Greg Iverson's POV
"Thank you so much for coming, Greg! It's an honor!" I was enjoying my time alone with my wine when the woman in her mid-thirties who is a famous designer suddenly cheerfully talked to me and then gave me a kiss on both sides of my cheek."No problem, Bettina. Thank you also for inviting me here. I really did enjoy and I really liked your collections. You never really let us down when it comes to your masterpieces!" seryosong sagot ko sa kanya habang mayroon akong maliit na ngiti sa aking labi.Kaagad ko namang nakita ang mabilis na pagpula ng kanyang magkabilang pisngi dahil sa aking mga sinabi na hindi ko na lang isinatinig.I heard from other people that she's still single and she has feelings for me for a long time now, but I felt sorry for her because older women are not my type. I prefer women my age kaya kung ako sa kanya ay ilalaan ko na lang ang sarili ko sa ibang tao na alam kong may pag-asa ako at may mapapala ako, hindi 'yong magtitiis ako para lang mapansin ako kahit na magmumukha lang naman talaga akong tanga sa huli.I'm not stupid enough not to notice all her efforts so that we can be close to each other since the very beginning that I entered this industry. Sa lahat ng mga naging projects ko including different photoshoots that I had ay palagi siyang present at sa lahat ng 'yon ay palagi niyang pinipilit sa amin na gawin namin siyang sponsor. Sponsor ng mga susuotin ko and sponsor din ng pamasahe ko everytime na mayroon akong travel, work related man o hindi.In the one year that we knew each other, I stayed professional and I have no intention of changing that or even leveling it up even in the future because I don't get attracted so easily to woman, especially when they are a little far from my age."Thank you for the compliment, Greg!" she said sweetly and happily. "By the way, happy first anniversary in your modeling career! You have come a long way! Isang taon ka pa lang pero sikat na sikat ka na kaagad sa buong mundo! You're even the highest-paid model and I am very happy because I have been a part of your journey from the very beginning!" namamangha at nagmamalaki niyang saad sa akin.Tumango at muling ngumiti na lang ako sa kanya ng maliit bilang sagot sa kanyang mga sinabi.I am really already d*mn tired! Katatapos lang ng ramp namin at photoshoot naman dito sa backstage kaya naman ganito na ako kawalang gana makipag-usap.Mukhang napansin naman niya kaagad ang pagod at puyat sa aking mukha kaya naman mabilis na rin siyang nagpaalam sa akin kahit na obvious na obvious naman mula sa kanyang reaksyon na gusto pa niyang makipag-usap sa akin."Thank you so much again, Greg, and have a safe flight," dagdag pang paalam nito bago ako tuluyang tinalikuran at nakipag-usap sa ibang tao.Ako nama'y pagod na pagod na naglakad pabalik ng sarili kong dressing room habang nararamdaman ko na ang pagbigat ng aking mga talukap.Finally! New York Fashion Week is done!It was really a tiring week! I can't f*cking wait to hug my pillows and sleep on my own bed!Sa aking paglalakad ay may mga nakasalubong pa akong mga co-models ko na nagawa pang magpa-picture sa akin. May mga ilang fans na ganoon din ang ginawa at ang iba ay nagpa-autograph pa na hindi ko naman nahindian dahil ayaw kong maisip nila na snob ako or masama ang ugali ko, kahit na sa loob-loob ko ay ramdam na ramdam ko kung gaano na talaga ako ka-drain at kapagod na parang anytime ay babagsak na lang ako.Nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng aking dressing room ay mabilis bumungad sa aking paningin ang mga regalo mula sa aking mga fans: flowers, letters, branded perfumes, and chocolates.Buti na lang at ako na lang mag-isa ang nasa loob ng sarili kong dressing room para wala na rin munang istorbo at para makapagpahinga rin ako ng mas maayos.Hindi ko muna pinansin ang mga regalong 'yon at nagdire-diretso pa ako sa aking paglalakad. Nang nasa harapan na ako ng malaking sofa ay mabilis akong dumapa doon at pumikit upang makapag-relax kahit ilang minuto man lang.Damn it! I am really f*cking exhausted!Naramdaman ko naman kaagad ang mad lalong pagbigat ng talukap ng aking mata dahil sa dulot na sarap at lambot ng sofa na kinahihigaan ko.Makakatulog na sana ako ng tuluyan nang bigla na lang mag-vibrate at mag-ring ang phone ko na nasa aking bulsa. Hahayaan ko na lang sana iyon kung hindi lang nagpaulit-ulit sa pagtunog kaya naman nawalan na rin ako ng choice kung hindi kunin na ang aking telepono at sagutin na lang ang tawag.Mapungay-pungay pa ang aking mga mata kaya naman hindi ko na natingnan ng maayos kung sino ang caller."Hmmm," pambungad kong bati dito."I'm so sorry, son! Did I disturb your sleep?" nag-aalalang pahayag mula sa kabilang linya.So, it's mommy..."Yes, Mom." Hikab ko pa."I'm sorry, son! I'm just too excited to ask you questions about what happened there! How's New York Fashion Week, anak? We watched you on television and you're so amazing! We're so proud of you! Did you enjoy ba, anak?" sunod-sunod na tanong nito na kaagad nakapagpangiti sa akin.Medyo nabawasan rin ng konti ang pagod ko nang marinig kong proud sila sa akin.Masarap sa pakiramdam pero..."Thank you, Mom. New York Fashion Week was okay and enjoyable but... so tiring, Mom," mabigat na buntong hininga ko sabay sandal sa sofa at sabay pikit pa ng aking mga mata. Hoping that she can also feel how exhausted I am from the other line even though we are miles away from each other.Bago pa siya muling makapagsalita ay inunahan ko na siya."Can I quit now with this modeling, Mom? Isang taon lang po ang pinag-usapan natin tungkol dito. I'll just be back managing our company. I am happier there Mom, and at the same time, I can handle my time, not like this. Sobrang nahihirapan na po kasi ako. And I feel like I'm not really like this, that I am not belong to this craft. I also feel like something is missing inside me in the passing days," problemadong pakiusap ko na sa kanya.Totoo iyon, sa mga nakalipas na mga buwan ng pagiging modelo ko ay naramdaman kong parang hindi na ako ang sarili ko at naramdam ko rin na parang may kulang sa akin. Nami-miss ko na rin ang pakikipag-usap sa mga empleyado ko mas lalo na ang pakikipagkompetensya ko sa mga kalaban ko sa business industry. Gusto ko na muling bumalik at katakutan ng mga kalaban ko sa negosyo. Hindi 'yong ganito.Nilakasan ko na talaga ang loob ko ngayon para sabihin ang mga 'yon kay mommy. Pinagbigyan ko lang naman siya sa gusto niyang 'to, ang maging model ako kahit isang taon lang matapos ang nangyaring aksidente sa akin. I agreed to her request right away because I love her and I want to make her happy even though I don't know exactly her reasons why she suddenly want me to enter modeling after I recovered from that accident.Buong akala ko nga ay tuluyan kong mamahalin ang modeling sa nagdaang mga buwan ngunit hindi talaga. Mas hinahanap-hanap pa rin ng katawan ko ang trabaho ko sa sariling kompanya namin. Masaya naman maging modelo at marami ka ring makikilalang mga sikat at mabibigat na personalidad ngunit nakakapagod lang