The Billionaire's Forgotten Wife

The Billionaire's Forgotten Wife

By:  ALadyWriter  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
14Mga Kabanata
2.3Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

What are you going to do if your husband forgot about you? Would you introduce yourself to him as his wife and make him remember you or would you just rather hide from him and just love him from afar? ****** After months of getting to know each other, the billionaire Gregorio "Greg" Iverson Buenaventuri and the love of his life, First Lieutenant Nickandra Nicole Villegas decided to get married. Pero matapos lang ang seremonyas ng kanilang kasal ay may isang trahedyang nangyari na naging dahilan upang mawala ang mga alaala ni Greg at upang ilang taon silang mawalay mula sa isa't-isa. Maalala pa kaya ni Greg ang kanyang asawa? Hanapin pa kaya ni Nickandra si Greg? O hahayaan na lang nila ang kanilang mga buhay na magpatuloy kahit hindi na sa piling ng isa't-isa?

view more

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
14 Kabanata

PROLOGUE

Nickandra Nicole's POV Nakatayo ako ngayon sa harap ng aking full-length body mirror upang pagmasdan ang aking kabuuang ayos. My height is five feet eight inches kaya naman kitang-kita ko ang kabuuan ko mula sa malaki at mahabang salamin. Nakasuot ako ng isang kulay pulang large size blouse at itim na mahabang paldang tinernuhan ng isang kulay brown na makapal na sandals. Matapos kong mapagmasdan ang aking sarili ay naglakad naman ako papalapit ng aking vanity chair at doon naupo. Kaagad kong itinunghay ang aking mukha sa aking vanity mirror upang pagmasdan naman mula sa malapit ang ayos ng aking buong mukha. Mayroon akong kulay gatas na kutis, hugis arched na mga kilay, mahabang mga pilikmata, hugis almond at kulay asul na mga mata, matangos na ilong, at mapula at manipis na labi. Ngunit kinailangan kong baguhin ang ilan sa aking mga panlabas na kaanyuan kaya naman ilang linggo rin akong namalagi sa isang beach upang maging kulay kahoy ang aking balat at kinailangan ko ring gumam
Magbasa pa

CHAPTER 1

Greg Iverson's POV"Thank you so much for coming, Greg! It's an honor!" I was enjoying my time alone with my wine when the woman in her mid-thirties who is a famous designer suddenly cheerfully talked to me and then gave me a kiss on both sides of my cheek."No problem, Bettina. Thank you also for inviting me here. I really did enjoy and I really liked your collections. You never really let us down when it comes to your masterpieces!" seryosong sagot ko sa kanya habang mayroon akong maliit na ngiti sa aking labi.Kaagad ko namang nakita ang mabilis na pagpula ng kanyang magkabilang pisngi dahil sa aking mga sinabi na hindi ko na lang isinatinig.I heard from other people that she's still single and she has feelings for me for a long time now, but I felt sorry for her because older women are not my type. I prefer women my age kaya kung ako sa kanya ay ilalaan ko na lang ang sarili ko sa ibang tao na alam kong may pag-asa ako at may mapapala ako, hindi 'yong magtitiis ako para lang mapa
Magbasa pa

CHAPTER 2

Nickandra Nicole's POV Isang linggo na ang lumipas simula nang makapasa ako sa interview at matanggap ako bilang personal assistant ni Greg, at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ako ang napili ng management nila. Sobrang dami talaga kasing nag-apply kaya nang makita ko kung gaano kami kadami ay mabilis akong nawalan ng pag-asa ngunit nagdasal pa rin ako at abot langit ang aking pasasalamat nang tawagan nila ako at sabihing sa libo-libong nag-apply ay ako ang bukod tanging napili nila upang maging P.A ni Greg.Sa isang linggo kong pagtatrabaho kay Greg ay hindi ako nahirapan, dahil kahit sa 12 months lang na pinagsamahan at relasyon namin noon ay lubos na kaagad naming nakilala ang isa't-isa. Noon pa kasi talaga ay ako na talaga ang nag-aayos at nag-iintindi ng mga gamit niya. Kagaya ngayon, nandito ako sa kanyang penthouse habang siya ay natutulog pa rin dahil mamayang ala-una pa naman ng hapon ang lakad namin. Pagkapasok ko pa lang kanina ay hindi na ako nagulat
Magbasa pa

