Share

Chapter 5

Author: itsmauve
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

“Nasaan si Dra. Villareal?” tanong ni Diether pagkapasok na pagkapasok niya sa office ni Stacy. 

Akala niya ay matatagpuan niya roon ang dalaga ngunit tanging ang isang babaeng nurse lamang ang naabutan niya. 

“Ay nakaalis na po si doktora, Mr. Ford. Out na po kasi niya. Sasabihin ko na lang po na napadaan kayo bukas.” Kinakabahan ang babae dahil baka bigla siyang sigawan ng lalaki. Gayunpaman ay pinilit niyang ayusin ang kaniyang boses dahil baka lalo siyang malagot. 

Paano ba namang hindi siya matatakot? Kunot na kunot ang noo nito. 

Ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin at agad na hinablot ang calling card na nakalapag sa mesa ng doktora. Saka ito dali-daling lumabas ng opisina. 

Doon lamang nakahinga nang maluwag ang babae. Ngunit agad iyong napalitan ng kaba para sa doktora. 

Kilala bilang magaling at mabait na doktor si Stacy kahit na kakalipat niya pa lang sa St. Joseph’s Hospital noong nakaraang taon. Pero mukhang mapapatalsik na siya dahil sa ginawang pagtanggi sa case ng anak ng isa sa mga pinakamalaking shareholder ng ospital. 

Samantala…

Nang makalabas si Stacy sa silid ni Axel Villareal para sa kaniyang huling round ay agad niyang tinawagan si Santi, ang doktor na tumulong sa kaniya noon. Inaya niya itong makipagkita sa kaniya para tanungin. Ang dami-daming bumabagabag sa isip niya at kailangan niya ng kasagutan sa mga iyon ngayon dahil kung hindi ay masisiraan siya ng ulo. 

“Stacy, bakit nag-aya ka bigla? May nangyari ba sa kambal?” alalang tanong ni Santi nang makarating siya sa restaurant na inihayag ni Stacy. 

Humugot nang malalim na hininga si Stacy bago batuhin ng tanong ang walang-malay na si Santi. “Magtapat ka nga sa ‘kin, Santi.”

Bumalatay ang pagkalito sa mukha ni Santi. “Ha? Anong pinagsasabi mo? Anong ipagtatapat ko?”

“Ilan ba talaga ang anak ko?” seryosong bato ni Stacy.

Napanganga si Santi. Maya-maya pa ay humagalpak ito ng tawa. “Sabog ka ba, Stacy? Nasobrahan ka ata sa kaka-OT mo,” ubos-hiningang biro nito. “Pero seryoso, bakit mo ba ako inaya? May problema ba sa bahay niyo?”

“Seryoso ako, Santi. Ilan ang anak ko noong itinakas mo ako mula sa mga Ford?” ‘di patinag na tanong ni Stacy. 

Natameme si Santi. Napagtanto niyang seryoso nga talaga si Stacy. Kinakabahan man ay pilit niyang sinagot si Stacy. “D-Dalawa lang naman ang anak mo, Stacy. Si Athena at Collins lang ang anak mo.” 

Blag!

Nagulat si Santi nang biglang kalampagin ni Stacy ang mesa. Hindi niya alintana ang pagtingin ng ibang tao sa loob ng restaurant. Ngunit mas nagulantang siya nang mag-angat ng tingin si Stacy. 

Nagbabadya sa pagtulo ang luha sa mga mata niya. 

“Huwag na tayong maglokohan pa rito, Santi. Kanina sa ospital. May inoperahan akong batang kamukhang-kamukha ni Athena. Hindi ako pwedeng magkamali dahil anak siya ni Diether Ford! Anak siya ng hayop na ‘yon!” 

Napanganga si Santi sa isiniwalat ni Stacy. Akala niya ay malulusutan niya ito habangbuhay. Ngunit hindi pala. Talaga palang lalabas at lalabas ang katotohanan kahit gaano mo pa ito itago. 

Inabot niya ang nanginginig na mga kamay ni Stacy at saka iyon marahang pinisil. “Patawarin mo ako sa paglilihim sa ‘yo ng totoo, Stacy. Kaya ko lang naman ‘yon nasabi kasi ayaw na kitang pahirapan pa. Sapat na ang mga pasakit na naranasan mo sa mga kamay nila,” umpisa niya. 

“P-Pero bakit, Santi? Anak ko rin ‘yon,” basag ang boses niyang pagsusumamo. 

