Alex's PovNaramdaman ko ang paghaplos ng kung sino mang pangahas sa aking mukha nang pagbalikan na ako ng aking malay. Agad na bumalik sa aking isip na may taong nagtangkang patayin ako sa pamamagitan ng pagtakip ng unan sa aking mukha para hindi ako makahinga. Hindi kaya ang taong ito ang humahaplos sa aking mukha? Baka naisip ng taong ito na gahasain muna ako bago patayin, kinakabahang sabi ko sa aking isip. Hindi ako papayag na gawan niya ako ng masama. Mas gugustuhin ko pa na patayin niya ako kaysa ang gahasain. Sa isiping iyon ay basta ko na lamang hinuli ang kamay na humahaplos sa aking pisngi at mariing kinagat. Napasigaw ng malakas ang taong may-ari ng kamay. Uriel?Mabilis kong binitiwan ang kamay ng inaakala kong masamang tao nang mabosesan ko ang tinig ni Uriel. Agad kong iminulat ang aking mga mata at napatunayan kong si Uriel nga ang may-ari ng kamay na iyon. "Damn it! Are you a dog?" galit na sita niya sa akin habang hawak-hawak ang nasaktan kamay at hinihipan.Agad
Alex's Pov"Wooohh!!!" malakas kong sigaw habang nakalabas ang isa kong kamay at bahagya ring nakalabas ang aking ulo sa nakabukas na bintana ng kotse ni Art. Binabaybay namin ang bagong gawang kalsada papunta sa probinsiya ng Rizal. Mabilis ang patakbo ni Art dahil madalang lamang ang mga nagdaraang sasakyan at puro mga private vehicle pa lamang ang pinapayagang dumaan. "Bilisan mo pa ang pagmamaneho mo, Art!" malakas ang boses na sabi ko sa kanya kahit isandaan na ang bilis ng patakbo niya."Baka maaksidente tayo kapag mas binilisan ko pa," sagot ni Art na sa halip bilisan ay bahagyang binagalan ang patakbo. "Para kang ibon na nakalaya sa hawla mo," natatawa na naiiling na sabi ng kaibigan ko.Ang totoo ay inilalabas ko ang stress, inis at pagkayamot ko sa matandang mayordoma ni Uriel. Idinadaan ko na lamang sa sigaw ang aking nararamdaman para naman gumaan ang aking dibdib."Ang tagal ko nang gustong maranasan ang mag-road trip kaso wala naman akong kotse. Can't afford kaya sa mga
Alex's PovNagising ako sa loob ng ospital na nakahiga sa hospital bed. Masakit ang ulo kong may benda pati na rin ang aking sugat sa braso na hindi pa gumagaling. Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid ng kinaroroonan kong kuwarto. Nakita ko si Uriel na nakaupo malapit sa aking tabi ngunit hindi niya napansin na gising na ako dahil busy ito sa sinumang ka-text nito sa cellphone. At mukhang seryoso ang pinag-uusapan nito at nang kausap nito sa text dahil seryoso ang expression nito at kung minsan ay biglang dumidilim. "Uriel..." mahina ang boses na tawag ko sa kanyang pangalan habang bumabangon ng dahan-dahan. Saka pa lamang nabaling ang kanyang paningin sa akin. Agad siyang napalapit at pinigilan akong bumangon."Huwag ka munang bumangon, Alexa. Baka kung mapaano ka," saway niya sa akin. Ibinalik niya ako sa pagkakahiga. "Ano ang masakit sa'yo? Magsalita ka at tatawagin ko ang doktor," nag-aalalang sabi pa niya. Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kanyang mukha. Sa unang pagka
