Isa lamang ang tumatakbo sa isip ni Taliyah, hindi pwedeng malaman ni Rothus kung sino ang ama ng bata dahil tiyak na lalo siya nitong kamumuhian.
"Tell me who, Taliyah." Mahinahong turan nito. Umawang ang labi ni Taliyah upang magsalita sana ngunit bago pa lumabas ang kahit anumang salita sa kanyang bibig ay nakuha ng atensiyon nila ang malakas na katok sa pinto. Sinundan iyon ng malakas na sigaw."Hayop ka, Max! Lumabas ka diyan! Harapin mo ako!" Nanlaki ang mga mata ni Taliyah nang makilala niya kung sino ang may-ari ng tinig. Nagtangis naman ang bagang ni Rothus nang mapagsino nito kung sino ang kumakalampag ng pinto. Wala itong sinayang na sandali. Kaagad itong humakbang patungo sa pinto. Kumabog naman ang dibdib ni Taliyah, kaagad niyang sinundan ang kanyang mister upang mapigilan ang nagbabadyang gulo."That Bastard! What is he doing here again?" Mabilis ang bawat hakbang nito. Halos tumakbo na si Taliyah masundan lamang agad ang kanyang mister. "Please kumalma ka, Rothus." Sandaling liningon ni Rothus ang kanyang misis dahilan upang makita nito ang kanyang matalim na titig. "Huwag na huwag kang magkakamaling kampihan ang lalaking 'yon, Taliyah!" Mariing banta nito. Hindi naman naiwasan ni Taliyah ang mapalunok. Bigla niyang naalala ang dahilan ng huling pananakit nito sa kanya. "Lumabas ka diyan Max! Hayop ka!" Muling kinalampag nito ang pinto ng bahay. Nagngangalit naman na binuksan ni Rothus ang pinto. Ngunit bago pa siya makahuma ay dumapo sa pisngi niya ang malakas na suntok."Rothus!" Tili ni Taliyah."Damn you!" Sigaw ni Rothus sa bagong dating habang sapo-sapo nito ang kanyang pisngi."No, Max! Para sa'yo ang salitang 'yan! Actually, Kulang pa nga ang salitang damn you! Hayop ka! Tarantado ka!" Nanggagalaiting kinuwelyuhan siya nito."Tama na, Marcus." Tinig iyon ni Taliyah. Nang lingunin siya ng lalaki ay kitang-kita nito ang pagmamakaawa sa mata ng babae. Sinamantala naman ni Rothus na nasa iba ang tingin nito. Itinulak niya ito ng malakas. Nang mabitiwan siya nito ay kaagad niya itong sinipa sa kanyang sikmura. Muntikan itong matumba sa damuhan ngunit nagawa nitong mabawi ang kanyang balanse. "Akala mo aatrasan kita? Ang kapal ng mukha mong sumugod dito!" Muling humakbang palapit si Rothus kay Marcus ngunit bago pa siyang tuluyang makalapit ginantihan rin siya ni Marcus ng sipa. "Rothus! Marcus!" Hiyaw ni Taliyah ngunit tila walang narinig ang dalawa. "Huh! Akala mo ba papatalo ako sa'yo?""At lalo naman ako!"Nanlisik ang mga mata ni Rothus nang muli siyang sumugod kay Marcus. Binigyan niya ito ng suntok sa mukha. Hindi iyon nailagan ng lalaki ngunit nagawa naman niyang hablutin ang kanyang kwelyuhan.Ginamit niya ang kanyang lakas upang maibalibag ito."Ano ba kayo! Tama na 'yan!" Muling saway ni Taliyah. Ngunit walang nagpatinag sa kanila. Muling sumugod ni Marcus ngunit nagawa siyang sipain ni Rothus dahilan para matumba ito. Ngunit sadyang walang gustong magpatalo. Nag-unahan sila sa pagtayo at kaagad na sumugod sa isa't-isa. "Tama na, please. Tumigil na kayo!"Nagpalitan sila ng suntok na tila walang naririnig. Pareho lamang silang tumigil nang pareho silang bumagsak. Pareho nilang habol ang kanilang hininga. Pareho rin silang may putok sa gilid ng kanilang labi. At kita rin ang gasgas sa kanilang mga pisngi. Sinamantala naman ni Taliyah na pareho silang nakasalampak