The Dove of The Lost Lands

The Dove of The Lost Lands

last updateHuling Na-update : 2023-01-30
By:   cedriannakhaile  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 Rating. 1 Rebyu
49Mga Kabanata
2.1Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Synopsis

Sa Bayan ng Satrosa, ang bayan ng mga alipin. Hindi na bago sa mga katulad ni Yonahara ang matanaw sa araw at marinig sa gabi ang lamat ng kaharasan mula sa mga taong nasa posisyon sa mga katulad niya. Sa pagitan ng buhay at kamatayan, bilang alipin iyon ang tanging pagpipilian niya. Subalit paano kung maliban sa dalawang iyon ay may isa pa siyang pagpipilian? Manatiling alipin habangbuhay o maging reyna sa ibang emperyo kung saan ay dapo lamang siya? Sa lugar na puno ng dugo't mga yumao. Sa lugar na puno ng mga naligaw at naiwan, at sa kanyang pagbabalik. Kapayaan at kalayaan nga kaya'y lilipad at makakamtam mula sa matagal nitong karimlan?

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Simula

Sa gitna ng kabilugan ng buwan. Sa lunos ng malawak ng mga walang buhay. Sa pagitan ng kadalisayan at kapayapaan. Saksi niyon ang sakripisyong dugo't luha ang pinagmulan. Pagtangis sa nakabibinging katahimikan. Tagumpay nga ba'y karapat-dapat? O, isa lang itong maskara sa totoong wangis ng mga maruruming ganid sa kapangyarihan? Kumalat sa pandinig ang lakas na ingay ng trumpeta. Kasabay niyon ay mga yabag, hindi lang dalawa kun'di sa hindi mabilang sa rami ngunit may nangingibabaw sa unahan. Sumisigaw ang kanyang posisyon at pagkakakilanlan. Pawang tumagos sa sarili ang lamig ng mga mata nitong nababalutan ng kulay itim. Lumuhod ito't naramdaman ko ang malamig na pagdampi sa aking pisngi. Nasa pagitan ng marahas at maingat na inangat niya ang nanghihina kong sarili upang magpantay ang aming parehong pagtitig. Katulad ng kanyang mga mata. Malalim, malamig at puno ng hiwaga siya'y nagwika, "natagpuan ko na ang karapat-dapat. ...

