Lucas Hanzen Gonzales, isang mayamang negosyante na pinaglaruan ng tadhana dahil hindi natuloy ang kasal na kanyang pinaghandaan. Isang babae ang nakasira sa memorableng araw sana sa kanilang dalawa ng kanyang fiancee. Dahil sa nangyari, kinuha ng kanyang mga magulang lahat ng kanyang mana't hindi ibabalik ang mga iyon hangga't hindi nya nalilinis ang kanyang pangalan. Susubukan nyang hanapin ang babaeng makakapagbago ng kanyang kapalaran, ang babaeng hindi nya kilala ngunit may nangyari sa kanilang dalawa sa gabing hindi nila inaasahan.
View More"Payag ka na bang maging sekretarya ni Sir Luhan?"Napatingin ako kay Jen, narito kami sa kusina at pinag-uusapan ang mga nagyari sa maghapon. Detalyado ko rin na ibinahagi sa kanya 'yong nakita ko kanina bago ako umuwi. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako makapaniwala. Ibang Sir Luhan ang nasaksihan ko kanina. Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam. Alam mo 'yong pakiramdam na gusto mo pero parang ayaw mo? Basta ganon! Ang daming dahilan kung bakit ayaw ko pero dahil lang sa nasaksihan ko kanina parang gusto kong pumayag."Salubong ang mga kilay ni Jen na itinapon sa akin. Maski siya ay naguguluhan sa akin. Kinukumbinsi niyang pumayag ako dahil malaki ang magiging sweldo ko. Hindi niya lang alam na nakakapagod maging sekretarya ni Sir Luhan. "Hindi lang ikaw ang nakakita kay Sir Luhan sa coffee shop sa may tapat, marami na." Usal ni Jen habang abala sa paghihiwa ng gulay na isasahog namin. "Palagi naman siyang tumatambay don imbes na umuwi na sa kanila. Matagal ng usap-usapan na
CATTLEYA'S POV"Why you didn't wake me up?" Pag-aalburuto ni Sir Luhan sa galit nang ipinaalam ko sa kanya 'yong ipinapasabi ng babae sa akin. "-And why you didn't stop her? Seriously? Wala ka manlang ginawa? How stupid you are!"Halos mabingi ako sa pagtataas niya ng boses sa akin. Napaatras pa ako ng bahagya palayo sa harap niya dahil natatakot ako na batuhin niya ako ng mga pwede niyang mahawakan o 'di kaya naman ay pagbuhatan ng kamay. Nararamdaman ko na nanginginig na rin ang tuhod ko sa takot. Gustong-gusto kong tumakbo palabas pero hindi ko magawa. Para bang may sariling utak ang mga tuhod ko at ayaw nilang magsigalaw. "Sir, sinubukan ko naman po na ientertain siya kaso naunahan niya lang po ako. Sa inaakto niya rin po kanina mukhang wala siyang balak magtagal upang mamalagi rito sa opisina niyo. Basta nakita ko po na dire-diretso niyang inilapag 'yang invitation card sa mesa niyo saka umalis na." Pagpapaliwanag ko. Nakayuko ako at hinimas-himas ang mga palad ko dahil sa takot
CATTLEYA'S POV"Maam Wena, ayoko po."Nagpapadyak ako sa sahig pagkarinig sa balita ni Maam Wena sa akin na kinuha ako ni Sir Luhan bilang bago niyang sekretarya. Bali-balita dito sa opisina ang pagreresign nong sekretarya niya dahil daw sa pagiging isktrikto nito't nakakatakot na pag-uugali. Syempre, ayoko naman na makatrabaho ang taong 'yon dahil inis na inis ako sa kanya ng sobra. Hangga't hindi siya humihingi ng tawad sa amin ng anak ko, kinamumuhian ko siya. "Cattleya, blessing na ang lumalapit sa'yo, huwag mo ng sayangin." "Blessing? Kung blessing ang maging sekretarya ng Luhan na 'yon, ba't nagresign 'yong sekretarya niya, Maam? Nagpapatunay lang na masama ang ugali non. Tsaka, tumatak na sa utak ko ang pagbubunganga niya araw-araw sa atin at isali mo na rin po 'yong pamamatol niya sa anak ko non." Depensa ko. Kahit yata swelduhan ako ng isang milyon bilang sekretarya non ay hindi ko tatanggapin. Oo nga at nakakapagod itong trabaho ko sa mga papeles pero kontento ako. Puyat l
LUHAN'S POV"Ano na ang balita?"Sumimsim ako sa hawak kong sigarilyo at ibinuga ang usok noon sa kawalan. Narito ako sa kwarto ko, naghahanda papasok ng trabaho dahil kaliwa't kanan na naman 'yong meeting na dadaluhan ko. Nakasuot ako ng formal attire, sinuot ko rin ang mamahalin kong relo sa palapulsuhan ko't naglagay ng pabango sa iba't ibang parte ng katawan ko. "Boss, natakasan kami ni Bella." "Anong klaseng katangahan 'yan? Hindi ba't sinabi ko sa inyong pagmasdan niyo ng mabuti ang taong 'yon? Paano at natakasan pa kayo?" Nanggigigil na wika ko. Naihagis ko ang hawak kong sigarilyo't tinapakan ito upang mapatay. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa selpon ko dahil baka maisunod kong maihagis 'yon dala ng inis. "Mautak siya, boss, mukhang nahalata niya kami.""Potangina!" Pagmumura ko't napahilot sa sentido ko. Hindi na bago sa akin na ibalita nila sa akin na natakasan sila ni Bella, maraming beses na itong nangyari at iyon ang kinaiinisan ko sa lahat. "Sundan niyo siya kahit saan
"Sino ang potanginang nagdala ng bata dito?"Napatakbo ako sa kinaroroonan ng boses na iyon sa at nasisiguro kong si Kesleigh ang tinutukoy nilang bata. At hindi nga ako nagkakamali, naroon si Kesleigh sa harap ng isang lalaki na nakaformal attire, masungit ang pagmumukha't animo'y galit na galit sa bata. Maraming tao na ang nakatingin roon sa pwesto nila lalo na siguro dahil nagtaas ng boses ang lalaking 'yon na hindi ko kilala kung sino siya sa kompanya na ito. Kung umasta kasi ay parang siya ang boss rito. Kumulo lalo ang dugo ko sa pagmumura niya ng malutong sa harap mismo ng anak ko. "Cattleya, 'yong anak mo." Saad nong isang kasama mo, nakatingin sa kinaroonan ng lalaki at ni Kesleigh. Nahirapan akong lumapit sa pwesto nila dahil nagkukumpulan ang mga tao na nakikisosyo sa kagulugan na iyon. Pati sa kabilanh department ay nakisosyo na rin kaya nahirapan akong dumaan upang sagipin sana ang anak ko. "Excuse me po, makikiraan lang." Saad ko. Nagawa ko naman makisiksik sa kumpu
"Kailan pa naging daan sa katotohanan ang panyo?" Komento ni Jen sabay kamot sa kanyang ulo. Kasalukuyan kaming narito sa sala na nagtutupi ng damit na nilabhan namin kahapon at ngayon lang namin naisipang ayusin. Naikwento ko sa kanya ang seryosong pag-uusap namin ni Anti Garet kanina. Nag-iwan siya ng napakalaking katanungan sa utak ko kaya kung ano-ano na naman ang naiisip ko. Sa dami ng katanungan sa isip ko, hindi ko halos alam kung alin doon ang una kong hahanapan ng sagot. Napahinto ako sa pagtutupi at napabuntong-hininga ng malalim. "Bes, hindi ko alam. Masyadong gumulo ang sitwasyon kaya hindi ko maintindihan kung ano ang ibig-sabihin ni Anti.""Hindi kaya may alam si Anti kung nasaan si Ara? Malay natin nagdadahilan lang siya para hindi mo siya kamuhian." Komento ni Jen."Hindi 'yon magagawa ni Aling Garet, bes.""E anong gustong mangyari ni Anti ngayon? Ipabroadcast natin 'tong kapirasong panyo na ito at hintayin kung sinong magclaim ganon ba? Tapos ang twist naman ni Ara,
"Mama.."Masiglang sumalubong si Kesleigh sa akin nang matanaw niya akong papasok ng bakuran nina Aling Garet. Nakagawian na niyang tumakbo para salubungin ako kapag ganitong susunduin ko na siya. Lumuhod ako at pumantay sa kanya. Tinanggap ko ang mahigpit niyang yakap sa akin saka siya binuhat. Hinalikan pa niya ako dahil namiss niya raw ako. At bago kami umuwi ay pumasok kami sa bahay ni Aling Garet. "Maraming salamat po sa pag-aalaga niyo rito sa Kesleigh ko, Anti." Wika ko sa sinserong tinig. Sumagot si Aling Garet. "Wala iyon, para ko na rin siyang apo e. Saka, wala naman akong ginagawa bukod sa pag-aalaga sa mga apo ko. Isa pa, mainam na dito mo iniiwan 'yang si Kesleigh para naman may makalaro 'tong mga apo ko kahit papaano." Nginitian ko siya dahil sa totoo lang nakakataba ng puso itong pag-aalaga niya kay Kesleigh. "Ay heto po pala para sa inyo." Iniabot ko sa kanya iyong binili kong prutas. "Sana po magustuhan niyo, 'yan lang kaya kong ipalit sa pag-aalaga niyo rito sa an
PRESENT TIME.... "Mama, mallow please."Napahinto ako sa paghihiwa ng gulay na isasahog ko sa aking lulutuin na tinola dahil naramdaman ko'ng hinihila ni Kesleigh ang laylayan ng damit ko. Napapalakas ang paghila niya ng damit ko para makuha nito ang atensyon ko. Hindi na bago sa akin na guluhin niya ako kapag ganitong naghahanda ako ng makakain namin."Baby, kakain na tayo mamaya ng dinner, tama ka na dyan sa pag-kain mo ng marshmallow. Sige ka, sasakit na naman iyang ngipin mo." Panenermon ko sa kaniya sa malumanaw na boses para hindi siya umiyak.Ipinagpatuloy ko ang paghihiwa ko ng gulay para makaluto na ako't makakain na kami. Kahit kakauwi ko lang sa trabaho at pagod ay kinakailangan ko'ng magluto ng hapunan namin ng anak ko. Mas makakagastos ako kapag bibili pa kasi ako sa labas saka sayang iyong mga pinamalengke ko'ng gulay na nakatambak sa refrigerator kaya naisipan ko na lang magluto. Napansin ko na pilit sinusubukan ni Kesleigh na tumuntong sa katabi ko'ng silya dahil h
LUHAN'S POINT OF VIEW"Luhan..." Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang nangangarag na boses ni Stephanie na nakatayo sa may pintuan ng kwartong kinaroroonan ko. Diretso ang titig nito sa akin at napansin ko sa mukha ang sunod-sunod na pag-agos ng kanyang mga luha na bumabasa sa pisngi nito. At doon ako natauhan na tignan ang kalagayan ko, I'm naked in bed next to a woman I don't even know.Napako si Stephanie sa kanyang kinatatayuan habang titig na titig ito sa akin. Napaawang ang kanyang labi na animo'y hindi alam ang sasabihin. "Steph, It's not what you think.." Usal ko at dali-daling umalis sa kama upang habulin siya. Kaagad kong pinulot ang mga saplot ko na nagkalat sa sahig at isunot na. Pagkatapos ay hindi na ako nag-antubili pa at lumabas na ng kwarto. Hindi ko na binalak gisingin ang babaeng nakatalik ko dahil kinakailangan kong magpaliwanag kay Stephanie. Paglabas ko ng kwarto ay naroon ang mga kaibigan ko na mas problemado pa sa akin. May ilang tao rin na mukhang ki
"What the fuck!" Pagmumura ko noong magising ako sa pagkakatulog. Padabog akong bumangon sa kama at napahilamos sa aking mukha gamit ang palad ko. Napaisip ako, ilang beses ko ng napapanaginipan ang gabing 'yon. Kahit pilit kong iniiwasan, babalik at babalik pa rin 'yon sa alaala ko. Para mahimasmasan ako ay umalis na ako sa kama't nagtungo sa banyo. Dumiretso ako sa may lababo, binuksan ko ang gripo saka hinayaan na mabasa ang dalawang palad ko na inilapag ko roon. Naramdaman ko ang malamig na pagtama ng tubig sa balat ko. Pagkatapos ay nag-igib ako ng tubig saka ibinuhos iyon sa mukha ko. Nanumbalik na naman ang pangyayari na 'yon sa utak ko. Napailing ako ng ilang beses at binasa ulit ang mukha ko malamig na tubig. Tumingin ako sa salamin, muli na namang nanumbalik sa alaala ko ang eksena ng gabing iyon. Napakipit ako. Nagbabakasakaling hindi na babalik sa sistema ko ang nangyari sa gabing 'yon na habambuhay kong pagsisisihan. "Goodmorning, Sir, ready na po ang coffee nyo," maga...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments