Share

Kabanata 2

last update Terakhir Diperbarui: 2024-03-20 15:08:08

HINDI makapaniwalang namilog ang mata ni Geoff sa narinig. Bahagya na itinagilid niya ang ulo dahil baka mali ang pagkakaintindi niya sa narinig. Hindi niya inaasahang papayag na si Alyson. Noon, tuwing binabanggit niya ang tungkol sa annulment ay nagmamakaawa itong huwag iyong ituloy, kulang na lang din ay luhuran siya nito sa pakiusap. Kung kaya naman palaisipan sa kanya ano ang nakain ng asawa at pumayag na ito sa kagustuhan niya after a month.

"Aasahan ko iyan, Alyson. Wala ng bawian. Mag-set tayo ng araw para parehong pumirma sa mga papeles. Sa isang araw, pumunta ka ha?"

Ilang minuto ang hinintay ni Geoff para sa sagot ni Alyson pero agad na nakuha ang atensyon niya ng monitor ng ultrasound kung saan malinaw na makikita ang imahe ng magiging anak nila ni Loraine. Kasalukuyan sila ngayong nasa clinic ng OB-Gyne nito upang magpa-ultrasound.

"Geoff, tingnan mo ang hitsura ng magiging anak natin. Kamukha mo di ba?" masiglang boses iyon ni Loraine.

HINDI ito nakaligtas sa pandinig ni Alyson na nasa kabilang linya pa. Sobrang sakit noon para sa kanya na kakatapos lang mawalan ng anak. Hindi na niya iyon kinaya kung kaya pinutol na niya agad dito ang tawag. Naghuhulagpos na pababa ang mga luha niyang hindi na niya napigilan. Mariin niyang hinawakan ang dibdib at tahimik na umiyak sa loob ng silid.

"Hello? Alyson?"

SUMAMA ang hilatsa ng mukha ni Geoff nang makitang wala na pala siyang kausap. Bukod sa nagtataka siya sa biglaang pagpayag nito ay bigla pa siyang binabaan nito ng cellphone.

"Geoff? Narinig mo ba ang sinabi ko?" agaw pa ng atensyon niya ni Loraine.

Hindi siya pinansin ni Geoff na ang utak ay nasa kay Alyson. Lutang siya habang hinahanapan iyon ng dahilan. Nang magtama ang mata nila ay napilitan na siyang tumango.

"Loraine, pumayag na ngayon si Alyson sa annulment namin."

Tumingin siya kay Loraine na agad na nagliwanag ang hilatsa ng mukha.

"Talaga? Mabuti naman."

Tumango si Geoff at saka tumayo.

"Saan ka pupunta?" hawak niya sa laylayan ng damit ng lalake.

"Aalis ako. Saglit na uuwi. Hahanap ako ng iba pang impormasyon kung bakit bigla na lang pumayag si Alyson. Mamaya ay may iba na pala siyang binabalak at wala tayong kaalam-alam."

"Sige, mag-iingat ka."

Nakapameywang na pinagmasdan ni Geoff ang tatlong palapag ng dati nilang tirahan. Halos isang buwan na ang nakakaraan mula ng piliin niyang iwanan ang lugar upang bumukod. Umingit ang bakal na gate ng buksan niya iyon. Malutong na tumunog din ang mga tuyong dahon ng puno nang maapakan niya. Halatang ilang araw na iyong hindi nawawalis at nalilinis.

"Hindi na ba siya dito nakatira?" tanong niya sa sarili na ang tinutukoy ay si Alyson, dito niya kasi ito iniwan. "Baka umuwi na sa pamilya niya."

Marahas na pinagpag ni Geoff ang dalawang palad nang kumapit doon ang alikabok matapos buksan ang main door. Nabahing pa siya ng ilang beses nang manuot ito sa kanyang ilong.

"Pambihira naman itong si Alyson! Pinabayaan niya ang bahay namin mula umalis ako."

Hindi na siya nag-aksayang pagpagin ang duming kumapit sa suot niyang sapatos. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob. Kulob ang amoy ng hangin. Sinalubong din siya ng nakakabinging katahimikan. Kung gaano karumi sa labas, siya namang linis ng bahay sa loob.

