Share

Chapter 11

Author: smoothiee
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

“Hindi ko akalain na sasaktan nya ang anak natin,” malungkot na saad ng mommy ni Alexis habang pumapatak ang luha sa mata. “Ni hindi ko nasaktan si Alexis mula noong bata sya, anong karapatan nyang saktan ang anak ko?”

Pinakalma ng daddy ni Alexis ang asawa nya. Kahit na sya ay nanggagalaiti rin sa galit ngunit mas kailangan nyang kumalma para sa asawa at sa anak. Mahal nila si Alexis at hindi sila papayag na saktan ng kahit na sino ang anak nila.

“Hindi siguro sinabi sa atin ni Alexis dahil ayaw nya tayong mag-alala,” ani daddy Alexis. “Hayaan mo tatanungin ko si Alexis at kakausapin ko muna si Joy na samahan si Alexis.”

Kinuha nya ang cellphone sa sala at agad na tinawagan ang kaibigan ng kaniyang anak. Nang sumagot ito ay agad nya itong tinanong.

“Joy, pwede ka bang makausap ngayon?” 

Hindi na nagtaka si Joy sa kabilang linya nang makatanggap ng tawag mula sa daddy ni Alexis. Inaasahan na nya ito lalo na at ngayon sinabi ni Alexis ang mga nangyari noong mga nakaraang araw. Mukhang alam na nila ang nangyari at kailangan nilang itanong sa kaniya ang ibang detalye.

“Yes po, tito,” sagot nya. “Pwede naman po. Tapos naman na po ang mga meeting ko.”

“Alam mo ba ang nangyari kila Alexis at Manuel?” hindi siguradong tanong ng daddy ni Alexis. “Kailan nangyari ito?”

Napansin kasi ng daddy ni Alexis noong dinner last time na natawa bahagya ang mga magulang ni Joy nang dumapo ang usapan kung gaano kabait si Manuel. Tandang tanda nya iyon kaya sigurado syang may alam si Joy sa nangyari. Lalo pa at kaibigan nya ang anak.

Inalala ni Joy ang mga nangyari bago sumagot. “Ilang araw na rin po ang nakalipas. After ng break up nila, tatlong araw din syang hindi nagparamdam sa amin ni Bruno. Hindi nya sinasagot yung mga tawag and text namin sa kaniya. Ayon po yung time na tinawagan ko kayo. Pero wag po kayong mag-alala. Ok naman na po sya nitong mga nakaraang araw. Hindi na sya miserable katulad noong mga nakaraang araw na nakita ko sya.“

Matapos nyang sabihin iyon nakarinig sya ng mga hikbi sa kabilang linya. Mukhang mommy iyon ni Alexis. 

Napailing na lamang si Alexis. “Wag na po kayo mag-alala. Pupuntahan ko po ngayon si Alexis.”

“Marami ng salamat, Joy.”

Matapos patayin ang tawag ay hindi maiwasang magulat ng daddy ni Alexis nang kunin ng asawa nya ang crllphone nya. Hindi na nya ito napigilan nang tawagan nito ang daddy ni Manuel.

Nang sumagot ang na sa kabilang linya ay agad na diniretso ng mommy ni Alexis ang daddy ni Manuel.

“Paano nyo pinalaki ang anak nyo? Anong karapatan nyang saktan ang anak ko para lang sa isang vase na niregalo sa kaniya ng ex nya? Hindi lang sampal ang nakuha ng anak namin! May pasa pa!”

Halos hindi makagalaw sa gulat ang daddy ni Manuel. Hindi nya maiproseso ang sinabi ng mommy ni Alexis sa kaniya. Hindi nya ito lubusang inaasahan.

“Anong sinasabi mo?” nagtataka nyang tanong. “Hindi magagawa ng anak namin na saktan si Alexis. Mabait ang anak ko. Prinsesa ang turing nya sa anak nyo.”

“Bakit hindi mo tanungin ang mabait mong anak?” matapos sabihin iyon ay agad nyang pinatay ang tawag. “Mga walang hiya!”

——————————————

Paglabas ng bahay ay agad na nagtungo si Alexis sa kaniyang sasakyan. Habang patuloy na bumabagsak ang luha sa mata ay pinaandar nya ang kaniyang sasakyan. Malabo na ang paningin nya, marahil dahil sa luha na patuloy lamang sa pagpatak.

