Share

Chapter 18

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-01-29 02:12:03
Luna’s POV

Hindi pa man ako nakakahinga mula sa naunang tensyon sa cockpit, heto’t muling nagparamdam si Alexus sa pamamagitan ng intercom.

“Luna, I need you in the galley. Now,” malamig niyang boses na nagmula sa speaker.

Napapikit ako, pilit na nilalabanan ang inis. Bakit ba tila ba ginawang personal na misyon ni Alexus ang utos-utusan ako? Tumayo ako mula sa pagkakaupo at mabilis na nagpunta sa galley, pilit na itinatago ang iritasyon sa mga kasamahang crew na nagkatinginan na naman.

Pagdating ko, naroon siya, nakatayo at seryosong binabasa ang isang flight manual habang naka-cross arms. Tiningnan niya ako nang dumating ako, at ang mga mata niya ay puno ng lamig at implikasyon na tila ako ang may kasalanan kung bakit hindi umaayon ang lahat sa plano niya.

“Ano na naman?” tanong ko, pilit na pinapanatili ang malamig na tono. Ayoko nang makita niyang naiinis ako.

“May reklamo ang ilang passengers sa meal service,” diretso niyang sabi. “Pakiayos. And next time, ensure na ma
Deigratiamimi

Happy Chinese New Year 🥰🎉

| 17
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Neht Vicente
bkit b KC ginuglo m un isip m kng ipagtapat m nlng skanya ang lahat.. Ikaw dn KC mykasalanan.. mahal m cya mahal k dn Naman nya. bka pg nanaman Ng anak m n ajan lng un Daddy nya sumigla p anak m.. wag pairalin un fride..
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 19

    Luna’s POV Paglapag namin sa Manila International Airport, ramdam ko ang bigat ng pagod sa katawan ko, pero mas nangingibabaw ang bigat ng emosyon. Sa kabila ng malamig na treatment ni Alexus sa akin buong flight, kailangan kong magpanggap na normal lang ang lahat. Habang nag-aayos kami ng mga gamit at naghahanda para bumaba, nagsimula nang magkwentuhan ang ilang flight attendants at co-pilots sa galley. Tumatawa-tawa sila, halatang nagre-relax na matapos ang mahabang biyahe. “Luna, ang galing mo talaga kanina sa galley ha! Parang kahit stressed, calm pa rin,” biro ni Carla, sabay ngiting nakakaloko. Ngumiti ako nang tipid. “Kailangan lang talaga nating mag-focus sa trabaho, Carla.” “Uy, speaking of focus,” biglang singit ni Bryan, isa sa mga co-pilots. “Napansin ko, parang close na close kayo ni Captain Alexus ah. May connection ba na hindi namin alam?” Agad akong napatingin sa kanya, ang mga mata ko’y nagbabanta na huwag nang mag-umpisa. “Bryan, huwag kang mag-imbento. Tr

    Last Updated : 2025-01-29
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 20

    Luna’s POV Nagising ako sa marahang tunog ng cellphone ko na nagri-ring sa bedside table. Mahinang liwanag mula sa bintana ang tumatama sa mukha ko, hudyat na papasikat na ang araw. Dahan-dahan akong bumangon, pilit na binabanat ang pagod kong katawan mula sa nakaraang biyahe. Ring… Ring… Saglit akong napatitig sa screen bago sinagot ang tawag. Nadine. Ang pinsan kong matagal nang hindi tumatawag maliban na lang kung may kailangan. “Hello?” mahinahon kong sagot habang hinihimas ang sentido ko. “Luna!” masyadong masigla ang boses niya sa kabilang linya, isang senyales na may hihingin na naman siya. “Grabe, ang hirap mong makontak! Buti na lang sinagot mo.” Napabuntong-hininga ako. “Kagagaling ko lang sa flight, Nadine. May problema ba?” Sandaling katahimikan. Parang nag-aalangan siya, pero alam kong nag-iipon lang siya ng lakas ng loob para humingi ng pabor. “Uh… kasi, Luna, alam kong biglaan, pero pwede mo ba akong pautangin kahit mga… fifty thousand?” Muntik ko nang

    Last Updated : 2025-01-30
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 21

