Share

Chapter 9

Author: pariahrei
last update Huling Na-update: 2022-02-05 14:09:10

Chapter 9

            Ipinarada ni Amara Stephanie ang kanyang sasakyan sa harap ng mansion ng hipag niya na nasa loob ng exclusive village ng Northshire town. Maraming kotse na nakasampa sa Bermuda grass pati na rin sa parking space. Dinig na dinig niya ang pambatang tugtog at sigawan ng mga bata na nagmumula sa hardin ng mansion.

            Kinuha niya ang malaking paper bag bago siya bumaba sa kanyang kotse. Sinalubong siya ng isang kasambahay ng mga Rocc at iginiya siya sa garden ng mansion. Bibong-bibo na tumakbo papunta sa kanya ang birthdays celebrant na si Sevi.

            “Tita!” maligalig nitong wika at agad na kumunyapit sa kanyang hita bago siya tiningala at kumurap-kurap ang bata.

            “Happy birthday,” she greeted and kissed her nephew’s forehead. 

            Hinawakan ni Sevi ang dala niyang paper bag at ngumisi sa kanya. “Is this for me?”

            Tumango siya at tuluyang inabot dito ang regalo. Tuwang-tuwa ito at gusto na sanang buksan kung hindi lang pinigilan ng ate niya.

            “Sevi, mamaya ka pa mag-oopen ng gift. Ilagay mo na iyan doon sa may table para sabay-sabay.”

            Tutol man, sumunod na lang ang bata nang panlalakihan ito ng mata ni Neshara. Humalik pa sa pisngi niya si Sevi bago ito tumakbo patungo sa mesa kung saan nakalagay ang mga regalong natanggap nito.

            Inaya siya ng kapatid sa mesa. Hindi pa nagsisimula ang children’s party dahil hindi pa dumarating ang cake na inorder ni Sebastian.

            Nakuha pang bumungisngis ni Neshara nang sabihin sa kanya na inis na nagsumbong ang ama nila dahil nakita raw siya nito na kasama si Nexus.

            Overacting talaga ang papa niya.

            “Sabi ko, baka chance mo na na ayusin ang love-life mo.”

            Marahas siyang napalingon sa kapatid. “Hindi ko kailangan ‘yan.”

            Tumawa ito at isinukbit ang isang kamay sa braso niya.

 “Bakit hindi mo subukan, Baby Sis. Kasi naniniwala ako na palaging may second chance. Kasi di ba kami ni Sebastian nagkahiwalay naman kami tapos nagkaroon ng second chance. Tingnan mo masaya na kami ngayon.”

            “Hindi tayo pareho,” iling niya. “He has a valid reason at marunong tumupad ng pangako si Sebastian.”

            Noong college kasi ang ate niya, nabuntis ito ng ka-schoolmate nito na si Sebastian Rocc. Ang nag-iisang anak ng mayamang nagmamay-ari ng isa sa mga pinakasikat na pharmaceutical company sa bansa. Ang alam niya, dakilang gago no’n si Sebastian na napatino ng ate niya.

            Iyon nga lang, gago pa rin dahil iniwan ang ate niya nang walang sinabing dahilan. Makalipas ang ilang taon, bumalik ang lalaki at nagpaliwanag.

            “Bakit si Nix, hindi?”

            “Hindi. Hindi iyon marunong tumupad ng pangako.”

            “Kahit minsan?” kulit pa rin nito na hindi na niya sinagot.

            Lihim siyang nakahinga nang maluwag nang lumapit sa kanila si Sebastian para sabihin sa ate niya na dumating na ang cake na inorder nito.

            Kinuha niya ang cellphone sa loob ng kanyang bag upang tingnan kung may text ba sa kanya si Nexus o kahit si Ali o kaya si Rex. Subalit, katulad nang nagdaang dalawang buwan, wala man lang siyang natanggap kahit isang tuldok mula sa mga ito.

            Dalawang buwan na rin ang nakalilipas simula nang umalis si Nexus sa hacienda para pumunta sa Maynila para sa therapy nito. Unang buwan ay walang palya ang pagtawag ni Nexus. Nag-uusap sila sa pamamgitan ng video call kahit nagtatrabaho siya o kaya hanggang sa pagtulog niya.

