Marry Me, Mr. Professor

Marry Me, Mr. Professor

last updateLast Updated : 2024-09-05
By:  smoothiee  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
6 ratings. 6 reviews
53Chapters
9.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Sina Alexis at Manuel ay malapit ng ikasal. Gayunpaman, habang papalapit ang petsa ng kasal, nagsimulang magpakita ang mga bitak. Muling lumitaw ang damdamin ni Manuel para sa kanyang dating kasintahan nang mabasag ni Alexis ang vase na regalo nito. Dahil hindi niya nabalewala ang kanyang hindi mapigil na mga emosyon, hindi namalayan ni Manuel ang kanyang sarili at nasampal si Alexis. Nadurog ang puso at dismayado, ginawa ni Alexis ang mahirap na desisyon na itigil ang kasal, napagtanto na ang kanilang relasyon ay hindi buo. Sa paghahanap ng pang-unawa, nakahanap siya ng hindi inaasahang mapagkukunan ng sandalan kay Alvin, isang matalino at mahabagin na CEO at tagapagturo sa isang sikat na unibersidad. Sa pagpapatuloy ni Alexis sa buhay ay natuklasan niya ang isang mas malalim na pag-unawa sa kanyang sarili at kung ano ang tunay niyang ninanais sa isang asawa. Sa pamamagitan ng kanilang ibinahaging pag-uusap at paggalang sa isa't isa, natagpuan ni Alexis ang paggaling at panibagong pakiramdam ng pag-asa para sa hinaharap. Sa gitna ng kaguluhan ng nawalang pag-ibig at mga bagong simula, ang paglalakbay ni Alexis sa pagtuklas sa sarili ay nagbukas, na humantong sa kanya sa mga hindi inaasahang lugar at nagturo sa kanya ng mahahalagang aral tungkol sa pag-ibig, katatagan, at kapangyarihan ng pagmamahal.

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

Kagaya ng cake na dala, ganoon din katamis ang ngiti sa labi ni Alexis. Hindi mawala ang maganda nyang pakiramdam. Habang naglalakad patungo sa office ng kaniyang soon to be husband ay napapasayaw pa sya sa tuwa."Magiging Misis Soriano na ako? Hindi na ako makapaghintay," bulong nya sa sarili nang huminto sa tapat ng office ni Manuel. "Na sa meeting pa po si sir," bungad sa kaniya ng secretary. "Hintayin nyo na lang po sya sa loob."Tatlong araw na simula nang pag-usapan nila ang tungkol sa kasal. Gusto nyang dalawin ang nobyo dahil magiging busy na ito sa mga susunod na araw dahil sa mga meeting. Ngayon na lang ang araw na meron sila at ngayon din nila balak mamili at maghanap ng reception venue.Sa katunayan, wala naman nang maihihiling pa si Alexis. Sapat na sa kaniya na mapangasawa ang kaniyang kababata at long time crush. Bata pa lang kasi sila ay gusto na nya si Manuel, kaya labis ang tuwa nya noon nang ligawan sya nito. Isang taon na rin simula nang maging magkarelasyon sil

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
MissGhella
Highly recommended <3<3
2024-06-02 09:43:01
0
user avatar
Matteo Lucas
Must Read!
2024-05-25 15:19:31
0
user avatar
Docky
highly recommended
2024-05-22 19:05:46
0
user avatar
MikasaAckerman
RECOMMENDED!!!
2024-04-26 09:32:26
1
user avatar
smoothiee
Hi, readers! Everyday update po ito. Enjoy!
2024-04-04 05:44:39
3
user avatar
Mmmcc
Next plssa
2024-03-28 02:35:08
3
53 Chapters