sa damuhan. Kaagad siyang nagtungo sa pagitan ng dalawa."Parang awa niyo na, tama na."Napabuntong-hininga si Marcus."Kung 'di naman kasi tarantado ang gagong 'yan, wala sanang gulo."Nailing naman si Rothus sa tinuran ni Marcus."Ako pa ngayon ang may kasalanan? Samantalang ikaw 'tong sumugod dito sa bahay ko!"Tumayo si Marcus na nagtatangis naman ang bagang."Dahil hindi na tama ang ginagawa mo, Max! Sumosobra ka na! Nagagawa mo na ngang mambabae, ikaw pa itong nananakit!"Umigting naman ang panga ni Rothus. Tumayo rin ito at mariin siyang tinitigan."Walang kang pakialam! Stop interfering into my life, Marcus!"Napakuyom naman ng kamao ang lalaki .Sinalubong nito ang kanyang tingin. Sinubukan nitong humakbang palapit kay Rothus ngunit nagawang hawakan ni Taliyah ang kanyang braso dahilan upang mapatigil."Please, Marcus." Kita ang pagsusumamo nito. "This is only between married couple, Marcus. Huwag ka nang makialam dahil labas ka sa isyu namin." Muling namang napabaling si Marcus kay Rothus."Hindi sana ako makikialam kung tama ang ginagawa mo. Stop hurting Liyah! Kung ayaw mo sa kanya, ibigay mo siya sa'kin!"Lalo namang imigting ang panga ni Rothus sa tinuran ng lalaki."Taliyah is mine, Marcus! And you will never get her from me!""Pwes, treat her right! Kundi mapipilitan akong gumawa ng paraan para ilayo siya sa'yo!"Dinuro ni Rothus ang kaharap."Don't you ever dare!" Mariing banta niya ngunit hindi naman nagpakita ng kahit katiting na takot ang kanyang kaharap."I WILL DARE." Mariin at mabagal nitong turan. Tila lalo namang nainis si Rothus. Humakbang ito palapit sa kanya ngunit nagawang humarang ni Taliyah."Tama na, Marcus. Umuwi ka na, please." Puno ng pagsusumamo ang mga mata ng babae. Napabuga naman ng hangin si Marcus upang timpihin ang kanyang sarili."Mag-usap tayo saglit, Liyah." Binigyan siya nito ng nagmamakaawang tingin. Bago pa makaimik si Taliyah upang tumanggi ay nagsalita si Max Rothus."Go, Taliyah, talk him. I will give you time to bid your goodbye to him. Sabihin mo sa kanyang na huwag na siyang umepal pa."Bago pa makaimik ang kahit sinuman sa kanila ay humakbang na papasok ng bahay si Rothus Villaron. Tanging pagsunod na lamang ng tingin ang nagawa ng dalawa."Anong ibig niyang sabihin, Liyah?"Muling bumaling si Taliyah sa lalaki. Gumuhit ang lungkot sa mga mata nito."Pasensya ka na, Marcus. Kailangan na nating putulin kung anong meron tayo. Nangako ako kay Rothus na hindi na ako makikipagkita sa'yo.""Iyon ba ang rason kung bakit ka niya sinaktan at isugod ka sa hospital?" Hindi umimik si Taliyah. Napayuko na lamang siya. Hindi naman siya makakapasinungaling dahil alam nito ang pananakit na ginagawa ni Rothus sa kanya."Ang babaw niya para saktan ka dahil lang hinayaan mo akong dalawin ka dito sa bahay niyo. Kapag nagharap kami ulit, masasapak ko ulit ang gagong 'yon! O kung 'di ako makapagtimpi, baka mapapatay ko na ang hayop na 'yon!""Pasensya ka na, Marcus. Pero sana huwag ka nang makialam.""Liyah, you are important to me. Hindi ko maaatim na manahimik na lang.""Pakiusap, Marcus. Pagbigyan mo sana ako."Napailing na lamang si Marcus sa kamartiran ng kanyang kaharap."Ipapaalam ko 'to kay Tita Valerie. For sure, Tita will not tolerate this.""Please, huwag. Ayokong magkaroon sila ng hidwaan dahil sa'kin.""Pero Liyah---" Bago pa niya maipahayag ang pagtutol ay muling