Share

Chapter 7

Author: pariahrei
last update Last Updated: 2022-02-02 21:43:34

Chapter 7

Wala sa oras na napatakbo siya kay Nexus nang nang makitang namimilipit ito sa sahig. Nakadagan sa kalahating katawan nito ang wheelchair.

            “Nexus!”

            Hindi ito sumagot bagkus ay mas lumalim ang pakakakunot ng noo nito at mas lalong namilipit.

            “Nexus!” Mahina niya itong inalog ngunit umiling lamang ito na parang may iniinda. Bumaba ang tingin niya sa kamay nitong hawak-hawak at mahina siyang napamura nang makitang dumudugo iyon dahil sa mga nakatusok na mga basag na bote.

            Ngayon niya rin lang napansin ang mga bubog sa sahig. Nakita niya ang baso at platito na basag sa di-kalayuan.

            Napamura siya nang mahaplos niya ang mukha nito dahil inaapoy ito ng lagnat. Sunod-sunod niyang pinindot ang buzzer at nang walang sumagot sa intercom ay muli niyang nilapitan ang dating asawa.  

            “S-Steph,” nahihirapan nitong wika.

            Napangiwi siya nang halos pareho silang babagsak nang binuhat niya ito upang ibalik sa kama. Ang bigat ng hudyo at gusto niya itong pektusan.

            Hingal na hingal siya nang tuluyan niyang mapasandig si Nexus sa headboard ng kama. Kinuha niya ang first aid kit sa banyo nito. Napapangiwi ito nang binalikan niya.

            “Huwag kang sisigaw,” utos niya nang kinuha niya ang tweezers at inalis ang mga bubog na nakatusok sa sugat nito.

Pigil na pigil nito ang mapadaing at hindi niya alam ang mararamdaman nang mamula ang mukha nito pati na rin ang leeg habang naluluha ang mga mata.

            Ngunit, sunod-sunod itong napamura nang buhusan niya ng alcohol ang sugat nito. Inilalayo pa nito ang kamay mula sa kanya na hindi naman niya hinayaan. Nilagyan niya iyon ng gasa bago ito itinulak pahiga.

            “Kumain ka na ba? Nasaan si Rex?” Kaninang umaga pa niya hindi nahahagilap ni anino man ng private nurse nito.

            “P-Pinauwi ko.”

            “Ano?” Naging pasinghal ang kanyang boses ngunit agad niya rin naitikom ang bibig nang makitang bahagya itong namumutla.

His eyes are watery and dilated.

            “Diyan ka lang,” wika niya at itinuro pa ito. Hindi ito sumagot bagkus ay nakatingin lamang sa kanya.

Wala siyang mahagilap kahit isang kasambahay, wala rin si Alejandro. Kumuha siya ng plangganita at nilagyan ng maligamgam na tubig. May sopas na tira sa kaldero na siyang meryenda ng mga trabahahador. Kumuha siya ng isang mangkok at inilagay sa microwave oven.

            Pagbalik niya sa itaas ay latang-lata na si Nexus sa kinahihigaan nito. Nakalaylay ang kamay at halos hindi na gumagalaw. May kalakasan na tinapik niya ito sa pisngi. Nang hindi ito nagmulat ng mata ay mas nilakasan pa niya ang tapik na halos pasampal na.

            Nahihirapan na umungot ito.  

            “Umayos ka. Pupunasan kita,” utos niya at inilagay ang isa nitong kamay sa balikat niya para tulungan itong i-adjust ang sarili sa pwesto nito sa kama.

            “S-Steph…”

            “Tumalikod ka.” Hindi ito sumunod kaya naiikot niya ang kanyang mata.

Siya na mismo ang nagpatalikod dito upang punasan din doon. Kumuha siya ng bagong damit nito pati na rin jersey short.

            Pigil na pigil niya ang sariling mag-init ang pisngi nang hubaran niya ito ng damit. Tumambad sa kanya ang katawan nitong kahit medyo pumayat ay naroroon pa rin ang patag nitong sikmura. Mistulang model sa siksik sa muscle. He’s lean, hindi sobrang ma-muscle pero may ibubuga. Hindi na niya binilang ang abs na dati ay anim.

