Share

Chapter 7

Author: smoothiee
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Napayuko sina Joy at Bruno nang sagutin na ni Alexis ang tawag. Ninang at ninong nilang dalawa ang parents ni Alexis at ganoon din si Alexis sa parents ng dalawa. 

Alam ni Bruno at Joy na ang mga magulang ni Alexis ay boto kay Manuel. Labis ang tuwa ng mga ito kay Manuel lalo na noong panahon na niligawan ni Manuel ang kanilang anak.

"Na sa bagong restaurant po ako ni Bruno, dad," sagot ni Alexis. “Kumakain po ng lunch.”

Tinawag na nila Joy at Bruno ang lahat ng santo at ipinagdasal na huwag banggitin ng mga magulang ni Alexis si Manuel.

"Really?" may halong lungkot na tanong ni Alexis. "Balak ko pa naman po sanang kumain dyan sa inyo mamaya, dad."

Mukhang hindi sumagi sa isip ng daddy ni Alexis na hanapin si Manuel. Tila ba nabunutan ng tinik ang dalawa at nakahinga ng maluwag.

"No need, dad," ani Alexis. 

Napanguso si Alexis nang babaan sya ng tawag ng daddy nya. Pero mabuti na lang at hindi nito binanggit si Manuel. Alam nya sa sarili na mahihirapan syang magpaliwanag sa mga 'to.

"Anong sabi ni tito?" agad na tanong ni Joy. "Hinanap ba si Manuel sayo?"

Napailing si Alexis. "Mabuti na nga lang at hindi," simpleng sagot nya. "Kinabahan din ako, akala ko katapusan ko na."

"Eh, bakit daw sya napatawag?" tanong naman ni Bruno. "Kinabahan din ako para sayo."

"May get together daw sila ng mga parents natin," sagot ni Alexis. "Kaya ayon, hindi muna ako makakapunta sa bahay nila para makakain. Pero nagsend sya sa bank ko para raw sa dinner ko. Hindi naman na ako nakatanggi. Mas ok na 'to kesa hanapin nya sa akin si Manuel."

Sumubo si Alexis ng steak at bumuntong hininga. Namiss na nya kasi ang dad at mom nya pero sa isip nya ay may next time pa naman.

"Gusto sana kitang samahan magdinner mamaya kaso may meeting ako that time para sa mga new actress sa company," ani Joy. “Ang daming bagong artist sa company namin.”

Si Joy ay isang manager ng isang entertainment company sa bansa. Humahawak sya ng mga artista at minamanage ang mga ito.

"Ako naman ay may meeting dinner sa investors ko rito sa new restaurant," ani Bruno. "Pero free na ako after dinner. Gusto mo ba magshopping? Pwede kitang samahan."

Gusto ni Joy at Bruno na gawin ang lahat para hindi sumagi sa isip ni Alexis si Manuel. Ayaw nilang mas malungkot ito dahil kita nila kung gaano kahirap ang sitwasyon nya ngayon. Kapatid na ang turingan nila sa isa’t-isa.

"Alrigt, may balak din akong bilhin para sa mga staff ko," pagsang-ayon ni Alexis. "Let's meet ng 9 or 10? Kagaya ng dati, if di kaya, next time na lang."

"Hoy, sama ako!" singit ni Joy. "Pipilitin kong maagang matapos."

"Para mapaaga rin yung resignation mo?" pang-aasar ni Bruno.

Natawa silang tatlo. Inubos na lamang nila ang pagkain at sumakay na sa kanilang mga sasakyan. Si Joy ay nagpunta sa company na pinagtatrabahuhan nya. Si Bruno naman ay bibili raw ng regalo sa investor habang maaga pa.

Samantalang si Joy ay hindi alam kung saan pupunta. Hanggang sa sumagi sa isipan nya ang park na malapit sa kinainan nila. Nagpunta sya sa isang park para magpahangin at mag-isip.

