“Hayop kang babae ka!” Pabulusok na sinugod ni Mildred si Anastacia. Nagpupuyos ito sa galit na sumugod sa mansyon nang mabalitaan ang nangyari sa kaniyang kapatid na si Jane.
“Maniwala ka sa ‘kin, Mildred. Hindi ko sinasadya ang nangyari,” depensa ni Anastacia.
Isang oras na ang nakalipas mula nang aksidenteng mahulog si Jane sa hagdan. Agad naman siyang naisugod sa ospital ng mga tauhan ng Ford.
Galit man siya kay Jane ay sobrang nag-aalala pa rin siya para rito. Hindi niya kailanman hiniling na may mangyaring masama sa babae sa kabila ng lahat.
“Sinungaling! Kung alam ko lang, sinadya mo ‘yon dahil sa sobrang galit at inggit mo sa kaniya!” ayaw paawat na sumbat ni Mildred. “Hindi mo matanggap na ginamit ka lang ni Diether para magkaanak. Ganiyan ka na ba talaga kadesperada ha?! Talagang aabot ka sa sukdulang pumatay ng tao para lang hindi siya maging sagabal sa inyo ni Diether?”
“Aksidente ang nangyari, Mil–”
Ngunit bago pa matapos ni Anastacia ang sasabihin ay sinalubong na siya ng napakalakas na sampal ni Mildred. Sa sobrang lakas no’n ay agad na nalasahan ni Anastacia ang dugo sa labi niya.
“Akala mo ba ay babalikan pa ni Diether ang isang basurang katulad mo kapag nawala si Jane?! Para sabihin ko sa ‘yo, walang lalaking papatol sa isang katulad mong walang kayang ipagmalaki sa buhay! Pinakasalan ka lang ni Diether, masyado nang tumaas ang pangarap mo!”
Sa loob ng halos siyam na buwan ay walang araw na hindi siya nakarinig ng pang-iinsulto mula sa pamilya ni Jane. Sa tuwing dumadalaw ang mga ito sa mansyon ay hindi sila pumapalyang ipamukha sa kaniya na isa lang siyang gamit para sa kanilang mayayaman.
Unti-unti ay nasanay na siya. Pero hipokrita siya kung sasabihin niyang hindi na siya nasasaktan sa mga sinasabi ni Mildred ngayon.
Parang patalim na tumutusok sa kabuuan niya ang bawat insultong ibinabato sa kaniya ni Mildred.
Muling namuo ang luha sa mga mata niya pero pilit niyang tinatagan ang loob. Hangga’t maaari ay ayaw niyang maramdaman ng kambal niya ang nararamdaman niya ngayon. Pinagngalit niya ang kaniyang panga at mabilis na kumurap para paglahuin ang luha sa mga mata niya.
“Ma’am Mildred! Tama na po ‘yan. Buntis po si Ma’am Anastacia.” Kaagad na umawat si Nancy, ang naging yaya ni Anastacia sa mansyon ng mga Ford, sa pagitan ng dalawa.
“Manahimik ka, tanda! Alam mo ang ginawa niyang babaeng ‘yan sa kapatid ko!”
“Naiintindihan ko po ang nararamdaman niyo, Ma’am Mildred. Pero hindi po sinasadya ni Ma’am Anastacia ang nangyari. Buntis po siya. At makakasama po sa bata kapag patuloy pa kayong nagtalo,” paliwanag niya.
Sobrang nag-aalala ang matanda sa kalagayan ng alaga. Alam niya ang sitwasyon na kinalalagyan nito. Hindi niya lang kinakampihan si Anastacia dahil alaga niya ito at napamahal na siya rito. Pumapanig din siya rito dahil alam niyang ang alaga niya ang naagrabyado sa lahat ng ito.
Napakabait ni Anastacia. Sa loob ng halos dalawang taon ay napatunayan niya ‘yon. Itinuring niya na rin itong parang anak. Akala niya talaga ay maayos ang samahan nila ni Diether. Kaya naman nagulantang din siya nang biglang iuwi ni Diether si Jane sa mansyon.
Akala niya ay aalis na sa mansyon si Anastacia nang tuluyan na silang maghiwalay ng amo niya. Pero nagulat siya nang malaman ang naging usapan nila Anastacia at Diether.
Awang-awa siya sa babae. Napakabait nito para tratuhin siya nang gano’n, gawing paanakan. Kaya ipinangako niya sa sarili na hangga’t kaya niya, dadamayan niya ang babae.