talaga. Siguro nga ay hindi lang para sa akin ang modeling na ito ang pag-lead ng kompanya namin ang calling ko.Ilang segundo munang hindi nakapagsalita si mommy matapos kong sabihin ang lahat ng iyon bago ko narinig ang mabigat niyang buntong hininga mula sa kabilang linya."Let's just talk about it once you get back here, anak. Have a safe flight, okay? We love you and see you tomorrow," biglang lumbay na sagot ni mommy.Napaisip naman tuloy ako. Ayaw kong maging malungkot at disappointed sa akin si mommy dahil sa gagawin kong desisyon ngunit lalo lang akong mahihirapan dahil hindi naman na ako masaya sa pagmomodelo kong 'to. Pinagbigyan ko lang talaga siya sa gusto niya at sa tingin ko ay dapat ko nang gawin at sundin ang gusto ko this time.I'm sorry, Mommy..."Okay, Mom. I love you, too. Mag-iingat din po kayo diyan. See you when I get back," paalam ko at nakadalawang beses pa muna siyang sabi na mag-iingat raw ako bago niya tuluyang pinatay ang tawag.Nang maibaba ko na ang aking cellphone ay napabuntong hininga na lang ako sabay libot ng aking paningin sa buong paligid.Wow! It's really been a year since I entered modeling. Napakabilis ng oras, parang kelan lang noong nagsisimula pa lang ako.Halos mapuno na ang buong dressing room ko dahil sa mga bouquets, letters, chocolates, and gifts galing sa mga taong humahanga at nagmamahal sa akin.Nilapitan ko ang mga 'yon at pinagmasdan muna bago ko inutusan ang aking mga bodyguards na dalhin na ang lahat ng mga 'yon sa loob ng sarili kong eroplano na sasakyan namin pabalik ng Pilipinas.Ewan ko ba pero simula pa noong una talaga ay palagi ko ng inuuwi ang mga ganitong ibinibigay sa akin ng mga tagahanga ko kahit na bilang isang lalaki ay hindi naman talaga ako masyadong mahilig sa flowers at chocolates. Ang mga letters at gifts naman na galing din sa kanila ay pinagawan ko ng sariling room sa penthouse ko para sama-sama lang ang mga 'yon doon at kapag may libreng oras ako ay binabasa ko isa-isa. Iniisip ko pa lang kasi na itapon ang mga 'to ay parang nalulungkot na ako kaya naman ang ibang chocolates at flowers ay idino-donate ko na lang sa mga bahay ampunan para sa mga bata.Matapos naming magpaalam ng manager ko sa mga designers at organizers ay dumiretso na rin kami sa loob ng plane.Alas-kwatro ng madaling-araw na rin kaming natapos kaya naman naramdaman ko kaagad pagkasakay namin sa loob ng eroplano ang bigat ng aking pakiramdam dulot ng sobrang pagod dahil sa mga ginawa namin. Naging worth it naman ang lahat lalong-lalo na ang naging preparations namin para lang sa fashion week na 'to dahil sa naging maganda at successful na outcome.Finally! After months, makakauwi na rin ako ng Pilipinas!"Greg, nakapag-announce na ang management kanina na hiring tayo para sa magiging personal assistant mo. Sana lang ay may ma-qualified kaagad para hindi maging mahirap sa atin. Nakakainis naman kasi 'yang Elena na 'yan eh!" problemadong-problemadong saad ng manager ko na ikinatawa ko na lang.Paano ba naman kasi, si Elena na saktong isang taon ko na sana ngayong personal assistant ay sumama kanina lang sa isang foreigner na kanina lang din niya nakilala. Tanging isang text lang sa akin ang iniwan niya at ni hindi man lang nagpaalam lalo na kay Sir Bryan na manager ko kaya naman ganito na lang 'to kung manggalaiti sa galit kaninang-kanina pa. Buti na lang talaga at patapos na ang fashion week bago nakipagtanan si Elena dahil kung hindi, paniguradong pare-pareho kaming nalintikan at pumalpak. Tanging siya lang kasi ang nakakaalam at