Good morning 🌄
Luna’s POV Habang nakatayo ako sa gilid ng kalsada ng Manila International Airport, ang bigat ng katawan ko ay tila sumasabay sa bigat ng aking isip. Ang pagod mula sa mahabang flight ay ramdam ko hanggang sa buto, ngunit alam kong kailangan kong umuwi agad kay Bella. Apat na araw na kaming hindi nagkikita, at ang ideya pa lang na malayo ako sa anak ko ay tila tinuturok ang puso ko ng matalim na karayom. Pinagmasdan ko ang mga dumadaang taxi habang hinihila ko ang aking maleta. Pilit kong iniwasan ang malamig na simoy ng gabi, ngunit kahit ang init ng singaw ng mga sasakyan ay hindi kayang palitan ang lamig ng takot na biglaang dumating. Tumunog ang telepono ko. Nang makita ko ang pangalan ng Yaya ni Bella, parang may pumiga sa dibdib ko. Hindi na ako nagdalawang-isip at agad kong sinagot ang tawag. “Yaya?” Nauutal kong sabi, hinahabol ang aking hininga. “Bakit po kayo tumawag?” “Ma’am Luna,” nanginginig ang boses niya sa kabilang linya, “nahihirapan pong huminga si Bella. Hi
Luna’s POV Pagkatapos ng tatlong oras na parang buong buhay kong inialay sa paghihintay sa labas ng emergency room, sa wakas ay lumabas na ang doktor. Halos napatalon ako mula sa bakal na upuan, at kahit nanginginig pa rin ang tuhod ko, pinilit kong maglakad papalapit sa kanya. “Dok, kumusta na po ang anak ko?” tanong ko habang pinipilit pigilan ang panginginig ng boses ko. Parang natutuyo ang lalamunan ko habang hinihintay ang sagot niya. Ngumiti siya ng pagaan sa loob ng sitwasyon. “Miss Reid, nasa mabuting kalagayan na si Bella. Nakahabol tayo sa tamang oras. Medyo mahina pa ang katawan niya ngayon, pero stable na ang kondisyon niya. Kailangan lang ng pahinga at masusing pagbabantay sa kanyang kalusugan.” Halos mawalan ako ng lakas sa ginhawang naramdaman ko. Parang bumalik ang hangin sa aking baga. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko habang paulit-ulit na nagpapasalamat. “Salamat po, Dok. Salamat sa Diyos…” “Pwede mo na siyang makita,” sabi ng doktor bago siya tumal
Luna’s POV Tahimik akong nakaupo sa maliit na coffee shop sa harap ng ospital habang hinihintay ang Yaya ni Bella. Kailangan ko siyang kausapin tungkol sa mga bagong bilin ng doktor, pati na rin sa mga plano ko para sa schedule namin. Isang malaking paghigop ng kape ang ginawa ko, pero kahit ang pait nito ay hindi sapat para takpan ang mga iniisip ko. Buong umaga akong nag-iisip tungkol sa tawag ni Alexus kagabi. Sa bawat salita niya, parang may muling bumabalik sa akin—ang nakaraan, ang sakit, ang mga alaala. Paano mo nga ba iiwasan ang taong minsang naging mundo mo, lalo na kung patuloy siyang nagiging bahagi ng kasalukuyan mo? Mula sa labas ng glass wall ng café, bigla kong napansin ang isang pamilyar na pigura. Matangkad, maayos ang tindig, at pamilyar ang lakad na tila ba ang lahat ng nakapaligid ay kusang umaayon sa kanya. Si Alexus. Halos mahulog ang tasa ko sa lamesa. Ano'ng ginagawa niya rito? Hindi pa man ako nakakagalaw, pumasok na siya sa café. Diretso ang tingin
