Share

CHAPTER 4

Nickandra Nicole's POV

Nagulat ako nang bigla na lang niya akong yayaing sumalo sa kanya sa hapagkainan kaya naman ilang segundo muna akong nabato mula sa aking kinatatayuan.

Hindi ko talaga iyon inaasahan dahil simula nang magtrabaho ako sa kanya ay never niya akong inalok kumain o kahit sabayan pa siyang kumain. Palagi lang siyang tahimik at parang hangin lang ako sa kanya noon kaya naman hindi ko maiwasang hindi magtaka sa biglaang pagbabago ng trato niya sa akin.

At bago pa niya ako mabulyawan ay naglakad na ako kaagad papalapit sa lamesa at naupo sa upuang malayo mula sa kanyang harapan matapos kong maka-recover sa nangyari.

Tatayo na sana ulit ako upang makasandok na ng kanin at ulam dahil baka magalit siya kapag ipapaabot ko pa ang mga ito sa kanya nang bigla na lang akong napatigil sa paggalaw nang magsalita na naman siya.

"Are you dumb, Miss Valencia?! May malubha ba akong sakit para diyan ka maupo sa malayo, ha?!" galit na tanong nito na nakapagpakaba na naman sa akin.

Bakit ba lagi na lang galit ang isang 'to sa akin?!

Napalunok muna ako bago ako nakapagsalita.

"I-I'm so sorry, Sir. A-Akala ko lang po kasi ay ayaw niyo po akong mapalapit sa i-inyo kaya dito ko po naisipang p-pumwesto," pagdadahilan ko sa kanya kahit na ang katotohanan talaga ay gustong-gusto kong maupo sa kanyang tabi. Inaalala ko lang talaga ang kalagayan niya.

"Stop being dumb and sit down right in front of me now!" bulyaw na naman nito.

Kaagad ko naman siyang sinunod at naupo na nga ako sa kanyang harapan kahit halos madapa na ako dahil sa pagpa-panic.

Ngunit imbes na magsimula na rin akong magsandok ng ulam at kanin para sa aking sarili ay mas napili kong pagmasdan siyang kumain ng iniluto kong pagkain para sa kanya na paboritong-paborito pa niya.

Sa bawat pagsubo na kanyang ginagawa ay ramdam na ramdam ko kung gaano siya nag-e-enjoy kaya naman parang bigla na lang nawala ang pagod ko sa mga gawaing bahay na ginawa ko kanina simula nang magising ako.

"Why are you just watching me?! Are you waiting for me to feed you?! Don't you have hands?!" pansin na naman nito sa akin nang makitang hindi pa ako nagsisimulang magsandok ng aking pagkain.

"I-I'm sorry, S-Sir," nauutal kong kunwaring sagot at pagkatapos ay nagsimula na rin akong lagyan ng pagkain ang aking pinggan.

Naku! Kung hindi ko lang talaga alam ang kondisyon niya baka nasuntok ko na naman 'tong asawa kong 'to kagaya noong panahong nagtatrabaho pa ako sa kompanya niya bilang kanyang secretary. Naalala ko na naman tuloy ang nakakatuwang pangyayaring iyon at hindi ko mapigilang hindi mapangiti.

Katatapos ko lang noon sa pinapagawa niya sa akin nang bigla na lang niyang inilapag sa aking table ang panibagong mga papeles na halos may isang dipa ang taas.

"Encode all of these on your computer then email it to me right away. I need this at exactly five pm today," seryosong utos nito sa akin.

Noong unang dalawang linggo ko naman sa kanyang kompanya ay hindi ganoon kadami ang pinapagawa niya sa akin. Noong mag-iisang buwan na lang talaga ako sa kanya nagsimula ang ganito.

Ipinabalik-balik ko pa noon ang tingin ko sa inilapag niyang mga papel sa aking lamesa at sa kanyang mukha, nag-iisip ng mga tamang salitang sasabihin ko sa kanya at nang makapag-isip na ako ay inilingan ko muna siya bago ako tuluyang nagsalita.

"But, Sir, katatapos ko lang po kasi sa mga ipinagawa mo ring ganyan kanina at ilang minuto na lang po ay malapit na ring mag-uwian kaya naman po bukas ko na po magagawa ang mga 'yan, Sir. Hindi rin po ako makakapag-overtime dahil mayroon pa akong mahalagang lakad. Pasensya na po," malumanay at magalang kong paliwanag, umaasang maiintindihan niya ang mga sinabi ko at punto ko ngunit nagkamali ako.

Pagkatapos kong magsalita ay pagalit niyang ibinagsak ang kanyang mga kamay sa aking table na nakagawa ng malakas na ingay na mabilis kumalat sa buong floor na nakapagpagulat sa akin at sigurado akong pati sa mga kapwa ko empleyado.