nag-iintindi ng mga gamit ko lalo na ng mga susuotin ko.Ang galing din ng ginawa niya, ah? Mukhang pinaghandaan.Napailing-iling na lang ako at naging masaya na rin para kay Elena dahil hindi na rin naman siya bumabata.Ang nagagawa nga talaga ng pag-ibig sa mga tao, oh...Ilang minuto muna akong nanuod mula sa labas ng bintana ng eroplano bago ako tuluyang tangayin ng antok.The flight was long and I was actually just slept the whole time. From seventeen hours and thirty-one minutes of hours for travel, I was really asleep, but when we landed and I already woke up, I still felt so sleepy.Grabe 'yong tindi ng pagkaantok ko. Ang haba na ng oras na itinulog ko pero kulang na kulang pa rin.Pagkababa ko ng plane ay nandoon at nakaabang na kaagad ang mga media. Wala talaga silang pinapalampas na oras kahit alas-nuebe na ng gabi. Nagtutulakan pa ang iba sa kanila, ayaw magpaawat at gusto pang makalapit sa akin ngunit pinipigilan sila ng mga bodyguards ko.Ngumiti at kumaway na lang ako sa kanila kahit nagugutom at inaantok na ako bago ako tuluyang pumasok ng aking black limousine.Buti na lang talaga at binilhan na nila ako ng pagkain bago pa ako dumating. Halos maubos ko tuloy ang ibinili nila sa aking pizza, fries, spaghetti, at fried chicken sa loob ng sasakyan. Ilang buwan ko rin kasing tiniis na huwag kumain ng mga pagkaing may fats and calories, at sa wakas, matapos ang ilang buwan na pagtitiis at pagsasakripisyo, nakakain na rin ako ng mga ganitong uri ng pagkain!Nang makarating na kami sa penthouse ko ay hindi ko na sila hinintay pa na matapos sa paghahakot ng aking mga gamit dahil inaantok na naman talaga ako.Mabilis akong pumasok sa aking penthouse at kagaya sa simula nang makalabas ako ng hospital ay palaging tanging katahimikan at kalungkutan na lang ang sumasalubong sa akin sa bahay kong 'to.Nag-shower muna ako, nagbihis ng sando at boxer shorts bago ako tuluyang nahiga sa aking malambot na kama at bago ko rin yakapin ang walo kong malalambot na mga unan.Ilang sandali lang ay pilit kong ipinipikit ang aking mga mata upang makatulog na ngunit bigla na lang nawala ang aking pagkaantok kaya naman nagpapalit-palit ako ng pwesto sa iba't-ibang sulok ng aking kama, umaasang muli akong dadalawin ng antok ngunit hindi nangyari.Namalayan ko na lang na nakatitig na lang pala ako sa kisame ng aking silid habang nakabuka ang magkabila kong mga binti at habang unti-unti ko na namang nararamdaman ang pagbalot ng kalungkutan sa aking buong sistema at paglumbay ng aking buong katawan.Parang mayroon talagang kulang sa akin....at hindi ko matukoy hanggang ngayon kung ano 'yon...Nickandra Nicole's POV Isang linggo na ang lumipas simula nang makapasa ako sa interview at matanggap ako bilang personal assistant ni Greg, at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ako ang napili ng management nila. Sobrang dami talaga kasing nag-apply kaya nang makita ko kung gaano kami kadami ay mabilis akong nawalan ng pag-asa ngunit nagdasal pa rin ako at abot langit ang aking pasasalamat nang tawagan nila ako at sabihing sa libo-libong nag-apply ay ako ang bukod tanging napili nila upang maging P.A ni Greg.Sa isang linggo kong pagtatrabaho kay Greg ay hindi ako nahirapan, dahil kahit sa 12 months lang na pinagsamahan at relasyon namin noon ay lubos na kaagad naming nakilala ang isa't-isa. Noon pa kasi talaga ay ako na talaga ang nag-aayos at nag-iintindi ng mga gamit niya. Kagaya ngayon, nandito ako sa kanyang penthouse habang siya ay natutulog pa rin dahil mamayang ala-una pa naman ng hapon ang lakad namin. Pagkapasok ko pa lang kanina ay hindi na ako nagulat
Greg Iverson's POV Naalimpungatan na lang ako nang may naramdaman akong parang dumampi sa aking balat, specifically sa may parteng pisngi ko kaya naman dahan-dahan kong naimulat ang aking mga mata. Noong una ay halos hindi ko pa maibuka ang mga 'yon ng maayos dahil galing pa ako sa napakalalim at napakahimbing na pagkakatulog ngunit nang magtagumpay ako ay kaagad tumambad sa akin ang what do they call it? Losyang? Yes! Tumambad sa akin ang losyang kong personal assistant, wearing again her big blouse and a long skirt with her fucking thick eyeglassess. Idagdag pa ang magulo nitong buhok. Hindi ba talaga marunong mag-ayos ang isang 'to at bakit nakayuko siya mula sa akin na halos magdikit na ang aming mga mukha?! "What the hell are you doing?! Why are you here inside my room?!" Kitang-kita ko ang pagkagulat na mabilis bumalatay sa kanyang mukha nang marinig niyang magsalita ako. Kaagad naman siyang lumayo mula sa akin at tumayo ng maayos sa gilid ng aking kama habang medyo nagpa-
Nickandra Nicole's POVNagulat ako nang bigla na lang niya akong yayaing sumalo sa kanya sa hapagkainan kaya naman ilang segundo muna akong nabato mula sa aking kinatatayuan. Hindi ko talaga iyon inaasahan dahil simula nang magtrabaho ako sa kanya ay never niya akong inalok kumain o kahit sabayan pa siyang kumain. Palagi lang siyang tahimik at parang hangin lang ako sa kanya noon kaya naman hindi ko maiwasang hindi magtaka sa biglaang pagbabago ng trato niya sa akin.At bago pa niya ako mabulyawan ay naglakad na ako kaagad papalapit sa lamesa at naupo sa upuang malayo mula sa kanyang harapan matapos kong maka-recover sa nangyari.Tatayo na sana ulit ako upang makasandok na ng kanin at ulam dahil baka magalit siya kapag ipapaabot ko pa ang mga ito sa kanya nang bigla na lang akong napatigil sa paggalaw nang magsalita na naman siya."Are you dumb, Miss Valencia?! May malubha ba akong sakit para diyan ka maupo sa malayo, ha?!" galit na tanong nito na nakapagpakaba na naman sa akin.Bakit
"H-Hindi po, Sir. M-May naalala lang po ako b-bigla. Hindi ko po kayo p-pinagtatawanan," kaagad kong paliwanag dahil baka mas lalo pa siyang ma-badtrip sa akin.Ilang segundo niya muna akong tinitigan bago siya nagpatuloy sa pagkain. Ako nama'y mas napili ko na lang manahimik at hindi makagawa ng anumang ingay dahil baka mabulyawan na naman niya ako.Ultimo pagnguya ko pati ang pagsandok ko ng pagkain ay dahan-dahan din dahil ayaw ko na naman siyang ma-beast mode.Dahil sa nangyari ay sobrang tahimik ng buong paligid habang kami ay kumakain. Hindi na rin ako nagtangka na nakawan siya ng tingin at mas napili ko na lang ibigay ang buong atensyon ko sa aking kinakain kahit na ang totoo ay kating-kati na akong masulyapan muli siya.Napaangat lang ako ng tingin nang marinig ko ang paggalaw ng kanyang upuan at nang magtama ang aming mga mata ay nakatayo na siya."Clean my room when you are already done with everything that you have to do. I'm just going to work out," seryoso niyang saad hab
