Please like, comments, gem votes, and rate this book. Thank you!
Luna’s POV Madilim na ang langit nang umalis kami sa Malate. Tahimik lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan ni Alexus. Ang ilaw ng mga poste at ang liwanag mula sa mga establisyemento ay naglalaro sa aking paningin, pero wala akong ibang makita kundi ang repleksyon ng sarili ko sa salamin—malungkot, pagod, at litong-lito. Sa tabi ko, si Alexus ay nakatutok sa pagmamaneho, ang mukha niya’y seryoso at walang emosyon. Pero kahit hindi siya nagsasalita, ramdam ko ang bigat ng presensya niya. Napabuntong-hininga ako. “Dapat na siguro akong umuwi,” mahina kong sabi. Hindi siya tumugon agad. Ilang sandali pa bago siya sumagot. “Bukas na.” Napatingin ako sa kanya. “Anong ibig mong sabihin?” Hindi siya tumingin sa akin. “Hindi kita ihahatid sa apartment mo ngayong gabi.” Napalunok ako. “Alexus, hindi na kita problema. Hindi mo kailangang—” Bigla siyang lumiko sa isang private road. Hindi ito ang daan papunta sa bahay ko. “Alexus—” “Hatinggabi na, Luna,” m
Luna’s POV Maagang nagising ang diwa ko, pero hindi ang katawan ko. Malagkit pa ang talukap ng mga mata ko habang nakahiga ako sa malambot na kama, pilit na iniintindi kung nasaan ako. Ilang segundo pa bago ko naalala ang nangyari kagabi—ang hindi ko planadong pananatili sa bahay ni Alexus, ang tensyonadong usapan namin sa kusina, at ang kanyang mga salitang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isipan ko. Napabuntong-hininga ako at pilit na bumangon. Mas maigi pang umalis ako bago siya magising. Ayoko nang lumalim pa ang gulo. Dali-dali akong bumangon at inayos ang sarili ko. Paglabas ko ng kwarto, tahimik pa rin ang buong bahay. Walang kahit anong tunog—walang yapak, walang kaluskos. Naglakad ako patungo sa sala, balak kong lumabas nang hindi nagpapaalam. Pero bago ko pa maabot ang pintuan, may malalim na boses na pumigil sa akin. "At saan ka pupunta nang hindi nagpapaalam?" Napakurap ako at dahan-dahang lumingon. Si Alexus. Nakatayo sa may hagdan, suot ang isang itim na c
Luna's POV Bahagyang nagdilim ang tingin niya. “Tapos na?” Inilapit niya ang mukha niya sa akin, hanggang sa halos magtagpo ang mga paningin namin. “Hindi ba dapat ako ang mas may karapatang magsabi niyan? Hindi ba dapat ako ang magdedesisyon kung kailan matatapos ang lahat ng ito?” Napaurong ako. “Alexus…” Pinagmasdan niya ako, at sa unang pagkakataon, kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya. Hindi na galit. Hindi na poot. Kung 'di isang lalaking hindi pa rin matanggap na ang babaeng minahal niya ay hindi na bumalik sa kanya. Humakbang siya palayo, tila pinipilit pigilan ang sarili niya. Ilang segundo siyang hindi nagsalita, bago siya huminga nang malalim at muling hinarap ako. “Alam mo ba kung ano ang pinakamasakit, Luna?” Napakurap ako. Ngumiti siya—isang pilit na ngiti na mas lalong bumigat sa dibdib ko. “Na kahit limang taon na ang lumipas, hindi ko pa rin kayang ituring kang isang estranghero.” Napasinghap ako. At sa huling pagkakataon, tumal
