America
5 months na siya dito sa america at everytime na may bakante siyang oras sumasagi palagi sa isipan niya si Zaprine. Nandito ako ngayon sa kwarto ng isang pasyente at hanggang ngayon wala pa rin dumadalaw mula kahapon. Gabi ang duty ko at pati ito kasama sa pasyente na i-monitor ko dito. Nakakabingi ang katahimikan sa paligid. Ang tunog lang ng aparato sa loob ang naririnig ko. Busy ako na inaayos ang gamit ko dahil tapos na ang duty ko. Naramdaman ko na may nakatitig bago ko pa siya makita. Napalingon ako sa pintuan gano'n na lang ang pagsikdo ng puso ko. Parang kilala ito ng puso ko pero hindi ko naman namumukhaan. "Aria?" mahinang sambit ng lalaki. Napako ako sa aking kinakatayuan dahil sa titig niyang tumatangos. Nawalan na ako ng pukos dahil sa pagsambit nito sa pangalan ko. Kilala niya ako? "Do...do you know me?" nautal ako sa pagsasalita. "Don't you remember me?" patanong din na tanong nito sa akin. Umiling lang ako. Pero nang titigan ko siya ay parang may kahawig ito. I'm not sure kung siya nga ito dahil noong first met namin naka-sunglasses ito. "Ang dali mo naman makalimot," bahagyan pa itong ngumuso ang cute niya. Misteryoso to cute face real quick. Kaya hindi ko mapigilan na mapangiti. ''You look familiar but I'm not sure, kung ikaw nga iyon," nahiya pa ako ng makita ko itong nakatitig pa rin sa akin. Nakita ko ang nagniningning nitong mga mata na puno ng mga samo't saring emosyon. "Siya nga iyong?" tanong nito. "Iyong nakilala ko month ago. I mean 'yong lalaking tumulong sa akin. Of course, I will never forget him," mediyo nahiya pa ako. "What his name?" amuse pa na tanong nito sa akin. Inayos ko na muna ang gamit ko ng matapos ko ng ma-check ang kalagayan ng lalaking pasyente ko. Bago ako nagsimula ng maglakad palapit sa kinaroroonan nito. Nasamyo ko ang familiar na pabango nito. Oh my, siya nga. "Zaprine?" bulalas ko na tanong sa kanya. Napanganga pa akong napatingin sa kanya na may galak sa aking mukha. "Mas guwapo ka pala kapag walang sunglasses na suot. Akala ko tuloy noon bulag ka, e. Pinangalanan pa nga kitang Mr. Tutubi." Napatutop ako bigla sa labi ko. Tumawa naman ito sa pagpuri ko sa kanya. Ang kanyang mga mata ay parang kumikinang na brilyante. Ang sarap titigan ang mga mata nito. 'Hindi ko talaga mapigilan ang excitement na nararamdaman ko ngayon. Nakakahiya ka self, kasi naman lagi itong laman ng isipan ko. Nagmumulto pa nga ito gabi-gabi sa balintataw ko. Hindi ko siya maalis-alis sa isipan ko. Lalo na ang mukha at boses ni Zaprine. Malapad itong nakangiti habang nakatingin sa akin. Kumikislap pa ang mga mata nitong kulay green. Ang gwapo naman pala talaga nito. Ang misteryoso nitong awra ay siyang nagpapalakas sa karisma nito. "How did you recognize me?" curious nitong tanong. May munting ngiti na naglalaro sa labi nito. "Because of your--- oh wait! Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Tumingin ito sa nakaratay na lalaki. Kilala siguro nito ang pasyente ko. "Do you know him?" "Yeah his my friend. I have a business meeting in New York ng malaman ko ang nangyari sa kanya. Kaya pagkatapos ng meeting ay agad akong lumipad patungo dito sa California. I'm so happy to see you again, my dear." malamyos na sambit nito. 