Kagaya ng cake na dala, ganoon din katamis ang ngiti sa labi ni Alexis.
Hindi mawala ang maganda nyang pakiramdam. Habang naglalakad patungo sa office ng kaniyang soon to be husband ay napapasayaw pa sya sa tuwa.
"Magiging Misis Soriano na ako? Hindi na ako makapaghintay," bulong nya sa sarili nang huminto sa tapat ng office ni Manuel.
"Na sa meeting pa po si sir," bungad sa kaniya ng secretary. "Hintayin nyo na lang po sya sa loob."
Tatlong araw na simula nang pag-usapan nila ang tungkol sa kasal. Gusto nyang dalawin ang nobyo dahil magiging busy na ito sa mga susunod na araw dahil sa mga meeting. Ngayon na lang ang araw na meron sila at ngayon din nila balak mamili at maghanap ng reception venue.
Sa katunayan, wala naman nang maihihiling pa si Alexis. Sapat na sa kaniya na mapangasawa ang kaniyang kababata at long time crush. Bata pa lang kasi sila ay gusto na nya si Manuel, kaya labis ang tuwa nya noon nang ligawan sya nito.
Isang taon na rin simula nang maging magkarelasyon sila at ngayon ay wala na syang maihihiling pa dahil ikakasal na sya rito.
Binuksan nya ang pinto at bumungad sa kaniya ang malaking office ni Manuel. Ngayon ay nilamon na sya ng kaniyang imahinasyon. Naiisip na nya kung saan ilalagay ang wedding picture nila ni Manuel dito sa office.
"Sa taas kaya ng tv?" tanong nya sa sarili. "Or sa magiging bedroom na lang namin sa bahay?"
Mas lalo tuloy syang hindi makapaghintay sa kasal nila.
Pumunta sya sa mini pantry at inilagay nya ang hawak na cake sa lamesa. Kumuha sya ng isang baso at nagsalin ng tubig. Nagtungo sya sa swivel chair ni Manuel para umupo at magpahinga saglit.
Ngunit habang patungo sa swivel chair ay biglang tumunog ang phone na nasa bulsa nya, dahilan para masagi nya ang isang vase na nakadisplay sa gilid ng mesa.
Tinitignan nya ito at halos mamutla nang makita ang pira-pirasong bahagi ng vase.
Agad nyang inilapag ang baso sa desk at agad syang lumuhod para kuhanin ang mga malalaking parte. Hanggang sa makaramdam sya ng hapdi. Nang iaangat ang kaniyang kamay ay nakita nya agad na dumugo ang kaniyang hinlalaking daliri.
Kagat labi nyang kinuha ang cellphone sa bulsa. Wala na ang tunog, lumitaw na sa screen nya ang missed call ni Manuel.
Nagdadalawang isip syang isend kay Manuel ang picture nang nabasag nyang vase.
Alam nya sa sarili kung anong halaga nito kay Manuel. Ang vase na nabasag nya ay regalo ng ex nito. Bago nya maging nobyo si Manuel ay nakita nya muna itong ma-inlove sa iba. Kaya ganoon na lamang ang kaba nya bago i-send ang picture.
"Ikakasal naman na kami," kagat labi nyang bulong. "Hindi naman siguro magagalit 'yon kasi aksidente lang naman ang nangyari."
Nawala ang kaba nya sa isipan.
Wala pang isang minuto ay agad na nagreply si Manuel sa kaniya.
"Dyan ka lang."
Dumapo na ang tingin ni Alexis sa dumudugong daliri. Pinunasan nya ito gamit ang tissue.
Makalipas ang sampung minuto ay agad na bumukas ang pinto ng office. Agad na nakita ni Alexis kung paanong magmadali si Manuel papunta sa nabasag na vase.
"Alexis, anong ginawa mo?"
"Pasensya ka na, mahal. Nasagi ko kasi kaya nahulog," sagot ni Alexis na tila ba kinakabahan sa magiging reaksyon ng nobyo.