Luna's POV Kinabukasan, maaga akong nagising, pero hindi dahil sa alarm clock ko kung 'di dahil sa bigat ng iniisip ko. Hindi ko pa rin matanggap ang sitwasyon ko—ang pagiging sunod-sunuran sa isang lalaking may matinding galit sa akin. Pero may magagawa ba ako? Pumasok ako sa banyo at mabilis na nag-shower, pilit na binabaling ang isip ko sa ibang bagay. Pero kahit anong pilit kong huwag isipin si Alexus, bumabalik pa rin siya. Kagabi, matapos ang pag-uusap namin sa text, hindi ako nakatulog nang maayos. Ano ang ibig sabihin ng banta niya? Ano ang gagawin niya kung hindi ako sumipot? At mas mahalaga, bakit siya biglang may pakialam sa problema ko? Pagkatapos kong magbihis, tinungo ko ang kwarto ni Bella. Mahimbing pa rin siyang natutulog, kaya’t marahan ko siyang hinalikan sa noo bago lumabas ng apartment. Alas-nuebe y medya ng umaga nang makarating ako sa gusali ng Del Fuego Aviation, ang kompanya ng pamilya ni Alexus. Malaki at moderno ang building, isang patuna
Luna’s POVNagpatuloy ang katahimikan sa pagitan namin. Tanging maririnig lang sa opisina ang marahang tiktak ng wall clock na nasa likod ni Alexus.Mabigat ang pakiramdam ko—hindi lang dahil sa presensya niya kundi dahil sa alok niyang hindi ko alam kung isang tulong o isang bitag.Personal flight attendant?Gusto kong matawa. Gusto kong isipin na nagbibiro lang siya. Pero ang lalim ng titig niya, ang seryosong anyo ng mukha niya—lahat ng iyon ay nagsasabing wala siyang sinasabi na hindi niya kayang panindigan.Bumuntong-hininga ako at pinilit ang sarili kong huwag panghinaan ng loob.“Huwag mong sabihin sa akin na gusto mong ako ang sumama sa mga private flights mo?” pilit kong nilagyan ng katatawanan ang boses ko, pero ni hindi siya ngumiti.“Hindi ko gusto.” Malamig ang sagot niya. “Gusto ko, wala kang choice kung 'di tanggapin.”Napanganga ako. “Seriously, Alexus? Hindi mo na ako pagmamay-ari para utusan kung saan ako pupunta.”Ngumiti siya. Isang nakakalokong ngiti na lalong nag
Luna’s POV Mula sa opisina ni Alexus hanggang sa parking lot ng airport, wala akong ibang naririnig kung 'di ang mga bulungan ng crew at piloto tungkol sa balita na kumakalat—ang pagiging personal flight attendant ko para kay Alexus. Hindi ko alam kung paano nila nalaman agad, pero alam kong mabilis kumalat ang tsismis sa industriya namin. At mas lalo lang lumalala dahil sa mga taong tulad ni Stephanie na tila sabik na makita akong bumagsak. Isang linggo lang ang ibinigay sa akin ni Alexus para maghanda sa bagong tungkulin ko. Isang linggo lang bago magsimula ang mga private flights namin. At sa loob ng isang linggong ‘yon, kailangan kong ihanda ang sarili ko—hindi lang sa trabaho kung 'di sa emosyon kong pilit kong ikinukulong. Bago ko pa man maisipang umalis, biglang nag-ring ang cellphone ko. Napakunot-noo ako nang makita ang pangalan sa screen. Tita Rosa. Agad akong sumagot. “Hello, Tita?” “Luna, hija. Nasa trabaho ka ba?” may halong pag-aalala ang boses ng tiyahi
Luna's POV Isang segundo siyang tumitig sa akin bago siya lumapit nang tuluyan. Hanggang sa ang pagitan namin ay halos isang hakbang na lang. Ang amoy ng kanyang pabango, ang presensya niya—lahat ng ito ay parang unos na muling bumalot sa akin. At sa unang pagkakataon, bumaba ang boses niya. "Alam mong ikaw lang ang gusto kong pahirapan, Luna." Napasinghap ako. Ang init ng hininga niya ay lumapat sa pisngi ko, at sa kabila ng matalim niyang mga salita, hindi ko maiwasan ang panginginig ng buo kong katawan. "Hindi mo ba naisip ‘yon?" may bahid ng panunuya sa boses niya. "Kahit gaano kita kamuhian, Luna, mas gusto kong makita kang nandito—sa tabi ko. Dahil sa ganitong paraan, masisiguro kong hindi ka makakatakas." Parang biglang sumikip ang puso ko. Ang sakit sa dibdib ko ay mas lalo pang lumalim. Dahil kahit sa gitna ng mga masasakit niyang salita, kahit sa galit niya—may isang bagay akong natitiyak. Hindi niya pa rin ako kayang bitiwan. Nang makaalis ako sa briefing roo
