Alex' s PovDahil sa pagkagulat ko nang pabiglang binuksan ni Aling Lorena ang pintuan ay hindi sinasadyang naitulak ko ng malakas si Uriel. Muntik na akong mapahagalpak ng tawa nang parang palakang nalaglag si Uriel sa sahig una ang puwit. Ngunit pinigilan ko ang aking tawa dahil nakikita kong naniningkit ang mga mata ni Uriel at kung wala lamang sa paligid si Aling Lorena ay tiyak na tiniris na niya ako. Agad namang napatakbo ang matandang babae palapit kay Uriel at inalalayan itong makatayo."Ano ba ang ginagawa mo, Alexa? Bakit mo sinasaktan si Uriel?" nanlilisik ang mga matang sita sa akin ni Aling Lorena. Kung umakto ito ay parang anak niya ang sinaktan ko."Ano ba ang sinasabi mong sinasaktan ko si Uriel, Aling Lorena? Iniisip mo bang battered husband si Uriel? Hindi maganda 'yon. At saka hindi ko siya sinasaktan. Nakita mo naman kung ano ang eksenang naabutan mo pagbukas mo ng pintuan, di ba? Naglalambingan kami," nang-iinis ang boses na sabi ko sa kanya. Mainit ang dugo niya
Alex's PovFirst day ko sana ngayon sa school dahil pasukan na para sa second semester ngunit pinili ko na huwag munang mag-enrol. Unang-una ay hindi naman ako si Alexa. Hindi ako nakatuntong ng kolehiyo kaya tiyak na nganga ako sa loob ng classroom. Ayokong pagtawanan ng mga tao ang kakambal kapag bumalik na siya. Mabuti na lamang at hindi ako pinilit ni Uriel na mag-aral. Sabagay, bakit naman niya ako pipilitin gayong wala naman siyang pakialam sa akin? Ang kaso palagi lamang akong narito sa bahay kaya sobrang bored na ako. Dahil bored ako sa bahay ay nagpasya akong puntahan si Uriel sa kompanya niya. Gusto kong makita kung ano ang ginagawa niya. Lately ay tila nabawasan ang kasungitan niya sa akin. Wala naman akong ginagawang magic sa kanya para maging mabait siya sa akin. Kahit si Aling Lorena ay hindi na rin ako masyadong sinisita ngunit kapag tumitingin pa rin siya sa akin ay parang kakainin niya ako ng buhay. Ngunit deadma na lang ako sa kanya. As long as wala siyang masaman
Alex's PovMahinang ungol ang umalpas sa aking lalamunan habang pinagbabalikan ako ng aking malay. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at iginala sa loob ng silid na aking kinaroroonan. Bigla akong napabalikwas ng bangon ngunit agad din napabalik sa pagkakahiga at muling napapikut nang maramdaman ko ang hapdi sa aking braso."Huwag ka munang gumalaw, Miss. Baka dumugo ang sugat mo," mahinang saway sa akin ng isang tinig ng lalaki na pamilyar sa akin. Dagli kong iminulat ang aking mga mata at tiningnan ang lalaking nagsalita na pamilyar sa akin ang boses. Brown ang mga mata niya, matangos ang ilong at manipis ang mapupulang mga labi na nakangiti sa akin. Pamilyar sa akin ang boses niya at pati na rin ang ibang bahagi ng mukha niya ngunit hindi ko talaga maalala kung saan ko siya nakita. Walang dudang guwapo ito at imposible namang hindi ko matandaan kung may nakilala akong lalaki na kasing-guwapo niya. At si Uriel na minsan masungit minsan naman ay mabait ang tanging guwapo
Alex's PovNakabusangot ang mukha ko habang naglilinis ako sa silid namin ni Uriel. Hindi kasi maganda ang gising ko kanina. Nanaginip kasi na hinahalikan ako ni Uriel sa ibabaw ng kama niya ngunit biglang dumating si Aling Lorena at ipinaalala kay Uriel na ang anak lamang nito ang dapat mahalin ni Uriel. Na hindi maaaring magmahal si Uriel ng iba at hindi ito maaaring maging masaya dahil ito ang dahilan kung bakit namatay ang kanyang anak. Nang marinig naman iyon ni Uriel ay agad niya akobg itinulak sa kama. Nahulog ako sa ibaba ng kama at doon ako biglang nagising. Kahit sa panaginip ko ay panira pa rin ng moment ang matandang iyon.Pero bakit ko nga ba napanaginipan na hinahalikan ako ni Uriel? Ah, dahil sa nangyari kagabi. Bigla siyang lumundag papunta sa kama pagkatapos ay hinawakan ang aking magkabilang braso at unti-unting ibinaba ang mukha niya sa mukha ko. Akala ko ay hahalikan niya ako kaya kusa kong ipinikit ang aking mga mata iyon pala ay hinawakan lang niya ako sa magkabi
Alex's PovNagulat ako nang marinig ko ang galit at malakas na tinig ni Uriel sa naninitang tono. Nang tingnan ko siya ay namumula ang mukha niya sa galit. Galit na hindi ko malaman kung ano ang dahilan. Dahil ba sa nasobrahan ang ginawa kong paglilinis sa kuwartong ito?"Ano ang ginagawa mo rito?"madilim ang mukha na tanong niya ulit sa akin. Nilapitan niya ako at malakas na niyugyog ang aking mga balikat."Ano ba?! Bitiwan mo nga ako!" inis na sabi ko sa kanya. Naalog yata ang utak ko sa lakas ng pagkakayugyog niya sa akin. "Ano ba ang problema mo, Uriel? Pinalinis mo sa akin ang kuwartong ito tapos magagalit ka ngayon dahil sobrang linis ang ginawa ko.""At sino naman ang nagsabi sa'yo na pinapalinis ko ang kuwartong ito? Alam mo ba kung kanino ang kuwartong ito? Kay Sandy! At walang sinuman ang maaaring pumasok o gumalaw sa mga gamit niya rito!" humihingal sa galit na sigaw sa akin ni Uriel."Hindi ko kusang nilinis ang kuwartong ito, Uriel. Inutusan ako ng mayordoma mo na linisi
Alex's PovBahagya akong umungol nang pagbalikan na ako ng aking malay. Nakahiga na ako sa ibabaw ng kama ni Uriel at nakasuot ng tuyong damit. Nakita ko siyang nakatagilid sa akin at nagpipiga ng isang face towel. Gusto ko siyang tanungin kung sino ang nagbihis sa akin ngunit hindi ko magawang magsalita dahil tila minamalat ang aking boses. Hindi ko rin magawang kumilos dahil tila wala akong lakas para gawin iyon. Pakiramdam ko rin ay tila lumilindol ng bahagya dahil parang gumagalaw ang aking paningin. Nang bumaling sa akin si Uriel ay natuklasan niyang gising na pala ako."Mabuti naman at gising ka na, Alexa. Mataas ang lagnat mo kaya kailangan kitang punasan. Kailangan mo ring uminom ng gamot para bumilis ang pagbaba ng lagnat mo," ani Uriel na tila may pag-aalala sa kanyang tinig. Napaismid ako sa aking isip. Fake na pag-aalala. Kung hindi ko pa alam ay natatakot ka lang na baka isipin ng mommy mo at ng daddy ni Alexa na pinapabayaan mo ako. Ayaw mo lang malaman nila na kaya ako
Alex's PovNalaman ng ina ni Uriel na nagkasakit ako dahil tumawag ito at hinanap ako. Nang malaman nito ay agad itong nagpunta sa bahay ni Uriel at katakot-takot na sermon ang inabit ng anak nito. Talagang mahal ni Uriel ang kanyang ina dahil kahit anong sermon ang ginawa ng ina nito ay hindi ito nagalit o sumagot man lang. Napaka-obedient pala niyang anak."Dapat ay inaalagaan mo ang sarili mo, Alexa. Hindi ka dapat gumagawa ng mga gawaing bahay dahil mayroon naman kayong katulong. Ano ang silbi ni Lorena kung hahayaan ka ng asawa mo na magtrabaho rito sa bahay," sermon naman ng ina ni Uriel sa akin. Tapos na itong magsermon sa anak kaya sa akin naman. "Ayokong mababalitaan na nagtatrabaho ang aking manugang, Uriel. Nandito naman si Lorena kaya siya ang dapat magtrabaho. Maliwanag ba?" baling nito kay Uriel at sa katabi nitong mayordoma na blangko ang ekspresyon ng mukha. Ngunit alam ko na sa loob-loob niya ay nanggigigil na siya sa akin."Opo, Ma'am Ursula," magalang na sagot ni Al
Alex's PovNaramdaman ko ang paghaplos ng kung sino mang pangahas sa aking mukha nang pagbalikan na ako ng aking malay. Agad na bumalik sa aking isip na may taong nagtangkang patayin ako sa pamamagitan ng pagtakip ng unan sa aking mukha para hindi ako makahinga. Hindi kaya ang taong ito ang humahaplos sa aking mukha? Baka naisip ng taong ito na gahasain muna ako bago patayin, kinakabahang sabi ko sa aking isip. Hindi ako papayag na gawan niya ako ng masama. Mas gugustuhin ko pa na patayin niya ako kaysa ang gahasain. Sa isiping iyon ay basta ko na lamang hinuli ang kamay na humahaplos sa aking pisngi at mariing kinagat. Napasigaw ng malakas ang taong may-ari ng kamay. Uriel?Mabilis kong binitiwan ang kamay ng inaakala kong masamang tao nang mabosesan ko ang tinig ni Uriel. Agad kong iminulat ang aking mga mata at napatunayan kong si Uriel nga ang may-ari ng kamay na iyon. "Damn it! Are you a dog?" galit na sita niya sa akin habang hawak-hawak ang nasaktan kamay at hinihipan.Agad
Alex's Pov"Humarap kayo sa akin ngayon din! Akala ninyo ay makakaligtas kayo sa akin? Puwes, sasabihin ko sa inyo ngayon. Kahit nagawa ninyong makatawag at maipaalam sa kanila kung nasaan tayo ay hindi pa rin kayo makakatakas sa akin. Papatayin ko kaya para makita nina Uriel at ng mga magulang ninyo kung paano kami magalit," galit na wika ni Sandy habang nakatutok sa likuran namin ang kanyang baril."Sumuko na kayo, Sandy. Hindi kaya ng mga tauhan mo ang mga kapulisan," pangungumbinsi ko sa kanya matapos naming humarap s kanya."Shut up, B***h!" singhal sa akin ni Sandy pagkatapos ay sa mukha ko itinutok ang kanyang baril. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin habang hindi inaalis ang pagkakatutok ng baril sa mukha ko."Boss, ang mama at nobyo mo napatay na ng mga pulis! Ano ang gagawin natin ngayon?" nagpapanic na tanong ng isa nitong tauhan. "Anong sinabi mo?" nanlalaki ang mga matang tanong nito sa tauhan."Opo, Boss," mabilis na sagot ng pobreng tauhan nito. "Walang silbi
Alex's Pov"Tulungan mo akong makalas ang pagkakatali ng kamay ko, Alexa," utos ko sa kapatid ko sa mahinang boses habang pinipilit kong makahulagpos sa pagkakatali ang aking mga kamay."Paano naman kita matutulungan gayong pareho tayong nakatali ang mga kamay?" nagtatakang tanong ni Alexa. Tumigil na rin ito sa kakaiyak mula pa kanina. Siguro ay na-realized nito na kahit bumaha pa ng luha ang loob ng kinaroonan naming silid ay hinding-hindi kami pakakawalan ng mga masasamang tao na iyon."Magkalapit lang naman ng mga kamay natin sa likuran kaya pilitin mong maabot ng kamay mo ang tali sa kamay ko," paliwanag ko sa kanya. Agad namang sinunod ni Alexa ang ipinapagawa ko sa kanya. Kahit masakit dahil gumagasgas sa kamay namin ang matalas na lubid ay pinilit pa rin niyang abutin ang tali sa aking mga kamay samantalang pilit ko namang inilalapit sa kanya ang aking kamay na nakatali. Ngunit nasa kasagsagan kami sa pagtatangkang maabot ng kamay ni Alexa ang tali sa kamay ko nag biglang bumu
Alex's PovMalamig na tubig na ibinuhos sa aking mukha nang kung sino man ang siyang nagpagising sa natutulong kong diwa. Pikit ang mga mata na napaungol ako ng mahina kasabay ng pangangaligkig. Hindi ko alam kung saan galing ang tubig na ibinuhos sa aking mukha at sobrang lamig niyon. "Ano, Kambal? Gising na bang pareho ang mga utak ninyo? Kanina pa kayo natutulog kaya ginising ko na kayo. Akala niyo yata sa loob ng bahay ninyo kayo natutulog."Narinig ko ang boses na iyon ng isang babae. Nakakalokong tumawa ito pagkatapos magsalita. Kahit hindi ko pa naimumulat ang aking mga mata ay alam kong si Sandy ang nagsalita. Agad kasing nagbalik sa aking isip ang huling pangyayari bago ako nawalan ng malay. Pinalo niya ng hawak na baril ang mukha ko nang lumingon ako kaya ako nawalan ng malay. At hanggang ngayon ay masakit pa rin ang bahagi ng mukha ko na tinamaan ng baril niya. Natitiyak ko na nangingitim na ang bahaging iyon dahil sa pasa.Iminulat ko ang aking mga mata. Binigyan ko ng ma
Alex's PovKinabukasan ay hindi ako pinansin ni Alexa. Palagi kaming magkasabay pumasok sa school kahit na magkaiba naman kami ng sinasakyan dahil pareho kaming may dalang kotse. Dahil doon ay napansin ng mga magulang namin kaya inusisa nila ako. Ayokong magsinungaling sa mga magulang ko kaya ipinagtapat ko sa kanila ang totoong nangyari at kung ano ang nararamdaman ko kay Uriel."Mula pagkabata ay puro paghihirap ang naranasan mo, Alex. Kaya panahon na siguro para sumaya ka naman. Huwag mong alalahanin ang kapatid mo at kakausapin ko siya. Mabait si Alexa kaya natitiyak kong maiintindihan ka niya," nakakaunawang sabi sa akin ni Daddy. Umiiyak naman na niyakap ko siya."Tama ang daddy mo, Alex. Panahon para lumigaya ka naman. Kung mahal mo talaga si Uriel at kung tunay na mahal ka nga niya ay hindi ka namin tututulan," sabi naman ni Mama habang hinahaplos ang aking likuran."Maraming salamat sa pang-unawa ninyo, Daddy at Mama," pakiramdam ko ay nabawasan ang bigat ng dibdib na nararam
Alex's PovNang malaman ni Kristine na asawa ako ni Uriel ay hindi na niya ako ginulo pa at sa tuwing magkakasalubong kami ng hindi sinasadya ay mabilis itong umiiwas sa akin. Dala siguro ng sobrang pagkapahiya. Masyado kasi siyang mayabang at asyumera. Samantala'y hindi naman ako tinigilan nina Susa at Trina sa katatanong kung totoo ba talaga na asawa ako ni Uriel. Ang sabi ko sa kanila ay bayaw ko siya dahil asawa niya dati ang kapatid ko at sinabi lamang iyon ni Uriel para hindi na ako guluhin pa ni Kristine. Alam kong hindi totally naniwala ang dalawa sa mga sinabi ko ngunit pasalamat ako at hindi na nila ako kinulit pa sa katatanong kung ano ba talaga ang tunay na relasyon ko kay Uriel.Madaling araw na kami nakabiyahe pabalik ng Maynila dahil ipinamahagi pa namin sa ibang baranggay ang mga relief goods. At ang mga opisyal ng baranggay na lamang ang bahalang mamahagi ng mga relief goods sa kanilang mga ka-baranggay. Pareho-pareho kaming pagod nina Susa at Trina kaya nakatulog kam
Alex's PovHabang nasa loob kami ng sasakyan ay tanging ako lamang ang tahimik dahil ang tatlong babaeng kasama ko ay walang tigil sa pagtatanong ng kung ano-anong bagay kay Uriel. Ngunit nakikita ko na pasulyap-sulyap si Uriel sa salamin na nasa itaas ng dashboard pero deadma lamang ako. Kunwari ay hindi ko siya nakikita na madalas na sumusulyap sa akin. Hanggang sa nakarating kami sa baranggay na una naming destinasyon ay nananatili pa rin akong walang imik. Nauna akong lumabas ng kotse at sumunod naman sina Trina at Susan. Alam ko na kunwari ay nagpatagal si Kristine sa pagbaba ngunit wala akong nararamdamang selos sa kanya kahit na katiting. Alam ko naman kasi na walang gusto sa kanya si Uriel. Pagbaba niya sa kotse ni Uriel ay may nakapaskil na mahiwagang ngiti sa kanyang mga labi. Gusto yata niyang isipin namin na may magandang nangyari sa kanya bago siya lumabas ng kotse."Feelingera. Akala niya ay papatulan siya ni Sir Uriel at iniinggit niya tayo. As if naman maiinggit tayo s
Alex's Pov"Inihatid ka ni Uriel, Alex? Magkasama kayong dalawa magmula nang maghiwalay tayo kanina?" pag-uulit ni Alexa sa kanyang tanong sa akin. Pakiramdam ko ay para akong batang tumakas para maglamyerda na biglang nahuli ng aking ina at kailangan kong magpaliwanag kung bakit ako naglamyerda. Ngunit ngayon ay hindi ako tumakas para mag-lamyerda at hindi ina ang nakahuli sa akin kundi ang aking kakambal. Hindi ko alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa kanya na hindi siya masasaktan at magagalit sa akin."Oo, Alexa. Inihatid niya ako ngayon at magkasama kami mula pa kanina ngunit hindi sa kadahilanang iniisip mo. Naglalakad ako kanina papunta sa kinapaparadahan ng kotse ko nang maramdaman kong may sumusunod sa akin. Akala ko ay masamang tao na balak akong kidnapin ngunit hindi ko inaasahan na si Uriel pala iyon. Gusto niyang makipag-usap sa akin ngunit tinanggihan ko siya kaya niya ako kinidnap. Sinabi niyang mahal niya ako ngunit tinanggihan ko siya. Sinabihan ko siya na tigilan niya
Alex's PovSa isang malaki at bagong-bagong puting bahay ako dinala ni Uriel. Nagpapapalag pa rin habang ibinababa niya sa sasakyan niya."Ano ba, Uriel?! Ibalik mo ako sa school ngayon din," mariing utos ko sa kanya habang binabayo ko ang kanyang likuran."I will. Pero pagkatapos na nating mag-usap," sagot niya sa akin. Balewala lamang sa kanya ang ginagawa kong pagbayo sa kanyang likuran na tila ba hindi siya nasasaktan."Wala naman tayong dapat pang pag-usapan pa, Uriel. Tapos na sa inyo ni Alexa ang lahat kaya wala na rin tayong koneksiyon.""Yes. Tama ka. Tapos na ang lahat sa amin ni Alexa pero hindi tayo. Dahil kailangan nating mag-usap."Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay ibinaba niya ako sa sofa. Agad akong tumayo pagkababa niya sa akin ngunit mabilis niya akong nahawakan sa braso at hinila pahiga sa sofa tapos dinaganan niya ako ng kanyang katawan. Kahit anong gawin ko ay hindi ako makaalis sa pagkakadagan niya sa akin. Ngunit mayamaya ay nakakaramdam na ako ng kakaiba sa
Alex's Pov"Ano ba talaga ang nangyari, Alexa? Bakit biglaan naman yata ang pakikipaghiwalay ni Uriel sa'yo?" nagtataka kong tanong sa kanya. Iginiya ko siya sa sofa at pinaupo pagkatapos ay marahang hinagod ko ang kanyang likuran para payapain siya."Sinabi ni Uriel sa akin ang totoo, Alex. Ang sabi niya alam daw niya na hindi ako ang babaeng pinakasalan niya kundi ikaw. Sinabi rin niya sa akin na ikaw ang mahal niya at hindi ako," umiiyak na sumbong ni Alexa. Nakaramdam ako ng saya nang marinig ko ang sinabi ng kapatid ko ngunit kasabay niyon ang lungkot at guilt. Dahil nakakaramdam ako ng saya gayong nalulungkot naman si Alexa. "Ano ang gagawin mo ngayon, Alex? Ikaw ang mahal ni Uriel at hindi ako at alam kong mahal mo rin siya. Makikipagrelasyon ka ba sa kanya?"Napapikit ako sa kanyang tanong. Ano nga ba ang gagawin ko? Makikipagrelasyon nga ba ako sa kanya ngayon pareho pala kami ng nararamdaman? Paano naman ang kapatid ko? Gugustuhin ko ba na masaya ako habang si Alexa ay nadud