“Alam ko, Stacy. At alam ko rin na hindi ka papayag na hindi makuha ang isa mo pang anak kapag nalaman mong nasa kamay nila siya. Mahirap ang sitwasyon noon, Stacy. Akala ko ay patay na ang ikalawang sanggol na lumabas sa sinapupunan mo,” pag-amin ni Santi. 

Kumunot ang noo ni Stacy. “A-Anong sabi mo?”

“Walang pulsong lumabas ang ikalawang sanggol, Stacy.”

“Naguguluhan ako. Anong ibig mong sabihin?”

“Alam kong dalawang kambal lang ang na-detect natin no’ng nagpa-ultrasound ka, Stacy. Akala ko rin. Kaya nagulat ako nang may pangatlong baby pang lumabas. ‘Yon si Collins,” paliwanag ni Santi. 

Parang sinulid na nagbuhol-buhol ang utak ngayon ni Stacy. “A-Anong nangyari sa namatay na sinasabi mo?”

“He’s a miracle baby, Stacy. Halos kalahating oras namin siyang sinubukang i-revive. Umasa kami na mabubuhay pa siya. At salamat sa Diyos dahil nabuhay nga siya.”

“A-Anong nangyari pagkatapos? Bakit hindi ko na siya nakita? Bakit hindi mo ‘to sinabi sa ‘kin?”

“Naisip ko nang mga oras na ‘yon na since ang alam mo ay dalawang sanggol lang ang iluluwal mo, hindi ko na sasabihin sa ‘yo. Ipinalabas kong ikaw lang ang namatay sa panganganak. Ibinigay ko sa mga Ford ang isa mo pang anak, Stacy. Patawarin mo ‘ko.”

Tiningnan ni Stacy si Santi nang may sama ng loob. “Bakit, Santi?”

“Anak ko rin ‘yon. Ang usapan ay itatakas natin lahat ng anak ko. Bakit mo ginawa ‘yon? Alam mong ang kwento ko,” hinanakit niya. 

“Alam ko, Stacy. Pero kapag itinakas ko ang pangatlo mong anak, mahuhuli nila tayo. Alam kong kapag pinalabas kong namatay kayong dalawa, mag-iimbestiga si Diether. Nagawa ko kayong itakas nina Athena at Collins dahil hindi nila alam na may dalawa ka pang anak. Pero iyong nauna, alam nila.

Hindi ka hahayaang makawala ni Diether kapag nalaman niyang buhay ka pa. Lalong-lalo na kapag nalaman niyang may dalawa pa kayong anak. Kaya sana maintindihan mo kung bakit ko nagawa ‘yon.”

Unti-unti ay nalinawan si Stacy sa dahilan ni Santi. 

Tama si Santi. At naiintindihan niya na ngayon. 

Pero masakit pa rin ang puso niya. 

Hindi niya pa rin matanggap ang nangyari. Ang mawalay nga sa anak niya ay mahirap na. Paano pa ngayong nakita niya na kung paano nila pinabayaan si Axel?

Hindi siya matatahimik. 

Babawiin niya si Axel mula sa kanila. 

‘Hintayin mo ang mommy, Axel. Pangako, babawiin kita. Magsasama tayong muli at ng mga kapatid mo anak,’ aniya sa isip. 

“Kailangan ko siyang kunin sa kanila, Santi. Tulungan mo ako.”

Nanlaki ang mga mata ni Santi. “Nababaliw ka na ba, Stacy? Baka nakakalimutan mong napakamakapangyarihan ng mga Ford? Wala kang laban sa kanila. Bakit hindi mo na lang hayaan ang isa mong anak kay Diether. Sigurado naman akong aalagaan siyang mabuti ni Diether dahil sarili siya nitong dugo.”

“Aalagaan? Kung inaalagaan niya ang anak ko, wala sana siya sa ospital ngayon!” gigil na sumbat ni Stacy. “Kung ayaw mo akong tulungan, Santi, ako na lang ang gagawa ng paraan para mabalik sa ‘kin si Axel!” 

Pasibad na umalis si Stacy sa restaurant habang naiwan naman si Santing napapahilot sa sentido.