Sakit at disappointment ay tuluyang naghalo sa kaniyang puso. Not being understood ay syang unang pumasok sa kaniyang isipan. Hindi man lang sya natanong kung ok lang ba sya. Muling bumalik sa ala-ala nya ang sakit noong araw na nasampal sya ni Manuel.

Nanginginig ang kaniyang kamay habang hawak ang manibela. Nakarinig na sya ng mga busina mula sa ibang sasakyan kaya wala syang choice at huminto sya sa tapat ng Philippines Polytechnic College. Doon ay umiyak sya at nilagay ang ulo sa manibela. 

Hindi nya namalayan ang oras, hanggang sa makarinig sya ng katok mula sa bintana ng kaniyang sasakyan. Nag-angat sya ng tingin at isang pamilyar na mukha ang agad nyang nasilayan.

Si Alvin.

Binuksan nya ang pintuan ng sasakyan at agad na sinalubong ng yakap si Alvin. Humikbi sya at doon nilabas ang sama ng loob.

Nabigla ng kaunti si Alvin sa nangyari. Mas lalo syang nagulat dahil humihikbi si Alexis. Ito na yata ang ikatlong beses nyang makita si Alexis na umiiyak. Tila ba isang manipis na salamin si Alexis na kahit anong oras ay mababasag.

Umiyak at patuloy na humihikbi si Alexis. Ang mga estudyanteng dumadaan at nakikita sila ay hindi pinansin ni Alvin. Hinayaan nya ang mga ito at hinamas ang likuran ni Alexis para patahanin.

Ilang segundo pa ay narinig ni Alvin ang mahinang boses ni Alexis. Tinignan sya nito sa mata.

“Marry me, Alvin.”

Nang yakapin kanina ni Alexis si Alvin ay nagulat na ito at tila ba mas lalo syang nagulat nang marinig ang tanong na iyon ni Alexis. Hindi sya handa at hindi nya inaasahan.

Ilang minuto rin syang natigil bago bumalik sa wisyo. Namumula na ang mata ni Alexis sa kakaiyak. Kusang umangat ang kamay ni Alvin para punasan ang basa nyang pisngi.

“Hindi mo pwedeng gawin ‘to,” malumanay nyang sagot. “Hindi mo pwedeng pakasalan ang taong nakilala at nakasama mo lang ng ilang beses.”

Sa sagot na iyon ni Alvin ay para bang natauhan si Alexis sa mga nangyayari. Napalunok ito at nag-iwas ng tingin. 

“S -sorry,” sagot nya. Isasarado na sana nya ang sasakyan para magmaneho ngunit hinarang ni Alvin ang kaniyang kamay.

Huminga sya ng malalim. “Hindi ka pwedeng magdrive sa kalagayan mo,” saad nito. “Umurong ka don. Ako na ang magmamaneho, ihahatid kita sa bahay mo.”

Hindi sumagot si Alexis. Pero ang kaniyang katawan ay gumalaw at umusog papunta sa driver’s seat. Matapos non ay sumakay si Alvin at pinaandar ang sasakyan.

Tinuro ni Alexis ang daan at sya namang nilagay ni Alvin sa kaniyang phone para hindi sila maligaw.

Matapos ng ilang minutong katahimikan ay binasag iyon ng kwento ni Alexis.

“Gusto ng mga parents ko si Manuel. Nang malaman nilang hiwalay na kami ay tinanong agad ako ni mommy kung anong ginawa ko. Akala nya ay may ginawa akong mali. Wala naman akong ginawang mali, nabasag ko lang naman yung vase na niregalo ng ex nya at nasampal nya ako matapos non,” mahabang litanya nya habang humihikbi. “Nagsorry naman ako pero sinaktan nya pa rin ako.”

Pinakinggan ni Alvin ang bawat salitang lumabas sa bibig ni Alexis. Nagulat sya, oo. Hindi nya akalain na may taong sasaktan ang mga nobya nila. Pero mas kinagulat nya ay dahil sa nabasag lamang na vase.

Nang makarating sa subdivision ay tinuro ni Alexis ang kaniyang bahay. Pinark ni Alvin ang sasakyan sa harap non at bumaba silang dalawa.

Ito ang unang beses ni Alvin na mapunta sa bahay ng isang babae na mag-isa. 

“T -thank you, Alvin,” nahihiyang sabi ni Alexis. 

Sasagot na sana si Alvin nang marinig nya ang pagkulo ng tiyan ni Alexis. Natawa sya ng mahina at tinignan si Alexis sa mata.