            Pinagmumura niya ang sarili nang hilahin niya pababa ang suot nitong pajama. Natuon ang tingin niya sa umbok na nagtatago sa likod ng kulay itom nitong brief. Mabilis niya itong sinuotan ng jersey short bago pa man magkasala ang mga mata niya.

            Teka nga lang muna, ano bang inaarte niya? Nakita naman na niya iyon dati pa. Pumasok pa nga…

            Nang makatapos bihisan ay pinakain niya ito. Pwede itong kumain ng sopas pero may sinusunod pa rin na diet na siyang ibinigay ng doctor. Nang muli itong makatulog matapos niyang painumin ng gamot, saka pa lamang niya napagtanto ang ginawa niya.

            Bitbit ang tray na muli niyang nilingon si Nexus. Kunot ang noong umiling siya at mabilis na lumabas ng kwarto nito. Nasapo niya ang kanyang noon ang makarating siya sa kusina.

            Maliban sa mga bodyguard, wala na siyang iba pang nakitang tao sa loob ng mansyon. Hindi niya naman mauutusan ang mga naglalakihang mga lalaki na bantayan si Nexus. Mukha pa naman ang mga itong wrestler.

            Umupo siya sa gilid ng kama ni Nexus. Maghapon niya itong binantayan. Paminsan-minsan ay umiingit at muli niyang binabasa ang bimpo para punasan ito.

            Nang pangatlong beses nitong magising, nagpasama ito sa kanya sa banyo. Mabuti na lang at kaya ng gumalaw ng kamay nito para hugasan ang sarili.

Nagse-session din kasi ito ng therapy kay Rex. Kahit basic lang para ma-exercise ang muscle nito ay malaking tulong naman. Muli niya itong tinulungan pabalik sa kama pagkatapos nitong gumamit ng banyo. Kumuha siya ng alcohol at nilagyan ang kamay nito.

            Nagulat siya nang hulihin nito ang palapulsuhan niya bago ikinulong ang magkabila niyang kamay sa mainit at malaki nitong mga palad.

            “S-Salamat…sa pag-aalaga sa a-akin.”

            Dumampi ang mainit nitong labi sa kanyang kamay. Puno ng adorasyon ang mga mata nito nang tingalain siya.

            Sumikdo ang puso niya kaya naagaw niya ang kanyang kamay. “Mahiga ka na ulit para gumaling ka na.”

            Masunurin itong tumango at nagpatulak sa kanya pahiga. Umupo siyang muli sa tabi nito ngunit napatayo rin ulit nang makita niyang tila hindi ito komportable habang nakatingin sa mga paa.  

            Huminga siya ng malalim at pumwesto sa paanan nito. Ang sabi kasi ni Rex ay normal lang daw na namamanhid iyo o kaya nagbibigay ng hindi komportableng pakiramdam.

Kinuha niya ang magkabilang paa nito at ipinatong sa mga hita niya bago sinimulan masahehin iyon.

             

NAPATDA si Amara Stephanie sa kinatatayuan nang sumulpot sa harap niya si Nexus at inabot sa kanya ang isang tangkay ng kulay pulang rose na walang tinik.

            Namumula ang tainga nito pati na rin ang leeg habang nakayuko at pasulyap-sulyap sa kanya.

            “S-Steph, f-flower for you.”

            Kinuha niya ang ibinigay nito bago siya napatingin kay Rex na nasa likod ng wheelchair nito.

            “Pinitas niya po ‘yan Ma’am sa garden.”

            “N-Nagustuhan mo ba?” mahina ang boses na tanong ni Nexus.

            Dumako ang tingin niya sa kamay nitong nakapatong sa ibabaw ng hita nito. Nang makita nitong nakatingin siya roon, mabilis nitong itinago ang mga iyon.

            “Bakit ka may mga sugat sa kamay?”

            “W-Wala.” Para itong batang sunod-sunod na umiling at takot na mapagalitan. Tiningnan niya si Rex na sinagot lang siya nito ng pag-iwas ng tingin.

            Umuklo siya para mapantayan si Nix at kinuha niya ang kamay nito. Ayaw pa sana nitong ibigay ngunit mas makulit siya.