Nagtaas baba ang balikat ni Manuel na tila ba kinakalma ang sarili. Hanggang sa tinuro nito ang mga piraso ng vase sa lapag.
"Pulutin mo ang mga 'yan."
Galit na si Manuel, alam iyon ni Alexis. Makikita nya ito sa pagtiim bagang nya. Matagal nang malamig ang pakikitungo ng nobyo sa kaniya pero ngayon ay tila ba iba ito. Mas malala at ayaw ni Alexis ng ganitong pakiramdam. Natatakot sya.
Pinakita ni Alexis ang dumudugong daliri. "B -baka mabubog ako ulit. K -kukuha na lang ako ng walis—“
Tinaasan sya ng boses ni Manuel. "Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko pulutin mo!"
"P -pasensya na. B -bibilhan na lang kita ng bago," naiiyak na sabi niya. Hinawakan nya ang kamay ni Manuel. "May malapit na mall dito, bibilhan kita agad."
Agad naman inalis ni Manuel ang kamay nya. "Alam mong mahalaga sa akin ang vase na 'yan. Sinadya mo bang basagin—."
"Vase lang 'yan, Manuel. Bakit ba nagagalit ka?"
Lahat ng pait at sakit ay makikita sa tanong na 'yon ni Alexis. Halata sa boses na ‘yon na nagpipigil sya ng iyak.
"Vase lang? Ayan ang mahirap sayo, di mo alam na ang vase na 'yan ay galing kay..."
Huminto si Manuel sa pagsasalita at nagtiim bagang. Pilit pa rin na kinakalma ang sarili.
"Pulitin mo na lang. Siguraduhin mong maididikit at maibabalik mo 'yan sa dati."
Hindi na alintana ni Alexis ang hapdi ng sugat sa kaniyang daliri. Kailan man ay hindi sya sinigawan ni Manuel ng ganito.
"Alam kong bigay sayo ng ex mo 'yan, kaya ka nagagalit kasi nabasag?" tanong nya habang pinipigilang pumapatak ang luha sa kanyang mata. "Ikakasal na tayo, Manuel. Hanggang kailan mo ba balak itabi ang mga gamit ng ex mo? Hindi ako makapaniwala na nagmamadali ka pa galing meeting para lang sa vase na 'yan? Kung ganon mo naman pala sya kamahal bakit hindi na lang sya ang pakasalan mo?"
Isang malakas na sampal ang natanggap ni Alexis. Napahinto sya at tila hindi maiproseso ang nangyari. Hindi nya maramdaman ang kanang pisngi at tila ba nabingi ng ilang segundo.
"Lumabas ka na."
Nang marinig ang malamig na boses ni Manuel ay doon natauhan si Alexis. Namumula na ang mata nya at kinagat nya ang kaniyang labi.
Nag-angat sya ng tingin at tumitig kay Manuel. "D -Dinalhan kita ng paborito mong cake, itapon mo na lang."
Nagmamadali syang lumabas ng office. Ayaw nyang umiyak sa harap ni Manuel. Samantalang si Manuel ay pinulot ang mga malalaking piraso ng vase. Tinapon nya ito sa dingding dahilan para mas lalo itong mabasag.
Nang makalabas si Alexis ay syang pagpatak ng kaniyang luha. Tila ba sinaksak ang dibdib nya sa harap-harapang pagsampal sa kaniya ni Manuel. Hindi nya matanggap na may mas halaga pa ang gamit ng ex nya kesa sa kaniya na magiging asawa nya. Nang bumukas ang elevator ay agad syang sumakay sa loob.
Gusto na nyang umuwi. Gusto nyang mailabas ang sakit na nararamdaman. Binuksan nya ang purse na dala para kumuha ng tissue at sa pagbukas ng elevator ay lumabas sya agad.
Nagmamadali syang tumakbo. Nasagi nya ang isang matangkad na lalaki sa parking lot at hindi nya namalayang nalaglag ang panyo nya at ang susi mula sa purse.
Nang makauwi ay agad nyang hinanap ang susi ng bahay. Ngunit walang kahit na anong susi ang lumitaw. Napasandal na lamang sya sa harap ng kaniyang pintuan. Doon ay tuluyan nang bumuhos ang luhang kanina nya pa pinipigilan.
