Zaprine, a powerful businessman and arrogant Mafia boss, has always gotten what he wants. Pero noong bumisita siya sa hospital para bisitahin ang kaibigan niya dahil sa accident. He's taken aback by a beautiful woman, Aria who's caring for his injured associate. It's love at first sight for Zaprine and he become obsessed. He becomes determined to make her his. Isang gabi na may nagtangka na kidnapin si Aria, mabuti na lang at nasagip agad siya ni Zaprine, dinala siya nito sa tago nitong mansion. As Aria, sinubukan niyang tumakas and resist Zaprine advances. Nadiskobre ni Aria ang dark secrets ni Zaprine at ang pagka-obsessed nito sa kanya. Will she find a way to break free, or will Zaprine all consuming passion destroy them both?
View MoreHospital
Aria Pov Nandito ako sa private hospital namin para kunin ang mga mahahalaga kong gamit. Nagmadali na akong lumabas ng opisina ko. Bukas na ng gabi ang alis ko sa bansa. Kailangan ko pang mag-impake ng mga gamit na dadalhin ko. Kausap ko si mommy sa cellphone habang naglalakad palabas ng hospital. Nagulat pa ako sa pagsigaw ng ex-boyfriend ko na matagal ko ng iniiwasan. Nasa lobby ito nakikipagsagutan sa security guard. Oh goodness! What is he doing here again? Naglakad na ako papalapit sa lobby. Tumigil lang ito nang makita ako. Tinaasan ko lang siya ng kilay at inirapan. "What do you want this time, Anthony?" inis kong tanong. "Finally, lumabas ka rin, my love," ngiti pa nitong sambit. Kinilabutan ako sa sinabi nito kadiri na lalaki. "Stop making trouble here at the hospital. Stop following me! Tigilan mo na ako dahil matagal na tayong tapos. Huwag mong guluhin ang tahimik ko ng buhay," pakiusap ko rito. "No! I'm not done with you yet, Aria." Sabay hila niya sa akin. Nagpumiglas ako at nanlaban. "Stop it! Stop it Anthony," sigaw ko na sa kanya. Sinenyasan ko ang security guard na 'wag lumapit baka madamay pa. Sobra akong kinabahan na baka anong gawin nito sa akin. Hindi pwedeng makuha niya ako at gawin ang gusto nito sa akin. No way! Dapat talaga nakinig ako kay Daddy kanina, ang tigas ba naman kasi ng ulo ko. Eto ang napala ko ngayon. "Papatayin ko ang lahat ng gustong harangan ako!" sigaw na banta pa ni Anthony. "Let her go," isang nakakatakot na boses ang narinig ko mula sa likuran namin. Natakot ako na baka kung ano ang mangyayari sa akin, kapag magbuno sila sa harapan ko. Napasigaw ako nang hilain ako ni Anthony ng marahas. Natapilok pa ako dahil sa pagkakahila n'ya sa akin. Ouch! Nabali pa yata ang paa ko sa pagkakatapilok ko. "Ano ba bitawan mo ako! Nasasaktan ako!" Nagpumiglas ako. "I said, let her go," dumagundong ang boses nito sa paligid. Nakakatakot at nakakakilabot naman ang boses nito. Sana tulungan ako ng lalaking ito 'wag lang puro 'let her go' ang sinasabi. Bago pa ako maisakay ni Anthony sa sasakyan nito ay may mga kamay ng humila sa akin mula sa pagkakahawak sa akin ni Anthony. Napasubsob pa ako sa matitipuno nitong dibdib. "Aray ko naman," reklamo ko. Narinig ko itong mahina na natawa. Like, anong nakakatawa? Kaya inangat ko ang ulo ko para makita ko ang mukha ng lalaking tumulong sa akin. Napasinghap ako habang napatingala sa lalaking humila sa akin. Kahit naka-sunglasses at sumbrero ito ay kita ko pa rin ang maganda nitong mukha, ang labi nitong pinkish ang kulay. Ang matapos nitong ilang na kay sarap pisilin, especially his nice jawline, na may manipis na buhok. A very masculine man. Habang nakatitig ako sa lalaking naka-sunglases ay sumikdo ang puso ko. Pakiramdam ko nagtama ang aming mga mata kahit pa naka-sunglasses ito. Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi sa kaba kundi dahil sa presensya nito sa akin. Ngayon lang ako naramdaman ng ganitong kilig at pagkamangha. "Gago! Bitawan mo si Aria. Huwag mong yakapin ang girlfriend ko," sigaw ni Anthony. Galit na galit ang boses nito. "Help me. He always makes trouble here and he is not my boyfriend anymore. Matagal na kaming hiwalay, pero ginugulo niya palagi ang tahimik ko ng buhay," agad kong sabi sa lalaking nakayakap sa akin. "Huwag mo sabing yakapin ang girlfriend ko!" Sinugod ni Anthony ang lalaking nakahawak sa akin. Napakapit ako sa braso ng lalaking tumulong sa akin nang undayan nito ng tadyak si Anthony. Kita ko ang pagkatilapon ni Anthony sa semento dahil sa pananadyak ng lalaking tumulong sa akin. Napasigaw ulit ako nang makarinig ako ng putok ng baril. Niyakap ulit ako ng lalaki, ramdam ko ang pagharang nito gamit ang katawan niya para maproteksyonan niya ako. Naipit tuloy ako sa gitna ng sasakyan at sa matipuno nitong katawan. "Are you okay?" malamyos ang boses na tanong nito sa akin. Tumango lang ako dahil nakapokus ako sa pagdama sa katawan nitong nakadikit sa katawan ko. Nakakaliyo ang panlalaki nitong pabango na kay sarap amoy-amoyin ang bango niya. Ang sarap sa pakiramdam ang mabaon sa mga bisig nito. Bago lang sa akin ang mga ganitong pakiramdam. At gustong gusto ko ang mga yakap nito sa akin. I feel so safe in his arms. "I know, i smell good but stop smelling me woman! Your life is in danger isn't it? But why are you so focused on feeling my body," bulong nito sa akin. Bahagyan na namula ang mukha ko pero hindi ako nagpahalata. Napakaprangka naman ng lalaking ito. "I'm just breathing deeply, I didn't smell you," tanggi ko agad para mapagtakpan ang kahihiyan ko. Pero honestly mabango naman talaga siya. Gosshhh, nakakahiya ka self nasa panganib na nga ang buhay mo nakuha mo pang manantsing sa lalaking nagligtas sa iyo. "Silly! But you know, i love your smell. Your scent so sweet. I can't get enough of smelling you, my dear," bulong ulit nito sa akin. Sabay pa kaming napaigtad sa malakas na sigaw ni Anthony. 'Yong kabog ng dibdib ko sobrang lakas na halos mabingi na ako. God, lumala na ang saltik ng lalaking iyon. Thanks God, dahil sa estrangherong lalaki na tumulong sa akin. "Don't mind him. Now walk faster, para makalayo ka na sa gago mong boyfriend," diin pa nito sa boyfriend na salita. "Ex-boyfriend," pagtatama ko. "Ex-boyfriend indeed," kita ko pa ang pagngisi nito. "Thank you for helping me. Tatanawin ko itong malaking utang na loob mula sa iyo," taos puso kong pasasalamat sa lalaking estranghero. Bahagya ko pang sinilip ang mukha nito dahil sa sombrero nitong suot at sunglasses. Yumuko naman ito sa akin. At bahagya na ibinaba ang sunglasses na suot. Nakita ko pa itong kumindat ng bahagya at malapad na ngumiti sa akin. Namula ang mga pisngi ko sa ginawa nitong pagkindat sa akin. "Get in, ihahatid na kita," presenta nito. Nararamdaman ko naman na mabuti itong tao kaya hindi na ako nag-alinlangan na sumama sa estranghero. "What is your name by the way? I heard the man shout your name. But I just want to make sure that maybe he shouted your name wrongly," mahina pa itong