Coffee moment
Aria Zaprine and Aria set together at "The Cozy Cafe," sipping their lattes. Nagulat pa ako nang hawakan ni Zaprine ang isa kong kamay. Napatingala ako sa kanya sumikdo ang puso ko ng pakiramdam ko nagtama ang aming mga mata. Sana tanggalin niya ang sunglasses na suot niya. "Aria?" mahinang tawag sa akin ni Zaprine. Ang puso ko dumagundong na naman sa lakas ng tibok. Hindi ko naramdaman ito sa unang naging boyfriend ko. Kay Zaprine lang ako nakaramdam ng ganito, boses pa lang niya napapatalon na ang puso ko. "Yes?" "Pwedeng magtanong?" Tumango naman ako. Boses pa lang nito sumisikdo na ang puso ko. Parang ng aakit naman kasi ang boses nito. Nakakapanindig balahibo. "Anong mayroon kayo ng lalaking iyon at mukhang galit na galit? I'm just curious, ayos lang kung ayaw mo sagutin. I understand," ngiti pa nito sa akin na mukhang apologetic pa. Napatulala na naman ako at natameme. Ngiti pa lang niya kinikilig na ang puso ko. Ang easy to get naman yata ang puso ko. 'Kelan ka pa naging marupok, a?' bulong ng isipan ko. "He...he is my ex-boyfriend, very controlling, manipulation, and possessive in a bad way. Sobra akong nasasakal sa kanya," problematic ko pa na sambit. Pinisil nito ang hawak pa rin niyang kamay ko. I feel like he comforting me. "You're safe now," pag-assure pa nito sa akin. Nagkatitigan kaming dalawa at pinakita ko mula sa aking mga mata ang pasasalamat at tiwala sa kanya. Nararamdaman kong safe na safe ako kay Zaprine. Magaan ang pakiramdam ko habang kausap ko siya. And my heart never stop beating faster everytime na titingin siya sa akin. "Let's go. Ihahatid na kita sa bahay n'yo." Tumayo na ito ng tapos na kaming nagkape. Inalalayan pa niya akong makatayo sa kinauupuan ko. God! He's so gentleman and i appreciate him. "Hindi kaya kita naistorbo? Nakakahiya naman sa 'yo, mukhang nagmamadali ka pa kanina," nahihiya ko pa na sabi dito. "It's fine. Nag-message na ako sa kaibigan ko na may emergency, kaya late ako sa tagpuan namin," bahagyan pa itong tumawa. Napangiti naman ako. "Baka importante ang usapan n'yo, tapos mainip siya sa kakahintay sa'yo. Ako pa sisisihin mo," natatawa kong sambit habang naglalakad na kami patungong sasakyan nito. "Mas mahalaga 'yong ngayon dahil nakilala kita. Hayaan natin siyang maghintay ng matagal. Dahil ang oras natin ang malapit ng maubos kaya sinusulit ko na," natawa na naman ito. Gustong gusto ko talaga ang pagkaprangka nito, very natural at hindi siya nagkukunwari lang. "Ikaw nag-apply ka ba ng trabaho sa ospital o nagtatrabaho ka doon?" tanong naman nito. "I'm working there. I have a contract from abroad kaya i grab it, para makaiwas sa panggugulo ng lalaking iyon," buntong hininga ko pa. Habang nasa loob na kami ng sasakyan nito. Naging maaliwalas ang atmosphere dahil pala kwento ito, nawawala ang pagkamahiyain ko. "Alam mo ba na ayaw ni Mommy na turuan ako ng tagalog na lengguwahe dati?" natatawa nitong sambit. "Bakit naman? Taga saan ba kayo na ayaw niya na magsalita ka ng tagalog?" usisa ko naman. "Pinanganak ako sa Spain. My Mom is a Filipina and my Dad is from Spain. When i was nine years old I learned tagalog with my Tito. Tapos kapag kausap ko si Mommy tagalog ang ginagamit ko, gulat na gulat siya. Nagalit pa sa akin na dapat daw hindi ako nagsasalita ng tagalog. My mom is so weird." Natatawa na naiiling na kwento nito. Mahina naman akong natawa. "Do you know what word i first said to Mommy then?" "Ano?" tanong ko agad. "Putang-ina mommy ko!" sabay pa kaming humalakhak. "Ayon pinalo ako ni Mommy. Sabi ko pa turo iyon ni Tito. Ang meaning na sinabi ng Tito ko sa 'putang-ina' is maganda ang Mommy ko. Nagpilitan pa kaming dalawa ni Mommy noon," tawang tawa kaming dalawa. "Nakakatawa ka," bungisngis ko pa. "O, malapit na tayo sa bahay namin," anunsyo ko pa ng makapasok na kami sa private subdivision. "Saan kita banda ibababa, my dear?" tanong nito. Kinilig na naman ako sa pagtawag nito sa akin ng my dear. Simpling salita lang kinikilig na ako. "Diyan mo na lang ako ibaba sa itim na gate." Sabay turo ko sa gate namin. "Alright." Pagkatigil sa sasakyan nito ay agad itong lumabas at pinagbuksan niya ako ng pinto. Napangiti naman ako habang nakatingin sa kanya. Naka-sunglasses ito pero alam ko at ramdam ko na katitig ito sa akin everytime na titingin ako sa kanya kanina. "Maraming salamat sa lahat. I owe you a lot," madamdamin kong pasasalamat. "You're always welcome my dear Aria," matamis pa itong ngumiti sa akin. Kaya hindi ko maiwasan na malapad din na ngumiti. "Pumasok ka na sa sasakyan mo." "Ikaw ang pumasok na sa bahay n'yo," panggagaya sa akin ni Zaprine. "No! Ikaw ang pumasok na sa loob ng sasakyan mo at umalis na. Baka hinihintay ka na ng kaibigan mo," pagtataboy ko pa. "I stay here, hangga't hindi ko nakikitang nakapasok ka na sa loob ng bahay n'yo," pagpupumilit nito. "Ang kulit mo din ano?" "Ang tigas din naman ng ulo mo ano?" natatawang sambit naman ni Zaprine. "Pasok na!" sabay pa naming sambit na dalawa. Nagkatawanan na lang kami. "Ikaw ang may panganib sa buhay kaya dapat ikaw ang papasok sa bahay n'yo. Don't mind me i have my bodyguards," pangungulit nito. "Ano pa nga ba. Mas matigas pa pala ulo mo sa akin," mahina pa akong natawa. "I'm just protecting you and i want to see you safe until you get inside your house. Pasok na." Sabay lapit sa akin at tinulak na papasok sa gate na nakabukas na sa ngayon. "Thank you for everything you did for me today. And for the coffee, nag-enjoy akong kausap ka," pasasalamat ko. "My pleasure to meet you, Aria. And I hope we can meet again someday. Always take care of yourself okay?" seryoso nitong paalala sa akin. Tumango naman ako. "Bye Zaprine," kaway ko pa. "Bye my dear Aria," malamyos ang boses nitong sambit sa akin. Kung sana tanggalin nito ang sunglasses niya para makita ko ang imosyon sa mga mata nito. "Take care of driving," kumaway na ako bago pumasok na sa loob. Makulit din pala ito. May babaunin na akong masayang memory sa pag-alis ko patungong america bukas ng gabi. Matamis akong ngumiti na naglakad papasok sa mansion namin.America 5 months na siya dito sa america at everytime na may bakante siyang oras sumasagi palagi sa isipan niya si Zaprine. Nandito ako ngayon sa kwarto ng isang pasyente at hanggang ngayon wala pa rin dumadalaw mula kahapon. Gabi ang duty ko at pati ito kasama sa pasyente na i-monitor ko dito. Nakakabingi ang katahimikan sa paligid. Ang tunog lang ng aparato sa loob ang naririnig ko. Busy ako na inaayos ang gamit ko dahil tapos na ang duty ko. Naramdaman ko na may nakatitig bago ko pa siya makita. Napalingon ako sa pintuan gano'n na lang ang pagsikdo ng puso ko. Parang kilala ito ng puso ko pero hindi ko naman namumukhaan. "Aria?" mahinang sambit ng lalaki. Napako ako sa aking kinakatayuan dahil sa titig niyang tumatangos. Nawalan na ako ng pukos dahil sa pagsambit nito sa pangalan ko. Kilala niya ako? "Do...do you know me?" nautal ako sa pagsasalita. "Don't you remember me?" patanong din na tanong nito sa akin. Umiling lang ako. Pero nang titigan ko siya ay parang m
