kaniya. "Tapos ka na?" tanong niya, mababa ang boses at may bahagyang diin sa tono. Tumango ako. "Salamat sa pagkain." Umangat ang isang sulok ng labi niya, pero hindi niya naalis ang titig niya sa akin. "Good. Dahil hindi kita tatantanan kung hindi ka pa kakain." Napairap ako. "Ang OA mo." "Hindi OA, Luna. Concerned lang." Napalunok ako sa paraan ng pagkakabigkas niya ng pangalan ko—may diin, may lalim. Parang hindi lang simpleng pangalan ang binanggit niya, kundi isang bahagi ng buhay niya na matagal niyang sinubukang iwasan pero hindi niya magawang talikuran. Mabilis akong nag-ayos ng pinagkainan at tumayo para itapon ang pinagbalutan sa basurahan. Nang mapalingon ako, naabutan kong nakatitig si Alexus sa akin—hindi na malamig, pero may kung anong intensity sa tingin niy
Luna's POV Ang malamlam na ilaw sa kwarto ay nagpapalambot sa bawat sulok ng paligid, ngunit parang nararamdaman ko ang bigat ng presensya ni Alexus. Tahimik kami at ang tanging tunog ay ang malalim na paghinga ni Bella habang natutulog sa gitna namin. Ang mga kamay ko ay nakapatong sa kanyang ulo, at ramdam ko ang init ng katawan ni Alexus na medyo malapit sa akin. Ang kanyang mga mata, na kanina ay punong-puno ng galit, ngayon ay may halo ng pagsisisi, pagka-miss, at siguro, isang konting pangarap na wala na akong lakas para tanggapin. Bakit nga ba ako tinatamaan ng ganitong pakiramdam? Ang tagal na ng lahat ng nangyari at hindi ko pa rin kayang itago ang mga nararamdaman ko. May mga tanong akong hindi ko kayang sagutin. Pero kahit na ganoon, hindi ko rin maiwasang makaramdam ng isang pagkahulog na parang hindi ko na kayang pigilan pa. Naramdaman ko siya. Ang tingin niya sa akin. Hindi ko kayang magpanggap na hindi ko nararamdaman iyon. “Alexus, bakit mo ako tinitignan ng ganyan?
Luna’s POV Nag-freeze ako. Ilang segundo rin akong nanatiling nakatayo, hindi makagalaw, hindi makapagsalita. Ang init ng labi ni Alexus ay dumampi sa akin sa paraang hindi ko inaasahan. Hindi ito isang halik na puno ng panggigigil o galit—hindi. Ito ay isang halik na puno ng pagpigil, ng pagsamo. Para bang hindi niya alam kung dapat ba niyang ituloy o kung dapat ba siyang umatras. Ang puso ko naman ay parang tambol sa sobrang lakas ng pagtibok nito. Hindi ko alam kung dahil ba sa gulat o dahil sa nararamdaman kong matagal ko nang pilit itinatanggi. Bago pa ako makapagdesisyon kung anong gagawin, bumitaw si Alexus. Dahan-dahan niyang inilayo ang sarili at tinitigan ako ng mariin. Hindi ko alam kung anong iniisip niya, pero kita ko ang bahagyang pagkagulo sa kanyang ekspresyon. "Shit," bulong niya. Marahan niyang hinaplos ang kanyang batok, parang nafrustrate sa sarili. "I—" Hindi ko siya hinayaang matapos. "Bakit mo 'yon ginawa?" tanong ko, mahina lang ang boses ko, pero alam kong
Luna’s POV Pagkatapos ng nangyari kanina sa kusina, hindi ko alam kung paano ko magagawang kumilos nang normal. Pagbalik ko sa kwarto, mahimbing nang natutulog si Bella. Dahan-dahan akong nahiga sa tabi niya, pero kahit anong pilit kong ipikit ang mga mata ko, hindi ako dalawin ng antok. Ang linaw-linaw pa rin sa isip ko ng mga titig ni Alexus, ng mainit niyang boses na bumubulong sa tainga ko, at ng paraan niyang sabihin— I won’t stop. Napailing ako at mariing pumikit. No, Luna. Huwag kang magpabuyo sa kanya. May rason kung bakit hindi na kayo dapat magkabalikan. Pero kahit anong pilit kong ipaliwanag ‘yon sa sarili ko, hindi ko maitatanggi ang isang bagay—hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa kayang paglabanan si Alexus. *** Maaga akong nagising. Nasanay na akong gumising nang maaga dahil sa trabaho ko bilang flight attendant, pero ngayong wala akong flight, naisip kong maghanda na lang ng almusal. Tahimik akong bumaba at dumiretso sa kusina. Kumuha ako ng mga itlog, ham,
