Nang makalabas ako ng elevator ay kaagad kong hinanap ang room number na sinend sa akin ni Aurea. Hindi naman ako nahirapang hanapin iyon dahil nakita ko naman kaagad at imbes na buksan ko ang pinto at pumasok ako sa loob ay mas napili kong maupo muna sa upuan na nasa gilid kahit na ang totoo ay gustong-gusto ko ng pumasok para makita ko ang lagay ni Greg.Ang sabi ni Aurea ay kinakausap pa rin niya sa loob ang mga magulang ni Greg kasama si Sir Bryan kaya hihintayin ko munang may lumabas sa kanila bago ako pasimpleng papasok.Nang ilang minuto pa ang lumipas at hindi pa rin bumubukas ang pinto ay tumayo muna ako at naglakad-lakad upang hindi ako tuluyang ma-bored.Hindi na rin ako medyo nagpakalayo-layo at sa harapan na lang din ng silid ako naglakad-lakad. Habang nagpapabalik-balik ako ay marami pa ring tumatakbo sa aking isipan at lahat ng 'yon ay tungkol sa kalagayan ni Greg.Gusto ko ng malaman kung ano na ang lagay niya, kung okay na ba siya, at kung ano ang nangyari sa kanya at
Naalimpungatan na lang ako nang marinig ko ang malakas na pagsara ng pinto. Nang mabuksan ko ang aking mga mata ay kulay puting ceiling ang sumalubong sa akin at ilang segundo pa muna bago ko na-realize na nakahiga pala ako sa isang hospital bed.Kung wala pa akong narinig na nagsasalita mula sa bandang kanan ko ay hindi ako mapapalingon doon. Kaagad kong nakita si Aurea na parang pinagsasabihan si Leigh and as usual, parang walang pakialam na naman si Leigh sa mga sinasabi nito na nakapagpailing at nakapagpangiti sa akin at pagkatapos kong gawin 'yon ay bigla na lang akong nakaramdam ng kirot mula sa aking ulo at nang dalhin ko doon ang kanan kong kamay ay saka ko pa lang na-realize na mayroon pala akong benda sa aking ulo.Nang marinig nila ang aking pagdaing ay kaagad silang tumakbo papalapit sa akin habang mayroong pag-aalala sa kanilang mga mata nang tingnan ko sila."How are you feeling, Nickandra? Do you want anything? Sumasakit pa rin ba ang ulo mo?" sunod-sunod na tanong kaag
Greg Iverson's POV"Napakatanga mo namang babae ka! Bakit ang clumsy-clumsy mo! First day mo pa lang sa trabaho ganyan ka na! Pulutin mo ang mga 'yan! Saang lupalop mo na naman ba nakuha ang isang 'to, ha, Bryan?!"Biglang nagising na lang ang diwa ko nang may narinig akong nagbubulungan at base sa pagkakaalam ko ay boses iyon ni mommy.Pagkabukas ko ng aking mga mata ay bigla na lang akong nasilaw kaya napatakip ako kaagad ng aking mga mata at ilang sandali lang ay nakarinig ako ng mga yabag na papalapit kung nasaan ako."Greg, son?! I'm so glad you're awake now! How are you feeling, anak? Is your head still aching? Do you need anything? Are you hungry?" sunod-sunod na tanong ni mommy na animo'y wala ng bukas. "What's wrong with you, son? Why are you covering your eyes?" nag-aalala niyang dagdag at bago pa tuluyang lumala ang paghi-hysterical niya ay dahan-dahan ko ng inalis ang aking braso mula sa aking mga mata."Greg, son, can you hear me?! Why are you not answering?! You cannot he
Hindi ko alam kung ilang minuto, oras, o kung gaano katagal akong nawalan ng malay. Basta na lang bumukas ang aking mga mata kahit na wala naman akong narinig na anumang ingay na maaaring makapagpagising sa akin mula sa mahimbing kong pagkakatulog.Pagkabukas na pagkabukas ko ng aking mga mata ay katahimikan kaagad ang unang sumalubong sa akin. Ilang segundo muna akong natulala sa kawalan bago ako nakapag-decide na igala ang aking mga mata sa buong paligid at nang dumapo ang aking mga mata sa bandang kaliwa ko ay nakita kong natutulog si Mommy sa kabilang kama na halos katabi lang ng kamang hinihigaan ko ngayon.Nang igala ko pa ang aking mga mata sa ibang parte ng hospital room ay nakita ko naman si Bryan na natutulog sa mahabang sofa. Kahit na ang tanging nagbibigay lang ng liwanag sa buong silid ay ang lamp na nasa bedside table malapit sa akin ay malinaw ko pa rin silang nakikita at naaaninag.Hindi nakaligtas sa aking mga mata ang built in clock na nakadikit sa dingding at mabili
When our eyes met, she immediately greeted me and bowed her head at bago pa siya makagawa ng hakbang ay narinig ko na ang malakas na boses ni mommy mula sa aking likuran na nakapagpatigil sa kanya sa paggalaw."Tumayo ka diyan, Bryan, at kunin mo ang mga ipinamili niya! Lampa pa naman ang babaeng 'yan at baka matapon lang niya lahat sa sahig!" sigaw ni mommy at dali-dali namang napatayo si Bryan mula sa kanyang kinauupuan nang marinig ang pagsigaw ni mommy.I immediately looked at mommy in shock because if I'm not mistaken, this is the first time that I've heard her speak like this to someone with a hint of anger from her voice. Palagi lang siyang kalmadong makipag-usap kahit galit na galit na siya at wala rin akong natatandaan na naging ganito ang pakikitungo niya sa ibang tao noon since I was young that's why hindi ko talaga mapigilang hindi magtaka at mabigla ngayon.Kitang-kita ko ang masamang tingin ni mommy sa babae at nang maramdaman niyang nakatitig ako sa kanya ay kaagad siyan
“Ay nakalimutan ko pa lang i-off ‘yong stove, Sir! Pasensya na po,” walang sensiridad niyang saad habang iginagala niya ang kanyang mga mata sa buong kusina na basang-basa na ngayon at parang dinaanan ng bagyo dahil sa nangyari at dahil sa kanyang kapabayaan.Mas lalo pang bumilis ang aking paghinga dahil sa pagtindi ng pinaghalong inis at galit na aking nararamdaman pagkatapos na pagkatapos niyang magsalita na wala man lang kahit konting bahid ng pagsisisi kaya naman hindi ako halos makapaniwala habang namamangha ko siyang pinapanuod ngayon.The fuck! Is she for real?! “Seryoso ka ba?! ‘Yan lang ang sasabihin mo matapos mong halos sunugin na ang buong penthouse ko?!" nanggagalaiti kong tanong sa kanya. "You know what?! Huwag ka nang magsalita pa! I don't want to hear anything else you have to say! You're fired!" dugtong ko kaagad upang hindi ko na siya mabigyan pa ng chance na magsalita.Sunod-sunod na mura ang ginawa ko mula sa aking isipan nang tanging pagtango ng kanyang ulo at pa
Nickandra Nicole's POV Nakatayo ako ngayon sa harap ng aking full-length body mirror upang pagmasdan ang aking kabuuang ayos. My height is five feet eight inches kaya naman kitang-kita ko ang kabuuan ko mula sa malaki at mahabang salamin. Nakasuot ako ng isang kulay pulang large size blouse at itim na mahabang paldang tinernuhan ng isang kulay brown na makapal na sandals. Matapos kong mapagmasdan ang aking sarili ay naglakad naman ako papalapit ng aking vanity chair at doon naupo. Kaagad kong itinunghay ang aking mukha sa aking vanity mirror upang pagmasdan naman mula sa malapit ang ayos ng aking buong mukha. Mayroon akong kulay gatas na kutis, hugis arched na mga kilay, mahabang mga pilikmata, hugis almond at kulay asul na mga mata, matangos na ilong, at mapula at manipis na labi. Ngunit kinailangan kong baguhin ang ilan sa aking mga panlabas na kaanyuan kaya naman ilang linggo rin akong namalagi sa isang beach upang maging kulay kahoy ang aking balat at kinailangan ko ring gumam
Greg Iverson's POV"Thank you so much for coming, Greg! It's an honor!" I was enjoying my time alone with my wine when the woman in her mid-thirties who is a famous designer suddenly cheerfully talked to me and then gave me a kiss on both sides of my cheek."No problem, Bettina. Thank you also for inviting me here. I really did enjoy and I really liked your collections. You never really let us down when it comes to your masterpieces!" seryosong sagot ko sa kanya habang mayroon akong maliit na ngiti sa aking labi.Kaagad ko namang nakita ang mabilis na pagpula ng kanyang magkabilang pisngi dahil sa aking mga sinabi na hindi ko na lang isinatinig.I heard from other people that she's still single and she has feelings for me for a long time now, but I felt sorry for her because older women are not my type. I prefer women my age kaya kung ako sa kanya ay ilalaan ko na lang ang sarili ko sa ibang tao na alam kong may pag-asa ako at may mapapala ako, hindi 'yong magtitiis ako para lang mapa