Share

The Billionaire's Ex-Wife Returns
The Billionaire's Ex-Wife Returns
Author: itsmauve

Chapter 1

Author: itsmauve
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

“Magpapakasal na kami ni Jane,” parang wala lang na siwalat ni Diether kay Anastacia. 

Nabato si Anastacia sa kinatatayuan niya. Nakatitig lang siya sa lalaki. Hanggang sa unti-unting nanlabo ang kaniyang paningin dahil sa luhang namuo sa mga mata niya. “A-Anong sabi mo?” nanginginig niyang tanong. 

Baka naman kasi nagkamali lang siya ng dinig. Hindi naman siguro gagawin ni Diether iyon sa kaniya. Lalo na sa sitwasyong kinalalagyan niya ngayon. 

“Magpapakasal na kami ni Jane sa Linggo,” ulit ni Diether. Hindi niya alintana ang negatibong reaksyon ng babae sa harapan niya. 

Totoo nga. Hindi nagkamali si Anastacia ng dinig. Ito pala ang dahilan kung bakit siya ipinatawag nito sa study room alas syete pa lang ng umaga. 

Parang nagkaroon ng bikig sa lalamunan niya. Unti-unti ring bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Pati ang kalamnan niya ay nagsimulang manginig. 

Ni wala man lang siyang nakitang pagsisisi sa mukha nito. 

Tinapunan niya ng tinging puno ng galit at hinanakit si Diether. “Naririnig mo ba ang sarili mo, Diether?” mariin niyang tanong. “Bakit agad-agad?!”

“Matagal na ‘tong pinaghandaan ni Jane. At ayaw niya nang patagalin pa ‘to.”

Sarkastikong tumawa si Anastacia. Ang babaeng ‘yon na naman pala ang dahilan. “Kailan niyo pang binalak magpakasal?” 

“Pagkatapos mong pirmahan ang divorce papers,” walang anumang sagot ni Diether sa kaniya. 

Muli ay natigilan si Anastacia. Ibig sabihin, halos na anim na buwan na. 

“Ang tindi niyo.” Hindi niya alam kung matatawa ba siya o ano. Sa pangalawang pagkakataon, pakiramdam niya ay pinagtaksilan na naman siya ni Diether. “Napakatindi niyo, Diether. Hindi na ba talaga makapaghintay ‘yang kati niyo?”

“Stop talking nonsense, Anastacia. Matagal na tayong hiwalay–”

“Malapit na akong manganak, Diether! Kabuwanan ko na sa susunod na buwan! Ni hindi niyo man lang ba mahintay na makapanganak man lang muna ako?!” 

Muntik na siyang bumagsak sa sahig. Buti na lang at may mesa pa siyang nakapitan. Sobrang naninikip ang dibdib niya sa mga oras na ‘to. Pakiramdam niya ay sasabog ito sa sobrang galit at sakit. 

Sa isang iglap ay bumalik sa kaniya ang nangyari pitong buwan na ang nakakalipas. 

Itinapon ni Diether ang isang taon nila bilang mag-asawa para kay Jane. Noong una ay hindi niya alam kung bakit siya hiniwalayan ng lalaki. At nalaman niya lang ‘yon nang makaharap niya si Jane. 

“Buntis ka na hindi ba?” tanong ni Jane sa kaniya saka siya ginalugad ng nandidiring tingin mula paa hanggang ulo. “Ibig sabihin no’n, nagampanan mo na ang silbi mo bilang asawa ni Diether.”

Gulong-gulo si Anastacia sa mga sinabi ni Jane. “Ano bang pinagsasabi mo? Pwede bang diretsahin mo na lang ako?”

“Napakabobita mo talaga.” Natawa si Jane at saka siya inirapan. “Akala mo ba talaga ay pinakasalan ka ni Diether dahil mahal ka niya? Para sabihin ko sayo, Anastacia, pinakasalan ka lang ni Diether para magkaanak. Kailangan niya ng tagapagmana sa hinaharap. At hindi ko ‘yon kayang ibigay sa kaniya dahil may problema ako sa matres.”

Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo ni Anastacia. 

“At dahil buntis ka na, pwede ka na naming dispatsahin sa mga buhay namin. Well, hindi pa naman ngayon. Saka na, pagkatapos mong ilabas ang anak namin ni Diether.”

“A-Ano?” halos walang tinig na sambit ni Anastacia. 

Iritang bumuntong hininga si Jane. “Bakit ba ang hina mong pumick-up? Hindi ka ba nagtataka kung bakit sekreto lang ang naging kasal niyo ni Diether sa kabila ng estado niya sa buhay? At kung bakit sa Amerika niyo ‘yon ginanap? Dahil ‘yon sa hindi ka naman talaga magiging permanenteng Mrs. Ford.”

Noon niya lang napagtanto kung bakit siya biglang hiniwalayan ni Diether ilang araw matapos niyang sabihin ditong nagdadalang-tao siya. 

At nang tatlong buwan na siyang buntis, pinapirma naman sa kaniya ng lalaki ang divorce papers nila. 

Gustuhin niya mang umalis na sa poder nito ay hindi niya magawa dahil bantay-sarado siya ng mga tauhan nito. Ang sabi ay hindi siya makakaalis sa poder ng mga Ford hanggang hindi niya pa nailuluwal ang magiging tagapagmana ng mga ito sa hinaharap. 

Akala niya ay wala nang mas sasakit pa sa ginawa ni Diether sa kaniya noong naghiwalay sila. Pero nagkamali siya. Dahil ito na naman ang lalaki sa harapan niya, dala ang panibagong pasakit sa buhay niya. 

“Konting panahon na lang, Diether. Mahirap ba ‘yon? Ang hintaying mailuwal ko ang anak natin?”

Umiwas lang ng tingin si Diether. Ilang saglit pa ay kinuha na nito ang bag niya at saka nilampasan si Anastacia. “Papasok na ako sa opisina. Sabihin mo na lang kay Nancy kung may kailangan ka.”

Bago pa ito makalabas ng opisina ay biglang bumukas ang pinto. Mula roon ay patalon na yumakap si Jane kay Diether.

Agad na nag-iwas ng tingin si Anastacia at saka pinahid ang luha sa kaniyang mga pisngi. 

“Ingat ka. Paghahanda kita ng paborito mo sa hapunan. I love you,” malambing na paalam ni Jane. 

Nang makaalis si Diether ay saka siya hinarap ni Jane at nginisihan. “I guess sinabi niya na sa ‘yo na ikakasal na kami next week?” 

Ngunit sa halip na sagutin niya ‘to ay pasibad niya itong nilampasan at lumabas ng silid. 

Mabigat ang sinapupunan niya pero tila ba gumaan ‘yon dahilan para bumilis ang mga hakbang niya. 

Malapit na siya sa may hagdan nang biglang humarang si Jane sa harapan niya. 

“Bakit naman nagmamadali kang umalis?” painosenteng tanong nito. “Aww. Umiyak ka ba?” 

Sinamaan siya ng tingin ni Anastacia. “Tumabi ka. Dadaan ako.”

Ngunit hindi nagpatinag si Jane. Pinagkrus pa nito ang mga braso sa dibdib at saka siya tinaasan ng kilay. 

“Bilib din talaga ako sa ‘yo, Anastacia. Umaasa ka pa rin bang magkakabalikan pa kayo ni Diether matapos ang lahat?” 

“Ayokong makipagtalo pa sa ‘yo, Jane. Pwede bang padaanin mo na ‘ko?” mahinahong pakiusap ni Anastacia. Wala na siyang lakas para makipagtarayan sa babae. Gusto niya na lang bumaba at magpahangin sa hardin. 