“Wala akong pakialam kung nagdadalang-tao ka. Pero ito ang tatandaan mo, Anastacia. Kapag may nangyaring masama sa kapatid ko, sisiguraduhin namin ni Diether na mabubulok ka sa kulungan,” mariing banta ni Mildred na may kasamang pagduro bago ito mabilis na umalis ng mansyon.
Tinanaw pa nina Anastacia at Nancy si Mildred na lumabas ng pinto.
Nang tuluyan na itong maglaho sa kanilang paningin ay saka lang napagtanto ni Anastacia na kanina niya pa pinipigilan ang paghinga niya. Hingal na hingal siya na para bang nakipaghabulan siya sa toro.
Naramdaman niya ang paghagod ni Nancy sa likod niya. “Pasensya na hindi ako nakadating agad, Ma’am Anastacia. Hindi ko aakalaing susugod dito ngayon si Ma’am Mildred.”
Tipid na ngumiti si Anastacia sa matanda. “Ayos lang po, Yaya Nancy. Maraming salamat po sa pagtanggol sa ‘kin.”
Sa kabila ng mga pasakit niya sa mga kamay ng Ford at Andres ay may mabuti pa rin namang nangyari sa kaniya rito. At ‘yon ay nang makilala niya si Nancy, ang nag-iisang kakampi at pinagkakatiwalaan niya sa loob ng mansyon.
“Nga pala, nakahain na ang almusal. Halika na at kumain. Sigurado akong gutom na ang baby mo,” yaya ng matanda.
Tumango si Anastacia. Ngunit nakakaisang hakbang pa lang siya nang bigla siyang makaramdam ng matinding sakit. Para bang hinihiwa ang mga lamang loob niya. Napakapit siya kay Nancy dahil para siyang mawawalan ng malay-tao sa sakit.
“Ahh!” hiya ni Anastacia.
“M-Ma’am, Anastacia! A-Ano pong nangyayari?”
“Ahhh! M-Masakit po, Yaya!” iyak ni Anastacia. Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang pag-agos ng mainit na likido sa pagitan ng mga hita niya. Parang luluwa ang mga mata niya nang mapagtanto ang nangyayari.
“Diyos ko po!” tarantang sigaw ni Nancy. “Ang panubigan niyo po, ma’am! Pumutok na!”
***
“D-Dok, hindi po pwede…” Mabilis na umiling si Anastacia. “H-Hindi po ako pwedeng manganak ngayon. H-Hindi ko pa po kabuwanan,” pagmamakaawa niya.
Hindi siya maaaring manganak ngayon. Alam niyang ang ika-walong buwan ang pinakadelikadong buwan para magluwal ng bata.
“Paumanhin, Anastacia. Pero kailangan mong iluwal ang mga bata kundi parehong mga buhay niyo ang malalagay sa panganib,” paghingi ng paumanhin ni Santi, ang kaniyang OB-GYN.
“Dok…” puno ng pagmamakaawang tawag ni Anastacia kahit alam niyang wala na siyang magagawa pa. Unti-unting bumigat ang mga talukap ng mga mata niya. “A-Ang mga anak ko…” sambit niya pa bago siya tuluyang lamunin ng dilim.
Samantala, sa loob ng delivery room…
“Isa na lang…” bulong ni Santi. Tagumpay nilang nailuwal ang unang baby ni Anastacia.
Ipinapanalangin niya na sana ay tagumpay rin nilang maipalabas ang huling anak ng pasyente sa kabila nang maaga nitong paglabas sa sinapupunan ng ina.
Ngunit laking panlulumo niya nang lumabas ang sanggol na walang heartbeat. Nanlambot siya sa nalaman.
‘Patawad, Anastacia.’
Akala niya ay tapos na ang lahat. Subalit makalipas ang ilang sandali ay isang sorpresa ang bumulaga sa kaniya.
“Bakit po, dok?” tanong ng isang nars.
“M-May isa pang sanggol sa sinapupunan ng pasyente.”
***
Makalipas ang ilang oras…
“Anong nangyari sa kaniya?” walang amor na tanong ni Mildred sa doktor ni Anastacia. Halos kanina niya lang nalaman na nanganak na pala ang babae. Wala naman siyang pakialam kahit mamatay pa ito pero kailangan niya pa ring makibalita para alam niya kung anong ipaparating niya kay Diether mamaya.
“Pasensiya na, miss. Ginawa po namin ang lahat pero hindi na po kinaya ni Ms. Cruz. Wala na po siya,” nakikisimpatyang sagot ng doktor.
Makalipas ang limang taon…“Axel, magpalit ka na at malapit nang magsimula ang party,” ani Yaya Nancy sa limang taong batang lalaki na si Axel. Ngunit nanatiling nakatalikod ang munting binata sa kaniya. Abala ito sa pagpipinta. Malapit niya na itong matapos. At ayaw niyang paistorbo sa kahit ninoman. Para sa kaniya ay mas mahalaga ang kaniyang ipinipinta kaysa sa birthday party niya sa labas. Sa loob kasi ng limang taon ay palaging magarbo ang handaan para sa kaniyang kaarawan. Iyon kasi ang nais ng kaniyang mommy at daddy. At dahil doon ay unti-unti na rin siyang nanawa. Hindi niya rin kasi maramdaman ang kaniyang kaarawan dahil puro matatanda ang dumadalo rito. Ni wala nga siyang kakilala sa mga ito maliban lamang sa kapamilya niya. “Axel, hijo, halika na at magbihis ka na. Hinihintay ka na nila mommy mo sa baba,” muling kumbinsi ni Yaya Nancy rito. Ngunit umiling lamang si Axel. “Pwede po bang ‘wag ma lang akong lumabas, yaya? Mas gusto ko na lang pong magkulong sa kwarto at ta
“Nasaan ang anak ko?!” dumagundong ang galit na boses ni Diether sa hardin ng mansyon. Agad kasi na itinawag ni Yaya Nancy ang nangyari kay Axel sa kaniya. Taranta siyang sinalubong nina Fiona at Mildred. “D-Diether…” Hindi alam ni Mildred kung paano kakausapin ang lalaki. Kitang-kita kasi ang galit sa mukha nito. Parang konting-konti na lang ay mapipigtas na ang pasensya nito at makakapatay ng tao. “Pasensya na. Kasalanan ko. A-Ayaw niya kasing lumabas sa kwarto niya kaya hinayaan ko na muna siya roon. H-Hindi ko naman kasi alam na tatalon siya sa kwarto niya. Nalingat lang ako nang kaunti tapos–”“Ayokong marinig ang paliwanag mo ngayon. Nasaan ang anak ko?” matalim na putol ni Diether sa kaniya. “Kumalma ka, hijo. Naisugod naman na ang apo ko sa ospital. Magiging okay rin siya,” sabat ni Fiona. Binalingan lang siya nang matalim na tingin ni Diether dahilan para maumid ang kaniyang dila. “Ni wala man lang sa inyong dalawa ang sumama kay Axel. Mananagot kayo kapag may nangyaring
“Dra. Villareal, kailangan talagang ikaw ang magsagawa ng operasyon. Wala tayong oras na dapat sayangin. Buhay ng bata ang nakasalalay rito,” muling pakiusap kay Stacy ni Dr. Medina. “Ano po ba kasing trip ng lalaking ‘yon at siya ang namimili ng mag-oopera sa anak niya gayong may naka-assign na?” inis na tanong ni Stacy. “Hindi ko rin alam. Pero kailangan natin siyang sundin. Nagbanta na siyang babawiin niya ang shares niya sa ospital kapag hindi ikaw ang naging doktor ng anak niya. Kapag nangyari ‘yon, hindi kakayanin ng ospital na makapaghanap agad ng kapalit niya.”Kita sa itsura ni Dr. Medina ang stress dahil sa pabor ni Diether. Pati ito ay hindi maintindihan kung anong nasa isip ng negosyante. Nagawa nitong ilagay sa panganib ang anak niya para sa walang kakwenta-kwentang dahilan. Nang marinig ni Stacy ang pagbabantang ginawa ni Diether ay lalong nagpuyos ang kaniyang galit. Sa isip niya, iba na talaga ang takbo ng isip ng mga mayayaman. Akala nila ay makukuha nila ang lahat
“Nasaan si Dra. Villareal?” tanong ni Diether pagkapasok na pagkapasok niya sa office ni Stacy. Akala niya ay matatagpuan niya roon ang dalaga ngunit tanging ang isang babaeng nurse lamang ang naabutan niya. “Ay nakaalis na po si doktora, Mr. Ford. Out na po kasi niya. Sasabihin ko na lang po na napadaan kayo bukas.” Kinakabahan ang babae dahil baka bigla siyang sigawan ng lalaki. Gayunpaman ay pinilit niyang ayusin ang kaniyang boses dahil baka lalo siyang malagot. Paano ba namang hindi siya matatakot? Kunot na kunot ang noo nito. Ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin at agad na hinablot ang calling card na nakalapag sa mesa ng doktora. Saka ito dali-daling lumabas ng opisina. Doon lamang nakahinga nang maluwag ang babae. Ngunit agad iyong napalitan ng kaba para sa doktora. Kilala bilang magaling at mabait na doktor si Stacy kahit na kakalipat niya pa lang sa St. Joseph’s Hospital noong nakaraang taon. Pero mukhang mapapatalsik na siya dahil sa ginawang pagtanggi sa ca
