Share

Chapter 5

Zaprine Mansion

"Saan mo ako dinala?" tanong ko agad. Gabi na kaya hindi ko masyado makita ang kapaligiran dahil dim lang din ang mga ilaw sa paligid.

"In my house, my dear. I have to punish you for disobeying me," mababa at malalim nitong sambit.

Kinilabutan naman ako sa boses nito. Anong punishment ang gagawin sa akin? Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit excited ang nararamdaman ko.

"What do you mean by punishing me just because I disobeyed you?" hindi ko mapigilan na tanong sa kanya.

"You will know later and get ready," seryoso pa nitong sabi.

"I don't understand," clueless ko na sambit sabay tingin sa paligid.

Pero wala itong tugon sa sinabi ko kaya liningon ko ito. Napaigtad pa ako ng lumingon din ito sa akin. Kahit kailan talaga hindi pa rin ako nasasanay sa presensya nito sa akin. Kakaiba na naman kasi ngayon ang ipinapakita nitong ugali. Nainis ko nga siguro talaga ito.

Ilang month na rin kaming dalawa na magkasama. Pero hindi pa rin ako nasasanay sa paiba-iba nitong ugali. Mostly, very misteryoso pa rin ito pero safe ang pakiramdam ko kapag kasama ko siya.

Pagkapark nito sa sasakyan nito ay agad bumaba at pinagbuksan niya ako ng pinto. Pagbaba ko palang sa sasakyan ay binuhat na niya ako. Napasigaw pa ako sa ginawa nito. Napayakap ako ng may nagliparan na mga ipon nagulat siguro sila sa pagsigaw ko.

"Siraulo ka! Nagulat ko pa tuloy ang mga tahimik ng natutulog na mga ibon." Hampas ko pa sa dibdib nito. Mahina lang naman itong natawa at nagpatuloy na sa pagpasok sa mansion nito.

Pumasok kami sa isang elevator pataas. Hanggang ngayon buhat pa rin niya ako. Kahit nahihiya ay nag-enjoy na lang ako sa pagbuhat nito. Siya naman ang mabibigatan hindi ako.

"Why you bring me here?" usisa ko dahil clueless pa rin ako.

"I told you earlier that I need to punish you. Stop your repeated questions!" nagsungit na naman.

"Parang nagtatanong lang, e," mahina ko na sambit.

Marahan niya akong ibinaba sa sofa sa loob ng kwarto nito. I think kwarto niya ito dahil sa malaking picture na nakalagay sa ding ding. Magtanong sana ako kaya lang nakabusangot ang mukha nito. Ilang minuto pa lang kaming magkasama iba-iba na ang nasaksihan kong facial expressions niya.

Nataranta na ako nang makita ko siyang naghuhubad na ng damit niya. Anong ginagawa niya? I'm not ready for this yet. Pero iba naman ang puso ko nagtatalon sa tuwa. Napatakip ako ng mukha ng makita kong ibinababa na nito ang pantalon na suot nito.

"What...what are you doing?" taranta ko ng tanong.

"I will take a bath. You want to come with me?"

Jesus, nilalandi na naman ba ako ng lalaking ito? Marupok pa naman ako na kay hirap niyang tanggahin. Mabuti na lang din dahil halik sa pisngi at yakap lang ito sa akin. But this time.. oh my... I'm not sure if ready na ako sa ganito.

Sabi ng kaibigan nitong si Neptune, pihikan ito sa mga babae. Kaya swerte ko daw dahil ako ang nagustuhan nito. Kaya single pa daw ito hanggang ngayon.

"Maligo ka na 'wag mo na ako idamay sa mga kalukuhan mo," simangot ko. Mahina naman itong natawa bago lumapit sa akin.

Inalis nito ang mga kamay kong nakatakip sa mukha ko. Binuka ko ang aking mga mata, tumambad sa akin ang matipuno nitong dibdib. Titig na titig ako sa katawan nito particular sa bandang tiyan nito. Lihim niyang binibilang ang abs nito.

"Ilan ang nabilang mo?"

"Eight rectus abdominals," sagot ko. "Bakit ako sumasagot sa'yo hindi ko naman binibilang kung ilang ang abs mo," bawi ko agad. Napatampal pa ako sa noo na ikinatawa nito.

Hinila niya ako patayo. Napatitig na lang ako sa maganda nitong mga mata. Naging magaan ang expression ng mukha ko ng mabasa ko sa mga mata nito ang pagkahumaling at pagkagusto sa akin. Lalo na ang nababanaag ko na pagmamahal na nakikita ko sa mata nito.

I honestly love this person too. Nagiging comfortable at safe ang pakiramdam ko everytime I'm with him. Kahit pa minsan napaka-wierd at misteryoso niyang tao.

Hinaplos ni Zaprine ang aking panga gamit ang kanyang mga daliri, nagtagpo ang kanilang mga mata, at parang nag-init ang paligid.

"You're so beautiful, Aria."

Namula ang pisngi ko. "You always make me feel beautiful."

Napapikit ako ng ilapit nito ang mukha sa akin. "You are, inside and out.''

Habang naghahalikan sila, naramdam ko ang matinding tibok ng puso ni Zaprine, parang isang malakas na awit na tumatagos sa aking kaluluwa. Ang kanyang magaan na haplos ay nagdulot ng mga kiliti sa aking katawan. Magkayakap ang kanilang mga katawan, nag-aapoy sa init ng kanilang pagmamahalan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status