Gusto niyang umiyak nang umiyak para maibsan ang sakit na nararamdaman niya pero pinipigilan niya ang sarili dahil ayaw niyang ma-stress pa lalo ang kambal niya. 

“Kabuwanan mo na ngayon ‘di ba? Ibig sabihin, malapit mo nang iluwal ang anak namin ni Diether.”

Tumalim ang tingin ni Anastacia sa ambisyosang babae. “Wala kang karapatan sa anak ko, Jane. Tandaan mo ‘yan,” diin niya. 

Ano pa bang pinuputak nito? 

Nakuha niya na nga si Diether mula sa kaniya. Pati ba naman ang anak niya?

Hindi siya papayag. Kung kinakailangan niyang itago ang mga anak niya mula sa ama ng mga ‘to, gagawin niya. Hindi niya hahayaang mawalay ang mga ito sa kaniya. 

Natawa si Jane. “Nahihibang ka na ba, Anastacia? Alam mo naman ang usapan ‘di ba? Walang sa ‘yo hangga't naririto ka sa poder ng mga Ford. Kaya sa ‘min ni Diether ang baby na ‘yan. ‘Di ba, baby—”

Akmang hahaplusin ni Jane ang tiyan ni Anastacia nang bigla siya nitong tabigin, dahilan upang mawalan ng balanse ang babae. 

Agad na nanlaki ang mga mata ni Anastacia sa sumunod na pangyayari. 

“Jane!”

Kaugnay na kabanata

  • The Billionaire's Ex-Wife Returns    Chapter 2

    “Hayop kang babae ka!” Pabulusok na sinugod ni Mildred si Anastacia. Nagpupuyos ito sa galit na sumugod sa mansyon nang mabalitaan ang nangyari sa kaniyang kapatid na si Jane. “Maniwala ka sa ‘kin, Mildred. Hindi ko sinasadya ang nangyari,” depensa ni Anastacia. Isang oras na ang nakalipas mula nang aksidenteng mahulog si Jane sa hagdan. Agad naman siyang naisugod sa ospital ng mga tauhan ng Ford. Galit man siya kay Jane ay sobrang nag-aalala pa rin siya para rito. Hindi niya kailanman hiniling na may mangyaring masama sa babae sa kabila ng lahat. “Sinungaling! Kung alam ko lang, sinadya mo ‘yon dahil sa sobrang galit at inggit mo sa kaniya!” ayaw paawat na sumbat ni Mildred. “Hindi mo matanggap na ginamit ka lang ni Diether para magkaanak. Ganiyan ka na ba talaga kadesperada ha?! Talagang aabot ka sa sukdulang pumatay ng tao para lang hindi siya maging sagabal sa inyo ni Diether?”“Aksidente ang nangyari, Mil–”Ngunit bago pa matapos ni Anastacia ang sasabihin ay sinalubong na siy

  • The Billionaire's Ex-Wife Returns    Chapter 3.1

    Makalipas ang limang taon…“Axel, magpalit ka na at malapit nang magsimula ang party,” ani Yaya Nancy sa limang taong batang lalaki na si Axel. Ngunit nanatiling nakatalikod ang munting binata sa kaniya. Abala ito sa pagpipinta. Malapit niya na itong matapos. At ayaw niyang paistorbo sa kahit ninoman. Para sa kaniya ay mas mahalaga ang kaniyang ipinipinta kaysa sa birthday party niya sa labas. Sa loob kasi ng limang taon ay palaging magarbo ang handaan para sa kaniyang kaarawan. Iyon kasi ang nais ng kaniyang mommy at daddy. At dahil doon ay unti-unti na rin siyang nanawa. Hindi niya rin kasi maramdaman ang kaniyang kaarawan dahil puro matatanda ang dumadalo rito. Ni wala nga siyang kakilala sa mga ito maliban lamang sa kapamilya niya. “Axel, hijo, halika na at magbihis ka na. Hinihintay ka na nila mommy mo sa baba,” muling kumbinsi ni Yaya Nancy rito. Ngunit umiling lamang si Axel. “Pwede po bang ‘wag ma lang akong lumabas, yaya? Mas gusto ko na lang pong magkulong sa kwarto at ta