Nang makarating sa malawak na park ay agad nyang nalanghap ang nakakarelax na hangin. Malamig din ang simoy ng hangin kahit na litaw pa ang araw sa langit. Hindi nya akalain na kaya nya pa lang mabuhay nang wala si Manuel. Na kaya nya pa lang palipasin ang isang oras ng wala ang presensya nito.

Sumakay sya sa isang duyan. Doon nya piniling pumwesto at tumingin sa langit. 

Kinaya nya. Kaya nya pala. Matagal na panahon din kasi syang nanlilimos sa atensyon ni Manuel. Lagi kasi syang busy. Sa loob ng isang taon na relasyon ay bilang lamang sa kamay ang naging date nilang dalawa. Lagi syang nanlilimos ng oras at mukhang napagod na lang sya at natauhan nang sampalin sya ng katotohanan.

Buhay pa ang araw, papalubog pa lang ito. Ilang oras din nag-isip si Alexis hanggang sa mapagdesisyunan na umuwi. Napadaan sya sa isang sikat na university sa Circle City, ang Philippine Polytechnic University. 

Nagpark sya saglit nang makita ang mga estudyanteng nagtatawanan. Ganyan sila noong college, noong mga panahon na hindi pa naiinlove si Manuel sa ex nya.

Binaba ni Alexis ang window ng car at pinagmasdan ang mga ito habang inaalala ang mga masasayang panahon na 'yon.

Papasok ng masaya at uuwi ng masaya. Ganoon sila noon hanggang sa lumayo ang loob ni Manuel dahil nainlove sa ex nya.

Habang nag-immagine ay nagulat si Alexis nang may isang lalaki ang nakatayo sa gilid nya, nakaharang kung saan sya nakatingin. Nakasuot ito ng polong puti at itim na trousers. 

"Pinuntahan mo ba ako, Alexis?" 

Agad na tinignan ni Alexis ang nagsalita at nagulat nang makita si Alvin na nakangisi.

"Oh, Alvin," gulat na sagot nya. "Napadaan lang ako."

Nahiya bigla si Alexis at agad na nag-iwas ng tingin. Tinignan nya ang relo at oras na pala ng dinner. 

"Good bye, dean!" sigaw ng ilang mga estudyante na palabas na at naglalakad sa kabilang kalsada.

Nagtatakang tumingin si Alexis sa mga ito at hindi nya alam ang dahilan kung bakit nakatingin ang mga estudyante sa pwesto nya.

"Good bye! Mag-iingat sa pag-uwi," sagot ni Alvin sa mga estudyante na ikinagulat ni Alexis. "Mag-aral ng mabuti."

Muling nagtagpo ang mata nilang dalawa.

Kunot noong nagtanong si Alexis sa kaniya. "Dean ka?" 

Tumango si Alvin. "Last week lang," sagot nya. Tinignan ni Alvin ang relo at agad din na humarap kay Alexis. "Nagdinner ka na?" 

Umiling si Alexis. "Hindi pa," sagot nya. "Kakain pa lang sana ako nang mapadaan ako rito."

Napakamot si Alvin sa kaniyang batok. "Gusto mo bang sumabay na sa akin sa dinner?"

Bigla naman nahiya si Alexis sa tanong 'yon. "Pwede naman." 

"Ok, then," simpleng sagot ni Alvin habang natawa ng mahina. "Punta lang ako ng parking and then wait mo ako rito. Five minutes.”

Nang makaalis si Alvin ay naramdaman ni Alexis na may mga nakatingin sa kaniya. At nang lingunin nya kung sino ang mga ito ay halos gusto nyang magpalamon sa lupa.

Halos lahat ng estudyante ay nakatingin sa direksyon nya na tila ba mga kinikilig. 

Napangiti na lamang sya bago iangat ang window. Hinintay nya ang pagdating ni Alvin. Nang makita ang isang itim na BMW 5 series na dumaan ay agad nyang nakita si Alvin na kumaway. Sumenyas pa ito sa kaniya na tila ba sinasabing sumunod sya.