'Same, same masaya akong makita kang muli,' sambit ng isipan ko. "So tell me, how did you recognize me?" ulit nitong tanong sa akin. Heto na naman ang puso ko kinikilig na naman dahil sa paraan ng pagtitig nito sa akin. Ganito din siguro ang paraan nito sa pagtitig sa akin noon. Nakakatunaw, nakakailang, nakakapanindig balahibo. "Because of your smell. Ang dami mong tanong e," nguso ko. Tumawa naman ito. "You know, I'm like a crazy person looking at you everywhere. Tapos dito lang pala kita makikita sa hospital again." bahagyan pa itong tumawa. "Nice to see you again, my dear." Lumapit pa ito sa akin at magaan na niyakap. Nanginig ang katawan ko sa pagyakap nito sa akin ng bahagyan. Madikit lang ang katawan nito sa katawan ko nagwawala na ang puso't kalamnan ko. 'Yong kilig ko bumalik na naman na parang teenager lang. "Wala na tayo sa eksena na may gustong kumuha sa akin. Bawal na ang yakap," sabi ko na lang para pagtakpan ang kilig na nararamdaman ko. "Na miss lang kita. Ilang buwan din kitang hinahanap kung saan-saan. Dahil sa pagkatuliro ko noong una tayong nagkita, ayon nakalimutan kong kunin ang cellphone number mo. O, email or social media, nawala ako sa katinuan dahil sa presensya mo, Aria my dear. What I feel for you now is deeper than when we first met," prangka pa nitong pag-amin sa akin. Pinanatili ko na maging professional sa harapan nito kahit pa kinikilig ako sa bawat salitang binibitawan nito. Hindi ko akalain na hinahanap pala niya ako. "Feeling close kana sa akin e, we only met twice," ingos ko. Pero ang puso ko walang pagsidlan na saya. But I composed myself na 'wag mag-react ng bongga. "Don't worry, simula ngayon araw-araw mo na akong makikita. Araw-araw mo na akong makakasama," kindat pa niya sa akin. "Wala akong sinabi na magiging bodyguard kita. Ayaw ko ng may bodyguard. I have to go, it's already late." "Kaya ka napapahamak dahil wala kang bantay. Ihatid na kita sa sasakyan mo," presenta nito. Habang naglalakad kami papuntang kotse ko, hindi ako mapakali sa presensya niya. Habang ito naman ay nagmamasid sa paligid. "Be careful, Aria." sabi ni Zaprine na may mababang boses at malalim. "Bakit?" tanong ko na may pagtataka sa mukha. Ngumiti ito sa akin ng bahagyan. "Matalino ka, Aria. You know this city's dangers." Nagkatitigan kaming dalawa sa isang iglap nakalimutan ko panandalian ang tungkol sa trabaho ko sa hospital, ang mga pasyente at lahat na. Ganito kalakas ang dating niya sa akin. Nagpaalam na siya sa akin and leaving me breathless.Danger Sa pangalawa nga naming pagkikita sa ospital ay naging mas comfortable na ako kesa sa una naming pagkikita ulit dito sa Amerika. Tinutuo nga nito ang sinabi niya na palagi ko na itong makikita at makakasama araw-araw. I mean gabi-gabi dahil gabi naman ang duty ko sa ospital. He always bring foods, gifts and flowers for me. Minsan sabay kaming kakain bago ako pumasok sa trabaho ko. I know na madali kaming na-attached sa isa't isa. I admit, na nahuhulog na ako sa kanya dahil sa mga pinapakita nitong kabutihan at pag-aalaga sa akin. Ngayon gabi lang na ito hindi kami nagsabay na kumain dahil may importante daw itong lakad. Pero sinabihan niya akong ihahatid niya ako mamaya pag-uwi sa apartment ko. Naging bodyguard at driver ko na tuloy ito dito. Ang hirap niya tanggihan dahil makulit din ito at ipinipilit ang gusto nitong gawin. "Where's your possessive suitor? Kausapin lang kita akala naman niya aagawin kita sa kanya. He's head over heels in love with you. Hindi makausap ng