natawa. Humagikhik naman ako. "Your smile is so warm and inviting. I feel giddy," he smiled widely. My cheeks blushing and i felt shy. Kinilig pa ako na parang teenager lang. "I feel like you're flirting with me, Mister?" mahina naman itong tumawa. "I am Zaprine." tumaas ang balahibo ko sa malamyos nitong boses. Bumaling pa ito sa akin at ngumiti. Comfortable ang pakiramdam ko habang kausap ang lalaki. "I'm Aria. Nice to meet you Zaprine, thank you again. You're a lifesaver!" pasasalamat ko sa kanya. Nakita ko itong napatigil at tumingin sa akin. "Oh sh!t!" bulalas nito sabay tingin sa akin. "Bakit?" "Napasarap na yata ako sa pakikipagkwentuhan sa iyo. I forgot to ask where you live or where I will take you." Apologetic pa na kumamot sa batok nito. "I also forgot to tell you because I feel akward, nervousness and I feel star struck towards you. That's why I'm speechless," bigla kong tinutop ang labi ko. Nag-react ito na parang kinilig. "Don't be shy, we feel the same way," matamis pa itong ngumiti sa akin. Mahinhin din na ngumiti ako sa kanya. Kaya sa huli niyaya na lang niya akong magkape muna bago niya ako ihatid sa bahay namin.Love Amidst the Danger Aria/Zaprine Kapapasok pa lang namin sa gate ay kita ko na ang napakalawak na bulwagan kung saan gaganapin ang reception. Dito na rin sila mismo ikakasal garden wedding raw. Hindi pa tapos pero sigurado akong bongga at sosyal ang araw ng kasal nila Kuya Lucas at Greene. Masaya ako para sa kanila. Napangiti ako ng makita ko ang mga anak namin na naglalaro sa labas ng mansion kasama si Lily at iba pa nilang mga pinsan. Lumuwag na rin ang pakiramdam ko ng naging magkasundo na lahat ang mga bata. Nag-sorry rin sila sa kambal noon kaya naging maayos na muli ang pagkikita nilang lahat. Napatigil sila ng makita nilang may paparating na sasakyan. Lumiko ang sasakyan at sa parking lot ito tumigil. Agad akong bumaba ng tumigil na ang sasakyan. Sumunod naman si Zaprine sa akin. Ang kasambahay na raw ang bahala sa mga gamit naming dalawa. Kumaway si Zaprine sa mga batang naglalaro ng bola sa malawak na bakuran ng mansion ni Lolo Francisco. Napansin naman nila kami k
Love Amidst the Danger Aria/Zaprine Nasa Spain na ang mga anak ko at ang pinsan nilang si Lily with their grandparents. Mag-isang linggo na sila doon. Sunod na lang kami ni Zaprine dahil may emergency pa dito sa hospital. Isang araw pa lang nila sa Spain panay tawag na ni bunso sa amin. Gusto na raw niya umuwi at namimiss na niya kami.Ako minsan ang nahihiya kapag sinusundo niya ako dito sa opisina ko. Laging may dalang bulaklak at regalo na kung ano-ano. Kung gaano ito kalambing noon ay mas lalo na ngayon, very clingy. Basta na lang nanghahalik kapag gusto nito. Hindi na nahiya sa mga staff ng hospital. Heto nga at naka-akbay na naman habang palabas na kami ng hospital. Mamayang gabi na kasi ang flight namin pauwing Spain. Sa makalawa na ang kasal ni Kuya Lucas at Greene. Laging nireremind ni Kuya Lucas na dapat nando'n na kami bago pa magsimula ang kasal nila.Ayaw raw niyang maging malungkot ang asawa to be niya kapag hindi kami makadalo. Paranoid na raw ito na baka hindi kami