  • The Billionaire's Ex-Wife Returns    Chapter 3.2

    “Nasaan ang anak ko?!” dumagundong ang galit na boses ni Diether sa hardin ng mansyon. Agad kasi na itinawag ni Yaya Nancy ang nangyari kay Axel sa kaniya. Taranta siyang sinalubong nina Fiona at Mildred. “D-Diether…” Hindi alam ni Mildred kung paano kakausapin ang lalaki. Kitang-kita kasi ang galit sa mukha nito. Parang konting-konti na lang ay mapipigtas na ang pasensya nito at makakapatay ng tao. “Pasensya na. Kasalanan ko. A-Ayaw niya kasing lumabas sa kwarto niya kaya hinayaan ko na muna siya roon. H-Hindi ko naman kasi alam na tatalon siya sa kwarto niya. Nalingat lang ako nang kaunti tapos–”“Ayokong marinig ang paliwanag mo ngayon. Nasaan ang anak ko?” matalim na putol ni Diether sa kaniya. “Kumalma ka, hijo. Naisugod naman na ang apo ko sa ospital. Magiging okay rin siya,” sabat ni Fiona. Binalingan lang siya nang matalim na tingin ni Diether dahilan para maumid ang kaniyang dila. “Ni wala man lang sa inyong dalawa ang sumama kay Axel. Mananagot kayo kapag may nangyaring

  • The Billionaire's Ex-Wife Returns    Chapter 4

    “Dra. Villareal, kailangan talagang ikaw ang magsagawa ng operasyon. Wala tayong oras na dapat sayangin. Buhay ng bata ang nakasalalay rito,” muling pakiusap kay Stacy ni Dr. Medina. “Ano po ba kasing trip ng lalaking ‘yon at siya ang namimili ng mag-oopera sa anak niya gayong may naka-assign na?” inis na tanong ni Stacy. “Hindi ko rin alam. Pero kailangan natin siyang sundin. Nagbanta na siyang babawiin niya ang shares niya sa ospital kapag hindi ikaw ang naging doktor ng anak niya. Kapag nangyari ‘yon, hindi kakayanin ng ospital na makapaghanap agad ng kapalit niya.”Kita sa itsura ni Dr. Medina ang stress dahil sa pabor ni Diether. Pati ito ay hindi maintindihan kung anong nasa isip ng negosyante. Nagawa nitong ilagay sa panganib ang anak niya para sa walang kakwenta-kwentang dahilan. Nang marinig ni Stacy ang pagbabantang ginawa ni Diether ay lalong nagpuyos ang kaniyang galit. Sa isip niya, iba na talaga ang takbo ng isip ng mga mayayaman. Akala nila ay makukuha nila ang lahat

  • The Billionaire's Ex-Wife Returns    Chapter 5

    “Nasaan si Dra. Villareal?” tanong ni Diether pagkapasok na pagkapasok niya sa office ni Stacy. Akala niya ay matatagpuan niya roon ang dalaga ngunit tanging ang isang babaeng nurse lamang ang naabutan niya. “Ay nakaalis na po si doktora, Mr. Ford. Out na po kasi niya. Sasabihin ko na lang po na napadaan kayo bukas.” Kinakabahan ang babae dahil baka bigla siyang sigawan ng lalaki. Gayunpaman ay pinilit niyang ayusin ang kaniyang boses dahil baka lalo siyang malagot. Paano ba namang hindi siya matatakot? Kunot na kunot ang noo nito. Ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin at agad na hinablot ang calling card na nakalapag sa mesa ng doktora. Saka ito dali-daling lumabas ng opisina. Doon lamang nakahinga nang maluwag ang babae. Ngunit agad iyong napalitan ng kaba para sa doktora. Kilala bilang magaling at mabait na doktor si Stacy kahit na kakalipat niya pa lang sa St. Joseph’s Hospital noong nakaraang taon. Pero mukhang mapapatalsik na siya dahil sa ginawang pagtanggi sa ca