“Hindi ka pa yata kumakain,” sambit nya. “Gusto mo bang ipagluto muna kita?”

Related chapters

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 12

    Sabay na pumasok ang dalawa sa loob ng bahay ni Alexis. Mabuti na lamang at nakapaglinis ng bahay si Alexis at hindi makalat ang loob.“Nandoon ang kusina,” turo ni Alexis. “May mga karne at gulay sa fridge. Ikaw na bahala kung anong lulutuin.” Tumango si Alvin bilang sagot. Nilibot lamang nya ng ilang minuto ang paningin sa kabuuan ng kusina at nang muling tumingin kay Alexis ay nakahiga na ito sa sofa at mukhang natutulog na.Napangiti na lamang sya at napailing. Mukhang napagod ito kakaiyak.Tumunog ang cellphone ni Alvin sa kaniyang bulsa. Kinuha nya iyon at sinagot. Nagtungo sya sa kusina.Isang boses ng lalaki ang agad na bumungad sa kaniya. “Alvin Dela Cruz, na saan ka? Sabi mo maglulunch tayo ngayon? San ka na naman nagpunta? Tara—.”Hindi na natapos pa ng lalaki ang sasabihin dahil pinutol na sya ni Alvin. “May gagawin pa ako. Kumain ka na muna mag-isa. Nakapark yung sasakyan ko sa campus. Gamitin mo muna, after lunch pick me up.”“Palautos ka na—.”Hindi na naman nuling pin

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 13

    Nagtatakang tinignan ni Alexis ang dalawang kaibigan. Kung makatingin kasi ito sa kaniya ay para bang may krimen syang nagawa o batas na nalabag. “Sinong kasabay mong kumain?” muling tanong nila sa kaniya.“Nang umalis ako sa bahay nila mommy, nakasalubong ako ni Alvin. Hinatid nya ako tapos pinagluto ako. Iyon lang.”Simple lamang ang sagot ni Alexis pero ang kunot na noo ng kaniyang dalawang kaibigan ay hindi na nawala. Nagtataka sila at inulan nila ng tanong si Alexis.“Sino si Alvin?” pangunguna ni Bruno.“Bakit ka nya hinatid?”“At bakit ipinagluto ka pa nya?”Nakangusong tumingin si Alexis kay Joy. “Sya yung nagsauli ng susi. Yung kinuwento ko sayo last time sa shop.”Napatango si Joy nang maalala ang kinuwento sa kaniya ni Alexis sa shop. Hinawakan nya ang kaniyang baba at tila nag-isip nang maitatanong sa kaniyang kaibigan. Naglakad sya ng kaunti at muling humarap kay Alexis.“Nanliligaw ba sya sayo?” diretso nyang tanong na ikinagulat ni Alexis. “Oo o hindi lang ang sagot.”

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 14

    Hindi makatulog si Alvin kahit na anong pikit ang gawin nya. Nagawa na nya ang lahat ng pwesto sa kaniyang malambot na kama ngunit hindi pa rin sya dinadalaw ng antok. Uminom na rin sya ng gatas ngunit wala pa rin epekto sa kaniya.Hindi mawala sa isip nya ang nangyari ngayong araw. Hindi nya tuloy maiwasang maalala ang mga pagtatagpo nilang dalawa ni Alexis.Pumunta sya sa office ng kaibigan noon, nabangga sya ni Alexis at nahulog nito ang susi. Doon nya ito unang nakita na umiiyak. Hinintay nya ito doon at hindi sya nagkamali nang bumalik ito. Maga pa ang mata at halatang galing sa pag-iyak. Hindi pa doon natapos ang pagtatagpo nila. Nakita nya ito sa bakery shop na nakita lang nya nitong mga nakaraang araw. Hindi nya akalain na si Alexis ang may-ari ng shop na 'yon. Hindi lang isa, kung hindi tatlong beses nyang nakita si Alexis na umiiyak. Natawa tuloy sya nang mahina. "Paano pala kung pumayag ako sa sinabi nya kanina?" bulong nya sa sarili. Tinutukoy niya ay yung pagtatanong