Luna’s POV Hindi ko alam kung anong mas matunog sa mga sandaling ‘to—ang tibok ng puso ko o ang tunog ng katahimikan sa paligid namin ni Alexus. Nakatitig lang siya sa akin, sobrang lapit ng mukha niya, sapat para maramdaman ko ang init ng hininga niya sa balat ko. Napatikom ang bibig ko, pilit na pinapakalma ang sarili. Pero paano? Paano kung nararamdaman ko ang matinding tensyon sa pagitan naming dalawa? “Tinitigasan ka ba?” pabirong bulong niya, bahagyang nakataas ang kilay. “W-What?” Nanlaki ang mga mata ko. Tumawa siya nang mahina, ngunit hindi siya umatras. “I mean, tense ka. Napansin ko.” Napasinghap ako. “Alam mo, Alexus, hindi ‘to nakakatuwa.” “Hindi nga ako natutuwa,” sagot niya, pero nasa labi niya ang isang pilyong ngiti. “Pero bakit parang affected ka?” “Dahil sa ginagawa mo.” Hindi siya sumagot. Sa halip, itinukod niya ang kamay niya sa railing ng veranda, siniguradong mas nalimitahan ang espasyo namin. “Alexus…” Babala ko. “Luna.” Ginaya niya ang tono ko. Nap
Bella's POVNagising ako nang maaga dahil sa sunod-sunod na pag-ring ng cellphone ko. Pagkaabot ko rito, hindi ko na kinailangang tingnan ang caller ID—alam kong si Brent iyon. Wala nang ibang manggigising sa akin nang ganito kaaga maliban sa kanya."Hello?" Ang garalgal na boses ko ang bumungad sa kanya habang pinipilit kong idilat ang mga mata."Good. Gising ka na," tugon niya, malamig pero may bahid ng pangungutya. "May pupuntahan tayo. Gumayak ka na."Kahit inaantok pa, napilitan akong bumangon. Naging mabilis ang kilos ko matapos marinig ang excitement sa boses ni Brent. Iilan lang ang pagkakataong ganito siya kasabik sa isang bagay, kaya hindi ko iyon palalampasin."At saan naman tayo pupunta, boss?" tanong ko habang tumatayo mula sa kama at nag-unat ng katawan."Sa Twin Lagoon," sagot niya. "Sikat 'yon rito sa Coron. Sayang naman ang bakasyon mo kung hindi mo makikita."Napangiti ako. Matagal ko nang gustong makita ang Twin Lagoon. Isa ito sa mga pinaka-magandang destinasyon di
Bella’s POVTumingin ako sa orasan at napansing may dalawang oras pa bago matapos ang araw na ito. Today is March 30—ika-32 na kaarawan ni Brent. Kahit alam kong hindi niya ipinagdiriwang ang birthday niya dahil sa 5th death anniversary ng kapatid niya, gusto ko pa rin kahit paano iparamdam sa kaniya na may dahilan pa rin para maging masaya sa araw na ito.Naglakad ako papunta sa kusina at naghanap ng kahit anong matamis. Napangiti ako nang makita ang isang chocolate cupcake na natira mula sa hapunan namin kanina. Mabilis kong kinuha iyon at naghanap ng kandila. Maswerte akong may nakita akong maliit na birthday candle sa isang drawer.Sinindihan ko ang kandila at agad na bumalik sa veranda ng kwarto ni Brent. Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko, pero gusto kong bigyan siya ng kahit kaunting kasiyahan ngayong araw.Pagpasok ko sa kwarto, nakita kong nakatayo pa rin siya sa veranda, nakatingin sa malayo, hawak ang bote ng alak. Kita sa mukha niya ang lungkot at tila malalim na inii
Bella’s POV Pagkababa ko mula sa kwarto, agad akong natigilan sa nakita ko—isang eleganteng hapag-kainan na may nakahandang masasarap na pagkain. Ang buong dining area ay may romantikong ambiance, may kandilang nakasindi sa gitna ng mesa, at may maliliit na petals ng rosas na kumakalat sa paligid. Napakunot ang noo ko. Ano na namang drama ito ni Brent? Lalo pa akong nagtaka nang makita siyang nakatayo sa tabi ng mesa, hawak ang isang bouquet ng pulang rosas. Mukha siyang seryoso, pero may bahagyang pilyong ngiti sa labi niya. Lumapit ako nang dahan-dahan, pilit inaalam kung may mali ba akong nagawa para bigyan ako ng bulaklak ng lalaking ito. "For you," aniya, iniaabot sa akin ang bouquet. Tiningnan ko lang iyon saglit bago muling ibinaling sa kanya ang tingin. "Anong okasyon?" nagtatakang tanong ko habang iniirapan siya. "Hindi naman tayo mag-jowa, bakit mo ako binigyan ng bulaklak?" Nakita kong bahagyang napangisi si Brent bago umiling. "Pwede bang huwag mo akong susungitan ng
Bella's POV Maingat akong binaba ni Brent sa upuan, pero hindi ko maiwasang mapangiwi nang maramdaman ko ang hapdi ng mga kalmot ni Claudia. "Huwag kang gagalaw," seryoso niyang sabi habang kinukuha ang first aid kit. Agad siyang lumuhod sa harapan ko at sinimulang gamutin ang mga sugat ko. "Tsk. Kalmot lang ‘yan," sabi ko habang sinusubukang alisin ang braso ko mula sa hawak niya. Pero agad kong pinagsisihan ang ginawa ko nang maramdaman ang matinding hapdi. Napairap ako at napangiwi sa sakit. "Huwag na kasing magmaldita," aniya, sabay higpit ng hawak sa braso ko para hindi ko na ito maigalaw pa. "Ano pala ang ginawa mo kay Claudia? Bakit kayo nag-away?" Napataas ang kilay ko. "Bakit hindi si Claudia ang tanungin mo?" pamimilosopo ko. Umiling siya at tiningnan ako nang masama. "Bella—" "Baliw ang ex-fiancée mo, Brent," mataray kong putol sa kanya. "Nakakaloka. Feeling niya, pag-aari ka pa rin niya! Akala mo kung sino siya kung makapanghila ng buhok." "At ikaw? Ano'ng ginawa mo
Bella’s POV Hapon na nang bumalik kami sa villa. Pagod man, masaya akong kahit papaano ay hindi kami nag-away ni Brent ngayong araw. Hindi man kami nag-uusap nang madalas, sapat na sa akin ang tahimik at maaliwalas na atmosphere sa pagitan namin. Pagkapasok ko sa villa, naramdaman ko ang kumakalam kong sikmura. Agad akong lumabas para maghanap ng makakain. Napangiti ako nang makita ang isang matandang lalaki na nagtitinda ng chicharon sa may kalsada. Isa iyon sa paborito kong pagkain! “Manong, pahabol po!” halos pasigaw kong sabi habang patakbong lumapit sa kanya. Muntik na akong madapa sa pagmamadali, pero hindi ko na iyon ininda. Pagkatapos kong bumili, nagpasya akong bumalik na sa villa. Ngunit bago pa ako makalayo, bigla na lang may humila sa braso ko. “Ano ba?!” galit kong sigaw habang pilit na binabawi ang braso ko. Nang makita ko kung sino ang humawak sa akin, agad akong napakunot-noo. Si Claudia. Ang ex-fiancée ni Brent. Napapikit ako ng mariin. Great. Just great. "So
Bella's POV Ang simoy ng hangin ay may halong alat ng dagat, at ang malalakas na hampas ng alon sa baybayin ay tila musika sa tenga ko.Pagkatapos ng emosyonal na usapan namin kanina ni Brent, gusto kong mag-relax ngayon. I needed to breathe, to shake off the heaviness in my chest. Kaya naisip kong maghanda ng isang simpleng piknik malapit sa dalampasigan.Habang inaayos ko ang mga pagkain sa basket—may fruits, sandwiches, at isang bote ng red wine—narinig ko ang pagaspas ng kurtina sa kwarto. Doon ko lang napansin ang reflection ko sa malaking salamin sa gilid.Suot ko ang black bikini na matagal ko nang hindi nagagamit. Sakto lang ito—hindi sobrang revealing, pero sapat para ipakita ang maayos kong hubog.I smiled. Wala namang masama kung mag-swimwear ako, ‘di ba? Nasa beach naman kami!Kaya nang matapos akong maghanda, agad akong lumabas ng kwarto.Pagkalabas ko sa veranda, naabutan ko si Brent na nakatayo malapit sa picnic spot. Suot niya ang navy blue swimming trunks at isang pu
Bella's POV Muli akong napatingin kay Brent. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang hawakan sa braso para pigilan siya, o hayaan siyang ilabas ang matagal nang kinikimkim niyang sakit. Parang naninikip ang dibdib ko sa bigat ng sitwasyon. Ngayon ko lang nakita ang totoong lalim ng sugat na iniwan ng babaeng ito sa kanya. Si Claudia ay tahimik lang na nakatayo sa harap namin, namumula ang mga mata, para bang gustong ipaliwanag ang sarili pero hindi alam kung paano magsisimula. "I never meant to hurt her," mahina niyang sabi, pero halatang hirap na hirap siyang bitawan ang mga salitang iyon. Biglang bumigat ang paligid. "Pero nasaktan siya, Claudia," malamig na sagot ni Brent. "At hindi lang siya. Nawala siya. Dahil sa’yo, hindi na siya bumalik." Napasinghap ako. Hindi ko alam kung paano ko hahawakan ang sitwasyong ito. Hindi ko rin alam kung paano ako dapat mag-react. Ang alam ko lang ay hindi lang ito ordinaryong away ng dating magkasintahan. Ito ay sugat ng nakaraan na hin
Bella's POV Maaga akong nagising sa kwartong inilalaan sa akin ni Brent sa rest house nila. Kahit pa pilit kong ipinaalala sa sarili kong wala akong balak mag-enjoy sa trip na ‘to, hindi ko mapigilang humanga sa tanawin mula sa balcony. The sun was rising over the crystal-clear waters, and the salty breeze was refreshing against my skin. Pero bago pa ako makapag-moment ng tuluyan, may kumatok sa pintuan ko. Knock. Knock. "Bella, get up. May pupuntahan tayo." Napairap ako. "Brent, hindi pa ako nag-aalmusal." "Hindi rin ako kumain," sagot niya. "Pero kung ayaw mong mahuli sa itinerary natin, mas mabuting bumangon ka na." Umiling na lang ako bago tuluyang bumangon at nag-ayos. Paglabas ko ng villa, naghihintay na si Brent sa labas, nakasandal sa isang buggy. He looked effortlessly cool in his white linen shirt, sleeves rolled up, and a pair of beige shorts. Nakasuot din siya ng dark sunglasses, pero kahit natatakpan ang mga mata niya, alam kong may pang-aasar na naman siyang inii
Bella's POV Napapikit ako habang pinipigilan ang sarili kong mapahinga nang malalim. Sa harapan ko, nakatayo si Mommy at si Daddy, parehong may nakapamulsa at seryosong tingin sa akin. Sa tabi nila, parang batang tahimik na naghihintay si Brent, pero alam kong sa loob-loob niya, natatawa na siya sa sitwasyon ko ngayon. "Bella," panimula ni Mommy, "wala namang masama kung subukan mong makasama si Brent nang mas matagal. Hindi naman masamang lalaki 'yan." "Ma, hindi naman ako nagsabing masamang tao siya," sagot ko, pilit na inuunawa kung bakit ba parang ang dali lang para sa kanila na i-push ako kay Brent. "Anak, hindi ka na bumabata," dagdag ni Daddy. "Kailan mo pa balak kilalanin si Brent kung lagi mong lalayuan?" Napabuntong-hininga ako. "At saka," dagdag pa ni Mommy, this time may kasamang nakakalokong ngiti, "maganda ang lugar. Sa rest house ng mga Cordova sa Palawan. Fresh air. Good food. Tahimik. Romantic. Hindi ka ba nae-excite?" Tumawa ako nang walang gana. "Romantic? M