Related chapters

  • The Billionaire's Ex-Wife Returns    Chapter 6

    “At namuhay sila nang masaya magpakailanman…”Isinara ni Stacy ang napiling librong pambata ng kambal para sa gabing ito. Napangiti siya nang makitang mahimbing nang natutulog sina Athena at Collins. Sa kabila ng pagiging abala ni Stacy sa trabaho ay hindi niya pa rin pinapabayaan ang responsibilidad niya bilang ina sa mga anak. Kung maaari nga lang na nasa tabi nila siya lagi ay gagawin niya. Tumayo na siya sa pagkakaupo at saka itinabi ang silyang ipinuwesto niya sa pagitan ng mga kama ng kambal. Matapos ay saka niya binalikan ang dalawa at kinintalan ng tig-isang halik sa noo. “Mahal na mahal ko kayo, mga anak…”Sa loob ng limang taon ay sina Athena at Collins ang nagsilbing lakas niya upang mabuhay sa mundo. Sawi man siya pagdating sa lalaki, hindi naman siya binigo ng Maykapal pagdating sa kaniyang mga anak. Likas na mababait na mga bata ang mga ito. At mahal na mahal siya ng mga ito. Sa kabila ng pagiging premature babies, lumaking normal at malusog ang dalawa. Nalagpasan n

  • The Billionaire's Ex-Wife Returns    Chapter 7

    “D-Diether…” Halos hindi na umabot sa pandinig ni Diether ang boses ng doktorang nasa harapan. Saglit lamang siyang umalis mula sa pagbabantay kay Axel dahil nakaramdam siya ng gutom. At hindi niya inaasahang madadatnan niya ang doktora mula sa silid ng anak. Nanatiling nakaawang ang kaniyang mga labi dahil sa nasilayan. “Mr. Ford, ayos lang ba kayo? Para kayong nakakita ng multo,” komento ni Stacy nang mapansin ang pagkatulala ng lalaki. Hindi iyon sapat para bumalik ang katawang lupa ni Diether. Tunay na para siyang nakakita ng multo sa katauhan ng doktora. Hindi niya nasilayan ang mukha nito kanina dahil lagi itong may suot na face mask. Pero ngayon ay malaya niyang natitigan ang mukha ng babae. At kamukhang-kamukha nito ang yumao niyang asawa, si Anastacia. Ilang beses na kumurap si Diether upang masiguradong hindi siya niloloko ng kaniyang paningin. Akala niya ay binabangungot siya nang mga oras na ‘yon. Ngunit hindi naglaho ang babae sa kabila nang mariin niyang pagpikit.

  • The Billionaire's Ex-Wife Returns    Chapter 8

    Pupungas-pungas na kinusot ni Stacy ang kaniyang mga mata. Kakagising niya lang mula sa mahabang oras na pagkakahimbing. Kaagad niyang inapuhap ang bedside clock niya para tingnan ang oras. “Oh, shit!” napapamura siyang bumangon, muntik pang mahulog sa kaniyang higaan. Paano ba namang hindi siya mapapamura?Alas onse na ng umaga. Sigurado siyang napasarap ang tulog niya dahil sa halos bente kwatro oras niyang duty kahapon. Kung hindi pa nga siya sinita ni Dr. Medina at pinauwi ay talagang mananatili pa siya sa ospital hanggang alas kwatro ng madaling araw. Ngunit dahil sa pamimilit ni Dr. Medina sa kaniya, wala na siyang nagawa kundi ang umuwi bandang alas dose y media ng madaling araw. Panatag na rin naman siya dahil alam niya nang binabantayan ni Diether ang anak niya sa mga oras na ‘yon. Nagmamadali niyang hinablot ang kaniyang twalya sa sabitan at akmang papasok na sa banyo nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya. “Good morning, mama!” masiglang bati nina Athena at Co

  • The Billionaire's Ex-Wife Returns    Chapter 9

    "Anastacia?”Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ni Jane sa mga sandaling iyon. Pati ang mga balahibo niya ay mabilis na nanindig. Para siyang hahapuin dahil sa bilis ng paghinga. Dahil sa panghihina ay nahulog ang sling bag niya sa sahig mula sa pagkakadulas sa kamay niya. Agad siyang natauhan nang marinig niya ang bulungan ng mga tao sa paligid niya. “Hoy, ‘di ba si Jane Andres ‘yon? ‘Yong sikat na artista?”“Grabe! Mas maganda pala talaga siya sa personal ‘no?”“Oo nga. Tapos parang wala siyang ka-pores-pores!”Kung sa normal na pagkakataon, pumapalakpak na ang tainga ni Jane sa mga komento ng mga tao. Mahal na mahal nito ang kasikatan niya. At gustong-gusto niya kapag binabato siya ng mga puri ng mga tao. Subalit ang galak na nararamdaman niya kapag gano’n ay hindi lumitaw. Hindi ngayong nakakita siya ng multo mula sa kaniyang nakaraan. Nang mapansin niyang dumadami na ang taong nakakapansin sa kaniya ay agad siyang kumilos at pinulot ang laman ng bag niyang natapon. At nang muli

