Chapter: Chapter 13"Payag ka na bang maging sekretarya ni Sir Luhan?"Napatingin ako kay Jen, narito kami sa kusina at pinag-uusapan ang mga nagyari sa maghapon. Detalyado ko rin na ibinahagi sa kanya 'yong nakita ko kanina bago ako umuwi. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako makapaniwala. Ibang Sir Luhan ang nasaksihan ko kanina. Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam. Alam mo 'yong pakiramdam na gusto mo pero parang ayaw mo? Basta ganon! Ang daming dahilan kung bakit ayaw ko pero dahil lang sa nasaksihan ko kanina parang gusto kong pumayag."Salubong ang mga kilay ni Jen na itinapon sa akin. Maski siya ay naguguluhan sa akin. Kinukumbinsi niyang pumayag ako dahil malaki ang magiging sweldo ko. Hindi niya lang alam na nakakapagod maging sekretarya ni Sir Luhan. "Hindi lang ikaw ang nakakita kay Sir Luhan sa coffee shop sa may tapat, marami na." Usal ni Jen habang abala sa paghihiwa ng gulay na isasahog namin. "Palagi naman siyang tumatambay don imbes na umuwi na sa kanila. Matagal ng usap-usapan na
Huling Na-update: 2023-02-26
Chapter: Chapter 12: UNTOLD FEELINGSCATTLEYA'S POV"Why you didn't wake me up?" Pag-aalburuto ni Sir Luhan sa galit nang ipinaalam ko sa kanya 'yong ipinapasabi ng babae sa akin. "-And why you didn't stop her? Seriously? Wala ka manlang ginawa? How stupid you are!"Halos mabingi ako sa pagtataas niya ng boses sa akin. Napaatras pa ako ng bahagya palayo sa harap niya dahil natatakot ako na batuhin niya ako ng mga pwede niyang mahawakan o 'di kaya naman ay pagbuhatan ng kamay. Nararamdaman ko na nanginginig na rin ang tuhod ko sa takot. Gustong-gusto kong tumakbo palabas pero hindi ko magawa. Para bang may sariling utak ang mga tuhod ko at ayaw nilang magsigalaw. "Sir, sinubukan ko naman po na ientertain siya kaso naunahan niya lang po ako. Sa inaakto niya rin po kanina mukhang wala siyang balak magtagal upang mamalagi rito sa opisina niyo. Basta nakita ko po na dire-diretso niyang inilapag 'yang invitation card sa mesa niyo saka umalis na." Pagpapaliwanag ko. Nakayuko ako at hinimas-himas ang mga palad ko dahil sa takot
Huling Na-update: 2023-02-25
Chapter: Chapter 11: UNTOLD REJECTIONCATTLEYA'S POV"Maam Wena, ayoko po."Nagpapadyak ako sa sahig pagkarinig sa balita ni Maam Wena sa akin na kinuha ako ni Sir Luhan bilang bago niyang sekretarya. Bali-balita dito sa opisina ang pagreresign nong sekretarya niya dahil daw sa pagiging isktrikto nito't nakakatakot na pag-uugali. Syempre, ayoko naman na makatrabaho ang taong 'yon dahil inis na inis ako sa kanya ng sobra. Hangga't hindi siya humihingi ng tawad sa amin ng anak ko, kinamumuhian ko siya. "Cattleya, blessing na ang lumalapit sa'yo, huwag mo ng sayangin." "Blessing? Kung blessing ang maging sekretarya ng Luhan na 'yon, ba't nagresign 'yong sekretarya niya, Maam? Nagpapatunay lang na masama ang ugali non. Tsaka, tumatak na sa utak ko ang pagbubunganga niya araw-araw sa atin at isali mo na rin po 'yong pamamatol niya sa anak ko non." Depensa ko. Kahit yata swelduhan ako ng isang milyon bilang sekretarya non ay hindi ko tatanggapin. Oo nga at nakakapagod itong trabaho ko sa mga papeles pero kontento ako. Puyat l
Huling Na-update: 2023-02-23
Chapter: Chapter 10: UNTOLD DECISIONLUHAN'S POV"Ano na ang balita?"Sumimsim ako sa hawak kong sigarilyo at ibinuga ang usok noon sa kawalan. Narito ako sa kwarto ko, naghahanda papasok ng trabaho dahil kaliwa't kanan na naman 'yong meeting na dadaluhan ko. Nakasuot ako ng formal attire, sinuot ko rin ang mamahalin kong relo sa palapulsuhan ko't naglagay ng pabango sa iba't ibang parte ng katawan ko. "Boss, natakasan kami ni Bella." "Anong klaseng katangahan 'yan? Hindi ba't sinabi ko sa inyong pagmasdan niyo ng mabuti ang taong 'yon? Paano at natakasan pa kayo?" Nanggigigil na wika ko. Naihagis ko ang hawak kong sigarilyo't tinapakan ito upang mapatay. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa selpon ko dahil baka maisunod kong maihagis 'yon dala ng inis. "Mautak siya, boss, mukhang nahalata niya kami.""Potangina!" Pagmumura ko't napahilot sa sentido ko. Hindi na bago sa akin na ibalita nila sa akin na natakasan sila ni Bella, maraming beses na itong nangyari at iyon ang kinaiinisan ko sa lahat. "Sundan niyo siya kahit saan
Huling Na-update: 2023-02-18
Chapter: Chapter 9: UNTOLD PAST"Sino ang potanginang nagdala ng bata dito?"Napatakbo ako sa kinaroroonan ng boses na iyon sa at nasisiguro kong si Kesleigh ang tinutukoy nilang bata. At hindi nga ako nagkakamali, naroon si Kesleigh sa harap ng isang lalaki na nakaformal attire, masungit ang pagmumukha't animo'y galit na galit sa bata. Maraming tao na ang nakatingin roon sa pwesto nila lalo na siguro dahil nagtaas ng boses ang lalaking 'yon na hindi ko kilala kung sino siya sa kompanya na ito. Kung umasta kasi ay parang siya ang boss rito. Kumulo lalo ang dugo ko sa pagmumura niya ng malutong sa harap mismo ng anak ko. "Cattleya, 'yong anak mo." Saad nong isang kasama mo, nakatingin sa kinaroonan ng lalaki at ni Kesleigh. Nahirapan akong lumapit sa pwesto nila dahil nagkukumpulan ang mga tao na nakikisosyo sa kagulugan na iyon. Pati sa kabilanh department ay nakisosyo na rin kaya nahirapan akong dumaan upang sagipin sana ang anak ko. "Excuse me po, makikiraan lang." Saad ko. Nagawa ko naman makisiksik sa kumpu
Huling Na-update: 2023-02-15
Chapter: Chapter 8: UNTOLD POINT OF VIEW"Kailan pa naging daan sa katotohanan ang panyo?" Komento ni Jen sabay kamot sa kanyang ulo. Kasalukuyan kaming narito sa sala na nagtutupi ng damit na nilabhan namin kahapon at ngayon lang namin naisipang ayusin. Naikwento ko sa kanya ang seryosong pag-uusap namin ni Anti Garet kanina. Nag-iwan siya ng napakalaking katanungan sa utak ko kaya kung ano-ano na naman ang naiisip ko. Sa dami ng katanungan sa isip ko, hindi ko halos alam kung alin doon ang una kong hahanapan ng sagot. Napahinto ako sa pagtutupi at napabuntong-hininga ng malalim. "Bes, hindi ko alam. Masyadong gumulo ang sitwasyon kaya hindi ko maintindihan kung ano ang ibig-sabihin ni Anti.""Hindi kaya may alam si Anti kung nasaan si Ara? Malay natin nagdadahilan lang siya para hindi mo siya kamuhian." Komento ni Jen."Hindi 'yon magagawa ni Aling Garet, bes.""E anong gustong mangyari ni Anti ngayon? Ipabroadcast natin 'tong kapirasong panyo na ito at hintayin kung sinong magclaim ganon ba? Tapos ang twist naman ni Ara,
Huling Na-update: 2023-02-14