Share

Chapter 8

Author: pariahrei
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Chapter 8

Nanlalaki ang kanyang mga mata at natuod sa kinauupuan. Ang malambot na labi ni Nexus ay tila kawad ng kuryente na naghatid sa kanya ng nakakapanginig na boltahe at pinaralisa ang buong sistema niya.

            Kung gaano kabilis lumapat ang labi ni Nexus sa mga labi niya, ganon din kabilis itong humiwalay. Namula ang tainga nito pati na rin ang leeg bago yumuko at isinubsob ang mukha sa kanyang leeg.

            Kung hindi pa humaplos ang kamay nito na nasa kanyang baywang ay hindi pa magigising ang diwa niya. Ilang beses siyang lumunok at iginalaw ang kamay para maingat na alisin ang ulo ni Nexus sa kanyang balikat.

              “Magpahinga ka na, gigisingin na lang kita kapag nakaluto na ang chief.”

            Naramdaman yata nito ang pag-iwas niya dahil pinisil nito ang kanyang baywang bago mabagal iyong binitawan. Nagpaubaya ito nang inalalayan niya itong pahiga sa kama.

            Nang masiguro niyang maayos na ito sa kinahihigaan ay sumandig siya sa headboard at tumunganga sa ceiling ng kwarto. Pinaghugpong ni Nexus ang kanilang mga kamay at tahimik nitong pinaglaruan iyon.

            Kinabukasan, mapanuri ang tingin ng bago nilang chief na si Analyn Soque. Kaibigan niya rin ang babae noong high school siya. Kung noon ay dakilang pasaway ito sa paaralan nila, ngayon ay isa na ito sa mga highest in-demand chief sa bansa.

            Malakas itong humalakhak nang irapan niya.

            Fresh na fresh ang hitsura ni Nix sa suot na white t-shirt at khaki short. Ngitian siya nito at inilahad sa kanya ang kamay. Kinuha niya iyon at sinenyasan si Rex na itulak na ang wheelchair ni Nexus palabas ng bahay.

            Pinagtulungan ng mga bodyguard na isakay si Nexus sa kotse niya. Magkatabi sila ni Nexus sa backseat habang ang isa sa mga bodyguard ang nagmamaneho. Katabi nito si Rex. 

            Sa buong byahe patungong main office ng Casa Amara ay panay lang ang tingin ni Nexus sa labas habang paminsan-minsan na pinipisil ang kamay niya. Bakas sa mukha nito na pamilyar dito ang nadadaanan nila. Paanong hindi kung palagi silang pumupunta noon sa bahay ng mga magulang niya sa tuwing umuuwi ito sa Camarines Sur.

            Nilagpasan nila ang sentro ng bayan at pumasok sa isang barangay kung saan malapit sa dagat. Sinaluduhan siya ng gwardiyang naka-duty sa may entrance ng Casa Amara. Pagkatapos ay binaybay nila ang driveway patungo sa pinakamalaking villa na nasa dulo ng teritoryo.

            Casa Amara is composed of villas and rest-houses that are inside the big compound. Malalayo ang agwat ng bawat bahay sa isa’t isa upang may privacy ang mga kliyente. Bawat bahay ay tama lang ang laki at maaring pumili ang kliyente ng bahay ayon sa klase ng materyales.

            May mga resthouse kasi na gawa sa pawid upang mas mapresko habang meron naman na gawa sa matibay na materyales.

            Tumigil ang sasakyan sa harap ng kanyang opisina. Tinulungan niya si Rex sa pag-alalay kay Nexus na paupuin ito sa wheelchair.

            Nakangiting mukha ni Anjeanette ang sumalubong sa kanya sa pagpapasok pa lamang niya sa palapag ng kanyang opisina.

            “Good morning, Ma’am. Nasa opisina niyo po—”

            Hindi na nito naituloy ang sinasabi dahil nakita na niya ang mama niya na tumayo sa kinauupuan habang nasa tabi nito ang kanyang ama na matalim na nakatingin kay Nexus.