Zaprine Mansion "Saan mo ako dinala?" tanong ko agad. Gabi na kaya hindi ko masyado makita ang kapaligiran dahil dim lang din ang mga ilaw sa paligid. "In my house, my dear. I have to punish you for disobeying me," mababa at malalim nitong sambit. Kinilabutan naman ako sa boses nito. Anong punishment ang gagawin sa akin? Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit excited ang nararamdaman ko. "What do you mean by punishing me just because I disobeyed you?" hindi ko mapigilan na tanong sa kanya. "You will know later and get ready," seryoso pa nitong sabi. "I don't understand," clueless ko na sambit sabay tingin sa paligid. Pero wala itong tugon sa sinabi ko kaya liningon ko ito. Napaigtad pa ako ng lumingon din ito sa akin. Kahit kailan talaga hindi pa rin ako nasasanay sa presensya nito sa akin. Kakaiba na naman kasi ngayon ang ipinapakita nitong ugali. Nainis ko nga siguro talaga ito. Ilang month na rin kaming dalawa na magkasama. Pero hindi pa rin ako nasasanay sa pai
Sweet night "Ito ba ang sinasabi mo na punishment sa akin?" mahina kong tanong. "Yes, and I want you tonight, my dear," anas nito sa punong tainga ko.Nag-init agad ang pakiramdam ko sa panghahalik nito sa punong tainga ko. Kinilabutan ako at nakiliti. "Hindi naman malala ang kasalanan ko sa'yo," nguso ko pero kinintalan lang niya ako ng halik sa labi ko. "Ay!" gulat ko na sambit. Mahina naman itong natawa at marahan niya akong niyakap.Ramdam ko ang init na nagmumula sa hubad nitong katawan. Ang sarap sa pakiramdam kaya hindi ko mapigilan na isandig ang ulo ko sa matipuno nitong dibdib."You don't know how much I worried about you when I saw your things on the floor. Sobrang nag-alala ako na baka natangay ka na ng kong sino na gustong kumuha sa'yo. Next time please my dear makinig ka kahit isang beses lang," ramdam ko ang boses nito na nag-aalala talaga sa akin."Pakiramdam ko kapag kasama kita laging may panganib sa buhay ko. Baka ikaw ang salarin?" biro ko. Kinutusan niya agad
Sweet morning Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may humahaplos sa ulo ko. Kinusot-kusot ko na muna ang aking mga mata bago nagmulat ng mata. I saw Zaprine sweet smile when he saw me open my eyes. "Good morning beautiful!" bati nito agad sa akin. Kinintalan agad niya ako ng magaan na halik sa aking noo. Napangiti naman ako sa ginawa nito. I really love this man, sweet and mysterious. Kaninang nakaupo lang habang haplos ang ulo ko ay tumabi na ito sa akin patagilid na humiga at humarap sa akin. "Good morning too," paos ko pa na sagot sa kanya. "You look beautiful even when you're just waking up," nakangiti pa nitong sabi habang nakatitig sa aking mukha. "Sinasabi mo lang 'yan dahil bagong ligo ka," simangot ko. Mahina itong tumawa. "No, I mean it. Ikaw ang pinakamagandang bahagi ng paggising ko. I love waking up with you." Lumapit pa ito sa akin at yumakap ng mahigpit. "Me too," mahina ko na sambit. Sinapo nito ang magkabila kong pisngi pinakatitigan niya ang mukha ko.