nagsalita si Taliyah."Ayos lang ako, Marcus. Kaya ko pa. Salamat sa pag-aalala mo, pero ayos lang ako."Muli na lamang napailing si Marcus."Maawa ka naman sa sarili mo, Liyah. Huwag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa lalaking tulad niya. You deserve someone better than him.""Huwag kang mag-alala, kapag ramdam kong hindi ko na kaya, agad akong susuko. Lahat ng bagay may hangganan, Marcus. Pero sa ngayon, gusto ko munang magtiis baka sakaling may mahintay din akong pagmamahal mula sa kanya. Ipaubaya mo na sa akin 'to, please. Napabuga na lamang ng hangin si Marcus."Hintayin ko ang araw ng pagsuko mo, Liyah."Binigyan naman siya Taliyah ng tinging tila nagpapasalamat."Actually, hindi lang ako maghihintay, Liyah. Ipagdadasal ko ring sana maisipan mo na ring iwan siya. Sana sa lalong madaling panahon ay ma-realize mo hindi deserve ni Max ng pagmamahal mo."Nangislap ang mga mata ni Taliyah. Tila anumang oras ay maluluha siya dahil sa ipinapakitang malasakit sa kanya ni Marcus. Ngunit kailangan niyang mamili. Tanga na kung tanga pero si Rothus ang kanyang pipiliin."Sige na, Marcus. Umalis ka na. Paalam, Marcus. Maraming salamat sa lahat."Pinigil naman ng lalaki ang mapaluha dahil sa hapding nadarama ng kanyang puso. "Hindi ako magpapaalam, Liyah. Didistansiya ako kasi hiling mo pero hindi ako lalayo. Kung sakaling kailanganin mo ako, alam mo kung paano mo ako kokontakin."Tanging tango na lamang ang naisukli ni Taliyah. Hindi na niya nagawang magsalita. Pakiramdaman niya kasi ay pipiyok siya sa oras na ibinuka niya ang kanyang bibig."Tandaan mo, I will always be here for you." "Salamat." Mahinang usal ni Taliyah. Nang humakbang paalis si Marcus ay pinanood na lamang niya ito. Muli pa siyang nilingon ng lalaki bago nito paandarin ang kanyang sasakyan."Sorry, Marcus. Patawarin mo ako." Mahinang usal niya kasabay ng pagkahulog ng kanyang luha. Masakit sa kanya ang magpaalam dito ngunit kailangan. Gagawin niya iyon para sa kanyang pinakamamahal na asawa. Nang tuluyang mawala ang sasakyan sa kanyang paningin ay kaagad niyang pinunas ang luha sa kanyang pisngi. Matapos iyon ay kaagad siyang pumasok sa loob sa kanilang bahay. Nadatnan niya ang kanyang mister sa kanilang silid. Nakasandal ito sa sofa. Sa kaharap nitong center table ay nakapatong ang first aid kit. "Rothus."Sandali namang bumaling sa kanya ang lalaki ngunit sinimangutan lamang siya nito."Ako na ang gagamot sa sugat mo." Nang hindi umimik ang lalaki ay kaagad siyang lumapit at umupo sa tabi nito. Ilang sandali siya nitong tinitigan bago ito nagpasyang umimik."Ginamot mo rin ba 'yong sugat niya?""Hindi. Nag-usap lang kami." Umangat ang kamay ni Taliyah upang idampi ang sa pisngi ni Rothus ang hawak niyang cold compress. Hinayaan naman siya nito. Namayani ang sandali katahimikan. Ipinagpatuloy ni Taliyah ang ginagawa kahit ramdam niya ang titig sa kanya ng kanyang mister. Natigil lamang siya nang hawakan ni Rothus ang kanyang kamay. Nang magtama ang kanilang mga mata ay binibigyan siya nito ng malamlam na tingin."Tell me, Taliyah, is it Marcus?"Nangunot naman si Taliyah."Tell me, ang pinsan ko ba ang ama ng anak mo?"Marahang ibinaba ni Taliyah ang kamay niyang may hawak na cold compress. Gumuhit ang lungkot sa mga mata nito bago ito nag-iwas ng tingin."Sorry, Rothus." Mahina niyang wika.Marahas namang