Share

Kabanata 3

last update Last Updated: 2022-11-21 11:00:18

GUMAAN ANG pakiramdam ni Hasumi matapos siyang lagyan ng kung anu-ano ng nurse na pinadala mula sa head office nila. Nakaiinis kasi si Sathania. Napakagat-labi lang siya habang inalala ang ginawa ng babaeng iyon sa kaniya. Sinisiguro ni Hasumi na hindi na siya magpapa-apak sa bruhang iyon.

Lumapit sa kaniya si Brael. "Supposedly, nagtatrabaho na tayo ngayon," ani'to.

Bumagting ang pandinig ni Hasumi dahil sa sinabi ni Brael. Kumunot ang kaniyang noo at sinamaan niya ng tingin ang lalaki.

"Sinisisi mo ba ako sa nangyari, Montegarde? Alam mo na tama ka! Supposedly, we are working right now! Ininis mo kasi ako kaya lumabas ako. Hinarang pa ako ng punyemas mong ex-girlfriend na feeling superior!" iritang sabi niya. "Putang anghel iyong ex-girlfriend mo! Leche siya na gaga pa!" mura niya.

"Ikaw naman daw ang nauna. Inirapan mo raw siya," wika ng lalaki.

Uminit ang mukha ni Hasumi. Pakiramdam niya'y naipon ang lahat ng dugo niya sa kaniyang mukha. Pakiramdam niya ay siya pa ang sinisisi ng lalaki.

"Punyemas ka rin! Pareho kayo noong punyemas mong ex-girlfriend!" Halos maluha siya dahil sa hindi maipaliwanag na inis na naramdaman niya.

Lumapit pa sa kaniya ang lalaki. Gusto niyang lumayo sa lalaki pero nangingilo pa ang kaniyang katawan dahil sa ginawa noong si Sathania sa kaniya.

"Tama na nga iyang kasupladahan mo. Kaya ka madalas na nagkaroroon ng ka-ingkuwentro ay dahil diyan sa ugali mo. Kahit na titig mo pa lang ay naka-iintimidate na!"

"Pasensiya ka na ha, pinanganak lang kasi ako sa mundo ng mafias at assassins! Nakakahiya naman kasi sa angkan ko kung puro sila maangas habang ako ay parang basang sisiw lang," aniya sabay irap.

Halos natigil siya sa kaniyang paghinga noong nilahad ni Brael ang kaniyang palad. Nakita niya ang isang gamot sa gitna ng palad ng lalaki.

"Take this! Kailangan mo maging okay agad para makasimula na tayo sa trabaho," ani'to. "Ano? Tititigan mo lang ba ang gamot?" tanong ng lalaki sa kaniya.

"Baka mamaya ay lasunin mo ako. Ayaw mo pa naman sa akin," aniya.

Nakita niya paano umiling ang lalaki. Ngumiti si Brael patingin sa kaniya kaya naman ay nakita niya kung gaano kaguwapo ang lalaki kung ngumiti ito. Napailing na lang siya't agad na kinuha ang gamot na inalay ng lalaki.

Inangat niya ang kaniyang mga kilay.

"Sorry," anang lalaki nang makuha ang ibig niyang sabihin.

Sinunod lamang ng kaniyang titig ang lalaki hanggang sa makabalik ito sa kaniyang tabi na may dala ng tubig.

"Thank you!" aniya at nginitian na niya ang lalaki.

Gusto niya pakitaan ng kasungitan ang lalaki. Pero sa pagkakataong ito ay hindi niya 'yon magawa.

"Iyan! Ganiyan nga, Hasumi! Ngumiti ka lang. Kasi mas maganda ka kapag nakangiti," ani ng lalaki sabay kindat.

Bigla na lang tumigil ang mundo ni Hasumi noong makita niya paano siya kindatan ni Brael. Pakiramdam niya na may mga paru-parong nagsipagsiliparan sa kaniyang sikmura.

"Iinumin mo ba ang gamot mo o tititig ka na lang sa akin?" tanong ng lalaki.

Patay-mali siyang umiling-iling nang natauhan siya. Nakabubuwesit itong si Brael. Ang dami niyang redflag pero hindi niya ito magawang kainisan ng pangmatagalan.

MATAPOS SIYANG uminom ng gamot ay nagsimula na sila sa trabaho. Mag-kaharap silang tatlo at parehong nakatuon ang pansin sa kani-kanilang mga laptop.

Natuwa si Hasumi sa dalawang lalaki. Unti-unti niyang nakikita ang mga sinasabi ng ama Papa niya tungkol kay Brael. Brael was seriously looking for something on the monitor of his laptop.

"Ito ang unang hakbang na gagawin natin," panimula ng lalaki.

Puwersa siyang tumitig sa monitor ng kaniyang laptop noong tumingin ang lalaki sa kaniyang gawi. Hindi niya kasi maiwasan na hindi titigan ang lalaki habang nagsasalita ito. The more she stared at him, the more she felt the butterflies' flock their wings inside her belly.