            Ngunit nang sumunod, ay hindi na. Patext-text na lang ito hanggang sa wala na talaga.

            Katulad nang ilang beses, nagtipa siya ng mensahe ngunit mabilis niya rin lang binubura. Inuunahan siya ng pride niya.

            Pinatay niya ang kanyang cellphone at ibinalik sa loob ng dala niyang shoulder bag. Napatingin siya sa dalawang lalaking nagpapasok ng cake na may tatlong layer. Kasunod ng mga iyon ang mag-asawang Rocc kausap ang isa pang lalaki na pamilyar sa kanya.

            Napatayo siya nang maalala kung saan niya nakita ang lalaking iyon. Iyon ang waiter sa bar na pinuntahan niya dati. Iyon ang waiter na nagbigay ng inumin sa kanya na nag-uwi sa kanya sa kapahamakan.

            Malalaki ang hakbang na nilapitan niya ito. Gulat pa ang ate niya nang humarang siya sa daan ng mga ito.

            “Steph, magsisimula na ang party. Saan ka pupunta?”

            Mas dumiin ang titig niya sa lalaki na nanlalaki rin ang mga mata. Mas lalo niyang nakumpirma na may alam nga ito.

            “Kakausapin ko lang ‘to,” wika niya at pasimpleng dinaklot ang kwelyo ng lalaki.

 Hindi na nakapalag pa si Sebastian at Neshara nang malakas niyang kinaladkad palabas ng garden ang lalaki.

            Nang masiguro niyang hindi na sila tanaw ng mga bisita sa garden, malakas niyang itinulak sa pader ang lalaki at idiniin ang kanyang siko sa lalamunan nito.

            “Remember me?” marahas na tanong niya.

Mas nanlalaki ang mga mata nito nang idiniin niya ang kanyang tuhod sa p*gkalalaki nito. Pipisain niya ang itlog kapag nagkamali ng sagot sa kanya.

            “H-Hindi ko alam ang sinasabi mo.”

            Mas diniinan niya ang pagkakalapat ng siko niya sa lalamunan nito. “Alam mo bang dahil sa ibinigay mo sa akin na inumin, nasira ang buhay ko. Sabihin mo sa akin kung sino ang nag-utos sa ‘yo na ibigay sa akin ang inumin na ‘yon?”

            “W-Wala.” Nahihirapan na itong huminga at halos magkulay violet na ang labi.

            “Maling sagot,” gigil niyang wika at umigkas ang kanyang kamao pasikmura na ikinaingit ng lalaki.

            “Tita!” tawag ni Sevi na tumatakbo.

            Nilingon niya ang bata kaya nakakuha ng pagkakataon ang lalaki na alisin ang ang kanyang kamay sa pagkakasakal niya. Naitulak siya nito kaya mas lalo siyang napikon.

            “Don’t push my Tita!”

            Dinaklot niya ang kamay ng lalaki at pinilipit iyon bago palihim ngunit malakas na sinikmurahan ulit. 

            “Sevi, go back to your mom. Susunod ako.”

            “Are you in trouble. Tatawagin ko si Daddy.” Kumaripas ng takbo paalis ang pamangkin. 

            “Sumagot ka ng maayos. Sino ang nag-utos sa ‘yo na ibigay sa akin ang inumin na may droga two years ago?”

            Nakita niya si Sebastian na papalapit kaya binitawan niya na ang lalaki. Kandaubo itong sumalampak sa sahig.

            “Hindi pa tayo tapos,” mariin niyang banta bago siya naglakad pasalubong sa mag-asawa.

            “May problema ba, Tep?”

            Umiling siya kay Sebastian at hinila ito pabalik sa garden.

            Awtomatikong hinanap ng kanyang mga mata ang kapatid. Nakita niya itong kasama ang mga magulang ni Sebastian. Nakangiti ang mga ito habang pinagmamasdan si Sevi na kumikislap ang mga mata sa tuwa habang nakatingin sa cake nito.

            Huminga siya ng malalim at piniling huwag sirain ang magandang mood ng ate niya. Makapaghihintay naman ang impormasyon na kailangan niya.

            Hindi na niya muling nakita ang dating waiter hanggang sa matapos ang children’s party. Mas mabuti na iyon dahil mas maalala niya lang kung paano nagsimulang gumuho ang buhay niya. Party ng mga negosyante ang sumunod. Siya ang nag-akyat sa tulog na tulog na si Sevi sa kwarto nito dahil busy ang kapatid niya at si Sebastian sa pag-estima ng mga bigating bisita.