CHAPTER 3

Greg Iverson's POV Naalimpungatan na lang ako nang may naramdaman akong parang dumampi sa aking balat, specifically sa may parteng pisngi ko kaya naman dahan-dahan kong naimulat ang aking mga mata. Noong una ay halos hindi ko pa maibuka ang mga 'yon ng maayos dahil galing pa ako sa napakalalim at napakahimbing na pagkakatulog ngunit nang magtagumpay ako ay kaagad tumambad sa akin ang what do they call it? Losyang? Yes! Tumambad sa akin ang losyang kong personal assistant, wearing again her big blouse and a long skirt with her fucking thick eyeglassess. Idagdag pa ang magulo nitong buhok. Hindi ba talaga marunong mag-ayos ang isang 'to at bakit nakayuko siya mula sa akin na halos magdikit na ang aming mga mukha?! "What the hell are you doing?! Why are you here inside my room?!" Kitang-kita ko ang pagkagulat na mabilis bumalatay sa kanyang mukha nang marinig niyang magsalita ako. Kaagad naman siyang lumayo mula sa akin at tumayo ng maayos sa gilid ng aking kama habang medyo nagpa-
Magbasa pa

CHAPTER 4

Nickandra Nicole's POVNagulat ako nang bigla na lang niya akong yayaing sumalo sa kanya sa hapagkainan kaya naman ilang segundo muna akong nabato mula sa aking kinatatayuan. Hindi ko talaga iyon inaasahan dahil simula nang magtrabaho ako sa kanya ay never niya akong inalok kumain o kahit sabayan pa siyang kumain. Palagi lang siyang tahimik at parang hangin lang ako sa kanya noon kaya naman hindi ko maiwasang hindi magtaka sa biglaang pagbabago ng trato niya sa akin.At bago pa niya ako mabulyawan ay naglakad na ako kaagad papalapit sa lamesa at naupo sa upuang malayo mula sa kanyang harapan matapos kong maka-recover sa nangyari.Tatayo na sana ulit ako upang makasandok na ng kanin at ulam dahil baka magalit siya kapag ipapaabot ko pa ang mga ito sa kanya nang bigla na lang akong napatigil sa paggalaw nang magsalita na naman siya."Are you dumb, Miss Valencia?! May malubha ba akong sakit para diyan ka maupo sa malayo, ha?!" galit na tanong nito na nakapagpakaba na naman sa akin.Bakit
Magbasa pa

CHAPTER 5

"H-Hindi po, Sir. M-May naalala lang po ako b-bigla. Hindi ko po kayo p-pinagtatawanan," kaagad kong paliwanag dahil baka mas lalo pa siyang ma-badtrip sa akin.Ilang segundo niya muna akong tinitigan bago siya nagpatuloy sa pagkain. Ako nama'y mas napili ko na lang manahimik at hindi makagawa ng anumang ingay dahil baka mabulyawan na naman niya ako.Ultimo pagnguya ko pati ang pagsandok ko ng pagkain ay dahan-dahan din dahil ayaw ko na naman siyang ma-beast mode.Dahil sa nangyari ay sobrang tahimik ng buong paligid habang kami ay kumakain. Hindi na rin ako nagtangka na nakawan siya ng tingin at mas napili ko na lang ibigay ang buong atensyon ko sa aking kinakain kahit na ang totoo ay kating-kati na akong masulyapan muli siya.Napaangat lang ako ng tingin nang marinig ko ang paggalaw ng kanyang upuan at nang magtama ang aming mga mata ay nakatayo na siya."Clean my room when you are already done with everything that you have to do. I'm just going to work out," seryoso niyang saad hab
Magbasa pa

CHAPTER 6

Halos hindi na ako makahinga ng maayos habang magkadikit ang aming mga katawan. Idagdag pa na halos magdikit na rin ang aming mga mukha habang lapat na lapat ang mga kamay ko sa kanyang hubad at matigas na dibdib. Ang kanyang mga kamay ay ramdam na ramdam ko mula sa aking baywang habang ang mga mata namin ay nakatitig sa isa't-isa at dahil mas matangkad siya sa akin ay nakayuko siya ngayon.At sa muling pagkakataon, kaagad ko na namang naramdaman ang kirot mula sa aking puso habang nagsisimula na ring magbadya ang aking mga luha, umaasang magkakaroon ng milagro at titigil ang oras para lang mas matagal pa niya akong mayakap ng ganito.Alam kong napakaimposibleng mangyari ng bagay na 'yon kaya naman nang makita kong kumunot na ang noo ni Greg at dumapo na ang kanyang mga mata sa mga kamay kong nagpapahinga sa kanyang dibdib ay mabilis na rin akong humiwalay sa kanya kahit na ang totoo ay labag na labag 'yon sa aking kalooban.Kaagad akong lumuhod upang pulutin ang mga gamit na nabitaw
Magbasa pa