"Continue," sabat ni Joro.

Tumikhim ang lalaki. "Ang dapat nating gawin ay hanapin kung nasaan si Rafael Brocio. Kapag nakita na natin siya ay 'boom' patayin agad. Barilin kaagad sa ulo para tapos ang problema. Makukuha natin ang droga na sinasabi ng Papa mo," ani'to na nakatitig kay Hasumi.

"According to my research, hindi madaling hanapin si Brocio. Mayor nga siya ng Consuelo pero hindi siya madalas namamalagi roon. Kaya sinasabi ni Papa na patayin agad dahil mailap sa mga lugar kung saan nakipagnenegosasyon ang lalaki. He is a smart ass! Baka kapag nalaman niya ang plano ay tayo pa ang maunang matitigok," aniya.

Tumigil ang lalaki sa ginagawa nito. "Parang sinasabi mo na hindi tama ang plano ko," ani'to.

Tumikhim si Hasumi at agad niyang tinitigan sa mga mata ang lalaki. "I am not saying that you are wrong. Darating rin naman tayo sa pagkitil sa buhay ni Brocio. Pero siguraduhin muna natin na sa tiyak na lugar tayo. Tulad ng sinabi ko, mautak siya. Hindi nga natin alam na baka sa mga puntong ito ay may mga tauhan na siyang nakamanman sa atin. All we need to do is to find him and act as friends to him," suhestiyon niya.

Nakita niyang kumunot ang noo ni Brael. Baka hindi nagugustuhan ng lalaki ang sinasabi niya.

"So, you are trying to say that we will go near him and earn his trust? That is impossible. Bakit pa natin patatagalin kung puwede naman natin siyang patayin agad para tapos ang problema!? Isipin mo na baka mabenta niya ang droga kapag hindi pa natin iyon mabawi sa mga kamay niya," tutol ni Brael.

Umiling siya. "Mahal ang bili niya ng drugs kay Papa. Alam ko na hindi iyon idi-deal ni Brocio sa mababang presyo lang. Kung mukhang pera ang Papa ko ay mas mukhang pera ang Rafael Brocio na iyon," aniya. "And yes, we have to earn his trust!" diin niya pa.

"But it is very impossible to earn the trust of an enemy," anas ng lalaki.

Sumakit ang ulo ni Hasumi dahil sa tigas ng bungo ni Brael. Iba talaga ang mga lalaki kung ikumpara sa mga babae. Gusto ng mga lalaki na patayan agad kapag may misyon. Habang ang mga babae ay mas inuuna ang kaligtasan bago gawin ang misyon.

Kung gaano siya ka-bilib sa pagiging seryuso ng lalaki sa trabaho nito ay ganoon naman siya ka-bahala dahil sa madaliang pamamaraan ng lalaki.

"That's why we have to pretend as his friends. Simple lang ang gagawin natin, we will going to find his number and call him. We will be asking him to negotiate with us. Kapag pumayag siya ay makipagkikita tayo sa kaniya. We have to live as different person and in different identities. As simple as that. Masama iyong labis na pagmamadali, Montegarde. Lahat ng padalos-dalos ay napapalya," aniya. "I never failed a mission. Alam ko na pati rin kayo. Kaya sana galingan natin at huwag tayong magpadala sa emosyon at gigil natin na matapos ang misyon sa agarang paraan," paalala niya sa mga kasama niya.

Tumahimik si Brael pero bakas sa mukha nito na hindi siya natutuwa sa plano na inoffer niya.

"I agree with Hasumi, p're," anang Joro.

Tumitig si Hasumi sa gawi ng katrabaho.

"Alam ko na matalino si Brocio. Ilang beses ko na rin nababalitaan na halos lahat ng ka-negosasyon niya ay namamatay matapos ang ilang buwan. Masyadong inaalagaan ni Rafael Brocio ang kaniyang imahe sa Consuelo! He is a mayor! Kaya nga nahirapan tayo na ma-track siya. Hindi ba? Wala siya sa Consuelo as of now. Marahil, pinalalamig niya pa ang mainit na negosasyon nila ni Mister Yakuma. Tulad ng sinabi ni Hasumi, kailangan natin magnilay-nilay. Hindi pa naman niya tayo nakikilala. Kaya may posibilidad na magw-work ang suhestiyon ni Hasumi," patuloy ng katrabaho.

Napatango na lamang si Hasumi dahil sa husay ng mga analysis ni Joro. Akala niya'y hanggang biro at kalokohan lang ang katrabaho. May maganda pala itong kakayahang intelektuwal.

BUMUNTONG-HININGA SIYA habang nakahalukipkip na nakikinig sa mga kasamahan niya. Iniisip niya na mahihirapan sila sa plano ni Hasumi. Kahit na epektibo ito ay may katagalan naman ang proseso.