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
Docky
Blurb pa lang ang interesting na and it's the reason why I continue reading the first chapter! I like the plot! basahin n'yo na po (◠‿◕)
2022-05-11 00:17:56
1
49 Kabanata
Simula
Sa gitna ng kabilugan ng buwan. Sa lunos ng malawak ng mga walang buhay. Sa pagitan ng kadalisayan at kapayapaan. Saksi niyon ang sakripisyong dugo't luha ang pinagmulan. Pagtangis sa nakabibinging katahimikan. Tagumpay nga ba'y karapat-dapat? O, isa lang itong maskara sa totoong wangis ng mga maruruming ganid sa kapangyarihan? Kumalat sa pandinig ang lakas na ingay ng trumpeta. Kasabay niyon ay mga yabag, hindi lang dalawa kun'di sa hindi mabilang sa rami ngunit may nangingibabaw sa unahan. Sumisigaw ang kanyang posisyon at pagkakakilanlan. Pawang tumagos sa sarili ang lamig ng mga mata nitong nababalutan ng kulay itim. Lumuhod ito't naramdaman ko ang malamig na pagdampi sa aking pisngi. Nasa pagitan ng marahas at maingat na inangat niya ang nanghihina kong sarili upang magpantay ang aming parehong pagtitig. Katulad ng kanyang mga mata. Malalim, malamig at puno ng hiwaga siya'y nagwika, "natagpuan ko na ang karapat-dapat.
last updateHuling Na-update : 2022-02-15
Magbasa pa
Kabanata 1
PagkabahalaHindi na lingid sa kaalaman ng lahat, ang paulit-ulit na pagdanas ng luha't pagpapahirap mula sa mga ganid na nakamaskara bilang matataas na opisyal sa buong bayan ng Satrosa.Hindi ko na mabilang ang lahat ng kanilang ginawa magmula pa n'ong aking kamusmusan. Sa mga panahong iyon hanggang sa nagkaroon ako ng malay sa magulong mundo, hindi na bago sa akin ang makitang pagpaparanas nila ng dahas sa mga katulad kong nagmula lang sa angkan ng mga alipin."Gah!"Isang namimilipit na daing ang narinig mula sa babaeng ngayon ay nakahandusay na sa kalupaan, mula sa latigong hawak ng kanyang pinagsi-silbi-han."Isang hangal! Balak mo pang tumakas mula sa'kin?" anito, patuloy sa pagla-latigo sa kaawa-awang babaeng alipin.Umiling-iling ang alipin sa pagitan ng pagtangis. "N-Nagkakamali po kayo... H-Hindi ko magagawa-"
last updateHuling Na-update : 2022-02-15
Magbasa pa
Kabanata 2
Pag-anyaya"Isa pa, tumayo ka!"Narinig kong mariin na sabi ng Senyora. Ang mga mata ko'y papikit na, ang mga braso't kamay ko ay nanghihina na. Maging ang aking buong katawan ay bumigay na.Umiling ako. At kahit na nanghihina na ay nagsalita ako."S-Senyora... H-Hindi ko na po kaya..."Hindi ko lang lubos maisip ang dahilan nang lahat ng ito. Wala akong ideya sa pinagmulan at kung papaano ba 'to nagsimula. Ang naalala ko lang ay biglaan ang lahat.Akala ko ay magtataas pa muli ng boses ang Senyora at ipagpapatuloy muli namin ang ginagawa sa halip ay nilagpasan lang ako nito't lumakad pabalik sa loob ng kanyang tahanan.Hindi pa man tuluyang nakakapasok sa loob ay nagsalita si Senyora."Bukas ay ipagpapatuloy na'tin ang hindi natapos ngayon," aniya saka na nagpatuloy pumanhik sa
last updateHuling Na-update : 2022-02-15
Magbasa pa
Kabanata 3
Pagsalakay Kung ang tingin ay isang punyal marahil ay kanina pa kami pinaulanan ng hindi mabilang na punyal sa 'rami ng mga matang tila katulad ng agila. Mabilis at matalim.Hindi naman inaasahan ang ganoong pagtatagpo ng dalawang tao at sa mismong napaka-importante pang okasyon. Hindi tinanggap ng Senyora ang paglahad ng hari bagkus ay yumuko ito't nagbigay ng galang at respeto.At kahit wala na ang aming presensya ng Senyora roon ay hindi pa rin nakakalimot ang mga taong nakasaksi sa nangyaring kaganapan.Samantala naman ay dumito muna kami sa isang bakanteng panuluyan. Personal na pagmamay-ari ng hari, at ngayon nga'y magkaharap sa isang lamesa ang dalawang may kilalang posisyon sa bayan at sa kaharian.Mga piling kawal naman ang nagbabantay sa labas. Habang narito naman sa loob ang Senyora, ang hari, ang personal nitong na taga-sunod o
last updateHuling Na-update : 2022-02-15
Magbasa pa
Kabanata 4
Pangunahing KonsehoAng kaharian ng Asyreum ang pinakamataas sa lahat ng kaharian sa Emperyo ng Boris Horatia. Sa yaman, kalakalan, agrikultural, at sa usapang pandigma. Maliban sa maruruming reputasyon nitong kasali na ang paglelegal sa batas nang pagkakaroon ng alipin. Ang Asyreum ay hindi ko maitatangging naging tahanang kinamulatan ko.Hindi ko man gaanong naramdaman ang pagiging tahanan nito o matanaw ang kabuuan ng kaharian. Ang bayan ng Satrosa-ang bayang malaki ang konektado sa nasabing kaharian, ang mismong mga taong katulad ng katayuan ko, naging isa iyon sa mga rason ko upang ilaban ang buhay kahit na alam kong napaka-imposibleng lumayo mula sa antas na mayroon ako-ang pagiging isang alipin.Aminadong masyadong marahas ang mga naranasan kong paghihirap dahil sa aking katayuan sa simula pa lang ng aking buhay hanggang sa makilala ko ang Senyora.Hindi