            Inalisan niya ng sapatos si Sevi at hinaplos ang buhok na nakatabing sa noo nito. Lumamlam ang kanyang mga mata habang nakatingin sa pamangkin. Siguradong magka-close sana si Sevi at ang anak niya kung hindi lang namatay.

            Nang masiguro niyang maayos ang bata sa kinahihigaan nito, bumalik na siya sa garden para magpaalam sa kapatid na uuwi na. Maraming mga negosyante sa hardin, mga mukhang bigatin at kagalang-galang. Subalit, isa lang ang umagaw ng atensyon niya.

            The woman on her red dress is smiling at the man beside her. Nakaangkla pa ang braso ng babae sa lalaking iyon at parang linta sa pagkakadikit ng katawan.

            Nang nahagip siya ng tingin ng babae, tumaas ang sulok ng labi niya para sa isang patuyang ngisi.

            The woman is Angel Love Sedeno, Nexus’ fiancée.

Mga Comments (19)
goodnovel comment avatar
Mary Ann L. Nazareno
ang mahal nman,wla bng libre n mabasa
goodnovel comment avatar
Sarah Basinillo
sana free reading
goodnovel comment avatar
Analiza Tigre
Sana lebre lang para mabasa ko Ang kabuohang estorya.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 10

    Chapter 10 Ang sabi sa kanya ni Alejandro, bigla na lang daw naglahong parang bula si Angel Love nang maaksidente si Nexus. Nakabalandra sa lahat ng TV station, mga dyaryo at social media ang engagement ni Nexus at Angel Love, isang buwan matapos ang opisyal na hiwalayan nila ni Nexus. Si Angel Love ang gusto ni Leticia para sa anak nito. Halatang-halata ang pagkakagusto ni Angel Love kay Nexus at dikit ng dikit na parang linta kahit noong kasal pa sila. Lumipat ang tingin niya sa lalaking katabi nito. The man on his late fifties. Kung hindi siya nagkakamali ay senador iyon ng bansa. Mistulang nakakita ng multo ang babae nang naglakad siya papunta sa direksyon nito. Nilagpasan niya si Angel Love at lumapit sa kapatid niyang kausap ang isang ginang. Nagpa-excuse si Neshara at niyakap siya nang magpaalam na uuwi na. “Nakita ko ang hilaw na fiancée ni Nexus. Gusto mo palayasin ko?” bulong nito sa kanya habang matalim ang tingin kay Angel Love. “H

    Huling Na-update : 2022-02-05
  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 11 (Part 1)

    Chapter 11 (Part 1) Kaswal siyang sumilip sa loob ng pantry nang marinig niya ang pamilyar na halakhak ni Nix. Nakangiti ang mukha ng lalaki habang pinagpupulot nito ang grapes na nagsigulong sa sahig. Ipinunas nito ang isang piraso sa damit bago iyon ni-shoot sa bibig nito bago muling nakipagtawanan sa empleyado niya. Malayong-malayo ito sa dating Nexus na palaging walang emosyon kapag kaharap ang ibang tao. This Nexus is down to earth, laughing and getting along with others that fast. Mas masaya at maliwanag ang mukha nito sa pagkakataong iyon. Inaya siya ng mga ito na kumain nang mapansin niya. Tinanggihan niya dahil may sarili siyang pagkain sa opisina. Muli niyang binigyan ng isang beses pang sulyap si Nexus na nakatingin na rin sa kanya, bago walang lingon-likod na umalis. Pagod na ibinagsak niya ang kanyang sarili sa malambot na sofa. Dalawang branch ng kasama Casa Amara ang binisita niya. Itinatayo pa

    Huling Na-update : 2022-02-14
  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 11 (Part 2)