Luna’s POV Pagkatapos ng ilang araw na tila puno ng tensyon, napagpasyahan kong tumuon na lamang sa trabaho. Kailangan kong magpakatatag para kay Bella. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko maiwasang maalala ang sinabi ni Alexus sa café. Para bang ang bawat salitang binitiwan niya ay nag-iwan ng bigat sa dibdib ko na hindi ko maalis. Nasa duty ako nang tumawag ang Yaya ni Bella para ipaalam na maayos ang lahat sa bahay. Habang naglalakad ako sa departure gate ng airport, nakangiti akong nagpasalamat sa kanya. “Thank you, Yaya. Tawagan mo lang ako kung may kailangan kayo, ha?” Mabigat pa rin ang pakiramdam ko, pero nagbigay ako ng ngiti sa mga pasaherong sumasakay. As a flight attendant, kailangan kong magmukhang kalmado at maayos kahit gaano pa kabigat ang mga iniisip ko. Pero sa kabila ng lahat, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba. “Miss Luna, pwedeng pahingi ng tubig?” tanong ng isang pasahero habang papunta ako sa galley. Ngumiti ako at tumango. “Of course, Ma’am. I’ll
Luna’s POV Hindi pa man ako nakakahinga mula sa naunang tensyon sa cockpit, heto’t muling nagparamdam si Alexus sa pamamagitan ng intercom. “Luna, I need you in the galley. Now,” malamig niyang boses na nagmula sa speaker. Napapikit ako, pilit na nilalabanan ang inis. Bakit ba tila ba ginawang personal na misyon ni Alexus ang utos-utusan ako? Tumayo ako mula sa pagkakaupo at mabilis na nagpunta sa galley, pilit na itinatago ang iritasyon sa mga kasamahang crew na nagkatinginan na naman. Pagdating ko, naroon siya, nakatayo at seryosong binabasa ang isang flight manual habang naka-cross arms. Tiningnan niya ako nang dumating ako, at ang mga mata niya ay puno ng lamig at implikasyon na tila ako ang may kasalanan kung bakit hindi umaayon ang lahat sa plano niya. “Ano na naman?” tanong ko, pilit na pinapanatili ang malamig na tono. Ayoko nang makita niyang naiinis ako. “May reklamo ang ilang passengers sa meal service,” diretso niyang sabi. “Pakiayos. And next time, ensure na ma
Luna’s POV Paglapag namin sa Manila International Airport, ramdam ko ang bigat ng pagod sa katawan ko, pero mas nangingibabaw ang bigat ng emosyon. Sa kabila ng malamig na treatment ni Alexus sa akin buong flight, kailangan kong magpanggap na normal lang ang lahat. Habang nag-aayos kami ng mga gamit at naghahanda para bumaba, nagsimula nang magkwentuhan ang ilang flight attendants at co-pilots sa galley. Tumatawa-tawa sila, halatang nagre-relax na matapos ang mahabang biyahe. “Luna, ang galing mo talaga kanina sa galley ha! Parang kahit stressed, calm pa rin,” biro ni Carla, sabay ngiting nakakaloko. Ngumiti ako nang tipid. “Kailangan lang talaga nating mag-focus sa trabaho, Carla.” “Uy, speaking of focus,” biglang singit ni Bryan, isa sa mga co-pilots. “Napansin ko, parang close na close kayo ni Captain Alexus ah. May connection ba na hindi namin alam?” Agad akong napatingin sa kanya, ang mga mata ko’y nagbabanta na huwag nang mag-umpisa. “Bryan, huwag kang mag-imbento. Tr
Luna’s POV Nagising ako sa marahang tunog ng cellphone ko na nagri-ring sa bedside table. Mahinang liwanag mula sa bintana ang tumatama sa mukha ko, hudyat na papasikat na ang araw. Dahan-dahan akong bumangon, pilit na binabanat ang pagod kong katawan mula sa nakaraang biyahe. Ring… Ring… Saglit akong napatitig sa screen bago sinagot ang tawag. Nadine. Ang pinsan kong matagal nang hindi tumatawag maliban na lang kung may kailangan. “Hello?” mahinahon kong sagot habang hinihimas ang sentido ko. “Luna!” masyadong masigla ang boses niya sa kabilang linya, isang senyales na may hihingin na naman siya. “Grabe, ang hirap mong makontak! Buti na lang sinagot mo.” Napabuntong-hininga ako. “Kagagaling ko lang sa flight, Nadine. May problema ba?” Sandaling katahimikan. Parang nag-aalangan siya, pero alam kong nag-iipon lang siya ng lakas ng loob para humingi ng pabor. “Uh… kasi, Luna, alam kong biglaan, pero pwede mo ba akong pautangin kahit mga… fifty thousand?” Muntik ko nang