Iginala niya ang mga mata sa paligid. Nagugunita niya pa sa balintataw ang mga kaganapan sa lugar na iyon dati. Madalas na nasa kitchen ng bahay si Alyson, nagluluto ng kanilang pagkain. Palaging sumasakit ang tiyan niya at sinisikmura, kaya todo luto lang ng malalambot na pagkain si Alyson para mabilis niyang ma-digest iyon. Madalas din siyang magsuka noon kapag napuno ang kanyang tiyan.

"Huwag kang mag-alala, aalagaan kita at pagagalingin sa sakit mo." natatandaan niyang malambing na wika ni Alyson noon.

Pagkatapos ng dalawang taong kasal sila at sa pag-aalaga ni Alyson sa kanya ay parang isang himala na unti-unti na siyang gumaling.

Ginapangan ng lungkot ang sistema ni Geoff nang makitang bakante na ang kanilang dating tirahan noon. Ganunpaman ay pinili niyang humakbang sa loob ng dati nilang silid. Silid na tanging saksi sa alaala ng nakaraan nila. Bumuntong-hininga siya matapos na isilid sa bulsa ang dalawa niyang palad. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nalulungkot ng sandaling iyon. Biglang nagbago ang pakiramdam niya habang binabalikan ang nakaraang nakalipas na.

"Hindi ko siya mahal. Nagustuhan ko lang siya dahil may kamukha siya. Si Loraine. Iyon lang."

Hindi niya namalayan ang pagdating ni Alyson sa bahay at ang pagbukas ng pintuan ng silid.

GULANTANG na naburo ang mata ni Alyson sa malapad na likod ni Geoff. Napakurap pa ang babae dahil baka namamalikmata lang siya. Nang humarap ito at makitang totoo, kumabog na ang puso niya. Nakita niya 'ring suot nito ang pamilyar na damit sa alaala niya. Natatandaan niyang siya pa ang metikulusong namili ng design noon at ng maging ng kulay nito sa branded shop.

Habang tinitingnan niya ang mga damit noon ay nai-imagine na niyang babagay ito sa bulas ng katawan ng asawa. Hindi nga siya rito nagkamali. Naging bagay na bagay ito kay Geoff. Nagsilbi iyong regalo niya sa birthday nito. Agad na nagbago ang emosyon sa mukha ni Alyson nang maalala na si Loraine na ang kasama nito, pero ang kapal pa rin na suotin ang damit na binigay niya.

"Anong ginagawa mo dito?" malamig ang boses na tanong ni Alyson kay Geoff.

HUMARAP na sa kanya si Geoff. Pinasadahan siya ng tingin ng lalake mula ulo hanggang paa. Hindi nakatakas sa kanyang paningin ang malaking pagbawas nito ng timbang, nangingitim ang ilalim ng mga mata at maging ang sobrang pamumutla nito.

"Bakit ganyan ang hitsura mo? Ang payat mo. Pinapabayaan mo ang—"

"Ano namang pakialam mo sa kung anong hitsura mayroon ako?" pambabara ni Alyson sa kanya.

Napasuklay na ng buhok si Geoff upang supilin niya ang pagkaawa na nararamdaman. Medyo guilty siya na baka dahil iyon sa annulment nila.

"Kailangan kong makialam sa'yo Alyson dahil hindi ka pwedeng mamatay hangga't hindi pa tayo annul. Narinig mo? Ayokong gagamitin mo hanggang kamatayan ang apelyido ko!" may diing tugon ni Geoff sa napakalamig na tinig.

NANUOT sa buto ni Alyson ang lamig ng boses ni Geoff nang sabihin iyon. Ang buong akala pa naman niya ay concern na ito sa kanya. Nakalimutan niya na wala nga pala itong pakialam. May puso itong kasing-tigas ng bato.

"Huwag kang mag-alala, hindi pa ako mamamatay. Ayoko rin namang gamitin ang apelyido mo at ilagay sa magiging lapida ko."

Mula nang maikasal sila ay hindi naramdaman ni Alyson na mahalaga siya. Katawan lang naman niya ang habol ni Geoff. Tuwing magniniig lang sila saka lang niya nakikita ang pagmamahal nito sa mata na wala rito sa mga normal na araw.

Para sa kanya ay hindi nga iyon pagmamahal, purong pagnanasa lamang iyon. Pagkatapos nitong makuha ang gusto niya, agad na siyang tatalikuran. Doon lang siya may pakinabang. Doon lang lumalabas ang pangangailangan bilang asawa. Sa loob ng tatlong taong iyon ay hindi niya napigilang umasa siya na baka mahalin din siya ni Geoff, ngunit gumuho agad ang pangarap niya nang malaman niya ang tungkol kay Loraine. At ang mas nakakatawa pa, medyo may hawig siya sa mga mata ni Loraine. Doon niya naisip na kaya marahil siya pinakasalan ni Geoff, dahil nakikita nito sa kanya ang imahe ng ex-girlfriend nito na ngayon ay pinili niyang makasama keysa kanya.

"Mabuti naman kung ganun, Alyson. Mabuti na iyong malinaw ang lahat sa pagitan natin."

Masakit iyon para kay Alyson. Walang katumbas na sakit pero ano naman ang magagawa niya? Nangyari na. At saka wala rin namang may alam na kasal sila. Ni hindi iyon nabalita kahit na promenenteng tao si Geoff. May sinasabi sa mundo ng negosyo. Kung sakali na maghiwalay sila ay wala 'ring makakaalam noon bukod sa kanila, at sa mga kapamilya. Ilang kembot na lang at matatapos na ang lahat sa kanila after niyang pumirma ng annulment papers at magpa-raspa. Pipiliin niya na ang panibagong buhay na sa kanya ay naghihintay. Hindi na nila kailangan pang muling magkita pagkatapos ng hiwalayan.
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (2)
goodnovel comment avatar
selenopile
mukhang mas masakit to kesa sa kwento ni Thanie at Gavin
goodnovel comment avatar
Nans Pano
sad story.next episode
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 3

    Kinailangan pang ilang beses na lumunok ng laway si Alyson para tanggalin ang nakabarang bikig sa kanyang lalamunan. "Huwag ka ngang mag-alala, Geoff, hinding-hindi ko dudungisan ang apelyido mo. Kung mamamatay man ako, hindi na kita idadamay. Lalayo na rin ako sa'yo after ng annulment." Pinagtaas

    Terakhir Diperbarui : 2024-03-20
  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 4

    Hatinggabi na nang matapos sa pag-iimpake ng kanyang mga gamit si Alyson sa bahay na iyon. Plano niya na pagkatapos ng annulment ay babalik siya sa sariling bahay nila. Nalugso man ang negosyo at ang ilang mga ari-arian nila ay nahatak at nawala sa kanila, may bahay pa rin naman siyang uuwian. Doon

    Terakhir Diperbarui : 2024-03-20
  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 5

    Hindi inalis ni Alyson ang mga mata niya sa mga gamit ng magsimulang bilangin iyon ng staff na tinawag ng Manager ng shop. Nakasandal siya sa bandang counter at naghihintay. "Nakakaawa ka naman, Alyson. Sobrang hirap na ba ng buhay at kailangan mo pang mangdaya? Wala ka na bang makain at pati ang p

    Terakhir Diperbarui : 2024-03-20
  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 6

    Bagama't napapahiya at masakit ang balakang sa pagkakatulak ni Geoff ay nakuha pang ngumiti si Alyson. Ilang saglit pa ay pinilit niya ang sariling tumayo. Namimilipit na siyang agad na napahawak sa kanyang puson. Bakas na rin sa mukha niya ang sakit.Noon pa lang naalala na nakalimutan niya ang gam

    Terakhir Diperbarui : 2024-03-26
  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 7

    Parang sinusunog ang katawan ni Alyson sa sobrang init nang tuluyang mahimasmasan. Nang tangkain niyang bumangon ay muli lang siyang napahiga dahil sa panghihina. Isabay pa na sobrang nahihilo pa rin siya."Huwag po muna kayong magalaw, Miss. Ang taas pa po ng lagnat mo." saway sa kanya ng nurse sa

    Terakhir Diperbarui : 2024-03-26
  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 8

    Mapaklang ngumiti si Alyson na hindi man lang umabot sa kanyang mata. Naisip niya na wala man lang awa ang asawa niya. Well, dati pa naman ay ganun na ang ugali ni Geoff. Hindi na niya maitago ang sakit sa mukha. Nasa ganung kalagayan na nga siya tapos ayaw pang maniwala nito. Ang akala nito ay nagd

    Terakhir Diperbarui : 2024-03-26
  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 9