"M -may mali ba sa akin?" tanong nya sa sarili. “Ginawa ko naman ang lahat. Parang sa vase lang sisigawan at sasampalin nya ako?”
Ilang minuto rin hinayaan ni Alexis na lumabas ang hinanakit sa kaniyang dibdib. Puno na ng sakit ang katawan at ang puso nya. Hindi nya rin maramdaman ang kanang pisngi dahil sa pamamanhid nito.
Matapos mahimasmasan ay pinunasan nya ang pisngi at plinanong bumalik sa building ng office ni Manuel para hanapin ang susi. Baka sakaling nahulog nya ito doon.
Paglabas nya ng sasakyan ay agad na huminto ang isang matangkad na lalaki sa harapan nya. Nilahad nito ang kamay at doon ay nakita ni Alexis ang susi at ang panyo.
"Nahulog mo kanina," saad ng lalaki.
Tinitigan ito ni Alexis. Nagtagpo ang kanilang mata. Mas matangkad ito kay Manuel. Mas gwapo rin at mukhang matalino dahil sa salamin na suot nito. Mukha syang artista.
Hindi nya namalayan na napagmasdan din sya ng lalaki.
Napalunok si Alexis at nag-iwas ng tingin. Matapos makuha ang susi ay nagpasalamat sya. "Thank you." Nilabas nya ang wallet at kumuha ng isang libo para ibigay sa lalaki. "Kunin nyo po bilang pasasalamat."
Hindi umimik ang lalaki at iniwan syang nakatayo sa parking lot.
***************
Tatlong araw na rin ang nakalipas simula nang magkulong si Alexis sa kwarto nya. Tatlong araw nya rin pinatay ang phone nya dahil alam nyang tatawag si Manuel.
Wala syang lakas na tumayo at mas gustong humiga sa kama. Nakarinig sya ng katok mula sa kaniyang kwarto at sigurado sya kung sino 'yon. Iisang tao lang naman ang may duplicate ng susi ng bahay nya.
"Pasok," walang ganang sabi ni Alexis.
Bumungad sa kaniyang harapan ang kaniyang matalik na kaibigan na si Joy
Kitang kita ni Joy kung gaano ka-haggard ang best friend nya. Ngunit nagtataka sya dahil tinatakpan nito ang kanang bahagi ng mukha.
Alam nyang may mali kaya agad nya itong tinanggal at nagulat nang makita ang pasa sa pisngi nito.
"A -anong nangyari sa mukha mo?" Inalis nya ang ilang buhok na tumatakip sa pisngi ng kaibigan. "Bakit ka may pasa sa pisngi?"
Nang makitang walang balak sumagot si Alexis ay hinawakan nya ito sa balikat.
"Sinong sumampal sayo?"
Ang luha sa mata ay muling tumulo sa pisngi ni Alexis
Humagulgol nang tuluyan si Alexis sa balikat ni Joy. Ramdam nya ang paghikbi ng kaibigan at hindi nya maiwasang mapatiim bagang. "Sagutin mo ako, Alexis," muling sabi ni Joy. "Sinong gumawa nyan sayo?" Mas lalong lumakas ang hagulgol ni Alexis. "S -si Manuel," umiiyak na sagot nya. “S -sinampal nya ako.” Napakuyom ng kamay si Joy. Galit ang agad nyang naramdaman. Ang pula nyang labi ay halos magdugo dahil sa pagkagat nya rito para magpigil ng galit. Hindi sya makapaniwalang masasaktan ni Manuel si Alexis. "Kumain ka na ba?" tanong ni Joy at hinimas ang likod nya para patahanin. "Gusto mo ipagluto kita? Anong gusto mo? Gusto mo ng lugaw?" Tumango si Alexis bilang sagot. Tumayo silang dalawa at nagtungo sa kusina. Ipinagluto ni Joy si Alexis ng lugaw. Matapos ang ilang minuto ay na sa lamesa na sila para kumain. Kinapa ni Joy ang sitwasyon. Gusto nyang tanungin ang kaibigan sa nangyari. Kitang kita kasi nya ang sitwasyon nito ngayon. Masyadong haggard, kitang kita ang namama
Dinampian ni Alexis ng blush on ang kaniyang kanang pisngi para matakpan ang pasa. Medyo umipis na ang pamamaga ng kaniyang pisngi pero kitang kita pa rin ang pasa nito. Papunta na sya ngayon sa itinayo nyang bakery shop. Nagtapos sya ng kolehiyo sa kursong business administration. Kaya after nyang magtapos ay nagtayo sya ng isang bakery shop. Walang traffic. Pabukas pa lang ang shop kaya naisipan nya munang bilhan ng almusal ang mga tauhan nya. Ilang araw din syang nawala at hindi nakadalaw sa bakery shop nya. Nang makabili sa kabilang street ng almusal ay agad din syang bumalik. Bukas na ang shop. Wala pang customer pagpasok nya sa loob. "Binilhan ko kayo ng almusal," bungad nya sa mga tauhan. "Pambawi hehe." Nilapag nya sa lamesa ang dalawang paperbag na naglalaman ng mga silog. "Na-miss ka namin, boss! Saan ka po galing, mukhang naging busy po kayo." "Busy kasi nakipagbreak," pabirong sagot ni Alexis. "Oh, sya. Kumain na muna kayo habang wala pang customer." Napahinto ang
"Hindi ako umiinom," sagot ni Alexis. Lumunok sya at pinunasan muli ang basang pisngi. "Anong order mo?" tanong nya sa lalaki. "Akala ko ba magsasara ka na?" nakangising tanong ng lalaki. "Dalawang tasty sana tsaka isang eggpie." Nag-iwas ng tingin si Alexis. "Ok, wait lang. Dine or take out?" Minura ni Alexis ang sarili sa isipan. Tinanong nya ang sarili kung bakit tinanong nya pa kung dine in or take out eh gabing gabi na. Pero nagulat sya nang tumawa ng mahina ang lalaki. "Dine in, please," sagot nito. Muli syang lumunok bago tumalikod. "Wait, serve ko lang." Agad nyang kinuha ang tasty at eggpie. Nilagay nya ang eggpie sa isang plate at sinerve sa lalaki. "Eat well," ani Alexis sa kaniya. "Hindi ko mauubos 'to," natatawang sabi ng lalaki. "Pwede mo kong tulungan?" Tinignan ni Alexis ang oras. Late na at kailangan na nyang umuwi. Tumango sya sa lalaki at kumuha pa ng isang plate at kutsara. Hinati ng lalaki ang egg pie at binigay ang kalahati kay Alexis. Napuno ng k