ANO iyon, Amara?” galit na tanong ni Stegh Mijares sa kanya. “Bakit nandito ang lalaking iyon at magkasama kayo?”

            “Pa, kumalma ka nga,” saway niya sa ama na kulang na lang ay umalis sa wheelchair nito sa klase ng pagsasalubong ng mga kilay.

            “Makinig ka sa anak mo, Stegh.” Kapagkuwan ay natuon ang tingin sa kanya. “Bakit naririto ang dati mong asawa, Anak?”

            Mabuti pa ang ina niya ay kalmado.

            “Nagkabalikan na ba kayo?”

            “Ma!” eskandalosa niyang bulalas.

            “Oh, bakit? Wala akong ibang nakikitang dahilan maliban do’n. At saka hindi naman impossible na magkabalikan kayo.”

            “Impossible, Ara. Sobrang impossible!” tutol ng papa niya at kunot na kunot na ang noo.

            “Oh, bakit naman nababanas ka riyan? Saka walang impossible kung gusto. Naalala mo noon, ikaw ang numero unong nagtutulak diyan sa anak mo kay Nexus.”

            “Dati ‘yon. Pinagsisihan ko na ngayon. Akala ko kasi—”

            Sinaway niya na ang dalawa bago pa mauwi sa pagtatalo.  “Trabaho ko si Nexus.”

            “Ano?!”

            “Wala siyang maalala.”

Ipinaliwanag niya sa mga ito ang nangyaring aksidente ni Nexus at ang kasalukuyang kalagayan nito. Pati na rin ang naging deal nila ni Leticia ay sinabi niya na rin kahit pa sabay na nagsalubong ang mga kilay ng kanyang mga magulang.

            Hindi niya masisisi ang mga ito dahil alam ng kanyang mga magulang na dakilang bruha si Leticia. Kontrabida sa buhay mag-asawa nila ni Nexus noon.

            “Para lang ba ito sa pera, Anak? Natitiis mong makasama ang lalaking iyon para sa pera?” dismayado ang tono ng kanyang ama.

            “Nagpapaka-praktikal lang ako, Pa. Kailangan ko iyon sa expansion ng Casa Amara.”

            “Wala naman nagsabi sa ‘yo na maging mayaman ka ng sobra.”

            “Pero iyon ang gusto ko.”

            Umiling ang ama niya at nagbaba ng tingin, nabalot sila ng katahimikan. Ilang sandali pa ay tumayo na ang kanyang ina at nagpaalam na uuwi na.

            Hinawakan niya wheelchair ng papa niya at siya na mismo ang nagtulak niyon palabas ng kanyang opisina.

 “Ipapahatid ko kayo kay Jules,” aniya na ang tinutukoy ay isa sa mga empleyado niya.

            Wala siyang narinig na pagtutol sa mga magulang at binalot sila ng katahimikan hanggang sa makarating siya sa lobby. Tinulungan niya si Jules at ang mama niya na isakay sa kotse ang ama niya.

            Napatingin siya sa papa niya nang hinawakan nito ang kanyang palapulsuhan at diretso siyang tiningnan sa mga mata.

            “Hindi mo kailangan ng pera, Anak. Sana lang huwag kang matalo sa sarili mong laro,” wika nito habang malamlam na nakatitig sa kanya.

            Hindi siya sumagot bagkus ay sinenyasan na lang si Jules na umalis na. Nang tuluyang mawala sa kanyang paningin ang sasakyan ay bumalik siya sa loob ng gusali na may apat na palapag.

            Dumiretso siya sa artificial garden na nasa likuran ng gusali. Malawak ang carpeted grass na pinasadya niya para sa mga empleyado niyang gustong panoorin ang dagat sa tuwing break time ng mga ito.

            Nakita niya si Nexus sa ilalim ng malaking payong habang nakatanaw sa dagat. Naka-upo naman si Rex sa isa sa mga benches na naroroon, ilang dipa ang layo mula sa amo nito.

