Makalipas ang limang taon…“Axel, magpalit ka na at malapit nang magsimula ang party,” ani Yaya Nancy sa limang taong batang lalaki na si Axel. Ngunit nanatiling nakatalikod ang munting binata sa kaniya. Abala ito sa pagpipinta. Malapit niya na itong matapos. At ayaw niyang paistorbo sa kahit ninoman. Para sa kaniya ay mas mahalaga ang kaniyang ipinipinta kaysa sa birthday party niya sa labas. Sa loob kasi ng limang taon ay palaging magarbo ang handaan para sa kaniyang kaarawan. Iyon kasi ang nais ng kaniyang mommy at daddy. At dahil doon ay unti-unti na rin siyang nanawa. Hindi niya rin kasi maramdaman ang kaniyang kaarawan dahil puro matatanda ang dumadalo rito. Ni wala nga siyang kakilala sa mga ito maliban lamang sa kapamilya niya. “Axel, hijo, halika na at magbihis ka na. Hinihintay ka na nila mommy mo sa baba,” muling kumbinsi ni Yaya Nancy rito. Ngunit umiling lamang si Axel. “Pwede po bang ‘wag ma lang akong lumabas, yaya? Mas gusto ko na lang pong magkulong sa kwarto at ta
Read more