    Chapter 11 (Part 2) Kasalanan niya rin naman. Hindi lang kasalanan ni Nexus kung bakit nawala ang baby niya. Siya ang ina ng bata, siya dapat ang unang nakaalam na buntis siya. “I don’t remember anything but I feel like I need to say sorry.” “Hindi maibabalik ng sorry mo ang baby ko. I hate you. I hate you so much!” Pilit niya pa rin itong tinatayo mula sa pagkakaluhod. Inalis niya ang pagkakayakap ng mga braso nito sa kanyang baywang. Tumapak siya sa malamig na sahig at mas hinila pa ang braso ni Nexus para itayo ito. Ngunit sadyang matigas ang ulo nito dahil hindi man lang natinag sa kinalalagyan at mas lalo pang yumuko. “Get up, Nexus,” halos pabulong niyang sabi. “Mas lalo mo lang akong sinasaktan sa ginagawa mo.” Bumukas ang pinto at pumasok sina Rex at Alejandro. Natigilan pa ang mga ito sa nakita at nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Nix. Umiling siya at bumal

    Huling Na-update : 2022-02-15
  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 12

    Chapter 12 Kapwa sila natigilan ni Nexus nang malakas na tumikhim si Alejandro. Mabilis na nagbawi ng tingin ang dating asawa. Binalewala niya ang dumaang sakit sa mata nito. Pormal siyang humarap kay Alejdandro na malinaw na nalilito na rin kung susuwayin ba siya sa mga pinagsasabi niya kay Nexus o hahayaan siya dahil iyon ang totoo? “Marami pa akong naiwang trabaho sa opisina. Can you tell me now, what do you want?” “We need your help.” Kinuha niya ang kanyang bag at tumayo. “Nagsasayang lang ako ng oras ko rito.” Akmang hahakbang siya paalis nang hagipin ni Nexus ang kanyang palapulsuhan at hinila pabalik sa pagkakaupo. Mistula itong napaso na napabitaw sa kanya nang dumapo ang kanyang tingin sa kamay nitong nakahawak sa kanya. “This is not a waste of time, Tep. It is a death and life situation,” panimula ni Alejandro sa pormal na tinig. “Alam mo kung ano ang ginagawa ni Leticia.

    Huling Na-update : 2022-02-22
  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 13 (Part 1)

    Chapter 13 (Part 1) ********************** Sigurado si Amara Stephanie na hindi pag-aari ng makulit na ex-boyfriend ng ate niya na si Sebastian, ang kotse na nakaparada sa harap ng bahay nila. At mas lalong hindi iyon sa kapit-bahay nila dahil may edad na ang babae. Nakasalubong niya ang pupungas-pungas na si Sevi pagkalabas niya ng kanyang kwarto. Itinaas nito ang magkabilang kamay nang makita siya. “Tita, up!” Umuklo siya at binuhat ang bata. Hinalikan niya ito sa pisngi nang malambing na humilig ito sa dibd ib niya. “Nasaan ang mommy mo?” tanong niya habang pababa sila sa may anim na baitang na hagdan. “Don’t know po. Nandyan po ba sa labas si Daddy?” “Hindi ko alam. Hindi naman sa kanya ang kotse sa laba—” Hindi na niya naituloy ang sinasabi nang makita kung sino ang taong prenteng naka-upo sa sala. “Steph,” tawag ni Nexus Almeradez at nginitian siya. “Tita, cl

    Huling Na-update : 2022-02-22
  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 13 (Part 2)

    Chapter 13 (Part 2) “T-Tama na!” pilit ang boses ni Nexus. “H-Huwag mong pagsasalitaan ng masa…ma si Stephanie. U-Umalis kayo dito.” “Ano? Siya ang paalisin mo. Hindi mo ba ako narinig? Hindi na kayo mag-asawa. Sinasamantala niya ang kalagayan mo para kumuha ulit ng pera sa ‘yo.” “Shut up, Leticia. Ikaw ang lumapit sa akin para bumalik sa buhay ni Nexus. Huwag mong ipasa sa akin ang kagagahan mo.” “U-Umalis na kayo r-rito.” “Nexus, I am your mother!” Sarkastiko siyang natawa at itinuro ang pinto. “You heard him. Get out of my house!” “Wala kang karapatan!” duro sa kanya ng babae. “Ang hina talaga ng comprehension mo. Ako na ang nagmamay-ari ng Hacienda! Lumayas kayo sa pamamahay ko o ipapakaladkad ko kayo sa mga gwardiya? You are claiming yourself as his mother pero hindi mo man lang siya inasikaso kahit no’ng nasa hospital pa siya.” Nanlilisik ang mga matang humakbang palapit sa k