            Lumingon sa kanya si Nexus nang maramdaman nito ang presensya niya palapit.

            “N-Nasaan si P-Papa?”

            ‘Papa’. That sounds so familiar in her ears. Iyon ang tawag nito sa ama niya noong mag-asawa sila. O kahit noong hindi pa sila mag-asawa at dumadalaw-dalaw pa lang ito sa bahay nila.

Papa na agad ang tawag ni Nexus sa ama niya.

            “Umuwi na. Paano mo nalaman na ama ko siya?”

            “Sabi s-sa akin ni Alej-jandro.”

            “Ano?”

            “P-Pati kapatid mo, nakita k-ko na sa picture.”

            Malutong na minura niya si Alejandro sa isip. Sasabunutan niya talaga iyon kapag nagkita sila. Bakit nito ipinakita kay Nexus ang larawan ng pamilya niya?

Inis na napahilamos siya ng sariling palad sa mukha.

            “Bakit g-galit sa akin si P-Papa?” pukaw nito sa kanya.

            “Hindi siya galit.”

            “G-Galit siya. M-Matalim ang tingin niya sa a-akin.”

            “Hindi nga.”

            Tumango na lang si Nexus, nahalata yata na nagsisimula na siyang mainis.

            Hinawakan niya ang handle ng wheelchair nito bago niya sinenyasan si Rex na sumunod na lang sa kanila dahil siya na ang bahala kay Nexus. Ipinakilala niya ito sa mga empleyado niya.

            Inilibot niya si Nexus sa buong building at ipinakita rito ang maliit na departamento katulad ng sa financial, service…

            Matalino nga ito dahil ang bilis maintindihan ang mga bagay-bagay. Bakas rin sa mukha nito ang pagiging interesado nang ipaliwanag niya kung paano tumatakbo ang Casa Amara. Nang bandang tanghalian, nasa pantry sila ng kanyang opisina para kumain ng lunch. Tumanggi si Rex nang yayain niya ito at sa cafeteria na lang daw kakain. 

            “Niluto ‘yan ni Chief Nads, kaya dapat mong ubusin.”

            “H-Hindi mo luto?”

            “Hindi ako marunong,” wala sa loob niyang bulalas, kumudlit sa isipan niya ang usapan nila noon nang ipinagluto siya nito dahil muntik na niyang masunog penthouse nila.

            Ipinilig niya ang kanyang ulo para mawala ang mga walang permisong mga alaala na nagliliparan sa utak niya.

            “A-Ako ba ang nagluluto para sa atin?”

            Hindi siya sumagot bagkus ay sumandok siya ng pagkain nito at isinubo kay Nexus. Maligaya naman nito iyong tinanggap.

            “K-Kapag nakapaglakad na a-ako, ipagluluto kita.” Muli itong ngumanga para magpasubo sa kanya.

            Hindi niya inintindi ang sinabi nito dahil alam niyang mauuwi na naman iyon sa mga pangako na napapako.

            “Sa susunod na linggo ay pupunta ka sa Manila.”

            “P-Pasyal tayo sa mall. S-Sabi ni Rex, maganda raw do’n.”

            “Hindi ako sasama.”

            Bumalong ang kalungkutan sa mga mata nito.

            “B-Bakit?”

            “Marami akong gagawin.”

            Nawala ang sigla nito at natahimik. Kapagkuwan, ay tiningnan siya nito at inabot ang kanyang kamay.

            “Mami-miss mo b-ba ako?” His voice is hoping that she will miss him.

            Tumaas ang sulok ng kanyang labi at tumango. “Oo. Kaya dapat galingan mo.”

            Para itong masunuring bata na tumango. Hinila siya nito at wala sa sariling napapikit siya nang ipaglapat nito ang mga labi nila.

            “Mami-miss kita ng s-sobra, S-Steph. I love you.”

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Ailene Taduran Atutubo
wow how sweet nman...️
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ang bilis mo Nexus kahit may iniinda kang sakit dahil sa aksidenti
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 9

    Chapter 9 Ipinarada ni Amara Stephanie ang kanyang sasakyan sa harap ng mansion ng hipag niya na nasa loob ng exclusive village ng Northshire town. Maraming kotse na nakasampa sa Bermuda grass pati na rin sa parking space. Dinig na dinig niya ang pambatang tugtog at sigawan ng mga bata na nagmumula sa hardin ng mansion. Kinuha niya ang malaking paper bag bago siya bumaba sa kanyang kotse. Sinalubong siya ng isang kasambahay ng mga Rocc at iginiya siya sa garden ng mansion. Bibong-bibo na tumakbo papunta sa kanya ang birthdays celebrant na si Sevi. “Tita!” maligalig nitong wika at agad na kumunyapit sa kanyang hita bago siya tiningala at kumurap-kurap ang bata. “Happy birthday,” she greeted and kissed her nephew’s forehead. Hinawakan ni Sevi ang dala niyang paper bag at ngumisi sa kanya. “Is this for me?” Tumango siya at tuluyang inabot dito ang regalo. Tuwang-tuwa ito at gusto na sanang buksan kung hindi lan

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 10

    Chapter 10 Ang sabi sa kanya ni Alejandro, bigla na lang daw naglahong parang bula si Angel Love nang maaksidente si Nexus. Nakabalandra sa lahat ng TV station, mga dyaryo at social media ang engagement ni Nexus at Angel Love, isang buwan matapos ang opisyal na hiwalayan nila ni Nexus. Si Angel Love ang gusto ni Leticia para sa anak nito. Halatang-halata ang pagkakagusto ni Angel Love kay Nexus at dikit ng dikit na parang linta kahit noong kasal pa sila. Lumipat ang tingin niya sa lalaking katabi nito. The man on his late fifties. Kung hindi siya nagkakamali ay senador iyon ng bansa. Mistulang nakakita ng multo ang babae nang naglakad siya papunta sa direksyon nito. Nilagpasan niya si Angel Love at lumapit sa kapatid niyang kausap ang isang ginang. Nagpa-excuse si Neshara at niyakap siya nang magpaalam na uuwi na. “Nakita ko ang hilaw na fiancée ni Nexus. Gusto mo palayasin ko?” bulong nito sa kanya habang matalim ang tingin kay Angel Love. “H

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 11 (Part 1)

    Chapter 11 (Part 1) Kaswal siyang sumilip sa loob ng pantry nang marinig niya ang pamilyar na halakhak ni Nix. Nakangiti ang mukha ng lalaki habang pinagpupulot nito ang grapes na nagsigulong sa sahig. Ipinunas nito ang isang piraso sa damit bago iyon ni-shoot sa bibig nito bago muling nakipagtawanan sa empleyado niya. Malayong-malayo ito sa dating Nexus na palaging walang emosyon kapag kaharap ang ibang tao. This Nexus is down to earth, laughing and getting along with others that fast. Mas masaya at maliwanag ang mukha nito sa pagkakataong iyon. Inaya siya ng mga ito na kumain nang mapansin niya. Tinanggihan niya dahil may sarili siyang pagkain sa opisina. Muli niyang binigyan ng isang beses pang sulyap si Nexus na nakatingin na rin sa kanya, bago walang lingon-likod na umalis. Pagod na ibinagsak niya ang kanyang sarili sa malambot na sofa. Dalawang branch ng kasama Casa Amara ang binisita niya. Itinatayo pa

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 11 (Part 2)