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 15

    Nang pumasok sila Alexis at Alvin sa loob ay agad na nagpunta si Alexis sa kwarto nya para bigyan si Alvin ng tuwalya.“Maligo ka na muna,” sabi niya. “Hahanapan kita ng damit. Sana may mahanap ako kaagad.”Nang makuha ang tuwalya ay nagtungo na si Alvin sa banyo para maligo. Si Alexis naman ay nagtungo sa kwarto nya para humanap ng damit na maisusuot ni Alvin.Nagdadalawang isip pa sya ng makita ang dalawang pares ng pajama na binili nya para kay Manuel. Ireregalo sana nya ito ngunit nangyari na ang dapat mangyari. Ang problema na lang ngayon ni Alexis ay ang underwear na susuotin ni Alvin. Lumabas sya ng kwarto bitbit ang pajama na ipapasuot nya kay Alvin bilang pamalit.“Alvin?” tawag nya. “May dryer dyan, patuyuin mo na kaagad yung tshirt and jogging pants mo. Sorry wala akong makitang underwear para sayo.”Nahiya pa ng kaunti si Alexis matapos sabihin iyon. “Thank you, ok lang. Hindi naman nabasa yung underwear ko. Sinalang ko na rin sa dryer yung tshirt and pants.”Napayakap sa

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 16

    Tila ba naging yelo sa kinauupuan si Alexis nang marinig ang mga sinabi ni Alvin sa kaniya. May kung anong saya syang naramdaman sa puso at hindi nya alam kung ano at saan galing ‘yon.Nakailang kurap sya bago makabalik sa wisyo. Kinuha nya ang baso sa gilid at ininom iyon. Pinakalma nya ang sarili at huminga ng malalim. Tinignan nya si Alvin at mukhang hindi nga ito nagbibiro. Malamig ang panahon dahil sa malakas na ulan pero tila ba nag-iinit ang kaniyang mukha at kitang kita ni Alvin ang namumula nyang tainga.“H -huh?” pag-ulit ni Alexis sa mga sinabi ni Alvin sa kaniya. “Ano bang sinasabi mo dyan. Ang aga mo naman magbiro.”Napangisi si Alvin sa mga nakikitang reaksyon ni Alexis. Natutuwa sya dahil kahit papaano ay nagagawa nya itong pakiligin. Sa kaniyang isipan ay maaaring may chance sya. It’s now or never.“Seryoso ako,” sagot ni Alvin sa kaniya. “I think I like you, Alexis. Hindi ko alam kung kaialn nagsimula pero iyon ang totoo. And sorry kasi nagsinungaling ako sayo kanina.

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 17

    Hindi si Joy ang bumungad sa kanilang dalawa.Ngayon ay na sa harapan na nilang dalawa ang parents ni Alexis. Hindi alam ni Alexis ang gagawin. Kinakabahan sya at kitang kita iyon sa kaniyang mukha. Hanggang sa hawakan ni Alvin ang kamay nya at tinignan sya. Nginitian sya nito bago bumaling sa mga magulang nya.Alam naman ni Alvin na masyadong mabilis ang nangyari sa kanila ni Alexis. Ayaw nyang mapressure si Alexis kaya naman sya na ang gagawa ng paraan para malusutan ito.“Good morning po, ulit. My name is Alvin po,” pakilala ni Alvin sa kanila. “Kaibi—.” Hindi nya natapos ang pagpapakilala dahil sumingit na si Alexis sa usapan. “Pumasok po muna kayo, mom,” singit ni Alexis. Nang makapasok sa loob ay agad na pinatong ng mommy nya ang dalawang paperbag na hawak. Naglalaman iyon ng mga ulam.“Dinalhan kita ng ulam, anak,” ani mommy ni Alexis. “Isusuprise ka sana namin ngayon pero mukhang kami ang nasurprise mo.”Kagat labing kinuha ni Alexis ang paper bag na may laman na ulam. Tin

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 18

    Tumila na ang ulan sa labas at ang araw ay syang bumibida ngayon sa itaas. Basa pa ang daan at ang sarap ng amoy ng hangin. Kasalukuyang papunta sila Alexis at Alvin sa unit ni Alvin para kuhanin ang naiwan nyang nakasaksak na laptop. Hindi nya ito natanggal dahil sa pagkalutang kanina.“Sorry talaga,” ani Alvin habang nagmamaneho. “Ngayon lang pumasok sa isip ko na hindi ko natanggal yung laptop sa kwarto ko. Naexcite akong pumunta dito e.”Natawa ng mahina si Alexis. “Grabe kanina ka pa nagsosorry,” sagot nya. “Ok lang talaga. Tsaka first time ko rin makikita yung bahay mo if ever.”“Actually, unit lang naman sya. Hindi sya bahay. Tho kaya ko naman bumili ng bahay pero wala pa talaga sa isip ko.” Tumingin sya kay Alexis nang nagkulay red ang stoplight. “Pero if gusto mo nang magsettle down pwede naman ako bumili ng bahay ngayon.” Natawa si Alvin matapos sabihin ang bagay na ‘yon. Kitang kita nya kasi ang muling pamumula ng mukha ni Alexis dahil sa hiya. Tumataas lalo ang kompiyansa

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 19

    Alas tres na ng gabi natapos ang paglilipat ng mga gamit ni Alvin. Kasalukuyang na sa tapat ng gate ang mga box at naghihintay na lamang si Alvin sa designer team para tulungan sila sa pagdedecide kung saan ilalagay ang mga gamit. Malawak naman ang bahay ni Alexis at sigurado sya na kakasya ang iilang gamit ni Alvin sa loob ng bahay nya. Kasya rin sa kwarto nya ang cabinet ni Alvin kaya hindi na sya nangamba. “Papunta na raw ba?” tanong ni Alexis. “Nagugutom na ako ulit.” Agad na bumaling sa kaniya si Alvin. “Let’s go,” sagot nya. Nagtataka syang tinignan ni Alexis. Hindi makuha kung anong ibig sabihin ni Alvin. “Anong let’s go? Saan?” taka nyang tanong. “Hindi mo na hihintayin yung classmate mo? Baka biglang dumating yung classmate mong interior designer?” “Sabi mo nagugutom ka na?” nakangiting tanong ni Alvin sa kaniya. “Inutusan ko naman na sila. Sila na ang bahala sa bahay mo. Wag kang mag-alala. Kilala ko naman yung mga ‘yon. Walang mawawala sa mga gamit mo, promise. Pag

Latest chapter

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 53

    Halos hindi pa sumisikat ang araw sa masayang bahay ni Alexis ay tila ba naghagis na ng malambot na ginintuang kulay ang kalsadang na sa harapan ng bahay. Sa loob ng kanyang bahay, ang mainit na amoy ng mga bagong lutong itlog at fried rice ay pumupuno sa hangin, na humahalo sa tunog ng mga kanta sa loob ng bahay nila. Usual na ganap tuwing linggo sa isang tahanan.Si Alexis ay maingat na nag-aayos ng plato at baso nang tumunog ang kanyang telepono sa countertop, na humiwalay sa kanyang atensyon. Nagtataka ay kinuha niya ito at sinipat ang screen. Ito ay isang text mula sa kanyang assistant na si Jasmine.“Boss, good morning po. Na sa shop na po kami ni Berna. Nakatanggap po kami ng notice mula sa pulis tungkol sa illegal parking daw po natin. Nagbabanta silang hahatakin ang delivery truck kung hindi ito magalaw sa lalong madaling panahon. Pwede ka bang pumunta sa shop, boss?”Agad na napakunot ang noo nya nag mabasa ang text message. Nadurog ang puso niya. Nakaparada ang delivery tru

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 52

    Paggising ni Alexis ay wala na sa kaniyang tabi si Alvin. Kinapa nya ang gilid nya at wala nga talagang tao roon. Hapon na sya nagising dahil na rin siguro sa pananakit ng kaniyang katawan.Ang ngiti ay sumilay sa kaniyang labi nang maalala nya ang mga nanyari kahapon. Nabigay na nya ng tuluyan kay Alvin ang kaniyang pagkababae. Hindi nga nya mabilang kung nakailan sila kagabi. Basta ang alam nya ay masakit ang maselan nyang parte.Nakatanggap sya ng text kay Alvin. Agad syang umupo at napadaing pa nang maramdaman ang hapdi sa kaniyang pang-ibaba.Hindi nya akalain na may ganoong tinatago si Alvin. Isang halimaw sa kama! Nabigla sya, iyon ang totoo. Hindi nya tuloy maiwasan na mapaisip kung may mga karanasan na ba ito noon.“Naghanda na ako ng pagkain for you, take a rest! Uuwi rin ako agad,” pagbabasa ni Alexis sa text message ni Alvin sa kaniya.Napatayo na sya at nagbanlaw na. Although mukhang nalinisan naman na sya ni Alvin ay gusto pa rin kasi nya na magbabad sa tubig.Sarado nam