  • The Billionaire's Ex-Wife Returns    Chapter 10

    “Nabalitaan ko ang nangyari. Kumusta na ang pamangkin ko?” untag ni Calix sa tulalang kaibigan. Kakabalik niya lang galing sa ibang bansa para sa isang business venture nang mabalitaan niya ang nangyari sa kaniyang inaanak. Si Calix Olivarez ang pinakamatalik na kaibigan ni Diether. Mula pa high school ay magkasanggang-dikit na ang dalawang ito. Mapatrobol man o kasiyahan palagi silang magkasama. Kaya alam nito lahat tungkol kay Diether. Alam din nito ang ginawa niyang kagaguhan sa nakaraan. Naroon siya noong panahong pinakasalan ni Diether si Anastacia. Isa pa nga siya sa mga naging witness noon. Nang ibalita sa kaniya ni Diether ang pagpapakasal nito ay nagulat pa siya. Ang alam kasi nito ay mahal pa rin nito ang kaniyang ex na si Jane, na hiniwalayan siya para sa kaniyang career noon. Sa kabila ng hiwalayan nila, sina Diether at Jane pa rin ang nakatakdang magpakasal sa hinaharap dahil pinagkasundo na sila ng kanilang mga magulang noon pa man. At ang hiwalayan ng dalawa ay pans

  • The Billionaire's Ex-Wife Returns    Chapter 11

    “Angas ah. Hindi lang siya pumayag na bumuntis ka ng iba. Talagang nag-suggest pa siya ng candidate,” natatawang komento ni Calix. Hindi rin maiwasang mapatawa ni Diether. “Maybe she’s just helping me. After all, siya rin naman ang kikilalaning ina ng magiging anak ko sa babae.”Napakibit-balikat si Calix. “Siguro nga. Pero bakit daw? Why that specific Anastacia girl?”Hindi agad nakasagot. Tumayo siya mula sa kaniyang swivel chair at saka naglakad patungo sa glass wall ng kaniyang opisina. Napako ang kaniyang tingin sa ganda ng city lights sa ibaba. Para itong mga alitaptap na pakinang-kinang sa gabi. Muli ay sumimsim siya sa kaniyang baso bago hinarap si Calix. “She told me she hated that girl. Malaki raw ang kasalanan nito sa kaniya which caused her to transfer school in the past.”Napangiwi si Calix. “Oh ano namang kinalaman no’n sa pagha-hunting mo ng mapapangasawa? ‘Wag mong sabihing gagamitin ka niya para maghiganti ro’n sa babae?”“Exactly.”“At pumayag ka naman?!” gulantan

  • The Billionaire's Ex-Wife Returns    Chapter 12.1

    Chapter 12.1Sa kasalukuyan…“Sabi ng doctor, stable na siya. Pero it’s been three days at hindi pa rin siya nagigising. Ang sabi ay nagre-regain pa ang katawan niya ng lakas kaya ganoon,” paliwanag ni Diether kay Calix. “That’s good to hear. Nag-alala talaga ako nang marinig ko ang nangyari. Excited pa naman akong umuwi dahil madami akong biniling pasalubong para sa kaniya.”Talagang sobrang malapit ang loob ni Calix sa inaanak. Napakabait at masunurin kasi nitong bata. Kaya naman hindi nito nakakalimutang bumili ng pasalubong para dito kada uuwi siya galing sa ibang bansa. “Bawas-bawasan mo naman ang pag-spoil sa anak ko. Nagseselos na ako sa ‘yo ah. Baka sa susunod mas gusto ka na no’ng makasama kaysa sa ‘kin,” biro ni Diether. Hindi naiwasang mapahalakhak ni Calix. Alam niya kasing may halong katotohanan ang biro ng kaharap. Maya-maya pa ay mayabang siyang nagkibit-balikat. “Hindi ko na kasalanan kapag nangyari ‘yon. Bawasan mo rin kasi ang kakasubsob sa trabaho. Kung wala ka l