  • The Billionaire's Ex-Wife Returns    Chapter 6

    “At namuhay sila nang masaya magpakailanman…”Isinara ni Stacy ang napiling librong pambata ng kambal para sa gabing ito. Napangiti siya nang makitang mahimbing nang natutulog sina Athena at Collins. Sa kabila ng pagiging abala ni Stacy sa trabaho ay hindi niya pa rin pinapabayaan ang responsibilidad niya bilang ina sa mga anak. Kung maaari nga lang na nasa tabi nila siya lagi ay gagawin niya. Tumayo na siya sa pagkakaupo at saka itinabi ang silyang ipinuwesto niya sa pagitan ng mga kama ng kambal. Matapos ay saka niya binalikan ang dalawa at kinintalan ng tig-isang halik sa noo. “Mahal na mahal ko kayo, mga anak…”Sa loob ng limang taon ay sina Athena at Collins ang nagsilbing lakas niya upang mabuhay sa mundo. Sawi man siya pagdating sa lalaki, hindi naman siya binigo ng Maykapal pagdating sa kaniyang mga anak. Likas na mababait na mga bata ang mga ito. At mahal na mahal siya ng mga ito. Sa kabila ng pagiging premature babies, lumaking normal at malusog ang dalawa. Nalagpasan n

  • The Billionaire's Ex-Wife Returns    Chapter 7

    “D-Diether…” Halos hindi na umabot sa pandinig ni Diether ang boses ng doktorang nasa harapan. Saglit lamang siyang umalis mula sa pagbabantay kay Axel dahil nakaramdam siya ng gutom. At hindi niya inaasahang madadatnan niya ang doktora mula sa silid ng anak. Nanatiling nakaawang ang kaniyang mga labi dahil sa nasilayan. “Mr. Ford, ayos lang ba kayo? Para kayong nakakita ng multo,” komento ni Stacy nang mapansin ang pagkatulala ng lalaki. Hindi iyon sapat para bumalik ang katawang lupa ni Diether. Tunay na para siyang nakakita ng multo sa katauhan ng doktora. Hindi niya nasilayan ang mukha nito kanina dahil lagi itong may suot na face mask. Pero ngayon ay malaya niyang natitigan ang mukha ng babae. At kamukhang-kamukha nito ang yumao niyang asawa, si Anastacia. Ilang beses na kumurap si Diether upang masiguradong hindi siya niloloko ng kaniyang paningin. Akala niya ay binabangungot siya nang mga oras na ‘yon. Ngunit hindi naglaho ang babae sa kabila nang mariin niyang pagpikit.

  • The Billionaire's Ex-Wife Returns    Chapter 8

    Pupungas-pungas na kinusot ni Stacy ang kaniyang mga mata. Kakagising niya lang mula sa mahabang oras na pagkakahimbing. Kaagad niyang inapuhap ang bedside clock niya para tingnan ang oras. “Oh, shit!” napapamura siyang bumangon, muntik pang mahulog sa kaniyang higaan. Paano ba namang hindi siya mapapamura?Alas onse na ng umaga. Sigurado siyang napasarap ang tulog niya dahil sa halos bente kwatro oras niyang duty kahapon. Kung hindi pa nga siya sinita ni Dr. Medina at pinauwi ay talagang mananatili pa siya sa ospital hanggang alas kwatro ng madaling araw. Ngunit dahil sa pamimilit ni Dr. Medina sa kaniya, wala na siyang nagawa kundi ang umuwi bandang alas dose y media ng madaling araw. Panatag na rin naman siya dahil alam niya nang binabantayan ni Diether ang anak niya sa mga oras na ‘yon. Nagmamadali niyang hinablot ang kaniyang twalya sa sabitan at akmang papasok na sa banyo nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya. “Good morning, mama!” masiglang bati nina Athena at Co