——————————

Huminto sila sa isang paresan. Isang sikat na paresan hindi kalayuan sa bahay ni Alexis. Nakahilera ang paresan na ito sa mga naglalakihan at kilalang restaurants. Nang makapagpark sila ay sabay silang bumaba.

"Kumakain ka ba ng pares?" tanong ni Alvin. "Masarap yung pares nila dito."

Tumango si Alexis bilang sagot.. "Oo naman. Hindi naman ako maarte sa pagkain."

Parang na sa date silang dalawa. Suot ang red na dress ay agaw pansin si Alexis. Maganda sya, hindi na nya kailangan ng makakapal na make-up katulad ng mga babaeng na sa paligid nila ngayon.

Umupo sila sa loob ng paresan. Sakto lamang ang lamig sa loob at sa bandang dulo sila umupo. Matapos um-order ay napahikab si Alexis.

"Inaantok ka na?" tanong ni Alvin sa kaniya. "Pwede natin i-take out habang wala pa."

"Napahikab lang!" natatawang sagot ni Alexis. 

Muli silang binalot ng katahimikan. Hanggang sa sumagi sa isip ni Alexis ang nangyari kanina.

"Dean ka pala," panimula nya. "Akala ko teacher ka lang! Big time ka pala, e!"

Natawa naman si Alvin. "Noong nakaraan lang."

"Nga pala, thank you kagabi." 

"Wala 'yon. Ikaw tong laging nanlilibre."

Naubos ang oras at hindi nila namalayan na ubos na ang kinakain nila. Alas otso na ng gabi at hindi na rin natuloy ang shopping nila Alexis, Joy, at Bruno.

Sa paglabas nila ng paresan ay halos magulat si Alexis nang makita si Manuel sa hindi kalayuan. Agad nyang hinatak ang matangkad na si Alvin at nagtago sa likuran nito. 

Ayaw nyang makita si Manuel dahil alam nyang guguluhin sya nitong muli. Ayaw nyang makita ang lalaki at ayaw nya itong makausap. Nasasaktan pa rin sya.

"Bilisan natin," ani Alexis at hinatak si Alvin papunta sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan nilang dalawa.

Kaugnay na kabanata

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 8

    Kitang kita ng dalawang mata ni Manuel kung paano mag-usap si Alexis at si Alvin sa parking space. Nagtataka nya itong tinignan at sigurado syang si Alexis ang babaeng nakikipag-usap. Pamilyar din sa kaniya ang sasakyan na nakaparada. Ito ang unang regalong natanggap ni Alexis sa daddy nya at kasama nya nang bilhin ito. "Dude, di ba yun yung future wife mo?" tanong ng isa sa mga kaibigan ni Manuel. "Sino yung kasama nya?"Mayroong get together ang mga kasamahan nya sa basketball noong highschool kaya napadpad dito si Manuel. Pinili nila ang lugar dahil madalaas na sila kuamin dito noon pa man. Hindi naman nya akalain na narito si Alexis. "Hindi," pagsisinungaling ni Manuel sa kaibigan. "Never pupunta rito 'yon. Maarte 'yon sa pagkain, ayaw sa mga mura. Baka kamukha nya lang."Ganoon lang kasimple ang sinabi nya at para bang mga aso na agad naniwala ang mga kasama nya. Ganito maniwala ang mga kaibigan at mga tao sa paligid nya. Humarap si Manuel sa mga kasama nya. "Mauna na kayo. Ma