napabuntong-hininga ang kanyang mister. "Sorry? That's not the answer that I want, Taliyah."Muling bumaling sa kanya si Taliyah."Pasensya ka na, Rothus, p-pero hindi ko pwedeng sabihin sa'yo kung sino ang ama ng bata 'tong."Gumuhit naman ang frustration sa mukha ng lalaki."But why, Taliyah? Please tell me. Let me understand you." Napailing-iling si Taliyah. Nangislap ang mga mata nito at tila anumang oras ay maluluha ito. "Lalo ka lang magagalit sa'kin." Napabuntong-hininga si Rothus. "Mas lalo akong magagalit kapag hindi mo sinabi sa'kin kung sino."Sinalubong ni Taliyah ang tingin ng kanyang mister. Kitang-kita ang sinseridad sa mga iyon."Kapag nalaman ang kung sino ang ama nito, baka masaktan ka lang, Rothus. At hindi ko kakayanin 'yon."Umarko naman ang makapal na kilay ni Rothus."B
"My God! What happened here?" Bulalas ni Valerie dahil sa nasaksihan. Sa paligid ay nagkalat ang basyo ng alak. Nakakalat din ang mga unan at kumot sa sahig. Nakasampay kung saan-saan ang ilang piraso ng damit. Ngunit tila hindi iyon alintana ni Rothus na nakasalampak sa sahig at patuloy sa pag-inom. Muli itong tumungga sa hawak niyang beer in can na tila 'di napasin ang mga bagong dating."Bakit nagkaganito ang anak ko?" Gustong maluha ni Valerie sa nakikitang hitsura ni Max Rothus. Hindi maayos ang pagkakabutones ng polo nitong suot pa niya noong nakaraang araw. Mukhang miserable. Kitang-kita ang pangingitim ng ilalim ng mga mata nito. Magulo ang buhok nito at nagsisimula nang tumubo ang bigote nito."Hay naku, Madam. Mula nang umalis si ma'am Taliyah ay halos araw-araw nang ganyan 'yan.""Taliyah,"usal ni Rothus kasabay ng pagsandal ng kanyang ulo sa gilid ng kama. "Sa tuwing malalasing siya ay walang isang ibang bukambibig kundi si ma'am Taliyah. Hindi ko na rin alam kung ilang u
"R-Rothus?" Gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Taliyah. Sa kanyang pagbukas ng pinto ng inuupahan niyang bahay ay bumungad sa kanya ang amoy-alak na si Max Rothus Villaron. "A-Anong ginagawa mo rito?" "Taliyah." Humakbang ito palapit sa kanya ngunit nawalan nito ng balanse. Nagawa siyang masalo ni Taliyah dahilan para bumagsak ang mukha ng lalaki sa kanyang leeg. "Lasing ka." Ginamit niya ang kanyang buong lakas upang itulak ang lalaki. Hindi naman siya nagtagumpay dahil lalo siyang niyakap nito. Tila tinambol ang puso ni Taliyah. "Taliyah." Anas nito. "Tell me that I am not dreaming." Bago pa makaimik si Taliyah ay muli itong nagsalita. "Tell me that I'm already home." Mahinang tumikhim si Taliyah upang alisin ang bara sa kanyang lalamunan. "Nasa'n 'yong sasakyan mo? Kaya mo bang mag-drive?" Umiling ito bago nagsalita. "I don't have a car with me." Naramdaman ni Taliyah ang pagluwag ng yakap nito. Sinamantala naman niya iyon upang muling itinulak si Rothus. Nang tuluyan
Nagising si Taliyah dahil sa masuyong haplos sa kanyang buhok. Kasunod ay ang pagkintal ng halik sa kanyang noo. Unti-unti siyang nagmulat ng kanyang mga mata, bumungad sa kanya si Rothus Villaron na nakaupo sa kanyang tabi. "Good morning." Matamis ang ngiti ng lalaki habang mataman itong nakatitig sa kanya. Titig na tila ba puno ng pag-ibig. Napakurap naman si Taliyah. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Aniya, si Rothus Villaron ba talaga ang nasa harapan niya ngayon o nananaginip lamang siya? Ngunit nakakasiguro siyang hindi iyon panaginip dahil isang linggo na siyang gumigising na kasama niya ang lalaki. Isang linggo na ang nakakalipas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari. "Breakfast is ready." Muli nitong hinaplos ang kanyang buhok, hindi pa rin nito inaalis ang titig sa kanya. "Ready na rin ang panligo mo." Sa nakalipas na isang linggo ay naging routine nito ang magluto, malinis ng bahay, maglaba, mag-igib ng tubig at maghugas ng