    PINATAY ni Geoffrey ang tawag niya kay Alyson. Ayaw na niyang makipag-usap dahil alam niyang wala rin namang patutunguhan iyon. Hindi niya lubos maisip na hahamunin siya ni Alyson na bayaran niya ito. Sa isip niya ay paniguradong may nagsulsol at nagsabi nito na gawin niya iyon. Padabog na sumakay

    Terakhir Diperbarui : 2024-03-26
  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 10

    HINDI magkandaugaga ang mga staff, nurses at doctor ng hospital na iyon nang makita nilang naroon ang sikat na business tycoon at CEO na si Geoffrey Carreon mula sa Carreon Holdings. Gulat na gulat sila kung ano ang ginagawa nito sa hospital nila. Panay ang irit ng karamihan, kilig na kilig sa prese

    Terakhir Diperbarui : 2024-03-26

Bab terbaru

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 922

    NANIGAS NA ANG katawan ni Addison nang marinig niya ang sinabing iyon ng asawa. Sila? Magmi-meet ni Loraine na dating abductor nilang magkakapatid noon? Anong pumasok sa kanyang isipan? Imposible. “Ayoko.” mabilis na pagtutol ni Addison na ikinatango-tango naman nang marahan ni Landon, alam na niya

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 921

    ISANG MAHIGPIT NA yakap ang isinalubong ni Landon kay Addison pagpasok nito sa loob ng kanyang sasakyan na matamang naghihintay sa parking lot ng airport. Tikom ang bibig at pata ang katawan na itinapon naman ang sarili ni Addison sa asawa upang magpabebe at kumuha ng lakas ditong nawala sa haba ng

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 920

    HUMINGA NA NANG malalim doon si Landon na tiningnang mabuti ang mukha ng inang balisang-balisa gaya noon kahit pa naging matandang version na niya ito ngayon. Ganun na ganun ang hitsura nito noong mga panahong hindi sila ang pinili ni Geoffrey Carreon at pinamukhang hindi siya anak ng lalaki. Totoo

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 919

    HINDI PA RIN nawalan ng oras at panahon ang mag-asawa para sa bawat isa nang bumalik si Addison sa kanyang trabaho. Sinisigurado niyang may communication silang dalawa kahit na may agwat ang pagitan nila. Naging mabuting asawa naman sa kanya si Landon na kahit na gaano ka-busy sa kanyang trabaho ay

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 918

    NAGKUKUMAHOG NA NAPAAHON na si Addison sa kanyang pagkakaupo nang marinig niyang bumukas na ang pintuan. Kanina pa siya panay ang tingin sa orasan habang iniintay ang asawang dumating. Nagpalit lang siya ng damit tapos ay tumambay na doon. Nagkunwaring may ini-scroll sa kanyang cellphone habang nasa

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 917

    NATIGIL LANG ANG bulungang pag-uusap ng dalawa ng lumabas na ng banyo si Loraine na nakasuot ng roba. Sa hilatsa ng mukha nito ay kapansin-pansin ang pagiging excited ng babae. Makikita na naman kasi niya ang pride niyang anak. Hindi na ito pabata kung kaya naisip niyang kailangan na niyang hanapan

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 916

    TIKOM PA RIN ang bibig ay mabilis ang ginawang pag-iling ni Addison. Hindi naman siya nagtatanong though sinasabi ng mukha niya na kailangan niyang malaman kung sino ang babaeng iyon. Marami siyang katanungan, lalo na at tungkol pala iyon sa ina ng kanyang asawa na tanggapin niya man o hindi ay moth

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 915

    NAIS PA SANANG tutulan iyon ni Addison ngunit agad na siyang nahila ng asawa pabalik ng sofa. Naramdaman niya ang paninitig ng babae sa kamay ni Landon na nakahawak sa kanyang braso. Kung maloko lang siya, baka iniyakap pa niya ang braso niya sa beywang ni Landon. Kaso, bakit niya gagawin iyon? Saya

  • AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO   Kabanata 914

    BINALOT NA SILA ng nakakabinging katahimikan. Gustuhin man ni Addison na mang-usisa pa at tanungin ito kung ano ang kailangan sa kanyang asawa, kaya lang nakita niyang nag-scroll na ito sa kanyang cellphone na inilabas sa bulsa. Ang ginawa niya ay inilabas na lang din niya ang cellphone at nag-scrol

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status