“At namuhay sila nang masaya magpakailanman…”Isinara ni Stacy ang napiling librong pambata ng kambal para sa gabing ito. Napangiti siya nang makitang mahimbing nang natutulog sina Athena at Collins. Sa kabila ng pagiging abala ni Stacy sa trabaho ay hindi niya pa rin pinapabayaan ang responsibilidad niya bilang ina sa mga anak. Kung maaari nga lang na nasa tabi nila siya lagi ay gagawin niya. Tumayo na siya sa pagkakaupo at saka itinabi ang silyang ipinuwesto niya sa pagitan ng mga kama ng kambal. Matapos ay saka niya binalikan ang dalawa at kinintalan ng tig-isang halik sa noo. “Mahal na mahal ko kayo, mga anak…”Sa loob ng limang taon ay sina Athena at Collins ang nagsilbing lakas niya upang mabuhay sa mundo. Sawi man siya pagdating sa lalaki, hindi naman siya binigo ng Maykapal pagdating sa kaniyang mga anak. Likas na mababait na mga bata ang mga ito. At mahal na mahal siya ng mga ito. Sa kabila ng pagiging premature babies, lumaking normal at malusog ang dalawa. Nalagpasan n
“D-Diether…” Halos hindi na umabot sa pandinig ni Diether ang boses ng doktorang nasa harapan. Saglit lamang siyang umalis mula sa pagbabantay kay Axel dahil nakaramdam siya ng gutom. At hindi niya inaasahang madadatnan niya ang doktora mula sa silid ng anak. Nanatiling nakaawang ang kaniyang mga labi dahil sa nasilayan. “Mr. Ford, ayos lang ba kayo? Para kayong nakakita ng multo,” komento ni Stacy nang mapansin ang pagkatulala ng lalaki. Hindi iyon sapat para bumalik ang katawang lupa ni Diether. Tunay na para siyang nakakita ng multo sa katauhan ng doktora. Hindi niya nasilayan ang mukha nito kanina dahil lagi itong may suot na face mask. Pero ngayon ay malaya niyang natitigan ang mukha ng babae. At kamukhang-kamukha nito ang yumao niyang asawa, si Anastacia. Ilang beses na kumurap si Diether upang masiguradong hindi siya niloloko ng kaniyang paningin. Akala niya ay binabangungot siya nang mga oras na ‘yon. Ngunit hindi naglaho ang babae sa kabila nang mariin niyang pagpikit.
Pupungas-pungas na kinusot ni Stacy ang kaniyang mga mata. Kakagising niya lang mula sa mahabang oras na pagkakahimbing. Kaagad niyang inapuhap ang bedside clock niya para tingnan ang oras. “Oh, shit!” napapamura siyang bumangon, muntik pang mahulog sa kaniyang higaan. Paano ba namang hindi siya mapapamura?Alas onse na ng umaga. Sigurado siyang napasarap ang tulog niya dahil sa halos bente kwatro oras niyang duty kahapon. Kung hindi pa nga siya sinita ni Dr. Medina at pinauwi ay talagang mananatili pa siya sa ospital hanggang alas kwatro ng madaling araw. Ngunit dahil sa pamimilit ni Dr. Medina sa kaniya, wala na siyang nagawa kundi ang umuwi bandang alas dose y media ng madaling araw. Panatag na rin naman siya dahil alam niya nang binabantayan ni Diether ang anak niya sa mga oras na ‘yon. Nagmamadali niyang hinablot ang kaniyang twalya sa sabitan at akmang papasok na sa banyo nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya. “Good morning, mama!” masiglang bati nina Athena at Co
"Anastacia?”Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ni Jane sa mga sandaling iyon. Pati ang mga balahibo niya ay mabilis na nanindig. Para siyang hahapuin dahil sa bilis ng paghinga. Dahil sa panghihina ay nahulog ang sling bag niya sa sahig mula sa pagkakadulas sa kamay niya. Agad siyang natauhan nang marinig niya ang bulungan ng mga tao sa paligid niya. “Hoy, ‘di ba si Jane Andres ‘yon? ‘Yong sikat na artista?”“Grabe! Mas maganda pala talaga siya sa personal ‘no?”“Oo nga. Tapos parang wala siyang ka-pores-pores!”Kung sa normal na pagkakataon, pumapalakpak na ang tainga ni Jane sa mga komento ng mga tao. Mahal na mahal nito ang kasikatan niya. At gustong-gusto niya kapag binabato siya ng mga puri ng mga tao. Subalit ang galak na nararamdaman niya kapag gano’n ay hindi lumitaw. Hindi ngayong nakakita siya ng multo mula sa kaniyang nakaraan. Nang mapansin niyang dumadami na ang taong nakakapansin sa kaniya ay agad siyang kumilos at pinulot ang laman ng bag niyang natapon. At nang muli
Chapter 12.1Sa kasalukuyan…“Sabi ng doctor, stable na siya. Pero it’s been three days at hindi pa rin siya nagigising. Ang sabi ay nagre-regain pa ang katawan niya ng lakas kaya ganoon,” paliwanag ni Diether kay Calix. “That’s good to hear. Nag-alala talaga ako nang marinig ko ang nangyari. Excited pa naman akong umuwi dahil madami akong biniling pasalubong para sa kaniya.”Talagang sobrang malapit ang loob ni Calix sa inaanak. Napakabait at masunurin kasi nitong bata. Kaya naman hindi nito nakakalimutang bumili ng pasalubong para dito kada uuwi siya galing sa ibang bansa. “Bawas-bawasan mo naman ang pag-spoil sa anak ko. Nagseselos na ako sa ‘yo ah. Baka sa susunod mas gusto ka na no’ng makasama kaysa sa ‘kin,” biro ni Diether. Hindi naiwasang mapahalakhak ni Calix. Alam niya kasing may halong katotohanan ang biro ng kaharap. Maya-maya pa ay mayabang siyang nagkibit-balikat. “Hindi ko na kasalanan kapag nangyari ‘yon. Bawasan mo rin kasi ang kakasubsob sa trabaho. Kung wala ka l
“Angas ah. Hindi lang siya pumayag na bumuntis ka ng iba. Talagang nag-suggest pa siya ng candidate,” natatawang komento ni Calix. Hindi rin maiwasang mapatawa ni Diether. “Maybe she’s just helping me. After all, siya rin naman ang kikilalaning ina ng magiging anak ko sa babae.”Napakibit-balikat si Calix. “Siguro nga. Pero bakit daw? Why that specific Anastacia girl?”Hindi agad nakasagot. Tumayo siya mula sa kaniyang swivel chair at saka naglakad patungo sa glass wall ng kaniyang opisina. Napako ang kaniyang tingin sa ganda ng city lights sa ibaba. Para itong mga alitaptap na pakinang-kinang sa gabi. Muli ay sumimsim siya sa kaniyang baso bago hinarap si Calix. “She told me she hated that girl. Malaki raw ang kasalanan nito sa kaniya which caused her to transfer school in the past.”Napangiwi si Calix. “Oh ano namang kinalaman no’n sa pagha-hunting mo ng mapapangasawa? ‘Wag mong sabihing gagamitin ka niya para maghiganti ro’n sa babae?”“Exactly.”“At pumayag ka naman?!” gulantan
“Nabalitaan ko ang nangyari. Kumusta na ang pamangkin ko?” untag ni Calix sa tulalang kaibigan. Kakabalik niya lang galing sa ibang bansa para sa isang business venture nang mabalitaan niya ang nangyari sa kaniyang inaanak. Si Calix Olivarez ang pinakamatalik na kaibigan ni Diether. Mula pa high school ay magkasanggang-dikit na ang dalawang ito. Mapatrobol man o kasiyahan palagi silang magkasama. Kaya alam nito lahat tungkol kay Diether. Alam din nito ang ginawa niyang kagaguhan sa nakaraan. Naroon siya noong panahong pinakasalan ni Diether si Anastacia. Isa pa nga siya sa mga naging witness noon. Nang ibalita sa kaniya ni Diether ang pagpapakasal nito ay nagulat pa siya. Ang alam kasi nito ay mahal pa rin nito ang kaniyang ex na si Jane, na hiniwalayan siya para sa kaniyang career noon. Sa kabila ng hiwalayan nila, sina Diether at Jane pa rin ang nakatakdang magpakasal sa hinaharap dahil pinagkasundo na sila ng kanilang mga magulang noon pa man. At ang hiwalayan ng dalawa ay pans