last updateHuling Na-update : 2022-02-15
Magbasa pa
Kabanata 5
Ang Hayop at DemonyoSimula n'ong nagkaroon ako ng kamuwangan sa mundo. Saksi na ako sa mga pasikot-sikot ng mga tao. Lalo na kapag dumating ang puntong minsan ay may ginagawa silang karahasan at kamunduhan.Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba akong pinagtangkaan. At sa tuwing sila'y susubok ay pawang may himalang palagi iyon nauudlot. Natatandaan ko pa ang araw na iyon. Isang maharlika ang bumili sa akin sa isang pamilihan ng mga alipin.Sa unang pagpapakilala nito'y para itong maamong tupa. Makisig at mapapansin na hindi makabasag-pinggan sa bait ng pakikitungo nito sa akin. Maging ang boses ay magaan sa pandinig ngunit sadyang may katotohanan pa rin ang mga sabi-sabi. Huwag palilinlang sa panlabas na anyo hangga't hindi mo pa sila nakikilala ng lubos.Mahimbing pa ang aking pagkakatulog. Sa buong pag-aakala kong magiging masw
last updateHuling Na-update : 2022-02-15
Magbasa pa
Kabanata 6
 Maharlika "Senyora, kaunting tiis na lang po. Makalalabas na tayo," anang ko habang inaalalayan ko siya sa paglalakad. Narito kami ngayon sa sirang palasyo ng Hari. Binabaybay na namin ngayon ang mahabang pasilyo papunta sa mismong silid ng Hari. Wala akong nalalaman tungkol sa pasikot-sikot, kaya ang Senyora ang nagsasabi sa akin ng direksyon. "Sa kanan," aniya, saka kami lumiko. Akala ko ay maglalakad pa kami ng mahaba. Bumungad sa amin ang pa-arkong pintuan, natanaw din namin ang nabuksang pinto. Sandali kaming napatigil nang nahinto sa paglalakad ang Senyora. Binalingan ko ng tingin ang Senyora at doon ko nakita ang malamlam na mga mata niya. Sabay na lumandas muli ang kanyang luha. Parang may tumusok sa aking dibdib sa mga mata niyang tinat
last updateHuling Na-update : 2022-02-15
Magbasa pa
Kabanata 7
Muling PangakoAng nakakaantig na himig ang kumiliti sa aking pandinig upang maimulat ko ang aking mga mata. Liwanag. Liwanag na hindi kay sakit sa mata kung tatanawin. Bumangon ako at nilibot ng tingin ang paligid.Ang himig ay nagpatuloy. Tila ba ang puso ko'y naantig sa mga nakikita at naririnig. Napakagaan sa pakiramdam na parang ako'y idinuduyan habang lumulutang sa alapaap.Mga punong kay dalisay na nakukulayan ng natural nitong kulay na berde. Mayroon rin nag-iisang puno sa 'di kalayuan.Napakagandang puno. Napakatayog. Ang mga dahon ay banayad na nahuhulog sa kalupaan sa tuwing nagpaparamdam ang hangin at isinasayaw iyon. At sa ilalim lamang ng puno ay taong siyang may instrumento. Ang banayad na himig na kay sarap sa pandinig ay nanggagaling sa kudyaping hawak nito.Nakatalikod ito sa akin. Ang buhok nito ay aabot hanggang sa kanyan
last updateHuling Na-update : 2022-02-27
Magbasa pa
Kabanata 8
HariKung may maikukumpara lamang ako, iyon ay ang nangyayari sa akin ngayon. Magmula nang magising ako ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin, lalo pa at ilan na ang mga tao ang pumasok sa silid. Wala rin akong ideya kung nasaan ako at kaninong panuluyan ito.Basta't natagpuan ko na lamang ang sarili na sinisilbihan na ng tatlong serbidora. Sila'y pinaliguan ako sa mahalimuyak na amoy rosas na tubig sa malaking batya na kahoy.Pinababad din nila ako sa isang batya ng gatas at ngayon ay nakatayo ako sa harapan ng malaking salamin—na halos kayang makita ang kabuuan ko—kasama ang mga babaeng serbidora na tinutulungan akong magpalit ng damit.Halos hindi ko na makilala ang sarili nang muli tingnan ko ang repleksyon sa salamin. Nakaupo na ako ngayon, sinusuklayan nila ang mahaba at may maalon kong buhok.H
last updateHuling Na-update : 2022-03-05
Magbasa pa
Kabanata 9
Pulang Niyebe Sa tana ng buhay ko, lahat na mga Maharlikang nakilala ko—maliban sa Senyora at Haring Kaan—ay mapagmataas, mapanghusga at halos karahasan ang naging saksi sa bawat yugto ng buhay na mayroon ako. Lahat sila'y may pangungutyang tingin sa mga katulad kong nagmula lamang sa mababang antas. Sa tagal ng buhay ko bilang alipin ay puro takot at pangamba ang nararamdaman. Naging saksi at naranasan ko mismo ang kanilang pagmamalupit. Mapapisikal man o emosyonal. Iyon ang naging pananaw ko bago ko makilala ang Senyora. Dati-rati'y ang pag-aakala ko ay lahat na Maharlika'y purong masasama ngunit nang makilala ko ang Senyora. Hindi ko maitatanggi na naging mahigpit siya subalit siya ay naiiba. Palagi niyang ibinibilin sa akin na huwag akong magpadala sa aking kahinaan.
last updateHuling Na-update : 2022-03-08
Magbasa pa
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status