Penthouse Umiiyak ako habang nasa loob na kami ng penthouse ni Zaprine. Umiiyak ako dahil pakiramdam ko ang sama kong kaibigan. Nasaktan ako sa paratang ng kaibigan ko na mang-aagaw daw ako, at sinungaling.Thanks God, dahil natakasan din namin ang sasakyan na humahabol sa amin kanina. "I'm so stress," I blurted out habang basang basa ang pisngi ko dahil sa pag-iyak ko. "Drink this." Sabay abot sa akin ang isang basong may lamang malamig na tubig.Agad naman akong uminom. Kahit papano naginhawaan ang pakiramdam ko. Tumabi si Zaprine sa akin at masuyong hinaplos ang pisngi ko. Pinunasan ang mga luhang tumulo sa pisngi ko."Kumusta ang pakiramdam mo?" masuyo niyang tanong sa akin. Umiling lang ako."Kung alam ko lang na ikaw ang tinutukoy ni Greene everytime na nag-uusap kami sa phone, sana naiwasan ko ang ganitong sitwasyon. Pakiramdam ko nagtaksil at nang-agaw ako ng lalaki. Nasaktan ko pa ang damdamin ng kaibigan ko," nalulungkot ako sa nangyari kanina."It's not your fault, my de
Back to hotel Alas sais pa lang nasa hotel na kami. May mga kasama kaming naghihintay din sa elevator. "Did you hear what happened to a woman yesterday?" rinig ko na tanong ng isang babae sa kasama nitong lalaki."No, why? What she did?" mukhang curious din ang lalaki. Nakikinig lang din ako."There was a man who almost cut off a woman's fingers."Napasinghap ako sa narinig. Napalingon sa akin ang babae na nagsasalita ng marinig nito ang pagsinghap ko."I also couldn't believe it and I was very scared. That's how I reacted too, Miss. The woman must have done something or said something bad and that's why she was treated like that," bumuntong hininga pa ito na naiiling pa. Kinilabutan ako sa narinig."We must still choose to be kind to others, whatever happens as long as they don't hurt us," sabi ko naman dahil pakiramdam ko ako ang kausap ng babae."I don't agree with what you said," gulat pa kami ng babae nang sabay na nagsalita ang kasama naming dalawa na lalaki."You can't just l
Hospital with friends Zaprine PovNagkita kami nila Gardo at Tremonte dito sa hospital na kong saan nagpapagaling ang kaibigan naming si Neptune. Actually si Neptune ang inutusan kong i-hack ang cctv sa hotel kung saan nagpabook si Aria. Nagalit ako sa pagmi-middle fingers ng babaeng iyon ng dalawang beses sa amin ni Aria.Inutusan ko ang Isa sa mga tauhan namin na putulin ang mga daliri ng babae ng ma-hack na ang cctv. Para walang ebidensya na makikita. Neptune good at hacking of everything, basta sabihin lang ang lugar at exact location alam na niya ang gagawin.Nakausap ko ang inutusan ko na tauhan na gawin ang pinag-utos ko. Ayos lang na hindi niya naputol ang mga daliri, at least nagawa pa rin naman nito ang pinag-uutos ko. Ginamitan daw niya ito ng martilyo ng makitang papasok sa kotse nito ang babae."May bayad dapat ako sa ginawa kong pangha-hack sa cctv ng hotel na iyon sa New York," sabay lahad sa kamay nito sa akin."Na-transfer ko na sa account mo. Thank you," simpling s