In Relationship Wala kaming ginawa maghapon kundi ang magkwentuhan at magharutan. Nagbabahagi ng bawat hilig at mga gusto namin na pagkain, favorite na ginagawa etc. We slowly get to know each other. Dalawa lang silang magkapatid both lalaki at si Zaprine ang bunso. Samantalang ako ay tatlo kaming magkakapatid at ako ang panganay sa magkakapatid. Nag-aaral pa ang bunso sa college, pero tinapon nila parents sa Australia sa parents ni Daddy, dahil sa kasalanan nito. "Totoo ba na magkakilala ang parents mo at parents ni Neptune?" maya't maya ay tanong nito habang nasa loob kami ng sasakyan nito. "Oo friends yata sila ng parents ko not sure, and his father is my professor doctor. Ang ama nito ang nag-supervise sa batch ko noong sasabak na kami sa training as a doctor. Matagal bago ko nakuha ang license ko as a surgeon doctor." pagkwento ko sa kanya. "Bakit doctor ang naisipan mong kunin at surgeon pa talaga. How much you love your job as a doctor stitching up a patient's wound. Hin
Met my friends May isang linggo akong pahinga kaya may oras akong umattend ng fashion show ng mga kaibigan ko. Sila ang nag-organize ng show na ito sa New York, para sa bago nilang mga collection na bagong damit collab silang dalawa na kaibigan ko.Nalaman nilang nandito ako sa California kaya pinilit nila akong dumalo. Kahit ang sabi ko ay busy ako. Ang balak ko sana ay mamasyal kami ni Zappy kaso nakonsensya naman ako. Lagi akong hindi present sa okasyon lalo na sa mga mahahalaga nilang event. Nandito ako ngayon sa mansion ni Zappy nakitulog. Napuyat kaming dalawa dahil nag-movie marathon kami. Pero mas madalas ang landian at harutan."My baby, wake up," dumagan pa ito sa akin habang nasa ilalim ako ng makapal na kumot."Go away," inis ko na suway sa kanya dahil inaantok pa talaga ako. "Tanghali na." Sabay tanggal sa kumot ko. "Wala akong pasok kaya hayaan mo muna ako na matulog. Inaantok pa ako," inis ko na sambit."Akala ko ba ipagluluto mo ako?" Pero dumapa lang ako para hin
Fashion show Nagmadali na akong lumabas ng hotel room na nirentahan ko, malapit lang sa venue kung saan gaganapin ang fashion show. Na-late ako ng gising dahil sa lalaking makulit. Nag-away pa kami ni Zappy kanina sa isusuot ko sana na dress. Halter neckline long column dress na may thigh-high slit na black ang kulay. Ang ganda ng damit at bagay na bagay ko pa naman. Kaso pinahubad niya ang dress na suot ko, hindi daw dapat revealing ang isusuot kong damit. Black satin off shoulder long dress na ang suot ko. Ginawa ko na lang na easy updo hairstyles ang buhok ko. Ayos na siguro ito. Light lang ang make up ko. "Dios ko mali-late na ako. Nakakainis ka kasing lalaki ka!" maktol ko. Wala ito dito sa kwarto ko pinaalis ko kanina. Ewan ko kung saan siya nagtungo. Bahala siya sa buhay niya. Naiinis lang ako na pati pananamit ko na once in a blue moon lang ako makasuot ng ganito pakikialaman pa niya. "Gossh!" frustration ko pang sambit. Nagmadali na akong kinuha ang pouch ko