Luna’s POV Pagkatapos kong magpadala ng limang libo kay Nadine, hinagis ko ang cellphone sa kama at napabuntong-hininga. Alam kong hindi ko dapat iniinda ang sinabi niya, pero hindi ko maiwasang makaramdam ng bigat. Bakit gano’n? Kapag tumanggi kang tumulong, ikaw pa ang lalabas na masama? Akma na akong pupunta sa banyo para maligo nang biglang nag-ring ulit ang cellphone ko. Another call? Napakunot ang noo ko at dinampot ang phone. Sa caller ID, lumabas ang isang pangalang mas lalong nagpa-init ng ulo ko. Cara. Napailing ako. Ano na naman kaya ang kailangan niya? Kung si Nadine ay palaging nanghihiram ng pera, si Cara naman ay walang ibang ginawa kundi siraan ako sa ibang tao. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niyang pinalabas na masama akong tao sa pamilya namin—na mayabang ako, na ginagamit ko ang pagiging flight attendant ko para ipagyabang ang buhay ko. Pero kapag kailangan niya ng tulong? Bigla siyang magiging mabait. Kinuha ko ang phone at saglit na tinignan
Bella’s POVTumingin ako sa orasan at napansing may dalawang oras pa bago matapos ang araw na ito. Today is March 30—ika-32 na kaarawan ni Brent. Kahit alam kong hindi niya ipinagdiriwang ang birthday niya dahil sa 5th death anniversary ng kapatid niya, gusto ko pa rin kahit paano iparamdam sa kaniya na may dahilan pa rin para maging masaya sa araw na ito.Naglakad ako papunta sa kusina at naghanap ng kahit anong matamis. Napangiti ako nang makita ang isang chocolate cupcake na natira mula sa hapunan namin kanina. Mabilis kong kinuha iyon at naghanap ng kandila. Maswerte akong may nakita akong maliit na birthday candle sa isang drawer.Sinindihan ko ang kandila at agad na bumalik sa veranda ng kwarto ni Brent. Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko, pero gusto kong bigyan siya ng kahit kaunting kasiyahan ngayong araw.Pagpasok ko sa kwarto, nakita kong nakatayo pa rin siya sa veranda, nakatingin sa malayo, hawak ang bote ng alak. Kita sa mukha niya ang lungkot at tila malalim na inii
Bella’s POVPagkababa ko mula sa kwarto, agad akong natigilan sa nakita ko—isang eleganteng hapag-kainan na may nakahandang masasarap na pagkain. Ang buong dining area ay may romantikong ambiance, may kandilang nakasindi sa gitna ng mesa, at may maliliit na petals ng rosas na kumakalat sa paligid.Napakunot ang noo ko. Ano na namang drama ito ni Brent?Lalo pa akong nagtaka nang makita siyang nakatayo sa tabi ng mesa, hawak ang isang bouquet ng pulang rosas. Mukha siyang seryoso, pero may bahagyang pilyong ngiti sa labi niya.Lumapit ako nang dahan-dahan, pilit inaalam kung may mali ba akong nagawa para bigyan ako ng bulaklak ng lalaking ito."For you," aniya, iniaabot sa akin ang bouquet.Tiningnan ko lang iyon saglit bago muling ibinaling sa kanya ang tingin. "Anong okasyon?" nagtatakang tanong ko habang iniirapan siya. "Hindi naman tayo mag-jowa, bakit mo ako binigyan ng bulaklak?"Nakita kong bahagyang napangisi si Brent bago umiling. "Pwede bang huwag mo akong susungitan ngayon,