    Luna’s POV Pagkatapos kong magpadala ng limang libo kay Nadine, hinagis ko ang cellphone sa kama at napabuntong-hininga. Alam kong hindi ko dapat iniinda ang sinabi niya, pero hindi ko maiwasang makaramdam ng bigat. Bakit gano’n? Kapag tumanggi kang tumulong, ikaw pa ang lalabas na masama? Akma na akong pupunta sa banyo para maligo nang biglang nag-ring ulit ang cellphone ko. Another call? Napakunot ang noo ko at dinampot ang phone. Sa caller ID, lumabas ang isang pangalang mas lalong nagpa-init ng ulo ko. Cara. Napailing ako. Ano na naman kaya ang kailangan niya? Kung si Nadine ay palaging nanghihiram ng pera, si Cara naman ay walang ibang ginawa kundi siraan ako sa ibang tao. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niyang pinalabas na masama akong tao sa pamilya namin—na mayabang ako, na ginagamit ko ang pagiging flight attendant ko para ipagyabang ang buhay ko. Pero kapag kailangan niya ng tulong? Bigla siyang magiging mabait. Kinuha ko ang phone at saglit na tinignan

    Last Updated : 2025-01-30
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 22

    Luna's POV Pagkatapos kong i-block si Cara, inisip kong makakapagpahinga na ako kahit sandali. Pero mukhang hindi ako tatantanan ng gulo ngayong araw. Ring… Ring… Muli na namang tumunog ang cellphone ko. Napabuntong-hininga ako bago tinignan ang caller ID. Hindi pamilyar ang numero. Nag-aalangan akong sagutin, pero sa huli, pinindot ko ang green button. “Hello?” “Magandang araw po, Ma’am. Kayo po ba si Luisa Natasha Reid?” Napakunot ang noo ko. “Sino po sila?” “Ako po si Mr. Javier mula sa Summit Lending Corporation. Tumatawag po ako tungkol sa outstanding loan nina Ms. Nadine Reid at Ms. Cara Salazar. Ikaw po ang inilagay nilang guarantor sa kanilang loan. Ma’am, overdue na po ang bayarin nila, kaya kayo na po ang sinisingil namin.” What the hell?! Halos mahulog ang cellphone ko sa narinig ko. Nanigas ang katawan ko, at sa loob ng ilang segundo, parang nawala ako sa sarili ko. “Wait. Ano?! Ano'ng ibig mong sabihin?” Napalakas ang boses ko. “Wala akong alam sa loan n

    Last Updated : 2025-01-30
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 23

    Luna’s POV “Alexus… kailangan kita.” Sandali siyang hindi sumagot. Sa kabilang linya, narinig ko lang ang mahinang tunog ng kanyang paghinga. Para bang nag-aalangan siya kung sasagutin ba ako o ibababa ang tawag. “Ano na namang problema mo?” malamig niyang tanong sa wakas. Napakagat ako sa labi. Alam kong hindi na siya dapat ang una kong tatawagan, pero wala na akong ibang maisip. Hindi ko alam kung paano ko haharapin mag-isa ang panlolokong ginawa sa akin nina Nadine at Cara. “Alexus…” Malalim akong huminga bago nagsalita. “Pwede ba tayong magkita? May kailangan akong ipaliwanag.” Tumawa siya nang mapakla. “Ipaliwanag? May bago ka na namang kalokohan, Luna?” Napapikit ako. Wala na bang ibang lumalabas sa bibig niya kundi panunumbat? “Hindi ito tungkol sa atin,” mahina kong sabi. “May problema ako, at ikaw lang ang pwedeng makatulong sa akin ngayon.” Tahimik ulit sa kabilang linya. “Nasaan ka?” tanong niya sa wakas. Nagulat ako. Akala ko, tatanggihan niya ako agad

    Last Updated : 2025-01-30
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 24

    Luna’s POV Habang bumabaybay kami sa kalsada, hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. Sa loob ng kotse ni Alexus, tahimik lang kaming dalawa. Masyado nang mabigat ang sitwasyon para sa amin, at alam kong wala ring balak si Alexus na pagaanin ito. “Kanino tayo pupunta?” tanong niya habang mahigpit na hawak ang manibela. Napatingin ako sa kanya. Mula sa gilid ng mukha niya, kita ko ang matalim niyang mga mata—nakatutok sa daan, puno ng seryosong determinasyon. “Sa dati naming kaibigan ni Cara. Si Vivian,” sagot ko. “Kung may isang tao na hindi niya iiwasan, siya iyon.” Tumango si Alexus, saka lumiko sa isang intersection. “Saan nakatira ‘yang Vivian?” “Sa Pasay. May maliit siyang café malapit sa MOA. Madalas siyang nandoon.” Wala nang sinabi pa si Alexus. Tahimik lang siyang nagmaneho, habang ako naman ay hindi mapakali. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Cara kapag nalaman niyang hinahanap ko siya? At higit sa lahat, bakit ako ang dapat managot sa kasalanang ginawa nila