  • The Billionaire's Ex-Wife Returns    Chapter 1

    “Magpapakasal na kami ni Jane,” parang wala lang na siwalat ni Diether kay Anastacia. Nabato si Anastacia sa kinatatayuan niya. Nakatitig lang siya sa lalaki. Hanggang sa unti-unting nanlabo ang kaniyang paningin dahil sa luhang namuo sa mga mata niya. “A-Anong sabi mo?” nanginginig niyang tanong. Baka naman kasi nagkamali lang siya ng dinig. Hindi naman siguro gagawin ni Diether iyon sa kaniya. Lalo na sa sitwasyong kinalalagyan niya ngayon. “Magpapakasal na kami ni Jane sa Linggo,” ulit ni Diether. Hindi niya alintana ang negatibong reaksyon ng babae sa harapan niya. Totoo nga. Hindi nagkamali si Anastacia ng dinig. Ito pala ang dahilan kung bakit siya ipinatawag nito sa study room alas syete pa lang ng umaga. Parang nagkaroon ng bikig sa lalamunan niya. Unti-unti ring bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Pati ang kalamnan niya ay nagsimulang manginig. Ni wala man lang siyang nakitang pagsisisi sa mukha nito. Tinapunan niya ng tinging puno ng galit at hinanakit si Diether. “Nar

Latest chapter

  • The Billionaire's Ex-Wife Returns    Chapter 12.1

    Chapter 12.1Sa kasalukuyan…“Sabi ng doctor, stable na siya. Pero it’s been three days at hindi pa rin siya nagigising. Ang sabi ay nagre-regain pa ang katawan niya ng lakas kaya ganoon,” paliwanag ni Diether kay Calix. “That’s good to hear. Nag-alala talaga ako nang marinig ko ang nangyari. Excited pa naman akong umuwi dahil madami akong biniling pasalubong para sa kaniya.”Talagang sobrang malapit ang loob ni Calix sa inaanak. Napakabait at masunurin kasi nitong bata. Kaya naman hindi nito nakakalimutang bumili ng pasalubong para dito kada uuwi siya galing sa ibang bansa. “Bawas-bawasan mo naman ang pag-spoil sa anak ko. Nagseselos na ako sa ‘yo ah. Baka sa susunod mas gusto ka na no’ng makasama kaysa sa ‘kin,” biro ni Diether. Hindi naiwasang mapahalakhak ni Calix. Alam niya kasing may halong katotohanan ang biro ng kaharap. Maya-maya pa ay mayabang siyang nagkibit-balikat. “Hindi ko na kasalanan kapag nangyari ‘yon. Bawasan mo rin kasi ang kakasubsob sa trabaho. Kung wala ka l

  • The Billionaire's Ex-Wife Returns    Chapter 11

    “Angas ah. Hindi lang siya pumayag na bumuntis ka ng iba. Talagang nag-suggest pa siya ng candidate,” natatawang komento ni Calix. Hindi rin maiwasang mapatawa ni Diether. “Maybe she’s just helping me. After all, siya rin naman ang kikilalaning ina ng magiging anak ko sa babae.”Napakibit-balikat si Calix. “Siguro nga. Pero bakit daw? Why that specific Anastacia girl?”Hindi agad nakasagot. Tumayo siya mula sa kaniyang swivel chair at saka naglakad patungo sa glass wall ng kaniyang opisina. Napako ang kaniyang tingin sa ganda ng city lights sa ibaba. Para itong mga alitaptap na pakinang-kinang sa gabi. Muli ay sumimsim siya sa kaniyang baso bago hinarap si Calix. “She told me she hated that girl. Malaki raw ang kasalanan nito sa kaniya which caused her to transfer school in the past.”Napangiwi si Calix. “Oh ano namang kinalaman no’n sa pagha-hunting mo ng mapapangasawa? ‘Wag mong sabihing gagamitin ka niya para maghiganti ro’n sa babae?”“Exactly.”“At pumayag ka naman?!” gulantan