Shock Naglakad na kami patungong venue. May mga reporters at pati ako nadadamay sa mga tanong nila. Ang sinagot ko lang sa ilang mga tanong nila ay 'I am a doctor' the rest ngiti na lang ang sagot ko. "Gosshhh! Pati ako dinamay nila," reklamo ko. Pero 'yong isip ko na kay Zaprine. Nasaan kaya ito? Sinong kausap niya o kasama niya? Huwag naman sana babae 'no? Sumimangot ako. "Aria, akala ko ba kasama mo 'yong ka-date mo? Nasaan siya?" usisa ni Blessa. "Sabi niya kaninang nilapitan ko kayo may kakausapin lang daw siya. Kaya hindi ko siya naipakilala agad sa inyo." paliwanag ko. May munting kaba akong nararamdaman dahil ngayon ko lang naisip na Zaprine ang sinabi ni Greene na pangalan ng lalaking gustong gusto niya. Aside, sa describe niya noon sa lalaki ay gano'n din ang describe ko kay Zaprine. Green eyes din si Zappy ko, gano'n din ang describe na lalaki ni Greene. Sana magkaiba ang lalaking nagugustuhan naming dalawa ni Greene. Kinakabahan ako bigla. "Goodness! Anong ginaga
Love Amidst the Danger One week kami mahigit sa bahay. Nag-enjoy na ang kambal at ayaw na nilang bumalik sa Sevenity. Lagi kasing ipinapasyal nila Mommy at Daddy ang kambal sa labas. May bodyguards naman sila pero nagtawag rin si Zaprine sa iba pang bodyguard para sa safety ng mga bata. Nag-iyakan na silang dalawa. Ayaw talaga nilang bumalik na at dito na lang daw kami titira. Kahit sinabi ko nang babalik pa kami dito. Nakayakap pa sila sa mga Lolo at Lola nila. Pero binuhat na sila ng ama nila. "Ayaw Mommy, I want to stay here po," iyak ni Zaria. Tuwang tuwa kasi sila sa mga aso na alaga namin. Kalaro nila sa labas kada hapon. Nagpapagulong gulong sila sa bermuda sa labas. Para silang nakalaya sa matagal na pagkakakulong. Tuwang tuwa sila sa mga nakikita nila. Halos meron din naman sa Sevenity. "Magba-bye na kayo kay Lolo at Lola. Babalik rin tayo dito mga anak. May school pa kasi kayo, kapag wala na dito tayo magbabakasyon. Lalaruin n'yo ulit si Tote at Toto, okay," mal
Aria Pov Maya't maya ay nagsidatingan na rin ang mga ibang bisita ni Zaprine. Dumating rin sila Mommy at Daddy, kasabay nila si bunso at ang fiance nito.Pinakilala ko naman sila sa opisyal ng barangay. May dalawang truck na naka parada sa tabi. Ang isa ay mga pagkain na at ang isa naman ay mga pamimigay namin sa lahat.Sobrang dami ng tao ang pumunta. Halos wala ng madaanan kaya nasa tent lang ang pamilya ko ang kambal para hindi sila masagi sa labas. Ako naman at si Zaprine ay nag-aassist rin sa mga tao.Masaya lalo ang mga tao dahil kahit ang mga matatanda ay may palaro na rin. Cash ang premyo sponsor ng mga kaibigan ni Zaprine. Si Tremonte at Josh ang emcee na ngayon inagawan nila ang emcee ko.Hiyawan at tawanan ang mga tao dahil sa mga naglalaro. Masaya rin ang mga tao dahil sa kalukuhan ng mga emcee. Si Neptune, at Gardo ay nasa tabi lang din nakikitawa. Mabuti na lang malawak ang basketball court nila dito. Organize rin ang pagkakaayos ng venue, salamat sa mga opisyalis ng ba
Love Amidst the Danger Aria Pov Maaga kaming nagtungo sa clinic ko para hindi kami maipit mamaya sa mga taong pupunta mamaya sa party. Buong barangay ang invited baka may mga ibang taga barangay pa nga ang dadayo kapag may nag-abiso sa kanila. Ayos lang ang mahalaga naman ay ma-check up sila at mabigyan ng vitamins."Welcome back Ma'am Aria," malakas na sigaw ng mga tauhan ko. Nagulat pa ang kambal napayakap agad sa Daddy nila. "Wow Ma'am, anak mo sila?" Tanong ng isang staff ko."Nako, Ma'am ang