    Last Updated : 2025-01-30
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 25

    Luna’s POV Madilim na ang langit nang umalis kami sa Malate. Tahimik lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan ni Alexus. Ang ilaw ng mga poste at ang liwanag mula sa mga establisyemento ay naglalaro sa aking paningin, pero wala akong ibang makita kundi ang repleksyon ng sarili ko sa salamin—malungkot, pagod, at litong-lito. Sa tabi ko, si Alexus ay nakatutok sa pagmamaneho, ang mukha niya’y seryoso at walang emosyon. Pero kahit hindi siya nagsasalita, ramdam ko ang bigat ng presensya niya. Napabuntong-hininga ako. “Dapat na siguro akong umuwi,” mahina kong sabi. Hindi siya tumugon agad. Ilang sandali pa bago siya sumagot. “Bukas na.” Napatingin ako sa kanya. “Anong ibig mong sabihin?” Hindi siya tumingin sa akin. “Hindi kita ihahatid sa apartment mo ngayong gabi.” Napalunok ako. “Alexus, hindi na kita problema. Hindi mo kailangang—” Bigla siyang lumiko sa isang private road. Hindi ito ang daan papunta sa bahay ko. “Alexus—” “Hatinggabi na, Luna,” m

    Last Updated : 2025-01-31
  • Reclaiming the Billionaire's Love   Chapter 26

    Luna’s POV Maagang nagising ang diwa ko, pero hindi ang katawan ko. Malagkit pa ang talukap ng mga mata ko habang nakahiga ako sa malambot na kama, pilit na iniintindi kung nasaan ako. Ilang segundo pa bago ko naalala ang nangyari kagabi—ang hindi ko planadong pananatili sa bahay ni Alexus, ang tensyonadong usapan namin sa kusina, at ang kanyang mga salitang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isipan ko. Napabuntong-hininga ako at pilit na bumangon. Mas maigi pang umalis ako bago siya magising. Ayoko nang lumalim pa ang gulo. Dali-dali akong bumangon at inayos ang sarili ko. Paglabas ko ng kwarto, tahimik pa rin ang buong bahay. Walang kahit anong tunog—walang yapak, walang kaluskos. Naglakad ako patungo sa sala, balak kong lumabas nang hindi nagpapaalam. Pero bago ko pa maabot ang pintuan, may malalim na boses na pumigil sa akin. "At saan ka pupunta nang hindi nagpapaalam?" Napakurap ako at dahan-dahang lumingon. Si Alexus. Nakatayo sa may hagdan, suot ang isang itim na c

    Last Updated : 2025-01-31

Latest chapter

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 42

    Brent's POV Habang masaya silang nagkukuwentuhan sa ilalim ng araw sa tabi ng beach dito sa Batangas, palihim akong lumayo. Sa isang mas liblib na bahagi ng resort, kinuha ko ang cellphone ko at nag-dial. “Siguraduhin mong maibigay ang gamot kay Gabriel. Low dosage lang muna. Enough para hindi siya tuluyang manghina, pero sapat para mag-regain siya ng strength,” mahina kong sabi sa kausap. “Hindi ba delikado?” tanong ng kabilang linya. “Hindi kung tama ang dose. Gusto ko lang makabawi siya. Hindi ito tungkol sa kanya. Ito ay tungkol kay Bella. I want her to see that I’m not the kind of man who lets personal grudges get in the way of someone’s healing. Kahit pa siya ang dahilan ng lahat ng sakit ng kapatid ko… at ng pagkawasak ng maraming bagay.” “Noted, Doc. I’ll handle it carefully.” Binaba ko ang tawag at saglit na napatingin sa langit. There was something about the way the clouds moved—slow, unhurried, just like how I wished time would go when I’m with her. Pagbalik ko sa c

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 41

    Bella's POV Tahimik ang buong bahay nang magising ako kinabukasan. Ang sikat ng araw ay mahinhing dumadaloy sa puting kurtina ng silid, halos parang yakap ng isang ina na pilit kang pinapakalma. Ngunit sa kabila ng ginhawang iyon, nanatili pa rin ang bigat sa dibdib ko—isang uri ng pagod na hindi kayang lunasan ng tulog o katahimikan. Bumaba ako nang marinig ko ang mahinang tunog ng kubyertos mula sa dining area. Ang aroma ng mainit na kape at freshly toasted bread ay agad na pumasok sa ilong ko. Pagliko ko sa kusina, bumungad si Brent—naka-apron, may hawak na kutsara habang tinitikman ang sauce ng niluluto niyang omelette. Sandali akong natigilan. Hindi ko inaasahan na sa kabila ng lahat, magagawa pa rin niyang ngumiti ng ganoon ka-payapa. Parang hindi kami kailanman nag-away, parang wala siyang tinagong lihim na kailanma au sumira sa tiwala ko. “Good morning,” bati niya, sabay turo sa pagkain sa mesa. “I made breakfast. You barely ate last night.” Hindi ko siya sinagot. Dahan-da