Chapter 1

Kagaya ng cake na dala, ganoon din katamis ang ngiti sa labi ni Alexis. Hindi mawala ang maganda nyang pakiramdam. Habang naglalakad patungo sa office ng kaniyang soon to be husband ay napapasayaw pa sya sa tuwa."Magiging Misis Soriano na ako? Hindi na ako makapaghintay," bulong nya sa sarili nang huminto sa tapat ng office ni Manuel. "Na sa meeting pa po si sir," bungad sa kaniya ng secretary. "Hintayin nyo na lang po sya sa loob."Tatlong araw na simula nang pag-usapan nila ang tungkol sa kasal. Gusto nyang dalawin ang nobyo dahil magiging busy na ito sa mga susunod na araw dahil sa mga meeting. Ngayon na lang ang araw na meron sila at ngayon din nila balak mamili at maghanap ng reception venue.Sa katunayan, wala naman nang maihihiling pa si Alexis. Sapat na sa kaniya na mapangasawa ang kaniyang kababata at long time crush. Bata pa lang kasi sila ay gusto na nya si Manuel, kaya labis ang tuwa nya noon nang ligawan sya nito. Isang taon na rin simula nang maging magkarelasyon sil
Read more

Chapter 2

Humagulgol nang tuluyan si Alexis sa balikat ni Joy. Ramdam nya ang paghikbi ng kaibigan at hindi nya maiwasang mapatiim bagang. "Sagutin mo ako, Alexis," muling sabi ni Joy. "Sinong gumawa nyan sayo?" Mas lalong lumakas ang hagulgol ni Alexis. "S -si Manuel," umiiyak na sagot nya. “S -sinampal nya ako.” Napakuyom ng kamay si Joy. Galit ang agad nyang naramdaman. Ang pula nyang labi ay halos magdugo dahil sa pagkagat nya rito para magpigil ng galit. Hindi sya makapaniwalang masasaktan ni Manuel si Alexis. "Kumain ka na ba?" tanong ni Joy at hinimas ang likod nya para patahanin. "Gusto mo ipagluto kita? Anong gusto mo? Gusto mo ng lugaw?" Tumango si Alexis bilang sagot. Tumayo silang dalawa at nagtungo sa kusina. Ipinagluto ni Joy si Alexis ng lugaw. Matapos ang ilang minuto ay na sa lamesa na sila para kumain. Kinapa ni Joy ang sitwasyon. Gusto nyang tanungin ang kaibigan sa nangyari. Kitang kita kasi nya ang sitwasyon nito ngayon. Masyadong haggard, kitang kita ang namama
Read more

Chapter 3

Dinampian ni Alexis ng blush on ang kaniyang kanang pisngi para matakpan ang pasa. Medyo umipis na ang pamamaga ng kaniyang pisngi pero kitang kita pa rin ang pasa nito. Papunta na sya ngayon sa itinayo nyang bakery shop. Nagtapos sya ng kolehiyo sa kursong business administration. Kaya after nyang magtapos ay nagtayo sya ng isang bakery shop. Walang traffic. Pabukas pa lang ang shop kaya naisipan nya munang bilhan ng almusal ang mga tauhan nya. Ilang araw din syang nawala at hindi nakadalaw sa bakery shop nya. Nang makabili sa kabilang street ng almusal ay agad din syang bumalik. Bukas na ang shop. Wala pang customer pagpasok nya sa loob. "Binilhan ko kayo ng almusal," bungad nya sa mga tauhan. "Pambawi hehe." Nilapag nya sa lamesa ang dalawang paperbag na naglalaman ng mga silog. "Na-miss ka namin, boss! Saan ka po galing, mukhang naging busy po kayo." "Busy kasi nakipagbreak," pabirong sagot ni Alexis. "Oh, sya. Kumain na muna kayo habang wala pang customer." Napahinto ang
Read more

Chapter 4

"Hindi ako umiinom," sagot ni Alexis. Lumunok sya at pinunasan muli ang basang pisngi. "Anong order mo?" tanong nya sa lalaki. "Akala ko ba magsasara ka na?" nakangising tanong ng lalaki. "Dalawang tasty sana tsaka isang eggpie." Nag-iwas ng tingin si Alexis. "Ok, wait lang. Dine or take out?" Minura ni Alexis ang sarili sa isipan. Tinanong nya ang sarili kung bakit tinanong nya pa kung dine in or take out eh gabing gabi na. Pero nagulat sya nang tumawa ng mahina ang lalaki. "Dine in, please," sagot nito. Muli syang lumunok bago tumalikod. "Wait, serve ko lang." Agad nyang kinuha ang tasty at eggpie. Nilagay nya ang eggpie sa isang plate at sinerve sa lalaki. "Eat well," ani Alexis sa kaniya. "Hindi ko mauubos 'to," natatawang sabi ng lalaki. "Pwede mo kong tulungan?" Tinignan ni Alexis ang oras. Late na at kailangan na nyang umuwi. Tumango sya sa lalaki at kumuha pa ng isang plate at kutsara. Hinati ng lalaki ang egg pie at binigay ang kalahati kay Alexis. Napuno ng k
Read more