Old Building Zaprine Pov Nandito kami ngayon sa lugar kung saan dito isinasagawa ng mga sendikato ang mga planong masasamang gawain at taguan. Matagal na nilang hinahanap ang grupo na ito at dito lang pala ang himpilan nila, sa isang sira-sira at abandonadong bodega. "The notorious syndicate name Admir, used to live here before they were caught. And now another syndicate again lived here," pagbabalita ng secret agent na kasama ko. Ito pala ang dating himpilan ng isang kilalang sindikato dito sa Detroit. Tapos ngayon meron na naman nagtatago dito na ibang grupo din ng sindikato. Dapat talaga giniba na nila ang lumang bodega na ito para wala ng maninirahan pang mga salot sa mundo. "What does this place have and this is where often hide?" curious kong tanong. "No one wants to pass or enter here because this place has a scary history. Maybe that's why syndicates often hide here because this place is scary. And this place is quite. So they are free to hide here because peopl
Missing him Dalawang linggo na ang nakalipas pero wala man lang message sa'kin si Zappy. Namimiss ko na siya ng sobra. Pakiramdam ko hindi buo ang pagkatao ko kapag hindi ko siya nakikita, nakakausap, at nakakasama. Sana man lang tumawag siya o mag-message. Gano'n ba ito ka-busy sa trabaho na pati ako nakalimutan na niya. Sumimangot na lang ako. "Oh, saan ang gyera ba't ganyan ang mukha mo? Matatakot na ba ako?" natatawang pang-aasar na naman sa'kin ng lokong lalaki na 'to. Inirapan ko siya bago siya i-check. Maayos na ito at ilang araw na lang pwede na itong makalabas ng hospital. "Ilang araw na lang pwede ka ng makalabas ng hospital. Pwede ka ng maghanap ng babaeng magpapasaya sa araw-araw ng buhay mo. Nang hindi ka nagmumukhang mas bitter pa sa ampalaya. Palibhasa wala kang ka-i love you'han at ka-i miss you'han kaya ang dry ng pagkatao mo." mahaba kong lintya sa kanya. Ewan ko ba nagsusungit na naman ako ng walang dahilan. Hindi pa naman ako gaano matanda para makaramdam ng
Grocery Dahil rest day ko ngayon napagpasyahan namin na mag-grocery ng lulutuin namin for dinner. Ipagluluto daw niya ako at mag-dinner date kami sa mansion nito. Siya na ang taga tulak sa trolley at ako naman ang taga kuha sa gusto kong bilhin. Nagtatanong na lang din ako kung ano ang gusto nito. Pero ang sagot lang niya ay 'ikaw' kaya nahahampas ko siya sa braso. Nandito kami sa area ng mga cereal at dairy. Lahat ng gusto kong bilhin ay binabasa ko pa ang ingredients at nutrition facts. Isa-isa kong binabasa at pinagkukumpara sa ibang brand kung ano ang mas better at mas mababa na calories."Sweetheart, what are you doing?" nahimigan ko ang pagkainip nito sa ginagawa ko. First time naming dalawa na mag-grocery together kaya mukhang nabagot siya sa paraan ko ng paggo-grocery."Don't mind me here, I just want to check the nutrition facts. Para din naman ito sa kalusugan natin. Mas maganda na healthy pa rin tayo araw-araw," bumaling ako sa kanya at ngumiti."God, sweetheart kelan pa
Dinner Date "Let's dance my dear sweetheart. Our first dance together," malamyos niyang sabi at marahan niya akong inalalayan na patayo. May maliit siyang speaker na naka-connect sa cellphone nito. Nagpatugtog siya ng awitin na ang title ay "Wonderful Tonight" Marahan silang umiindayog sa saliw ng kanta. Habang nakatitig silang dalawa sa isa't isa na puno ng pagmamahalan sa kanilang mga mata. 'I feel wonderful, Because I see the love light in your eyes, and the wonder of it all, Is that you just don't realize, how much I love you.' Kanta nito sa ilang bahagi ng lyrics sa kanta. Punong puno ang puso ko ng pagmamahal, kaligayahan at kilig sa lalaking ito. Lagi akong namamangha sa bawat surprise nito sa akin. I'm so in love with Zaprine. Pati ang boses niya ang ganda ano pa ba ang hindi niya kayang gawin. Lahat na yata nagawa na nito, marunong siya sa lahat. Noong mga nakaraang buwan nag-piano at nag-guitara din ito para pakiligin ako. Hindi ko lubos akalain na magaling siya sa