CHAPTER 7

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at dali-dali na akong tumakbo pabalik sa kanya. "G-Greg! G-Greg! B-Bakit? A-Anong nangyayari sa'yo?" nag-aalala kong tanong habang nakaluhod na rin ako sa sahig at walang pakialam kahit ang totoong boses ko na ang ginagamit ko.Pagkatapos kong magsalita ay muli na naman siyang napasigaw sa sakit na mas lalo pang nagpalala ng takot at kaba na aking nararamdaman."A-Anong nangyayari, G-Greg? S-Sumasakit ba ang u-ulo mo ng sobra? G-Gusto mong dalhin na kita sa o-ospital?" sunod-sunod kong tanong habang hindi na rin ako mapakali.Hindi ko alam kung saan ko siya hahawakan habang halos mahiga na siya sa sahig habang namimilipit sa sakit at habang pinapanuod ko siya ay hindi ko namalayan na umiiyak na naman pala ako.Sa nanginginig na kamay ay sinikap kong kunin mula sa aking bulsa ang aking telepono upang tumawag na ng ambulansya. Kahit pala may training ka na katulad sa mga pangyayaring ganito ay hindi mo mapipigilang hindi mag-panic at matakot kapag mah
Magbasa pa

CHAPTER 8

Nang makalabas ako ng elevator ay kaagad kong hinanap ang room number na sinend sa akin ni Aurea. Hindi naman ako nahirapang hanapin iyon dahil nakita ko naman kaagad at imbes na buksan ko ang pinto at pumasok ako sa loob ay mas napili kong maupo muna sa upuan na nasa gilid kahit na ang totoo ay gustong-gusto ko ng pumasok para makita ko ang lagay ni Greg.Ang sabi ni Aurea ay kinakausap pa rin niya sa loob ang mga magulang ni Greg kasama si Sir Bryan kaya hihintayin ko munang may lumabas sa kanila bago ako pasimpleng papasok.Nang ilang minuto pa ang lumipas at hindi pa rin bumubukas ang pinto ay tumayo muna ako at naglakad-lakad upang hindi ako tuluyang ma-bored.Hindi na rin ako medyo nagpakalayo-layo at sa harapan na lang din ng silid ako naglakad-lakad. Habang nagpapabalik-balik ako ay marami pa ring tumatakbo sa aking isipan at lahat ng 'yon ay tungkol sa kalagayan ni Greg.Gusto ko ng malaman kung ano na ang lagay niya, kung okay na ba siya, at kung ano ang nangyari sa kanya at
Magbasa pa

CHAPTER 9

Naalimpungatan na lang ako nang marinig ko ang malakas na pagsara ng pinto. Nang mabuksan ko ang aking mga mata ay kulay puting ceiling ang sumalubong sa akin at ilang segundo pa muna bago ko na-realize na nakahiga pala ako sa isang hospital bed.Kung wala pa akong narinig na nagsasalita mula sa bandang kanan ko ay hindi ako mapapalingon doon. Kaagad kong nakita si Aurea na parang pinagsasabihan si Leigh and as usual, parang walang pakialam na naman si Leigh sa mga sinasabi nito na nakapagpailing at nakapagpangiti sa akin at pagkatapos kong gawin 'yon ay bigla na lang akong nakaramdam ng kirot mula sa aking ulo at nang dalhin ko doon ang kanan kong kamay ay saka ko pa lang na-realize na mayroon pala akong benda sa aking ulo.Nang marinig nila ang aking pagdaing ay kaagad silang tumakbo papalapit sa akin habang mayroong pag-aalala sa kanilang mga mata nang tingnan ko sila."How are you feeling, Nickandra? Do you want anything? Sumasakit pa rin ba ang ulo mo?" sunod-sunod na tanong kaag
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status