Luna’s POV Paglapag namin sa Manila International Airport, ramdam ko ang bigat ng pagod sa katawan ko, pero mas nangingibabaw ang bigat ng emosyon. Sa kabila ng malamig na treatment ni Alexus sa akin buong flight, kailangan kong magpanggap na normal lang ang lahat. Habang nag-aayos kami ng mga gamit at naghahanda para bumaba, nagsimula nang magkwentuhan ang ilang flight attendants at co-pilots sa galley. Tumatawa-tawa sila, halatang nagre-relax na matapos ang mahabang biyahe. “Luna, ang galing mo talaga kanina sa galley ha! Parang kahit stressed, calm pa rin,” biro ni Carla, sabay ngiting nakakaloko. Ngumiti ako nang tipid. “Kailangan lang talaga nating mag-focus sa trabaho, Carla.” “Uy, speaking of focus,” biglang singit ni Bryan, isa sa mga co-pilots. “Napansin ko, parang close na close kayo ni Captain Alexus ah. May connection ba na hindi namin alam?” Agad akong napatingin sa kanya, ang mga mata ko’y nagbabanta na huwag nang mag-umpisa. “Bryan, huwag kang mag-imbento. Tr
Terakhir Diperbarui : 2025-01-29 Baca selengkapnya