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 9

    Gabi na at tila ba nawala bigla ang antok na naramdaman ni Alexis dahil sa tanong ni Bruno. Mukhang kahit na anong tago ang ginawa nya kanina ay nahuli pa rin siya ni Manuel. Talagang wala syang kawala sa dating nobyo.“Nadamay ko pa tuloy si Alvin,” bulong nya sa kaniyang sarili. Hindi nya gustong madamay ito. Dahil bukod sa wala naman itong ginawang mali ay hindi naman ito kasali at walang alam sa relasyon nila noon.Umukit ang kuryosidad sa isipan ni Alexis nang muling dumapo ang hindi kapani paniwalang rebelasyon ni Alvin. Gusto nya tuloy malaman ang eksaktong edad ni Alvin. Gusto nya itong itanong kanina ngunit nahihiya sya.Hindi kasi halata sa edad nito na isa na syang ganap na dean. Bukod kasi sa mukha syang bata ay tila ba kakagraduate lamang nya ng kolehiyo. Kaya grabe na lang ang gulat nya nang malaman na dean na ito.Kinuha ni Alexis ang kaniyang laptop. Humiga sya sa kama at binuksan ito. Nagtungo sya agad sa website ng Philippines Polytechnic College. Hinanap nya ang p

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 10

    Nang ibaba ng daddy ni Alexis ang tawag ay agad syang inulan ng tanong ni Joy. Mababakasan mo sa kaniya ang pag-alala. Kinakabahan sya na baka kung ano na ang nangyari sa tawag. "Hinanap na ni tito si Manuel?" agad na tanong ni Joy. "Shet, kinakabahan ako!" Tumango si Joy bilang sagot. Hindi nya pa rin maiwasang kabahan kahit na nakapatay na ang tawag. Ito ang ayaw nyang pakiramdam sa lahat. Saan nya ngayon hahagilapin ang tapang para harapin si Manuel. Ayaw na nya itong makita. Kailangan nyang magmadali para makapunta sa bahay ng parents nya para sabihin na wala ito. Kasi kung mahuhuli sya ay baka tawagan pa ng daddy nya si Manuel at makita nya pa ito ng wala sa oras. "Kailangan ko ng pumunta ngayon sa bahay," ani Alexis kay Joy. "Baka mamaya pumunta pa si Manuel, uunahan ko na sila Mommy at Daddy." Agad namang tumango si Joy. "Mag-iingat ka, ah," sagot niya. "Magchat ka agad or message kung anong nangyari para masundo kita agad or mapuntahan." Kakarating lang ni Alexis sa baker

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 11

    “Hindi ko akalain na sasaktan nya ang anak natin,” malungkot na saad ng mommy ni Alexis habang pumapatak ang luha sa mata. “Ni hindi ko nasaktan si Alexis mula noong bata sya, anong karapatan nyang saktan ang anak ko?”Pinakalma ng daddy ni Alexis ang asawa nya. Kahit na sya ay nanggagalaiti rin sa galit ngunit mas kailangan nyang kumalma para sa asawa at sa anak. Mahal nila si Alexis at hindi sila papayag na saktan ng kahit na sino ang anak nila.“Hindi siguro sinabi sa atin ni Alexis dahil ayaw nya tayong mag-alala,” ani daddy Alexis. “Hayaan mo tatanungin ko si Alexis at kakausapin ko muna si Joy na samahan si Alexis.”Kinuha nya ang cellphone sa sala at agad na tinawagan ang kaibigan ng kaniyang anak. Nang sumagot ito ay agad nya itong tinanong.“Joy, pwede ka bang makausap ngayon?” Hindi na nagtaka si Joy sa kabilang linya nang makatanggap ng tawag mula sa daddy ni Alexis. Inaasahan na nya ito lalo na at ngayon sinabi ni Alexis ang mga nangyari noong mga nakaraang araw. Mukhang