Halos hindi na ako makahinga ng maayos habang magkadikit ang aming mga katawan. Idagdag pa na halos magdikit na rin ang aming mga mukha habang lapat na lapat ang mga kamay ko sa kanyang hubad at matigas na dibdib. Ang kanyang mga kamay ay ramdam na ramdam ko mula sa aking baywang habang ang mga mata namin ay nakatitig sa isa't-isa at dahil mas matangkad siya sa akin ay nakayuko siya ngayon.At sa muling pagkakataon, kaagad ko na namang naramdaman ang kirot mula sa aking puso habang nagsisimula na ring magbadya ang aking mga luha, umaasang magkakaroon ng milagro at titigil ang oras para lang mas matagal pa niya akong mayakap ng ganito.Alam kong napakaimposibleng mangyari ng bagay na 'yon kaya naman nang makita kong kumunot na ang noo ni Greg at dumapo na ang kanyang mga mata sa mga kamay kong nagpapahinga sa kanyang dibdib ay mabilis na rin akong humiwalay sa kanya kahit na ang totoo ay labag na labag 'yon sa aking kalooban.Kaagad akong lumuhod upang pulutin ang mga gamit na nabitaw
Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at dali-dali na akong tumakbo pabalik sa kanya. "G-Greg! G-Greg! B-Bakit? A-Anong nangyayari sa'yo?" nag-aalala kong tanong habang nakaluhod na rin ako sa sahig at walang pakialam kahit ang totoong boses ko na ang ginagamit ko.Pagkatapos kong magsalita ay muli na naman siyang napasigaw sa sakit na mas lalo pang nagpalala ng takot at kaba na aking nararamdaman."A-Anong nangyayari, G-Greg? S-Sumasakit ba ang u-ulo mo ng sobra? G-Gusto mong dalhin na kita sa o-ospital?" sunod-sunod kong tanong habang hindi na rin ako mapakali.Hindi ko alam kung saan ko siya hahawakan habang halos mahiga na siya sa sahig habang namimilipit sa sakit at habang pinapanuod ko siya ay hindi ko namalayan na umiiyak na naman pala ako.Sa nanginginig na kamay ay sinikap kong kunin mula sa aking bulsa ang aking telepono upang tumawag na ng ambulansya. Kahit pala may training ka na katulad sa mga pangyayaring ganito ay hindi mo mapipigilang hindi mag-panic at matakot kapag mah
Nang makalabas ako ng elevator ay kaagad kong hinanap ang room number na sinend sa akin ni Aurea. Hindi naman ako nahirapang hanapin iyon dahil nakita ko naman kaagad at imbes na buksan ko ang pinto at pumasok ako sa loob ay mas napili kong maupo muna sa upuan na nasa gilid kahit na ang totoo ay gustong-gusto ko ng pumasok para makita ko ang lagay ni Greg.Ang sabi ni Aurea ay kinakausap pa rin niya sa loob ang mga magulang ni Greg kasama si Sir Bryan kaya hihintayin ko munang may lumabas sa kanila bago ako pasimpleng papasok.Nang ilang minuto pa ang lumipas at hindi pa rin bumubukas ang pinto ay tumayo muna ako at naglakad-lakad upang hindi ako tuluyang ma-bored.Hindi na rin ako medyo nagpakalayo-layo at sa harapan na lang din ng silid ako naglakad-lakad. Habang nagpapabalik-balik ako ay marami pa ring tumatakbo sa aking isipan at lahat ng 'yon ay tungkol sa kalagayan ni Greg.Gusto ko ng malaman kung ano na ang lagay niya, kung okay na ba siya, at kung ano ang nangyari sa kanya at
Naalimpungatan na lang ako nang marinig ko ang malakas na pagsara ng pinto. Nang mabuksan ko ang aking mga mata ay kulay puting ceiling ang sumalubong sa akin at ilang segundo pa muna bago ko na-realize na nakahiga pala ako sa isang hospital bed.Kung wala pa akong narinig na nagsasalita mula sa bandang kanan ko ay hindi ako mapapalingon doon. Kaagad kong nakita si Aurea na parang pinagsasabihan si Leigh and as usual, parang walang pakialam na naman si Leigh sa mga sinasabi nito na nakapagpailing at nakapagpangiti sa akin at pagkatapos kong gawin 'yon ay bigla na lang akong nakaramdam ng kirot mula sa aking ulo at nang dalhin ko doon ang kanan kong kamay ay saka ko pa lang na-realize na mayroon pala akong benda sa aking ulo.Nang marinig nila ang aking pagdaing ay kaagad silang tumakbo papalapit sa akin habang mayroong pag-aalala sa kanilang mga mata nang tingnan ko sila."How are you feeling, Nickandra? Do you want anything? Sumasakit pa rin ba ang ulo mo?" sunod-sunod na tanong kaag