  • The Billionaire's Ex-Wife Returns    Chapter 10

    “Nabalitaan ko ang nangyari. Kumusta na ang pamangkin ko?” untag ni Calix sa tulalang kaibigan. Kakabalik niya lang galing sa ibang bansa para sa isang business venture nang mabalitaan niya ang nangyari sa kaniyang inaanak. Si Calix Olivarez ang pinakamatalik na kaibigan ni Diether. Mula pa high school ay magkasanggang-dikit na ang dalawang ito. Mapatrobol man o kasiyahan palagi silang magkasama. Kaya alam nito lahat tungkol kay Diether. Alam din nito ang ginawa niyang kagaguhan sa nakaraan. Naroon siya noong panahong pinakasalan ni Diether si Anastacia. Isa pa nga siya sa mga naging witness noon. Nang ibalita sa kaniya ni Diether ang pagpapakasal nito ay nagulat pa siya. Ang alam kasi nito ay mahal pa rin nito ang kaniyang ex na si Jane, na hiniwalayan siya para sa kaniyang career noon. Sa kabila ng hiwalayan nila, sina Diether at Jane pa rin ang nakatakdang magpakasal sa hinaharap dahil pinagkasundo na sila ng kanilang mga magulang noon pa man. At ang hiwalayan ng dalawa ay pans

  • The Billionaire's Ex-Wife Returns    Chapter 9

    "Anastacia?”Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ni Jane sa mga sandaling iyon. Pati ang mga balahibo niya ay mabilis na nanindig. Para siyang hahapuin dahil sa bilis ng paghinga. Dahil sa panghihina ay nahulog ang sling bag niya sa sahig mula sa pagkakadulas sa kamay niya. Agad siyang natauhan nang marinig niya ang bulungan ng mga tao sa paligid niya. “Hoy, ‘di ba si Jane Andres ‘yon? ‘Yong sikat na artista?”“Grabe! Mas maganda pala talaga siya sa personal ‘no?”“Oo nga. Tapos parang wala siyang ka-pores-pores!”Kung sa normal na pagkakataon, pumapalakpak na ang tainga ni Jane sa mga komento ng mga tao. Mahal na mahal nito ang kasikatan niya. At gustong-gusto niya kapag binabato siya ng mga puri ng mga tao. Subalit ang galak na nararamdaman niya kapag gano’n ay hindi lumitaw. Hindi ngayong nakakita siya ng multo mula sa kaniyang nakaraan. Nang mapansin niyang dumadami na ang taong nakakapansin sa kaniya ay agad siyang kumilos at pinulot ang laman ng bag niyang natapon. At nang muli

  • The Billionaire's Ex-Wife Returns    Chapter 8

    Pupungas-pungas na kinusot ni Stacy ang kaniyang mga mata. Kakagising niya lang mula sa mahabang oras na pagkakahimbing. Kaagad niyang inapuhap ang bedside clock niya para tingnan ang oras. “Oh, shit!” napapamura siyang bumangon, muntik pang mahulog sa kaniyang higaan. Paano ba namang hindi siya mapapamura?Alas onse na ng umaga. Sigurado siyang napasarap ang tulog niya dahil sa halos bente kwatro oras niyang duty kahapon. Kung hindi pa nga siya sinita ni Dr. Medina at pinauwi ay talagang mananatili pa siya sa ospital hanggang alas kwatro ng madaling araw. Ngunit dahil sa pamimilit ni Dr. Medina sa kaniya, wala na siyang nagawa kundi ang umuwi bandang alas dose y media ng madaling araw. Panatag na rin naman siya dahil alam niya nang binabantayan ni Diether ang anak niya sa mga oras na ‘yon. Nagmamadali niyang hinablot ang kaniyang twalya sa sabitan at akmang papasok na sa banyo nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya. “Good morning, mama!” masiglang bati nina Athena at Co

  • The Billionaire's Ex-Wife Returns    Chapter 7

    “D-Diether…” Halos hindi na umabot sa pandinig ni Diether ang boses ng doktorang nasa harapan. Saglit lamang siyang umalis mula sa pagbabantay kay Axel dahil nakaramdam siya ng gutom. At hindi niya inaasahang madadatnan niya ang doktora mula sa silid ng anak. Nanatiling nakaawang ang kaniyang mga labi dahil sa nasilayan. “Mr. Ford, ayos lang ba kayo? Para kayong nakakita ng multo,” komento ni Stacy nang mapansin ang pagkatulala ng lalaki. Hindi iyon sapat para bumalik ang katawang lupa ni Diether. Tunay na para siyang nakakita ng multo sa katauhan ng doktora. Hindi niya nasilayan ang mukha nito kanina dahil lagi itong may suot na face mask. Pero ngayon ay malaya niyang natitigan ang mukha ng babae. At kamukhang-kamukha nito ang yumao niyang asawa, si Anastacia. Ilang beses na kumurap si Diether upang masiguradong hindi siya niloloko ng kaniyang paningin. Akala niya ay binabangungot siya nang mga oras na ‘yon. Ngunit hindi naglaho ang babae sa kabila nang mariin niyang pagpikit.

  • The Billionaire's Ex-Wife Returns    Chapter 6

    “At namuhay sila nang masaya magpakailanman…”Isinara ni Stacy ang napiling librong pambata ng kambal para sa gabing ito. Napangiti siya nang makitang mahimbing nang natutulog sina Athena at Collins. Sa kabila ng pagiging abala ni Stacy sa trabaho ay hindi niya pa rin pinapabayaan ang responsibilidad niya bilang ina sa mga anak. Kung maaari nga lang na nasa tabi nila siya lagi ay gagawin niya. Tumayo na siya sa pagkakaupo at saka itinabi ang silyang ipinuwesto niya sa pagitan ng mga kama ng kambal. Matapos ay saka niya binalikan ang dalawa at kinintalan ng tig-isang halik sa noo. “Mahal na mahal ko kayo, mga anak…”Sa loob ng limang taon ay sina Athena at Collins ang nagsilbing lakas niya upang mabuhay sa mundo. Sawi man siya pagdating sa lalaki, hindi naman siya binigo ng Maykapal pagdating sa kaniyang mga anak. Likas na mababait na mga bata ang mga ito. At mahal na mahal siya ng mga ito. Sa kabila ng pagiging premature babies, lumaking normal at malusog ang dalawa. Nalagpasan n

  • The Billionaire's Ex-Wife Returns    Chapter 5

    “Nasaan si Dra. Villareal?” tanong ni Diether pagkapasok na pagkapasok niya sa office ni Stacy. Akala niya ay matatagpuan niya roon ang dalaga ngunit tanging ang isang babaeng nurse lamang ang naabutan niya. “Ay nakaalis na po si doktora, Mr. Ford. Out na po kasi niya. Sasabihin ko na lang po na napadaan kayo bukas.” Kinakabahan ang babae dahil baka bigla siyang sigawan ng lalaki. Gayunpaman ay pinilit niyang ayusin ang kaniyang boses dahil baka lalo siyang malagot. Paano ba namang hindi siya matatakot? Kunot na kunot ang noo nito. Ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin at agad na hinablot ang calling card na nakalapag sa mesa ng doktora. Saka ito dali-daling lumabas ng opisina. Doon lamang nakahinga nang maluwag ang babae. Ngunit agad iyong napalitan ng kaba para sa doktora. Kilala bilang magaling at mabait na doktor si Stacy kahit na kakalipat niya pa lang sa St. Joseph’s Hospital noong nakaraang taon. Pero mukhang mapapatalsik na siya dahil sa ginawang pagtanggi sa ca

  • The Billionaire's Ex-Wife Returns    Chapter 4

    “Dra. Villareal, kailangan talagang ikaw ang magsagawa ng operasyon. Wala tayong oras na dapat sayangin. Buhay ng bata ang nakasalalay rito,” muling pakiusap kay Stacy ni Dr. Medina. “Ano po ba kasing trip ng lalaking ‘yon at siya ang namimili ng mag-oopera sa anak niya gayong may naka-assign na?” inis na tanong ni Stacy. “Hindi ko rin alam. Pero kailangan natin siyang sundin. Nagbanta na siyang babawiin niya ang shares niya sa ospital kapag hindi ikaw ang naging doktor ng anak niya. Kapag nangyari ‘yon, hindi kakayanin ng ospital na makapaghanap agad ng kapalit niya.”Kita sa itsura ni Dr. Medina ang stress dahil sa pabor ni Diether. Pati ito ay hindi maintindihan kung anong nasa isip ng negosyante. Nagawa nitong ilagay sa panganib ang anak niya para sa walang kakwenta-kwentang dahilan. Nang marinig ni Stacy ang pagbabantang ginawa ni Diether ay lalong nagpuyos ang kaniyang galit. Sa isip niya, iba na talaga ang takbo ng isip ng mga mayayaman. Akala nila ay makukuha nila ang lahat

DMCA.com Protection Status