Chapter 5

"Hala, madaya!" sigaw ni Jasmine. "Kami rin boss, baka naman. Purga na po kami sa bread," biro nya. Napuno ng udyukan ang bakery shop ni Alexis. Sa ganitong paraan ay gumaan kahit papaano ang pakiramdam nya. Nawala sa isipin nya ang mabigat na problema na dala-dala nya. "Sge na nga," pagsuko ni Alexis. "Ililibre ko kayo ng tinapay!" Nagtawanan silang lahat sa biro ni Alexis. "Tinapay na nga tinda natin boss, eh," ani Jasmine. Napangiti ulit si Alexis. "Oo na, bibilhan ko na kayo mamaya ng coffee or milktea sa labas after lunch." "Iyon!" "Thank you ng marami boss!" Hindi rin nagtagal ay dumating na ang mga regular customers nila. Kaya nagpaalam na si Alexis para tapusin ang mga paperworks at matapos ang ilang minuto ay may dumating na truck sa likod ng shop. "Boss, yung bagong mga ingredients po and tray," ani Jasmine. "Ito po yata yung sa new product natin na ilalabas nyo po next next week." Sinarado ni Alexis ang laptop nya. Tumayo sya sa usual na pwesto nya at nagtungo sa c
Read more

Chapter 6

"Wala na tayong dapat pag-usapan."Tila ba bumagal ang oras nang alisin ni Alexis ang kamay ni Manuel. Bilog ang buwan, ang malamig na simoy ng hangin ay nararamdaman nyang dumampi sa kaniyang mukha. "B -bitawan mo na ako," muling sambit ni Alexis nang hindi bumitaw si Manuel sa pagkakahawak. "Tatawag ako ng pulis, isa pa."Hindi pinansin ni Manuel ang mga sinabi ni Alexis at napatingin ito sa kaniyang relos. "Alas onse mahigit na," panimula nito. "Kailan pa nabago ang oras ng pag-uwi mo?" seryosong tanong ni Manuel.Napatiim bagang si Alexis. "Wala kang pake kung anong oras akong uuwi. Nawalan ka na ng karapatan nang saktan mo ko."Pilit kinalma ni Manuel ang sarili at hindi sinabayan ang pagtataray niya. "Tinatanong kita ng maayos, kailan ka pa umuuwi ng ganitong oras?"Pinilit tanggalin ni Alexis ang kamay ni Manuel at nagtagumpay sya. "Sabi ng wala ka ng pake doon."May magbabalot na dumaan sa gilid nila at tinignan sila. Naagaw ng pansin ng magbabalot ang ginagawa nilang dalawa.
Read more

Chapter 7

Napayuko sina Joy at Bruno nang sagutin na ni Alexis ang tawag. Ninang at ninong nilang dalawa ang parents ni Alexis at ganoon din si Alexis sa parents ng dalawa. Alam ni Bruno at Joy na ang mga magulang ni Alexis ay boto kay Manuel. Labis ang tuwa ng mga ito kay Manuel lalo na noong panahon na niligawan ni Manuel ang kanilang anak."Na sa bagong restaurant po ako ni Bruno, dad," sagot ni Alexis. “Kumakain po ng lunch.”Tinawag na nila Joy at Bruno ang lahat ng santo at ipinagdasal na huwag banggitin ng mga magulang ni Alexis si Manuel."Really?" may halong lungkot na tanong ni Alexis. "Balak ko pa naman po sanang kumain dyan sa inyo mamaya, dad."Mukhang hindi sumagi sa isip ng daddy ni Alexis na hanapin si Manuel. Tila ba nabunutan ng tinik ang dalawa at nakahinga ng maluwag."No need, dad," ani Alexis. Napanguso si Alexis nang babaan sya ng tawag ng daddy nya. Pero mabuti na lang at hindi nito binanggit si Manuel. Alam nya sa sarili na mahihirapan syang magpaliwanag sa mga 'to."
Read more