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 51

    Nagsisimula nang lumubog ang araw, na naglalagay ng mainit na ginintuang kulay sa lungsod habang nagmamaneho si Alvin sa mataong mga lansangan. Nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang nakababatang kapatid na si Almario, noong araw na iyon, na humihiling sya sa kanyang kapatid na maging CEO na ng tuluyan at ngayon ay pinapapunta sya sa opisina para sa isang mahalagang usapan. Magkahalong kuryusidad at pangamba ang nadama ni Almario noong araw na tinawagan sya ni Alvin; Si Alvin ay hindi basta-basta gumawa ng gayong mga kahilingan. Limang taon kasing iniwasan ni Alvin ang pagiging CEO kaya nagtataka sya na bigla itong tumawag para doon.Agad na ipinarada niya ang kanyang sasakyan at naglakad patungo sa makintab na gusaling gawa sa salamin, ito ang infinity corporation na sikat na sikat when it comes to construction materials, bumaha sa kanyang isipan ang mga alaala noong mga panahon nya sa kaniyang kolehiyo.. Siya ay gumugol ng hindi mabilang na oras dito, nagtatrabaho hanggang g

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 50

    Tila naging blessings in disguise pa ang nangyari kay Alexis ngayon. Hindi lang naging doble ang kinita nya ngayong araw. Talagang pumaldo ang shop nya ngayon dahil sa tulong ng sikat na artista na si Blessy. “Thank you for today, Blessy,” ani Alexis sa kaniya at bahagyang yumuko para magpasalamat. “Kung hindi dahil sa tulong mo ay baka magsara kami after two months.”“Hala, nako,” agad na reaction ni Blessy nang yukuan sya ni Alexis. “Hindi nyo na po kailangan yumuko, ma’am. It’s my pleasure to help you po.”Nahiya naman si Blessy sa ginawa ngayon ni Alexis. Hindi nya akalain na napaka down to Earth ng asawa ng isa sa mga big boss ng Infinity Corp. Ang tagal din na nawala ni Alvin sa industry kaya laking gulat nya na lamang na makita ito rito sa isang bakery shop. Napaayos sya ng upo nya nang marinig nya ang boses ni Alvin.“Thanks for today,” nakangiting bati nito sa kaniya. “Good luck to your upcoming movie.”Napalunok si Blessy. Hindi nya talaga makakalimutan ang araw na ito. Isa

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 49

    “Wag ka ng malungkot.”Umupo si Alvin malapit na upuan kung saan nakaupo si Alexis. Hinagod nito ang likuran nya para pakalmahin. Kitang kita kasi nya kung gaano kalungkot ngayon si Alexis. Ito na marahil ang unang beses na naging malungkot ito ngayong nagkasama sila.“Hindi ko mapigilan,” sagot ni Alexis at huminga ng malalim. “Siguro mali ko rin kasi di ko napaghandaan yung mga ganitong sitwasyon. Masyado akong naging kampante.”Tumayo si Alvin at niyakap si Alexis. “Ok lang ‘yan, I’m here,” sagot nya. “Masyado pang maaga. Isang oras pa lang simula nang magbukas tayo.”Sa pagkakataon na ito ay tila ba nabuhayan ang puso ni Alexis dahil sa mga sinabi ni Alvin. Huminga sya ng malalim bago tumayo. Niyakap nya si Alvin at nagpasalamat.Humarap sya sa mga staff. “Come on, let’s do our best today. I’ll try to put sales to our product—““No,” agad na pagpipigil ni Alvin. Ngumiti sya sa mga staff. “Damihan nyo na lang ang eggpie and red velvet nyo today. Papunta na ang bisita natin, nandito

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 48

    Gulat at inis ang naramdaman ni Alexis matapos nyang marinig ang mga sinabi sa kaniya ni Jasmine. Ang kaniyang noo ay kumunot at napauwang pa ang kaniyang labi.Hindi sya pwedeng magkamali. Kaya naman nagtanong sya ulit.“W -what?” gulat nyang tanong. “Sino kamo?”“Si Sir Manuel po.”Doon ay napatay ni Alexis ang kaniyang phone. Dali dali syang pumasok sa banyo para maligo. Naiwang tulala si Alvin sa kaniya at walang kaalam alam sa mga nangyayari. Minuto pa ang binilang nya bago tuluyang makalabas ng banyo si Alexis. Nagmamadali itong pumasok sa kwarto nya pero nang akmang lalabas ito ay pinigilan sya ni Alvin nang hawakan ang kaniyang balikat.“Hey, what’s wrong, wifey?” takang tanong ni Alvin sa kaniya. “Bakit nagmamadali ka? Hindi ka mapakali.”Doon ay para bang natauhan si Alexis. Napapikit sya ng ilang ulit at para bang nagising ang kaniyang diwa. Napalunok sya at nag-iwas ng tingin.“M -may problema lang sa shop,” nahihiya nyang sagot. “Kailangan ko lang makapunta sa shop as soon