"Malaki ang sakop ni Rafael Brocio. Kung magalamay si Papa ay ganoon din siya. I'm pretty sure that he's not just sitting right now and enjoying the thought of having a high possible total gross of the drugs he has on his hands," anang Hasumi.

"Totoo! Iyan din ang iniisip ko. Nakakatakot kapag ang galamay ni Brocio ang makababangga natin. Hindi rin natin alam na baka pati rito sa Daemon Est Porta ay may mga alagad rin siya," anang Joro.

Naiinis siya sa nararamdaman niya ngayon. Palagi kasi siyang nasusunod. Kabago-bago pa lang ni Hasumi ay parang gusto na siyang palitan nito. Naiinis siya dahil sa husay at talino ng babae.

"Majority wins! Kailangan ko nang umalis dahil may iba akong aasikasuhin!" saad ng babae at agad siyang tumayo. Sinabit niya ang kaniyang bag sa kaniyang balikat na parang wala itong naramdamng sakit. "By the way, salamat sa gamot mo. Epektibo. Ang bilis nawala ng sakit sa katawan ko!" Kumindat ang babae at agad itong umalis.

Kalabog na lamang ng pagsarado ng pinto ang kanilang narinig.

Umiling siya at masamang tumitig kay Joro.

"Hoy! Montegarde, umayos ka sa mga titig mo sa akin ha! Parang gusto mo akong patayin," anang kaibigan niya.

"Ang sarap mong barilin kanina! Agree ka nang agree sa kaniya! Sino ba leader mo!?" inis niyang tanong sa kaibigan.

Joro leaned forward. "Ano ba ang plano mo?" Sa halip na sumagot ang kaibigan ay tanong ang binato nito sa kaniya. "Hindi ba ay gusto mo makuha ang loob ni Hasumi? Gagamitin mo naman kaya siya para paselosin si Sathania at para makaganti sa haliparot mong ex-girlfriend! Tama!?"

"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong niya sa kaniyang kaibigan.

"Gamitin mo sa kaniya ang estratehiya niya. Kunin mo ang loob ni Hasumi, P're, nang sa ganoon ay mas madali mong magagawa ang plano mong paghihiganti sa ex-girlfriend mo!" Tumayo ang kaibigan niya at umunat. "Kapag nakuha mo ang loob ni Hasumi ay hindi na siya maiirita sa iyo. Sa paraang iyon ay makagagawa ka ng sweet moves kuno sa kaniya kahit na nasaan kayo. Lalo na kapag nasa paligid si Sathania. Mindset ba! Mindset!"

Napa-isip si Brael dahil sinabi ni Joro. Tama ang kaibigan niya. "Alam mo, Joro, sa tagal nating nagsama bilang Gray Wolves ay ngayon lang ako natuwa sa iyo! May silbi ka rin pala!?" nakangiti niyang saad. Sa wakas ay nawala na rin ang mga guhit sa kaniyang noo. "Dahil may pakinabang ka sa araw na ito ay ililibre kita!" Kumindat siya sa kaibigan.

"Huwag ka sa akin kumindat, ulol! Si Hasumi kindatan mo para mahulog sa iyo. Parang type ka naman noon e!" pabirong sabi ni Joro.

"Saan mo gustong kumain? Ano gusto mong kainin?" tanong niya sa kaibigan niya habang naglalakad sila palabas ng HQ.

Nakita ni Brael na dumating na ang guwardiya sa HQ. Baka umihi ito kanina kaya hindi niya nakita ang gulo sa madilim na corridor patungo sa silid ng team niya.

Nang nasa labas sila ay naabutan nila si Hasumi subalit paalis na rin ito. Inayos ng babae ang sarili. Sinuot nito ang kaniyang helmet sabay tadyak ng ilang beses upang paandarin ang kaniyang motorsiklo.

"Pero aminin mo, Montegarde, napabilib ka ni Hasumi kanina ano? Matalino kasi siya ano?" anang Joro.

"Oo na!" inis niyang sabi.

Siniko niya ang kaibigan niyang may mapanuksong ngiti sa mga labi.

"Ano na naman nginingiti mo riyan?" tanong niya sa kaibigan.

"Wala! Pakiramdam ko kasi ay pareho niyong gusto ang isa't isa!" tukso ni Joro sa kaniya noong nakasakay na ito sa kaniyang motorsiklo.

"Puwes masama ang pakiramdam mo, Joro Mendoza!" inis niyang sambit.

Sabay nilang pinaandar ang kanilang mga motorsiklo.

Palagi nilang ginagawa na magkaibigan ang magpabilisan ng takbo at mag-unahan patungo sa destinasyon nila.

Dahil sa mala-karera nilang pagpaharurot ng kanilang mga motor ay agad silang nakarating sa paborito nilang kainan.

Matapos nilang pinarke ang kanilang mga motor ay pumasok na sila sa kainan. Agad silang umupo sa isang sulok.

Pupunta na sana sa kahera si Brael noong bigla siyang hinila ng kaniyang kaibigan.

"Fuck, Montegarde! Nandito ang mga tauhan ng nakaingkuwentro natin noong nagdaang araw," mariing bulong ng kaibigan niya.

Lumingon si Brael sa direksiyon ng mga lalaking nakasuot ng puro itim. Kanina pa pala nakatitig sa kanila ang mga lalaki.

"Fuck," mura niya nang nakita niyang humugot ng baril ang isang lalaki. "Yuko!" imporma niya sa mga tao sa loob ng kainan at hinagis niya sa ere ang kaniyang katawan.

Tatlong putok mula sa kaniyang baril ang umalingawngaw sa buong kainan.

"Aaaah!" sigaw ng mga tao sa loob.

Humugot rin ng baril ang kaniyang kaibigan at agad nitong binaril ang iilang mga lalaki na natira.

Hindi man lang naka-alma ang mga kalaban nila dahil sa bilis ng mga kamay ni Brael at Joro.

Tumuloy si Brael sa kahera at humugot siya ng maraming pera. Nilapag niya ito sa tapat ng nanginginig na babae. Tinitigan niya ang babae sa mga mata nito kaya'y mas nanginig ang babae. May mga luha rin sa gilid ng mga mata ng kahera dahil sa takot.

"Walang puwedeng makaalam kung sino ang pumatay sa kanila. Tumawag ka ng pulis mamaya kapag nakaalis na kami. Sabihan mo ang mga pulis na hindi niyo namukhaan ang mga salarin!" aniya sa babae. Kinasa niya ang kaniyang baril habang matiim siyang nakatitig sa babae. "Nakuha mo ba ang sinabi ko?" mapanakot niyang tanong sa babae.

"O-Oo p-po," napilitang sabi ng babae.

"Montegarde, bilisan mo!" anang Joro.

Iniwan niya ang babae. Nakita ni Brael na gumalaw pa ang isang lalaki kaya'y muli niya itong binaril. Dahil doon ay napasigaw ang kahera.

Muli silang pumatong sa kanilang mga motor at agad na tumakas.

Kung hindi alisto si Joro ay napuruhan na sila.

Natawa sa isipan niya si Brael. Wala pa nga siyang ginagawa kay Hasumi ay kinakarma na siya agad. Kahit na ano pa ang mangyari ay itutoy niya ang pag-gamit sa babae para makaganti siya sa kaniyang dating kasintahan.

Related chapters

  • Chasing Justice   Kabanata 4

    AGAD NA nilapag ni Hasumi ang kaniyang bag nang makapasok siya sa kanilang secret place. Umupo siya sa isang kulay itim na sofa. Inikot-ikot niya ang upuan habang naka-de quattro siya sa ibabaw nito. "Oyasuminasai!" bati niya sa kaniyang mga kaharap. Nakatitig lang sa kaniya ang dalawa. Alam niya na natatawa ang mga ito. Malamang narinig nila kanina paano siya binugbog ni Sathania. May device na naka-tago sa kanilang mga bra para marinig nila ang isa't isa. "Kochira koso, konbanwa!" halos sabay na bati ng dalawa sa kaniya. "Ano ba ang nakatatawa? Kanina pa kayo natatawa ha!" angal niya. Lumapit sa kaniya ang isang babae na kasingtangkad niya. Maiksi ang buhok nito subalit bagay ito sa kaniyang perpektong mukha. She's Hakura Minotakuro. Miyembro ng Lady Serpents na pinamumunuan ni Hasumi. "Wala! Gusto ko lang tumawa. Akala kasi namin ending mo na kanina! Ni hindi mo man lang naalalang hugutin ang kyoketsu-shoge na nakatago sa likod mo!" wika ni Hakura at humagalpak nang malakas n

    Last Updated : 2022-11-22
  • Chasing Justice   Kabanata 5

    HE SNAPPED in front of her. Mabuti naman at natauhan na ang babae dahil sa kaniyang ginawa. Parang timang kasi si Hasumi na nakatitig lang sa kaniya. Kanina pa kasi niya ito sinasabihan na mag-isang table na lang sila. "What!?" tanong ng dalaga. Ngumiti siya dahil nagulat si Hasumi. Iba pala magulat ang mga maldita. Nagiging cute sila tingnan. "Kanina pa ako nag-ooffer sa iyo na maki-table na lang kayo kasama namin ni Joro," aniya. Nilingon ni Hasumi ang dalawang kasama niya. Natawa sa isip niya si Brael. Mabuti na lang at may gustong kumaibigan kay Hasumi na ubod ng kamalditahan. "Okay lang naman sa amin," anang mga kasama ni Hasumi. "Okay. Before that, I want you to meet Brael," anang Hasumi sa dalawa. Nilahad ni Brael ang kaniyang kamay. Naunang tinanggap ng babaeng maiksi ang buhok ang kamay niya't niyugyog ito. "Ako si Hakura. People addressed me Yura," ani'to. Matapos silang nagkamayan ay ang babae na naka-tube na naman ang tumanggap ng kamay niya. "Hi, Dzadeh Brael.