Love Amidst the Danger AriaYumakap rin sa amin si Blessa. Hindi namin alam kung gaano kami katagal na nag-iiyakan at nagyakapan na tatlo. Alam ko na kahit ito gumaan na rin ang pakiramdam niya. Ito lang pala ang way para mawala ang lahat ng agam-agam sa sarili. Kapatawaran lang pala ang kailangan para maging okay na kaming lahat.Halos dalawang oras kaming nakikipagkwentuhan kay Greene. Lahat ng nangyari sa kanya dito sa loob ng kulungan kweninto niya sa amin. Marami rin pala siyang pinagdaanan hirap dito sa loob ng kulungan. Kung wala pang nagbanta na pulis sa kanila ay baka daw hanggang ngayon ay magulo pa rin ang loob ng selda. At may tumutulong raw sa kanya dito kaya hindi gaano mahirap para sa kanya ang lahat. "Tinapangan ko ang sarili ko sa loob ng selda dahil kapag namatay ako, hindi ko na masasabi ang lahat ng ito sayo. I want to tell you how sorry I am for all the bad things I did to you. Para sa gano'n ay mapawi naman ang bigat na dinadala ko araw-araw dito sa puso ko,"
Love Amidst the Danger Aria"Ready ka na ba?" nakangiting tanong ni Blessa. "Kanina pa ako ready, sasabak na ba tayo sa gyera?" biro ko. Tumawa naman ito. "Kelan ka pa marunong magbiro?""Kanina lang," sagot ko naman. Sabay pa kaming tumawa. Huminga muna ako ng malalim bago ako sumunod na kay Blessa. Sana panginoon maging maayos ang pag-uusap naming dalawa ni Greene.Kausap na ni Blessa ang isang pulis, ako naman ay nakatayo lang sa tabi ni Blessa. Maya't maya pa ay iginiya na kami ng isang pulis sa visitor area, para sa mga bumibisita sa mga kamag-anak na nakakulong dito.Iniwan na kami ng pulis hinintay na lang namin ang pagdating dito ni Greene. "Alam mo ba na maganda ang record dito ni Greene. Marami raw siyang natutunan at narealise sa buhay. Marami rin siyang nagawang maganda dito sa loob ng kulungan. Nagtuturo siya ng mga gustong manahi na naging libangan na ng ibang mga kababaihan na nakakulong dito. Naging motivational speaker siya sa mga katulad niyang nakakulong rin,"
Love Amidst the Danger Aria/Zaprine Naging hands on kaming dalawa ni Zaprine sa mga anak naming tatlo. Ang gusto kasi ni Zaprine ay maging close kaming Lima. Walang dapat favorite at walang hindi favorite sa pamilya. Dapat pantay kami lahat. Ngayon may event sila sa school ng kambal, lumiban pa kami sa trabaho masuportahan lang namin ang mga anak namin. Gusto kasi namin na nando'n kami sa lahat ng klase ng event sa paaralan nila. Hindi pa rin nawawala ang panganib sa paligid namin kaya marami pa rin body guard si Zaprine. May dalawa rin yaya na nakabantay sa loob ng paaralan para sa kambal. Sabay silang kumakain sa tanghalian sabay rin silang uuwi. Gano'n palagi ang routine nila. Palaging nagpapakarga ang bunso namin sa Daddy nito. Hindi nawawala ang oras ng asawa ko sa mga bata lalo na sa akin. Kada buwan ay pinapacheck up niya kami ng mga anak namin. Masyadong matatakutin na kapag may nagkasakit sa amin ay agad niya kaming dinadala sa hospital. Kahit alam niyang kaya ko naman
Love Amidst the Danger Aria/Zaprine Hindi ko talaga kinaya ang mga rebelasyon niya sa akin. Grabe naman siya mag-revenge ng palihim para sa akin. Nakakatakot! "How about Greene? Hahayaan mo na lang rin ba na gano'n ang ginawa niya sayo? She almost killed you, remember! Kung lalaki lang siya o hindi lang siya kapatid ng asawa ng pinsan ko. Matagal ko na siyang pinatay!" madiin at may galit sa boses nitong sambit."Stop it! Ayokong nakikita kitang ganyan kabayolente. Ayokong makagawa ka ng bagay na pagsisisihan mo balang araw. Sabi ko naman sa'yo na ang panginoon na ang bahala sa kanya! Naawa rin naman ako sa nangyari sa kanya at... oh wait," kumalas ako sa pagkakayakap niya sa akin.Mapanuring ko siyang tinignan sa mata. Mukhang guilty naman ito agad. Napakamot pa sa batok niya. I knew it. Pero bago pa ako magsalita ay inunahan na niya ako."What's on your mind is true, sweetheart. Kilala ko ang ilan sa mga pinahiya ni Greene at binastos sa mga party or event na dinadaluhan nito noo
