Chapter 12.1Sa kasalukuyan…“Sabi ng doctor, stable na siya. Pero it’s been three days at hindi pa rin siya nagigising. Ang sabi ay nagre-regain pa ang katawan niya ng lakas kaya ganoon,” paliwanag ni Diether kay Calix. “That’s good to hear. Nag-alala talaga ako nang marinig ko ang nangyari. Excited pa naman akong umuwi dahil madami akong biniling pasalubong para sa kaniya.”Talagang sobrang malapit ang loob ni Calix sa inaanak. Napakabait at masunurin kasi nitong bata. Kaya naman hindi nito nakakalimutang bumili ng pasalubong para dito kada uuwi siya galing sa ibang bansa. “Bawas-bawasan mo naman ang pag-spoil sa anak ko. Nagseselos na ako sa ‘yo ah. Baka sa susunod mas gusto ka na no’ng makasama kaysa sa ‘kin,” biro ni Diether. Hindi naiwasang mapahalakhak ni Calix. Alam niya kasing may halong katotohanan ang biro ng kaharap. Maya-maya pa ay mayabang siyang nagkibit-balikat. “Hindi ko na kasalanan kapag nangyari ‘yon. Bawasan mo rin kasi ang kakasubsob sa trabaho. Kung wala ka l
Read more