Alex's PovTatlong araw lamang ang inilagi namin ni Art sa ospital tapos ay sabay kaming na-discharge. Sinundo si Art ng pinsan niya na siyang nagbantay sa kanya sa ospital samantalang ako naman ay si Uriel ang sumundo. Ni hindi ko nga nakausap ang kaibigan ko bago kami umuwi dahil kaagad na akong iniuwi ni Uriel. Nagpadala na lamang ako ng text message sa kanya dahil baka hintayin pa niya ako. Nag-reply naman siya at sinabing palagi akong mag-iingat lalo pa at natuklasan namin na talagang may nagbabanta sa buhay ko."Magmula ngayon ay hindi ka nq puwedeng umalis ng bahay nang hindi mo ako kasama, Alex. Ayokong may masamang mangyari sa'yo dahil tiyak na ako ang sisisihin ng daddy mo lalong-lalo na ang mommy ko," ani Uriel sa akin habang lulan kami ng kanyang kotse pauwi sa bahay niya.Gusto kong mapangiti sa kanyang sinabi. Halatado namang nag-aalala siya sa akin ngunit idinadahilan pa nito ang ang daddy ni Alexa at ang mommy nito. Kung nag-aalala siya sa akin ay bakit hindi na lang n
Alex's Pov"You're so beautiful, Alex," nakangiting sabi ni Uriel nang huminto sa tapat ng malaking bahay ng kanyang mga magulang ang kotse niyang sinasakyan namin."Kanina mo pa iyan sinasabi, Uriel. Baka maniwala na ako sa'yo niyan," nakairap na sabi ko sa kanya habang nakangiti. Magmula sa loob ng aming silid ay hanggang dito sa bahay ng mga magulang niya ay hindi ko na mabilang kung ilang beses na niyang sinabi ang mga katagang iyon. Halos lumubo tuloy ang aking puso sa kanyang papuri. Pakiramdam ko ay ang ganda-ganda ko sa kanyang paningin ngayong gabi."Talaga namang naakaganda mo, Alex. Lalo na ngayong gabi. Parang ayoko na ngang tumuloy sa party at dahil na lamang kita sa loob ng hotel para masolo. Ayokong makita ng ibang lalaki ang kagandahan mo," nakangiting sabi pa niya habang nakatitig sa akin kaya hindi ko malaman kung binibiro lang ba niya ako o seryoso siya sa kanyang sinabi."Huwag mo nga akong biruin ng ganyan at baka mag-isip ako na may gusto ka na sa akin," napapail
Alex's PovNapakuyom ang aking mga kamao habang nakatingin sa lalaking naglalakad palapit sa akin. Medyo may edad na ito ngunit kababakasan pa rin ng kagandahang lalaki noong kabataan nito ang mukha. Hindi rin maitatago na maawtoridad ito base sa kanyang tindig at confident na paglalakad."Ano ang ginagawa mo rito sa labas? At saan ka papunta't palabas ka ng gate?" nakakunot ang noo na tanong niya sa akin nang tuluyan na siyang makalapit."W-Wala po. Parang may nakita kasi akong kakilala na dumaan sa may gate kaya balak kong silipin sa labas kung ang kakilala ko nga ang taong iyon," paliwanag ko sa kanya. Ngayong kaharap kong muli ang aking ama na nang-iwan sa amin ni Mama ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Gusto ko man siyang sumbatan ngunit hindi maaari dahil malalaman niya na hindi ako si Alexa kundi ang isa pa niyang anak na inabandona niya. "Sige po, babalik na ako sa party," agad kong paalam sa kanya. Akmang tatalikuran ko na siya ngunit mabilis niya akong napigilan sa
Alex's PovLumipas ang mga araw ay nanatiling mabait at sweet sa akin si Uriel. Magkatabi na rin kaming natutulog sa kama niya at halos gabi-gabi ay inaangkin niya na tila hindi niya pinagsasawaan ang aking katawan. Tuluyan namang naging mabait din sa akin si Aling Lorena kaya naging masaya ang pagsasama namin sa bahay ni Uriel. Higit sa lahat ay wala nang taong nagtangka sa buhay ko. Natuloy rin ang pagpapatayo ko ng maliit na flower shop na isang sakay lamang mula sa bahay ni Uriel. Kung ako lang sana ang tunay na asawa niya ay wala na akong mahihiling pa sa lalaking napangasawa ko. Ngunit alam ko na pansamantala lamang ito dahil kapag bumalik na si Alexa at makipagpalit sa akin ay para lamang akong nanaginip ng napakaganda at pagkatapos ay biglang nagising.Naudlot ang aking pag-iisip ng malalim nang biglang may kumatok sa pintuan. Nang buksan ko iyon ay nakita ko si Aling Lorena na malawak ang pagkakangiti. Tila maganda rin ang aura niya ngayon. Para bang may magandang mangayayari
Alex's PovPakiramdam ko ay nanlamig ang buo kong katawan nang marinig ko ang binanggit na pangalan ni Uriel na siyang pangalan ng babaeng nakayakap sa kanya ng mahigpit ngayon. Sandy. Iyan ang pangalan na sinambit ni Uriel sa mahinang boses ngunit nakaabot pa rin sa aking pandinig. Ngunit sino ang Sandy na ito? Siya ba ang girlfriend ni Uriel na anak ni Aling Lorena? Akala ko ba patay na siya? Bakit buhay pa siya ngayon? "Uriel, ang saya-saya ko na nakabalik ako sa piling mo. Alam mo ba na araw-araw kong ipinagdarasal na sana ay magkita tayong muli? Na sana ay makaalis ako sa putikan na kinalalagyan ko? At dininig naman ng Diyos ang dasal ko dahil muli tayong nagkita at nakabalik nga ako sa'yo. Ngayon ay maaari na nating ipagpatuloy ang naudlot nating pagmamahalan dahil sa nangyari," umiiyak na sabi ng babae habang nananatiling nakayakap kay Uriel. Hindi ko napigilan ang mapa-ismid. Hindi ko maintindihan kung bakit pakiram ko ay nagda-drama lamang ang babae. At saka kung anak nga s
Alex's Pov"Humarap kayo sa akin ngayon din! Akala ninyo ay makakaligtas kayo sa akin? Puwes, sasabihin ko sa inyo ngayon. Kahit nagawa ninyong makatawag at maipaalam sa kanila kung nasaan tayo ay hindi pa rin kayo makakatakas sa akin. Papatayin ko kaya para makita nina Uriel at ng mga magulang ninyo kung paano kami magalit," galit na wika ni Sandy habang nakatutok sa likuran namin ang kanyang baril."Sumuko na kayo, Sandy. Hindi kaya ng mga tauhan mo ang mga kapulisan," pangungumbinsi ko sa kanya matapos naming humarap s kanya."Shut up, B***h!" singhal sa akin ni Sandy pagkatapos ay sa mukha ko itinutok ang kanyang baril. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin habang hindi inaalis ang pagkakatutok ng baril sa mukha ko."Boss, ang mama at nobyo mo napatay na ng mga pulis! Ano ang gagawin natin ngayon?" nagpapanic na tanong ng isa nitong tauhan. "Anong sinabi mo?" nanlalaki ang mga matang tanong nito sa tauhan."Opo, Boss," mabilis na sagot ng pobreng tauhan nito. "Walang silbi
Alex's Pov"Tulungan mo akong makalas ang pagkakatali ng kamay ko, Alexa," utos ko sa kapatid ko sa mahinang boses habang pinipilit kong makahulagpos sa pagkakatali ang aking mga kamay."Paano naman kita matutulungan gayong pareho tayong nakatali ang mga kamay?" nagtatakang tanong ni Alexa. Tumigil na rin ito sa kakaiyak mula pa kanina. Siguro ay na-realized nito na kahit bumaha pa ng luha ang loob ng kinaroonan naming silid ay hinding-hindi kami pakakawalan ng mga masasamang tao na iyon."Magkalapit lang naman ng mga kamay natin sa likuran kaya pilitin mong maabot ng kamay mo ang tali sa kamay ko," paliwanag ko sa kanya. Agad namang sinunod ni Alexa ang ipinapagawa ko sa kanya. Kahit masakit dahil gumagasgas sa kamay namin ang matalas na lubid ay pinilit pa rin niyang abutin ang tali sa aking mga kamay samantalang pilit ko namang inilalapit sa kanya ang aking kamay na nakatali. Ngunit nasa kasagsagan kami sa pagtatangkang maabot ng kamay ni Alexa ang tali sa kamay ko nag biglang bumu
Alex's PovMalamig na tubig na ibinuhos sa aking mukha nang kung sino man ang siyang nagpagising sa natutulong kong diwa. Pikit ang mga mata na napaungol ako ng mahina kasabay ng pangangaligkig. Hindi ko alam kung saan galing ang tubig na ibinuhos sa aking mukha at sobrang lamig niyon. "Ano, Kambal? Gising na bang pareho ang mga utak ninyo? Kanina pa kayo natutulog kaya ginising ko na kayo. Akala niyo yata sa loob ng bahay ninyo kayo natutulog."Narinig ko ang boses na iyon ng isang babae. Nakakalokong tumawa ito pagkatapos magsalita. Kahit hindi ko pa naimumulat ang aking mga mata ay alam kong si Sandy ang nagsalita. Agad kasing nagbalik sa aking isip ang huling pangyayari bago ako nawalan ng malay. Pinalo niya ng hawak na baril ang mukha ko nang lumingon ako kaya ako nawalan ng malay. At hanggang ngayon ay masakit pa rin ang bahagi ng mukha ko na tinamaan ng baril niya. Natitiyak ko na nangingitim na ang bahaging iyon dahil sa pasa.Iminulat ko ang aking mga mata. Binigyan ko ng ma
Alex's PovKinabukasan ay hindi ako pinansin ni Alexa. Palagi kaming magkasabay pumasok sa school kahit na magkaiba naman kami ng sinasakyan dahil pareho kaming may dalang kotse. Dahil doon ay napansin ng mga magulang namin kaya inusisa nila ako. Ayokong magsinungaling sa mga magulang ko kaya ipinagtapat ko sa kanila ang totoong nangyari at kung ano ang nararamdaman ko kay Uriel."Mula pagkabata ay puro paghihirap ang naranasan mo, Alex. Kaya panahon na siguro para sumaya ka naman. Huwag mong alalahanin ang kapatid mo at kakausapin ko siya. Mabait si Alexa kaya natitiyak kong maiintindihan ka niya," nakakaunawang sabi sa akin ni Daddy. Umiiyak naman na niyakap ko siya."Tama ang daddy mo, Alex. Panahon para lumigaya ka naman. Kung mahal mo talaga si Uriel at kung tunay na mahal ka nga niya ay hindi ka namin tututulan," sabi naman ni Mama habang hinahaplos ang aking likuran."Maraming salamat sa pang-unawa ninyo, Daddy at Mama," pakiramdam ko ay nabawasan ang bigat ng dibdib na nararam
Alex's PovNang malaman ni Kristine na asawa ako ni Uriel ay hindi na niya ako ginulo pa at sa tuwing magkakasalubong kami ng hindi sinasadya ay mabilis itong umiiwas sa akin. Dala siguro ng sobrang pagkapahiya. Masyado kasi siyang mayabang at asyumera. Samantala'y hindi naman ako tinigilan nina Susa at Trina sa katatanong kung totoo ba talaga na asawa ako ni Uriel. Ang sabi ko sa kanila ay bayaw ko siya dahil asawa niya dati ang kapatid ko at sinabi lamang iyon ni Uriel para hindi na ako guluhin pa ni Kristine. Alam kong hindi totally naniwala ang dalawa sa mga sinabi ko ngunit pasalamat ako at hindi na nila ako kinulit pa sa katatanong kung ano ba talaga ang tunay na relasyon ko kay Uriel.Madaling araw na kami nakabiyahe pabalik ng Maynila dahil ipinamahagi pa namin sa ibang baranggay ang mga relief goods. At ang mga opisyal ng baranggay na lamang ang bahalang mamahagi ng mga relief goods sa kanilang mga ka-baranggay. Pareho-pareho kaming pagod nina Susa at Trina kaya nakatulog kam
Alex's PovHabang nasa loob kami ng sasakyan ay tanging ako lamang ang tahimik dahil ang tatlong babaeng kasama ko ay walang tigil sa pagtatanong ng kung ano-anong bagay kay Uriel. Ngunit nakikita ko na pasulyap-sulyap si Uriel sa salamin na nasa itaas ng dashboard pero deadma lamang ako. Kunwari ay hindi ko siya nakikita na madalas na sumusulyap sa akin. Hanggang sa nakarating kami sa baranggay na una naming destinasyon ay nananatili pa rin akong walang imik. Nauna akong lumabas ng kotse at sumunod naman sina Trina at Susan. Alam ko na kunwari ay nagpatagal si Kristine sa pagbaba ngunit wala akong nararamdamang selos sa kanya kahit na katiting. Alam ko naman kasi na walang gusto sa kanya si Uriel. Pagbaba niya sa kotse ni Uriel ay may nakapaskil na mahiwagang ngiti sa kanyang mga labi. Gusto yata niyang isipin namin na may magandang nangyari sa kanya bago siya lumabas ng kotse."Feelingera. Akala niya ay papatulan siya ni Sir Uriel at iniinggit niya tayo. As if naman maiinggit tayo s