    Last Updated : 2022-11-26
  • Chasing Justice   Kabanata 6

    TUMILA NA ang mga luha ni Hasumi. Nasa loob siya ng kotse ni Hakura. Mabuti na lang at magaling magpatahan ang dalawa niyang kaibigan. Kaso kahit na umokay na ang kaniyang pakiramdam ay hindi pa rin niya mawaglit sa isip niya ang anang Brael. "Bakit mo ba kasi siya nagustuhan?" tanong ni Hanare. "Malamang kasi nga daks!" anang Hakura. "Puro kayo daks! Putang anghel kayong dalawa! G-Gusto ko siya pero hindi ko alam kung ano ang rason. I don't even get why my heart feels like it's on race every time I saw him! Kahit iyong boses niya at amoy ng hininga niya ay gustung-gusto ko! N-Nakukuriyente ako kapag nagkadikit ang mga balat namin," aniya. Biglang hinawakan ni Hanare ang suso ni Hasumi kaya naman ay napaatras siya. Nilaro ng kaibigan niya ang utong niya. "Tumitigas ba ang utong mo kapag nakikita mo siya?" tanong ni Hanare. Iba ang trip ng kaibigan niyang ito. Madalas na nga nagpapalamas ng suso. Ta's nilalaro niya pa ang suso ni Hasumi ngayon. "Nakakatigas naman kasi siya ng ut

    Last Updated : 2022-11-29
  • Chasing Justice   Kabanata 7

    NAKATULALA SI Brael habang nakatitig siya sa litrato ng mga magulang niyang nakapaskil sa tabi ng kaniyang kama. Kailanman ay hindi niya malilimutan ang karahasan at pagmamalupit ng mga killer na iyon sa mga magulang niya. Hindi niya hahayaan na mamamatay sa kamay ng ibang tao ang mga walang hiyang pumatay sa kawawa niyang mga magulang. Inalis niya ang luha ng galit na gumulong mula sa kaniyang mga mata. Ninakaw ng mga killer ang pagkakataon na maranasan niya ang buhay ng isang normal na bata. Pangarap niyang tumanda kasama ang mga magulang niya. Kaso, wala na ang mga ito at ang pangarap niyang iyon ay mananatili na lang bilang pangarap at hindi na matutupad pa. Tumunog ang telepono sa ibabaw ng desk kaya'y inabot niya ito. "Oh?""Hinatid mo na ba si Mariposa?""Oo! Sa katunayan nga'y nakarating na ako sa bahay ngayon," aniya. "Ano? Nakakuha ka ba ng impormasyon?" Huminga siya ng malalim. "Mali ang aking akala. Ang tattoo ni Mariposa ay natatanggal. Temporary lang iyon," aniya.

    Last Updated : 2022-12-03
  • Chasing Justice   Kabanata 8

    HAPON NA nang magising si Hasumi. Mabilis siyang umahon at inayos ang kaniyang higaan. Siya lang mag-isa sa kaniyang condo unit. Ayaw niyang makituloy sa kaniyang Papa. Hindi naman sa hindi sila magkasundo. Sadyang mas gusto niya lang mapag-isa. Sanay na rin siyang mag-isa. Hindi rin siya kumportable kapag may kasama siya. Tinali niya ang kaniyang buhok at agad siyang tumungo sa bathroom. Tumigil siya sa tapat ng salamin. Kinuha niya ang kaniyang sipilyo at nilagyan niya na ito ng toothpaste. Matapos niyang linisin ang sarili ay bumalik siya sa kaniyang kuwarto. Tinuyo niya ang kaniyang mukha at agad siyang umapply ng light make-up. Napangiti na lang siya buhat nang makita niya ang kaniyang magandang mukha. "Alin kaya sa dalawang ito?" tanong niya habang salitan niyang pinukol ang sulyap sa dalawang kamisetang hawak. "I guess this one suits better with my light make-up," aniya at binalik sa kaniyang closet ang damit na hindi niya napili. Isang kamiseta na kulay itim ang kaniyang na

    Last Updated : 2022-12-03
  • Chasing Justice   Kabanata 9

    NASA LOOB ng bag store ang tatlo. Bigla na lang nagmadali si Hasumi marahil nakita niya na nasa loob rin pala si Sathania. "Yumi! Akala ko ba bibilhan mo kami ng bags?" tanong ni Hanare. "Sa ibang store na lang!" aniya. Napabitaw na lamang si Hakura sa hawak niyang hand bag. "Ano ba iyan!? Dito namin gusto," sabi ng kaibigan niya. "Tara na! Hays!" Napalunok na lang siya nang lumapit sa kaniya si Sathania na may kasamang babae. Napaisip si Hasumi kung paano tratuhin ni Sathania ang babaeng kasama niya. Mukha kasi itong alalay. "Hindi ko alam na pareho pala tayo ng gusto, Newbie," sabi ni Sathania sa kaniya. "Ito kasi ang isa sa mga paborito kong stores sa loob ng Y-Mall. Magara kasi ito compared to others. Mamahalin at worth the price ang quality ng bags," imporma ni Sathania sa kaniya. Gusto niyang tumawa marahil sa pinagsasabi ng babae. Kung alam lang nito na bawat sulok ng Y-mall ay memoryado niya ay tiyak siyang magugulat ang babaeng kaharap niya ngayon. "Ay wow! May new fr