Farewell Party Nandito ang ilan sa mga kaibigan ni Zaprine sa farewell party ni Neptune. Mediyo nakakalakad na siya at magaling na. Kailangan na lang ng kunting pag-iingat pa para mabilis gumaling ang natamo nitong mga sugat. Sa isang hotel dito sa California ang ginanap ang party. At pati ako inimbeta ng magulang ni Neptune. Sasaglit lang ako dahil may pasok pa ako mamaya sa trabaho ko. Nasa iisang lamesa kami with Zaprine friends. Panay tingin nila sa akin at naiilang ako. "You aid youth! Stop staring at my girlfriend. She is not comfortable with what you are doing by staring at her," sita ni Zaprine sa mga kaibigan nito. "I was just wondering how she liked you," natatawang pang-aasar na sabi ni Tremonte. Nase-sense ko na inaasar lang nila si Zappy, pero nakakailang kasi ang paraan ng pagtitig nila sa'kin. Napalingon kaming lahat sa harapan ng magsalita na si Neptune. Napangiti ako ng sa wakas magaling na ito. "Hello ladies and gentlemen good evening everyone. Hey
Love Amidst the Danger Aria Inakay ko si Axeros sa labas ng kwarto ko. Para hindi kami marinig ng mga anak ko. "Sino ang nagbigay ng larawan na iyon sa media para ibalita sa madla ang nangyari kay Zaprine? Ni-record mo ba ang balita? Napanood mo ba?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. "I have no idea, Ate. Tumawag ako agad kay Kuya Lucas nang napanood ko ang balita. Galit na galit siya sa nalaman dahil wala daw silang consent na kuhanan ng picture si Zaprine at ipublish sa media ang nangyari sa kanya," sagot naman nito agad. "Kahit kailan talaga ang hospital ni Lolo hindi sila sumusunod sa protocol! Lalo na ang mga pinsan mong nagmamagaling at magagaling magpasipsîp kay Lolo!" galit kong sambit. "Mag-imbestiga ako sa hospital, Ate. Marami naman akong kakilala doon. Baka may makasagot sa tanong ko, at makakuha ako ng impormasyon," "Damn them! Hindi ko pa rin makakalimutan na hindi sila nag-effort na gamutin si Zaprine. Kung hindi tayo agad nakarating sa hospital sure akong pin
Love Amidst the Danger AriaUmuwi ako sa bahay namin na halos hindi na makahinga dahil pa rin sa pag-iyak ko at pagod. Nagulat ako ng sumalubong sa akin ang kambal ko. Hindi ko alam na inuwi pala nila dito ang kambal. Mabuti na rin iyon ng may sandalan ako sa kalungkutan.Agad ko silang niyakap at hindi ko na naman mapigilan ang mapahagulhol ng iyak. Ramdam ko na nagulat ang kambal sa malakas kong pag-iyak pero hindi sila nagkomento. Mahigpit lang nila akong niyakap na parang ramdam rin nila ang bigat ng aking nararamdaman."W-why are you crying Mommy?" mahinang tanong ni Zaria na mukhang nag-aalala sa akin. Hinaplos nito ang mukha ko na puno na ng luha sa pisngi ko.Hindi ako makapagsalita dahil parang may bumara sa lalamunan ko. Hirap kong ibuka ang mga labi ko. Nakatitig lang ako sa kanila at bahagyan na ngumiti habang hilam ng luha ang pisngi ko."Tama na iyak Mommy, nasa-sad na rin po kami eh," nalungkot na rin ang baby Zamia ko."Kids hayaan n'yo na muna si Mommy na magpahinga.
Love Amidst the Danger Aria Pawisan na ang noo ko sa ginagawa ko. Natanggal ko na ang lahat ng bala na bumaon sa katawan ni Zaprine. Ang isa ay malapit sa dibdib, sa may bandang tiyan, sa balikat, at hita nito. "May extra blood pa bang nakaimbak dito? We blood asap! Kailangan siyang masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon," malakas kong sigaw. Kinalma ko ang sarili ko. 'Pokus Aria, pokus!' pagpapatatag ko sa sarili ko. Pinigilan kong maiyak dahil hindi ako makapukos kapag mas pinairal ko ang emosyon ko. "Blood type Doc?" tanong ng kasama ko dito. "Blood type B-positive. Ask his family, kung sino sa kanila ang may blood B-positive. I need blood as soon as possible!" taranta kong sabi. "Copy!" Tapos ko na siyang operahan pero kailangan niyang masalinan ng dugo dahil maraming dugo ang nawala sa kanya. Lalo na sa ulo niya na nagkaroon rin ng sugat. Kailangan pa namin siyang gawan ng iba't ibang test, para makasiguro ang kaligtasan niya. Dalawa ang doctor na kasa
Love Amidst the Danger AriaSa taas ng building sa hospital nila Lolo kami bumaba. Nagmadali na kaming bumaba sa helicopter at nagtungo agad sa hagdan pababa. Tinungo namin agad ang elevator. "Kelan dinala dito sa hospital si Zaprine? Bakit critical siya ngayon? Anong nangyari sa kanya?" sunod-sunod na tanong ko kay Axeros. Kinakabahan na ako na hindi mawari, natatakot na baka may masamang mangyari sa kanya. Kasasabi ko lang na mag-iingat siya eh.Lakad takbo kaming nagtungo sa emergency room. Habang papalapit nang papalapit kami sa emergency room ay pabilis naman ng pabilis ang kabog ng dibdib ko. Mabigat ang kalooban ko sa balitang ito sa kanya.Malapit na sila doon ng makita niya ang pamilya ni Zaprine sa labas ng hospital mga kamag-anak siguro nila ang iba. Wala si Lolo Francisco dito. Nandito rin ang ibang kaibigan ni Zaprine, si Neptune ang unang nakapansin sa kanya. Wala itong sugat pero si Gardo may mga gasgas at sugat ito sa mukha. "Aria!" sambit agad ni Neptune. Napalin
Love Amidst the Danger AriaMahigit isang linggo nang walang tawag sa amin si Zaprine. Alam ko naman na busy ito. Pero sana kahit tawag o di kaya ay message na lang. Dahil kinukulit ako ng kambal kung bakit hindi tumawag ang Daddy nila. Nakasimangot na naman silang nagising. Bad mood na naman sila. Dahil walang Daddy na naglalambing sa kanila kada paggising nila sa umaga. Walang magbubuhat para samahan na magtungo sa banyo para maghilamos at mumog. Walang magluluto ng favorite nilang pagkain sa umaga. Walang kakulitan at walang nagbabasa ng books for them sa gabi."Mommy!" iyak na naman ni Zamia pagkagising niya. Parang balik ulit kami sa dati na tatlo lang kami. Pero iba na ngayon dahil alam na nilang may Daddy sila at nakakasama na nila. Naninibago na naman sila dahil sanay na silang kasama ang ama nila."I want Daddy," ungot rin na saad ni Zaria. Malalim akong napabuntong-hininga sabay yakap ko na sa dalawa. Hindi ko pinansin ang pag-iyak nila. Inakay ko na sila sa banyo para m
Love Amidst the Danger Zaprine Rinig namin ang sigawan nila sure akong natamaan at napuruhan rin sila. Sumilip kami sa pintuan ang ibang kalaban ay nagsitakbuhan kasama ang pinuno nila. Iniwan ang mga kasamahan nilang napuruhan sa pagsabog. Now kwits! "Sundan natin sila hindi pwedeng makatakas sila," sabi ni agent Clent. Nag-abiso ako sa kanila na palabas ng lumang building ang leader ng sendikato. "Huwag hayaan makatakas ang mahalimaw na taong iyan!" sigaw ko. Paubos na ang bala ng baril ko kaya kinuha ko ang dalawang baril na hawak ng mga patay ng kalaban. Mas maganda 'yung may reserba. "Agent look out!" sigaw ko sabay tulak sa kasama ko. Natumba kaming dalawa sa sahig. Mabilis ang galaw ko kasunod ang pagbaril ko sa mga kalaban. "Sa kaliwa!" sigaw ni agent Clent. Mabilis ang ginawa kong paggulong sa sahig at nagtago sa gilid. Sumilip ako at mabilis kong kinalabit ang gatilyo ng sunod-sunod. Alerto ang bawat galaw ko na halos hindi ko na maramdaman ang mga sugat
Love Amidst the Danger Zaprine Wala nga silang pakialam sa mga kliyente nila, dahil nagpaulan pa rin sila ng putok ng baril sa gawi ko. Hindi ko alam kong ilang bala ang natama sa katawan ng dayuhan na ginawa kong panangga. Natamaan man ako ay hindi ko hinayaan na mapuruhan ako. Mas lalong nagkaroon ng tension ang paligid ng dumating ang mga back up naming iba dito sa basement. Nagkagulo na ang lahat sa paligid nagpalitan na ng putok ng baril sa magkabilang panig. I'm glad dahil on time dumating ang kasamahan namin baka napuruhan na ako kung sakali. Parang naging larangan na ng digmaan ang abandonadong gusali sa sunod-sunod na barilan sa bawat grupo. Naging maliksi ang lahat at walang gustong magpatalo. Dahil ang gusto namin ay mapataob ang grupo ng sendikato na ito. "Malalakas sila, ngunit hindi sila mananalo. Isa isahin natin silang uubusin. Expose natin ang mga lihim nila, mga masasamang gawain, para mabigyan ng hustisya ang mga nabiktima nila," sabi ng kasama niyang agent
Love Amidst the Danger Zaprine I was instructed to go in the other room. Hindi lang pala basta-basta abandona na ugali ang lugar na ito. Maraming pasikot sikot at maraming mga kwarto. Kinailangan pa naming pasukin ng mga kasama ko ang mga kwarto.Ang ilan sa mga kwarto ay walang pinto ang iba ay meron. Kaya double ingat ang ginagawa naming paglusob sa loob. Kada kwarto ay pinapasok namin. Napatigil kami ng may marinig kaming yapak na malapit sa gawi namin. Nagdahan-dahan kaming pumasok sa walang pinto na kwarto. Sa tabing kwarto sila tumigil sumilip ako at gano'n na lang ang gulat ko ng may akay silang dalawang babae na hubo't hubad na basta na lang itinapon sa loob ng kwarto. Napatiimbagang ako sa nakikita ko. Paglabas nila ay may dala na ulit silang dalawang babae na umiiyak at nagmamakaawa. Pero ang mga gago sinaktan lang ang dalawang kawawang babae. Hindi na ako nakatiis at binaril ko na sila sa ulo. Ayon at tumba agad sila. Naka-silencer naman ang baril ko kaya walang tunog
Love Amidst the Danger Zaprine Magtungo kami ngayon sa Cavite para sa operation namin doon. Pero dumaan na muna ako dito sa Tagaytay, para makita na muna ang mag-iina ko. Bago magtungo sa lugar kung saan kami lulusob. May nakapagsabi na doon raw ang hideout ng mga sendikato na kinabibilangan ng ex-boyfriend ng fiancée ko.Simula nang lumusob sila sa hospital ay nag-iba na rin sila ng hideout. Hindi na sa Antipolo mas malayo na ngayon ang taguan nila. "Mag-iingat kayo dito, sweetheart. Huwag lalabas ng lugar na ito. Kapag maayos na ang lahat ay saka tayo uuwi sa bahay ng parents mo. Pwede rin sa sarili ko ng bahay. Gusto ko lang muna ayusin ang lahat para tahimik na ang pamumuhay natin," mamimiss ko ang mga ito kahit saglit lang naman na magkakalayo kami."Naiintindihan ko. Basta mag-ingat ka sa lahat ng pupuntuhan mo. Pag-uwi mo kailangan wala kang mga galos sa katawan. Gusto ko ingatan mo ang sarili mo para sa amin ng mga anak natin. Lagi kang tatawag kahit diyan lang naman sa kab