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 47

    Ang kaba sa dibdib ni Alexis ang syang nagpagising sa kaniya. Wala pa sya sa ulirat pero tila sya natauhan agad. Tila sya binuhusan ng malamig na tubig dahil sa mga narinig.“Palabas na ako!” agad na sagot nya kay Joy sa kabilang linya.Pinatay nya kaagad ang tawag. Tumayo sya ng kama ngunit agad rin na napaupo nang maramdaman ang kirot sa maselan nyang parte.“Fuck,” daing nya at napakagat sa kaniyang labi.Ni hindi nya akalin na aabot sa ganito ang pag-ibig nya para kay Alvin. Napangiti sya nang maalala ang tapang na ginawa nya kahapon. Malulunod na sana ang isipan sa mga masasayang nangyari kahapon nang maalala ang importanteng nangyayari ngayon.Pinilit nyang tumayo at tiniis ang hapdi na nararamdaman. Nagbihis sya agad at nagtungo sa labas ng bahay. Malapit lang ang gate ng subdivision sa bahay nila kaya tanaw nya kaagad ang sasakyan at ang lalaking naroon na tila ba may hinihintay. Napairap sya nang matanaw ang lalaki, si Manuel.“Bakit ba nandito ka na naman?” agad na bungad n

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 46

    Maagang nagising si Alvin, maganda ang naging pagtulog nya ngayon kasing ganda ng panahon sa labas. Sabado ngayon, pareho sila ni Alexis na walang pasok. Nag-unat sya at nasagi ng bahagya ang natutulog na si Alexis sa kaniyang tabi. Nilingon nya ito at napangiti. Niyakap nya si Alexis ng mahigpit at dinampian ng malambot na halik.“Good morning, wifey,” bulong nya rito.Tumagal pa roon si Alvin na para bang si Alexis ang naging pahinga nya. Matapos ng ilang minuto ay tumayo na rin sya sa kama para pumunta sa kusina at magluto. Sobrang gaan ng pakiramdam nya ngayon at hindi maalis ang ngiti sa kaniyang labi sa tuwing maaalala ang mga nangyari kahapon. Mula sa pag-amin ni Alexis sa gym hanggang sa magsama ang katawan nila sa iisang kama. Pagkabukas nya ng ref ay wala ng masyadong laman. Paubos na ang mga gulay at iilan na lang din ang mga natitirang karne at manok.Naalala nya na mayroong malapit na tindahan sa labas ng subdivision nila Alexis. Kaya naman nagpalit muna sya saglit ng s

  • Marry Me, Mr. Professor   Chapter 45

    “Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya, wifey,” ani Alvin at niyakap ng mahigpit si Alexis. “I love you.” Ngayon ay na sa parking lot na sila. Kanina ay halos maestatwa si Alexis sa mga nasabi nya pero wala syang pakialam ngayon. Ang importante ay nasabi nya ang gusto nyang sabihin. Natatakot kasi sya na baka mawala si Alvin sa piling nya. Lately lang nya ito napagtanto nang dumating sa eksena si Shekinah. Pauwi na sila ngayon at kakatapos lamang ng seminar na ginawa sa gym. May ngiti sa labi ang dalawa na kanina pa hindi nawawala matapos ng eksenang ginawa ni Alexis. Sa wakas, ito na ang panahon na masasabi ni Alvin na may pag-asa na nga sya kay Alexis. Matapos ang ilang minutong byahe ay huminto ang sasakyan at ipinarada ito ni Alvin sa parking space. Tinitigan nya ang mga malambot na mga mata ni Alexis na para bang nahihiya sa kaniyang ginawa kanina. “We’re engaged now,” dagdag ni Alvin at binigyan nya ng mabilis na halik sa labi si Alexis. “I’m so happy, really really happy!

DMCA.com Protection Status