gwapo naman po ng asawa n'yo po," segunda pa ng isa."Magsitigil nga kayo diyan, hindi na kayo nahiya sa Boss natin," suway ng assistant ko. "Pagpasensyahan mo na ang mga empleyado mo Ma'am, excited lang silang makita kang muli," paumanhin ng assistant ko. "Ayos lang Myra," ngiti ko. "Kumusta kayo dito?" tanong ko. "Maayos naman po kami dito Ma'am, na miss ka po namin," sagot ng isa ko pang staff. Lima silang lahat pang-anim ang security guard dito."Na miss ko rin kayong lahat, siya nga
Aria Pov "We are here na mga anak, welcome to the grandparents house, twins," masaya kong bulalas.Napanganga naman sila at excited na silang bumaba. Papasok pa lang kami sa bakuran namin ay hindi na magkandamayaw sa tuwa ang kambal."Lolo!" "Lola!" Sabay pa na sigaw ng kambal. Kumakaway na sila kahit hindi naman sila nakikita pa nila Daddy. "Wow, ganda dito," tuwang tuwa ang sila sa nakikita. "Ganda bahay nila Lolo at Lola. Laki-laki may play-play pa. Mommy, pede kami lalaro diyan?" tanong agad ni Zaria.Nagpapalakpak pa sila sa tuwa para silang mga palaka na nagsasaya dahil nabasa na sila ng tubig ulan. Hinahayaan lang namin sila dahil first time nga nilang lumabas ng exclusive Sevenity club. Private place sa Tagaytay.Pagkatigil ng sasakyan ay agad silang nagpababa sa amin. Pagkababa nila ay agad silang tumakbo ng makita nila ang grandparents nila sa harapan ng bahay."Lolo, Lola!" masayang sigaw ng kambal. Nakataas pa ang mga kamay nila habang tumatakbo palapit sa grandparent
Aria Pov Birthday na ni Zaprine sa makalawa, at nag-suggest ito na sa Manila kami uuwi para mag-celebrate ng kaarawan nito. Gusto niya ma-experience daw 'yung magbigay ng tulong na siya mismo ang nagbibigay. Marami naman daw itong mga charity foundation ang tinutulungan, pero ang secretary nito ang madalas na nagpapadala sa mga donations.Gusto rin daw n'ya ma-experience nang mga anak namin ang makisalamuha sa ibang tao. Lalo na ang ma-expose daw sa pagtulong sa kapwa. Sumang-ayon naman ako at isa talaga iyon sa plano ko. Pero dahil ito rin pala ang naisip niya kaya agad akong pumayag.Nasabi ko kay Mommy na luluwas kaming Manila bukas ayon at sobrang excited sila. Sa wakas daw makakabisita na kami sa bahay. Kaya ipapalinis daw niya ang kwarto ko at magpapa-party. Pang welcome home daw niya sa amin ng mga kambal ko.Hindi na umangal si Zaprine ng sinabi kong sa bahay kami di-diretso. Ang balak daw sana nito ay sa penthouse nito kami uuwi. Ayaw niya sa mansion nila dahil ang gusto ni
Zaprine/Aria Pov "Ang OA, mo naman para 'yon lang, e," natatawa kong sabi. "You don't know how much I prayed that you would call me the way I call you. Masaya sa pakiramdam at kinikilig ako. Lumaki pa yata ang tainga ko pagkarinig sa sinabi mo, sweetheart," masayang masaya na ang mukha nito. Natawa naman ako sa reaksyon niya. "Please say it again. Gusto ko ulit marinig, at sana dalas-dalasin mo na para araw-araw akong kikiligin," masaya pa nitong turan. Ang lalaking misteryoso at seryoso masyado sa buhay kikiligin? Really? Napapantastikuhan akong tumingin kay Zaprine. Mabilis naman n'ya akong sinunggaban ng halik sa labi. Ito talaga pasulpot sulpot sa biglaang paghalik sa akin. Dahil na miss ko ang halik nito ay tumugon agad ako sa masarap nitong halik sa akin. Ang mga halik nito ay may kakaibang kiliti sa katawan ko, na dulot ng masarap nitong pag-angkin sa labi ko. Yumakap na ako sa kanya ng pailalimin nito ang paghalik sa akin. Mapagmahal ko naman na tinugon ang paghalik
Back to normal Tatlong araw lang ng matalik kong kaibigan dito. Babalik daw pagkatapos ng fashion show na gaganapin sa exclusive na hotel sa manila. Isa daw sila ni Greene ang magmamanage with their co-designer. Nag-good luck na lang ako sa kanya. Hindi na nakapagpaalam sa kambal dahil may pasok na ang mga ito sa school. Maaga rin ang alis nito dahil marami pa daw sila aasikasuhin sa venue. Nagbigay pa siya ng calling card bago ito umalis. Aasahan daw nito ang pagtawag ko sa kanya. One week akong leave sa trabaho kaya nandito lang ako sa bahay. Si Zaprine na ang lahat ng nag-aasikaso sa aming tatlo. Busy na ito sa pagluluto sa kusina ako naman nasa Sala kausap ang assistant ko sa clinic. Kunti lang ang nakakaalam sa mga nakakakilala sa akin, na ako ang may-ari ng clinic na nasa malapit sa lugar ng mga kapos palad na mga mamamayan. Alam ng mga nasa lugar na iyon na ako ang may-ari kaya kapag nakita nila ako ay masaya nila akong binabati. Naging safe ang lugar na iyon para sa a
Zaprine/Aria Pov "Okay ka na Mommy?" tanong naman ni Zamia. Tumango ako."Nandito naman kami Mommy, stop crying like a cat again Mommy," sabi naman ni Zaria na ikina-react ng kambal nito."You always so mean to Mommy, haynako!" simangot ni Zamia. "Don't worry Mommy, I'm here I understand you. It's okay to cry sometimes," ngiti ni Zamia. "It's just a expression to make Mommy smile, halleeerr! Ang seryoso mo naman Maya," nguso ni Zaria yumakap na ito sa binti ng ama.Kaya binuhat na ni Zaprine ang dalawa at lumapit sila sa kama kung saan ako nakaupo. Pwede na akong umuwi dahil okay naman na ako. Okay na lahat ng test nila sa akin. Hindi rin nabagok ang ulo ko kaya pwede na akong umuwi siguro mamaya.Pagkababa ni Zaprine sa kambal ay agad silang yumakap sa akin. Sabay pa silang humalik sa pisngi ko. Matamis naman akong ngumiti sa kanila. Natawa ako ng akmang hahalik rin si Zaprine sa akin. Sabay na tinakpan ng kambal ang labi ko. Kaya sa noo na lang ito humalik. "You guys are so mean
Aria Pov Tumabi ito sa sa'kin sa pagtulog sa kama. Pinaunan niya ako sa dibdib nito. Na miss ko ang ganitong pagtulog ang nakayakap sa kanya. Paggising ko kinaumagahan ay wala na siya sa tabi ko. Pero may nakita akong fresh flowers sa tabi ko. Napangiti ako habang inaabot ko ang napakagandang bulaklak. May letter pang nakasiksik sa pinakagitna ng bulaklak binasa ko agad ang nakasulat. 'Smile. Good morning my beautiful sweetheart,' -love Zaprine. Malawak akong napangiti nang mabasa ko ang simpling message nito sa akin. Kinikilig na naman ako. Nakaupo lang ako sa kama kaya ko naman na ang tumayo at malakas na ako dahil sa pangangalaga sa akin ni Zaprine. Nakangiti akong tumingin sa pinto ng makita kong bumukas iyon. Pero bahagya na nawalan ang ngiti ko ng ang mga parents ko ang pumasok sa loob. Seryoso ang mga mukha nilang nakatingin sa akin."Magandang umaga Mom, Dad," bati ko kahit pa seryoso silang nakatingin sa akin. Bumati rin naman sila kahit ang mga mukha nila ay seryoso."