Hospital
Aria Pov Nandito ako sa private hospital namin para kunin ang mga mahahalaga kong gamit. Nagmadali na akong lumabas ng opisina ko. Bukas na ng gabi ang alis ko sa bansa. Kailangan ko pang mag-impake ng mga gamit na dadalhin ko. Kausap ko si mommy sa cellphone habang naglalakad palabas ng hospital. Nagulat pa ako sa pagsigaw ng ex-boyfriend ko na matagal ko ng iniiwasan. Nasa lobby ito nakikipagsagutan sa security guard. Oh goodness! What is he doing here again? Naglakad na ako papalapit sa lobby. Tumigil lang ito nang makita ako. Tinaasan ko lang siya ng kilay at inirapan. "What do you want this time, Anthony?" inis kong tanong. "Finally, lumabas ka rin, my love," ngiti pa nitong sambit. Kinilabutan ako sa sinabi nito kadiri na lalaki. "Stop making trouble here at the hospital. Stop following me! Tigilan mo na ako dahil matagal na tayong tapos. Huwag mong guluhin ang tahimik ko ng buhay," pakiusap ko rito. "No! I'm not done with you yet, Aria." Sabay hila niya sa akin. Nagpumiglas ako at nanlaban. "Stop it! Stop it Anthony," sigaw ko na sa kanya. Sinenyasan ko ang security guard na 'wag lumapit baka madamay pa. Sobra akong kinabahan na baka anong gawin nito sa akin. Hindi pwedeng makuha niya ako at gawin ang gusto nito sa akin. No way! Dapat talaga nakinig ako kay Daddy kanina, ang tigas ba naman kasi ng ulo ko. Eto ang napala ko ngayon. "Papatayin ko ang lahat ng gustong harangan ako!" sigaw na banta pa ni Anthony. "Let her go," isang nakakatakot na boses ang narinig ko mula sa likuran namin. Natakot ako na baka kung ano ang mangyayari sa akin, kapag magbuno sila sa harapan ko. Napasigaw ako nang hilain ako ni Anthony ng marahas. Natapilok pa ako dahil sa pagkakahila n'ya sa akin. Ouch! Nabali pa yata ang paa ko sa pagkakatapilok ko. "Ano ba bitawan mo ako! Nasasaktan ako!" Nagpumiglas ako. "I said, let her go," dumagundong ang boses nito sa paligid. Nakakatakot at nakakakilabot naman ang boses nito. Sana tulungan ako ng lalaking ito 'wag lang puro 'let her go' ang sinasabi. Bago pa ako maisakay ni Anthony sa sasakyan nito ay may mga kamay ng humila sa akin mula sa pagkakahawak sa akin ni Anthony. Napasubsob pa ako sa matitipuno nitong dibdib. "Aray ko naman," reklamo ko. Narinig ko itong mahina na natawa. Like, anong nakakatawa? Kaya inangat ko ang ulo ko para makita ko ang mukha ng lalaking tumulong sa akin. Napasinghap ako habang napatingala sa lalaking humila sa akin. Kahit naka-sunglasses at sumbrero ito ay kita ko pa rin ang maganda nitong mukha, ang labi nitong pinkish ang kulay. Ang matapos nitong ilang na kay sarap pisilin, especially his nice jawline, na may manipis na buhok. A very masculine man. Habang nakatitig ako sa lalaking naka-sunglases ay sumikdo ang puso ko. Pakiramdam ko nagtama ang aming mga mata kahit pa naka-sunglasses ito. Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi sa kaba kundi dahil sa presensya nito sa akin. Ngayon lang ako naramdaman ng ganitong kilig at pagkamangha. "Gago! Bitawan mo si Aria. Huwag mong yakapin ang girlfriend ko," sigaw ni Anthony. Galit na galit ang boses nito. "Help me. He always makes trouble here and he is not my boyfriend anymore. Matagal na kaming hiwalay, pero ginugulo niya palagi ang tahimik ko ng buhay," agad kong sabi sa lalaking nakayakap sa akin. "Huwag mo sabing yakapin ang girlfriend ko!" Sinugod ni Anthony ang lalaking nakahawak sa akin. Napakapit ako sa braso ng lalaking tumulong sa akin nang undayan nito ng tadyak si Anthony. Kita ko ang pagkatilapon ni Anthony sa semento dahil sa pananadyak ng lalaking tumulong sa akin. Napasigaw ulit ako nang makarinig ako ng putok ng baril. Niyakap ulit ako ng lalaki, ramdam ko ang pagharang nito gamit ang katawan niya para maproteksyonan niya ako. Naipit tuloy ako sa gitna ng sasakyan at sa matipuno nitong katawan. "Are you okay?" malamyos ang boses na tanong nito sa akin. Tumango lang ako dahil nakapokus ako sa pagdama sa katawan nitong nakadikit sa katawan ko. Nakakaliyo ang panlalaki nitong pabango na kay sarap amoy-amoyin ang bango niya. Ang sarap sa pakiramdam ang mabaon sa mga bisig nito. Bago lang sa akin ang mga ganitong pakiramdam. At gustong gusto ko ang mga yakap nito sa akin. I feel so safe in his arms. "I know, i smell good but stop smelling me woman! Your life is in danger isn't it? But why are you so focused on feeling my body," bulong nito sa akin. Bahagyan na namula ang mukha ko pero hindi ako nagpahalata. Napakaprangka naman ng lalaking ito. "I'm just breathing deeply, I didn't smell you," tanggi ko agad para mapagtakpan ang kahihiyan ko. Pero honestly mabango naman talaga siya. Gosshhh, nakakahiya ka self nasa panganib na nga ang buhay mo nakuha mo pang manantsing sa lalaking nagligtas sa iyo. "Silly! But you know, i love your smell. Your scent so sweet. I can't get enough of smelling you, my dear," bulong ulit nito sa akin. Sabay pa kaming napaigtad sa malakas na sigaw ni Anthony. 'Yong kabog ng dibdib ko sobrang lakas na halos mabingi na ako. God, lumala na ang saltik ng lalaking iyon. Thanks God, dahil sa estrangherong lalaki na tumulong sa akin. "Don't mind him. Now walk faster, para makalayo ka na sa gago mong boyfriend," diin pa nito sa boyfriend na salita. "Ex-boyfriend," pagtatama ko. "Ex-boyfriend indeed," kita ko pa ang pagngisi nito. "Thank you for helping me. Tatanawin ko itong malaking utang na loob mula sa iyo," taos puso kong pasasalamat sa lalaking estranghero. Bahagya ko pang sinilip ang mukha nito dahil sa sombrero nitong suot at sunglasses. Yumuko naman ito sa akin. At bahagya na ibinaba ang sunglasses na suot. Nakita ko pa itong kumindat ng bahagya at malapad na ngumiti sa akin. Namula ang mga pisngi ko sa ginawa nitong pagkindat sa akin. "Get in, ihahatid na kita," presenta nito. Nararamdaman ko naman na mabuti itong tao kaya hindi na ako nag-alinlangan na sumama sa estranghero. "What is your name by the way? I heard the man shout your name. But I just want to make sure that maybe he shouted your name wrongly," mahina pa itong natawa. Humagikhik naman ako. "Your smile is so warm and inviting. I feel giddy," he smiled widely. My cheeks blushing and i felt shy. Kinilig pa ako na parang teenager lang. "I feel like you're flirting with me, Mister?" mahina naman itong tumawa. "I am Zaprine." tumaas ang balahibo ko sa malamyos nitong boses. Bumaling pa ito sa akin at ngumiti. Comfortable ang pakiramdam ko habang kausap ang lalaki. "I'm Aria. Nice to meet you Zaprine, thank you again. You're a lifesaver!" pasasalamat ko sa kanya. Nakita ko itong napatigil at tumingin sa akin. "Oh sh!t!" bulalas nito sabay tingin sa akin. "Bakit?" "Napasarap na yata ako sa pakikipagkwentuhan sa iyo. I forgot to ask where you live or where I will take you." Apologetic pa na kumamot sa batok nito. "I also forgot to tell you because I feel akward, nervousness and I feel star struck towards you. That's why I'm speechless," bigla kong tinutop ang labi ko. Nag-react ito na parang kinilig. "Don't be shy, we feel the same way," matamis pa itong ngumiti sa akin. Mahinhin din na ngumiti ako sa kanya. Kaya sa huli niyaya na lang niya akong magkape muna bago niya ako ihatid sa bahay namin.Coffee moment Aria Zaprine and Aria set together at "The Cozy Cafe," sipping their lattes. Nagulat pa ako nang hawakan ni Zaprine ang isa kong kamay. Napatingala ako sa kanya sumikdo ang puso ko ng pakiramdam ko nagtama ang aming mga mata. Sana tanggalin niya ang sunglasses na suot niya. "Aria?" mahinang tawag sa akin ni Zaprine. Ang puso ko dumagundong na naman sa lakas ng tibok. Hindi ko naramdaman ito sa unang naging boyfriend ko. Kay Zaprine lang ako nakaramdam ng ganito, boses pa lang niya napapatalon na ang puso ko. "Yes?" "Pwedeng magtanong?" Tumango naman ako. Boses pa lang nito sumisikdo na ang puso ko. Parang ng aakit naman kasi ang boses nito. Nakakapanindig balahibo. "Anong mayroon kayo ng lalaking iyon at mukhang galit na galit? I'm just curious, ayos lang kung ayaw mo sagutin. I understand," ngiti pa nito sa akin na mukhang apologetic pa. Napatulala na naman ako at natameme. Ngiti pa lang niya kinikilig na ang puso ko. Ang easy to get naman yata
America 5 months na siya dito sa america at everytime na may bakante siyang oras sumasagi palagi sa isipan niya si Zaprine. Nandito ako ngayon sa kwarto ng isang pasyente at hanggang ngayon wala pa rin dumadalaw mula kahapon. Gabi ang duty ko at pati ito kasama sa pasyente na i-monitor ko dito. Nakakabingi ang katahimikan sa paligid. Ang tunog lang ng aparato sa loob ang naririnig ko. Busy ako na inaayos ang gamit ko dahil tapos na ang duty ko. Naramdaman ko na may nakatitig bago ko pa siya makita. Napalingon ako sa pintuan gano'n na lang ang pagsikdo ng puso ko. Parang kilala ito ng puso ko pero hindi ko naman namumukhaan. "Aria?" mahinang sambit ng lalaki. Napako ako sa aking kinakatayuan dahil sa titig niyang tumatangos. Nawalan na ako ng pukos dahil sa pagsambit nito sa pangalan ko. Kilala niya ako? "Do...do you know me?" nautal ako sa pagsasalita. "Don't you remember me?" patanong din na tanong nito sa akin. Umiling lang ako. Pero nang titigan ko siya ay parang m
Danger Sa pangalawa nga naming pagkikita sa ospital ay naging mas comfortable na ako kesa sa una naming pagkikita ulit dito sa Amerika. Tinutuo nga nito ang sinabi niya na palagi ko na itong makikita at makakasama araw-araw. I mean gabi-gabi dahil gabi naman ang duty ko sa ospital. He always bring foods, gifts and flowers for me. Minsan sabay kaming kakain bago ako pumasok sa trabaho ko. I know na madali kaming na-attached sa isa't isa. I admit, na nahuhulog na ako sa kanya dahil sa mga pinapakita nitong kabutihan at pag-aalaga sa akin. Ngayon gabi lang na ito hindi kami nagsabay na kumain dahil may importante daw itong lakad. Pero sinabihan niya akong ihahatid niya ako mamaya pag-uwi sa apartment ko. Naging bodyguard at driver ko na tuloy ito dito. Ang hirap niya tanggihan dahil makulit din ito at ipinipilit ang gusto nitong gawin. "Where's your possessive suitor? Kausapin lang kita akala naman niya aagawin kita sa kanya. He's head over heels in love with you. Hindi makausap ng
Zaprine Mansion "Saan mo ako dinala?" tanong ko agad. Gabi na kaya hindi ko masyado makita ang kapaligiran dahil dim lang din ang mga ilaw sa paligid. "In my house, my dear. I have to punish you for disobeying me," mababa at malalim nitong sambit. Kinilabutan naman ako sa boses nito. Anong punishment ang gagawin sa akin? Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit excited ang nararamdaman ko. "What do you mean by punishing me just because I disobeyed you?" hindi ko mapigilan na tanong sa kanya. "You will know later and get ready," seryoso pa nitong sabi. "I don't understand," clueless ko na sambit sabay tingin sa paligid. Pero wala itong tugon sa sinabi ko kaya liningon ko ito. Napaigtad pa ako ng lumingon din ito sa akin. Kahit kailan talaga hindi pa rin ako nasasanay sa presensya nito sa akin. Kakaiba na naman kasi ngayon ang ipinapakita nitong ugali. Nainis ko nga siguro talaga ito. Ilang month na rin kaming dalawa na magkasama. Pero hindi pa rin ako nasasanay sa pai
Sweet night "Ito ba ang sinasabi mo na punishment sa akin?" mahina kong tanong. "Yes, and I want you tonight, my dear," anas nito sa punong tainga ko.Nag-init agad ang pakiramdam ko sa panghahalik nito sa punong tainga ko. Kinilabutan ako at nakiliti. "Hindi naman malala ang kasalanan ko sa'yo," nguso ko pero kinintalan lang niya ako ng halik sa labi ko. "Ay!" gulat ko na sambit. Mahina naman itong natawa at marahan niya akong niyakap.Ramdam ko ang init na nagmumula sa hubad nitong katawan. Ang sarap sa pakiramdam kaya hindi ko mapigilan na isandig ang ulo ko sa matipuno nitong dibdib."You don't know how much I worried about you when I saw your things on the floor. Sobrang nag-alala ako na baka natangay ka na ng kong sino na gustong kumuha sa'yo. Next time please my dear makinig ka kahit isang beses lang," ramdam ko ang boses nito na nag-aalala talaga sa akin."Pakiramdam ko kapag kasama kita laging may panganib sa buhay ko. Baka ikaw ang salarin?" biro ko. Kinutusan niya agad
Sweet morning Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may humahaplos sa ulo ko. Kinusot-kusot ko na muna ang aking mga mata bago nagmulat ng mata. I saw Zaprine sweet smile when he saw me open my eyes. "Good morning beautiful!" bati nito agad sa akin. Kinintalan agad niya ako ng magaan na halik sa aking noo. Napangiti naman ako sa ginawa nito. I really love this man, sweet and mysterious. Kaninang nakaupo lang habang haplos ang ulo ko ay tumabi na ito sa akin patagilid na humiga at humarap sa akin. "Good morning too," paos ko pa na sagot sa kanya. "You look beautiful even when you're just waking up," nakangiti pa nitong sabi habang nakatitig sa aking mukha. "Sinasabi mo lang 'yan dahil bagong ligo ka," simangot ko. Mahina itong tumawa. "No, I mean it. Ikaw ang pinakamagandang bahagi ng paggising ko. I love waking up with you." Lumapit pa ito sa akin at yumakap ng mahigpit. "Me too," mahina ko na sambit. Sinapo nito ang magkabila kong pisngi pinakatitigan niya ang mukha ko.
In Relationship Wala kaming ginawa maghapon kundi ang magkwentuhan at magharutan. Nagbabahagi ng bawat hilig at mga gusto namin na pagkain, favorite na ginagawa etc. We slowly get to know each other. Dalawa lang silang magkapatid both lalaki at si Zaprine ang bunso. Samantalang ako ay tatlo kaming magkakapatid at ako ang panganay sa magkakapatid. Nag-aaral pa ang bunso sa college, pero tinapon nila parents sa Australia sa parents ni Daddy, dahil sa kasalanan nito. "Totoo ba na magkakilala ang parents mo at parents ni Neptune?" maya't maya ay tanong nito habang nasa loob kami ng sasakyan nito. "Oo friends yata sila ng parents ko not sure, and his father is my professor doctor. Ang ama nito ang nag-supervise sa batch ko noong sasabak na kami sa training as a doctor. Matagal bago ko nakuha ang license ko as a surgeon doctor." pagkwento ko sa kanya. "Bakit doctor ang naisipan mong kunin at surgeon pa talaga. How much you love your job as a doctor stitching up a patient's wound. Hin
Met my friends May isang linggo akong pahinga kaya may oras akong umattend ng fashion show ng mga kaibigan ko. Sila ang nag-organize ng show na ito sa New York, para sa bago nilang mga collection na bagong damit collab silang dalawa na kaibigan ko.Nalaman nilang nandito ako sa California kaya pinilit nila akong dumalo. Kahit ang sabi ko ay busy ako. Ang balak ko sana ay mamasyal kami ni Zappy kaso nakonsensya naman ako. Lagi akong hindi present sa okasyon lalo na sa mga mahahalaga nilang event. Nandito ako ngayon sa mansion ni Zappy nakitulog. Napuyat kaming dalawa dahil nag-movie marathon kami. Pero mas madalas ang landian at harutan."My baby, wake up," dumagan pa ito sa akin habang nasa ilalim ako ng makapal na kumot."Go away," inis ko na suway sa kanya dahil inaantok pa talaga ako. "Tanghali na." Sabay tanggal sa kumot ko. "Wala akong pasok kaya hayaan mo muna ako na matulog. Inaantok pa ako," inis ko na sambit."Akala ko ba ipagluluto mo ako?" Pero dumapa lang ako para hin
Love Amidst the Danger AriaPawisan na ang noo ko sa ginagawa ko. Natanggal ko na ang lahat ng bala na bumaon sa katawan ni Zaprine. Ang isa ay malapit sa dibdib, sa may bandang tiyan, sa balikat, at hita nito. "May extra blood pa bang nakaimbak dito? We blood asap! Kailangan siyang masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon," malakas kong sigaw. Kinalma ko ang sarili ko. 'Pokus Aria, pokus!' pagpapatatag ko sa sarili ko. Pinigilan kong maiyak dahil hindi ako makapukos kapag mas pinairal ko ang emosyon ko."Blood type Doc?" tanong ng kasama ko dito."Blood type B-positive. Ask his family, kung sino sa kanila ang may blood B-positive. I need blood as soon as possible!" taranta kong sabi."Copy!" Tapos ko na siyang operahan pero kailangan niyang masalinan ng dugo dahil maraming dugo ang nawala sa kanya. Lalo na sa ulo niya na nagkaroon rin ng sugat. Kailangan pa namin siyang gawan ng iba't ibang test, para makasiguro ang kaligtasan niya. Dalawa ang doctor na kasama ko dito ilang
Love Amidst the Danger AriaSa taas ng building sa hospital nila Lolo kami bumaba. Nagmadali na kaming bumaba sa helicopter at nagtungo agad sa hagdan pababa. Tinungo namin agad ang elevator. "Kelan dinala dito sa hospital si Zaprine? Bakit critical siya ngayon? Anong nangyari sa kanya?" sunod-sunod na tanong ko kay Axeros. Kinakabahan na ako na hindi mawari, natatakot na baka may masamang mangyari sa kanya. Kasasabi ko lang na mag-iingat siya eh.Lakad takbo kaming nagtungo sa emergency room. Habang papalapit nang papalapit kami sa emergency room ay pabilis naman ng pabilis ang kabog ng dibdib ko. Mabigat ang kalooban ko sa balitang ito sa kanya.Malapit na sila doon ng makita niya ang pamilya ni Zaprine sa labas ng hospital mga kamag-anak siguro nila ang iba. Wala si Lolo Francisco dito. Nandito rin ang ibang kaibigan ni Zaprine, si Neptune ang unang nakapansin sa kanya. Wala itong sugat pero si Gardo may mga gasgas at sugat ito sa mukha. "Aria!" sambit agad ni Neptune. Napalin
Love Amidst the Danger AriaMahigit isang linggo nang walang tawag sa amin si Zaprine. Alam ko naman na busy ito. Pero sana kahit tawag o di kaya ay message na lang. Dahil kinukulit ako ng kambal kung bakit hindi tumawag ang Daddy nila. Nakasimangot na naman silang nagising. Bad mood na naman sila. Dahil walang Daddy na naglalambing sa kanila kada paggising nila sa umaga. Walang magbubuhat para samahan na magtungo sa banyo para maghilamos at mumog. Walang magluluto ng favorite nilang pagkain sa umaga. Walang kakulitan at walang nagbabasa ng books for them sa gabi."Mommy!" iyak na naman ni Zamia pagkagising niya. Parang balik ulit kami sa dati na tatlo lang kami. Pero iba na ngayon dahil alam na nilang may Daddy sila at nakakasama na nila. Naninibago na naman sila dahil sanay na silang kasama ang ama nila."I want Daddy," ungot rin na saad ni Zaria. Malalim akong napabuntong-hininga sabay yakap ko na sa dalawa. Hindi ko pinansin ang pag-iyak nila. Inakay ko na sila sa banyo para m
Love Amidst the Danger Zaprine Rinig namin ang sigawan nila sure akong natamaan at napuruhan rin sila. Sumilip kami sa pintuan ang ibang kalaban ay nagsitakbuhan kasama ang pinuno nila. Iniwan ang mga kasamahan nilang napuruhan sa pagsabog. Now kwits! "Sundan natin sila hindi pwedeng makatakas sila," sabi ni agent Clent. Nag-abiso ako sa kanila na palabas ng lumang building ang leader ng sendikato. "Huwag hayaan makatakas ang mahalimaw na taong iyan!" sigaw ko. Paubos na ang bala ng baril ko kaya kinuha ko ang dalawang baril na hawak ng mga patay ng kalaban. Mas maganda 'yung may reserba. "Agent look out!" sigaw ko sabay tulak sa kasama ko. Natumba kaming dalawa sa sahig. Mabilis ang galaw ko kasunod ang pagbaril ko sa mga kalaban. "Sa kaliwa!" sigaw ni agent Clent. Mabilis ang ginawa kong paggulong sa sahig at nagtago sa gilid. Sumilip ako at mabilis kong kinalabit ang gatilyo ng sunod-sunod. Alerto ang bawat galaw ko na halos hindi ko na maramdaman ang mga sugat ko. Nagi
Love Amidst the Danger Zaprine Wala nga silang pakialam sa mga kliyente nila, dahil nagpaulan pa rin sila ng putok ng baril sa gawi ko. Hindi ko alam kong ilang bala ang natama sa katawan ng dayuhan na ginawa kong panangga. Natamaan man ako ay hindi ko hinayaan na mapuruhan ako. Mas lalong nagkaroon ng tension ang paligid ng dumating ang mga back up naming iba dito sa basement. Nagkagulo na ang lahat sa paligid nagpalitan na ng putok ng baril sa magkabilang panig. I'm glad dahil on time dumating ang kasamahan namin baka napuruhan na ako kung sakali. Parang naging larangan na ng digmaan ang abandonadong gusali sa sunod-sunod na barilan sa bawat grupo. Naging maliksi ang lahat at walang gustong magpatalo. Dahil ang gusto namin ay mapataob ang grupo ng sendikato na ito. "Malalakas sila, ngunit hindi sila mananalo. Isa isahin natin silang uubusin. Expose natin ang mga lihim nila, mga masasamang gawain, para mabigyan ng hustisya ang mga nabiktima nila," sabi ng kasama niyang agent
Love Amidst the Danger Zaprine I was instructed to go in the other room. Hindi lang pala basta-basta abandona na ugali ang lugar na ito. Maraming pasikot sikot at maraming mga kwarto. Kinailangan pa naming pasukin ng mga kasama ko ang mga kwarto.Ang ilan sa mga kwarto ay walang pinto ang iba ay meron. Kaya double ingat ang ginagawa naming paglusob sa loob. Kada kwarto ay pinapasok namin. Napatigil kami ng may marinig kaming yapak na malapit sa gawi namin. Nagdahan-dahan kaming pumasok sa walang pinto na kwarto. Sa tabing kwarto sila tumigil sumilip ako at gano'n na lang ang gulat ko ng may akay silang dalawang babae na hubo't hubad na basta na lang itinapon sa loob ng kwarto. Napatiimbagang ako sa nakikita ko. Paglabas nila ay may dala na ulit silang dalawang babae na umiiyak at nagmamakaawa. Pero ang mga gago sinaktan lang ang dalawang kawawang babae. Hindi na ako nakatiis at binaril ko na sila sa ulo. Ayon at tumba agad sila. Naka-silencer naman ang baril ko kaya walang tunog
Love Amidst the Danger Zaprine Magtungo kami ngayon sa Cavite para sa operation namin doon. Pero dumaan na muna ako dito sa Tagaytay, para makita na muna ang mag-iina ko. Bago magtungo sa lugar kung saan kami lulusob. May nakapagsabi na doon raw ang hideout ng mga sendikato na kinabibilangan ng ex-boyfriend ng fiancée ko.Simula nang lumusob sila sa hospital ay nag-iba na rin sila ng hideout. Hindi na sa Antipolo mas malayo na ngayon ang taguan nila. "Mag-iingat kayo dito, sweetheart. Huwag lalabas ng lugar na ito. Kapag maayos na ang lahat ay saka tayo uuwi sa bahay ng parents mo. Pwede rin sa sarili ko ng bahay. Gusto ko lang muna ayusin ang lahat para tahimik na ang pamumuhay natin," mamimiss ko ang mga ito kahit saglit lang naman na magkakalayo kami."Naiintindihan ko. Basta mag-ingat ka sa lahat ng pupuntuhan mo. Pag-uwi mo kailangan wala kang mga galos sa katawan. Gusto ko ingatan mo ang sarili mo para sa amin ng mga anak natin. Lagi kang tatawag kahit diyan lang naman sa kab
Love Amidst the Danger Hindi naman nagreklamo pa ang kambal ng sabihin namin na uuwi na muna kami sa Tagaytay. Pinaliwanag namin ng mabuti para hindi na namn sila mag-iiyak kung sakali.As much as possible ay ayaw na ayaw ni Zaprine na umiiyak ang kambal masakit daw sa dibdib, na nakikita niya ang mga itong umiiyak."Lolo, Lola, balik rin po kami dito po. Mimiss ko kayo, pati ikaw rin ate Angel. Bay-bay!" kaway ni Zamia."Ba-bye po sa inyo Lolo at Lola, sa'yo Ate Angel. Dalas po kami mag-call po sa inyo. Tatago ko po phone ni Mommy para lagi ko gamit mag-call sa inyo," hagikhik pa ni Zaria."Bawal pa kasi kami hawak phone eh. Lolo, tatago ni Mommy yung phone na bigay mo sa amin," nguso na sumbong naman ni Zamia sa Lolo nito."Laki-laki na nga namin mas laki na kami sa mga lagam po. Tapos ayaw pa kami hawak phone po." nagkunwari naman na malungkot ang mukha ni Zaria.Humalaklak lang naman sila Daddy at Mommy. Hindi talaga nauubusan ng mga salita ang mga batang ito. Sa may bakanteng lo
Love Amidst the Danger "Mommy, where is Daddy po?" tanong agad ni Zaria ng isang araw ng hindi nila nakasama ang ama nila."Busy ang Daddy, mga anak," pagsisinungaling ko. Iyon kasi ang bilin sa akin ni Zaprine para hindi maging malungkot ang awra ng mga bata. "Eh, bakit noon kahit busy po siya, lagi po siya natawag sa atin, eh. Tapos kapag gabi kasama ka niya Mommy, sa work," nguso pa na sambit ni Zaria."Tapos ngayon isang araw and 30minutes na pong wala si Daddy. Aaway ko talaga siya kapag hanap siya iba babae, Mommy. Hindi ko siya bati!" humalukipkip pang sambit ni Zamia."Masyado ka naman advance mag-isip Zamia," suway agad ng kambal nito."Mas mabuti na yung advance mag-isip Zaria, kesa 'yung nag-iisip nga pero wala naman isip," sagot naman ni Zamia."Ano yung nag-iisip pero wala naman isip?" nalito pa na tanong ni Zaria."Nag-iisip pero wala laman ang isip. Yung kunwari nag-iisip pero hindi naman pala. Kasi wala isip 'yung utak ng nag-iisip. Eh?" sabay kamot sa ulo nito at mu