"Hala, madaya!" sigaw ni Jasmine. "Kami rin boss, baka naman. Purga na po kami sa bread," biro nya. Napuno ng udyukan ang bakery shop ni Alexis. Sa ganitong paraan ay gumaan kahit papaano ang pakiramdam nya. Nawala sa isipin nya ang mabigat na problema na dala-dala nya. "Sge na nga," pagsuko ni Alexis. "Ililibre ko kayo ng tinapay!" Nagtawanan silang lahat sa biro ni Alexis. "Tinapay na nga tinda natin boss, eh," ani Jasmine. Napangiti ulit si Alexis. "Oo na, bibilhan ko na kayo mamaya ng coffee or milktea sa labas after lunch." "Iyon!" "Thank you ng marami boss!" Hindi rin nagtagal ay dumating na ang mga regular customers nila. Kaya nagpaalam na si Alexis para tapusin ang mga paperworks at matapos ang ilang minuto ay may dumating na truck sa likod ng shop. "Boss, yung bagong mga ingredients po and tray," ani Jasmine. "Ito po yata yung sa new product natin na ilalabas nyo po next next week." Sinarado ni Alexis ang laptop nya. Tumayo sya sa usual na pwesto nya at nagtungo sa c
"Wala na tayong dapat pag-usapan."Tila ba bumagal ang oras nang alisin ni Alexis ang kamay ni Manuel. Bilog ang buwan, ang malamig na simoy ng hangin ay nararamdaman nyang dumampi sa kaniyang mukha. "B -bitawan mo na ako," muling sambit ni Alexis nang hindi bumitaw si Manuel sa pagkakahawak. "Tatawag ako ng pulis, isa pa."Hindi pinansin ni Manuel ang mga sinabi ni Alexis at napatingin ito sa kaniyang relos. "Alas onse mahigit na," panimula nito. "Kailan pa nabago ang oras ng pag-uwi mo?" seryosong tanong ni Manuel.Napatiim bagang si Alexis. "Wala kang pake kung anong oras akong uuwi. Nawalan ka na ng karapatan nang saktan mo ko."Pilit kinalma ni Manuel ang sarili at hindi sinabayan ang pagtataray niya. "Tinatanong kita ng maayos, kailan ka pa umuuwi ng ganitong oras?"Pinilit tanggalin ni Alexis ang kamay ni Manuel at nagtagumpay sya. "Sabi ng wala ka ng pake doon."May magbabalot na dumaan sa gilid nila at tinignan sila. Naagaw ng pansin ng magbabalot ang ginagawa nilang dalawa.
Napayuko sina Joy at Bruno nang sagutin na ni Alexis ang tawag. Ninang at ninong nilang dalawa ang parents ni Alexis at ganoon din si Alexis sa parents ng dalawa. Alam ni Bruno at Joy na ang mga magulang ni Alexis ay boto kay Manuel. Labis ang tuwa ng mga ito kay Manuel lalo na noong panahon na niligawan ni Manuel ang kanilang anak."Na sa bagong restaurant po ako ni Bruno, dad," sagot ni Alexis. “Kumakain po ng lunch.”Tinawag na nila Joy at Bruno ang lahat ng santo at ipinagdasal na huwag banggitin ng mga magulang ni Alexis si Manuel."Really?" may halong lungkot na tanong ni Alexis. "Balak ko pa naman po sanang kumain dyan sa inyo mamaya, dad."Mukhang hindi sumagi sa isip ng daddy ni Alexis na hanapin si Manuel. Tila ba nabunutan ng tinik ang dalawa at nakahinga ng maluwag."No need, dad," ani Alexis. Napanguso si Alexis nang babaan sya ng tawag ng daddy nya. Pero mabuti na lang at hindi nito binanggit si Manuel. Alam nya sa sarili na mahihirapan syang magpaliwanag sa mga 'to."
Kitang kita ng dalawang mata ni Manuel kung paano mag-usap si Alexis at si Alvin sa parking space. Nagtataka nya itong tinignan at sigurado syang si Alexis ang babaeng nakikipag-usap. Pamilyar din sa kaniya ang sasakyan na nakaparada. Ito ang unang regalong natanggap ni Alexis sa daddy nya at kasama nya nang bilhin ito. "Dude, di ba yun yung future wife mo?" tanong ng isa sa mga kaibigan ni Manuel. "Sino yung kasama nya?"Mayroong get together ang mga kasamahan nya sa basketball noong highschool kaya napadpad dito si Manuel. Pinili nila ang lugar dahil madalaas na sila kuamin dito noon pa man. Hindi naman nya akalain na narito si Alexis. "Hindi," pagsisinungaling ni Manuel sa kaibigan. "Never pupunta rito 'yon. Maarte 'yon sa pagkain, ayaw sa mga mura. Baka kamukha nya lang."Ganoon lang kasimple ang sinabi nya at para bang mga aso na agad naniwala ang mga kasama nya. Ganito maniwala ang mga kaibigan at mga tao sa paligid nya. Humarap si Manuel sa mga kasama nya. "Mauna na kayo. Ma
