Scandal Only child of a single mother. Palaging sinasabi ni Mama noong bata ako na blessing ako sa buhay niya. Ngunit sa unti-unti kung pagmulat sa reyalidad, I discovered that I'm a disgrace disguised by her as a blessing. A product of sin, base sa opinion ng mga kapitbahay namin. But nonetheless, my mother is a decent woman. Nagkamali lang siya at nang malaman n'ya 'yon ay agad s'yang gumawa ng paraan para maayos ang gusot. With that, I admired her courage and will, even her self-control. Nagpapatunay lang 'yon na hindi siya marupok para sundin ang nararamdaman kahit na mali. Kaya kung may babae man akong mamahalin, sisiguraduhin kong hindi nalalayo ang ugali niya kay Mama. She's my standard. "Jack, kain na tayo!" "Opo, Ma!" Agad kong binitawan ang hawak na lapis nang marinig ang tawag ni Mama mula sa kusina ng maliit naming bahay. Kasalukuyan akong gumagawa ng assignment ko sa math at may susunod pang report sa Engli
Last Updated : 2021-12-30 Read more