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Ex-Wife Returns    Chapter 12.1

    Chapter 12.1Sa kasalukuyan…“Sabi ng doctor, stable na siya. Pero it’s been three days at hindi pa rin siya nagigising. Ang sabi ay nagre-regain pa ang katawan niya ng lakas kaya ganoon,” paliwanag ni Diether kay Calix. “That’s good to hear. Nag-alala talaga ako nang marinig ko ang nangyari. Excited pa naman akong umuwi dahil madami akong biniling pasalubong para sa kaniya.”Talagang sobrang malapit ang loob ni Calix sa inaanak. Napakabait at masunurin kasi nitong bata. Kaya naman hindi nito nakakalimutang bumili ng pasalubong para dito kada uuwi siya galing sa ibang bansa. “Bawas-bawasan mo naman ang pag-spoil sa anak ko. Nagseselos na ako sa ‘yo ah. Baka sa susunod mas gusto ka na no’ng makasama kaysa sa ‘kin,” biro ni Diether. Hindi naiwasang mapahalakhak ni Calix. Alam niya kasing may halong katotohanan ang biro ng kaharap. Maya-maya pa ay mayabang siyang nagkibit-balikat. “Hindi ko na kasalanan kapag nangyari ‘yon. Bawasan mo rin kasi ang kakasubsob sa trabaho. Kung wala ka l

  • The Billionaire's Ex-Wife Returns    Chapter 11

    “Angas ah. Hindi lang siya pumayag na bumuntis ka ng iba. Talagang nag-suggest pa siya ng candidate,” natatawang komento ni Calix. Hindi rin maiwasang mapatawa ni Diether. “Maybe she’s just helping me. After all, siya rin naman ang kikilalaning ina ng magiging anak ko sa babae.”Napakibit-balikat si Calix. “Siguro nga. Pero bakit daw? Why that specific Anastacia girl?”Hindi agad nakasagot. Tumayo siya mula sa kaniyang swivel chair at saka naglakad patungo sa glass wall ng kaniyang opisina. Napako ang kaniyang tingin sa ganda ng city lights sa ibaba. Para itong mga alitaptap na pakinang-kinang sa gabi. Muli ay sumimsim siya sa kaniyang baso bago hinarap si Calix. “She told me she hated that girl. Malaki raw ang kasalanan nito sa kaniya which caused her to transfer school in the past.”Napangiwi si Calix. “Oh ano namang kinalaman no’n sa pagha-hunting mo ng mapapangasawa? ‘Wag mong sabihing gagamitin ka niya para maghiganti ro’n sa babae?”“Exactly.”“At pumayag ka naman?!” gulantan

  • The Billionaire's Ex-Wife Returns    Chapter 10

    “Nabalitaan ko ang nangyari. Kumusta na ang pamangkin ko?” untag ni Calix sa tulalang kaibigan. Kakabalik niya lang galing sa ibang bansa para sa isang business venture nang mabalitaan niya ang nangyari sa kaniyang inaanak. Si Calix Olivarez ang pinakamatalik na kaibigan ni Diether. Mula pa high school ay magkasanggang-dikit na ang dalawang ito. Mapatrobol man o kasiyahan palagi silang magkasama. Kaya alam nito lahat tungkol kay Diether. Alam din nito ang ginawa niyang kagaguhan sa nakaraan. Naroon siya noong panahong pinakasalan ni Diether si Anastacia. Isa pa nga siya sa mga naging witness noon. Nang ibalita sa kaniya ni Diether ang pagpapakasal nito ay nagulat pa siya. Ang alam kasi nito ay mahal pa rin nito ang kaniyang ex na si Jane, na hiniwalayan siya para sa kaniyang career noon. Sa kabila ng hiwalayan nila, sina Diether at Jane pa rin ang nakatakdang magpakasal sa hinaharap dahil pinagkasundo na sila ng kanilang mga magulang noon pa man. At ang hiwalayan ng dalawa ay pans