Danger Sa pangalawa nga naming pagkikita sa ospital ay naging mas comfortable na ako kesa sa una naming pagkikita ulit dito sa Amerika. Tinutuo nga nito ang sinabi niya na palagi ko na itong makikita at makakasama araw-araw. I mean gabi-gabi dahil gabi naman ang duty ko sa ospital. He always bring foods, gifts and flowers for me. Minsan sabay kaming kakain bago ako pumasok sa trabaho ko. I know na madali kaming na-attached sa isa't isa. I admit, na nahuhulog na ako sa kanya dahil sa mga pinapakita nitong kabutihan at pag-aalaga sa akin. Ngayon gabi lang na ito hindi kami nagsabay na kumain dahil may importante daw itong lakad. Pero sinabihan niya akong ihahatid niya ako mamaya pag-uwi sa apartment ko. Naging bodyguard at driver ko na tuloy ito dito. Ang hirap niya tanggihan dahil makulit din ito at ipinipilit ang gusto nitong gawin. "Where's your possessive suitor? Kausapin lang kita akala naman niya aagawin kita sa kanya. He's head over heels in love with you. Hindi makausap ng
Zaprine Mansion "Saan mo ako dinala?" tanong ko agad. Gabi na kaya hindi ko masyado makita ang kapaligiran dahil dim lang din ang mga ilaw sa paligid. "In my house, my dear. I have to punish you for disobeying me," mababa at malalim nitong sambit. Kinilabutan naman ako sa boses nito. Anong punishment ang gagawin sa akin? Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit excited ang nararamdaman ko. "What do you mean by punishing me just because I disobeyed you?" hindi ko mapigilan na tanong sa kanya. "You will know later and get ready," seryoso pa nitong sabi. "I don't understand," clueless ko na sambit sabay tingin sa paligid. Pero wala itong tugon sa sinabi ko kaya liningon ko ito. Napaigtad pa ako ng lumingon din ito sa akin. Kahit kailan talaga hindi pa rin ako nasasanay sa presensya nito sa akin. Kakaiba na naman kasi ngayon ang ipinapakita nitong ugali. Nainis ko nga siguro talaga ito. Ilang month na rin kaming dalawa na magkasama. Pero hindi pa rin ako nasasanay sa pai
Sweet night "Ito ba ang sinasabi mo na punishment sa akin?" mahina kong tanong. "Yes, and I want you tonight, my dear," anas nito sa punong tainga ko.Nag-init agad ang pakiramdam ko sa panghahalik nito sa punong tainga ko. Kinilabutan ako at nakiliti. "Hindi naman malala ang kasalanan ko sa'yo," nguso ko pero kinintalan lang niya ako ng halik sa labi ko. "Ay!" gulat ko na sambit. Mahina naman itong natawa at marahan niya akong niyakap.Ramdam ko ang init na nagmumula sa hubad nitong katawan. Ang sarap sa pakiramdam kaya hindi ko mapigilan na isandig ang ulo ko sa matipuno nitong dibdib."You don't know how much I worried about you when I saw your things on the floor. Sobrang nag-alala ako na baka natangay ka na ng kong sino na gustong kumuha sa'yo. Next time please my dear makinig ka kahit isang beses lang," ramdam ko ang boses nito na nag-aalala talaga sa akin."Pakiramdam ko kapag kasama kita laging may panganib sa buhay ko. Baka ikaw ang salarin?" biro ko. Kinutusan niya agad
Hospital Aria Pov Nandito ako sa private hospital namin para kunin ang mga mahahalaga kong gamit. Nagmadali na akong lumabas ng opisina ko. Bukas na ng gabi ang alis ko sa bansa. Kailangan ko pang mag-impake ng mga gamit na dadalhin ko. Kausap ko si mommy sa cellphone habang naglalakad palabas ng hospital. Nagulat pa ako sa pagsigaw ng ex-boyfriend ko na matagal ko ng iniiwasan. Nasa lobby ito nakikipagsagutan sa security guard. Oh goodness! What is he doing here again? Naglakad na ako papalapit sa lobby. Tumigil lang ito nang makita ako. Tinaasan ko lang siya ng kilay at inirapan. "What do you want this time, Anthony?" inis kong tanong. "Finally, lumabas ka rin, my love," ngiti pa nitong sambit. Kinilabutan ako sa sinabi nito kadiri na lalaki. "Stop making trouble here at the hospital. Stop following me! Tigilan mo na ako dahil matagal na tayong tapos. Huwag mong guluhin ang tahimik ko ng buhay," pakiusap ko rito. "No! I'm not done with you yet, Aria." Sabay hila