            “Anong nangyari rito?” Maliliit na sugat na sariwa dahil may dugo pa. Parang nahiwa ng matalim na bagay. Napatingin siya sa rosas na hawak-hawak niya. “Nasugatan ka ba dahil dito?”

            Sa pangalawang pagkakataon, muli na naman nag-iwas ng tingin ang mag-amo. Huminga siya ng malalim at pumunta sa likuran ni Nexus.

“Ako ng bahala sa kanya, Rex. Gamutin ko lang ang sugat niya.”

            Nagningning ang mata ni Nexus sa sinabi niya.

            “Sige po, Ma’am. Punta lang ako sa living room. Darating po kasi ngayon si Sir Ramirez,” anito at umalis sa bungad ng hardin.

            Ang Sir Ramirez na tinutukoy nito ay ang therapist ni Nexus. Dalawang buwan na rin na halos lingo-linggo nagpapabalik-balik sa hacienda ang therapist para sa therapy session ni Nexus. Nagpasuyo siya sa dumaang katulong na ikuha siya ng first aid kit.

            Umupo siya sa sofa sa living room habang nasa harapan niya si Nexus. Nang dumating ang kasambahay ay ginamot niya ang maliliit na sugat ni Nexus.

            “N-Nagustuhan m-mo ba ang bulaklak?” tanong nito na nag-aalinlangan pa.

            Tumango siya ngunit hindi man lang ito sinulyapan. “Pupunta rito si Dr. Ramirez para sa therapy mo. Gusto kong makipag-cooperate ka sa kanya.”

            Nitong mga nakaraang linggo kasi ay kinakailangan pang pilitin si Nexus kapag magse-session. Ang sabi sa kanya ni Nanang Yeye, ayaw raw magsimula hangga’t wala siya. Nagkukulong siya sa guest room kapag nasa mansion si Dr. Ramirez dahil marami rin siyang office works na ginagawa. Mabuti na lang at magaling ang sekretarya niya at mapagkakatiwalaan.

            “M-Manonood ka?”

            “Oo.”

            Kumislap sa saya ang mga mata nito at gumuhit ang ngiti sa mga labi, maligaya sa sinabi niya.

            “T-Thank you. K-Kapag nakapaglakad na u-ulit ako, p-punta tayo sa t-tree house.”

            Natigilan siya sa paglalagay ng betadine sa sugat nito. “N-Naaalala mo ang tree house?”

            Mas kumislap ang mga mata ni Nexus at tumango.

“P-Palagi tayong pumupunta do’n d-diba?”

            “Ano pang naalala mo?” Nagsimulang bumangon ang kaba sa kanyang dibd ib dahil sa antisipasyon. Subalit, agad din iyong naglaho nang umiling si Nix habang nakalapat ang mga labi.

            “W-Wala na.”

            Nang dumating ang therapist nito, sa isang bakanteng kwarto na kasinglaki ng studio pumwesto sina Nexus at si Dr. Ramirez. Naupo siya sa tabi ni Rex habang pinapanood si Nexus na tinuturuan ng therapist kung paano ihakbang ang mga paa.

            Pansin niya ang pagiging ganado nito. Nagpapasikat yata sa kanya.

 Sa tuwing susulyapan siya ay ngingiti ito katulad kung paano siya nito ngitian noon. Sumandig siya sa sandalan ng upuan at tumaas ang sulok ng kanyang labi para suklian ang ngiti ni Nexus.

            Bandang hapon na nang matapos ang therapy session. Inalalayan ni Rex si Nexus para uminom ng tubig at magpalit ng damit. Habang siya naman ay hinatid ang therapist matapos nitong kumain.

            Sinabi sa kanya ni Dr. Ramirez na sa susunod na linggo ay kailangang sa Maynila na magte-therapy si Nix dahil mas kompleto roon ang mga kagamitan. Hindi siya pwedeng sumama dahil sa maiiwan na trabaho kaya ibinilin niya kay Dr. Ramirez ang kalagayan ni Nexus. Sigurado naman na hindi ito papabayaan ni Rex. 

            Bumalik siya sa loob ng mansion at tinungo ang kwarto ni Nexus. Naabutan niya ito na naka-upo sa kama habang si Rex naman ay palabas na nang kwarto habang dala-dala ang pinagbihisan ng dati niyang asawa. 