  • The Billionaire's Ex-Wife Returns    Chapter 9

    "Anastacia?”Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ni Jane sa mga sandaling iyon. Pati ang mga balahibo niya ay mabilis na nanindig. Para siyang hahapuin dahil sa bilis ng paghinga. Dahil sa panghihina ay nahulog ang sling bag niya sa sahig mula sa pagkakadulas sa kamay niya. Agad siyang natauhan nang marinig niya ang bulungan ng mga tao sa paligid niya. “Hoy, ‘di ba si Jane Andres ‘yon? ‘Yong sikat na artista?”“Grabe! Mas maganda pala talaga siya sa personal ‘no?”“Oo nga. Tapos parang wala siyang ka-pores-pores!”Kung sa normal na pagkakataon, pumapalakpak na ang tainga ni Jane sa mga komento ng mga tao. Mahal na mahal nito ang kasikatan niya. At gustong-gusto niya kapag binabato siya ng mga puri ng mga tao. Subalit ang galak na nararamdaman niya kapag gano’n ay hindi lumitaw. Hindi ngayong nakakita siya ng multo mula sa kaniyang nakaraan. Nang mapansin niyang dumadami na ang taong nakakapansin sa kaniya ay agad siyang kumilos at pinulot ang laman ng bag niyang natapon. At nang muli

  • The Billionaire's Ex-Wife Returns    Chapter 8

    Pupungas-pungas na kinusot ni Stacy ang kaniyang mga mata. Kakagising niya lang mula sa mahabang oras na pagkakahimbing. Kaagad niyang inapuhap ang bedside clock niya para tingnan ang oras. “Oh, shit!” napapamura siyang bumangon, muntik pang mahulog sa kaniyang higaan. Paano ba namang hindi siya mapapamura?Alas onse na ng umaga. Sigurado siyang napasarap ang tulog niya dahil sa halos bente kwatro oras niyang duty kahapon. Kung hindi pa nga siya sinita ni Dr. Medina at pinauwi ay talagang mananatili pa siya sa ospital hanggang alas kwatro ng madaling araw. Ngunit dahil sa pamimilit ni Dr. Medina sa kaniya, wala na siyang nagawa kundi ang umuwi bandang alas dose y media ng madaling araw. Panatag na rin naman siya dahil alam niya nang binabantayan ni Diether ang anak niya sa mga oras na ‘yon. Nagmamadali niyang hinablot ang kaniyang twalya sa sabitan at akmang papasok na sa banyo nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya. “Good morning, mama!” masiglang bati nina Athena at Co

  • The Billionaire's Ex-Wife Returns    Chapter 7

    “D-Diether…” Halos hindi na umabot sa pandinig ni Diether ang boses ng doktorang nasa harapan. Saglit lamang siyang umalis mula sa pagbabantay kay Axel dahil nakaramdam siya ng gutom. At hindi niya inaasahang madadatnan niya ang doktora mula sa silid ng anak. Nanatiling nakaawang ang kaniyang mga labi dahil sa nasilayan. “Mr. Ford, ayos lang ba kayo? Para kayong nakakita ng multo,” komento ni Stacy nang mapansin ang pagkatulala ng lalaki. Hindi iyon sapat para bumalik ang katawang lupa ni Diether. Tunay na para siyang nakakita ng multo sa katauhan ng doktora. Hindi niya nasilayan ang mukha nito kanina dahil lagi itong may suot na face mask. Pero ngayon ay malaya niyang natitigan ang mukha ng babae. At kamukhang-kamukha nito ang yumao niyang asawa, si Anastacia. Ilang beses na kumurap si Diether upang masiguradong hindi siya niloloko ng kaniyang paningin. Akala niya ay binabangungot siya nang mga oras na ‘yon. Ngunit hindi naglaho ang babae sa kabila nang mariin niyang pagpikit.