Gabi na at tila ba nawala bigla ang antok na naramdaman ni Alexis dahil sa tanong ni Bruno. Mukhang kahit na anong tago ang ginawa nya kanina ay nahuli pa rin siya ni Manuel. Talagang wala syang kawala sa dating nobyo.“Nadamay ko pa tuloy si Alvin,” bulong nya sa kaniyang sarili. Hindi nya gustong madamay ito. Dahil bukod sa wala naman itong ginawang mali ay hindi naman ito kasali at walang alam sa relasyon nila noon.Umukit ang kuryosidad sa isipan ni Alexis nang muling dumapo ang hindi kapani paniwalang rebelasyon ni Alvin. Gusto nya tuloy malaman ang eksaktong edad ni Alvin. Gusto nya itong itanong kanina ngunit nahihiya sya.Hindi kasi halata sa edad nito na isa na syang ganap na dean. Bukod kasi sa mukha syang bata ay tila ba kakagraduate lamang nya ng kolehiyo. Kaya grabe na lang ang gulat nya nang malaman na dean na ito.Kinuha ni Alexis ang kaniyang laptop. Humiga sya sa kama at binuksan ito. Nagtungo sya agad sa website ng Philippines Polytechnic College. Hinanap nya ang p
Halos hindi pa sumisikat ang araw sa masayang bahay ni Alexis ay tila ba naghagis na ng malambot na ginintuang kulay ang kalsadang na sa harapan ng bahay. Sa loob ng kanyang bahay, ang mainit na amoy ng mga bagong lutong itlog at fried rice ay pumupuno sa hangin, na humahalo sa tunog ng mga kanta sa loob ng bahay nila. Usual na ganap tuwing linggo sa isang tahanan.Si Alexis ay maingat na nag-aayos ng plato at baso nang tumunog ang kanyang telepono sa countertop, na humiwalay sa kanyang atensyon. Nagtataka ay kinuha niya ito at sinipat ang screen. Ito ay isang text mula sa kanyang assistant na si Jasmine.“Boss, good morning po. Na sa shop na po kami ni Berna. Nakatanggap po kami ng notice mula sa pulis tungkol sa illegal parking daw po natin. Nagbabanta silang hahatakin ang delivery truck kung hindi ito magalaw sa lalong madaling panahon. Pwede ka bang pumunta sa shop, boss?”Agad na napakunot ang noo nya nag mabasa ang text message. Nadurog ang puso niya. Nakaparada ang delivery tru
Paggising ni Alexis ay wala na sa kaniyang tabi si Alvin. Kinapa nya ang gilid nya at wala nga talagang tao roon. Hapon na sya nagising dahil na rin siguro sa pananakit ng kaniyang katawan.Ang ngiti ay sumilay sa kaniyang labi nang maalala nya ang mga nanyari kahapon. Nabigay na nya ng tuluyan kay Alvin ang kaniyang pagkababae. Hindi nga nya mabilang kung nakailan sila kagabi. Basta ang alam nya ay masakit ang maselan nyang parte.Nakatanggap sya ng text kay Alvin. Agad syang umupo at napadaing pa nang maramdaman ang hapdi sa kaniyang pang-ibaba.Hindi nya akalain na may ganoong tinatago si Alvin. Isang halimaw sa kama! Nabigla sya, iyon ang totoo. Hindi nya tuloy maiwasan na mapaisip kung may mga karanasan na ba ito noon.“Naghanda na ako ng pagkain for you, take a rest! Uuwi rin ako agad,” pagbabasa ni Alexis sa text message ni Alvin sa kaniya.Napatayo na sya at nagbanlaw na. Although mukhang nalinisan naman na sya ni Alvin ay gusto pa rin kasi nya na magbabad sa tubig.Sarado nam
Nagsisimula nang lumubog ang araw, na naglalagay ng mainit na ginintuang kulay sa lungsod habang nagmamaneho si Alvin sa mataong mga lansangan. Nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang nakababatang kapatid na si Almario, noong araw na iyon, na humihiling sya sa kanyang kapatid na maging CEO na ng tuluyan at ngayon ay pinapapunta sya sa opisina para sa isang mahalagang usapan. Magkahalong kuryusidad at pangamba ang nadama ni Almario noong araw na tinawagan sya ni Alvin; Si Alvin ay hindi basta-basta gumawa ng gayong mga kahilingan. Limang taon kasing iniwasan ni Alvin ang pagiging CEO kaya nagtataka sya na bigla itong tumawag para doon.Agad na ipinarada niya ang kanyang sasakyan at naglakad patungo sa makintab na gusaling gawa sa salamin, ito ang infinity corporation na sikat na sikat when it comes to construction materials, bumaha sa kanyang isipan ang mga alaala noong mga panahon nya sa kaniyang kolehiyo.. Siya ay gumugol ng hindi mabilang na oras dito, nagtatrabaho hanggang g
Tila naging blessings in disguise pa ang nangyari kay Alexis ngayon. Hindi lang naging doble ang kinita nya ngayong araw. Talagang pumaldo ang shop nya ngayon dahil sa tulong ng sikat na artista na si Blessy. “Thank you for today, Blessy,” ani Alexis sa kaniya at bahagyang yumuko para magpasalamat. “Kung hindi dahil sa tulong mo ay baka magsara kami after two months.”“Hala, nako,” agad na reaction ni Blessy nang yukuan sya ni Alexis. “Hindi nyo na po kailangan yumuko, ma’am. It’s my pleasure to help you po.”Nahiya naman si Blessy sa ginawa ngayon ni Alexis. Hindi nya akalain na napaka down to Earth ng asawa ng isa sa mga big boss ng Infinity Corp. Ang tagal din na nawala ni Alvin sa industry kaya laking gulat nya na lamang na makita ito rito sa isang bakery shop. Napaayos sya ng upo nya nang marinig nya ang boses ni Alvin.“Thanks for today,” nakangiting bati nito sa kaniya. “Good luck to your upcoming movie.”Napalunok si Blessy. Hindi nya talaga makakalimutan ang araw na ito. Isa
“Wag ka ng malungkot.”Umupo si Alvin malapit na upuan kung saan nakaupo si Alexis. Hinagod nito ang likuran nya para pakalmahin. Kitang kita kasi nya kung gaano kalungkot ngayon si Alexis. Ito na marahil ang unang beses na naging malungkot ito ngayong nagkasama sila.“Hindi ko mapigilan,” sagot ni Alexis at huminga ng malalim. “Siguro mali ko rin kasi di ko napaghandaan yung mga ganitong sitwasyon. Masyado akong naging kampante.”Tumayo si Alvin at niyakap si Alexis. “Ok lang ‘yan, I’m here,” sagot nya. “Masyado pang maaga. Isang oras pa lang simula nang magbukas tayo.”Sa pagkakataon na ito ay tila ba nabuhayan ang puso ni Alexis dahil sa mga sinabi ni Alvin. Huminga sya ng malalim bago tumayo. Niyakap nya si Alvin at nagpasalamat.Humarap sya sa mga staff. “Come on, let’s do our best today. I’ll try to put sales to our product—““No,” agad na pagpipigil ni Alvin. Ngumiti sya sa mga staff. “Damihan nyo na lang ang eggpie and red velvet nyo today. Papunta na ang bisita natin, nandito
Gulat at inis ang naramdaman ni Alexis matapos nyang marinig ang mga sinabi sa kaniya ni Jasmine. Ang kaniyang noo ay kumunot at napauwang pa ang kaniyang labi.Hindi sya pwedeng magkamali. Kaya naman nagtanong sya ulit.“W -what?” gulat nyang tanong. “Sino kamo?”“Si Sir Manuel po.”Doon ay napatay ni Alexis ang kaniyang phone. Dali dali syang pumasok sa banyo para maligo. Naiwang tulala si Alvin sa kaniya at walang kaalam alam sa mga nangyayari. Minuto pa ang binilang nya bago tuluyang makalabas ng banyo si Alexis. Nagmamadali itong pumasok sa kwarto nya pero nang akmang lalabas ito ay pinigilan sya ni Alvin nang hawakan ang kaniyang balikat.“Hey, what’s wrong, wifey?” takang tanong ni Alvin sa kaniya. “Bakit nagmamadali ka? Hindi ka mapakali.”Doon ay para bang natauhan si Alexis. Napapikit sya ng ilang ulit at para bang nagising ang kaniyang diwa. Napalunok sya at nag-iwas ng tingin.“M -may problema lang sa shop,” nahihiya nyang sagot. “Kailangan ko lang makapunta sa shop as soon
