"H-Hindi po, Sir. M-May naalala lang po ako b-bigla. Hindi ko po kayo p-pinagtatawanan," kaagad kong paliwanag dahil baka mas lalo pa siyang ma-badtrip sa akin.
Ilang segundo niya muna akong tinitigan bago siya nagpatuloy sa pagkain. Ako nama'y mas napili ko na lang manahimik at hindi makagawa ng anumang ingay dahil baka mabulyawan na naman niya ako.Ultimo pagnguya ko pati ang pagsandok ko ng pagkain ay dahan-dahan din dahil ayaw ko na naman siyang ma-beast mode.Dahil sa nangyari ay sobrang tahimik ng buong paligid habang kami ay kumakain. Hindi na rin ako nagtangka na nakawan siya ng tingin at mas napili ko na lang ibigay ang buong atensyon ko sa aking kinakain kahit na ang totoo ay kating-kati na akong masulyapan muli siya.Napaangat lang ako ng tingin nang marinig ko ang paggalaw ng kanyang upuan at nang magtama ang aming mga mata ay nakatayo na siya."Clean my room when you are already done with everything that you have to do. I'm just going to work out," seryoso niyang saad habang naiwan sa ere ang pagsubo ko.Imbes na magpatuloy ako sa pagkain ay mas napili kong pagmasdan siya mula sa kanyang likuran hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa aking paningin.Nang mapabaling ang tingin ko sa malaking mangkok na may laman lang kanina na chicken curry ay hindi na ako nagulat nang makita kong wala ng laman iyon. Sa tuwing ipinagluluto ko talaga si Greg ay palagi niyang nauubos lahat kaya naman enjoy na enjoy din akong lutuan siya.Napangiti na lang ako ng malungkot at napahinga muna ako ng malalim bago ako nagpatuloy sa aking pagkain at ilang sandali nga lang ay naramdaman ko na lang ang sunod-sunod na pagtulo ng aking mga luha mula sa aking mga mata pababa sa aking magkabilang pisngi.Bago ko pa planuhin ang lahat ng ito ay alam ko ng mahihirapan talaga ako ng sobra at hindi nga ako nagkamali dahil ilang araw ko pa lang dito ay ganito kabigat na ang nararamdaman ko araw-araw sa tuwing naiisip ko ang mga nangyari sa amin pati na rin ang sitwasyon namin ngayon.Gustuhin ko mang bumalik na rin kami sa dati lalong-lalo na ang mga alaala niya ngunit hindi pwede dahil maaaring mapahamak na naman siya at baka malagay lang sa alanganin ang kalagayan niya at iyon ang hinding-hindi ko na kakayaning mangyari dahil baka makapatay na talaga ako.Ang tanging mga magagawa ko na lang muna sa ngayon ay ang magtiis, huwag sumuko, at mas lalo pang patatagin ang aking loob habang binabantayan ko siya. Mas pagbubutihan ko rin ang pagpapanggap ko para patuloy ko lang siyang makasama kahit hindi niya pa ako maalala. Ang pinakaimportanteng bagay lang sa akin sa ngayon ay ang makasama siya at hindi na ako makapaghintay na matapos na ang lahat ng ito dahil kong sa huli ay magiging okay din ang lahat.Kahit na umiiyak ako habang kumakain ay nagawa ko pa ring ubusin ang pagkain ko. Hindi rin ako natakot na baka mahuli ako ni Greg na umiiyak dahil kapag nag-wo-workout na siya ngayon ay parang wala na siyang pakialam sa paligid. Hindi katulad noon na gustong-gusto lagi niya akong makasama mag-workout.Nang makainom na ako ng tubig ay tumayo na rin ako upang iligpit ang aming mga pinagkainan at nang masalansan ko na ang mga iyon ay pinunasan ko muna ang lamesa at inayos ang mga bangko bago ko na dinala ang mga iyon sa kusina.Pagkatapos kong ilapag lahat sa lababo ay nagsimula na rin akong ipasok isa-isa ang lahat sa loob ng automatic dishwashing machine at imbes na magpahinga muna ako kahit isang sandali matapos kong pindutin ang start at normal button ay mas napili kong dumiretso sa laundry area upang kumuha ng malaking basket na paglalagyan ng lalabhan kong bedsheets and pillowcases ni Greg.Kumuha na rin ako ng pamalit na bedsheets at pillowcases at pagkatapos ay umakyat na ako upang magtungo na sa kanyang silid para makapagsimula ng maglinis.Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay kadiliman ang bumungad sa akin kaya naman mabilis kong pinindot ang switch ng ilaw. Pinindot ko na rin ang switch para bumukas ang malalaking kurtina sa kanyang silid upang mas magbigay pa ng liwanag at nang maging okay na ay nagsimula na rin akong maglinis.Ang una kong ginawa ay pinagpagan ko ang mga pwedeng pagpagan sa loob ng kanyang silid lalong-lalo na sa shelves niya gamit ang dust remover. Nang matapos ako doon ay tinanggal ko naman cover ng kanyang kama at unan at pagkatapos ay inilagay ko na rin ang mga dala kong pampalit na comforter at pillowcases.Nang natapos ako sa pag-aayos ng kama niya ay nakapag-decide naman akong mag-vacuum upang mawala na rin ang lahat ng dumi at kalat sa kanyang sahig dahil balak kong mag-map.Kaagad din naman akong naglampaso ng sahig nang matapos ako sa pag-vacuum kahit na nakakaramdam na ako ng pananakit ng katawan.Hindi pa ako nakuntento dahil pagkatapos na pagkatapos kong mag-map ay ang banyo naman niya ang nilinisan ko.Tuloy pa rin ako sa pagkuskos ng inidoro kahit na ramdam na ramdam ko ang pagtulo ng aking mga pawis mula sa aking noo.Ilang minuto rin ang itinagal ko sa paglilinis ng kanyang banyo dahil sa laki at lawak nito at ginawa ko talaga ang lahat para lang mapabilis ang paglilinis ko dahil alam kong ilang minuto mula ngayon ay matatapos na siya sa pag-wo-workout at siguradong-sigurado akong dito ang diretso niya para mag-shower.Nang masigurado kong malinis na ang kanyang buong silid pati na rin ang buong banyo niya ay muli kong pinindot ang switch ng ilaw at kurtina bago ko binuhat ang mga dala kong basket, vacuum, at map para lumabas na kahit na medyo hinihingal na ako dahil sa bilis na paglilinis na ginaw ko.Akmang aabutin ko na ang doorknob nang nasa harapan na ako ng pinto nang bigla na lang bumukas ito na naging dahilan upang matulak ako ng pinto paatras at upang malaglag din ang mga buhat-buhat ko dahil na rin sa pagkagulat at dahil napalakas ang pagkakabukas ng pinto at natamaan ako ay nawalan ako ng balanse ngunit bago pa ako tuluyang mapasalampak sa sahig ay naramdaman ko na ang paghila sa akin pataas ni Greg upang hindi ako mag-diretso na mas lalong nagpabilis ng tibok ng aking puso.At mabilis kong naramdaman ang pamumula ng aking pisngi nang ma-realize kong nakahawak na pala ang mga kamay ko sa hubad at matigas niyang dibdib.Halos hindi na ako makahinga ng maayos habang magkadikit ang aming mga katawan. Idagdag pa na halos magdikit na rin ang aming mga mukha habang lapat na lapat ang mga kamay ko sa kanyang hubad at matigas na dibdib. Ang kanyang mga kamay ay ramdam na ramdam ko mula sa aking baywang habang ang mga mata namin ay nakatitig sa isa't-isa at dahil mas matangkad siya sa akin ay nakayuko siya ngayon.At sa muling pagkakataon, kaagad ko na namang naramdaman ang kirot mula sa aking puso habang nagsisimula na ring magbadya ang aking mga luha, umaasang magkakaroon ng milagro at titigil ang oras para lang mas matagal pa niya akong mayakap ng ganito.Alam kong napakaimposibleng mangyari ng bagay na 'yon kaya naman nang makita kong kumunot na ang noo ni Greg at dumapo na ang kanyang mga mata sa mga kamay kong nagpapahinga sa kanyang dibdib ay mabilis na rin akong humiwalay sa kanya kahit na ang totoo ay labag na labag 'yon sa aking kalooban.Kaagad akong lumuhod upang pulutin ang mga gamit na nabitaw
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at dali-dali na akong tumakbo pabalik sa kanya. "G-Greg! G-Greg! B-Bakit? A-Anong nangyayari sa'yo?" nag-aalala kong tanong habang nakaluhod na rin ako sa sahig at walang pakialam kahit ang totoong boses ko na ang ginagamit ko.Pagkatapos kong magsalita ay muli na naman siyang napasigaw sa sakit na mas lalo pang nagpalala ng takot at kaba na aking nararamdaman."A-Anong nangyayari, G-Greg? S-Sumasakit ba ang u-ulo mo ng sobra? G-Gusto mong dalhin na kita sa o-ospital?" sunod-sunod kong tanong habang hindi na rin ako mapakali.Hindi ko alam kung saan ko siya hahawakan habang halos mahiga na siya sa sahig habang namimilipit sa sakit at habang pinapanuod ko siya ay hindi ko namalayan na umiiyak na naman pala ako.Sa nanginginig na kamay ay sinikap kong kunin mula sa aking bulsa ang aking telepono upang tumawag na ng ambulansya. Kahit pala may training ka na katulad sa mga pangyayaring ganito ay hindi mo mapipigilang hindi mag-panic at matakot kapag mah
Nang makalabas ako ng elevator ay kaagad kong hinanap ang room number na sinend sa akin ni Aurea. Hindi naman ako nahirapang hanapin iyon dahil nakita ko naman kaagad at imbes na buksan ko ang pinto at pumasok ako sa loob ay mas napili kong maupo muna sa upuan na nasa gilid kahit na ang totoo ay gustong-gusto ko ng pumasok para makita ko ang lagay ni Greg.Ang sabi ni Aurea ay kinakausap pa rin niya sa loob ang mga magulang ni Greg kasama si Sir Bryan kaya hihintayin ko munang may lumabas sa kanila bago ako pasimpleng papasok.Nang ilang minuto pa ang lumipas at hindi pa rin bumubukas ang pinto ay tumayo muna ako at naglakad-lakad upang hindi ako tuluyang ma-bored.Hindi na rin ako medyo nagpakalayo-layo at sa harapan na lang din ng silid ako naglakad-lakad. Habang nagpapabalik-balik ako ay marami pa ring tumatakbo sa aking isipan at lahat ng 'yon ay tungkol sa kalagayan ni Greg.Gusto ko ng malaman kung ano na ang lagay niya, kung okay na ba siya, at kung ano ang nangyari sa kanya at
Naalimpungatan na lang ako nang marinig ko ang malakas na pagsara ng pinto. Nang mabuksan ko ang aking mga mata ay kulay puting ceiling ang sumalubong sa akin at ilang segundo pa muna bago ko na-realize na nakahiga pala ako sa isang hospital bed.Kung wala pa akong narinig na nagsasalita mula sa bandang kanan ko ay hindi ako mapapalingon doon. Kaagad kong nakita si Aurea na parang pinagsasabihan si Leigh and as usual, parang walang pakialam na naman si Leigh sa mga sinasabi nito na nakapagpailing at nakapagpangiti sa akin at pagkatapos kong gawin 'yon ay bigla na lang akong nakaramdam ng kirot mula sa aking ulo at nang dalhin ko doon ang kanan kong kamay ay saka ko pa lang na-realize na mayroon pala akong benda sa aking ulo.Nang marinig nila ang aking pagdaing ay kaagad silang tumakbo papalapit sa akin habang mayroong pag-aalala sa kanilang mga mata nang tingnan ko sila."How are you feeling, Nickandra? Do you want anything? Sumasakit pa rin ba ang ulo mo?" sunod-sunod na tanong kaag
