Share

Chapter 4

Danger

Sa pangalawa nga naming pagkikita sa ospital ay naging mas comfortable na ako kesa sa una naming pagkikita ulit dito sa Amerika.

Tinutuo nga nito ang sinabi niya na palagi ko na itong makikita at makakasama araw-araw. I mean gabi-gabi dahil gabi naman ang duty ko sa ospital.

He always bring foods, gifts and flowers for me. Minsan sabay kaming kakain bago ako pumasok sa trabaho ko. I know na madali kaming na-attached sa isa't isa. I admit, na nahuhulog na ako sa kanya dahil sa mga pinapakita nitong kabutihan at pag-aalaga sa akin.

Ngayon gabi lang na ito hindi kami nagsabay na kumain dahil may importante daw itong lakad. Pero sinabihan niya akong ihahatid niya ako mamaya pag-uwi sa apartment ko. Naging bodyguard at driver ko na tuloy ito dito. Ang hirap niya tanggihan dahil makulit din ito at ipinipilit ang gusto nitong gawin.

"Where's your possessive suitor? Kausapin lang kita akala naman niya aagawin kita sa kanya. He's head over heels in love with you. Hindi makausap ng maayos kapag nakikita ka niya. Hindi na nahiya sa akin kapag bumabanat siya ng mga salitang nakakapagpakilig sa'yo. Tsk! Malala na talaga ang lalaking iyon," ngumisi pa ito na parang inaasar pa ako.

"Baka gusto mong hindi na makalakad?" biro ko naman sa kanya.

"Ikaw talaga doktora pikonin, e. Halata naman na gusto n'yo ang isa't isa pakipot ka pa," sabay tawa pa nito.

"What's your name again?" kunwari ay tanong ko.

" Neptune. Why?" nakakalokong tumingin pa ito sa akin.

"Pwede kong tawagin ang mga alien para ibalik ka na sa planeta n'yo. Nakakaperwisyo ka na sa nagtatrabaho dito," simangot ko. Humalakhak naman ito sa sinabi ko.

"Ang cute mo kasi asarin. At isa pa bakit kasi hindi mo pa sabihin sa lovey dovey mo na magkakilala ang parents natin. Tayo lang ang hindi kilala ang isa't isa para matahimik na ang gagong iyon," natatawa pa nitong sambit.

"Kung ikaw kaya ang magsabi ano!" irap ko pa. "Sige na uuwi na ako. Sana kunin kana ng mga alien mamaya," aalis na sana ako ng may maalala. "Magpagaling ka ng makauwi ka na sa Pilipinas." simangot ko sa kanya. Tumawa lang naman ito.

"Uy, Miss Ferrer, mamaya ka pa aalis. Ang sabi ng suitor mong hilaw hintayin mo daw siya," pigil nito sa akin.

"Ang tagal ng kaibigan mo and I need to rest, I'm tired," sagot ko naman. Nagsimula na akong maglakad palabas ng kwarto niya at hindi ko na siya pinansin pa. Kumaway na lang ako at hindi ko na siya sinagot pa.

Naglalakad na ako patungong parking lot ng makaramdam ako ng parang may sumusunod sa akin. Lumingon ako sa likod ko pero wala naman tao sa paligid at ako lang ang tao dito.

"Baka guni-guni ko lang," sambit ko.

Kaya nagmadali na akong nagtungo sa kotse ko para makauwi na ng makapagpahinga na din. Sobrang pagod ako ngayon at ang gusto ko na lang ay humilata sa malambot ko na kama.

Malapit na ako sa kotse ng may naaninag akong anino mula sa likuran ko. Napalingon ako agad at gano'n na lang ang takot ko nang makita ko ang isang lalaki papalapit sa akin.

"Who are you?" mahintatakutin na tanong ko. Habang humahakbang ako paatras. Marahan naman itong lumapit sa akin.

Gusto kong tumakbo pero parang napako ang mga paa ko. Nahirapan pa akong humakbang dahil sa takot ko. Kailangan ko ng lakas ng loob para maproteksyonan ko ang sarili ko. Not again.

"I finally found you!" kinilabutan ako sa boses nito.

"Who are you?" ulit ko pa na tanong.

Nakabonet ito kaya hindi ko makita ang mukha. Lumingon ako sa gilid at akmang tatakbo na ako ng maagap niya akong nahawakan at binuhat na parang isang sako ng palay.

"Put me down! Put me down!" sigaw ko at pinagsusuntok ang likod nito. "Help! Help!" sigaw ko kahit alam kong walang makakarinig sa akin dahil sa katahimikan na ng gabi.

God! Please 'wag mo sana akong pababayaan. Help me please. Taimtim kong panalangin sa panginoon.

Ginamit ko ang tuhod ko para tuhugin ang mukha nito. Nagtagumpay naman ako sa ginawa ko. Gumaan ang pagkakahawak nito sa akin at iyon na ang paraan para makababa ako sa pagkakabuhat nito sa akin. Pero maagap ito at sinabunutan ako sa buhok. Napasigaw na naman ako dahil sa pananabunot nito sa akin.

"You can't run away from me!" galit na sambit nito. Napaliyad ang ulo ko dahil sa ginawa nitong paghila sa buhok ko.

Kailangan kong lumaban para sa sarili ko. Hindi pwedeng sisigaw na lang ng wala akong ginagawang hakbang.

Zaprine, asan ka na ba? I need you. Please help me. Desperada na ako kailangan kong mailigtas ang sarili ko.

"Help! Help me!" sigaw ko kahit walang nakakarinig. Malay ko baka may maligaw na tao dito at marinig nila ang sigaw ko.

Bago pa niya ako mabuhat ulit ay may tumulong na sa akin. Napasigaw na ulit ako nang magbuno sila sa harapan ko. Kamuntik pa akong madamay sa suntukan nilang dalawa. Mabuti at maagap ang lalaking tumulong sa akin. His smell is so familiar to me.

"Zap?" tanong ko pa sabay lingon sa gawi nito. Nang mapatumba na niya ang lalaking gustong kumuha sa akin ay hinila na niya ako agad palayo doon.

"I told you to wait for me inside the hospital, right? Pero ang tigas ng ulo mo! Mabuti na lang at naabutan pa kita kung hindi natangay ka na ng lalaking iyon. Can you please listen to me just once, Aria?" gigil nitong sabi sa akin. Ramdam ko ang inis at galit sa boses nito.

"I'm sorry and thank you," malumanay ko na lang na sabi sa kanya kesa magdahilan pa ako.

"Kung hindi ko pa nakita ang mga gamit mong nagkalat sa sahig na malapit sa sasakyan mo, at kung hindi ko narinig ang pagsigaw mo baka sa oras na ito natangay ka na ng lalaking iyon. Lagi kong sinasabi na mag-iingat ka, magmatyag sa paligid at alerto. Inuuna mo kasi ang takot at kaba paano mo maililigtas ang sarili mo!" sermon nito sa akin.

Hindi na lang ako umimik. Hinayaan ko na lang ito na sermonan ako. Inalalayan na niya akong makapasok sa sasakyan nito, agad naman akong pumasok sa loob.

Hindi na lang ako nagtanong pa kung saan niya ako dadalhin dahil nasa stage pa lang ako ng pagkagulat at takot. Saka na ako magpapasalamat ulit kapag malamig na ang ulo nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status