Nakayuko na siya ngayon sa aking harapan habang titig na titig sa akin ang galit niyang mga mata.

"EXACTLY. AT. FIVE. PM. TODAY," madiing sagot nito at mukhang gigil na gigil na nga talaga siya dahil sa tindi ng pagkatitig niya sa akin ngayon na parang anytime ay may gagawin siyang masama sa akin.

Napalunok na lang ako sabay iling habang bumibilis na ang tibok ng aking puso sa takot at kaba bago ako muling nagsalita.

"Pasensya na po talaga, Sir. Pangako po, gagawin at tatapusin ko po ang mga ito bukas. May importante lang po talaga akong dapat lakaran mamaya," mahinahon kong pakiusap sa kanya habang titig na titig din ako sa kanyang mga mata.

Don't push my button, Sir, please. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo kapag naputol ang lubid ng aking pagtitimpi.

"It's not my problem anymore! You're my secretary and this is your responsibility, so do your job!" panlilisik na ng mga mata nito.

Nakayuko pa rin siya sa akin paharap kaya medyo malapit ang mukha namin sa isa't-isa.

Gwapo sana kaso lang palaging galit, ani ko sa aking isipan.

Huminga muna ako ng malalim dahil nararamdaman kong malapit nang talaga mapigtal ang aking gintong pasensya bago ko muling ibinuka ang aking bibig.

"Ganito na lang po, Sir. Iuuwi ko na lang po ang mga ito ngayon and I promise to finish this before 12 midnight po," pakikipagsundo ko sa kanya ngunit nabakas kaagad sa kanyang mga mata ang pagkadisgusto sa naging suggestion ko.

"No, Miss Valencia! Dito mo gagawin ang mga 'yan sa loob ng kompanya ko! Binabayaran kita ng tama kaya dapat lang na magtrabaho ka rin ng tama, hindi 'yang pinapakita mo ngayon na parang wala kang kwentang sekretarya!" sigaw na nito sa aking harapan. At ang pinakaiingat-ingatan kong pasensya ay napigtal na nga kaya hindi ko na talaga napigilan pa ang aking sarili at nasuntok ko siya sa mismong ilong.

Dahil sa ginawa ko ay napalayo siya mula sa akin at halos matumba siya sa kanyang kinatatayuan dahil sa pagkabigla.

Kahit na nakaramdam ako ng sakit mula sa aking kamao ay pinilit ko pa ring makatayo at muling magpaliwanag sa kanya habang hawak-hawak na niya ang dumudugong ilong.

"Ipagpaumanhin niyo ho, Sir, pero kaninang umaga ay may binigay ka rin ho sakin na doble sa dami ng mga papel na iyan para i-e-encode ko rin na ngayong alas tres ng hapon ko lang ho natapos! Masakit na ho ang mga kamay ko pati na rin ang likod ko! At kung hindi niyo pa po alam ay hindi pa rin po ako nakakakain ng tanghalian dahil hindi mo ako pinayagang tumigil sa ginagawa ko! Kung papatayin niyo rin naman ho ako sa trabahong 'to ay salamat na lang ho Sir at ako na lang po ang magpapakamatay mag-isa!" galit na sagot ko na rin at walang pagdadalawang-isip na tinalikuran at iniwan ko siya doon.

Imagine, 7 pa lang ng umaga kanina nang magsimula akong mag-encode ng mga papeles na halos doble sa dami ng inilagay niya ngayon sa table ko at alastres ng hapon ko natapos, at pagkatapos ay nagdala na naman siya ng kalahati ng dami ng naunang mga papeles na 5 pm niya kailangan the same day? Ano ako sa tingin niya, robot?! Bwisit siya! Siya ang mag-encode mag-isa!

Nang makauwi ako ng araw na iyon ay nakaramdam kaagad ako ng guilt dahil nasuntok ko siya at ang malala ay nagdugo pa. Ilang araw din akong um-absent matapos ang insedenteng iyon at halos gusto ko na ngang mag-resign ng mga panahon na iyon kung hindi nga lang tumawag sa akin ang head namin upang sabihing kailangan ko nang bumalik.

Hindi ko talaga alam kung paano ko ulit siya pakikisamahan matapos ang ginawa ko sa kanya. Ngunit laking pasasalamat ko na lang nang mag-akto siyang parang walang nangyari at simula rin ng araw na iyon ay hindi na ganoon karami ang mga ipinagagawa niya sa akin.

Hindi ko na napigilan pang mapangiti nang maalala ko ang mga iyon. Nabalik lang ako sa wisyo nang magsalita si Greg na nakalimutan kong nasa aking harapan pa rin nga pala na nakakunot na ang noo ngayon habang nakatingin sa akin.

"Why are you smiling, Miss Valencia?! Are you making fun of me?!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status