            Umupo siya sa tabi ni Nexus at hindi na siya nagulat nang ipinulupot nito ang mga kamay sa kanyang baywang at ipinatong ang baba nito sa kanyang balikat. Hinawakan niya ang likod ng ulo nito at ipinasuot ang kanyang kanyang mga daliri sa hanggang balikat nitong buhok na nakatali ng pa man-bun.

            “V-Very good ba a-ako kanina?” parang bata nitong tanong sa kanya.

            “Oo.”

Pilit niyang iwinaglit sa isipan ang mainit nitong hiningan na kumikiliti sa kanyang leeg.

            “G-Gusto ko ng premyo.”

            Mahina siyang nagpakawala ng tawa at iginalaw ang mga daliri sa pagitang ng mga buhok ni Nexus.

            “Aalis ako bukas. Kailangan kong pumuntsa opisina. Gusto mong sumama?”

            Sunod-sunod na tumango si Nexus kaya nilingon niya ito. Subalit hindi niya inasahan ang mabilis na pagdukwang nito sa kanya at walang sali-salitang inilapat nito ang mga labi sa kanya.

             

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Ailene Taduran Atutubo
love conquers all...️
goodnovel comment avatar
Lynne Vf
Beautiful story...can't wait to read what happened when they were still married.
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
yes totoo yan lalo kung nagmumula sa taong totoong nagmamahal
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 8

    Chapter 8 Nanlalaki ang kanyang mga mata at natuod sa kinauupuan. Ang malambot na labi ni Nexus ay tila kawad ng kuryente na naghatid sa kanya ng nakakapanginig na boltahe at pinaralisa ang buong sistema niya. Kung gaano kabilis lumapat ang labi ni Nexus sa mga labi niya, ganon din kabilis itong humiwalay. Namula ang tainga nito pati na rin ang leeg bago yumuko at isinubsob ang mukha sa kanyang leeg. Kung hindi pa humaplos ang kamay nito na nasa kanyang baywang ay hindi pa magigising ang diwa niya. Ilang beses siyang lumunok at iginalaw ang kamay para maingat na alisin ang ulo ni Nexus sa kanyang balikat. “Magpahinga ka na, gigisingin na lang kita kapag nakaluto na ang chief.” Naramdaman yata nito ang pag-iwas niya dahil pinisil nito ang kanyang baywang bago mabagal iyong binitawan. Nagpaubaya ito nang inalalayan niya itong pahiga sa kama. Nang masiguro niyang maayos na ito sa kinahihigaan ay sumandig siya sa headboard

    Last Updated : 2022-02-05
  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 9

    Chapter 9 Ipinarada ni Amara Stephanie ang kanyang sasakyan sa harap ng mansion ng hipag niya na nasa loob ng exclusive village ng Northshire town. Maraming kotse na nakasampa sa Bermuda grass pati na rin sa parking space. Dinig na dinig niya ang pambatang tugtog at sigawan ng mga bata na nagmumula sa hardin ng mansion. Kinuha niya ang malaking paper bag bago siya bumaba sa kanyang kotse. Sinalubong siya ng isang kasambahay ng mga Rocc at iginiya siya sa garden ng mansion. Bibong-bibo na tumakbo papunta sa kanya ang birthdays celebrant na si Sevi. “Tita!” maligalig nitong wika at agad na kumunyapit sa kanyang hita bago siya tiningala at kumurap-kurap ang bata. “Happy birthday,” she greeted and kissed her nephew’s forehead. Hinawakan ni Sevi ang dala niyang paper bag at ngumisi sa kanya. “Is this for me?” Tumango siya at tuluyang inabot dito ang regalo. Tuwang-tuwa ito at gusto na sanang buksan kung hindi lan

    Last Updated : 2022-02-05
  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 10