Bella's POVMaingat akong binaba ni Brent sa upuan, pero hindi ko maiwasang mapangiwi nang maramdaman ko ang hapdi ng mga kalmot ni Claudia."Huwag kang gagalaw," seryoso niyang sabi habang kinukuha ang first aid kit. Agad siyang lumuhod sa harapan ko at sinimulang gamutin ang mga sugat ko."Tsk. Kalmot lang ‘yan," sabi ko habang sinusubukang alisin ang braso ko mula sa hawak niya. Pero agad kong pinagsisihan ang ginawa ko nang maramdaman ang matinding hapdi. Napairap ako at napangiwi sa sakit."Huwag na kasing magmaldita," aniya, sabay higpit ng hawak sa braso ko para hindi ko na ito maigalaw pa. "Ano pala ang ginawa mo kay Claudia? Bakit kayo nag-away?"Napataas ang kilay ko. "Bakit hindi si Claudia ang tanungin mo?" pamimilosopo ko.Umiling siya at tiningnan ako nang masama. "Bella—""Baliw ang ex-fiancée mo, Brent," mataray kong putol sa kanya. "Nakakaloka. Feeling niya, pag-aari ka pa rin niya! Akala mo kung sino siya kung makapanghila ng buhok.""At ikaw? Ano'ng ginawa mo?""Sye
Bella’s POVHapon na nang bumalik kami sa villa. Pagod man, masaya akong kahit papaano ay hindi kami nag-away ni Brent ngayong araw. Hindi man kami nag-uusap nang madalas, sapat na sa akin ang tahimik at maaliwalas na atmosphere sa pagitan namin.Pagkapasok ko sa villa, naramdaman ko ang kumakalam kong sikmura. Agad akong lumabas para maghanap ng makakain. Napangiti ako nang makita ang isang matandang lalaki na nagtitinda ng chicharon sa may kalsada. Isa iyon sa paborito kong pagkain!“Manong, pahabol po!” halos pasigaw kong sabi habang patakbong lumapit sa kanya. Muntik na akong madapa sa pagmamadali, pero hindi ko na iyon ininda.Pagkatapos kong bumili, nagpasya akong bumalik na sa villa. Ngunit bago pa ako makalayo, bigla na lang may humila sa braso ko.“Ano ba?!” galit kong sigaw habang pilit na binabawi ang braso ko. Nang makita ko kung sino ang humawak sa akin, agad akong napakunot-noo.Si Claudia.Ang ex-fiancée ni Brent.Napapikit ako ng mariin. Great. Just great. "So ikaw an
Bella's POV Ang simoy ng hangin ay may halong alat ng dagat, at ang malalakas na hampas ng alon sa baybayin ay tila musika sa tenga ko.Pagkatapos ng emosyonal na usapan namin kanina ni Brent, gusto kong mag-relax ngayon. I needed to breathe, to shake off the heaviness in my chest. Kaya naisip kong maghanda ng isang simpleng piknik malapit sa dalampasigan.Habang inaayos ko ang mga pagkain sa basket—may fruits, sandwiches, at isang bote ng red wine—narinig ko ang pagaspas ng kurtina sa kwarto. Doon ko lang napansin ang reflection ko sa malaking salamin sa gilid.Suot ko ang black bikini na matagal ko nang hindi nagagamit. Sakto lang ito—hindi sobrang revealing, pero sapat para ipakita ang maayos kong hubog.I smiled. Wala namang masama kung mag-swimwear ako, ‘di ba? Nasa beach naman kami!Kaya nang matapos akong maghanda, agad akong lumabas ng kwarto.Pagkalabas ko sa veranda, naabutan ko si Brent na nakatayo malapit sa picnic spot. Suot niya ang navy blue swimming trunks at isang pu
Bella's POV Muli akong napatingin kay Brent.Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang hawakan sa braso para pigilan siya, o hayaan siyang ilabas ang matagal nang kinikimkim niyang sakit.Parang naninikip ang dibdib ko sa bigat ng sitwasyon.Ngayon ko lang nakita ang totoong lalim ng sugat na iniwan ng babaeng ito sa kanya.Si Claudia ay tahimik lang na nakatayo sa harap namin, namumula ang mga mata, para bang gustong ipaliwanag ang sarili pero hindi alam kung paano magsisimula."I never meant to hurt her," mahina niyang sabi, pero halatang hirap na hirap siyang bitawan ang mga salitang iyon.Biglang bumigat ang paligid."Pero nasaktan siya, Claudia," malamig na sagot ni Brent. "At hindi lang siya. Nawala siya. Dahil sa’yo, hindi na siya bumalik."Napasinghap ako.Hindi ko alam kung paano ko hahawakan ang sitwasyong ito. Hindi ko rin alam kung paano ako dapat mag-react.Ang alam ko lang ay hindi lang ito ordinaryong away ng dating magkasintahan.Ito ay sugat ng nakaraan na hindi pa gumag