Luna's POV Pagkapasok ko sa bahay, agad kong isinara ang pinto at sumandal dito. Malakas ang pintig ng puso ko at hindi ko alam kung dahil ba iyon sa kaba o sa inis. "Hindi ako naniniwala na hindi mo pa rin ako mahal, Luna." Parang sirang plaka na umuulit sa isip ko ang mga salitang iyon. Napahawak ako sa dibdib ko, pilit pinapakalma ang sarili. Hindi. Hindi na ako dapat naaapektuhan sa kaniya. Mula sa kwarto ni Bella, naririnig ko ang mahina niyang hilik. Dahan-dahan akong lumapit at pinihit ang pinto. Sa loob, mahimbing na natutulog ang anak ko, niyayakap ang paborito niyang stuffed toy. Ang mahinang ilaw mula sa lampshade ang nagsilbing tanglaw sa inosenteng mukha niya. Dahan-dahan akong lumapit at umupo sa gilid ng kama. Pinagmasdan ko siya. Si Bella—ang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Siya ang dahilan kung bakit ako lumalaban. Siya ang dahilan kung bakit hindi ako puwedeng bumalik sa nakaraan. Pero bakit? Bakit kahit anong gawin ko, hindi ko pa rin kayang takasan ang ani
Bella's POVNagising ako nang maaga dahil sa sunod-sunod na pag-ring ng cellphone ko. Pagkaabot ko rito, hindi ko na kinailangang tingnan ang caller ID—alam kong si Brent iyon. Wala nang ibang manggigising sa akin nang ganito kaaga maliban sa kanya."Hello?" Ang garalgal na boses ko ang bumungad sa kanya habang pinipilit kong idilat ang mga mata."Good. Gising ka na," tugon niya, malamig pero may bahid ng pangungutya. "May pupuntahan tayo. Gumayak ka na."Kahit inaantok pa, napilitan akong bumangon. Naging mabilis ang kilos ko matapos marinig ang excitement sa boses ni Brent. Iilan lang ang pagkakataong ganito siya kasabik sa isang bagay, kaya hindi ko iyon palalampasin."At saan naman tayo pupunta, boss?" tanong ko habang tumatayo mula sa kama at nag-unat ng katawan."Sa Twin Lagoon," sagot niya. "Sikat 'yon rito sa Coron. Sayang naman ang bakasyon mo kung hindi mo makikita."Napangiti ako. Matagal ko nang gustong makita ang Twin Lagoon. Isa ito sa mga pinaka-magandang destinasyon di
Bella’s POVTumingin ako sa orasan at napansing may dalawang oras pa bago matapos ang araw na ito. Today is March 30—ika-32 na kaarawan ni Brent. Kahit alam kong hindi niya ipinagdiriwang ang birthday niya dahil sa 5th death anniversary ng kapatid niya, gusto ko pa rin kahit paano iparamdam sa kaniya na may dahilan pa rin para maging masaya sa araw na ito.Naglakad ako papunta sa kusina at naghanap ng kahit anong matamis. Napangiti ako nang makita ang isang chocolate cupcake na natira mula sa hapunan namin kanina. Mabilis kong kinuha iyon at naghanap ng kandila. Maswerte akong may nakita akong maliit na birthday candle sa isang drawer.Sinindihan ko ang kandila at agad na bumalik sa veranda ng kwarto ni Brent. Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko, pero gusto kong bigyan siya ng kahit kaunting kasiyahan ngayong araw.Pagpasok ko sa kwarto, nakita kong nakatayo pa rin siya sa veranda, nakatingin sa malayo, hawak ang bote ng alak. Kita sa mukha niya ang lungkot at tila malalim na inii