Greg Iverson's POV"Napakatanga mo namang babae ka! Bakit ang clumsy-clumsy mo! First day mo pa lang sa trabaho ganyan ka na! Pulutin mo ang mga 'yan! Saang lupalop mo na naman ba nakuha ang isang 'to, ha, Bryan?!"Biglang nagising na lang ang diwa ko nang may narinig akong nagbubulungan at base sa pagkakaalam ko ay boses iyon ni mommy.Pagkabukas ko ng aking mga mata ay bigla na lang akong nasilaw kaya napatakip ako kaagad ng aking mga mata at ilang sandali lang ay nakarinig ako ng mga yabag na papalapit kung nasaan ako."Greg, son?! I'm so glad you're awake now! How are you feeling, anak? Is your head still aching? Do you need anything? Are you hungry?" sunod-sunod na tanong ni mommy na animo'y wala ng bukas. "What's wrong with you, son? Why are you covering your eyes?" nag-aalala niyang dagdag at bago pa tuluyang lumala ang paghi-hysterical niya ay dahan-dahan ko ng inalis ang aking braso mula sa aking mga mata."Greg, son, can you hear me?! Why are you not answering?! You cannot he
Hindi ko alam kung ilang minuto, oras, o kung gaano katagal akong nawalan ng malay. Basta na lang bumukas ang aking mga mata kahit na wala naman akong narinig na anumang ingay na maaaring makapagpagising sa akin mula sa mahimbing kong pagkakatulog.Pagkabukas na pagkabukas ko ng aking mga mata ay katahimikan kaagad ang unang sumalubong sa akin. Ilang segundo muna akong natulala sa kawalan bago ako nakapag-decide na igala ang aking mga mata sa buong paligid at nang dumapo ang aking mga mata sa bandang kaliwa ko ay nakita kong natutulog si Mommy sa kabilang kama na halos katabi lang ng kamang hinihigaan ko ngayon.Nang igala ko pa ang aking mga mata sa ibang parte ng hospital room ay nakita ko naman si Bryan na natutulog sa mahabang sofa. Kahit na ang tanging nagbibigay lang ng liwanag sa buong silid ay ang lamp na nasa bedside table malapit sa akin ay malinaw ko pa rin silang nakikita at naaaninag.Hindi nakaligtas sa aking mga mata ang built in clock na nakadikit sa dingding at mabili
When our eyes met, she immediately greeted me and bowed her head at bago pa siya makagawa ng hakbang ay narinig ko na ang malakas na boses ni mommy mula sa aking likuran na nakapagpatigil sa kanya sa paggalaw."Tumayo ka diyan, Bryan, at kunin mo ang mga ipinamili niya! Lampa pa naman ang babaeng 'yan at baka matapon lang niya lahat sa sahig!" sigaw ni mommy at dali-dali namang napatayo si Bryan mula sa kanyang kinauupuan nang marinig ang pagsigaw ni mommy.I immediately looked at mommy in shock because if I'm not mistaken, this is the first time that I've heard her speak like this to someone with a hint of anger from her voice. Palagi lang siyang kalmadong makipag-usap kahit galit na galit na siya at wala rin akong natatandaan na naging ganito ang pakikitungo niya sa ibang tao noon since I was young that's why hindi ko talaga mapigilang hindi magtaka at mabigla ngayon.Kitang-kita ko ang masamang tingin ni mommy sa babae at nang maramdaman niyang nakatitig ako sa kanya ay kaagad siyan
“Ay nakalimutan ko pa lang i-off ‘yong stove, Sir! Pasensya na po,” walang sensiridad niyang saad habang iginagala niya ang kanyang mga mata sa buong kusina na basang-basa na ngayon at parang dinaanan ng bagyo dahil sa nangyari at dahil sa kanyang kapabayaan.Mas lalo pang bumilis ang aking paghinga dahil sa pagtindi ng pinaghalong inis at galit na aking nararamdaman pagkatapos na pagkatapos niyang magsalita na wala man lang kahit konting bahid ng pagsisisi kaya naman hindi ako halos makapaniwala habang namamangha ko siyang pinapanuod ngayon.The fuck! Is she for real?! “Seryoso ka ba?! ‘Yan lang ang sasabihin mo matapos mong halos sunugin na ang buong penthouse ko?!" nanggagalaiti kong tanong sa kanya. "You know what?! Huwag ka nang magsalita pa! I don't want to hear anything else you have to say! You're fired!" dugtong ko kaagad upang hindi ko na siya mabigyan pa ng chance na magsalita.Sunod-sunod na mura ang ginawa ko mula sa aking isipan nang tanging pagtango ng kanyang ulo at pa