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 12

    Sabay na pumasok ang dalawa sa loob ng bahay ni Alexis. Mabuti na lamang at nakapaglinis ng bahay si Alexis at hindi makalat ang loob.“Nandoon ang kusina,” turo ni Alexis. “May mga karne at gulay sa fridge. Ikaw na bahala kung anong lulutuin.” Tumango si Alvin bilang sagot. Nilibot lamang nya ng ilang minuto ang paningin sa kabuuan ng kusina at nang muling tumingin kay Alexis ay nakahiga na ito sa sofa at mukhang natutulog na.Napangiti na lamang sya at napailing. Mukhang napagod ito kakaiyak.Tumunog ang cellphone ni Alvin sa kaniyang bulsa. Kinuha nya iyon at sinagot. Nagtungo sya sa kusina.Isang boses ng lalaki ang agad na bumungad sa kaniya. “Alvin Dela Cruz, na saan ka? Sabi mo maglulunch tayo ngayon? San ka na naman nagpunta? Tara—.”Hindi na natapos pa ng lalaki ang sasabihin dahil pinutol na sya ni Alvin. “May gagawin pa ako. Kumain ka na muna mag-isa. Nakapark yung sasakyan ko sa campus. Gamitin mo muna, after lunch pick me up.”“Palautos ka na—.”Hindi na naman nuling pin

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 13

    Nagtatakang tinignan ni Alexis ang dalawang kaibigan. Kung makatingin kasi ito sa kaniya ay para bang may krimen syang nagawa o batas na nalabag. “Sinong kasabay mong kumain?” muling tanong nila sa kaniya.“Nang umalis ako sa bahay nila mommy, nakasalubong ako ni Alvin. Hinatid nya ako tapos pinagluto ako. Iyon lang.”Simple lamang ang sagot ni Alexis pero ang kunot na noo ng kaniyang dalawang kaibigan ay hindi na nawala. Nagtataka sila at inulan nila ng tanong si Alexis.“Sino si Alvin?” pangunguna ni Bruno.“Bakit ka nya hinatid?”“At bakit ipinagluto ka pa nya?”Nakangusong tumingin si Alexis kay Joy. “Sya yung nagsauli ng susi. Yung kinuwento ko sayo last time sa shop.”Napatango si Joy nang maalala ang kinuwento sa kaniya ni Alexis sa shop. Hinawakan nya ang kaniyang baba at tila nag-isip nang maitatanong sa kaniyang kaibigan. Naglakad sya ng kaunti at muling humarap kay Alexis.“Nanliligaw ba sya sayo?” diretso nyang tanong na ikinagulat ni Alexis. “Oo o hindi lang ang sagot.”

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 14

    Hindi makatulog si Alvin kahit na anong pikit ang gawin nya. Nagawa na nya ang lahat ng pwesto sa kaniyang malambot na kama ngunit hindi pa rin sya dinadalaw ng antok. Uminom na rin sya ng gatas ngunit wala pa rin epekto sa kaniya.Hindi mawala sa isip nya ang nangyari ngayong araw. Hindi nya tuloy maiwasang maalala ang mga pagtatagpo nilang dalawa ni Alexis.Pumunta sya sa office ng kaibigan noon, nabangga sya ni Alexis at nahulog nito ang susi. Doon nya ito unang nakita na umiiyak. Hinintay nya ito doon at hindi sya nagkamali nang bumalik ito. Maga pa ang mata at halatang galing sa pag-iyak. Hindi pa doon natapos ang pagtatagpo nila. Nakita nya ito sa bakery shop na nakita lang nya nitong mga nakaraang araw. Hindi nya akalain na si Alexis ang may-ari ng shop na 'yon. Hindi lang isa, kung hindi tatlong beses nyang nakita si Alexis na umiiyak. Natawa tuloy sya nang mahina. "Paano pala kung pumayag ako sa sinabi nya kanina?" bulong nya sa sarili. Tinutukoy niya ay yung pagtatanong

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 15

    Nang pumasok sila Alexis at Alvin sa loob ay agad na nagpunta si Alexis sa kwarto nya para bigyan si Alvin ng tuwalya.“Maligo ka na muna,” sabi niya. “Hahanapan kita ng damit. Sana may mahanap ako kaagad.”Nang makuha ang tuwalya ay nagtungo na si Alvin sa banyo para maligo. Si Alexis naman ay nagtungo sa kwarto nya para humanap ng damit na maisusuot ni Alvin.Nagdadalawang isip pa sya ng makita ang dalawang pares ng pajama na binili nya para kay Manuel. Ireregalo sana nya ito ngunit nangyari na ang dapat mangyari. Ang problema na lang ngayon ni Alexis ay ang underwear na susuotin ni Alvin. Lumabas sya ng kwarto bitbit ang pajama na ipapasuot nya kay Alvin bilang pamalit.“Alvin?” tawag nya. “May dryer dyan, patuyuin mo na kaagad yung tshirt and jogging pants mo. Sorry wala akong makitang underwear para sayo.”Nahiya pa ng kaunti si Alexis matapos sabihin iyon. “Thank you, ok lang. Hindi naman nabasa yung underwear ko. Sinalang ko na rin sa dryer yung tshirt and pants.”Napayakap sa