Bella's POV Maaga akong nagising sa kwartong inilalaan sa akin ni Brent sa rest house nila. Kahit pa pilit kong ipinaalala sa sarili kong wala akong balak mag-enjoy sa trip na ‘to, hindi ko mapigilang humanga sa tanawin mula sa balcony. The sun was rising over the crystal-clear waters, and the salty breeze was refreshing against my skin.Pero bago pa ako makapag-moment ng tuluyan, may kumatok sa pintuan ko.Knock. Knock."Bella, get up. May pupuntahan tayo."Napairap ako. "Brent, hindi pa ako nag-aalmusal.""Hindi rin ako kumain," sagot niya. "Pero kung ayaw mong mahuli sa itinerary natin, mas mabuting bumangon ka na."Umiling na lang ako bago tuluyang bumangon at nag-ayos.Paglabas ko ng villa, naghihintay na si Brent sa labas, nakasandal sa isang buggy. He looked effortlessly cool in his white linen shirt, sleeves rolled up, and a pair of beige shorts. Nakasuot din siya ng dark sunglasses, pero kahit natatakpan ang mga mata niya, alam kong may pang-aasar na naman siyang iniisip."R
Bella's POV Napapikit ako habang pinipigilan ang sarili kong mapahinga nang malalim.Sa harapan ko, nakatayo si Mommy at si Daddy, parehong may nakapamulsa at seryosong tingin sa akin. Sa tabi nila, parang batang tahimik na naghihintay si Brent, pero alam kong sa loob-loob niya, natatawa na siya sa sitwasyon ko ngayon."Bella," panimula ni Mommy, "wala namang masama kung subukan mong makasama si Brent nang mas matagal. Hindi naman masamang lalaki 'yan.""Ma, hindi naman ako nagsabing masamang tao siya," sagot ko, pilit na inuunawa kung bakit ba parang ang dali lang para sa kanila na i-push ako kay Brent."Anak, hindi ka na bumabata," dagdag ni Daddy. "Kailan mo pa balak kilalanin si Brent kung lagi mong lalayuan?"Napabuntong-hininga ako."At saka," dagdag pa ni Mommy, this time may kasamang nakakalokong ngiti, "maganda ang lugar. Sa rest house ng mga Cordova sa Palawan. Fresh air. Good food. Tahimik. Romantic. Hindi ka ba nae-excite?"Tumawa ako nang walang gana. "Romantic? Ma, ang
Brent's POV Maingat kong inakay si Bella papasok sa silid niya, pilit pinipigilan ang tawa habang kung anu-ano na lang ang lumalabas sa bibig niya."Bakit ba ang dami mong sinasabi?" natatawang tanong ko habang sinusuportahan ang katawan niyang halos hindi na makatayo ng maayos."Because…" Lumingon siya sa akin, namumungay ang mga mata. "Dapat mo akong pakinggan!""Okay, I’m listening," sagot ko, pero halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya."Kasi, Brent…" Pumikit siya saglit at parang nag-iisip ng malalim. "Ikaw ang pinaka-annoying na taong nakilala ko sa buong buhay ko!"Napahinto ako, sabay napakunot-noo. “Wow. I feel so honored.”Nagtaas siya ng isang daliri sa harap ko. "Pero…" Bumuntong-hininga siya, saka ngumiti. "Nakakatuwa ka rin minsan."Napangiwi ako. "Minsan lang?""Oo, minsan lang." Tumawa siya ng mahina. "Pero ngayon… siguro, mga twice."Napailing ako, patuloy siyang inalalayan hanggang sa marating namin ang kama niya. Inihiga ko siya nang dahan-dahan, pero bag