    Huling Na-update : 2022-02-24
  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 14

    Chapter 14 “Mara, nandito ka,” masayang kaway sa kanya ng ni Ka Berting na siyang namamahala sa pinyahan ng Hacienda. Tauhan na ito roon bago pa man sila ikasal ni Nexus kaya kilala niya na ang matanda. “Ikaw ba ang mag-aani ng pinya o gusto mo ako na lang?” “Ako na lang po.” “Marunong ka?” Pinigilan ni Nexus ang kanyang kamay nang akmang kukunin niya ang gloves. “Marunong ‘yan si Ma’am Mara, Sir. Noon nga po sumasama ‘yan sa pag-ani ng pinya. Ang swerte niyo Sir sa asawa niyo. Maganda na, mabait pa.” Yumuko siya at nagpanggap na busy sa pagsuot ng gloves upang huwag mahalata ng dalawang kaharap ang pamumula ng kanyang mga pisngi dahil lang sa sinabi ni Ka Berting. Hindi man lang niya ito sinulyapan nang yumuko rin ito katulad ng ginawa niya upang kumuha rin ng pinya. Nix knows a lot of works in Hacienda. He was sent by his father in Hacienda Constancia as his punishment. Ang kwento nito sa kany

    Huling Na-update : 2022-02-24
  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 15

    Chapter 15 “Hindi ko man lang alam na nasa sinapupunan ko pala siya.” Ipinagawa ni Nexus ang tree house para sa kanya. Sabi nito iyon daw ang bahay nila kapag ayaw niyang matulog sa mansion. It was big enough to accommodate three to five people. May malaking kama, mga unan at cabinet na pwedeng lagyan ng pagkain at inumin. Doon siya nito dinala nang bahagya siyang kumalma sa pag-iyak sa loob ng kubong-pahingahan ng mga trabahador. Malapit ang tree house sa ilog na siyang nagdudugtong patungo sa talon na nasa pinakadulong bahagi ng hacienda. “W-Wala kasi akong alam. Hindi ko pinansin ang mga senyales na buntis ako. I was stress because I couldn’t reach you. Ang nasa isip ko lang no’n ay kailangan kitang makausap. Iniwan mo ako sa hacienda nang hindi man lang nagpapaliwanag.” “You can stop talking, Steph. Kung hindi mo kayang ikwento, huwag mong pilitin ang sarili mo.” Umiling siya at marahas na pi

    Huling Na-update : 2022-02-25

Pinakabagong kabanata

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Special Chapter 3:

    Special Chapter 3: (A sneak peek for Calix Almeradez’s Story of 2nd Generation) Tila tambutso ang bibig ni Asher nang binuga niya ang usok ng sigarilyong hinihithit. Pamasid-masid siya sa paligid habang paminsan-minsang tumututok ang kanyang mga mata sa malaking bahay na nasa harapan niya. Mansyon ng mga Almeradez! Ang pamilyang nag-abandona sa kanya. “Sher, di ka pa sisibat? Hinahanap ka na ni Bossing.” Sulpot ng kapatid niyang si Astrid mula sa madilim na talahiban. Isang hithit pa ng sigarilyo bago niya iyon tinapon at inapakan. “Anong ginagawa mo rito?” puno ng kaangasan ang kanyang boses. “Hinahanap ka na ni Supremo.” Bumaling ang tingin nito sa malaking bahay. “Di ba ‘yan yong bahay na nasa picture? Yong pinakita sa ‘yo no’ng isang linggo ni Supremo. Bakit mo tinitingnan? Nanakawan mo ba? Sama mo ako.” Pikon na kinutusan niya ang babae. “Hindi ako kasali sa mga batang hamog n

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Special Chapter 2

    Special Chapter 2: Mommy Nanny (A sneak peek for Vioxx Almeradez’s Story of 2nd Generation) Umawang ang labi ni Danica Shane nang bumuhos ang kulay pulang likido sa kanyang ulo nang buksan niya ang pinto. Nakangiwing inamoy niya ang pintura ng kung sino man na wala sa sariling naglagay niyon doon. Matalas ang mga matang hinanap niya ang salarin. Nasa likod ng magarang hagdan ang batang lalaking humagikhik sa kapilyuhan. Mapagpasensyang inalis niya ang pintura sa kanyang mga mata, pilit na pinapa-alaala sa sarili na wala siya sa bahay nila at bawal niyang paluin ang bata na magiging trabaho niya sa unang araw niya sa Almeradez residence. “Shaun!” dumagundong sa apat na sulok ng living room ang strikto at baritonong boses na iyon. Natigil ang batang maliit sa paghagikhik. Napatingin siya sa lalaking humakbang pababa sa magarang hagdan ng mansion. Sinalo ng kulay asul nitong mga mata ang kanyang titi

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Special Chapter 1

    Special Chapter 1: Married Again “Nanang Yeye, nasaan po si Nix?” tanong niya nang madaanan ang matanda na nagdidilig ng halaman sa hardin. “Inilabas kanina si Vioxx. Baka nasa taniman na naman.” “Sige po, puntahan ko na lang. Kumain na ba si Vioxx?” “Hindi pa nga eh. Sumama agad kay Nexus. Tinangka kong kunin, ayaw naman sumama. Kaka-isang taon pa lang, makulit na. Mana sa ama.” Binumntutan nito iyon ng tawa. Natawa na rin siya at naglakad patungo sa harap ng mansion para doon dumaan patungon taniman. She halts on her step when she saw Nix laughing wholeheartedly with their son. Nakakapaglakad na si Vioxx kaya lang ay parang palaging matutumba. Ang kulit pa naman at palaging pabibo. Naiiyak nga siya minsan dahil naalala niya si Calix. Ayos naman na siya. Malaki ang naitulong ng sabay nilang pagpapa-theraphy ni Nix para malagpasan nila iyon. Nakangiting nilapitan niy

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Epilogue

    Epilogue Mula sa pagkakatingin niya kay Amara Stephanie na nilalao-laro si Vioxx, nilingon niya si Alejandro nang pumasok ito sa hardin ng hacienda. “Ipinapabigay ng city jail. It’s your mom’s belonging.” Inabot nito sa kanya ang may katamtamang laking kulay itim na box. Nag-aatubili pa siyang abutin iyon kaya inilapag iyon ni Alejandro sa harapan niya bago umupo ng sa tabi niya. His mom is dead. Halos kalahating taon na rin ang nakalilipas simula nang mangyari ang trahedyang iyon. Stephanie and their twins got kidnapped. Namatay ang isa nilang anak dahil naiwan ito sa loob ng sasakyan na sumabog. Muntikan ng mabaliw si Amara Stephanie. Nang makuha ni Hordan at ng mga tauhan ni Sato ang kanyang mag-iina, mas lalong nagpumilit si Leticia na maka-usap siya. Kaya pala matagal na siya nitong gustong kausapin ay dahil may alam ito sa plano ni Hordan at ng sindikatong iyon. Pinalabas ni H

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 64 (Part 3)

    Chapter 64 (Part 3) Naghalu-halo ang galit sa sarili, selos at disappointment nang makita niya ang larawan na iyon ni Amara Stephanie na may katabing ibang lalaki sa ibabaw ng kama. Kagagaling niya pa lang sa Singapore dahil sunod-sunod ang naging aberya sa iba pang kompanya na nasa ilalim ng Almeradez Empire. Miss na miss na niya si Stephanie na kahit anong pigil niya sa sarili ay hindi niya pa rin napigilang umuwi sa hacienda para makita ito. He wants to cuddle with her and make up with her. Nang mga sandaling iyon ay gusto niyang maging selfish at muling maging masaya sa piling ng asawa na hindi niya inaalala ang mga posibilidad na mangyari sa hinaharap. He wants to bring her into her own Villa in Atulayan Island. Mag-oovernight sila roon at mag-uusap tungkol sa kung anu-anong bagay katulad ng dati. But all of his plans were ruined when his mother showed him a picture of his wife, n-aked on the bed with another man.