    Last Updated : 2022-12-05
  • Chasing Justice   Kabanata 10

    HALOS MADIKIT sa pader si Hasumi nang tinulak siya ng mga kiyod ni Hanare. Nakahawak ang kaibigan niyang ito sa baiwang niya habang kinikiyudan siya nito. "Hanare! Ano ba!? Putang anghel ka naman! Puwede ba'y umawat ka na sa kagaguhan mo!?" bulyaw niya habang iniiwas niya sa pader ang mukha niyang nalagyan na ng kolorete. "H-Hindi! Ang sarap mo kiyurin, Hasumi! Tumitigas etits ko sayo!" anas ni Hanare. Isang malakas na pagbatok ang nagpatigil kay Hanare. Napatingin na lang ito kay Hakura na kanina pa pala nakabihis. "Gagita! Wala kang burat!" pasigaw na sabi ni Hakura rito. "Ang sarap lang kasi kiyurin ng matambok na puwet ni Hasumi! At saka nakadagdag rin sa tigas ng etits ko ang magandang mukha niya! Look, ang ganda kaya ng kaibigan natin!" anang Hanare. Inayos ni Hasumi ang kaniyang suot na maikling kamiseta na halos magusot na dahil sa bawat kiyod ni Hanare. "Babae ka oy! Hindi ka lalaki!" aniya. "Pero salamat ng marami sa inyong dalawa! Suwerte ko dahil kaibigan ko kayo!"

    Last Updated : 2022-12-06
  • Chasing Justice   Kabanata 11

    MINULAT NIYA ang kaniyang mga mata. Puwersiya siyang umahon nang mapansin niya na ibang silid ang kinapalooban niya. Amoy pabango ng lalaki ang buong paligid kaya ay nagtaka siya nang lubusan."Putang anghel! Pinabayaan lang ako ng dalawang iyon!?" inis niyang tanong sa sarili. Tumingin siya sa kaniyang katawan. "G-Ginalaw ako!" singhal niya nang makita na iba ang damit na suot niya ngayon sa sinuot niya kahapon. She was with a Loose White Shirt of a guy.Bumagsak ang kaniyang panga nang makita niyang lumabas mula sa bathroom ang lalaking tanging puting tuwalya lamang ang nakaikot sa baiwang nito. Tumingin sa kaniya ang lalaki at ngumiti ito. Bakit mukhang masaya ang lalaki? Hindi kaya'y may ginawa ito sa kaniya habang natutulog siya? This couldn't be, patay siya sa Papa niya kapag nalaman nito ang bagay na ito. "Buti gising ka na, neighbor. Ang tapang-tapang mo! Dahil sa tapang mo pati sarili mo ay napabagsak mo," natatawang anang lalaki habang pinapatuyo nito ang buhok gamit ang

    Last Updated : 2022-12-08

Latest chapter

  • Chasing Justice   Epilogo

    HINDI NIYA makalimutan ang nangyari kay Hasumi. Hindi niya matanggap sa sarili niya na ginawa ng babae ang bagay na iyon. Mahal na mahal siya nito at alam nito na hindi niya kayang gawin na patayin ang babae. Hasumi made her decision that day. She was willing to give the justice to Brael because the man was chasing it all his life but ended up knowing who was running that justice away, it was her, Hasumi.Inayos niya ang kaniyang pagkakaupo sa upuan na nasa tabi ng puntod kung saan sila naroroon ng anak na si Kioshi. Napangiti siyang pinagmamasdan ang anak niya na naglalaro sa tabi. Napaluha siya dahil sa dami ng nangyari sa buhay niya. Huminga na lang siya nang malalim buhat nang naibalik sa araw na iyon ang kaniyang alaala. Ramdam na ramdam pa niya ang sakit na makita si Hasumi na nakahandusay at walang malay. Tumalima siya at agad niyang hinila ang katawan ni Hasumi. Ngayon ay nasa mga bisig na niya ang babaeng mahal niya at duguan ito. He was longing for the woman to open her e