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 40

    Bella's POV Madaling araw na. Tahimik ang paligid ng ospital, tanging huni lamang ng mga kuliglig at mahinang tunog ng mga sasakyang dumaraan ang maririnig sa labas. Halos mag-collapse na ang katawan ko sa pagod, pero mas mabigat pa rin sa dibdib ko ang laman ng isip ko. Habang inaayos ko ang mga gamit ko sa locker room, sumagi sa isip ko ang mukha ni Gabriel—mas maamo na ngayon, mahina pa rin ang katawan, pero unti-unti nang bumabalik ang lakas. Araw-araw ko siyang tinitingnan, binabantayan, sinisiguradong maayos ang gamot niya, ang pagkain niya, ang physical therapy. Ginagawa ko lahat, hindi para sa kanya kundi para sa sarili kong prinsipyo bilang doktor. Hindi ko pa rin kinakausap si Brent. Kahit araw-araw niya akong sinusundo. Kahit ilang beses na siyang nakiusap. Kahit nararamdaman ko na ang paninikip ng dibdib tuwing iniiwasan ko ang mga matang tila namamalimos ng kapatawaran. Pero hindi madali. Hindi madaling kalimutan na gumanti siya para sa akin ng may halong karahasan. Hi

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 39

    Bella's POV Pagkatapos ng hapunan ay matagal akong nanatili sa sala, tulala sa kawalan. Ang mga ilaw sa kisame ay malambot na sumisinag sa mga dingding, ngunit hindi iyon sapat para palamigin ang tensyong nararamdaman ko sa loob ng dibdib ko. Ang katahimikan ng bahay ay para bang sumisigaw sa akin, inuulit-ulit ang mga tanong na kanina ko pa pinipilit isantabi. Tumitig ako sa basong may natirang red wine sa mesa, habang ang mga daliri ko ay hindi mapakali sa ilalim ng manipis na kumot na nakabalot sa akin.Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong ganoon, pero naramdaman ko ang marahang mga hakbang papalapit sa akin. Si Brent. Dahan-dahan siyang naupo sa tabi ko, tila nag-aalangan, tila may gustong sabihin pero hindi alam kung paano uumpisahan.“Bella,” tawag niya sa akin sa tonong puno ng pag-aalala. “Are you still mad?”I turned to him slowly. Tiningnan ko siya sa mga mata, sinusubukang basahin kung may bahid ng kasinungalingan sa likod ng kanyang katahimikan. Pero masyadong

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 38

    Bella's POVPagkatapos ng mahabang araw sa ospital—isang sunod-sunod na operasyon, emergency cases, at masikip na rounds—pakiramdam ko ay pagod na pagod ang buong kaluluwa ko. Pero hindi iyon sapat na dahilan para hindi maramdaman ang kakaibang tensyon na bumalot sa paligid. Pagkarating ko sa nurse’s station, naabutan ko sina Nurse Lanie at Dr. Castillo na pabulong ang usapan. Nang makita nila ako, agad silang napatigil. I frowned, my brows drawing together.“May problema ba?” tanong ko, habang inaayos ang clipboard sa harapan ko. “Parang ang bigat ng paligid.”Nagkatinginan sila at sa isang kisapmata ay nakita ko ang pag-aalinlangan sa kanilang mga mata. Si Lanie ang unang nagsalita, ngunit halatang pilit ang ngiti niya.“Wala naman, dok. Medyo napagod lang kami kanina. Alam mo na, ang dami ng pasyente ngayong araw.”Hindi ako agad naniwala. I’ve been working with them for years—kilala ko kung kailan sila nagsisinungaling.“Sigurado kayo?” mas mahina kong tanong. “Ayokong nakakaramd