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 64 (Part 2)

    Chapter 64 (Part 2) Isa sa mga anak ng tauhan ng hacienda ay kilala ang babaeng umagaw ng atensyon niya. The name of the girl is Amara Stephanie Mijares. Estudaynte ng San Ramon National High School. Nasa kabilang bayan ang paaralang iyon, isang sakay lang ng bus. Sumasama siya tuwing pupunta ang Lolo niya o kaya ang mga trabahador ng hacienda sa Tigaon. Inaabangan niya si Stephanie sa Hepa Lane na siyang palaging pinupuntahan nito at ng mga kaibigan tuwing hapon pagkatapos ng klase. Her laugh and wittiness amused him big time. One time, his grandfather serves as a guest speaker at SRNH. Awtomatikong hinanap ng kanyang mga mata si Amara Stephanie. Nalaman niya na vice president pala ito ng student council at halos lahat ng mga nag-aaral doon ay kilala ito. Sa kauna-unahang pagkakataon ay sinalubong nito ang tingin niya. Titig na titig siya rito nang makasalubong niya ito sa hallway ng paaralan. Kaswal l

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 64 (Part 1)

    Chapter 64 (Chapter 1) HACIENDA CONSTANCIA- 12 YEARS AGO Bumaba si Nexus nang makarating ang truck ng Hacienda Constancia sa sentrong palengke ng Goa kung saan ay isa sa mga bagsakan nila ng mga inaning gulay at prutas sa hacienda. His grandfather, Leopold Almeradez own the widest Hacienda in the province. Nage-export ang hacienda ng mga gulay at prutas sa iba’t ibang bahagi ng Asya. Gayunpaman, sinisiguro pa rin ng kanyang lolo na may nakareserbang supply ang bayan ng Goa. Hindi pwedeng magkulang ng supply ang bayang kinalakihan nito at kung saan minahal nito ang asawa. Leopold Almeradez is not Alexander’s biological father. Malayong pinsan ng una ang tunay na ama ni Alexander. Nang mamatay iyon ay nagkaibigan si Leopold at Constancia. His grandparents’ love story is indeed like a fairytale. Simula nang mainirahan siya sa Hacienda Constancia, madalas niyang naririnig si Leopold na kinakausap ang larawan ng kanyang lola, sinasabi kung

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 63

    Chapter 63 Inapakan niya ang silinyador para lumaban ng abante ang sasakyan nila. Subalit, masyadong matigas ang kung sino mang driver ng kulay puting kotse. Ginigitgit sila hanggang sa dulo ng kalsada. Sabay silang napasigaw ulit ni Maria nang magsimulang mahulog ang likuran ng kotse sa pababang bahagi ng bangin. “Sh-t!” nanginginig ang mga labing mura niya at muling tinapakan ang silinyador ng kotse. Naghalo sa loob ng sasakyan ang nahihintakutang sigaw nila ni Maria at ang palahaw na iyak ng kambal. Sa kanyang pagkagulat, umatras ang puting kotse. Kukunin na sana niya iyong pagkakataon para umabante nang bigla na lang sumibad papunta sa kanila. Bago pa man niya makabig ang kotse paiwas, mistula na silang nilindol sa loob ng sasakyan dahil sa lakas ng impact niyon. Walang kapreno-preno at tuloy-tuloy silang binangg, itinutulak sila pababang bahagi ng bundok. “Tumigil ka. Tumigil ka na!”

  • Babysitting my Billionaire Ex-Husband   Chapter 62

    Chapter 62 “Tulungan mo ako, please. Nagmamakaawa ako sa ‘yo. Patakasin mo kami ng mga anak ko.” mahina ang boses na pagmamakaawa niya sa babae. Alam niyang hindi ito talagang kasapi ng sindikato. Mukhang napilitan lang ito na manatili sa lugar na iyon. “ “Ano ‘yan?” sita sa kanila ng isang gwardiya na may hawak-hawak na mataas na de-kalibreng baril, hindi magdadalawang saktan siya kung may iniisip man siyang kalokohan. “Ano ba?!” biglang singhal ng babae sa kanya. Tinabig nito ang kanyang kamay. “Wala akong planong makipagsabwatan sa ‘yo. Sumunod ka na lang kung ayaw mong masaktan at ang mga anak mo.” Malakas siya nitong itinulak na ikinatumba niya sa sahig. Naghiyawan ang limang kalalakihan na siyang gwardiya roon nang kubabawan siya nito kaya napahiga siya. Dinakma nito ang buhok niya kaya hinablot niya rin ang buhok nito. Nagtitili ang babae. Bumitaw ang isa nitong kamay sa buhok niya bago niya naramdaman iyon sa suo

DMCA.com Protection Status