  • Chasing Justice   Finale

    TUMAYO SIYA. Tumungo siya sa higaan ni Kioshi at agad niyang pinadaplis ang kaniyang kamay sa pisngi ng apo niyang mahimbing na natutulog. "Boss, nagawa na namin ang inutos mo. Patay na si Ludwig at Sathania," sabi ng isa sa mga tauhan niya.Humarap siya sa tatlong lalaki na inutusan niya upang tapusin ang buhay ni Sathania at Ludwig. Ngumiti siya at lumunok. "Good. Akala siguro ng mga ulol na iyon ay maiisahan nila ako. Alam ko ang plano nilang baliktarin ako. Hindi ko rin hahayaan na isang musmusing assassin na tulad ni Sathania ang makakasira sa anak ko. Itong si Ludwig naman ay tarantado. Hindi man lang niya hinintay ang plano ko. Ngayon ay nakapasya na ako na hayaan na lang si Hasumi at Brael na makapiling nila sa isa't isa. Hindi na ako magiging balakid sa pagmamahalan nilang dalawa.""Boss, ang kaso ay may problema." Tumingin siya sa nagsalita. "Ano naman iyon?" tanong niya rito."Nahuli kami nang dating sa simbahan. Nasabi ni Sathania ang sikreto ni Hasumi kay Brael," anang

  • Chasing Justice   Kabanata 44

    ANG KASAL ay isang sagradong selebrasyon upang mabigyang basbas ang pagsasama ng dalawang taong nagmamahalan sa kabila ng mga pagsubok na dinanas sa buhay. A fantabulous marriage doesn't happen between perfect couple to corporate. It happens between imperfect couple that has willingness to accept the imperfections and understand the shortages of each party. Para kay Hasumi ay isang malaking sugal ang ginawa niya. Ang pagmamahal niya kay Brael ay isang sugal. Wala naman kasing kasiguraduhan noong naramdaman niya ang pag-ibig kay Brael na mamahalin siya pabalik ng lalaki. Minsan napapangiti na nga lamang siya kapag naiisip niya na minahal siya pabalik ni Brael. Isang pribilehiyo para sa kaniya ang mahalin pabalik. Inahon niya ang kaniyang sulyap sa loob ng katamtamang laki na simbahan. Ang mga kurtinang ginamit ay kulay puti. May mga kulay peach din dahil ito ang motibo ng kasal nila ng lalaki. Tumingin siya sa kaibigan niyang si Hakura na nasa unahan na at kaharap nito si Kajo. Nap

  • Chasing Justice   Kabanata 43

    TUMINGIN SIYA sa paligid bago niya marahas na ininom ang alak na nasa basong hawak niya. She was played like an invaluable creature on Earth. Akala niya ay kaya niyang paglaruan si Hasumi pero nagkamali siya."Fuck that woman! Fuck her!" ginulo niya ang buhok niya dahil sa inis na namayani sa sistema niya. Gusto niyang ipahamak si Hasumi nang tuluyan pero hindi niya ito magawa dahil sa utos sa kaniya ni Yakuma na protektahan ang babaeng iyon. Nang pumasok si Hasumi sa DEP ay sinadya niya itong saktan upang malaman kung malakas ba ang babae. Akala niya ay mahina si Hasumi pero sa sumunod nilang ingkwentro ay napatunayan niyang malakas nga ang assassin na matagal na niyang gustong paslangin. Just damn it because she was controlled by Yakuma and the man was a hindrance for her goal. Hindi niya rin puwedeng suwayin ang leader ng organisasyong DEP dahil nga ay nakadepende rito ang buhay niya. Kahit na mayaman ang angkan nila ay wala na siyang magagawa pa dahil si Yakuma na ang nagmamay-ar

  • Chasing Justice   Kabanata 42

    NASA BATIS silang anim ngayon at nagsasaya. Magkaharap sina Hanare at Joro. Si Hakura naman at Kajo ay walang ibang ginawa kun'di ang magbangayan na parang aso at pusa. Habang silang dalawa ni Hasumi ay magkadikit ang mga katawan habang ang kalahating parte ng mga ito ay nakalublob sa tubig. Gabi na kaya ay mas uminit pa ang katawan niya, lalo na at dikit na dikit ang babae sa kaniya.Nakasuot lamang siya ng manipis na short habang ang kaniyang nobya ay nakabikini lamang. Damang-dama nila ang init ng balat ng isa't isa na pilit kinokontra ang malamig na temperatura ng tubig. He was hugging Hasumi from the back. His chin was resting above Hasumi's right shoulder. Pinagmamasdan nila nang sabay ang ibabaw ng malinaw na tubig-batis."Buti na lang inaway kita noong gabing iyon, ano? Kung hindi ay tiyak ako na hanggang ngayon ay si Sathania pa rin ang iniisip mong girlfriend mo," sabi ni Hasumi.He chuckled because of the obvious jealousy heard from Hasumi's voice. Mabuti na lang ay inexte