"I'm home." Tila alanganing sambit ni Rothus. Pagkabukas na pagkabukas niya kasi ng pinto ay bumungad sa kanya si Taliyah na nakaupo sala. Diretso ang tingin nito sa pinto na tila ba hinihintay ang kanyang pag-uwi."Pasensya na kung ginabi ako ng uwi. Marami lang akong inasikaso." Humakbang palapit sa kanya si Rothus ngunit bigla itong tumayo sa pagkakaupo at dumetso sa tulugan.Hindi naman naiwasan ni Max Rothus ang magtaka sa inasta ng kanyang misis. Gayunpaman ay sumunod pa rin siya rito. Nang nasa tabi na ng kama si Taliyah nang huminto at humarap sa lalaki. Nagsalubong ang kanilang mga mata. At hindi nakaligtas sa paningin no Rothus ang tila walang emosyon nitong titig.Nakakapanibago subalit pinilit pa ring ngumiti ni Rothus."Tulog na ba si baby Axell?" He asked, trying to start a conversation."Isinama siya ni Marcus." Malamig na wika ni Taliyah. Bago pa makaimik Muli si Rothus at kumilos ang kamay nito at tinaggal ang pagkakatali ng kulay itim na silk robe na suot niya.Na
Kaybilis lumipas ng panahon. Hindi na rin mawari ng kanilang puso kung paano nila ipinagpatuloy ang buhay na magkalayo. Buntong-hiningang humakbang si Rothus sa sementeryo. Hindi niya naiwasan ang pagguhit ng lungkot sa kanyang mga mata kasabay ng kanyang paghakbang patungo sa loob ng musoleo. Ngunit natigil siya sa pahakbang nang mabungaran niya sa loob ang isang babaeng nakatayo sa harap ng puntod ng kanyang ama. Nakasuot ito ng kulay dark blue na bestidang hapit na hapit sa makurba nitong pangangatawan. Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang mapagsino niya iyon. Kahit nakatalikod ay natitiyak niyang hindi siya nagkakamali. Kahit pa halatang nagbago na ang istilo ng pananamit nito. Nasisiguro niyang ito ay walang iba kundi ang babaeng dati siyang minahal, si Taliyah Cosme-Villaron. "Taliyah?" Mahina niyang sambit. Hindi naman iyon nakaligtas sa pandinig ng babae. Agad naman itong napalingon sa kanyang gawi. At hindi nga siya nagkamali. Sa sandaling humarap ito at nakumpir
Flashback.... "Welcome to Taliyah's Cafe." Ngumiti ng matamis ang babaeng nasa counter ng maliit na coffee shop. Nakapusod ang mahaba nitong buhok. Wala itong kahit anong make up sa mukha ngunit ang kitang-kita ang natural nitong ganda. Ang ngiti nitong abot hanggang mga mata. Tila ba nagliliwanag ang mukha nitong nakangiti. Nakasuot ito ng kulay pink na T-shirt na tinernuhan niya ng itim na pantalon, pinatungan niya iyon kulay dilaw na apron na tila lalong nagpaningning ng kanyang awra. Pasado alas-dos na nang madaling araw at tanging ang establishimentong ito na lamang ang bukas sa lugar. Sandali naman siyang sinuklian ng ngiti ni Maximillano bago nito igala ang kanyang paningin sa paligid. Nasa sampung piraso ng pandalawahang mesa lamang ang nasa loob. May bookshelves na puno ng pocket books na pwedeng hiramin habang naghihintay ng order. Simple lamang ang disenyo sa loob. Tanging fortune plants ang makikitang palamuti sa loob at artificial aerial plants ang makikitang palamut