Bella’s POV Pagkababa ko mula sa kwarto, agad akong natigilan sa nakita ko—isang eleganteng hapag-kainan na may nakahandang masasarap na pagkain. Ang buong dining area ay may romantikong ambiance, may kandilang nakasindi sa gitna ng mesa, at may maliliit na petals ng rosas na kumakalat sa paligid. Napakunot ang noo ko. Ano na namang drama ito ni Brent? Lalo pa akong nagtaka nang makita siyang nakatayo sa tabi ng mesa, hawak ang isang bouquet ng pulang rosas. Mukha siyang seryoso, pero may bahagyang pilyong ngiti sa labi niya. Lumapit ako nang dahan-dahan, pilit inaalam kung may mali ba akong nagawa para bigyan ako ng bulaklak ng lalaking ito. "For you," aniya, iniaabot sa akin ang bouquet. Tiningnan ko lang iyon saglit bago muling ibinaling sa kanya ang tingin. "Anong okasyon?" nagtatakang tanong ko habang iniirapan siya. "Hindi naman tayo mag-jowa, bakit mo ako binigyan ng bulaklak?" Nakita kong bahagyang napangisi si Brent bago umiling. "Pwede bang huwag mo akong susungitan ng
Bella's POV Maingat akong binaba ni Brent sa upuan, pero hindi ko maiwasang mapangiwi nang maramdaman ko ang hapdi ng mga kalmot ni Claudia. "Huwag kang gagalaw," seryoso niyang sabi habang kinukuha ang first aid kit. Agad siyang lumuhod sa harapan ko at sinimulang gamutin ang mga sugat ko. "Tsk. Kalmot lang ‘yan," sabi ko habang sinusubukang alisin ang braso ko mula sa hawak niya. Pero agad kong pinagsisihan ang ginawa ko nang maramdaman ang matinding hapdi. Napairap ako at napangiwi sa sakit. "Huwag na kasing magmaldita," aniya, sabay higpit ng hawak sa braso ko para hindi ko na ito maigalaw pa. "Ano pala ang ginawa mo kay Claudia? Bakit kayo nag-away?" Napataas ang kilay ko. "Bakit hindi si Claudia ang tanungin mo?" pamimilosopo ko. Umiling siya at tiningnan ako nang masama. "Bella—" "Baliw ang ex-fiancée mo, Brent," mataray kong putol sa kanya. "Nakakaloka. Feeling niya, pag-aari ka pa rin niya! Akala mo kung sino siya kung makapanghila ng buhok." "At ikaw? Ano'ng ginawa mo
Bella’s POV Hapon na nang bumalik kami sa villa. Pagod man, masaya akong kahit papaano ay hindi kami nag-away ni Brent ngayong araw. Hindi man kami nag-uusap nang madalas, sapat na sa akin ang tahimik at maaliwalas na atmosphere sa pagitan namin. Pagkapasok ko sa villa, naramdaman ko ang kumakalam kong sikmura. Agad akong lumabas para maghanap ng makakain. Napangiti ako nang makita ang isang matandang lalaki na nagtitinda ng chicharon sa may kalsada. Isa iyon sa paborito kong pagkain! “Manong, pahabol po!” halos pasigaw kong sabi habang patakbong lumapit sa kanya. Muntik na akong madapa sa pagmamadali, pero hindi ko na iyon ininda. Pagkatapos kong bumili, nagpasya akong bumalik na sa villa. Ngunit bago pa ako makalayo, bigla na lang may humila sa braso ko. “Ano ba?!” galit kong sigaw habang pilit na binabawi ang braso ko. Nang makita ko kung sino ang humawak sa akin, agad akong napakunot-noo. Si Claudia. Ang ex-fiancée ni Brent. Napapikit ako ng mariin. Great. Just great. "So
Bella's POV Ang simoy ng hangin ay may halong alat ng dagat, at ang malalakas na hampas ng alon sa baybayin ay tila musika sa tenga ko.Pagkatapos ng emosyonal na usapan namin kanina ni Brent, gusto kong mag-relax ngayon. I needed to breathe, to shake off the heaviness in my chest. Kaya naisip kong maghanda ng isang simpleng piknik malapit sa dalampasigan.Habang inaayos ko ang mga pagkain sa basket—may fruits, sandwiches, at isang bote ng red wine—narinig ko ang pagaspas ng kurtina sa kwarto. Doon ko lang napansin ang reflection ko sa malaking salamin sa gilid.Suot ko ang black bikini na matagal ko nang hindi nagagamit. Sakto lang ito—hindi sobrang revealing, pero sapat para ipakita ang maayos kong hubog.I smiled. Wala namang masama kung mag-swimwear ako, ‘di ba? Nasa beach naman kami!Kaya nang matapos akong maghanda, agad akong lumabas ng kwarto.Pagkalabas ko sa veranda, naabutan ko si Brent na nakatayo malapit sa picnic spot. Suot niya ang navy blue swimming trunks at isang pu