  • Chasing Justice   Kabanata 41

    NASA SALA siya ng bahay ni Lola Lumeng at nakaupo siya sa malambot at mahabang sofa. Nakatitig siya sa kisami at taimtim na nag-iisip. Ngumiti siya nang malungkot. Miss na miss niya na naman ang lalaki. Kasama niya ito at nakikita pero hindi niya ito nakakausap kasi nga ay wala pa itong malay. Gustong-gusto na naman niyang marinig ang boses ng lalaki. Nasasabik siyang marinig ang mga salitang sinasabi ng lalaki na kumikiliti sa kaniyang puso. Umaasa siya na magigising din ang lalaki. Ngayon pa ba siya mawawalan ng pag-asa kung tiyak na nasa mabuting kalagayan ang lalaki?Binabalikan niya ang nakaraan at kung saan nagsimula ang kanilang kuwento ni Brael. Nagkatunog na lamang bigla ang kaniyang pagngiti nang maalala kung paano siya binuhat ng lalaki noong ginulpi siya ng ex-girlfriend nito. Noon pa man ay alam niya na sa sarili niya na nahulog na siya sa lalaki. Noong pagkakataon na iyon din ay natiyak niyang may ihahaba pa ang kuwento nila ni Brael. Napalingon siya sa mga kaibigan ni

  • Chasing Justice   Kabanata 40

    IKALAWANG ARAW na ito ni Brael na wala pang malay. Kahit na ganito ang lagay ng lalaki ay kaunting napanatag si Hasumi. Puno siya nang pag-aalala noong gabing dinala nila sa bahay ni Lola Lumeng si Brael lalo na at hindi pa pumayag sa una ang matanda na tulungan ang nobyo niya.Napabuga na lamang ng hangin si Hasumi nang maalala niya ang gabing iyon. Nasa likod ni Kajo si Brael habang silang tatlo nina Lola Tersing at Yura ay nakasunod kay Kajo. Nabasa pa sila ng ulan nang makarating sila sa bahay ni Lola Lumeng. "Lumeng, tulungan mo kami! May dala kaming pasyente," sabi ni Lola Tersing.Pinapasok sila ni Lola Lumeng. Pinaupo sila ng matanda at isa-isang binigyan ng tuwalya. "Tersing, alam mo naman na hindi ako naggagamot. Hindi ako doktor, alam mo iyan.""Lumeng, hindi ka lang nakapagtapos pero alam kong magaling ka. Magaling kang doktor subalit ikaw ay hinamak lamang ng mga maalipustang tao."Huminga nang malalim si Lola Lumeng. Nag-aalala na si Hasumi nang lubusan. Salitan siyan

  • Chasing Justice   Kabanata 39

    HER KNEES fell on the ground. Nanginginig niyang inangat ang mga kamay niya. Tinitigan niya ang mga ito. Shit! She hurt someone who was trying to do an effort for her own good.Lumingon siya kung saan tumungo si Brael. Madilim na sa bahaging iyon at ngayon ay may takot na sa puso niya. Baka mapahamak ang lalaki. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama sa lalaki sa gitna ng kakahuyan. "Yumi," sabi ni Yura at agad siya nitong inakbayan. Napakapa siya sa kamay ng kaibigan niya at humagulgol na siya nang tuluyan. Pinaharap siya ni Yura ay agad siyang niyakap nito. Mas humagulgol pa siya sa pag-iyak. Umiiyak siya ngayon dahil alam niya na sumobra na siya sa ginagawa niya kay Brael. Sinabi niya sa sarili niya na bibigyan niya ng panahon ang lalaki pero isang buwan pa lang ay nagsawa na siya at nainip na sa paghintay. "Y-Yura, humiram ka para sa akin ng flashlight. I-I have to look for him. Hindi siya puwedeng mag-isip nang sobra dahil mapapahamak siya. Sasakit

  • Chasing Justice   Kabanata 38

    NAGMADALI SIYANG buhatin ang babae patungo sa isang kuwarto sa bahay ni Lola Tersing. Pinahiga niya ang babae at inayos niya ang buhok nito. He was so worried about the woman's condition. Hindi kasi niya alam na may iniinda pala ang babae. Hindi rin kasi nagpapahalata ang babae. "Lola, tulungan niyo po si Hasumi. Tulungan niyo po siya," sabi niya. "Ano ba ang nangyari, Tisoy?""May masakit sa kaniya. Sa tiyan niya. I-Its a scar. Lola, b-baka mapaano si Hasumi," sabi niya sa matanda."Kumalma ka, Tisoy," sabi ng matanda sa kaniya.Hindi siya mapakali. Nakahawak sa kaniyang magkabilang bisig si Yura. He was crying right now. Bigla na lang siyang nakaramdam ng lubusang pag-aalala para sa babae. "Fuck! I can't stand watching her unconscious!""Brael, calm down. Baka may nakain lang si Hasumi na hindi kayang tunawin ng tiyan niya," sabi ni Yura. Tumingin siya kay Yura. Kahit na ikubli man ng kaibigan ni Hasumi ay masyadong halata na nag-aalala rin ito. "Hindi. This is serious. S-She

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status