Nickandra Nicole's POV
Isang linggo na ang lumipas simula nang makapasa ako sa interview at matanggap ako bilang personal assistant ni Greg, at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ako ang napili ng management nila.Sobrang dami talaga kasing nag-apply kaya nang makita ko kung gaano kami kadami ay mabilis akong nawalan ng pag-asa ngunit nagdasal pa rin ako at abot langit ang aking pasasalamat nang tawagan nila ako at sabihing sa libo-libong nag-apply ay ako ang bukod tanging napili nila upang maging P.A ni Greg.Sa isang linggo kong pagtatrabaho kay Greg ay hindi ako nahirapan, dahil kahit sa 12 months lang na pinagsamahan at relasyon namin noon ay lubos na kaagad naming nakilala ang isa't-isa. Noon pa kasi talaga ay ako na talaga ang nag-aayos at nag-iintindi ng mga gamit niya. Kagaya ngayon, nandito ako sa kanyang penthouse habang siya ay natutulog pa rin dahil mamayang ala-una pa naman ng hapon ang lakad namin.Pagkapasok ko pa lang kanina ay hindi na ako nagulat na nakakalat ang kanyang mga damit sa may sofa dahil noon pa man ay ganoon na talaga siya sa mga gamit niya.Isa-isa ko iyong dinampot at inilagay sa hawak kong itim na lamugan at dinala sa kung nasaan ang washing machine at nilabhan iyon doon.Alam kong hindi niya alam na ako ang naglalaba ng mga damit niya nitong nakaraang linggo dahil ayaw ko talagang ipaalam sa kanya dahil baka magtanong lang siya ng magtanong. Ang alam lang niya ay pinapa-laundry ko. Noon pa man din kasi ay kahit ayaw niya ay ako ang naglalaba ng mga damit namin at nagluluto para sa amin.Napangiti ako ng mapait nang maalala ko ang magagandang mga alaala naming iyon noong magkasama pa kami.Mararanasan at mangyayari pa kaya ulit ang mga iyon? I hope so...Matapos kong mai-dryer at maisampay ang kanyang mga damit ay nagtungo na ako sa kusina upang magluto. Ang lulutuin ko ngayon ay ang paborito niyang Chicken Curry. Mabuti na lang talaga at kumpleto na ang mga gamit dito sa penthouse niya.Sa sobrang sanay ko nang ipagluto si Greg ng Chicken Curry ay mabilis kaagad akong natapos. Ang ginamit kong manok ay boneless dahil tamad maghimay si Greg pagdating sa mga pagkaing may buto kaya naman ako madalas ang naghihimay para sa kanya noon.Matapos kong maghain at mailagay sa malaking bowl ang aking niluto ay umakyat na ako sa kwarto ni Greg upang gisingin siya dahil mag-aalas onse na rin ng umaga.Balak ko sanang gisingin siya kanina upang makapag-breakfast siya ngunit nagbago rin kaagad ang isip ko dahil alam kong mas kailangan niyang magpahinga dahil sa naging project niya kagabi.Nang nasa tapat na ako ng kanyang silid ay kumatok muna ako ng tatlong beses, at nang muli akong kumatok ng dalawa pa pero wala pa ring response ay napagdesisyunan ko nang pumasok.Dahan-dahan pa ang ginawa kong pagbukas ng pinto upang hindi makagawa ng anumang ingay at nang tuluyan ko ng mabuksan iyon ay kaagad na sumalubong sa akin ang napakapamilyar na mabangong amoy ng kanyang perfume na ako pa mismo ang pumili nang mga panahong magkasama pa kami.Madilim ang buong paligid at tanging ang lamp shade lang mula sa gilid ng kanyang kama ang nagbibigay ng liwanag sa buong silid.Mabilis kong naaninag ang kanyang bulto sa ibabaw ng kanyang kama, at katulad ng dati ay napakarami niya pa ring unan na nakapalibot sa kanya kahit na ang iba ay hindi na niya nahihigaan o nadadantayan.Parang may sariling buhay ang aking mga paa dahil naramdaman ko na lang na dahan-dahan na pala akong naglalakad palapit sa direksyon ng kanyang kama at nang makarating na ako roon ay hindi na ako nagsayang pa ng oras at mabilis na akong naupo.Kakaupo ko pa lang ngunit mabilis ko kaagad naramdaman ang paglabo ng aking mga mata at pagbara ng aking lalamunan.Pinagmamasdan ko lang ang kanyang mukha habang mahimbing siyang natutulog. Paminsan-minsan pang nangungunot ang kanyang noo kaya mas lalo siyang nagmumukhang masungit. Maging sa pagtulog niya talaga ay dala-dala niya ang aura niyang ganito.Makalipas ang ilang minuto ay napagdesisyunan kong iangat ang aking kanang kamay ng dahan-dahan, at pagkalapat na pagkalapat pa lang ng aking kamay sa kanyang pisngi ay napapikit ako at mas lalo pang nangilid ang aking mga luha.Pagkamulat na pagkamulat ng aking mga mata ay siya ring pagbuhos ng aking mga luha. Mas lalo pang nagbara ang aking lalamunan at kasabay niyon ang pagkirot ng aking puso na parang paulit-ulit akong sinasaksak mula doon. Halos abot langit ang pagpipigil ko sa aking paghikbi upang hindi makagawa ng anumang ingay dahil baka magising na lang siya bigla.Ilang sandali pa ay hindi ko na rin napigilan pa ang aking sarili nang unti-unti ko na lang ilapit ang aking mukha papalapit sa kanya upang mahalikan ko siya mula sa kanyang labi at nang maglapat ang mga ito ay dinama at ninamnam ko muna dahil it's been two years since I got to hold him, kiss him, and be with him this close.I missed you, Greg. I missed you so much, my husband... and it hurts like hell knowing that I can reach you but you still seem to be far away because you can't still remember who I am in your life...I am Nickandra, Greg... your wife. Please, remember me...Habang magkalapat ang aming mga labi ay walang tigil pa rin sa pagbuhos ang aking mga luha na animo'y gripo ang aking mga mata habang paulit-ulit kong pinagdadasal na sana maalala mo na ako.Kung kaya ko lang talagang patigilin ang oras para lang mas mahawakan at makasama ko siya ng mas matagal ay gagawin ko ng walang pagdadalawang isip.Pinaghiwalay ko muna sandali ang aming mga labi upang humagilap ng hangin at makalipas lang ang ilang segundo ay akmang muli kong ilalapat ang akin sa kanya ang bigla na lang magmulat ang kanyang mga mata at bigla siyang magsalita na nakapagpagulat at nakapagpabato sa akin mula sa aking kinauupuan."What the hell are you doing?!"Greg Iverson's POV Naalimpungatan na lang ako nang may naramdaman akong parang dumampi sa aking balat, specifically sa may parteng pisngi ko kaya naman dahan-dahan kong naimulat ang aking mga mata. Noong una ay halos hindi ko pa maibuka ang mga 'yon ng maayos dahil galing pa ako sa napakalalim at napakahimbing na pagkakatulog ngunit nang magtagumpay ako ay kaagad tumambad sa akin ang what do they call it? Losyang? Yes! Tumambad sa akin ang losyang kong personal assistant, wearing again her big blouse and a long skirt with her fucking thick eyeglassess. Idagdag pa ang magulo nitong buhok. Hindi ba talaga marunong mag-ayos ang isang 'to at bakit nakayuko siya mula sa akin na halos magdikit na ang aming mga mukha?! "What the hell are you doing?! Why are you here inside my room?!" Kitang-kita ko ang pagkagulat na mabilis bumalatay sa kanyang mukha nang marinig niyang magsalita ako. Kaagad naman siyang lumayo mula sa akin at tumayo ng maayos sa gilid ng aking kama habang medyo nagpa-
Nickandra Nicole's POVNagulat ako nang bigla na lang niya akong yayaing sumalo sa kanya sa hapagkainan kaya naman ilang segundo muna akong nabato mula sa aking kinatatayuan. Hindi ko talaga iyon inaasahan dahil simula nang magtrabaho ako sa kanya ay never niya akong inalok kumain o kahit sabayan pa siyang kumain. Palagi lang siyang tahimik at parang hangin lang ako sa kanya noon kaya naman hindi ko maiwasang hindi magtaka sa biglaang pagbabago ng trato niya sa akin.At bago pa niya ako mabulyawan ay naglakad na ako kaagad papalapit sa lamesa at naupo sa upuang malayo mula sa kanyang harapan matapos kong maka-recover sa nangyari.Tatayo na sana ulit ako upang makasandok na ng kanin at ulam dahil baka magalit siya kapag ipapaabot ko pa ang mga ito sa kanya nang bigla na lang akong napatigil sa paggalaw nang magsalita na naman siya."Are you dumb, Miss Valencia?! May malubha ba akong sakit para diyan ka maupo sa malayo, ha?!" galit na tanong nito na nakapagpakaba na naman sa akin.Bakit
"H-Hindi po, Sir. M-May naalala lang po ako b-bigla. Hindi ko po kayo p-pinagtatawanan," kaagad kong paliwanag dahil baka mas lalo pa siyang ma-badtrip sa akin.Ilang segundo niya muna akong tinitigan bago siya nagpatuloy sa pagkain. Ako nama'y mas napili ko na lang manahimik at hindi makagawa ng anumang ingay dahil baka mabulyawan na naman niya ako.Ultimo pagnguya ko pati ang pagsandok ko ng pagkain ay dahan-dahan din dahil ayaw ko na naman siyang ma-beast mode.Dahil sa nangyari ay sobrang tahimik ng buong paligid habang kami ay kumakain. Hindi na rin ako nagtangka na nakawan siya ng tingin at mas napili ko na lang ibigay ang buong atensyon ko sa aking kinakain kahit na ang totoo ay kating-kati na akong masulyapan muli siya.Napaangat lang ako ng tingin nang marinig ko ang paggalaw ng kanyang upuan at nang magtama ang aming mga mata ay nakatayo na siya."Clean my room when you are already done with everything that you have to do. I'm just going to work out," seryoso niyang saad hab
Halos hindi na ako makahinga ng maayos habang magkadikit ang aming mga katawan. Idagdag pa na halos magdikit na rin ang aming mga mukha habang lapat na lapat ang mga kamay ko sa kanyang hubad at matigas na dibdib. Ang kanyang mga kamay ay ramdam na ramdam ko mula sa aking baywang habang ang mga mata namin ay nakatitig sa isa't-isa at dahil mas matangkad siya sa akin ay nakayuko siya ngayon.At sa muling pagkakataon, kaagad ko na namang naramdaman ang kirot mula sa aking puso habang nagsisimula na ring magbadya ang aking mga luha, umaasang magkakaroon ng milagro at titigil ang oras para lang mas matagal pa niya akong mayakap ng ganito.Alam kong napakaimposibleng mangyari ng bagay na 'yon kaya naman nang makita kong kumunot na ang noo ni Greg at dumapo na ang kanyang mga mata sa mga kamay kong nagpapahinga sa kanyang dibdib ay mabilis na rin akong humiwalay sa kanya kahit na ang totoo ay labag na labag 'yon sa aking kalooban.Kaagad akong lumuhod upang pulutin ang mga gamit na nabitaw
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at dali-dali na akong tumakbo pabalik sa kanya. "G-Greg! G-Greg! B-Bakit? A-Anong nangyayari sa'yo?" nag-aalala kong tanong habang nakaluhod na rin ako sa sahig at walang pakialam kahit ang totoong boses ko na ang ginagamit ko.Pagkatapos kong magsalita ay muli na naman siyang napasigaw sa sakit na mas lalo pang nagpalala ng takot at kaba na aking nararamdaman."A-Anong nangyayari, G-Greg? S-Sumasakit ba ang u-ulo mo ng sobra? G-Gusto mong dalhin na kita sa o-ospital?" sunod-sunod kong tanong habang hindi na rin ako mapakali.Hindi ko alam kung saan ko siya hahawakan habang halos mahiga na siya sa sahig habang namimilipit sa sakit at habang pinapanuod ko siya ay hindi ko namalayan na umiiyak na naman pala ako.Sa nanginginig na kamay ay sinikap kong kunin mula sa aking bulsa ang aking telepono upang tumawag na ng ambulansya. Kahit pala may training ka na katulad sa mga pangyayaring ganito ay hindi mo mapipigilang hindi mag-panic at matakot kapag mah
Nang makalabas ako ng elevator ay kaagad kong hinanap ang room number na sinend sa akin ni Aurea. Hindi naman ako nahirapang hanapin iyon dahil nakita ko naman kaagad at imbes na buksan ko ang pinto at pumasok ako sa loob ay mas napili kong maupo muna sa upuan na nasa gilid kahit na ang totoo ay gustong-gusto ko ng pumasok para makita ko ang lagay ni Greg.Ang sabi ni Aurea ay kinakausap pa rin niya sa loob ang mga magulang ni Greg kasama si Sir Bryan kaya hihintayin ko munang may lumabas sa kanila bago ako pasimpleng papasok.Nang ilang minuto pa ang lumipas at hindi pa rin bumubukas ang pinto ay tumayo muna ako at naglakad-lakad upang hindi ako tuluyang ma-bored.Hindi na rin ako medyo nagpakalayo-layo at sa harapan na lang din ng silid ako naglakad-lakad. Habang nagpapabalik-balik ako ay marami pa ring tumatakbo sa aking isipan at lahat ng 'yon ay tungkol sa kalagayan ni Greg.Gusto ko ng malaman kung ano na ang lagay niya, kung okay na ba siya, at kung ano ang nangyari sa kanya at
Naalimpungatan na lang ako nang marinig ko ang malakas na pagsara ng pinto. Nang mabuksan ko ang aking mga mata ay kulay puting ceiling ang sumalubong sa akin at ilang segundo pa muna bago ko na-realize na nakahiga pala ako sa isang hospital bed.Kung wala pa akong narinig na nagsasalita mula sa bandang kanan ko ay hindi ako mapapalingon doon. Kaagad kong nakita si Aurea na parang pinagsasabihan si Leigh and as usual, parang walang pakialam na naman si Leigh sa mga sinasabi nito na nakapagpailing at nakapagpangiti sa akin at pagkatapos kong gawin 'yon ay bigla na lang akong nakaramdam ng kirot mula sa aking ulo at nang dalhin ko doon ang kanan kong kamay ay saka ko pa lang na-realize na mayroon pala akong benda sa aking ulo.Nang marinig nila ang aking pagdaing ay kaagad silang tumakbo papalapit sa akin habang mayroong pag-aalala sa kanilang mga mata nang tingnan ko sila."How are you feeling, Nickandra? Do you want anything? Sumasakit pa rin ba ang ulo mo?" sunod-sunod na tanong kaag
Greg Iverson's POV"Napakatanga mo namang babae ka! Bakit ang clumsy-clumsy mo! First day mo pa lang sa trabaho ganyan ka na! Pulutin mo ang mga 'yan! Saang lupalop mo na naman ba nakuha ang isang 'to, ha, Bryan?!"Biglang nagising na lang ang diwa ko nang may narinig akong nagbubulungan at base sa pagkakaalam ko ay boses iyon ni mommy.Pagkabukas ko ng aking mga mata ay bigla na lang akong nasilaw kaya napatakip ako kaagad ng aking mga mata at ilang sandali lang ay nakarinig ako ng mga yabag na papalapit kung nasaan ako."Greg, son?! I'm so glad you're awake now! How are you feeling, anak? Is your head still aching? Do you need anything? Are you hungry?" sunod-sunod na tanong ni mommy na animo'y wala ng bukas. "What's wrong with you, son? Why are you covering your eyes?" nag-aalala niyang dagdag at bago pa tuluyang lumala ang paghi-hysterical niya ay dahan-dahan ko ng inalis ang aking braso mula sa aking mga mata."Greg, son, can you hear me?! Why are you not answering?! You cannot he