    Chapter 11 (Part 2) Kasalanan niya rin naman. Hindi lang kasalanan ni Nexus kung bakit nawala ang baby niya. Siya ang ina ng bata, siya dapat ang unang nakaalam na buntis siya. “I don’t remember anything but I feel like I need to say sorry.” “Hindi maibabalik ng sorry mo ang baby ko. I hate you. I hate you so much!” Pilit niya pa rin itong tinatayo mula sa pagkakaluhod. Inalis niya ang pagkakayakap ng mga braso nito sa kanyang baywang. Tumapak siya sa malamig na sahig at mas hinila pa ang braso ni Nexus para itayo ito. Ngunit sadyang matigas ang ulo nito dahil hindi man lang natinag sa kinalalagyan at mas lalo pang yumuko. “Get up, Nexus,” halos pabulong niyang sabi. “Mas lalo mo lang akong sinasaktan sa ginagawa mo.” Bumukas ang pinto at pumasok sina Rex at Alejandro. Natigilan pa ang mga ito sa nakita at nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Nix. Umiling siya at bumal

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 12

    Chapter 12 Kapwa sila natigilan ni Nexus nang malakas na tumikhim si Alejandro. Mabilis na nagbawi ng tingin ang dating asawa. Binalewala niya ang dumaang sakit sa mata nito. Pormal siyang humarap kay Alejdandro na malinaw na nalilito na rin kung susuwayin ba siya sa mga pinagsasabi niya kay Nexus o hahayaan siya dahil iyon ang totoo? “Marami pa akong naiwang trabaho sa opisina. Can you tell me now, what do you want?” “We need your help.” Kinuha niya ang kanyang bag at tumayo. “Nagsasayang lang ako ng oras ko rito.” Akmang hahakbang siya paalis nang hagipin ni Nexus ang kanyang palapulsuhan at hinila pabalik sa pagkakaupo. Mistula itong napaso na napabitaw sa kanya nang dumapo ang kanyang tingin sa kamay nitong nakahawak sa kanya. “This is not a waste of time, Tep. It is a death and life situation,” panimula ni Alejandro sa pormal na tinig. “Alam mo kung ano ang ginagawa ni Leticia.

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 13 (Part 1)

    Chapter 13 (Part 1) ********************** Sigurado si Amara Stephanie na hindi pag-aari ng makulit na ex-boyfriend ng ate niya na si Sebastian, ang kotse na nakaparada sa harap ng bahay nila. At mas lalong hindi iyon sa kapit-bahay nila dahil may edad na ang babae. Nakasalubong niya ang pupungas-pungas na si Sevi pagkalabas niya ng kanyang kwarto. Itinaas nito ang magkabilang kamay nang makita siya. “Tita, up!” Umuklo siya at binuhat ang bata. Hinalikan niya ito sa pisngi nang malambing na humilig ito sa dibd ib niya. “Nasaan ang mommy mo?” tanong niya habang pababa sila sa may anim na baitang na hagdan. “Don’t know po. Nandyan po ba sa labas si Daddy?” “Hindi ko alam. Hindi naman sa kanya ang kotse sa laba—” Hindi na niya naituloy ang sinasabi nang makita kung sino ang taong prenteng naka-upo sa sala. “Steph,” tawag ni Nexus Almeradez at nginitian siya. “Tita, cl

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 13 (Part 2)

    Chapter 13 (Part 2) “T-Tama na!” pilit ang boses ni Nexus. “H-Huwag mong pagsasalitaan ng masa…ma si Stephanie. U-Umalis kayo dito.” “Ano? Siya ang paalisin mo. Hindi mo ba ako narinig? Hindi na kayo mag-asawa. Sinasamantala niya ang kalagayan mo para kumuha ulit ng pera sa ‘yo.” “Shut up, Leticia. Ikaw ang lumapit sa akin para bumalik sa buhay ni Nexus. Huwag mong ipasa sa akin ang kagagahan mo.” “U-Umalis na kayo r-rito.” “Nexus, I am your mother!” Sarkastiko siyang natawa at itinuro ang pinto. “You heard him. Get out of my house!” “Wala kang karapatan!” duro sa kanya ng babae. “Ang hina talaga ng comprehension mo. Ako na ang nagmamay-ari ng Hacienda! Lumayas kayo sa pamamahay ko o ipapakaladkad ko kayo sa mga gwardiya? You are claiming yourself as his mother pero hindi mo man lang siya inasikaso kahit no’ng nasa hospital pa siya.” Nanlilisik ang mga matang humakbang palapit sa k