    Chapter 10 Ang sabi sa kanya ni Alejandro, bigla na lang daw naglahong parang bula si Angel Love nang maaksidente si Nexus. Nakabalandra sa lahat ng TV station, mga dyaryo at social media ang engagement ni Nexus at Angel Love, isang buwan matapos ang opisyal na hiwalayan nila ni Nexus. Si Angel Love ang gusto ni Leticia para sa anak nito. Halatang-halata ang pagkakagusto ni Angel Love kay Nexus at dikit ng dikit na parang linta kahit noong kasal pa sila. Lumipat ang tingin niya sa lalaking katabi nito. The man on his late fifties. Kung hindi siya nagkakamali ay senador iyon ng bansa. Mistulang nakakita ng multo ang babae nang naglakad siya papunta sa direksyon nito. Nilagpasan niya si Angel Love at lumapit sa kapatid niyang kausap ang isang ginang. Nagpa-excuse si Neshara at niyakap siya nang magpaalam na uuwi na. “Nakita ko ang hilaw na fiancée ni Nexus. Gusto mo palayasin ko?” bulong nito sa kanya habang matalim ang tingin kay Angel Love. “H

    Last Updated : 2022-02-05
  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 11 (Part 1)

    Chapter 11 (Part 1) Kaswal siyang sumilip sa loob ng pantry nang marinig niya ang pamilyar na halakhak ni Nix. Nakangiti ang mukha ng lalaki habang pinagpupulot nito ang grapes na nagsigulong sa sahig. Ipinunas nito ang isang piraso sa damit bago iyon ni-shoot sa bibig nito bago muling nakipagtawanan sa empleyado niya. Malayong-malayo ito sa dating Nexus na palaging walang emosyon kapag kaharap ang ibang tao. This Nexus is down to earth, laughing and getting along with others that fast. Mas masaya at maliwanag ang mukha nito sa pagkakataong iyon. Inaya siya ng mga ito na kumain nang mapansin niya. Tinanggihan niya dahil may sarili siyang pagkain sa opisina. Muli niyang binigyan ng isang beses pang sulyap si Nexus na nakatingin na rin sa kanya, bago walang lingon-likod na umalis. Pagod na ibinagsak niya ang kanyang sarili sa malambot na sofa. Dalawang branch ng kasama Casa Amara ang binisita niya. Itinatayo pa

    Last Updated : 2022-02-14
  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 11 (Part 2)

    Chapter 11 (Part 2) Kasalanan niya rin naman. Hindi lang kasalanan ni Nexus kung bakit nawala ang baby niya. Siya ang ina ng bata, siya dapat ang unang nakaalam na buntis siya. “I don’t remember anything but I feel like I need to say sorry.” “Hindi maibabalik ng sorry mo ang baby ko. I hate you. I hate you so much!” Pilit niya pa rin itong tinatayo mula sa pagkakaluhod. Inalis niya ang pagkakayakap ng mga braso nito sa kanyang baywang. Tumapak siya sa malamig na sahig at mas hinila pa ang braso ni Nexus para itayo ito. Ngunit sadyang matigas ang ulo nito dahil hindi man lang natinag sa kinalalagyan at mas lalo pang yumuko. “Get up, Nexus,” halos pabulong niyang sabi. “Mas lalo mo lang akong sinasaktan sa ginagawa mo.” Bumukas ang pinto at pumasok sina Rex at Alejandro. Natigilan pa ang mga ito sa nakita at nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Nix. Umiling siya at bumal

    Last Updated : 2022-02-15
  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 12

    Chapter 12 Kapwa sila natigilan ni Nexus nang malakas na tumikhim si Alejandro. Mabilis na nagbawi ng tingin ang dating asawa. Binalewala niya ang dumaang sakit sa mata nito. Pormal siyang humarap kay Alejdandro na malinaw na nalilito na rin kung susuwayin ba siya sa mga pinagsasabi niya kay Nexus o hahayaan siya dahil iyon ang totoo? “Marami pa akong naiwang trabaho sa opisina. Can you tell me now, what do you want?” “We need your help.” Kinuha niya ang kanyang bag at tumayo. “Nagsasayang lang ako ng oras ko rito.” Akmang hahakbang siya paalis nang hagipin ni Nexus ang kanyang palapulsuhan at hinila pabalik sa pagkakaupo. Mistula itong napaso na napabitaw sa kanya nang dumapo ang kanyang tingin sa kamay nitong nakahawak sa kanya. “This is not a waste of time, Tep. It is a death and life situation,” panimula ni Alejandro sa pormal na tinig. “Alam mo kung ano ang ginagawa ni Leticia.