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 37

    Brent’s POV Bago pa man ako pumasok sa silid ni Gabriel ay sinigurado ko munang abala si Bella sa ibang pasyente. Ayokong may makakita sa akin. Ayokong may pumigil. At higit sa lahat, hindi ko kailangang maging doktor niya para lang masukat kung gaano kalaking kasalanan ang ginawa niya kay Bella. Hindi niya kailanman malalaman ang bigat ng sakit na dinanas ni Bella—pero sisiguraduhin kong mararamdaman niya ito ngayon. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng pribadong silid. Tahimik ang loob, malamig ang aircon, at ang tunog ng heart monitor ang tanging tunog sa paligid. Nakaupo na si Gabriel sa kama, nakasandal sa headboard, at tila naghihintay. Nang magtama ang aming mga mata, agad na nawala ang kulay sa mukha niya. “A-Anong ginagawa mo rito? Hindi naman ikaw ang doktor ko,” tanong niya, may bahid ng pagtataka pero mas nangingibabaw ang takot. Ngumiti ako. Isang malamig na ngiti na siguradong hindi niya inaasahan mula sa akin. Pinaglalaruan ko ang syringe sa pagitan ng mga daliri k

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 36

    Bella’s POVPagkatapos ng mahigit apat na oras sa operating room, tuluyang natapos ang operasyon. Tagaktak ang pawis ko sa ilalim ng surgical cap, habang unti-unti kong tinanggal ang gloves ko. Nakayuko pa rin ako, pinagmamasdan ang katawan ni Gabriel na ngayon ay balot ng puting kumot, stable na ang vital signs at walang immediate danger. The ruptured spleen had been removed, the internal bleeding controlled, and his breathing had normalized. He was going to live.But what about me?Pakiramdam ko, ako ang naoperahan.“Vitals are good, Doctor,” sabi ni Nurse Flor habang kinukumpirma ang reading ng monitor. “Wala na pong active bleeding. Naka-transfer na rin sa recovery room ang pasyente.”Tumango lang ako at lumingon sa orasan. Alas-tres na ng hapon. The hospital corridors were starting to fall into silence, but my heart had not known peace all day. Tumindig ako at kinuha ang surgical gown ko, tinanggal isa-isa ang mga layer ng proteksyon na nakapaligid sa katawan ko, parang tinatangg

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 35

    Bella's POV Mainit-init pa ang liwanag ng araw na tumatama sa salamin ng kwarto nang imulat ko ang aking mga mata. Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama habang pinipilit alalahanin kung nasaan ako—hanggang sa maalala kong nasa bahay ako ni Brent. O mas tama sigurong sabihing bahay na rin namin, ayon sa kanya. Napailing ako at napabuntong-hininga habang hinahaplos ang sariling sentido. I couldn’t believe I actually let this happen. Amoy na amoy ko ang bango ng tinapay, itlog, at brewed coffee. Sumabay pa sa amoy ang mahinang tunog ng sizzling mula sa kusina. Tumayo ako at lumabas ng kwarto suot pa rin ang malambot na pajama set na iniregalo ni Mommy noong nakaraang Pasko. Nasa kusina nga si Brent—nakasuot ng plain white shirt at gray na sweatpants, nakatali ang buhok, at abala sa pag-aayos ng mga itlog sa frying pan. "Good morning, my fiancee," bati niya nang mapansin ang presensya ko. Hindi siya lumingon, pero kita ko ang ngiti sa gilid ng labi niya. “Nagising ka ba sa ingay o sa

  • Reclaiming the Billionaire's Love   Season Two - Chapter 34

    Bella’s POVPagkatapos ng buong araw ng rounds, paperwork, at ilang emergency consults, pakiramdam ko ay bibigay na ang mga paa ko. Kaya’t halos hindi ko na ininda ang bigat ng katawan habang naglalakad palabas ng ospital. Gusto ko lang umuwi, maligo ng mainit, at humilata sa kama. Ngunit bigla akong napatigil nang mapansing may humintong itim na kotse sa mismong harapan ko.Tahimik itong umusad at huminto eksaktong nasa tapat ko. Mabilis ang kabog ng dibdib ko. Kahit na may guard at ibang staff sa paligid, hindi ko naiwasang makaramdam ng kaba—lalo na sa biglaang pangyayaring ito.Bumaba ang tinted na bintana at bumungad ang pamilyar na mukha."Good evening, my fiancée," nakangising bati ni Brent, habang sabay na bumukas ang passenger door ng kotse, all automatic.Napalinga-linga agad ako. Diyos ko, sana walang makakita sa amin. Ayoko ng tsismis. Ayoko ng tanong. Ayoko ng espekulasyon. Lalo na ngayong hindi ko pa nga alam kung saan kami pupunta.“Pasok ka na,” dagdag pa niya, ngayon

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status