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 14

    Chapter 14 “Mara, nandito ka,” masayang kaway sa kanya ng ni Ka Berting na siyang namamahala sa pinyahan ng Hacienda. Tauhan na ito roon bago pa man sila ikasal ni Nexus kaya kilala niya na ang matanda. “Ikaw ba ang mag-aani ng pinya o gusto mo ako na lang?” “Ako na lang po.” “Marunong ka?” Pinigilan ni Nexus ang kanyang kamay nang akmang kukunin niya ang gloves. “Marunong ‘yan si Ma’am Mara, Sir. Noon nga po sumasama ‘yan sa pag-ani ng pinya. Ang swerte niyo Sir sa asawa niyo. Maganda na, mabait pa.” Yumuko siya at nagpanggap na busy sa pagsuot ng gloves upang huwag mahalata ng dalawang kaharap ang pamumula ng kanyang mga pisngi dahil lang sa sinabi ni Ka Berting. Hindi man lang niya ito sinulyapan nang yumuko rin ito katulad ng ginawa niya upang kumuha rin ng pinya. Nix knows a lot of works in Hacienda. He was sent by his father in Hacienda Constancia as his punishment. Ang kwento nito sa kany

Pinakabagong kabanata

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Special Chapter 3:

    Special Chapter 3: (A sneak peek for Calix Almeradez’s Story of 2nd Generation) Tila tambutso ang bibig ni Asher nang binuga niya ang usok ng sigarilyong hinihithit. Pamasid-masid siya sa paligid habang paminsan-minsang tumututok ang kanyang mga mata sa malaking bahay na nasa harapan niya. Mansyon ng mga Almeradez! Ang pamilyang nag-abandona sa kanya. “Sher, di ka pa sisibat? Hinahanap ka na ni Bossing.” Sulpot ng kapatid niyang si Astrid mula sa madilim na talahiban. Isang hithit pa ng sigarilyo bago niya iyon tinapon at inapakan. “Anong ginagawa mo rito?” puno ng kaangasan ang kanyang boses. “Hinahanap ka na ni Supremo.” Bumaling ang tingin nito sa malaking bahay. “Di ba ‘yan yong bahay na nasa picture? Yong pinakita sa ‘yo no’ng isang linggo ni Supremo. Bakit mo tinitingnan? Nanakawan mo ba? Sama mo ako.” Pikon na kinutusan niya ang babae. “Hindi ako kasali sa mga batang hamog n

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Special Chapter 2

    Special Chapter 2: Mommy Nanny (A sneak peek for Vioxx Almeradez’s Story of 2nd Generation) Umawang ang labi ni Danica Shane nang bumuhos ang kulay pulang likido sa kanyang ulo nang buksan niya ang pinto. Nakangiwing inamoy niya ang pintura ng kung sino man na wala sa sariling naglagay niyon doon. Matalas ang mga matang hinanap niya ang salarin. Nasa likod ng magarang hagdan ang batang lalaking humagikhik sa kapilyuhan. Mapagpasensyang inalis niya ang pintura sa kanyang mga mata, pilit na pinapa-alaala sa sarili na wala siya sa bahay nila at bawal niyang paluin ang bata na magiging trabaho niya sa unang araw niya sa Almeradez residence. “Shaun!” dumagundong sa apat na sulok ng living room ang strikto at baritonong boses na iyon. Natigil ang batang maliit sa paghagikhik. Napatingin siya sa lalaking humakbang pababa sa magarang hagdan ng mansion. Sinalo ng kulay asul nitong mga mata ang kanyang titi