    Last Updated : 2022-02-22
  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 13 (Part 1)

    Chapter 13 (Part 1) ********************** Sigurado si Amara Stephanie na hindi pag-aari ng makulit na ex-boyfriend ng ate niya na si Sebastian, ang kotse na nakaparada sa harap ng bahay nila. At mas lalong hindi iyon sa kapit-bahay nila dahil may edad na ang babae. Nakasalubong niya ang pupungas-pungas na si Sevi pagkalabas niya ng kanyang kwarto. Itinaas nito ang magkabilang kamay nang makita siya. “Tita, up!” Umuklo siya at binuhat ang bata. Hinalikan niya ito sa pisngi nang malambing na humilig ito sa dibd ib niya. “Nasaan ang mommy mo?” tanong niya habang pababa sila sa may anim na baitang na hagdan. “Don’t know po. Nandyan po ba sa labas si Daddy?” “Hindi ko alam. Hindi naman sa kanya ang kotse sa laba—” Hindi na niya naituloy ang sinasabi nang makita kung sino ang taong prenteng naka-upo sa sala. “Steph,” tawag ni Nexus Almeradez at nginitian siya. “Tita, cl

    Last Updated : 2022-02-22
  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 13 (Part 2)

    Chapter 13 (Part 2) “T-Tama na!” pilit ang boses ni Nexus. “H-Huwag mong pagsasalitaan ng masa…ma si Stephanie. U-Umalis kayo dito.” “Ano? Siya ang paalisin mo. Hindi mo ba ako narinig? Hindi na kayo mag-asawa. Sinasamantala niya ang kalagayan mo para kumuha ulit ng pera sa ‘yo.” “Shut up, Leticia. Ikaw ang lumapit sa akin para bumalik sa buhay ni Nexus. Huwag mong ipasa sa akin ang kagagahan mo.” “U-Umalis na kayo r-rito.” “Nexus, I am your mother!” Sarkastiko siyang natawa at itinuro ang pinto. “You heard him. Get out of my house!” “Wala kang karapatan!” duro sa kanya ng babae. “Ang hina talaga ng comprehension mo. Ako na ang nagmamay-ari ng Hacienda! Lumayas kayo sa pamamahay ko o ipapakaladkad ko kayo sa mga gwardiya? You are claiming yourself as his mother pero hindi mo man lang siya inasikaso kahit no’ng nasa hospital pa siya.” Nanlilisik ang mga matang humakbang palapit sa k

    Last Updated : 2022-02-24

Latest chapter

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Special Chapter 3:

    Special Chapter 3: (A sneak peek for Calix Almeradez’s Story of 2nd Generation) Tila tambutso ang bibig ni Asher nang binuga niya ang usok ng sigarilyong hinihithit. Pamasid-masid siya sa paligid habang paminsan-minsang tumututok ang kanyang mga mata sa malaking bahay na nasa harapan niya. Mansyon ng mga Almeradez! Ang pamilyang nag-abandona sa kanya. “Sher, di ka pa sisibat? Hinahanap ka na ni Bossing.” Sulpot ng kapatid niyang si Astrid mula sa madilim na talahiban. Isang hithit pa ng sigarilyo bago niya iyon tinapon at inapakan. “Anong ginagawa mo rito?” puno ng kaangasan ang kanyang boses. “Hinahanap ka na ni Supremo.” Bumaling ang tingin nito sa malaking bahay. “Di ba ‘yan yong bahay na nasa picture? Yong pinakita sa ‘yo no’ng isang linggo ni Supremo. Bakit mo tinitingnan? Nanakawan mo ba? Sama mo ako.” Pikon na kinutusan niya ang babae. “Hindi ako kasali sa mga batang hamog n

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Special Chapter 2

    Special Chapter 2: Mommy Nanny (A sneak peek for Vioxx Almeradez’s Story of 2nd Generation) Umawang ang labi ni Danica Shane nang bumuhos ang kulay pulang likido sa kanyang ulo nang buksan niya ang pinto. Nakangiwing inamoy niya ang pintura ng kung sino man na wala sa sariling naglagay niyon doon. Matalas ang mga matang hinanap niya ang salarin. Nasa likod ng magarang hagdan ang batang lalaking humagikhik sa kapilyuhan. Mapagpasensyang inalis niya ang pintura sa kanyang mga mata, pilit na pinapa-alaala sa sarili na wala siya sa bahay nila at bawal niyang paluin ang bata na magiging trabaho niya sa unang araw niya sa Almeradez residence. “Shaun!” dumagundong sa apat na sulok ng living room ang strikto at baritonong boses na iyon. Natigil ang batang maliit sa paghagikhik. Napatingin siya sa lalaking humakbang pababa sa magarang hagdan ng mansion. Sinalo ng kulay asul nitong mga mata ang kanyang titi