Love Amidst the Danger Aria/Zaprine Nakasalampak silang dalawa sa carpet sa sala habang kumakain at nanonood sila ng movie. Pero nagulat ako ng patayin ng asawa ko ang TV. Nagtataka akong napalingon sa kanya."Bakit mo pinatay ang TV? Ang ganda na ng palabas tapos i-off mo lang!" reklamo ko agad. "Itutuloy natin panoorin mamaya, sweetheart. May sasabihin lang ako sa'yo," ngiti nito sa akin."About what?""Everything,""Like?""The past. At ayaw ko ng maglihim pa sa nakaraan ko. It's all in the past but I just want to share it to you. Dahil bahagi ka naman sa ilang kwento na sasabihin ko sa'yo," Nahihiwagaan ako sa gusto niyang i-kwento sa akin. Kaya tumango na lang ako. Kaya nagsimula na itong magkwento."You know already about my Mom, family background di ba? At totoo ang sinabi ng Mommy mo na masama at marami ng nagawang kasamaan sa bansang Pilipinas at sa iba pa na mga bansa sa mundo. And I'm glad na nahuli na ang leader ng sindikato na pinsan ng Mommy ko," kwento ni Zaprine.
Love Amidst the Danger Aria/Zaprine "Mommy, Daddy, balik kayo agad ha. Magpakabait po kami dito at alagaan po namin si baby Zachy," sambit ni Zaria.Tumango tango naman kami ni Zaprine."And Mommy, Daddy, remember po ang sabi ng doctor. Bawal po magbuntis ulit si Mommy. Take care of our mommy okay ha, daddy?" bilin rin ni Zamia. Matamis naman akong ngumiti sa kanya."No baby in the tummy pag-uwi po!" humalakhak naman ang mga parents namin at pati sila grandparents natatawa na rin sa mga kapilyahan ng kambal."Mag-iingat po kayo sa pamamasyal ha, mag-enjoy po kayong dalawa, mommy and daddy," sabi naman ni Zaria."Don't forget our pasalubong po ha," si Zamia."And don't forget to call us here po. Take care and enjoy both of you mommy and daddy," "Kami na ang bahala sa mga bata mga anak. Mag-ingat kayo sa pupuntahan ninyo. Enjoy and don't think about us here," sabi naman ni Mommy ko."Opo Mom!" ani ko."Saka mommy and daddy, kami na po bahala sa dalawa po namin na Lola. Kapag mag-away
Love Amidst the Danger Aria Nang binalita ko sa mga kapatid ko na nandito sa bahay mga parents ng Mommy namin ay hindi sila nagdalawang isip na magtungo dito sa mansion namin. Hindi pa nga sila naniniwala noong una pero nang mag-send ako ng picture sa kanila ay saka lang sila naniwala. Normal lang na reaksyon yun kasi nga ayaw ni Lolo sa akin at galit. Halos hindi rin makapaniwala sila Daddy. Pero now okay na ang lahat. Naging masaya ang buong maghapon namin dahil kompleto na kami lahat at masaya na. Nagkapatawaran na at nagka-ayos na rin. Nag-video call rin sila grandparents sa Australia Kaya kahit video call lang ay parang buo pa rin naman kami. Sa akin na rin ipinagkatiwala ni grandpa ang pamamahala sa hospital. Inanunsyo na rin ni grandpa sa mga staff ng hospital na ako na ang magiging bagong boss nila. Pati sa ka-business ng pamilya pinakilala na rin ako ni grandpa. Sisikapin kong maging maayos ang takbo ng hospital. Ayaw kong biguhin si grandpa. ***** A year later...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments