Luna's POV Kinabukasan, maaga akong nagising, pero hindi dahil sa alarm clock ko kung 'di dahil sa bigat ng iniisip ko. Hindi ko pa rin matanggap ang sitwasyon ko—ang pagiging sunod-sunuran sa isang lalaking may matinding galit sa akin. Pero may magagawa ba ako? Pumasok ako sa banyo at mabilis na nag-shower, pilit na binabaling ang isip ko sa ibang bagay. Pero kahit anong pilit kong huwag isipin si Alexus, bumabalik pa rin siya. Kagabi, matapos ang pag-uusap namin sa text, hindi ako nakatulog nang maayos. Ano ang ibig sabihin ng banta niya? Ano ang gagawin niya kung hindi ako sumipot? At mas mahalaga, bakit siya biglang may pakialam sa problema ko? Pagkatapos kong magbihis, tinungo ko ang kwarto ni Bella. Mahimbing pa rin siyang natutulog, kaya’t marahan ko siyang hinalikan sa noo bago lumabas ng apartment. Alas-nuebe y medya ng umaga nang makarating ako sa gusali ng Del Fuego Aviation, ang kompanya ng pamilya ni Alexus. Malaki at moderno ang building, isang patuna
Terakhir Diperbarui : 2025-01-31 Baca selengkapnya