Pinakabagong kabanata

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 53

    Halos hindi pa sumisikat ang araw sa masayang bahay ni Alexis ay tila ba naghagis na ng malambot na ginintuang kulay ang kalsadang na sa harapan ng bahay. Sa loob ng kanyang bahay, ang mainit na amoy ng mga bagong lutong itlog at fried rice ay pumupuno sa hangin, na humahalo sa tunog ng mga kanta sa loob ng bahay nila. Usual na ganap tuwing linggo sa isang tahanan.Si Alexis ay maingat na nag-aayos ng plato at baso nang tumunog ang kanyang telepono sa countertop, na humiwalay sa kanyang atensyon. Nagtataka ay kinuha niya ito at sinipat ang screen. Ito ay isang text mula sa kanyang assistant na si Jasmine.“Boss, good morning po. Na sa shop na po kami ni Berna. Nakatanggap po kami ng notice mula sa pulis tungkol sa illegal parking daw po natin. Nagbabanta silang hahatakin ang delivery truck kung hindi ito magalaw sa lalong madaling panahon. Pwede ka bang pumunta sa shop, boss?”Agad na napakunot ang noo nya nag mabasa ang text message. Nadurog ang puso niya. Nakaparada ang delivery tru

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 52

    Paggising ni Alexis ay wala na sa kaniyang tabi si Alvin. Kinapa nya ang gilid nya at wala nga talagang tao roon. Hapon na sya nagising dahil na rin siguro sa pananakit ng kaniyang katawan.Ang ngiti ay sumilay sa kaniyang labi nang maalala nya ang mga nanyari kahapon. Nabigay na nya ng tuluyan kay Alvin ang kaniyang pagkababae. Hindi nga nya mabilang kung nakailan sila kagabi. Basta ang alam nya ay masakit ang maselan nyang parte.Nakatanggap sya ng text kay Alvin. Agad syang umupo at napadaing pa nang maramdaman ang hapdi sa kaniyang pang-ibaba.Hindi nya akalain na may ganoong tinatago si Alvin. Isang halimaw sa kama! Nabigla sya, iyon ang totoo. Hindi nya tuloy maiwasan na mapaisip kung may mga karanasan na ba ito noon.“Naghanda na ako ng pagkain for you, take a rest! Uuwi rin ako agad,” pagbabasa ni Alexis sa text message ni Alvin sa kaniya.Napatayo na sya at nagbanlaw na. Although mukhang nalinisan naman na sya ni Alvin ay gusto pa rin kasi nya na magbabad sa tubig.Sarado nam

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 51

    Nagsisimula nang lumubog ang araw, na naglalagay ng mainit na ginintuang kulay sa lungsod habang nagmamaneho si Alvin sa mataong mga lansangan. Nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang nakababatang kapatid na si Almario, noong araw na iyon, na humihiling sya sa kanyang kapatid na maging CEO na ng tuluyan at ngayon ay pinapapunta sya sa opisina para sa isang mahalagang usapan. Magkahalong kuryusidad at pangamba ang nadama ni Almario noong araw na tinawagan sya ni Alvin; Si Alvin ay hindi basta-basta gumawa ng gayong mga kahilingan. Limang taon kasing iniwasan ni Alvin ang pagiging CEO kaya nagtataka sya na bigla itong tumawag para doon.Agad na ipinarada niya ang kanyang sasakyan at naglakad patungo sa makintab na gusaling gawa sa salamin, ito ang infinity corporation na sikat na sikat when it comes to construction materials, bumaha sa kanyang isipan ang mga alaala noong mga panahon nya sa kaniyang kolehiyo.. Siya ay gumugol ng hindi mabilang na oras dito, nagtatrabaho hanggang g