Chapter 8

Kitang kita ng dalawang mata ni Manuel kung paano mag-usap si Alexis at si Alvin sa parking space. Nagtataka nya itong tinignan at sigurado syang si Alexis ang babaeng nakikipag-usap. Pamilyar din sa kaniya ang sasakyan na nakaparada. Ito ang unang regalong natanggap ni Alexis sa daddy nya at kasama nya nang bilhin ito. "Dude, di ba yun yung future wife mo?" tanong ng isa sa mga kaibigan ni Manuel. "Sino yung kasama nya?"Mayroong get together ang mga kasamahan nya sa basketball noong highschool kaya napadpad dito si Manuel. Pinili nila ang lugar dahil madalaas na sila kuamin dito noon pa man. Hindi naman nya akalain na narito si Alexis. "Hindi," pagsisinungaling ni Manuel sa kaibigan. "Never pupunta rito 'yon. Maarte 'yon sa pagkain, ayaw sa mga mura. Baka kamukha nya lang."Ganoon lang kasimple ang sinabi nya at para bang mga aso na agad naniwala ang mga kasama nya. Ganito maniwala ang mga kaibigan at mga tao sa paligid nya. Humarap si Manuel sa mga kasama nya. "Mauna na kayo. Ma
Read more

Chapter 9

Gabi na at tila ba nawala bigla ang antok na naramdaman ni Alexis dahil sa tanong ni Bruno. Mukhang kahit na anong tago ang ginawa nya kanina ay nahuli pa rin siya ni Manuel. Talagang wala syang kawala sa dating nobyo.“Nadamay ko pa tuloy si Alvin,” bulong nya sa kaniyang sarili. Hindi nya gustong madamay ito. Dahil bukod sa wala naman itong ginawang mali ay hindi naman ito kasali at walang alam sa relasyon nila noon.Umukit ang kuryosidad sa isipan ni Alexis nang muling dumapo ang hindi kapani paniwalang rebelasyon ni Alvin. Gusto nya tuloy malaman ang eksaktong edad ni Alvin. Gusto nya itong itanong kanina ngunit nahihiya sya.Hindi kasi halata sa edad nito na isa na syang ganap na dean. Bukod kasi sa mukha syang bata ay tila ba kakagraduate lamang nya ng kolehiyo. Kaya grabe na lang ang gulat nya nang malaman na dean na ito.Kinuha ni Alexis ang kaniyang laptop. Humiga sya sa kama at binuksan ito. Nagtungo sya agad sa website ng Philippines Polytechnic College. Hinanap nya ang p
Read more

Chapter 10

Nang ibaba ng daddy ni Alexis ang tawag ay agad syang inulan ng tanong ni Joy. Mababakasan mo sa kaniya ang pag-alala. Kinakabahan sya na baka kung ano na ang nangyari sa tawag. "Hinanap na ni tito si Manuel?" agad na tanong ni Joy. "Shet, kinakabahan ako!" Tumango si Joy bilang sagot. Hindi nya pa rin maiwasang kabahan kahit na nakapatay na ang tawag. Ito ang ayaw nyang pakiramdam sa lahat. Saan nya ngayon hahagilapin ang tapang para harapin si Manuel. Ayaw na nya itong makita. Kailangan nyang magmadali para makapunta sa bahay ng parents nya para sabihin na wala ito. Kasi kung mahuhuli sya ay baka tawagan pa ng daddy nya si Manuel at makita nya pa ito ng wala sa oras. "Kailangan ko ng pumunta ngayon sa bahay," ani Alexis kay Joy. "Baka mamaya pumunta pa si Manuel, uunahan ko na sila Mommy at Daddy." Agad namang tumango si Joy. "Mag-iingat ka, ah," sagot niya. "Magchat ka agad or message kung anong nangyari para masundo kita agad or mapuntahan." Kakarating lang ni Alexis sa baker
Read more
DMCA.com Protection Status