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Special Chapter 1

    Special Chapter 1: Married Again “Nanang Yeye, nasaan po si Nix?” tanong niya nang madaanan ang matanda na nagdidilig ng halaman sa hardin. “Inilabas kanina si Vioxx. Baka nasa taniman na naman.” “Sige po, puntahan ko na lang. Kumain na ba si Vioxx?” “Hindi pa nga eh. Sumama agad kay Nexus. Tinangka kong kunin, ayaw naman sumama. Kaka-isang taon pa lang, makulit na. Mana sa ama.” Binumntutan nito iyon ng tawa. Natawa na rin siya at naglakad patungo sa harap ng mansion para doon dumaan patungon taniman. She halts on her step when she saw Nix laughing wholeheartedly with their son. Nakakapaglakad na si Vioxx kaya lang ay parang palaging matutumba. Ang kulit pa naman at palaging pabibo. Naiiyak nga siya minsan dahil naalala niya si Calix. Ayos naman na siya. Malaki ang naitulong ng sabay nilang pagpapa-theraphy ni Nix para malagpasan nila iyon. Nakangiting nilapitan niy

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Epilogue

    Epilogue Mula sa pagkakatingin niya kay Amara Stephanie na nilalao-laro si Vioxx, nilingon niya si Alejandro nang pumasok ito sa hardin ng hacienda. “Ipinapabigay ng city jail. It’s your mom’s belonging.” Inabot nito sa kanya ang may katamtamang laking kulay itim na box. Nag-aatubili pa siyang abutin iyon kaya inilapag iyon ni Alejandro sa harapan niya bago umupo ng sa tabi niya. His mom is dead. Halos kalahating taon na rin ang nakalilipas simula nang mangyari ang trahedyang iyon. Stephanie and their twins got kidnapped. Namatay ang isa nilang anak dahil naiwan ito sa loob ng sasakyan na sumabog. Muntikan ng mabaliw si Amara Stephanie. Nang makuha ni Hordan at ng mga tauhan ni Sato ang kanyang mag-iina, mas lalong nagpumilit si Leticia na maka-usap siya. Kaya pala matagal na siya nitong gustong kausapin ay dahil may alam ito sa plano ni Hordan at ng sindikatong iyon. Pinalabas ni H

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 64 (Part 3)

    Chapter 64 (Part 3) Naghalu-halo ang galit sa sarili, selos at disappointment nang makita niya ang larawan na iyon ni Amara Stephanie na may katabing ibang lalaki sa ibabaw ng kama. Kagagaling niya pa lang sa Singapore dahil sunod-sunod ang naging aberya sa iba pang kompanya na nasa ilalim ng Almeradez Empire. Miss na miss na niya si Stephanie na kahit anong pigil niya sa sarili ay hindi niya pa rin napigilang umuwi sa hacienda para makita ito. He wants to cuddle with her and make up with her. Nang mga sandaling iyon ay gusto niyang maging selfish at muling maging masaya sa piling ng asawa na hindi niya inaalala ang mga posibilidad na mangyari sa hinaharap. He wants to bring her into her own Villa in Atulayan Island. Mag-oovernight sila roon at mag-uusap tungkol sa kung anu-anong bagay katulad ng dati. But all of his plans were ruined when his mother showed him a picture of his wife, n-aked on the bed with another man.

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 64 (Part 2)

    Chapter 64 (Part 2) Isa sa mga anak ng tauhan ng hacienda ay kilala ang babaeng umagaw ng atensyon niya. The name of the girl is Amara Stephanie Mijares. Estudaynte ng San Ramon National High School. Nasa kabilang bayan ang paaralang iyon, isang sakay lang ng bus. Sumasama siya tuwing pupunta ang Lolo niya o kaya ang mga trabahador ng hacienda sa Tigaon. Inaabangan niya si Stephanie sa Hepa Lane na siyang palaging pinupuntahan nito at ng mga kaibigan tuwing hapon pagkatapos ng klase. Her laugh and wittiness amused him big time. One time, his grandfather serves as a guest speaker at SRNH. Awtomatikong hinanap ng kanyang mga mata si Amara Stephanie. Nalaman niya na vice president pala ito ng student council at halos lahat ng mga nag-aaral doon ay kilala ito. Sa kauna-unahang pagkakataon ay sinalubong nito ang tingin niya. Titig na titig siya rito nang makasalubong niya ito sa hallway ng paaralan. Kaswal l

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 64 (Part 1)

    Chapter 64 (Chapter 1) HACIENDA CONSTANCIA- 12 YEARS AGO Bumaba si Nexus nang makarating ang truck ng Hacienda Constancia sa sentrong palengke ng Goa kung saan ay isa sa mga bagsakan nila ng mga inaning gulay at prutas sa hacienda. His grandfather, Leopold Almeradez own the widest Hacienda in the province. Nage-export ang hacienda ng mga gulay at prutas sa iba’t ibang bahagi ng Asya. Gayunpaman, sinisiguro pa rin ng kanyang lolo na may nakareserbang supply ang bayan ng Goa. Hindi pwedeng magkulang ng supply ang bayang kinalakihan nito at kung saan minahal nito ang asawa. Leopold Almeradez is not Alexander’s biological father. Malayong pinsan ng una ang tunay na ama ni Alexander. Nang mamatay iyon ay nagkaibigan si Leopold at Constancia. His grandparents’ love story is indeed like a fairytale. Simula nang mainirahan siya sa Hacienda Constancia, madalas niyang naririnig si Leopold na kinakausap ang larawan ng kanyang lola, sinasabi kung

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 63

    Chapter 63 Inapakan niya ang silinyador para lumaban ng abante ang sasakyan nila. Subalit, masyadong matigas ang kung sino mang driver ng kulay puting kotse. Ginigitgit sila hanggang sa dulo ng kalsada. Sabay silang napasigaw ulit ni Maria nang magsimulang mahulog ang likuran ng kotse sa pababang bahagi ng bangin. “Sh-t!” nanginginig ang mga labing mura niya at muling tinapakan ang silinyador ng kotse. Naghalo sa loob ng sasakyan ang nahihintakutang sigaw nila ni Maria at ang palahaw na iyak ng kambal. Sa kanyang pagkagulat, umatras ang puting kotse. Kukunin na sana niya iyong pagkakataon para umabante nang bigla na lang sumibad papunta sa kanila. Bago pa man niya makabig ang kotse paiwas, mistula na silang nilindol sa loob ng sasakyan dahil sa lakas ng impact niyon. Walang kapreno-preno at tuloy-tuloy silang binangg, itinutulak sila pababang bahagi ng bundok. “Tumigil ka. Tumigil ka na!”

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 62

    Chapter 62 “Tulungan mo ako, please. Nagmamakaawa ako sa ‘yo. Patakasin mo kami ng mga anak ko.” mahina ang boses na pagmamakaawa niya sa babae. Alam niyang hindi ito talagang kasapi ng sindikato. Mukhang napilitan lang ito na manatili sa lugar na iyon. “ “Ano ‘yan?” sita sa kanila ng isang gwardiya na may hawak-hawak na mataas na de-kalibreng baril, hindi magdadalawang saktan siya kung may iniisip man siyang kalokohan. “Ano ba?!” biglang singhal ng babae sa kanya. Tinabig nito ang kanyang kamay. “Wala akong planong makipagsabwatan sa ‘yo. Sumunod ka na lang kung ayaw mong masaktan at ang mga anak mo.” Malakas siya nitong itinulak na ikinatumba niya sa sahig. Naghiyawan ang limang kalalakihan na siyang gwardiya roon nang kubabawan siya nito kaya napahiga siya. Dinakma nito ang buhok niya kaya hinablot niya rin ang buhok nito. Nagtitili ang babae. Bumitaw ang isa nitong kamay sa buhok niya bago niya naramdaman iyon sa suo

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status