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Special Chapter 1

    Special Chapter 1: Married Again “Nanang Yeye, nasaan po si Nix?” tanong niya nang madaanan ang matanda na nagdidilig ng halaman sa hardin. “Inilabas kanina si Vioxx. Baka nasa taniman na naman.” “Sige po, puntahan ko na lang. Kumain na ba si Vioxx?” “Hindi pa nga eh. Sumama agad kay Nexus. Tinangka kong kunin, ayaw naman sumama. Kaka-isang taon pa lang, makulit na. Mana sa ama.” Binumntutan nito iyon ng tawa. Natawa na rin siya at naglakad patungo sa harap ng mansion para doon dumaan patungon taniman. She halts on her step when she saw Nix laughing wholeheartedly with their son. Nakakapaglakad na si Vioxx kaya lang ay parang palaging matutumba. Ang kulit pa naman at palaging pabibo. Naiiyak nga siya minsan dahil naalala niya si Calix. Ayos naman na siya. Malaki ang naitulong ng sabay nilang pagpapa-theraphy ni Nix para malagpasan nila iyon. Nakangiting nilapitan niy

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Epilogue

    Epilogue Mula sa pagkakatingin niya kay Amara Stephanie na nilalao-laro si Vioxx, nilingon niya si Alejandro nang pumasok ito sa hardin ng hacienda. “Ipinapabigay ng city jail. It’s your mom’s belonging.” Inabot nito sa kanya ang may katamtamang laking kulay itim na box. Nag-aatubili pa siyang abutin iyon kaya inilapag iyon ni Alejandro sa harapan niya bago umupo ng sa tabi niya. His mom is dead. Halos kalahating taon na rin ang nakalilipas simula nang mangyari ang trahedyang iyon. Stephanie and their twins got kidnapped. Namatay ang isa nilang anak dahil naiwan ito sa loob ng sasakyan na sumabog. Muntikan ng mabaliw si Amara Stephanie. Nang makuha ni Hordan at ng mga tauhan ni Sato ang kanyang mag-iina, mas lalong nagpumilit si Leticia na maka-usap siya. Kaya pala matagal na siya nitong gustong kausapin ay dahil may alam ito sa plano ni Hordan at ng sindikatong iyon. Pinalabas ni H

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 64 (Part 3)

    Chapter 64 (Part 3) Naghalu-halo ang galit sa sarili, selos at disappointment nang makita niya ang larawan na iyon ni Amara Stephanie na may katabing ibang lalaki sa ibabaw ng kama. Kagagaling niya pa lang sa Singapore dahil sunod-sunod ang naging aberya sa iba pang kompanya na nasa ilalim ng Almeradez Empire. Miss na miss na niya si Stephanie na kahit anong pigil niya sa sarili ay hindi niya pa rin napigilang umuwi sa hacienda para makita ito. He wants to cuddle with her and make up with her. Nang mga sandaling iyon ay gusto niyang maging selfish at muling maging masaya sa piling ng asawa na hindi niya inaalala ang mga posibilidad na mangyari sa hinaharap. He wants to bring her into her own Villa in Atulayan Island. Mag-oovernight sila roon at mag-uusap tungkol sa kung anu-anong bagay katulad ng dati. But all of his plans were ruined when his mother showed him a picture of his wife, n-aked on the bed with another man.

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 64 (Part 2)

    Chapter 64 (Part 2) Isa sa mga anak ng tauhan ng hacienda ay kilala ang babaeng umagaw ng atensyon niya. The name of the girl is Amara Stephanie Mijares. Estudaynte ng San Ramon National High School. Nasa kabilang bayan ang paaralang iyon, isang sakay lang ng bus. Sumasama siya tuwing pupunta ang Lolo niya o kaya ang mga trabahador ng hacienda sa Tigaon. Inaabangan niya si Stephanie sa Hepa Lane na siyang palaging pinupuntahan nito at ng mga kaibigan tuwing hapon pagkatapos ng klase. Her laugh and wittiness amused him big time. One time, his grandfather serves as a guest speaker at SRNH. Awtomatikong hinanap ng kanyang mga mata si Amara Stephanie. Nalaman niya na vice president pala ito ng student council at halos lahat ng mga nag-aaral doon ay kilala ito. Sa kauna-unahang pagkakataon ay sinalubong nito ang tingin niya. Titig na titig siya rito nang makasalubong niya ito sa hallway ng paaralan. Kaswal l