Hindi naging hadlang kay Maximillano Villaron ang kanyang natuklasan. Nagpatuloy pa rin siya sa pagiging regular na costumer ng coffee shop ni Taliyah. Halos gabi-gabi siyang nagpupunta roon. May mga pagkakataong kahit business meeting ay doon na rin ginagawa. "Nandito ka po ulit." Nakangiting turan ni Taliyah. Pasado alas tres na ng madaling araw at buong akala niya ay hindi na darating ang lalaki. Lalo pa at dumaan ito roon nang pasado alas diyes ng umaga. "Kasi kailangan mo ng costumer." Nakangiting wika ng lalaki. "Salamat po. Pero hindi niyo naman po ako kailangang tawagin ng po. Parang namang hindi ako makisig niyan.Just call me Max, please." Umupo ito sa paborito niyang pwesto. Nanatili namang walang kakilos-kilos si Taliyah sa kanyang kinatatayuan. "Oh? Ba't nakatingin ka sa'kin ng ganyan? Totoo naman, 'di ba? Pangalan pa nga lang, makisig na, 'di ba? Bagay na bagay sa mukha ko," sunod na biro ng lalaki. Napangiti na lamang si Taliyah Cosme. Anang isipan ni Taliya
Hindi napigil ni Max Rothus ang pangiliran ng luha nang pumasok sa loob ng simbahan ang babaeng nakasuot ng ballgown wedding dress. "Huwag ka nang umiyak, Hijo. Hindi ka tatakbuhan ni Taliyah. At saka kapag tinakbuhan ka niya, sigurado namang gagawa ka ng paraan para mapalapit ka sa kanya. Hangga't may alak na nakakalasing, may paraan ka rin." Biro sa kanya ng kanyang inang si Valerie dahilan upang mapangiti na rin siya. "Mommy naman eh." Hindi niya naiwasan ang namula. "Oh hindi ba totoo? Naglasing ka noon at kunwari naligaw sa inuupahan niyang bahay?" "Fine, mom. I admit it. Ginawa ko 'yon kasi ayokong mawala siya sa'kin, dahil mahal ko siya." Hindi rin napigil ni Taliyah ang mapangiti nang tuluyan siyang makalapit Kay Rothus Villaron. Matikas at napakakisig ng lalaking kanina pa nakatingin sa kanya habang tinatalunton niya ang altar. "Take of my daughter." Iyon ang tipid na bilin ni Gordon Cosme ngunit alam nilang galing iyon sa puso. Kung mayroon na sigurong magandang
Mula sa balkonahe ng hotel room at tanaw ni Taliyah ang banayad na alon ng dagat. Kahit papaano ay naging kalmante ang isip niya sa bagay na ilang buwan na ring gumugulo sa kanya. "Taliyah?" Agad na napalingon sa pinagmulan ng tinig si Taliyah. Mula sa pinto patungo sa balkonahe ng hotel room na okupado nila ay lumabas si Rothus Villaron. Magulo ang buhok nito at tila ba naging gising lang. Gayunpaman ay napakisig pa rin ng lalaki. Well, wala naman yata itong pangit na angulo. Tanging sando at boxer lamang ang suot nito dahilan upang makita ang matipuno nitong mga braso at magandang body built. Hindi lamang napakagwapo ng lalaki kundi nakakalaway din ang katawan nitong tila alaga sa gymn. "Ba't gising ka pa?" Malambing ang tinig ng lalaki. "Gabi na, dapat matulog ka na. May pupuntahan pa tayo bukas, remember?" Pumulupot ang kamay nito sa kanyang beywang. "Do you want me to massage you, hmm?" Agad namang umiling si Taliyah. "Hindi na. Lumabas lang ako para lumanghap ng sariwang
Napatitig si Max Rothus Villaron sa tatlong taong gulang na lalaki na naglalaro ng bola sa bakuran ng isang bungalow house. Isang linggo na rin ang lumipas mula nang huli niyang makausap si Taliyah sa sementeryo. Kinabukasan matapos ang pag-uusap nila ay kaagad niyang kinontak ang pinagkakatiwalan niyang private investigator upang alamin ang lokasyon ng kanyang misis. Wala pang bente-kwarto oras ay nalaman na niya kung saan ito nakatira ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang lakas ng loob na lumapit sa pintuan ng tahanan nito at kumatok. Tumutugma naman ang kwento ni Taliyah kung saan natagpuan ng otoridad ang kanyang ama. Nakakulong ito sa isang abandonadong bahay sa gitna ng gubat. Bukod sa mga galos nito ay mayroon din itong tama ng baril. Halos wala na itong buhay nang ma-rescue ng mga pulis. Nanatili itong walang malay ng tatlong araw at nang magkamalay ay wala itong ibang maging bukambibig kundi ang kanyang nalalapit na kasal. "Dad, pwede ba? Huwag niyo na munang inti
Hindi maampat ang luha ni Taliyah Cosme. Iyon ang kanyang unang karanasan. Bukod sa masakit ang kanyang maselang bahagi ay tila ba madurog rin ang kanyang puso at kaluluwa. Sa isang iglap ay nawala ang isang bagay na labis-labis niyang pinakaiingatan. Hindi naman niya masisi si Maximillano dahil pareho lamang silang biktima. Oo nga at pumayag siyang gawin nila iyon ngunit hindi pa rin niya maiwasan ang madiri sa sarili. Tanging sila na lamang ni Maximillano ang nasa loob ng silid. Nasa labas ng silid ang dalawang kawatan at doon ay abala sa pag-iinuman. Pangalawang araw na mula nang mangyari ang insidente, pagkatapos mangyari iyon ay iniwan sila ng dalawang lalaki sa silid. Matapos siyang kalagan ni Maximillano nang gabi ring iyon ay wala na siyang ginawa kundi ang pangilidan ng luha. Binibigyan naman sila ng makakain ngunit tila ba pati kumain ay nawalan na siya ng gana. "Taliyah, I'm sorry." Mahinang turan ni Maximillano. "Patawarin mo ako." Nag-iwas ng tingin si Taliyah sa lal
"Hindi kita iiwan!" Umiling-iling si Taliyah. "Pakiusap, iwan mo na ako. Pareho tayong mapapahamak kung---" hindi na natapos ni Maximillano ang kanyang sasabihin nang ipalo ng lalaki ang baril sa kanyang ulo. Napadukdok ito sa sahig at napadaing."Peste kang matanda ka! Nabali yata kamay ko dahil sa ginawa mo!" Hinilot ng lalaki ang kanyang kamay. "Max!" Hindi na napigil ni Taliyah ang mapaluha dahil sa awang nadarama para kay Maximillano."Takte naman 'to!" Nagkamot ng ulo ang lalaking kalalabas lamang ng sasakyan. "Umalis ka na, Liyah! Tumakbo ka na!" "Tumahimik kang matanda ka!" Sinipa nito si Maximillano dahilan upang lalo itong dumaing."Please, tama na po. Huwag niyo na pong saktan ang kasama ko. Hindi po ako tatakbo.""Aba! Dapat lang! Dahil sa oras na ginawa mo 'yan, wasak ang ulo nitong kasama mo." Nangggalaiti nitong itinutok sa sentido ni Maximillano ang baril ."Hindi po ako tatakbo" Sumpa ni kasabay nang paglapit niya kay Maximillano."Dapat umalis ka na lang. Dapat i
Hindi naging hadlang kay Maximillano Villaron ang kanyang natuklasan. Nagpatuloy pa rin siya sa pagiging regular na costumer ng coffee shop ni Taliyah. Halos gabi-gabi siyang nagpupunta roon. May mga pagkakataong kahit business meeting ay doon na rin ginagawa. "Nandito ka po ulit." Nakangiting turan ni Taliyah. Pasado alas tres na ng madaling araw at buong akala niya ay hindi na darating ang lalaki. Lalo pa at dumaan ito roon nang pasado alas diyes ng umaga. "Kasi kailangan mo ng costumer." Nakangiting wika ng lalaki. "Salamat po. Pero hindi niyo naman po ako kailangang tawagin ng po. Parang namang hindi ako makisig niyan.Just call me Max, please." Umupo ito sa paborito niyang pwesto. Nanatili namang walang kakilos-kilos si Taliyah sa kanyang kinatatayuan. "Oh? Ba't nakatingin ka sa'kin ng ganyan? Totoo naman, 'di ba? Pangalan pa nga lang, makisig na, 'di ba? Bagay na bagay sa mukha ko," sunod na biro ng lalaki. Napangiti na lamang si Taliyah Cosme. Anang isipan ni Taliya
Flashback.... "Welcome to Taliyah's Cafe." Ngumiti ng matamis ang babaeng nasa counter ng maliit na coffee shop. Nakapusod ang mahaba nitong buhok. Wala itong kahit anong make up sa mukha ngunit ang kitang-kita ang natural nitong ganda. Ang ngiti nitong abot hanggang mga mata. Tila ba nagliliwanag ang mukha nitong nakangiti. Nakasuot ito ng kulay pink na T-shirt na tinernuhan niya ng itim na pantalon, pinatungan niya iyon kulay dilaw na apron na tila lalong nagpaningning ng kanyang awra. Pasado alas-dos na nang madaling araw at tanging ang establishimentong ito na lamang ang bukas sa lugar. Sandali naman siyang sinuklian ng ngiti ni Maximillano bago nito igala ang kanyang paningin sa paligid. Nasa sampung piraso ng pandalawahang mesa lamang ang nasa loob. May bookshelves na puno ng pocket books na pwedeng hiramin habang naghihintay ng order. Simple lamang ang disenyo sa loob. Tanging fortune plants ang makikitang palamuti sa loob at artificial aerial plants ang makikitang palamut
Kaybilis lumipas ng panahon. Hindi na rin mawari ng kanilang puso kung paano nila ipinagpatuloy ang buhay na magkalayo. Buntong-hiningang humakbang si Rothus sa sementeryo. Hindi niya naiwasan ang pagguhit ng lungkot sa kanyang mga mata kasabay ng kanyang paghakbang patungo sa loob ng musoleo. Ngunit natigil siya sa pahakbang nang mabungaran niya sa loob ang isang babaeng nakatayo sa harap ng puntod ng kanyang ama. Nakasuot ito ng kulay dark blue na bestidang hapit na hapit sa makurba nitong pangangatawan. Bumilis ang tibok ng kanyang puso nang mapagsino niya iyon. Kahit nakatalikod ay natitiyak niyang hindi siya nagkakamali. Kahit pa halatang nagbago na ang istilo ng pananamit nito. Nasisiguro niyang ito ay walang iba kundi ang babaeng dati siyang minahal, si Taliyah Cosme-Villaron. "Taliyah?" Mahina niyang sambit. Hindi naman iyon nakaligtas sa pandinig ng babae. Agad naman itong napalingon sa kanyang gawi. At hindi nga siya nagkamali. Sa sandaling humarap ito at nakumpir
"I'm home." Tila alanganing sambit ni Rothus. Pagkabukas na pagkabukas niya kasi ng pinto ay bumungad sa kanya si Taliyah na nakaupo sala. Diretso ang tingin nito sa pinto na tila ba hinihintay ang kanyang pag-uwi."Pasensya na kung ginabi ako ng uwi. Marami lang akong inasikaso." Humakbang palapit sa kanya si Rothus ngunit bigla itong tumayo sa pagkakaupo at dumetso sa tulugan.Hindi naman naiwasan ni Max Rothus ang magtaka sa inasta ng kanyang misis. Gayunpaman ay sumunod pa rin siya rito. Nang nasa tabi na ng kama si Taliyah nang huminto at humarap sa lalaki. Nagsalubong ang kanilang mga mata. At hindi nakaligtas sa paningin no Rothus ang tila walang emosyon nitong titig.Nakakapanibago subalit pinilit pa ring ngumiti ni Rothus."Tulog na ba si baby Axell?" He asked, trying to start a conversation."Isinama siya ni Marcus." Malamig na wika ni Taliyah. Bago pa makaimik Muli si Rothus at kumilos ang kamay nito at tinaggal ang pagkakatali ng kulay itim na silk robe na suot niya.Na