Bella's POV Muli akong napatingin kay Brent. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang hawakan sa braso para pigilan siya, o hayaan siyang ilabas ang matagal nang kinikimkim niyang sakit. Parang naninikip ang dibdib ko sa bigat ng sitwasyon. Ngayon ko lang nakita ang totoong lalim ng sugat na iniwan ng babaeng ito sa kanya. Si Claudia ay tahimik lang na nakatayo sa harap namin, namumula ang mga mata, para bang gustong ipaliwanag ang sarili pero hindi alam kung paano magsisimula. "I never meant to hurt her," mahina niyang sabi, pero halatang hirap na hirap siyang bitawan ang mga salitang iyon. Biglang bumigat ang paligid. "Pero nasaktan siya, Claudia," malamig na sagot ni Brent. "At hindi lang siya. Nawala siya. Dahil sa’yo, hindi na siya bumalik." Napasinghap ako. Hindi ko alam kung paano ko hahawakan ang sitwasyong ito. Hindi ko rin alam kung paano ako dapat mag-react. Ang alam ko lang ay hindi lang ito ordinaryong away ng dating magkasintahan. Ito ay sugat ng nakaraan na hin
Bella's POV Maaga akong nagising sa kwartong inilalaan sa akin ni Brent sa rest house nila. Kahit pa pilit kong ipinaalala sa sarili kong wala akong balak mag-enjoy sa trip na ‘to, hindi ko mapigilang humanga sa tanawin mula sa balcony. The sun was rising over the crystal-clear waters, and the salty breeze was refreshing against my skin. Pero bago pa ako makapag-moment ng tuluyan, may kumatok sa pintuan ko. Knock. Knock. "Bella, get up. May pupuntahan tayo." Napairap ako. "Brent, hindi pa ako nag-aalmusal." "Hindi rin ako kumain," sagot niya. "Pero kung ayaw mong mahuli sa itinerary natin, mas mabuting bumangon ka na." Umiling na lang ako bago tuluyang bumangon at nag-ayos. Paglabas ko ng villa, naghihintay na si Brent sa labas, nakasandal sa isang buggy. He looked effortlessly cool in his white linen shirt, sleeves rolled up, and a pair of beige shorts. Nakasuot din siya ng dark sunglasses, pero kahit natatakpan ang mga mata niya, alam kong may pang-aasar na naman siyang inii
Bella's POV Napapikit ako habang pinipigilan ang sarili kong mapahinga nang malalim. Sa harapan ko, nakatayo si Mommy at si Daddy, parehong may nakapamulsa at seryosong tingin sa akin. Sa tabi nila, parang batang tahimik na naghihintay si Brent, pero alam kong sa loob-loob niya, natatawa na siya sa sitwasyon ko ngayon. "Bella," panimula ni Mommy, "wala namang masama kung subukan mong makasama si Brent nang mas matagal. Hindi naman masamang lalaki 'yan." "Ma, hindi naman ako nagsabing masamang tao siya," sagot ko, pilit na inuunawa kung bakit ba parang ang dali lang para sa kanila na i-push ako kay Brent. "Anak, hindi ka na bumabata," dagdag ni Daddy. "Kailan mo pa balak kilalanin si Brent kung lagi mong lalayuan?" Napabuntong-hininga ako. "At saka," dagdag pa ni Mommy, this time may kasamang nakakalokong ngiti, "maganda ang lugar. Sa rest house ng mga Cordova sa Palawan. Fresh air. Good food. Tahimik. Romantic. Hindi ka ba nae-excite?" Tumawa ako nang walang gana. "Romantic? M