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 64 (Part 1)

    Chapter 64 (Chapter 1) HACIENDA CONSTANCIA- 12 YEARS AGO Bumaba si Nexus nang makarating ang truck ng Hacienda Constancia sa sentrong palengke ng Goa kung saan ay isa sa mga bagsakan nila ng mga inaning gulay at prutas sa hacienda. His grandfather, Leopold Almeradez own the widest Hacienda in the province. Nage-export ang hacienda ng mga gulay at prutas sa iba’t ibang bahagi ng Asya. Gayunpaman, sinisiguro pa rin ng kanyang lolo na may nakareserbang supply ang bayan ng Goa. Hindi pwedeng magkulang ng supply ang bayang kinalakihan nito at kung saan minahal nito ang asawa. Leopold Almeradez is not Alexander’s biological father. Malayong pinsan ng una ang tunay na ama ni Alexander. Nang mamatay iyon ay nagkaibigan si Leopold at Constancia. His grandparents’ love story is indeed like a fairytale. Simula nang mainirahan siya sa Hacienda Constancia, madalas niyang naririnig si Leopold na kinakausap ang larawan ng kanyang lola, sinasabi kung

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 63

    Chapter 63 Inapakan niya ang silinyador para lumaban ng abante ang sasakyan nila. Subalit, masyadong matigas ang kung sino mang driver ng kulay puting kotse. Ginigitgit sila hanggang sa dulo ng kalsada. Sabay silang napasigaw ulit ni Maria nang magsimulang mahulog ang likuran ng kotse sa pababang bahagi ng bangin. “Sh-t!” nanginginig ang mga labing mura niya at muling tinapakan ang silinyador ng kotse. Naghalo sa loob ng sasakyan ang nahihintakutang sigaw nila ni Maria at ang palahaw na iyak ng kambal. Sa kanyang pagkagulat, umatras ang puting kotse. Kukunin na sana niya iyong pagkakataon para umabante nang bigla na lang sumibad papunta sa kanila. Bago pa man niya makabig ang kotse paiwas, mistula na silang nilindol sa loob ng sasakyan dahil sa lakas ng impact niyon. Walang kapreno-preno at tuloy-tuloy silang binangg, itinutulak sila pababang bahagi ng bundok. “Tumigil ka. Tumigil ka na!”

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 62

    Chapter 62 “Tulungan mo ako, please. Nagmamakaawa ako sa ‘yo. Patakasin mo kami ng mga anak ko.” mahina ang boses na pagmamakaawa niya sa babae. Alam niyang hindi ito talagang kasapi ng sindikato. Mukhang napilitan lang ito na manatili sa lugar na iyon. “ “Ano ‘yan?” sita sa kanila ng isang gwardiya na may hawak-hawak na mataas na de-kalibreng baril, hindi magdadalawang saktan siya kung may iniisip man siyang kalokohan. “Ano ba?!” biglang singhal ng babae sa kanya. Tinabig nito ang kanyang kamay. “Wala akong planong makipagsabwatan sa ‘yo. Sumunod ka na lang kung ayaw mong masaktan at ang mga anak mo.” Malakas siya nitong itinulak na ikinatumba niya sa sahig. Naghiyawan ang limang kalalakihan na siyang gwardiya roon nang kubabawan siya nito kaya napahiga siya. Dinakma nito ang buhok niya kaya hinablot niya rin ang buhok nito. Nagtitili ang babae. Bumitaw ang isa nitong kamay sa buhok niya bago niya naramdaman iyon sa suo

DMCA.com Protection Status