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 50

    Tila naging blessings in disguise pa ang nangyari kay Alexis ngayon. Hindi lang naging doble ang kinita nya ngayong araw. Talagang pumaldo ang shop nya ngayon dahil sa tulong ng sikat na artista na si Blessy. “Thank you for today, Blessy,” ani Alexis sa kaniya at bahagyang yumuko para magpasalamat. “Kung hindi dahil sa tulong mo ay baka magsara kami after two months.”“Hala, nako,” agad na reaction ni Blessy nang yukuan sya ni Alexis. “Hindi nyo na po kailangan yumuko, ma’am. It’s my pleasure to help you po.”Nahiya naman si Blessy sa ginawa ngayon ni Alexis. Hindi nya akalain na napaka down to Earth ng asawa ng isa sa mga big boss ng Infinity Corp. Ang tagal din na nawala ni Alvin sa industry kaya laking gulat nya na lamang na makita ito rito sa isang bakery shop. Napaayos sya ng upo nya nang marinig nya ang boses ni Alvin.“Thanks for today,” nakangiting bati nito sa kaniya. “Good luck to your upcoming movie.”Napalunok si Blessy. Hindi nya talaga makakalimutan ang araw na ito. Isa

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 49

    “Wag ka ng malungkot.”Umupo si Alvin malapit na upuan kung saan nakaupo si Alexis. Hinagod nito ang likuran nya para pakalmahin. Kitang kita kasi nya kung gaano kalungkot ngayon si Alexis. Ito na marahil ang unang beses na naging malungkot ito ngayong nagkasama sila.“Hindi ko mapigilan,” sagot ni Alexis at huminga ng malalim. “Siguro mali ko rin kasi di ko napaghandaan yung mga ganitong sitwasyon. Masyado akong naging kampante.”Tumayo si Alvin at niyakap si Alexis. “Ok lang ‘yan, I’m here,” sagot nya. “Masyado pang maaga. Isang oras pa lang simula nang magbukas tayo.”Sa pagkakataon na ito ay tila ba nabuhayan ang puso ni Alexis dahil sa mga sinabi ni Alvin. Huminga sya ng malalim bago tumayo. Niyakap nya si Alvin at nagpasalamat.Humarap sya sa mga staff. “Come on, let’s do our best today. I’ll try to put sales to our product—““No,” agad na pagpipigil ni Alvin. Ngumiti sya sa mga staff. “Damihan nyo na lang ang eggpie and red velvet nyo today. Papunta na ang bisita natin, nandito

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 48

    Gulat at inis ang naramdaman ni Alexis matapos nyang marinig ang mga sinabi sa kaniya ni Jasmine. Ang kaniyang noo ay kumunot at napauwang pa ang kaniyang labi.Hindi sya pwedeng magkamali. Kaya naman nagtanong sya ulit.“W -what?” gulat nyang tanong. “Sino kamo?”“Si Sir Manuel po.”Doon ay napatay ni Alexis ang kaniyang phone. Dali dali syang pumasok sa banyo para maligo. Naiwang tulala si Alvin sa kaniya at walang kaalam alam sa mga nangyayari. Minuto pa ang binilang nya bago tuluyang makalabas ng banyo si Alexis. Nagmamadali itong pumasok sa kwarto nya pero nang akmang lalabas ito ay pinigilan sya ni Alvin nang hawakan ang kaniyang balikat.“Hey, what’s wrong, wifey?” takang tanong ni Alvin sa kaniya. “Bakit nagmamadali ka? Hindi ka mapakali.”Doon ay para bang natauhan si Alexis. Napapikit sya ng ilang ulit at para bang nagising ang kaniyang diwa. Napalunok sya at nag-iwas ng tingin.“M -may problema lang sa shop,” nahihiya nyang sagot. “Kailangan ko lang makapunta sa shop as soon