Ang kaba sa dibdib ni Alexis ang syang nagpagising sa kaniya. Wala pa sya sa ulirat pero tila sya natauhan agad. Tila sya binuhusan ng malamig na tubig dahil sa mga narinig.“Palabas na ako!” agad na sagot nya kay Joy sa kabilang linya.Pinatay nya kaagad ang tawag. Tumayo sya ng kama ngunit agad rin na napaupo nang maramdaman ang kirot sa maselan nyang parte.“Fuck,” daing nya at napakagat sa kaniyang labi.Ni hindi nya akalin na aabot sa ganito ang pag-ibig nya para kay Alvin. Napangiti sya nang maalala ang tapang na ginawa nya kahapon. Malulunod na sana ang isipan sa mga masasayang nangyari kahapon nang maalala ang importanteng nangyayari ngayon.Pinilit nyang tumayo at tiniis ang hapdi na nararamdaman. Nagbihis sya agad at nagtungo sa labas ng bahay. Malapit lang ang gate ng subdivision sa bahay nila kaya tanaw nya kaagad ang sasakyan at ang lalaking naroon na tila ba may hinihintay. Napairap sya nang matanaw ang lalaki, si Manuel.“Bakit ba nandito ka na naman?” agad na bungad n
Maagang nagising si Alvin, maganda ang naging pagtulog nya ngayon kasing ganda ng panahon sa labas. Sabado ngayon, pareho sila ni Alexis na walang pasok. Nag-unat sya at nasagi ng bahagya ang natutulog na si Alexis sa kaniyang tabi. Nilingon nya ito at napangiti. Niyakap nya si Alexis ng mahigpit at dinampian ng malambot na halik.“Good morning, wifey,” bulong nya rito.Tumagal pa roon si Alvin na para bang si Alexis ang naging pahinga nya. Matapos ng ilang minuto ay tumayo na rin sya sa kama para pumunta sa kusina at magluto. Sobrang gaan ng pakiramdam nya ngayon at hindi maalis ang ngiti sa kaniyang labi sa tuwing maaalala ang mga nangyari kahapon. Mula sa pag-amin ni Alexis sa gym hanggang sa magsama ang katawan nila sa iisang kama. Pagkabukas nya ng ref ay wala ng masyadong laman. Paubos na ang mga gulay at iilan na lang din ang mga natitirang karne at manok.Naalala nya na mayroong malapit na tindahan sa labas ng subdivision nila Alexis. Kaya naman nagpalit muna sya saglit ng s
“Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya, wifey,” ani Alvin at niyakap ng mahigpit si Alexis. “I love you.” Ngayon ay na sa parking lot na sila. Kanina ay halos maestatwa si Alexis sa mga nasabi nya pero wala syang pakialam ngayon. Ang importante ay nasabi nya ang gusto nyang sabihin. Natatakot kasi sya na baka mawala si Alvin sa piling nya. Lately lang nya ito napagtanto nang dumating sa eksena si Shekinah. Pauwi na sila ngayon at kakatapos lamang ng seminar na ginawa sa gym. May ngiti sa labi ang dalawa na kanina pa hindi nawawala matapos ng eksenang ginawa ni Alexis. Sa wakas, ito na ang panahon na masasabi ni Alvin na may pag-asa na nga sya kay Alexis. Matapos ang ilang minutong byahe ay huminto ang sasakyan at ipinarada ito ni Alvin sa parking space. Tinitigan nya ang mga malambot na mga mata ni Alexis na para bang nahihiya sa kaniyang ginawa kanina. “We’re engaged now,” dagdag ni Alvin at binigyan nya ng mabilis na halik sa labi si Alexis. “I’m so happy, really really happy!