Greg Iverson's POV
Naalimpungatan na lang ako nang may naramdaman akong parang dumampi sa aking balat, specifically sa may parteng pisngi ko kaya naman dahan-dahan kong naimulat ang aking mga mata.Noong una ay halos hindi ko pa maibuka ang mga 'yon ng maayos dahil galing pa ako sa napakalalim at napakahimbing na pagkakatulog ngunit nang magtagumpay ako ay kaagad tumambad sa akin ang what do they call it? Losyang? Yes! Tumambad sa akin ang losyang kong personal assistant, wearing again her big blouse and a long skirt with her fucking thick eyeglassess. Idagdag pa ang magulo nitong buhok.Hindi ba talaga marunong mag-ayos ang isang 'to at bakit nakayuko siya mula sa akin na halos magdikit na ang aming mga mukha?!"What the hell are you doing?! Why are you here inside my room?!"Kitang-kita ko ang pagkagulat na mabilis bumalatay sa kanyang mukha nang marinig niyang magsalita ako. Kaagad naman siyang lumayo mula sa akin at tumayo ng maayos sa gilid ng aking kama habang medyo nagpa-panic siya na parang nahuli siyang may ginagawang krimen."H-Hmm, gigisingin ko lang po sana k-kayo, Sir, dahil k-kakain na po. M-Magtatanghalian na rin po kasi, S-Sir," she stuttered nervously at nang bumaba ang aking paningin ay nakita kong pinaglalaruan niya ang kanyang mga daliri.Pagkatapos ng ilang segundo ay muling bumalik ang paningin ko sa kanyang mukha. Nandoon pa rin ang takot at kaba na parang anytime ay mahihimatay na lang siya. Tinitigan ko pa muna siya ng ilang segundo bago ko napagdesisyunan na magsalita."Okay. You can get out of my room now and next time, do not just enter my room without my fucking permission because what I hate the most is invading my privacy, especially that this is my own room and I own this home. Siguraduhin mo rin na matututo ka ng kumatok sa susunod dahil kung hindi ay maghanda ka ng maghanap ng bago mong trabaho dahil hinding-hindi ako magdadalawang isip na sisantehin ka," masungit at seryoso kong pahayag habang nakahiga pa rin ako sa aking kama."Y-Yes, S-Sir. P-Pasensya na po. H-Hindi na po m-mauulit," kinakabahan pa rin niyang sagot habang paulit-ulit na yumuyuko sa aking harapan. "L-Lalabas na po ako, S-Sir. N-Nakahanda na po ang t-tanghalian niyo. P-Pasensya na po t-talaga," dagdag pa niya bago siya gumalaw at talikuran ako.Nakasunod lang ang mga mata ko sa kanya habang naglalakad siya. Halos madapa-dapa pa nga siya sa paglabas ng aking silid kaya naman napailing-iling na lang ako.What a fucking clumsy woman!Bakit nga ba siya pa ang mismong napili kong personal assistant sa mga libo-libong nag-apply?! Kahit sarili ko ay hindi ko rin masagot. Basta pagkakita ko sa losyang niyang picture ay sinabi ko kaagad sa manager ko na siya ang gusto ko. Ilang araw pa lang naman siyang nagtatrabaho sa akin kaya naman sana ay hindi ko pagsisihan sa huli kahit na maraming beses na akong na-badtrip sa kanya.Akmang babangon na ako nang may maramdaman akong basa sa may bandang pisngi ko kaya awtomatikong gumalaw ang kamay ko patungo doon.Naglalaway ba ako kapag natutulog? Kelan pa? Pero paano 'to napunta sa aking pisngi kung panis na laway nga iyon?Pinunasan ko iyon gamit ang aking kamay at inamoy para makompirma.Walang iyong amoy kaya imposibleng panis na laway ito!Umiyak ba ako?Kinapa ko ang aking kabilang pisngi upang matingnan kung may basa din ba doon pero wala na mas lalong nagpadami ng katanungan sa aking isipan.Ang dami ko ng pinoproblema, dumagdag pa talaga 'to! Kaya naman habang naliligo ako at nagbibihis ay badtrip ako at natanggal lamang iyon nang maamoy ko ang inihandang ulam ng aking alalay.Chicken Curry, my all-time favorite!Parang naging hugis puso ang aking mga mata nang mas lalo ko iyong nalanghap at nakita matapos kong bumaba ng hagdanan. Mabilis akong naglaway at bago pa tuluyang tumulo iyon ay umupo na kaagad ako ngunit bago iyon ay napansin ko ang pagngiti at narinig ko ang hagikhik ng aking alalay kaya naman naibaling ko ang aking tingin mula sa kanya."Why the hell are you smiling and giggling?" seryosong tanong ko sa kanya.Mabilis naman siyang napatayo ng maayos mula sa kanyang kinatatayuan at kaagad umiling ng sunod-sunod at ang masaya lang niyang mukha kanina ay mabilis na ngayong napalitan ng kaba at takot."W-Wala po, S-Sir. P-Pasensya na p-po," she nervously answered habang nilalaro na naman niya ang kanyang mga daliri.I stared at her for a few seconds first before I took my eyes off her and just focus my attention on my favorite chicken curry.Pagkasandok ko ng ulam ay kaagad kong napansin na boneless chicken 'yon kaya muli ko siyang binalingan ng tingin upang magtanong."Did you cook this?""Y-Yes, Sir," mabilis niyang sagot. "M-May problema po ba? M-Mali po ba ang pagkakaluto ko?" kinakabahan pa rin niyang dagdag.Imbes na sagutin ang katanungan niya ay isa na namang tanong ang aking isinagot."How did you know that I prefer boneless chicken to chicken curry even though you have only just been working for me for a few days?""A-Ah, h-hmm, S-Sir Bryan told me about it p-po," she politely said and I just nodded my head as a response so that the conversation will not be too long anymore because I am really already hungry.Amoy na amoy ko talaga ang napakasarap na amoy ng chicken curry kaya naman mas lalo pang dumodoble ang excitement ko na matikman na iyon sa bawat segundong lumilipas.Hindi ko alam kung anong nag-udyok sa akin pero may lumabas na lang na mga salita mula sa aking bibig bago ako magsimulang kumain na sure akong hindi ko ginagawa sa mga naging personal assistant ko noon."Come here and sit with me, Miss Valencia. Join me and eat. Do not ask anything anymore because I do not want to hear any noise every time I eat , especially if it will comes from you," I said with finality and then decided to finally start eating and just a few seconds later, I already heard and felt her pulling the chair where she was going to sit.Nickandra Nicole's POVNagulat ako nang bigla na lang niya akong yayaing sumalo sa kanya sa hapagkainan kaya naman ilang segundo muna akong nabato mula sa aking kinatatayuan. Hindi ko talaga iyon inaasahan dahil simula nang magtrabaho ako sa kanya ay never niya akong inalok kumain o kahit sabayan pa siyang kumain. Palagi lang siyang tahimik at parang hangin lang ako sa kanya noon kaya naman hindi ko maiwasang hindi magtaka sa biglaang pagbabago ng trato niya sa akin.At bago pa niya ako mabulyawan ay naglakad na ako kaagad papalapit sa lamesa at naupo sa upuang malayo mula sa kanyang harapan matapos kong maka-recover sa nangyari.Tatayo na sana ulit ako upang makasandok na ng kanin at ulam dahil baka magalit siya kapag ipapaabot ko pa ang mga ito sa kanya nang bigla na lang akong napatigil sa paggalaw nang magsalita na naman siya."Are you dumb, Miss Valencia?! May malubha ba akong sakit para diyan ka maupo sa malayo, ha?!" galit na tanong nito na nakapagpakaba na naman sa akin.Bakit
"H-Hindi po, Sir. M-May naalala lang po ako b-bigla. Hindi ko po kayo p-pinagtatawanan," kaagad kong paliwanag dahil baka mas lalo pa siyang ma-badtrip sa akin.Ilang segundo niya muna akong tinitigan bago siya nagpatuloy sa pagkain. Ako nama'y mas napili ko na lang manahimik at hindi makagawa ng anumang ingay dahil baka mabulyawan na naman niya ako.Ultimo pagnguya ko pati ang pagsandok ko ng pagkain ay dahan-dahan din dahil ayaw ko na naman siyang ma-beast mode.Dahil sa nangyari ay sobrang tahimik ng buong paligid habang kami ay kumakain. Hindi na rin ako nagtangka na nakawan siya ng tingin at mas napili ko na lang ibigay ang buong atensyon ko sa aking kinakain kahit na ang totoo ay kating-kati na akong masulyapan muli siya.Napaangat lang ako ng tingin nang marinig ko ang paggalaw ng kanyang upuan at nang magtama ang aming mga mata ay nakatayo na siya."Clean my room when you are already done with everything that you have to do. I'm just going to work out," seryoso niyang saad hab
Halos hindi na ako makahinga ng maayos habang magkadikit ang aming mga katawan. Idagdag pa na halos magdikit na rin ang aming mga mukha habang lapat na lapat ang mga kamay ko sa kanyang hubad at matigas na dibdib. Ang kanyang mga kamay ay ramdam na ramdam ko mula sa aking baywang habang ang mga mata namin ay nakatitig sa isa't-isa at dahil mas matangkad siya sa akin ay nakayuko siya ngayon.At sa muling pagkakataon, kaagad ko na namang naramdaman ang kirot mula sa aking puso habang nagsisimula na ring magbadya ang aking mga luha, umaasang magkakaroon ng milagro at titigil ang oras para lang mas matagal pa niya akong mayakap ng ganito.Alam kong napakaimposibleng mangyari ng bagay na 'yon kaya naman nang makita kong kumunot na ang noo ni Greg at dumapo na ang kanyang mga mata sa mga kamay kong nagpapahinga sa kanyang dibdib ay mabilis na rin akong humiwalay sa kanya kahit na ang totoo ay labag na labag 'yon sa aking kalooban.Kaagad akong lumuhod upang pulutin ang mga gamit na nabitaw
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at dali-dali na akong tumakbo pabalik sa kanya. "G-Greg! G-Greg! B-Bakit? A-Anong nangyayari sa'yo?" nag-aalala kong tanong habang nakaluhod na rin ako sa sahig at walang pakialam kahit ang totoong boses ko na ang ginagamit ko.Pagkatapos kong magsalita ay muli na naman siyang napasigaw sa sakit na mas lalo pang nagpalala ng takot at kaba na aking nararamdaman."A-Anong nangyayari, G-Greg? S-Sumasakit ba ang u-ulo mo ng sobra? G-Gusto mong dalhin na kita sa o-ospital?" sunod-sunod kong tanong habang hindi na rin ako mapakali.Hindi ko alam kung saan ko siya hahawakan habang halos mahiga na siya sa sahig habang namimilipit sa sakit at habang pinapanuod ko siya ay hindi ko namalayan na umiiyak na naman pala ako.Sa nanginginig na kamay ay sinikap kong kunin mula sa aking bulsa ang aking telepono upang tumawag na ng ambulansya. Kahit pala may training ka na katulad sa mga pangyayaring ganito ay hindi mo mapipigilang hindi mag-panic at matakot kapag mah
Nang makalabas ako ng elevator ay kaagad kong hinanap ang room number na sinend sa akin ni Aurea. Hindi naman ako nahirapang hanapin iyon dahil nakita ko naman kaagad at imbes na buksan ko ang pinto at pumasok ako sa loob ay mas napili kong maupo muna sa upuan na nasa gilid kahit na ang totoo ay gustong-gusto ko ng pumasok para makita ko ang lagay ni Greg.Ang sabi ni Aurea ay kinakausap pa rin niya sa loob ang mga magulang ni Greg kasama si Sir Bryan kaya hihintayin ko munang may lumabas sa kanila bago ako pasimpleng papasok.Nang ilang minuto pa ang lumipas at hindi pa rin bumubukas ang pinto ay tumayo muna ako at naglakad-lakad upang hindi ako tuluyang ma-bored.Hindi na rin ako medyo nagpakalayo-layo at sa harapan na lang din ng silid ako naglakad-lakad. Habang nagpapabalik-balik ako ay marami pa ring tumatakbo sa aking isipan at lahat ng 'yon ay tungkol sa kalagayan ni Greg.Gusto ko ng malaman kung ano na ang lagay niya, kung okay na ba siya, at kung ano ang nangyari sa kanya at
Naalimpungatan na lang ako nang marinig ko ang malakas na pagsara ng pinto. Nang mabuksan ko ang aking mga mata ay kulay puting ceiling ang sumalubong sa akin at ilang segundo pa muna bago ko na-realize na nakahiga pala ako sa isang hospital bed.Kung wala pa akong narinig na nagsasalita mula sa bandang kanan ko ay hindi ako mapapalingon doon. Kaagad kong nakita si Aurea na parang pinagsasabihan si Leigh and as usual, parang walang pakialam na naman si Leigh sa mga sinasabi nito na nakapagpailing at nakapagpangiti sa akin at pagkatapos kong gawin 'yon ay bigla na lang akong nakaramdam ng kirot mula sa aking ulo at nang dalhin ko doon ang kanan kong kamay ay saka ko pa lang na-realize na mayroon pala akong benda sa aking ulo.Nang marinig nila ang aking pagdaing ay kaagad silang tumakbo papalapit sa akin habang mayroong pag-aalala sa kanilang mga mata nang tingnan ko sila."How are you feeling, Nickandra? Do you want anything? Sumasakit pa rin ba ang ulo mo?" sunod-sunod na tanong kaag
Greg Iverson's POV"Napakatanga mo namang babae ka! Bakit ang clumsy-clumsy mo! First day mo pa lang sa trabaho ganyan ka na! Pulutin mo ang mga 'yan! Saang lupalop mo na naman ba nakuha ang isang 'to, ha, Bryan?!"Biglang nagising na lang ang diwa ko nang may narinig akong nagbubulungan at base sa pagkakaalam ko ay boses iyon ni mommy.Pagkabukas ko ng aking mga mata ay bigla na lang akong nasilaw kaya napatakip ako kaagad ng aking mga mata at ilang sandali lang ay nakarinig ako ng mga yabag na papalapit kung nasaan ako."Greg, son?! I'm so glad you're awake now! How are you feeling, anak? Is your head still aching? Do you need anything? Are you hungry?" sunod-sunod na tanong ni mommy na animo'y wala ng bukas. "What's wrong with you, son? Why are you covering your eyes?" nag-aalala niyang dagdag at bago pa tuluyang lumala ang paghi-hysterical niya ay dahan-dahan ko ng inalis ang aking braso mula sa aking mga mata."Greg, son, can you hear me?! Why are you not answering?! You cannot he
Hindi ko alam kung ilang minuto, oras, o kung gaano katagal akong nawalan ng malay. Basta na lang bumukas ang aking mga mata kahit na wala naman akong narinig na anumang ingay na maaaring makapagpagising sa akin mula sa mahimbing kong pagkakatulog.Pagkabukas na pagkabukas ko ng aking mga mata ay katahimikan kaagad ang unang sumalubong sa akin. Ilang segundo muna akong natulala sa kawalan bago ako nakapag-decide na igala ang aking mga mata sa buong paligid at nang dumapo ang aking mga mata sa bandang kaliwa ko ay nakita kong natutulog si Mommy sa kabilang kama na halos katabi lang ng kamang hinihigaan ko ngayon.Nang igala ko pa ang aking mga mata sa ibang parte ng hospital room ay nakita ko naman si Bryan na natutulog sa mahabang sofa. Kahit na ang tanging nagbibigay lang ng liwanag sa buong silid ay ang lamp na nasa bedside table malapit sa akin ay malinaw ko pa rin silang nakikita at naaaninag.Hindi nakaligtas sa aking mga mata ang built in clock na nakadikit sa dingding at mabili