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 47

    Ang kaba sa dibdib ni Alexis ang syang nagpagising sa kaniya. Wala pa sya sa ulirat pero tila sya natauhan agad. Tila sya binuhusan ng malamig na tubig dahil sa mga narinig.“Palabas na ako!” agad na sagot nya kay Joy sa kabilang linya.Pinatay nya kaagad ang tawag. Tumayo sya ng kama ngunit agad rin na napaupo nang maramdaman ang kirot sa maselan nyang parte.“Fuck,” daing nya at napakagat sa kaniyang labi.Ni hindi nya akalin na aabot sa ganito ang pag-ibig nya para kay Alvin. Napangiti sya nang maalala ang tapang na ginawa nya kahapon. Malulunod na sana ang isipan sa mga masasayang nangyari kahapon nang maalala ang importanteng nangyayari ngayon.Pinilit nyang tumayo at tiniis ang hapdi na nararamdaman. Nagbihis sya agad at nagtungo sa labas ng bahay. Malapit lang ang gate ng subdivision sa bahay nila kaya tanaw nya kaagad ang sasakyan at ang lalaking naroon na tila ba may hinihintay. Napairap sya nang matanaw ang lalaki, si Manuel.“Bakit ba nandito ka na naman?” agad na bungad n

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 46

    Maagang nagising si Alvin, maganda ang naging pagtulog nya ngayon kasing ganda ng panahon sa labas. Sabado ngayon, pareho sila ni Alexis na walang pasok. Nag-unat sya at nasagi ng bahagya ang natutulog na si Alexis sa kaniyang tabi. Nilingon nya ito at napangiti. Niyakap nya si Alexis ng mahigpit at dinampian ng malambot na halik.“Good morning, wifey,” bulong nya rito.Tumagal pa roon si Alvin na para bang si Alexis ang naging pahinga nya. Matapos ng ilang minuto ay tumayo na rin sya sa kama para pumunta sa kusina at magluto. Sobrang gaan ng pakiramdam nya ngayon at hindi maalis ang ngiti sa kaniyang labi sa tuwing maaalala ang mga nangyari kahapon. Mula sa pag-amin ni Alexis sa gym hanggang sa magsama ang katawan nila sa iisang kama. Pagkabukas nya ng ref ay wala ng masyadong laman. Paubos na ang mga gulay at iilan na lang din ang mga natitirang karne at manok.Naalala nya na mayroong malapit na tindahan sa labas ng subdivision nila Alexis. Kaya naman nagpalit muna sya saglit ng s

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 45

    “Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya, wifey,” ani Alvin at niyakap ng mahigpit si Alexis. “I love you.” Ngayon ay na sa parking lot na sila. Kanina ay halos maestatwa si Alexis sa mga nasabi nya pero wala syang pakialam ngayon. Ang importante ay nasabi nya ang gusto nyang sabihin. Natatakot kasi sya na baka mawala si Alvin sa piling nya. Lately lang nya ito napagtanto nang dumating sa eksena si Shekinah. Pauwi na sila ngayon at kakatapos lamang ng seminar na ginawa sa gym. May ngiti sa labi ang dalawa na kanina pa hindi nawawala matapos ng eksenang ginawa ni Alexis. Sa wakas, ito na ang panahon na masasabi ni Alvin na may pag-asa na nga sya kay Alexis. Matapos ang ilang minutong byahe ay huminto ang sasakyan at ipinarada ito ni Alvin sa parking space. Tinitigan nya ang mga malambot na mga mata ni Alexis na para bang nahihiya sa kaniyang ginawa kanina. “We’re engaged now,” dagdag ni Alvin at binigyan nya ng mabilis na halik sa labi si Alexis. “I’m so happy, really really happy!

DMCA.com Protection Status