Alex's Pov"Inihatid ka ni Uriel, Alex? Magkasama kayong dalawa magmula nang maghiwalay tayo kanina?" pag-uulit ni Alexa sa kanyang tanong sa akin. Pakiramdam ko ay para akong batang tumakas para maglamyerda na biglang nahuli ng aking ina at kailangan kong magpaliwanag kung bakit ako naglamyerda. Ngunit ngayon ay hindi ako tumakas para mag-lamyerda at hindi ina ang nakahuli sa akin kundi ang aking kakambal. Hindi ko alam kung ano ang ipapaliwanag ko sa kanya na hindi siya masasaktan at magagalit sa akin."Oo, Alexa. Inihatid niya ako ngayon at magkasama kami mula pa kanina ngunit hindi sa kadahilanang iniisip mo. Naglalakad ako kanina papunta sa kinapaparadahan ng kotse ko nang maramdaman kong may sumusunod sa akin. Akala ko ay masamang tao na balak akong kidnapin ngunit hindi ko inaasahan na si Uriel pala iyon. Gusto niyang makipag-usap sa akin ngunit tinanggihan ko siya kaya niya ako kinidnap. Sinabi niyang mahal niya ako ngunit tinanggihan ko siya. Sinabihan ko siya na tigilan niya
Alex's PovSa isang malaki at bagong-bagong puting bahay ako dinala ni Uriel. Nagpapapalag pa rin habang ibinababa niya sa sasakyan niya."Ano ba, Uriel?! Ibalik mo ako sa school ngayon din," mariing utos ko sa kanya habang binabayo ko ang kanyang likuran."I will. Pero pagkatapos na nating mag-usap," sagot niya sa akin. Balewala lamang sa kanya ang ginagawa kong pagbayo sa kanyang likuran na tila ba hindi siya nasasaktan."Wala naman tayong dapat pang pag-usapan pa, Uriel. Tapos na sa inyo ni Alexa ang lahat kaya wala na rin tayong koneksiyon.""Yes. Tama ka. Tapos na ang lahat sa amin ni Alexa pero hindi tayo. Dahil kailangan nating mag-usap."Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay ibinaba niya ako sa sofa. Agad akong tumayo pagkababa niya sa akin ngunit mabilis niya akong nahawakan sa braso at hinila pahiga sa sofa tapos dinaganan niya ako ng kanyang katawan. Kahit anong gawin ko ay hindi ako makaalis sa pagkakadagan niya sa akin. Ngunit mayamaya ay nakakaramdam na ako ng kakaiba sa
Alex's Pov"Ano ba talaga ang nangyari, Alexa? Bakit biglaan naman yata ang pakikipaghiwalay ni Uriel sa'yo?" nagtataka kong tanong sa kanya. Iginiya ko siya sa sofa at pinaupo pagkatapos ay marahang hinagod ko ang kanyang likuran para payapain siya."Sinabi ni Uriel sa akin ang totoo, Alex. Ang sabi niya alam daw niya na hindi ako ang babaeng pinakasalan niya kundi ikaw. Sinabi rin niya sa akin na ikaw ang mahal niya at hindi ako," umiiyak na sumbong ni Alexa. Nakaramdam ako ng saya nang marinig ko ang sinabi ng kapatid ko ngunit kasabay niyon ang lungkot at guilt. Dahil nakakaramdam ako ng saya gayong nalulungkot naman si Alexa. "Ano ang gagawin mo ngayon, Alex? Ikaw ang mahal ni Uriel at hindi ako at alam kong mahal mo rin siya. Makikipagrelasyon ka ba sa kanya?"Napapikit ako sa kanyang tanong. Ano nga ba ang gagawin ko? Makikipagrelasyon nga ba ako sa kanya ngayon pareho pala kami ng nararamdaman? Paano naman ang kapatid ko? Gugustuhin ko ba na masaya ako habang si Alexa ay nadud