  • The Billionaire's Ex-Wife Returns    Chapter 6

    “At namuhay sila nang masaya magpakailanman…”Isinara ni Stacy ang napiling librong pambata ng kambal para sa gabing ito. Napangiti siya nang makitang mahimbing nang natutulog sina Athena at Collins. Sa kabila ng pagiging abala ni Stacy sa trabaho ay hindi niya pa rin pinapabayaan ang responsibilidad niya bilang ina sa mga anak. Kung maaari nga lang na nasa tabi nila siya lagi ay gagawin niya. Tumayo na siya sa pagkakaupo at saka itinabi ang silyang ipinuwesto niya sa pagitan ng mga kama ng kambal. Matapos ay saka niya binalikan ang dalawa at kinintalan ng tig-isang halik sa noo. “Mahal na mahal ko kayo, mga anak…”Sa loob ng limang taon ay sina Athena at Collins ang nagsilbing lakas niya upang mabuhay sa mundo. Sawi man siya pagdating sa lalaki, hindi naman siya binigo ng Maykapal pagdating sa kaniyang mga anak. Likas na mababait na mga bata ang mga ito. At mahal na mahal siya ng mga ito. Sa kabila ng pagiging premature babies, lumaking normal at malusog ang dalawa. Nalagpasan n

  • The Billionaire's Ex-Wife Returns    Chapter 5

    “Nasaan si Dra. Villareal?” tanong ni Diether pagkapasok na pagkapasok niya sa office ni Stacy. Akala niya ay matatagpuan niya roon ang dalaga ngunit tanging ang isang babaeng nurse lamang ang naabutan niya. “Ay nakaalis na po si doktora, Mr. Ford. Out na po kasi niya. Sasabihin ko na lang po na napadaan kayo bukas.” Kinakabahan ang babae dahil baka bigla siyang sigawan ng lalaki. Gayunpaman ay pinilit niyang ayusin ang kaniyang boses dahil baka lalo siyang malagot. Paano ba namang hindi siya matatakot? Kunot na kunot ang noo nito. Ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin at agad na hinablot ang calling card na nakalapag sa mesa ng doktora. Saka ito dali-daling lumabas ng opisina. Doon lamang nakahinga nang maluwag ang babae. Ngunit agad iyong napalitan ng kaba para sa doktora. Kilala bilang magaling at mabait na doktor si Stacy kahit na kakalipat niya pa lang sa St. Joseph’s Hospital noong nakaraang taon. Pero mukhang mapapatalsik na siya dahil sa ginawang pagtanggi sa ca

  • The Billionaire's Ex-Wife Returns    Chapter 4

    “Dra. Villareal, kailangan talagang ikaw ang magsagawa ng operasyon. Wala tayong oras na dapat sayangin. Buhay ng bata ang nakasalalay rito,” muling pakiusap kay Stacy ni Dr. Medina. “Ano po ba kasing trip ng lalaking ‘yon at siya ang namimili ng mag-oopera sa anak niya gayong may naka-assign na?” inis na tanong ni Stacy. “Hindi ko rin alam. Pero kailangan natin siyang sundin. Nagbanta na siyang babawiin niya ang shares niya sa ospital kapag hindi ikaw ang naging doktor ng anak niya. Kapag nangyari ‘yon, hindi kakayanin ng ospital na makapaghanap agad ng kapalit niya.”Kita sa itsura ni Dr. Medina ang stress dahil sa pabor ni Diether. Pati ito ay hindi maintindihan kung anong nasa isip ng negosyante. Nagawa nitong ilagay sa panganib ang anak niya para sa walang kakwenta-kwentang dahilan. Nang marinig ni Stacy ang pagbabantang ginawa ni Diether ay lalong nagpuyos ang kaniyang galit. Sa isip niya, iba na talaga ang takbo ng isip ng mga mayayaman. Akala nila ay makukuha nila ang lahat

DMCA.com Protection Status